binabasa mo ang...
My Sweet Stranger

My Sweet Stranger – Chapter 9

“It’s all settled,” ang masayang bungad ni Wendy sa kanya. Nasa hospital pa rin siya ng mga sandaling iyon. Dahil nga stable na ang kalagayan ng ama ay nailipat na ito sa isang private room mula sa pagkakalagak sa intensive care ng Manila Doctors Hospital. To make sure that his dad is really being take care of well ay kinuhaan niya ito ng private duty nurse na magbabantay dito sakaling kailangan niyang umalis sa tabi nito.

“Thank you, Wendy. You’re an angel,” ang nakangiting wika niya rito ng makaupo ito sa sofang naroon sa kwarto. To his surprise ay sinadya pa talaga siya nito sa hospital. May mga bitbit pa itong basket ng prutas at fresh tulips.

“Asus, nambola pa ang minatamis na itey,” humagikgik ito ng mahina, careful enough not to wake his sleeping father. “Anyway, napadalaw na rin ako kasi gusto kong kamustahin ang daddy mo, noh at gusto ko ring masilayan ang kagwapuhan mo,” siya naman ang napahalakhak sa tinuran nito iyon. Napakapalabiro nito, isang bagay na sa tingin niya ay kailangan niya ng mga oras na iyon…to calm his nerves and senses.

“Ikaw talaga, mamaya niyan magselos na naman ang Kian mo niyan,” hindi nalingid sa kanya ang naging pagseselos ng kasalukuyan nitong karelasyon ng tumawag siya ng nagdaang araw.

“Waley lang ‘yun, hayaan mo nga siya. Tsaka, mas cute siya kapag nag-gegelli de belen na siya,” muli isang mahinang tawa ang pinakawalan nito. Napailing na lamang siya pero hindi maalis sa labi ang mga ngiti.

“Basta, bukas ha, be prepared. In the same romantic restaurant you requested kayo mag-dedate, but with another twist,” kinindatan siya nito. Thinking about the coming Sunday evening made him excited and tense all at the same time. Hindi na siya makapaghintay even though he’s nervous to hear what his first love would utter once he revealed himself.

Halos isang oras ding nag-stay si Wendy bago nagpaalam na aalis, “Mag-aala cupid pa akesh so babush na muna, flylalouh na ako sa pinaka-iibig mong Lunes.” Isang mapanuksong ngiti ang iniwan nito bago tuluyang ipininid ang pinto ng hospital room.

“Magtatapat ka na pala, anak,” napalingon siya bigla sa pinanggalingan ng boses na iyon. Napatakbo siya paupo sa tabi ng kama ng ama, “Dad!”
Marahan siyang nginitian nito, “I-I-am aw-wake, son.”

“I know, nakikita ko. I am so worried about you,” ito ang unang beses mula ng mailipat ito ng kwarto na makaka-usap niya ito. Sa t’wing magigising kasi ito ay palaging natataong wala siya sa tabi nito. Noon naming nasa I.C.U. ito ay naka-intubate ito kaya hindi rin maka-usap.

“G-goodluck sa iyo b-bukas, anak,” tulad ng una niyang ibalitang his heart has found the right woman ay muli niyang nasilayan ang tuwa sa mga mata nito. Alam niyang masaya ito para sa kanya.

“Thank you, dad.” Inabot nito ang kamay niya at mariing pinisil.

“I can be your hero, baby. I can kiss away the pain,” ang malakas na out-of-tuned na kanta ni Wendy sa tapat ng tenga ni Monday.

“Ano ba, Wends,” ang may halong inis na saway niya rito. Kanina pa ito pakanta-kanta simula ng dumating ito. Nasa kusina siya noon at na-isipang ipag-bake ng strawberry cake ang ina. “Ano bang nakain mo at kanta ka ng kanta? Ayaw pa kasing sabihin e.”

Sumandal ito sa lababo paharap sa kanya. “May tumawag kasi sa akin,” he’s standing there grinning like an idiot.

“Who?” parang walang anuman na sabi niya.

“A certain sweet stranger,” doon siya napalingon dito. “W-what?”

“Yeah, lola ang ganda ng boses,” tila teenadyer na kinikilig na wika nito.

“Anong sabi? Bakit ka tinawagan?” usisa niya rito. Nakaligtaan na niya ang pag-dedecorate sa cake na hinahanda.

“Gusto niya raw makipag-set ng date sa iyo and as your career handler at the same time ay friend na rin ay ako ang kinontak niya. Finally daw ay magpapakilala na siya sa iyo.”

“And I presume pumayag ka na without even consulting me,” ang may himig hinampong akusa niya rito at base na rin sa reaksyon nito ay mukhang tama nga ang hinala niya.

“Eh, hindi ba’t gusto mo rin namang makilala ‘yung otokung iyon,” totoo rin naman ang sinabi nito. Hindi nga ba’t iyon ang gusto niyang mangyari noong isang araw lamang.

“Okay…okay, pero dapat Wends kasama ka, ah.”

“Oh sure, no problem my dear Lunes,” ang wika nito habang lumalapit sa binake niyang cake. “Pahingi nito ha, reward,” ang humahalkhak pang pahabol nitong wika habang hinihiwa ang hindi pa tapos dekorasyonang cake.

“Hey! Para kay mommy yan,” mabilis na inagaw niya rito ang bread knife ng makahuma.

The following day, alas-singko y medya palang ay nasa bahay na nila si Wendy bitbit ang isang make-up artist at hair stylist. Kung noong date nila ni August ay hindi man lang ito nag-abala, ngayon ay mukhang gusto nitong pagandahin siya ng bonggang bongga. Bias ang kaibigan, halata kung sino ang pinapanigan nito. Baka nakita na niya si sweet stranger at nagwapuhan kaya ganun or baka naman gusto niya talagang mapasakamay si August kaya ganun, ang paranoid niyang bulong sa sarili.

“Hey, pinagseselosan mo na naman ang kaibigan mo ng walang basehan,” ang mahina niyang usal.

“Pardon, dear?” ang tanong ni Wendy na nasa isang panig ng kanyang kama at prenteng naka-upo.

“H-ha? Wala.”

“Akala kesh I heard you say something e.” umiling na lamang siya.

Saktong alas-syete ng matapos ang pag-aayos sa kanya ng dalawang beauty experts. She was wearing a peach empire cut evening dress. It made her look even more feminine. Her hair were French braid with a few strands hanging lousily in her ears and nape that made her look even more alluring. A simple evening make-up was applied in her face. Nang tignan niya ang sarili sa salamin ay parang hindi siya ang babaeng nakatayo roon. Ibang iba ang babaeng naroon.

“Perfect!” ang nasisiyahang usal ni Wendy.

Nang bumaba sila sa sala ng mansyon ay naroon ang buong pamilya at hinhintay ang pagbaba niya. Her kuya Sunday and Wednesday took the day off just to be with the family that night. Parang may big event na magaganap. Feeling niya tuloy may alam ang mga ito na hindi niya alam.

“Wow! Ang ganda ng bunso namin ngayon ah,” ang puri ng kuya Sunday niya na may nakapaskil na simpatikong ngiti sa mga labi. Sinang-ayunan ito ng kanyang kuya Friday at kuya Wednesday.

“Dad, are you sure ayaw mong ipasama si Lester sa akin?” ang maang niyang tanong ng sabihin ng amang hindi sasama ang bodyguard na nakatayo sa gilid ng sala na ang expected din ay sasamahan ang among dalaga.

“Bakit pa? Kasama mo naman si Aug—si Wendy,” ang nakangiting wika nito. Nagkibit balikat nalamang siya. Naging maluwang na ang mga magulang sa mga lakad niya simula ng lumabas sila ni August. Just like a miracle, they trusted the man and they started to trust her too.

Nagulat siya ng makarating sila sa venue ng date. All the while ay hindi sinasabi sa kanya ni Wendy kung saan ang sinasabi nitong date nila ni sweet stranger. “Just trust me,” ang wika nito sa knaya when she asked where and she did.

Nakatayo siya ngayon sa harap ng restaurant na dalawang beses nang pinagdalhan sa kanya ni August.

“Wendy, bumaba ka na d’yan,” ang tawag niya sa kaibigang nakasakay pa rin sa sasakyan nito. Umiling ito and mouthed ‘sorry’ bago pinaandar ang sasakyan nito.

“He-Hey! WENDY!” ang malakas niyang tawag dito, but he was gone.

She took a deep breath. Pigil na pigil ang sariling mainis. Nandito ka na Monday, aatras ka pa ba? It’s your chance remember, it’s your chance to choose, konsola niya sa sarili.

She counted one to ten before she managed all the courage she needed to enter the resto-bar.

The lights were dimmed; a soft melody is slowly playing, Runaway by the Corrs. Scented candles were all over the place, decorated with the same scented fresh red rose’s petals. Big vases of tulips were decorated per corner of the resto-bar. Tinanggal lahat ng upuan sa loob ng restaurant, tanging pangdalawahang mesa lamang ang naiwan sa pinaka-gitna ng romantic place na iyon. Three stem of red roses were placed in a crystal vase in the center of the table piece.

Napahinto siya sa paglapit sa mesa ng mawala ang melody ng Runaway. Nagulat siya ng may tumugtog ng violin na sinabayan ng tugtog ng piano at drums. A soothing voice started to sing, lumiwanag ang isang parte ng resto. May apat na lalaking naroon, they looked like a boy band. The one singing is wearing all white, may electric guitar na nakasabit sa balikat nito. He was singing the same song sweet stranger had sung to her noong nangharana ito sa kanya, Hero by Enrique Iglesias. The one playing violin is wearing a cream top and white tight hugging pants paired with a black leather shoes. A more gorgeous looking man is the one playing piano who’s wearing a green checkered polo and faded jeans. Another gorgeous man wearing pink polo and light brown pants was on drums. Tila namamalikmata siya while things slowly unfold in front of her. It’s like magic. Feeling niya ay nasa isang fairytale book siya as she witnessed all this.

kinikilig ako, spongebob. Ano kayang itsura ni Sweet Stranger? Ipinilig niya ang ulo sa isang kabilang bahagi ng lugar.

Laking gulat niya ng dahan-dahang lumapit sakanya ang isa pang lalaking nakatago sa isa pang madilim na bahagi ng resto. Para siyang tinuklaw ng ahas as the dim light slowly reveals his face. Ang lalaking ito ang sweet stranger ko?

“August?” He was wearing an aqua blue polo and black slacks. May tangan itong bouquet of mixed white, pink, and red roses. The looks in his eyes were pleading. “You’re my—my sweet stranger?” marahan itong tumango.

“I am so sorry, please forgive me,” mapagkumbabang lumuhod ito sa harap niya. Huminto ang kanta.

“August!” gulat na sigaw ng singer. Itinaas ng binata ang kanang kamay to pacify the guy.

She stepped back. Lahat ng nasa harapan niya ay mga estranghero sa paningin niya, even August seems to be. To think she trusted this man…to think her parents had trusted him. Feeling niya ay napagkaka-isahan siya. It’s so unfair.

“Explain all this, you—you brute,” pigil ang pagpumiglas ng galit na utos niya.

“I am sorry, okay,” napasuklay ito sa buhok. “Nang una kitang makita you didn’t know what you had done to me, to my heart. Suddenly, my perspective has changed. Yung dating walang direksyon kong buhay binigyan mo ng daan. You’ve become the reason this heart of mine is wildly beating right now. It was love at first sight, corny it may sound but it’s true. I may not be like all those cavalier man, before you in my life ay marami akong fling…babaeng pinapaiyak hindi ko ikakaila ang bad reputation kong iyon, but like what I have said you changed me. Ikaw lang ang tangi at kauna-unahang babaeng hindi nagpapatulog sa akin sa gabi. It made me sick…I may sound pathetic but all I wanna do right now is to hold you in my arms and shower you with my love. Noong una hindi ko alam kung paano ka lalapitan e, you see this feeling is also a stranger to me, ni hindi ako marunong manligaw. So, I asked for Wendy’s help. Nagpanggap akong si Sweet stranger, nagtago sa pseudo-name na iyon dahil gusto kong mawala ang takot mo sa mga estranghero. So, when the time comes that I am ready to face you ay magagawa mong tanggapin ako ng buong puso, ganoon kita kamahal. Pero—pero mukhang mali yata ako ng nagging plano.” Napayuko ito matapos sabihin iyon.

Nagulat siya. Strange but tila hinaplos ng malamig na kamay ang puso niya. Habang nagsasalita ito ay hindi niya inaalis ang tingin sa mga nagungusap nitong mata. Tinitimbang niya ang nararamdaman. “Tumayo ka nga diyan,” napatingin ito sa kanya. “Sinabi ng tumayo ka d’yan e, mukha kang tanga d’yan,” ang inis niyang sambulat dito. Inis na walang halong galit o poot para sa ipinagtapat nito. She believes every single word he had uttered…naniniwala ang puso niya.

Tumayo ito and grinned at her, “Does it mean na mahal mo rin ako?”

“Ano ka, hilo? Hindi noh!” ang nagulat niyang wika rito. Oh my goth, I’m blushing!

Lumungkot muli ang mukha nito. “Pero…pinapatawad na kita,” nag-iwas siya ng tingin dito.

“Aherm!” tumikhim ang lalaking naka-all white. “Baka gusto niyong umupo,” minuwestra pa nito ang pandalawahang mesa. Saka lang naalala ng binatang iabot sa kanya ang tangang bouquet.

When she looked at August again…at her sweet stranger ay nakangiti na itong muli. Teka nga, may kasalanan pa itong ungas na ito sa akin ah.

“Bakit halos tatlong linggo kang nawala?” ang agad niyang tanong matapos siyang maalalayan nitong maka-upo.

“Inatake kasi sa puso si daddy. Ayaw ko namang mag-alala ka kaya hindi ko na sa’yo sinabi. Ngayong stable na siya ay pwede ko ng sabihin,” ang sagot nito sa tanong niya.

Hinaplos ng awa ang puso niya nang malaman ang nangyari sa daddy nito. Magagawa ko pa bang magalit talaga sa kanya ng lagay na ito? Isa pa, kaya pala hindi ako makapili sa kanilang dalawa ni sweet stranger ay dahil iisa lamang sila, parehas silang matimbang sa puso ko. I made the right decision to come here, I guess.

“A penny in your thought?” ang marahang tanong nito.

“H-ha? W-wala naman,” iling niya.

“Care for a dance?” nilahad nito ang palad sa kanya and the first time he held her hands flashed in her mind. Wala ng halong alinlangang tinanggap niya iyon.

The guys were playing Runaway again. Napag-alaman niyang kaibigan ng binata ang mga ito. August carefully placed his hands in her waist as she nervously holds on to his shoulder.

Ang bilis ng tibok ng puso niya. Kapag nabasa ang polo ng binata ay kasalanan ng nagpapawis niyang mga kamay.

“You look fantastic tonight,” he softly whispered in her ears. She blushed even more. Ano ba itong ginagawa mo sa sistema kong lalaki ka?

“Sa-salamat. You looked good too,” she complemented back. Bakit ba hindi gayung totoo naman ang papuri niyang iyon.

“Monday,” he whispered again.

“Hmm?” hindi niya na napigilan ang sariling ihilig ang ulo sa malapad na balikat ng binata.

“Please reconsider my feelings for you,” nagsusumamo ang boses nito. It sounds so warm to her ears.

She sighed. “Okay, sige manligaw ka properly. Ikaw bilang si August at hindi bilang si sweet stranger,” she’s giving in to this strange feeling. She doesn’t want to withdraw. She wants to experience more…more magical feeling than this.

“Thank you…thank you,” nagulat siya ng kintalan ng halik ni August ang buhok niya and there goes her heart fluttering again.

“Thanks for this wonderful night,” wika nito. Nasa tapat na sila noon ng gate ng mansion ng mga Vargas. Tulad ng dati ay hindi niya ito mapilit na pumasoko ng bahay. Ang guard ay matamang nakatingin sa kanila pero binalewala niya lamang iyon. Nahihinuha niya ring nakatanaw ang mga magulang niya sa kanila mula sa balkonahe. They texted her earlier na hihintayin ang kanyang pag-uwi. Sa malas ay totoo nga ang hinala niyang may alam ang mga itong hindi niya alam. They knew this man is his sweet stranger.

She smiled at him. “Bukas, asahan mo ang pagmumukha ni August Crisanto sa sala ninyo, aakyat ng ligaw,” ang kantyaw ni Angel na nakadungaw sa backseat ng kotse ng binata. Hindi ito pumayag na hindi sumama sa paghatid sa kanya. Nalaman niya ring ito pala ang kasama noon ni August ng haranahin siya.

Marahan nalamang siyang napatawa habang napakamot sa hiya si August sa batok nito. Hatid siya nito ng tanaw ng pumasok siya ng kabahayan.
Magaan ang pakiramdam niya ng mahiga ng gabing iyon. Naalis na ang gumugulong damdamin sa kanya noong hindi pa niya alam kung sino si sweet stranger. Parang may malaking tinik na biglang nabunot sa kanyang lalamunan. Isang bagay nalamang ang dapat niyang pag-isipan ngayon, kung handa nab a siya sa inaalay na pag-ibig ng binata sa kanya.

She drifts off to dreamland with a contented smile on her face.

Talakayan

23 thoughts on “My Sweet Stranger – Chapter 9

  1. danda nmn..

    Posted by nesilita | Enero 19, 2014, 12:22 umaga
  2. so romantic!!

    Posted by charm | Hulyo 27, 2013, 2:19 hapon
  3. kinikilig ako wala bang story yung mga kabarkada ni August???

    Posted by Thea Jane | Enero 31, 2012, 7:36 hapon
  4. beautiful story indeed……. sarap ng pakiramdam ng magmahal at mahalin.., kaylan ka pa kaya darating… sana malapit na…. basta maghihintay ako sayo! Pagdumating ka.. aalagaan kita at pakakamahalin…bubuo tayo ng isang masayang pamilya…pangako ko iyan…!

    Posted by Reyksa | Oktubre 30, 2011, 8:47 hapon
  5. ang sweet tlaga ni August. haii naku.
    Kaingit ka Monday!

    Posted by karen bunda | Oktubre 26, 2011, 8:32 hapon
  6. ka2kilig nman haha.. gnda ng story !

    Posted by Reinielle Santos | Oktubre 7, 2011, 4:33 hapon
  7. grabe, speechless naman na ako.. basta nice siya pwomiz!

    Posted by mane9185 | Setyembre 29, 2011, 1:30 hapon
  8. pakipot pa ang Lunes xD

    Posted by *munchaimunch~ | Setyembre 18, 2011, 4:39 hapon
  9. hayyyyy ang bilis ng pangyayari…

    Posted by aiza | Setyembre 15, 2011, 2:46 umaga
  10. isang chapter nalang..yehey!

    Posted by poopzy | Hulyo 22, 2011, 5:17 hapon
  11. mharlSISA…..

    haaang cutie ng speech ni august……

    love it…..

    Posted by clarkeys | Hunyo 27, 2011, 12:12 umaga
  12. hehehe buti tulog na lahat ng ksambahay ko kundi sabihan akong baliw tumatawang mag isa..

    Posted by ronelyn | Hunyo 25, 2011, 12:18 umaga
  13. ganda teh! nakakakilig. :”>

    Posted by arabeybsxP | Hunyo 22, 2011, 4:47 umaga
  14. hay naku wala na akong gils…i totally lost my mind k0ng saan ako pwedeng kumuha ng gils..pls guys donate me some of your gils,,,

    Posted by yoon eun hye | Mayo 21, 2011, 5:32 umaga
  15. _haizt..super kilig…^_^

    _sayang ubos na ang gils ko^^ haizt…

    Posted by @jenz | Mayo 15, 2011, 4:03 hapon
  16. ang ganda!!! nakakakilig naman.. super sweet ang moments na yon!

    Posted by kastiel | Mayo 12, 2011, 3:03 hapon
  17. Ahh.. kasama na ako sa Fever,, haha.. nakakainlove

    Posted by IAmTheChronicle24 | Mayo 12, 2011, 1:53 hapon
  18. hayss nakakakilig tlaga.. ^-^

    Posted by im_virus | Abril 30, 2011, 5:13 hapon
  19. GRABE NAPAKAGANDA NITO…
    MABUTI NA LANG AT NASA KWARTO AKO KUNG HINDI …IISIPIN NG MGA TAO NA NABABALIW AKO..
    KASI TUMATAWA AKONG MAGISA AT KINIKILIG….’HAY…

    NAKAKAINGIT SILA SANA AKO DIN AY MAKAEXPERIENCE NIYAN……’HAY TALAGA’

    TANGGAPIN MO NA MONDAY ANG PAG-IBIG NI AUGUST WAG NG MAGDALAWANG ISIP PA…..

    Posted by darius_628 | Abril 13, 2011, 5:03 hapon
  20. YES MAKAKABASA NA ULIT AKO MAY GLS NA ULIT AKO…..
    MAMAYA COMMENT NA NAMAN AKO….

    EXCITED NA AKO…

    Posted by darius_628 | Abril 13, 2011, 4:39 hapon

Ano ang iyong masasabi sa iyong nabasa?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

TOP Calendar

Pebrero 2011
M T W T F S S
« Jan   Mar »
 123456
78910111213
14151617181920
21222324252627
28  

Mga Istorya

Aming Nakaraan

%d bloggers like this: