binabasa mo ang...
Breaktime

Breaktime! – Lesson 3: Eros Arrow

MAAYOS namang natapos ang klase niya ngayon. Nagtataka siya kung bakit ‘behave’ ang kaniyang mga estudyante, lalo na ang grupo nila Chloe na alam niyang ayaw ng mga ito sa kaniya.

Hindi na niya pinansin iyon at mabilis siyang lumabas ng classroom. Iniiwasan kasi niyang mapagdiskitahan siya ng grupo ni Chloe– mabuti na rin ang nag-iingat kesa mahulog sa bitag ng mga ito. May usapan kasi sila na kapag naisahan pa siya ng mga ito ng isang beses ay kailangan niyang mag-resign bilang homeroom teacher ng mga ito.

“Sir! May tanong po ako!” ngiti ni Fides, isa sa mga estudyante niya.

Pilit niyang inalala kung kabilang ba ito sa grupo nila Chloe. Nang mapagtanto niyang hindi ay nakahinga siya ng maluwag. At least, less threat ito sa kaniya. “Ano yun Fides?”

“Dun kasi sa kwento mo sa amin kanina, medyo naguguluhan ako kung bakit trinaydor ni Psyche si Eros?” tanong ni Fides.

Nagulat siya sa tinanong nito. Yun ang pinakamahirap na parte sa i-kinuwento niya kanina dahil kahit siya ay naguguluhan din sa nangyari. “Pwede ba nating pag-usapan yan sa ibang araw?”

Nainguso na lamang ni Fides ang mga labi nito sa sagot niya. “Ok lang, kayo ang bahala. Pero kapag hindi ninyo sinagot ang tanong ko–” may kinuha ito sa bag niya.

Pagkakita niya sa kinuha nito ay agad niyang hinila si Fides sa lugar kung saan walang makakakita sa kanila. Sinensiyasan niya ito na tumahimik. “Pa-paano mo nakuha yan!? Saan mo nakuha yan!?”

Ngumisi naman si Fides. “Isang sekretong malupet sir. So paano, sasagutin mo na ba ang tanong ko?”

Tumamlay naman ang mga balikat niya. Wala na siyang choice kung hindi pagbigyan ito. “Sige, sasagutin ko na. Pero bigyan mo ako ng kaunting panahon para hanapin ang sagot.”

“Hindi pwede.”

“Ha!?”

“Hindi pwedeng mangyari yang request mo.” pumunta sa likuran niya si Fides bago nito kinurot ang tagiliran niya. Bahagya siyang nakiliti sa ginawa nito. “Not unless kung papayagan mo akong makitulog sa inyo hanggang sa malaman ko ang sagot.”

Para siyang binagsakan ng puno ng buko sa sinabi nito. “No– no way!”

“Yes way and let’s go! Pagluluto kita ng hapunan ngayon.”

Natulala na lamang siya sa sinabi nito habang pinapanood niya na lumulukso ito sa excitement at tuwa. Ngayon niya lang na-realize na may tinatago pala itong kagandahan sa likod ng mga dimples na pinakita nito sa kaniya kanina.

Ganunpaman, hindi sapat ito upang manaig ang ka-kyutan nito sa kaniya. Isa siyang guro at dapat siyang magsilbing halimbawa sa kaniyang mga estudyante! Besides, hindi pa naman siya nagkakaroon ng kahit isang girlfriend sa buong buhay niya. Ewan ba niya pero wala sa isip niya ang magka-relasyon ngayon. Mas mahalaga sa kaniya ang kaniyang tungkulin kesa sa personal niyang nararamdaman o mararamdaman sa hinaharap.

Pagkatapos niyang sundan si Fides ay may isang anino na lumitaw sa di kalayuan nila. Ngumiti ito pagkatapos na bumulong sa sarili. “Nahulog ka rin sa bitag namin.”

PAGDATING niya sa bahay– kasama si Fides–

“Wow! Ang ayos mo pala sa gamit sir!” papuri ni Fides habang pinagmamasdan ang kabuuan ng maliit na apartment na tinutuluyan niya. Mabilis itong pumunta sa kusina at naghanda ng makakain nila gaya na rin ng sinabi nito sa kaniya– na ipaghahanda siya nito ng hapunan.

Naihilamos na lamang niya ang kaniyang mga kamay sa mukha sa ginagawa ni Fides. “Look, you don’t need to do this. I know may hawak kang alas na nakakahiya sa part ko but this is too much torture.”

“I’m not torturing you sir. Isa pa, I always want to do this.”

“Talaga lang ha?” kumuha siya ng isang libro sa bookshelves bago niya ito ibinigay dito. Isang cookbook. “Then do this for me.”

Kinuha iyon ni Fides at abot hanggang tenga ang ngiti nito. “Right away sir! Give me twenty to thirty minutes to finish this recipe at siguradong hinding-hindi mo makakalimutan ang sarap ng luto ko!”

“Yabang nito. Simulan mo na habang nag-aayos ako ng gamit ko.”

“Oki doki!”

MABILIS siyang pumasok sa kwarto niya at tinawagan si Katie. Nakakailang-ring na siya ngunit hindi nito sinasagot ang tawag niya. Marahil ay hindi nito hawak ang cellphone o di kaya ay busy ito.

Sinubukan niyang tawagan si Elpis ngunit hindi rin ito sumasagot. “Come on! Ikaw ang pinaka-kailangan ko sa pagkakataong ito!” bulong niya sa sarili.

“Hello?” bati sa kaniya sa kabilang linya ng telepono.

“Thank goodness sinagot mo Elpis!”

“Sir? Sir Flik?”

“Oo! Ako nga ito! Elpis, I badly and mercifully need your help!”

Humalakhak ito na parang nakakaasar lang. “Aba, ang pinakamagaling kong sir eh humihingi ng tulong sa akin? At bakit naman kaya?”

“Ka– kasi! Ano!”

“Ano yun sir? Wag ka ng mahiya. Gusto mo akong yayain ng date no?”

“Hindi!”

Halos mabingi si Elpis sa lakas ng sigaw niya. “Aray! Fine! Bye!”

“No no no! Wait! I mean, hindi yun ang rason kung bakit ako tumawag sayo!”

Tumahimik sandali bago muling nagsalita si Elpis. “Oo na, ano ba kasi yun sir?”

“Kasi si Fides, nandito sa flat ko ngayon!”

“Ha? Fides? Sino yun?”

“Di mo siya kilala? Kaklase mo kaya siya! I’m trapped with her until I get the answer sa tinatanong niya. That’s why I need your help!”

“So… you need my help, regarding sa– tinatanong niya, right?”

“Exactly! Tumpak! Sapol!” masaya niyang sabi bago niya hinintay ang tugon niya.

“Sorry but I’m not available right now. Busy ako.”

“You must be joking! He– hello!? Elpis!? Nandiyan ka ba pa ba? Hello!?” sabi niya ngunit binabaan na siya ng telepono nito.

“I– I’m doomed.” bulong niya sa sarili bago awtomatikong bumagsak ang kaniyang sarili sa kama niya.

Bigla ay dahan-dahang bumukas ang pinto. “Sir, dinner is ready.” mahinang sabi ni Fides bago siya nito binigyan ng matamis na ngiti.

“I’m so dead!”

PAGKATAPOS ng hapunan at makapag-ayos ng sarili ay agad niyang kinuha ang kaniyang unan at kumot mula sa kwarto. Mabilis siyang naglatag sa sala at sinabihan si Fides na sa kwarto na lamang niya matulog.

“Sir, dito na lang ako sa sala.”

“Hindi pwede. Bisita kita at nakakahiya naman kung dito ka pa matutulog sa sala.”

“Sigurado ka ba? Sige ka, baka mamaya, mas marami pa akong ‘sekreto’ na malaman sayo pag pinatulog mo ako sa kwarto mo.” pananakot nito sa kaniya.

Huminga na lamang siya ng malalim. “Bahala ka. May tiwala naman ako sayo. Goodnight.”

Tila natahimik naman si Fides at hindi na muling nagsalita. “Tiwala…” Pumasok ito sa kwarto niya at nagsara ng pintuan.

“Ano kaya ang nakain nun at biglang tumahimik? Ah! Bahala na!”

KINAUMAGAHAN…

“Fides, gising na. May pasok pa tayo.” nakakailang katok na siya ngunit hindi pa rin nagbubukas ng pinto ito.

Pumunta siya sa storage room saka kinuha ang duplicate key ng kwarto niya. “Excuse me lang ha, pero papasok na ako.”

Laking gulat niya ng mapansin na wala na ito sa kwarto niya. Hinalughog niya ang kaniyang personal na drawer kung merong nagalaw dito o nawala ngunit maayos pa naman ito at mukhang hindi nagalaw. Nasulyapan niya ang isang sulat sa ulunan ng kama niya. Kinuha, binuksan at binasa niya ito.

“Sir, thank you po. Alam ko na ang sagot sa tanong ko. Naghanda pala ako ng almusal na sandwich. Initin mo na lang. Bilisan mo sa pagpasok ha. Pag na-late ka, game over ka na, hahaha! Love you!”

“No way! Kailangang lumipad na ako papunta sa eskwelahan!” simbilis niya si Flash kung kumilos at mag-ayos ng sarili. Kailangang maunahan niya si Fides sa eskwelahan dahil kung hindi, malalaman ng lahat ang sekreto niya!

SA Rominian University, Class 4-7…

Mabilis niyang binuksan ang pintuan ng kanilang classroom at laking gulat na lamang niya ng makita na present lahat ng kaniyang estudyante. Agad niyang hinanap si Fides, nasa tabi ito ni Chloe.

“Sinasabi ko na nga ba at kasangkot ang babaeng ito sa world domination ng Chloe na ito eh!” sisi niya sa sarili habang binabagtas ang kaniyang pulpito.

Nagtaas ng kamay si Chloe bago ito tumayo. “Sir! May tanong ako!”

“Patay!” bulong niya sa sarili. Siguradong dito na magsisimula ang katapusan niya! “A– ano yun Chloe?” sagot niya dito kahit alam niya sa sarili niya na may masama itong binabalak sa kaniya.

“May nangyari ba sa inyo ni Fides kagabi?” tusong tanong ni Chloe habang nakangisi ito sa kaniya.

Mabilis pa sa agos ng nasirang tubo ng tubig ang pagtagaktak ng pawis niya. Alam nito na natulog si Fides sa bahay nila kagabi at hindi niya alam kung paano niya ito sasagutin.

Tiningnan niya si Fides at pilit na pinadalhan ng telepathy message na– “Sabihin mong wala Fides! Wala!”

Nilingon ni Chloe si Fides. “Diba Fides, totoo na niyaya ka ni sir sa flat niya?”

Tahimik lamang na pinagmasdan ni Fides si Chloe. Hindi ito sumagot.

“Totoo rin diba na may ‘nangyari’ sa inyo kagabi?” may diin na sabi ni Chloe.

Halos hinihintay ng lahat ang sasabihin ni Fides sa mga paratang ni Chloe sa kaniya. Kapag umoo si Fides ay tiyak na katapusan na niya bilang isang guro. Tiyak na hindi na niya matutupad ang kaniyang pangarap na maging isang magaling na guro.

“Oo, totoo lahat ng sinabi mo Chloe.”

Halos mapaindak sa tuwa si Chloe sa sinabi ni Fides. “Kitams. So paano yan sir, two points ka na?”

Maging sina Katie, Trey at Elpis ay hindi makapaniwala sa bilis ng pangyayari. Nagtagumpay si Chloe na makapuntos muli sa ikalawang pagkakataon ang kinikilala nilang guro. Kung mawawala si Sir Flik, tiyak na sila ang pagbubuntunan ng galit ni Chloe dahil wala ng magtatanggol sa kanila.

Tumayo si Elpis. “Hoy Fides, anong pruweba mo sa mga sinasabi mo ha?”

Ngumiti lamang si Fides bago ito lumapit kay Elpis. “Oo nga Elpis, ano nga ba ang pruweba ko sa mga sinasabi ko? Teka–” nilingon nito si Chloe. “May ebidensiya ka ba sa mga binibintang mo sa ginawa ko Chloe?”

Halos naguluhan si Chloe sa sinabi ni Fides, maging ang kaniyang mga kaklase at maging siya. “A– anong sinasabi mo?”

“Ewan ko nga rin Chloe eh. Pero totoo ang sinasabi mo na niyaya ako ni Sir Flik sa flat niya. At nag-request siya na mag-prepare ako ng dinner para sa kaniya kasi balita niya na magaling akong magluto. At yun ang ‘ginawa’ namin– ang kumain.” may pang-aasar na sabi ni Fides kay Chloe.

“Regardless! Pero natulog ka sa flat niya! Ano pa ba ang pwedeng mangyari during that night!?” si Chloe.

Nilapitan siya ni Fides bago pinunit ang picture sa harapan ng buong klase na tinatago nito sa bulsa. Nginitian siya ni Fides bago yumuko upang humingi ng tawad. “Mabilis na nakatulog si sir at umalis din ako kaagad pagkatapos kong mag-prepare ng sandwich para sa breakfast niya. And if you don’t believe me, why don’t you call my mom for proof?”

“Pinagkatiwalaan kita para sa operasyong ito Fides! Pero anong ginawa mo, sinira mo ang plano natin! Ok na sana pero isa kang traydor sa grupo! Bakla!” Napasuntok lamang si Chloe sa desk nito bago ito nag-walk-out sa klase.

Kasunod nito ay lumabas din ang mga taga-sunod ni Chloe at ang naiwan na lamang sa klase ay sina Katie, Trey, Elpis, Fides– at siya.

“Wow, what a show. Maski ako hindi ko alam ang sekreto ni Fides ha?” si Trey habang kinakausap ang sarili.

Nakahinga naman ng maluwag si Katie. “Grabe! Di ko kinaya ang mga pangyayaring ito! Kung alam ko lang na magkakaganito, dapat pala di ko iniwan sa kotse ang cellphone ko!”

“Ako rin, dapat tinulungan kita kagabi sir sa tinatanong mo.” si Elpis.

Napaupo rin siya sa arm desk na malapit sa kinatatayuan niya. “Whew, natapos rin. Ano ba kasi talaga ang nangyari ha? At ano yung sinabi niyang bakla? Loko yun ah! Ganda ganda mo kaya!”

“Hindi mo pa yata alam sir pero totoo ang sinabi ni Chloe. I’m gay– and I’m beautiful.”

“ANO!?” koro ng tatlo.

“Actually, si Chloe lang ang nakakaalam ng sekreto ko and I’m trying my best na walang makaalam dahil gusto ko yung pinupuri ako. Pero nung nag-decide na si Chloe na umaksyon against you, ginamit niya ako para sa kaniyang evil plans. Siyempre pag hindi ako sumunod, tiyak na ibubulgar niya ang sekreto ko. Which now, ginawa na nga niya.”

“You– you got me there! Pero kunsabagay, hindi ko nga rin alam dahil bago rin lang ako dito.”

“Oo nga, naisahan ko kayo dahil first and school year ko na dito sa Rominian University. Ibig sabihin, I just transferred last year kaya hindi pa masyadong mainit ang issue against my gender.”

“Oo na. Panalo ka na and I admit, naisahan mo ako dun.”

Ngumiti lamang si Fides bago ito muling nagsalita. “No sir, ako ang naisahan mo dahil nagbago ang plano dahil sa isang salita na sinabi mo sa akin.”

“Salita? Anong salita?”

“Tiwala. Sinabi mong may tiwala ka sa akin kagabi kahit na hindi mo pa ako masyadong kilala. At ikaw lang ang unang nagsabi sa akin niyan.”

“Ahh… yun pala! Ikaw talaga, hindi naman!”

“Yung tungkol sa sekreto mo, atin-atin na lang yun! Di makakalabas yun! At alam ko na rin pala ang sagot sa tanong ko.”

“Buti naman! Basta wag mong ibubunyag ha? Saka aling tanong? Kung bakit trinaydor ni Psyche si Eros?”

“Opo. At ang sagot ay, dahil nagtiwala si Psyche sa mga maling tao sa paligid niya dahil sa paninira nila kay Eros. Pero sa huli, nang ma-realize niya na mali ang mga ito ay higit niyang pinagkatiwalaan ang nararamdaman niya kay Eros at sa huli ay naging sila. Ito ang istorya ng anak ni Venus na si Eros at ni Psyche na kinaiingitan ng lubos ni Venus.” pagpapaliwanag ni Fides.

“Eh paano yan, galit na sayo si Chloe at traydor ka daw. Anong gagawin mo?”

“Simple lang. Gagawin ko din ang ginawa mo.”

“Na magtiwala?”

“Oo… nagtitiwala ako kay Chloe na magbabago din siya kaya sana sir, tulungan mo po ako.”

Hinawakan niya ang balikat ni Fides na halos maluha-luha na sa nangyayari. “Akong bahala. At kung ano man ang iyong piniling pagkatao, matatanggap din namin iyon. Diba guys?”

About foobarph

lamp developer. foss apprentice. ink&lens squire

Talakayan

5 thoughts on “Breaktime! – Lesson 3: Eros Arrow

  1. Whahahah Traydor Daw Si Fides !

    Posted by IvyqtSyryne | Oktubre 24, 2014, 9:43 hapon
  2. trust ang lesson s chap n eto.

    Posted by regino | Nobyembre 16, 2013, 2:39 hapon
  3. Wow . . Nkakatouch ang guro. .

    Posted by eli | Nobyembre 9, 2013, 8:33 umaga
  4. dumadami n taga sunod n sir flik. yeheyyyy galing galing!🙂

    Posted by aileen | Oktubre 23, 2013, 11:57 hapon
  5. Wow nice ahhh… Ang daming learnings… :):):):)

    Posted by uhydee | Oktubre 8, 2013, 2:10 umaga

Ano ang iyong masasabi sa iyong nabasa?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

TOP Calendar

Marso 2011
M T W T F S S
« Feb   Apr »
 123456
78910111213
14151617181920
21222324252627
28293031  

Mga Istorya

Aming Nakaraan

%d bloggers like this: