binabasa mo ang...
Breaktime

Breaktime! – Lesson 1: Red Coral

UNANG araw niya sa pagtuturo ngayon.

Bago pumasok ay sinigurado niya muna na magiging kaaya-aya siyang tingnan. Masaya siya dahil ito ang araw na magkakaruon ng katuparan ang kaniyang pangarap—ang maging isang ganap na guro!

Pagkapasok pa lang niya sa eskwelahan ay agad na niyang nakita ang malawak nitong balkonahe. Maituturing na kahanay ng Rominian University ang iba pang mga exclusive schools na matatagpuan sa mga mayayamang bansa. Oo, kinakabahan siya dahil sa mga estado ng pamumuhay ng mga nag-aaral dito pero ipinangako niya sa kaniyang sarili na mas mananaig pa rin ang dignidad at dedikasyon niya sa pagtuturo.

Papasok na siya sa building kung saan matatagpuan ang kaniyang classroom nang bigla siyang may nakitang isang babae na tila may hinahanap. Nilapitan niya ito at kinausap.

“Hi miss, anong problema?”

Tumingin sa kaniya ang babae. Agad niyang napansin ang kakaibang kislap sa mga nito. Mahaba ang kaniyang buhok at may maganda itong pangangatawan. Para siyang nakatagpo ng isang buhay na manika na karaniwang dini-display sa mga department stores.

“Na—nawawala kasi yung pendant ko. Kanina ko pa hinahanap pero hindi ko makita.” sabi ng babae habang humihibik-hibik ito. Tila kanina pa nito gustong umiyak ngunit halatang pinipigilan lang nito ang mga luha na gustong umapaw sa kaniyang mga mata.

Ngumiti siya bago niya inilapag ang kaniyang bag sa gilid ng hagdanan. “Sige, tutulungan na kitang maghanap. Ano ba ang itsura nun?”

“Manipis lang ang kwintas yun at may nakasabit na bilog na pendant duon. May nakalagay na kulay pulang bato sa gitna ng pendant, birthstone ko iyon.”

Ngumiti siya bago siya humakbang ng ilang baitang pababa. “Garnet ba ang birthstone mo?”

“Hindi…” halatang malungkot pa rin ang boses nito.

Maya-maya pa ay may napansin siyang kakaibang uri ng liwanag na nanggagaling sa gilid ng malaking hagdanan sa harapan ng kanilang building. Nilapitan niya ito at napansin ang isang kwintas na may nakasabit na pulang bato sa pendant nito. Ito ang bagay na hinahanap ng babae! Kakaunti lamang ang mga estudyante na naglalabas at pasok duon kung kaya’t hindi naging mahirap sa kanila ang paghahanap.

Agad niyang kinuha iyon saka ibinigay sa babae. “Ito ba ang hinahanap mo?”

“I—iyan nga! Maraming salamat sir!” anito bago ito ngumiti na parang bata sa kaniya. Kung kanina ay maluha-luha ito, ngayon ay hindi na dahil awtomatiko nitong nakuha ang lakas pagkatapos na mahawakan ang bagay na kanina pa nito hinahanap.

“Walang anu—“ hindi pa siya tapos magsalita ay agad na itong tumakbo papasok sa loob ng building. Tila nagmamadali ito klase. Napangiti na lamang siya sa nangyari. Pagkatingin niya sa kaniyang relo ay agad niyang napansing huli na pala siya sa unang klase! Tiyak, magagalit sa kaniya ang kaniyang mga estudyante!

PAGKAPASOK niya sa classroom na naka-assign sa kaniya ay napatanga na lamang siya dahil wala ni isa mang estudyante ang nanduon.

Tinungo niya ang teacher’s desk bago sinuri ang kabuuan ng kwarto. Maayos naman ang pagkakalagay ng mga upuan sa kanilang mga lugar. Pati ang whiteboard ay malinis din. Pero anong problema—bakit wala siyang estudyante?

Binuksan niya ang kompartment ng kaniyang desk. Nagulat na lamang siya nang biglang may bumulaga sa kaniya na isang bagay. Isa itong insekto na nakakabit sa isang spring! Bumagsak siya sa sahig sa sobrang pagkagulat.

Agad namang bumukas ang pintuan at nakita ang kaniyang mga estudyante na mga nagtatawanan. Tiningnan niya ang kaniyang class list bago tinanong ang isang estudyante na may retainer sa ngipin nito.

“Is this Class 4-7?” taimtim niyang tanong bago siya tumayo at inayos ang sarili.

“Yes sir. And we do not like you to be our teacher.” simpleng sagot nito. Masasabing nagbibiro ito sa tono ng pananalita nito pero kung susuriing mabuti, tila nagkakaisa ang buong klase sa sinabi nito.

Ngumiti lamang siya bago niya dahan-dahan na inilapag ang kaniyang class list sa kaniyang lamesa. Nilapitan niya ang babaeng may retainer bago niya ito nginitian. “And I do not want you guys to be my students either.”

“Aba… ang tapang pala ng professor natin!” gatong ng isang estudyante sa likod ng babaeng may retainer, may suot itong pulang ribbon sa buhok nito.

“Oo nga eh. Ang tanong mga fellow classmates, may ibubugha ba ang bago nating prof?” sabi ng babaeng may retainer pagkatapos nitong humarap sa mga kaklase nito.

“Wala! Boo!” koro ng lahat.

Mga bastos at mga walang modo pala ang mga estudyante niya. Gusto niyang pilipitin ang mga leeg nito hanggang sa humingi ito ng tawad sa kaniya ngunit hindi ito ang paraan upang mapatino niya ang mga ito. Kapag hindi umubra ang kaniyang gagawin, masakit mang aminin ngunit kinakailangan na niyang lisanin ang paaralang ito.

Kinuha niya ang insektong laruan na nakalagay sa spring pagkatapos ay ibinigay niya ito sa babaeng may retainer. “Alam niyo ba kung ano ang pinagkaiba ng pagiging estudyante sa isang teacher?”

“Eh ano naman?” mataray na sabi ng babaeng may retainer.

“Ang mga estudyante, kaya nilang sabihin at gawin ang nais nila para sa isang teacher. Pero ang teacher—kapag na-bwisit sa mga estudyanteng kagaya ninyo—ay kayang i-delay ang inyong graduation ng isang semester. Kung mapapatalsik ako, quits lang but I can look for another school or job. Kayo naman, mapapanis kayo ng ilang buwan dito bago kayo makahanap ng paraan upang makagradweyt. At kung swertihin man kayo, hindi ibig sabihin nun ay nagtagumpay na kayo dahil alam niyo ba kung bakit?”

Tila natahimik ang buong klase kasama ang babaeng may retainer sa sinabi niya. Nasapol niya ang mga pasaway nitong ugali. “Ang mga nagtatagumpay lamang ay yung mga estudyanteng may tapang upang harapin ang bukas.”

Maya-maya pa ay narinig niya ang mga estudyante niya na nagbubulong-bulungan. Tila tinitimbang ang kaniyang mga sinabi. Ngumiti siya bago ibinigay sa babaeng may retainer ang insektong laruan na ginamit nito upang gulatin siya. “Let’s play a game. Kapag nahulog ako sa mga patibong ninyo ng tatlong beses, ako na mismo ang aalis sa eskwelahang ito. Bibigyan ko kayo ng mataas na grado at wala kayong maririnig na masamang sabi mula sa akin. Ok ba yun sa inyo?”

Nag-usap-usap ang mga estudyante bago siya muling hinarap ng babaeng may retainer. Tila ito ang lider sa mga ito sa klase niya. “Sige, pumapayag kami! Pero dalawa na lang ang natitira sa iyo dahil nagulat ka namin kanina.”

“No problem, it’s a deal! My name is Sir Flik and you are?” tanong niya sa babaeng may retainer.

“Chloe Westin.”

NATAPOS ang klase niya at nakilala agad niya ang kalahati ng kaniyang mga estudyante. Present na sana ang lahat pero may isang absent. Isang babaeng nag-ngangalang Katie Fey.

Sumaglit muna siya sandali sa faculty room upang ayusin ang mga gamit niya. Pagkalabas niya ay agad niyang nakita ang babaeng tinulungan niya kanina sa paghahanap ng pendant nito. Agad itong ngumiti sa kaniya at nagpakilala.

“Hi Sir Flik, I’m Katie Fey, kayo po pala ang prof namin. Pasensiya ka na kung hindi ako nakapasok sa class kanina. Nagkaruon lang kasi ng emergency kanina.” Anito bago hinawakan ang kaniyang kamay.

Umiwas siya sa ginawa nito dahil baka may makakita sa kaniya at ma-mis-interpret ang ginagawa nitong pagpapasalamat. “Ok lang Katie. Tapos na ang klase, bukas na lang tayo magkita.”

“Pe— pero sir, may problem kasi ako.”

Now what!? Isa ba itong patibong ni Chloe o talagang may problema itong si Katie? Kung anuman iyon, hindi niya kayang balewalain ang problema nito. Bilang isang guro, kailangan niyang tulungan ito!

“Anong maitutulong ko Katie?”

Lumingon muna ito sa paligid upang makita kung may tao. Nang mapansin na walang tayo ay agad itong nagsalita. “I— I’m pregnant!”

“What!?”

NAGTUNGO sila sa isang mall upang duon makapag-usap.

Dala ni Katie ang kotse nito kung kaya’t naging madali para sa kanila ang pagbi-biyahe. Iba na talaga ang mga estudyanteng mayayaman, lahat nakukuha nila. Samantalang siya nung nag-aaral nuon, hindi niya nakuha ang mga luho na tinatamasa ng mga ito.

Pagkadating nila sa mall ay nag-arcade sila at kumain sa labas. Inilabas kasi ni Katie ang sama ng loob nito sa kaniya. Nalaman niya na iniwan ito ng boyfriend nito pagkatapos nitong malaman na buntis pala si Katie. Ang masakit pa ay nanakot pa ang lalake na isisiwalat sa internet ang kanilang mga private affairs kapag sinabi nito na siya ang ama ng dinadala nito.

Sa narinig niya ay gusto niyang komprontahin ang lalake pero anong magagawa niya? Hindi naman niya kapatid o kamag-anak ito. Pero kahit na! Ang mga ganung uri ng lalake ay hindi na dapat binubuhay!

Nag-desisyon silang umuwi ng maaga dahil may klase pa bukas. Nasa parking area na sila nang bigla siyang hilain ni Katie sa sasakyan nito. Agad nitong binuksan ang pintuan at tinulak siya sa loob ng sasakyan.

Hinubad ni Katie ang blouse nito at tumambad sa kaniya ang mga malulusog nitong dibdib. Isa lang ang ibig sabihin nito. Sobrang frustrated ito at marahil ay attraction lamang ang nararamdaman nito sa kaniya dahil sa ginawang pag-iwan ng boyfriend nito.

Bigla ay nagliwanag ang paligid. Magkakasunod na flash ng camera ang tumambad sa lahat ng direksyon sa kaniya. Na korner siya nila Chloe dahil pinikturan siya ng mga ito habang nasa ibabaw niya si Katie na naka-bra lamang.

“Got yah Sir Flik. Our plan worked perfectly.” bulong ni Katie sa kaniya bago siya nito hinalikan sa pisngi. Umapir pa ito kay Chloe pagkasuot niya ng blouse dito.

“Actually, from the very first day na nakita mo si Katie ay duon na nagsimula ang plan namin. Siya ang naka-assign para i-delay ang iyong pagdating para maiayos namin ang trap namin sa iyo. And it worked perfectly dahil para kang bata na nagulat sa isang maliit na laruan.” pagtatapat ni Chloe bago siya nito nginisian.

Lumabas siya ng sasakyan bago pumasok sa loob si Chloe at ang mga alipores nito. Bago binuhay ni Katie ang sasakyan ay kinatok niya ang bintana nito. Ibinaba naman ni Katie ang bintana ng sasakyan.

“Yes Sir Flik?” ngisi nito.

“Gusto ko lang sabihin na magiging maayos din ang lahat para sa iyo at sa magiging baby mo. Kahit wala siyang maging tatay, alam ko—darating ang panahon na magiging masaya ka rin. Ingat kayo.”

“Wha—what!? You’re pregnant!?”gulat na tanong sa kaniya ni Chloe at nga mga kasama nito.”

Umiling lamang si Katie. “Kasama lang yun sa drama ko no! Tara na nga at iwan na natin ang kumag na to.”

“You got us Katie! Akala namin ay totoo! Bye loser!” sabi ni Chloe bago pinaharurot ni Katie ang sasakyan papalabas ng mall.

KINABUKASAN, sa Classroom 4-7…

“Paano ba yan sir? Isa na lang at dapat ka ng mag-resign gaya ng deal natin.” Pang-uupat ni Chloe pagkatapos nilang maupong lahat.

Ngumiti lamang siya bago niya sinagot si Chloe. “I know. Naisahan ninyo ako. Kakaiba talaga kayo.”

“Bakit kasi hindi ka na lang sumuko? We can graduate naman without your help.” si Katie habang inaayos ang buhok nito. Napansin niyang suot na nito ang pendant na hinanap nila kahapon sa stairway ng kanilang building.

“Ang isang tunay na tao, hindi sumusuko sa anumang laban. At kahit alam niyang dehado siya, hindi dapat siya nagpapatalo laban sa mga kampon ng kadiliman.” aniya bago niya tinitigan ng masama si Chloe at Katie. Sila ang mga tinutukoy niyang kampon ng kadiliman dahil pinaparinggan niya ang mga ito. Ngunit tila immune na ata ang mga ito sa ginawa niya.

Sinimulan niya ang klase at tumalima naman ang mga ito kahit alam niyang labag sa mga kalooban nito ang makinig sa kaniya. Maya-maya pa ay may narinig siyang may kumakatok sa kanilang pintuan. Pinagbuksan niya ito. Isang lalake ang tumambad sa kanila. Nagulat naman ang buong klase dahil tila kilala ng mga ito ang lalakeng nasa harap niya ngayon.

“Trey!” mabilis na sambit ni Katie pagkakita sa lalake.

“Katie! I’m so sorry! I realized that I was wrong! Please… magsimula tayong muli kasama ang magiging baby natin.” Ani Trey pagkatapos nitong pumasok sa loob ng classroom. Alam ng buong klase na mag-on si Katie at Trey pero hindi nila inakala na buntis pala si Katie! Maging si Chloe na bestfriend ni Katie ay nagulat din sa narinig.

“Wha—what are you saying!? Huli na ang lahat! I decided na palalakihin ko itong bata kahit wala ang tulong mo!” pagmamatigas ni Katie bago ito tumakbo papalayo kay Trey ngunit agad naman siyang pinigilan ng lalake.

Sinampal ni Katie si Trey at wala itong nagawa kung hindi habulin na lamang sa labas ang katipan. Samantalang tulala pa rin ang buong klase sa kanilang nasaksihan. Kinuha niya ang kaniyang class records bago niya sinabi na maagang natapos ang kanilang klase para sa araw na iyon.

“Pano ba yan Chloe, invalid yata ang second attempt mo to trap me.” pang-aasar niya kay Chloe.

Sinimangutan lamang siya nito, “Whatever.”

SASAPIT na ang hapon at malapit na ring matapos ang araw.

Naglalakad siya sa sports grounds ng school nang mapansin niya ang dalawang estudyante na naghahalikan sa tabi ng bleacher. Ayaw na sana niyang pansinin ang mga ito ngunit namukhaan niya ang dalawang— sina Trey at Katie ito!

“Sir!” sigaw ni Katie pagkatapos siyang makita nito. Pagkalapit sa kaniya ni Katie ay niyakap siya nito ng buong higpit bago ito humagulgol sa pag-iyak. “I’m so sorry sir! Hindi ko alam na mali pala ang ginagawa ko.”

Ginulo niya ang buhok nito bago siya kumawala sa pagkakayakap nito. “Ok lang. Na-kwento na ba sayo ni Trey ang nangyari kagabi?”

“Oo! Ang sabi niya, nakasalubong mo raw siya. Nung nakita mo daw na may pendant din siya na halos kagaya sa akin ay tinanong mo siya kung may kilala siyang Katie. Nung sinabi niyang oo, bigla mo raw siyang sinuntok. Ayun! Natauhan ata ang mokong!” pagtatapat ni Katie sa kaniya bago ito ngumiti ng napakatamis.

Napabuntong-hininga siya bago niya muling tinanong si Katie. “At yung tungkol naman sa nangyari nung una tayong magkita, ano ang talagang kwento sa likod nun?”

“Ah! Kasi ang plano namin, kunwari madadapa ako. Nung nadapa nga ako bago ka makalapit, nahulog yung pendant ko na bigay ni Trey. Pero you found it for me kaya sobrang saya ko. Makikipagkita na ako kay Chloe para ibigay ang signal na parating ka na, naramdaman ko na masusuka ako kaya nagpunta ako muna sa CR. Medyo natagalan ako sa loob at pagkalabas ko, naabutan ko si Chloe at siya na mismo ang nagbalita na nakita na raw nila ang bago naming prof, which is ikaw yun. After that, inutusan ulit ako ni Chloe na mag-drama para ma-trap ka pa namin ng isang beses pa. Yun nga yung plano na i-eskandal ka namin sa buong school para mag-quit ka. It worked but not perfectly for me.”

“Bakit mo naman nasabi?”

“Kasi totoo lahat ang sinabi ko sayo habang magkasama tayo sa mall. Gusto ko kasi maging realistic ang drama ko which is kapani-paniwala naman. But I never expected na magiging totoo ako sa iyo sa parteng iyon. Kaya nung papaalis na kami at kinausap mo na pa rin ako ng mahinahon despite sa ginawa namin sa iyo, nakonsensiya ako. Hindi lang ako makapagsalita kanina sa klase dahil si Chloe ang lider namin at bestfriend ko siya.”

“Ano nang mangyayari sa picture na kinuha ninyo sa akin?”

“Yun? Wala na yun. In fact, binura ko na kaagad siya sa camera ni Chloe pagdating namin sa bahay nila habang nag-mi-miryenda kami. Hindi lang kaagad napansin ni Chloe dahil akala niya kasi walang makikialam ng gamit niya.”

“Ano ba kasing problema ng Chloe na yun?”

“Mahabang istorya… Later malalaman mo rin.” nagpaalam na si Katie sa kaniya bago ito bumalik kay Trey. Pero bago siya makaalis ay sumigaw pa ito ng isa pang beses. “Nga pala sir! Hindi pala Garnet ang birthstone ko kung hindi Red Coral! It means courage and thank you for completing that part of me!”

Kinawayan lamang niya sina Trey at Katie pagkatapos niyang iwan ito sa bleacher. Ngayon niya lang naramdaman ang tunay na kahulugan ng isang pagiging tunay na guro. Magiging isang tunay na guro ka lamang kung kaya mo ring turuan ang nararamdaman ng iyong mga estudyante dahil ito ang pinakamahirap turuan sa lahat.

 

About foobarph

lamp developer. foss apprentice. ink&lens squire

Talakayan

7 thoughts on “Breaktime! – Lesson 1: Red Coral

  1. nice one..go sir!

    Posted by regino | Nobyembre 16, 2013, 2:10 hapon
  2. Perfectly right!

    Posted by eli | Nobyembre 9, 2013, 7:25 umaga
  3. Yeah.. Vice xa🙂 Being a teacher is not an easy task… But its fulfilling. right?

    Posted by uhydee | Oktubre 8, 2013, 1:10 umaga
  4. ahihihi. . .. nice one. . .

    Posted by prettii_ren | Abril 15, 2012, 1:19 hapon
  5. waahh bakit parang familar to?

    Posted by aiza | Nobyembre 26, 2011, 12:06 hapon
  6. eehhh😉 babasahin ko na ang next lesson nito :DD

    Posted by Ana | Nobyembre 4, 2011, 10:14 umaga
  7. nice

    Posted by mainlibe | Mayo 13, 2011, 10:03 umaga

Ano ang iyong masasabi sa iyong nabasa?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

TOP Calendar

Marso 2011
M T W T F S S
« Feb   Apr »
 123456
78910111213
14151617181920
21222324252627
28293031  

Mga Istorya

Aming Nakaraan

%d bloggers like this: