binabasa mo ang...
SERIES: Destiny

Heart Mirage – Start

ILANG minuto mula ngayon, matatapos na ang aking buhay.

Pinaghahanap nila ako. Ang sabi nila, isa akong salot na dapat mawala sa daigdig. Ang iba nama’y kaya ko raw silang iligtas. Naguguluhan ako. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong gawin.

Kailangan ko ng—

Hindi ko pa natatapos ang tina-type ko sa aking computer nang bigla kong narinig ang intruder alarm na aking isinetup laban sa mga masasamang loob. Sa sobrang laki at luwag ng aming pamamahay, maituturing na rin ito ng iba bilang isang palasyo at hindi mansiyon. Ngunit kahit nandito ako sa lugar na ito, nagawa pa rin nila akong sundan.

Wala akong nagawa kung hindi kunin ang maliit na bag na aking inihanda para sa gagawin kong pagtakas. Nakakaasar! Marami naman akong pera at ari-arian pero bakit halos yata lahat ng mga taong nasa paligid ko ay parang galit sa akin.

Pagtingin ko sa surveillance monitor ay lalo pa akong kinabahan dahil sobrang dami pala nila. Halos masuntok ko ang isa sa mga maliliit na tv sa aking harapan. Ano ba kasi ang kailangan nila sa akin at gina-ganito nila ako?

Marahil, nagsimula ang lahat simula nang mamatay ang aking mga magulang at kapatid. Sa isang iglap ay naulila akong lubos. Kahit kabilang ang mga negosyo namin sa mga nangungunang kompanya dito sa bansa ay hindi ko pa rin lubos maisip na mangyayari ang bangungot na ito para sa amin.

Agad kong kinapa ang isa sa mga libro na nakalagay sa bookshelves sa aking likuran. Maya-maya lang ay umuwang ang isang maliit na pintuan sa ilalim na ito. Isa itong secret exit na pinagawa ng aking ama bago pa man naitayo ang mala-palasyong bahay namin.

Pumasok ako roon at agad kong nakapa ang isang maliit na bagay na may kaunting kabigatan. Kinapa ko ito at napansin kong may switch ito. Isa itong flashlight. “Ayos!” sabi ko sa aking sarili habang nagpatuloy ako sa paglalakad sa makipot na daan na iyon.

Ilang minuto ang lumipas at naka-aninag na rin ako ng kaunting liwanag. Sa wakas! Makakalabas na rin ako at makakalanghap ng sariwang hangin! Sa isang banda, ang pakiramdam ko ay ito na yata ang pinakamahabang gabi sa aking buhay. Hindi ko maiwasang mapaluha dahil sa mga nangyari. Mahirap pala ang mag-isa.

Pagkalabas ko sa lagusan, napansin kong nasa malayong lugar na pala ako. Pagtalikod ko ay natanaw ko ang aming bahay. Tinutupok na ito ng malakas na apoy. Napahawak na lamang ako sa aking mga binti dahil nakakawala ng lakas ang nangyari.

Hindi ko alam kung ano ang pagkakamaling nagawa ng pamilya naming sa mga taong humahabol sa akin ngunit alam ko na may mga bagay na dapat akong malaman! Wala akong ideya kung ano ang mga yun ngunit aalamin ko iyon alang-alang sa ikatatahimik ko at ng aking pamilya!

Kailangan kong maging matatag dahil wala na rin akong pagsusulingan mula sa araw na ito. Kung ano man ang magiging resulta, sana, mahanap ko ang wakas, ang katapusan ng masamang panaginip na ito.

AUTHOR’s NOTE

Hindi ko alam kung sa romance, mystery, action o scifi genre ito. Katatapos ko lang kasi manood ng Imortal at agad kong pinatay ang TV pagkalabas ng Green Rose (sorry Ate Anne pero may curfew kasi ako sa TV). Bahala na ang magpapatuloy ng ending nito kung saan ito mapupunta, sana’y bigyan mo ito ng closure. Bow.

TOP DESTINY SERIES RULE

This is one of the special features in TOP wherein members will have the privilege to “finish” the above story. It may contain several endings because members may contribute to it. See list below for more information on how to participate.

  1. FINISH the story (ending must be a total closure) by typing at least 500+ words.
  2. MOST COMMENTED continuation story will be selected for the next round.
  3. POST your story by going to DASHBOARD > Posts > ADD NEW
    1. Select ~Destiny Series as your category
    2. Title Format: Heart Mirage: <Your new title> – End (i.e Heart Mirage: Summer Breeze – End)
  4. Adding Author’s Note is recommended but not required.
  5. Gils reward for non-winner: +300! (as consolation prize)
  6. Gils reward for most-commented ending: +500!
  7. We will approve all possible endings at the end of the month (or whenever they are posted here)

About 3m1ly70p

Aspiring writer and currently a medical practitioner. I love TOP! :)

Talakayan

8 thoughts on “Heart Mirage – Start

  1. i want to read the tittle of destiny but. How? Huhu

    Posted by thania | Oktubre 24, 2013, 9:03 umaga
  2. this sounds exciting…actions plus adventure ang gusto kung story nito…

    Posted by Dianne Isabel | Pebrero 6, 2013, 5:30 hapon
  3. mystery and adventure.hehe. ganda,

    Posted by belle garcia | Pebrero 4, 2012, 2:30 umaga
  4. mysteryy

    Posted by kath_0212 | Nobyembre 4, 2011, 8:58 hapon
  5. mystery na lang… jejeje…

    para exciting…

    Posted by annei _1990 | Nobyembre 3, 2011, 4:44 hapon
  6. parng hrap gwan nto..mystery yta.hehe

    Posted by kkeith | Mayo 6, 2011, 10:51 hapon
  7. hindi nako makapag hinatay sa next chapter…

    Posted by totzkie2 | Abril 12, 2011, 4:34 hapon

Trackbacks/Pingbacks

  1. Pingback: Heart Mirage: The Awakening – END – Tagalog Online Pocketbook - Mayo 7, 2011

Ano ang iyong masasabi sa iyong nabasa?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

TOP Calendar

Abril 2011
M T W T F S S
« Mar   May »
 123
45678910
11121314151617
18192021222324
252627282930  

Mga Istorya

Aming Nakaraan

%d bloggers like this: