binabasa mo ang...
Breaktime

Breaktime! – Lesson 4: Rock of Penny

SA pagsisimula ng araw niya ay ngayon niya lang napansin na ito ang pinakamagandang umaga na nakita niya. Paano ba naman kasi, katatapos lang ng malakas na unos kagabi at ngayon ay damang-dama niya ang malamig na simoy ng hangin. Mas lalo pa itong pinakaganda ng mga huni ng ibon na tila inaawitan siya habang naglalakad siya papasok sa gate ng kanilang unibersidad.

Agad niyang nakita sina Fides at Elpis na tila may hinihintay.

“Good morning girls, what’s up?” bati niya dito.

Tahimik lamang ang dalawa na tumango at hindi man lang nagsalita ang dalawa. “Oh bakit tahimik kayo?”

“Eh kasi itong si Elpis eh…” wika ni Fides pagkatapos na ituro ang katabi gamit ang hintuturo nito.

Namilog naman ang mata ni Elpis na tila nabigla sa ginawang pagturo nito sa kaniya. “Oh, anong ako?”

“Kasi ikaw!”

“Anong ako nga!?”

“Teka nga! Ang gulo ninyong dalawa ha. Ikaw Fides at Elpis, anong kalokohan ang isasalubong ninyo sa aking dalawa ha?”

“Eh kasi po–”

“Birthday ko! At yayayain ka namin mamayang gabi na kumain sa labas!” pagtatapos ni Elpis sa kalokohan nila sabay ngiti ng malaki.

“Aysos! Yun lang naman pala! Sige! Mamaya pagkatapos ng klase! Kayo talaga, pasaway kayo, pinahirapan nyo pa ako!”

Bigla na lamang sumulpot sina Trey at Katie sa likuran nilang tatlo. “Talaga!? May magpapa-burger ba mamaya? Tama ba narinig ko Elpis?” si Katie.

Inakbayan ni Trey si Elpis bago ginulo ang magandang hairdo nito. “Sama ako diyan ah! Sagot ko na ang pag-ubos sa handa mo.” sabay halakhak.

“Ha ha, nakakatawa.” pang-aasar ni Elpis kay Trey.

Sabay-sabay silang pumasok sa loob ng paaralan upang simulan na ang kanilang klase. Lingid sa kanilang kaalaman ay may isang matangkad at may maikling buhok na babae na kanina pa pinagmamasdan ang kanilang biruan. At base sa ekspresyon ng mga mata nito ay mababakas ang isang malalim na kalungkutan.

“Nakakainggit naman…” bulong nito sa sarili bago tumakbo papasok sa kanilang paaaralan. Nagsara na ang mga gates ng kanilang unibersidad sa pagsisimula ng klase.

GAYA ng nakagawian, laging kontra sa mga tinuturo niya si Chloe. Kesyo hindi raw tama ang mga dates na kaniyang sinasabi. Kesyo mali ang spellings sa mga notes niya. Lagi itong may puna sa anumang bagay.

“Eh sir, mali naman–” muling sabi ni Chloe bago ito natigilan sa susunod pa nitong sasabihin.

Binaba niya ang chalk na kaniyang hawak bago siya pumuwesto sa likuran ng silid saka umupo sa bakanteng lamesa duon. “Ok ok, I got it. If you think that I am wrong, why don’t you teach for today Chloe?”

“Huh? Seryoso ka ba?”

“Yes I am.”

“Baka pagsisihan mo ang gagawin mo. Remember, pag nalamangan pa kita ng dalawa pang beses ay kailangan mo ng mag-resign sa pagiging teacher mo at–”

“–at hindi na bumalik sa pagtuturo kailanman, kalimutan na ang pag-aaral, blah blah. Narinig ko na yan Chloe, wala bang bago?”

“Actually meron, marami. Gusto mo isa-isahin ko?”

“Kahit pagsabay-sabayin mo pa.”

“At talaga namang–”

Agad na may tumayong babae sa harapan ni Chloe. Matangkad ito na halos kasing-taas ni Chloe at may maikling buhok. Isa ito sa mga estudyante niya, si Penelope. “This is getting boring.”

Tumaas ang kilay ni Chloe sa narinig bago ito humalakhak. “Sinabi mo pa Penny. Tama ka diyan!”

Tiningnan nito si Chloe mula ulo hanggang paa. “Let me rephrase. You are getting boring Chloe. Lately, lahat ng mga sinasabi mo sa mga turo ni Sir Flik ay puro non-sense na. Dati hindi ka naman ganyan mag-express ng opinion mo.”

Umusok naman sa galit si Chloe. “Aba, at ako pa ngayon ang boring? Teka, akala ko ba kasama ka sa kasunduan ng buong klase na hindi na tayo magtitiwala sa kahit kaninong teacher? Nawala na ba ang pasensiya mo na hindi sila pagkatiwalaan ha?”

“Whatever.” sagot ni Penelope kay Chloe bago ito lumapit sa kaniya. “At ikaw naman Sir Flik, umiiksi ata ang pasensiya mo sa bruhang yan. I’m sorry but I had enough for today. I shall take my leave.”

Natameme naman ang buong klase sa narinig nila mula kay Penelope. Sa lahat ng mga estudyante sa silid na iyon, si Penelope ang pinaka may mahabang pasensiya sa lahat.

Ngunit sa pagkakataong ito, tila bakas sa tono ng pananalita nito ang isang pag-aalala. Isang pag-aalala na naramdaman niya kahit hindi ito nagsalita ng deretso sa kaniya liban na lang sa sermon nito kanina.

PAGKATAPOS ng klase ay agad silang pumunta sa McFoonalds para kumain ng hamburger. Sagot ni Elpis ang lahat kaya todo ang ginawa nilang order. Pagdating ng kanilang pagkain ay hindi nila naiwasan na pag-usapan ang nangyari kanina sa klase.

“Tapatin niyo nga ako, mali ba ako sa ginawa ko kanina?” tanong niya sa apat na estudyante niyang abala sa pag-nguya ng BigFoo.

Tumango lamang ang apat at nagpatuloy sa pagkain na libre ni Elpis.

“But I can’t believe na magsasalita si Penelope ng ganun. Diba?”

Tumango lamang ulit ang apat bago sabay-sabay na uminom ng kanilang softdrinks.

“Pero sa tingin ko, may problema yang si Penelope eh. Kung pag-uusapan ang seniority, halos ka-level niya si Chloe. Nagtataka lang ako at bakit parang iniwan niya sa ere si Chloe habang ginigisa ako ng mangkukulam na yun. Ano sa tingin nyo?”

Tumangong muli ang apat bago sabay-sabay na nagpunas ng kanilang mga bibig gamit ang tissue.

“Teka nga, napapansin ko na hindi niyo ako pinapansin ah!?” reklamo niya sa apat niyang estudyante.

“Hindi naman Sir!” si Katie.

“Oo nga! Kung hindi ka namin pinapansin, eh di sana wala kami dito ngayon.” si Trey.

“Sakto! At kung wala kami dito, eh di sana hindi ka namin pinapansin.” si Fides.

“Bingo! At kung pinapansin ka namin ibig sabihin nun eh nandito kami.” si Elpis.

Magkasabay na bumagsak ang mga balikat niya. Sa dinami-dami ng mga estudyante na naging close sa kaniya, bakit itong apat pa ang napunta sa kaniya. “Whatever.”

Pagkatapos niyang magmuni-muni ay agad niyang napansin ang isang pamilyar na babae na naglalakad papalayo sa restaurant na kanilang kinakainan. May maikli itong buhok at may katangkaran din ito. Naka-Rominian University uniform pa ito. Si Penelope ata ito!

Agad siyang tumayo at nagpaaalam sa apat niyang estudyante. Kahit birthday ni Elpis, sigurado siyang maiintindihan siya nito kung bakit umeskapo kaagad siya.

Hinabol niya ang babae na nakita niya kanina na may maikling buhok at may katangkaran. Paghawak niya sa mga balikat nito ay nagulat na lamang siya sa kaniyang nakita.

“Penelope!”

“Excuse me?” sagot ng babae sa kaniya. Kamukha lamang nito si Penelope at hindi ito ang pakay niyang kausapin.

“I’m sorry. Akala ko kakilala ko.”

Hindi naman siya pinansin ng babae at agad itong naglakad papalayo sa kaniya. Samantalang siya ay naiwan na nag-iisa sa gilid ng kalye. Noon niya lang napansin na malapit pala siya sa isang maliit na parke. Sa gitna nito ay mayruong maliit na fountain na punong-puno ng ilaw. Umupo siya sa gilid niyaon.

“ANO ba itong nangyayari sayo Flik.” sabay sabunot sa sarili. “Baka nga tama ang estudyante mo– nawawalan ka na ng pasensiya.” sabi niya sa sarili.

May narinig siyang paggalaw sa tubig ng fountain. Isang bato na tila kakabagsak pa lang sa loob nito. Nanggaling ito sa kaniyang likuran. Paglingon niya ay parang naibsan ang kaniyang pag-aalala.

“Penelope, ikaw pala.”

“Penny na lang ang itawag mo sa akin sir.”

“Kanina ka pa ba diyan?”

“Opo. In fact, kanina ko pa kayo sinusundan.”

“Kami? Kailan pa?”

“Kaninang umaga. Tapos sa restaurant. Then hanggang dito.”

Nagtaka naman siya sa mga sinasabi nito. Hindi niya akalain na sinusundan pala sila ni Penny. Kung ano man ang rason, ito na ang tamang pagkakataon upang tanungin niya ito.

“Hindi ko alam kung paano sisimulan pero nasapol mo ako kanina sa sinabi mo.” panimula niya.

Lumapit sa kaniya si Penelope bago ito tumabi sa kaniya. “Nasapol? Paano naman?”

“Nasapol in a sense na parang nawawalan na nga ako ng pasensiya. Halos mapatid na nga kanina dahil sa ginawa ni Chloe.”

“Ahh, yun ba? Wala yun. Totoo naman eh.”

“May itatanong ako, pwede ba?”

“Ok lang sir, sige.”

“Anong ibig niyong sabihin na nagkaruon kayo ng kasunduan na hindi na magtitiwala sa kahit kaninong teacher ninyo? May alam ka ba na hindi ko alam?”

Bumuntong-hininga lamang is Penelope. “Mahabang kwento sir.”

“Eh di paikliin mo. I will try to understand whatever you will say.”

“Sigurado ka sir?”

“Siguradong-sigurado.”

Tumayo ito sa harapan niya bago siya nito siniil ng halik sa labi. Nakapikit ito habang magalang na nakadikit ang mga labi nila sa isa’t isa. Hindi niya alam kung ano ba ang pumasok sa kokote nito pero kailangan niyang pagkatiwalaan ito. Marahil, isa ito sa mga paraan upang lubusan niyang maintidihan ang problema ni Chloe.

Pagdilat ng mga mata ni Penelope ay agad itong nagsalita. “Umibig ng husto si Chloe sa teacher namin noon. At gaya ng mga tragic love stories, nabigo siya dahil hindi sinabi ng teacher namin na may asawa at anak na pala ito. As expected from a girl whose heart was torned into pieces, she resorted into revenge. Revenge which she can never inflict to the man she loved.”

Huminga siya ng malalim bago ibinaling ang kaniyang paningin sa bato na nasa ilalim ng fountain. “I see.”

“I see? Yun lang ang sasabihin mo?” reklamo ni Penelope.

“What do you want me to say?”

“I’m expecting more. Like, ‘Penny, ang galing mong humalik.’ O kaya, ‘Wow Penny, in love na ata ako sayo.’ Something like that!” sabi nito sa may kataasang tono.

Ngunit nanatiling kalmado ang boses niya. “I’m sorry Penny but I’m not like the teachers you’ve known before. I do admit na marunong at magaling kang humalik but that is not enough for me to fall in love with someone like you. And even if I did, I can never fall in love with a student nor anyone else.”

Natahimik naman si Penelope bago ito tumakbo papalayo sa kaniya. “Stupid ka rin pala!”

Agad naman niyang nahawakan ang kamay ni Penelope kung kaya’t hindi rin ito nakalayo sa kaniya. “This time, I think I can finally say na ikaw ang nawalan ng pagpapasensiya sa lahat. Masyado kang nagmamadali na magbabago si Chloe and that was my mistake earlier. If you think that by telling Chloe’s past to me is a big help, then mali ka. Wala akong kakayahan na baguhin sa isang kisapmata ang katarayan ng isang tao.”

Hindi na nakapagsalita si Penelope. Ang tanging nagawa na lamang nito ay umiyak ng umiyak sa dibdib niya habang patuloy ang pagkislap ng mga ilaw sa fountain sa kanilang tabi.

KINABUKASAN, sa Class 4-7…

“Going back to what I’m saying–”

“Sir, wala bang bago?” reklamo na naman ni Chloe.

Nag-uusok naman sa galit sina Katie, Trey, Fides at Elpis dahil sa muling pang-aasar ni Chloe sa kaniya. Ngunit agad niya itong sinenyasahan na maging pasensyoso at tumahimik na lamang.

“Actually mayruon.”

“Talaga? At ano naman? Siguraduhin mong interesting yan.”

“Oo naman, at para sa iyo ang kwentong ito Chloe.” dahan-dahan niyang binaba ang kaniyang libro saka umupo sa desk. Tiningnan niya ng deretso Chloe.

“Handa ka na ba?”

“Kahit di mo sabihin.” sarcastic na sagot ni Chloe sa kaniya.

“May mag-asawa na naninirahan sa isang siyudad, ang mister niya ay heneral ng isang malaking hukbo. Nuong ipinatawag ang mister niya para lumaban sa digmaan, nalungkot siya dahil magiging mag-isa na lang siya. At yun nga ang nangyari. Pero nangako siya na maghihintay at magtitiis sa pagbabalik nito.”

“Isang araw, dumating ang isang katiwala ng hari upang siraan ang heneral at ang asawa nito. Pumunta ito sa bahay ng babae upang pilitin itong magpakasal sa iba dahil ayon dito ay patay na ang kaniyang asawa.”

“Ngunit nanatili ang pagiging pasensyosa ng babae sa paghihintay. Naniwala ito na hindi pa patay ang kaniyang mister at babalik ito anumang araw mula ngayon. Isang araw, dumating ang mister niya galing sa labanan. Hindi siya makapaniwala sa kaniyang nakita at agad siyang kinutuban na baka impostor at pakulo lamang ito ng masamang katiwala ng hari upang siraan sila.”

“Dahil dito ay hinamon niya ito. Kung magagawa nitong mapatama ang palaso ng pitong beses sa pinakagitnang bahagi ng kahoy na malayo sa kanila ay saka lamang siya maniniwala na ito nga ang asawa niya. Hindi makapaniwala ang babae dahil nagawa nga ito ng lalake. Noon lang siya naniniwala na ito nga ang kaniyang asawa at muli itong nagbalik mula sa digmaan.”

“Eh ano naman ang kinalaman sa akin ng istoryang iyon, aber?” asar na tanong ni Chloe sa kaniya.

Inismiran lang niya ito. “Wala naman.” Pagkatapos ay tiningnan niya si Penelope saka ngumiti. “Pero ang pangalan ng babae sa kwento ko ay si Penelope. Minahal ang kaniyang katangian ng mga paganong romano dahil sa angkin nitong pagtitiis na muling magbabalik ang kaniyang asawa mula sa labanan. Sa huli, hindi siya nabigo.”

Tumango lamang si Penelope sa kaniya bago siya nito binigyan ng isang approve sign. Sa pagkakataong iyon, tuluyan nilang nalaman ang tunay na kahulugan ng pagtitiis at pagpapasensiya. Kung wala ito, tiyak na sila ang pagsisimulan ng kaguluhan at pag-aaway sa paligid nila. Buti na lang at meron pa rin sila nito.

About foobarph

lamp developer. foss apprentice. ink&lens squire

Talakayan

3 thoughts on “Breaktime! – Lesson 4: Rock of Penny

  1. yah…patience..

    Posted by regino | Nobyembre 16, 2013, 2:53 hapon
  2. Nice

    Posted by eli | Nobyembre 9, 2013, 9:17 umaga
  3. mcfoonalds tlga?
    har!har!😀
    pgtitiis mdami aq nyan..unfortunately pcensya wla aq nun sa bakery mdami. hehe

    Posted by aileen | Oktubre 24, 2013, 12:18 umaga

Ano ang iyong masasabi sa iyong nabasa?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

TOP Calendar

Marso 2011
M T W T F S S
« Feb   Apr »
 123456
78910111213
14151617181920
21222324252627
28293031  

Mga Istorya

Aming Nakaraan

%d bloggers like this: