aming nakaraan

Archive for

Guitar Series Presents Elaine (Denial Tease-Hater) – Teaser

Halos araw-araw tinutukso siya ng buong pamilya ng bestfriend na si Ruvie sa pinsan nitong si Jael. Imbes na kiligin ay mas nainis pa siya sa binata, na inakala niyang sumasakay lamang sa panunukso ng mga ito. Subalit iba ang dinidikta ng kanyang isip sa tinitibok ng kanyang puso. Pilit niyang kinukumbinsi ang lahat, pati … Magpatuloy sa pagbasa

Breaktime! – Lesson 4: Rock of Penny

SA pagsisimula ng araw niya ay ngayon niya lang napansin na ito ang pinakamagandang umaga na nakita niya. Paano ba naman kasi, katatapos lang ng malakas na unos kagabi at ngayon ay damang-dama niya ang malamig na simoy ng hangin. Mas lalo pa itong pinakaganda ng mga huni ng ibon na tila inaawitan siya habang … Magpatuloy sa pagbasa

Breaktime! – Lesson 3: Eros Arrow

MAAYOS namang natapos ang klase niya ngayon. Nagtataka siya kung bakit ‘behave’ ang kaniyang mga estudyante, lalo na ang grupo nila Chloe na alam niyang ayaw ng mga ito sa kaniya. Hindi na niya pinansin iyon at mabilis siyang lumabas ng classroom. Iniiwasan kasi niyang mapagdiskitahan siya ng grupo ni Chloe– mabuti na rin ang … Magpatuloy sa pagbasa

Breaktime! – Lesson 2: Pandora’s Box

SA ikalawang araw ng pagtuturo niya ay hindi muna siya dumeretso sa classroom ng klase niya. Pumunta muna siya sa faculty room kung saan naruon ang ibang mga guro upang maghanda sa kanilang klase. Inaamin niyang nahihirapan siya sa mga estudyante niya ngayon, lalo na si Chloe na tila isang malaking kontrabida sa pagiging guro … Magpatuloy sa pagbasa

Breaktime! – Lesson 1: Red Coral

UNANG araw niya sa pagtuturo ngayon. Bago pumasok ay sinigurado niya muna na magiging kaaya-aya siyang tingnan. Masaya siya dahil ito ang araw na magkakaruon ng katuparan ang kaniyang pangarap—ang maging isang ganap na guro! Pagkapasok pa lang niya sa eskwelahan ay agad na niyang nakita ang malawak nitong balkonahe. Maituturing na kahanay ng Rominian … Magpatuloy sa pagbasa

Breaktime! – Prologue

Maaga niyang narating ang Rominian University para sa kaniyang final interview. Ang eskwelahang ito ay tumatanggap ng mga lokal at banyagang estudyante kung kaya’t maituturing ito na isang exclusive school. Nakapag-demo na siya nang una siyang dumating dito at nagustuhan naman ang mga kapwa niya guro sa kaniyang ginawa. Ngayon ay hinihintay na lamang niya … Magpatuloy sa pagbasa

Breaktime! – Teaser

Simula pagkabata ay nais na ni Flik na maging isang guro. Maayos na sana ang lahat ngunit may isa siyang problema. Ang problema— puro problema at sama ng loob ang binibigay sa kaniya ng mga estudyante!. May pag-asa pa kaya siyang maging isang magaling na guro?

Happily Never After – Teaser

“…and they lived happily ever after!” masayang itiniklop ni Charlize ang kanyang paboritong fairytale book na madalas na basahin sa kanya ng kanyang ina noong nabubuhay pa ito. Dinala pa nya sa kanyang dibdib ang aklat at tumingala sa kalangitan. “I missed you mom…” bulong nya sa hangin. “Who lived happily ever after?” tanong ng … Magpatuloy sa pagbasa

TOP Calendar

Marso 2011
L T M H B S L
« Feb   Apr »
 123456
78910111213
14151617181920
21222324252627
28293031  

Mga Istorya

Aming Nakaraan