binabasa mo ang...
My Sweet Stranger

My Sweet Stranger – Chapter 8

Sa tingin ni Monday ay sadyang napakabait ang lalaking nasa kanyang harapan. Napaka-gentleman nito, magmula sa pag-alalay sa kanyang paglalakad, sa pagbukas ng pinto ng kotse nito, sa paghila ng bangko ay lagi itong naka-agapay sa kanya. Tila ba isa itong ina na hindi hahayaang madapuan ni isang lamok ang balat ng kanyang anak. She smiled at that thought.

“You’re smiling, something funny?” ang nakangiti ring tanong ni August sa kanya. They are dinning at the same romantic restaurant they had been the night before. Sa tingin niya ay paborito talagang puntahan ito ng binata. Sabagay ay masarap naman talaga ang mga putahe doon base na rin sa dami ng nakain niya. Bago tuluyang umalis ay kinulit pa siya nitong tikman ang coffee specialty ng resto-bar.

“Nothing,” Naku napapangiti akong mag-isa spongebob, baka mamaya isipin ng lalaking ito nababaliw na ako. Sana hindi naman.

Tumikhim ito, “How’s the food?” sa kawalan siguro ng masasabi ay naitanong nito. Simula ng umalis sila ng bahay ay hindi pa sila nagkakaroon ng matinong usapan. Siguro tulad niya ay nahihiya rin ito paano’y sandamakmak na tukso ang inani nila mula kay Wendy bago sila umalis ng bahay. Tulad ng kanyang inaasahan ay madalas niya rin itong mahuling nakatingin sa kanya, tulad ng matamang pagtitig nito sa kanya ng nagdaang gabi. Pero hindi na niya nalamang ito pinapansin dahil baka mahiya na naman ang binata at hindi maging at ease.

“It’s good. I am enjoying it. Maski kagabi ay na-enjoy ko na ang pagkain dito especially the ambiance of the place.” Lumabas ang malalim na biloy ng binata ng ngumiti ito. Tila tumalon naman ang puso ni Monday sa nakitang reaksyon ng binata. May kung anong init na lumukob sa kanyang pagkatao.

Tumikhim siya, “So, ahmmm…about your phone,” My pusacat naman ano ba ‘tong nararamdaman ko? Kagabi pa itong strange feeling na ito. Nahuhulog na ba ako sa lalaking ito? Imposible naman ‘yun, I don’t know him that well. He’s still a stranger.

“Ah,” tila noon lang naalala ng binata ang alibi na ibinigay niya Makita lamang si Monday. “Oo nga pala…Please forgive me Monday,” anito sa nakikiusap na tinig.

Napamaang si Monday, “Bakit ka humihingi ng tawad? Anong kasalanan mo sakin? As far as I know wala ka naming kasalanang nagawa sa akin ah.” Takang taka siya sa biglang paghingi nito ng paumanhin.
“Sorry…sorry talaga but, I lied,” napayuko ito.

“Wha—what do you mean?” Ano bang pinagsasabi ng lalaking ‘to? Bigala yatang naging weird.

“I don’t really need that phone,” huminga ito ng malalim bago magpatuloy. “In fact, my secretary has extra copies of those contact numbers I claimed I needed. It’s just that—okay I lied because I wanted to see you so badly and I can’t think of any other way to be with you but to lie. So, please forgive me,” pinagsiklop nito ang mga palad at maamong tumingin sa kanyang mga mata.

Sa loob-loob niya ay gusto niyang matawa. He looked so adorable with those pleading eyes. It made her want to make him suffer longer. Pero hinid naman niya maatim na makita itong nahihirapan, sadya yatang pinanganak siyang mabait.

“It’s okay,” ang parang wala lang na wika niya.

“You mean?”

“Oh gosh, yes I forgive you,” ang tumatawa ng wika niya.

“Whoo…thank God, pinagpawisan ako doon ah,” ang tumatawa na ring wika nito.

Pero bakit gusting gusto niya akong makita?

Tanungin mo kaya para malaman mo.

Ayoko nga…mamaya kung ano pang sabihin niyan e.

Paano mo malalaman kung hindi mo tatanungin? Ikaw rin, di ka patutulugin niyan kakaisip kung bakit.

Nagdedebate ng dalawang bahagi ng utak niya. Gusto niya talagang malaman kung bakit pero nagdadalang hiya siya. Isa pa ay natatakot siya sa maaring isagot ng binata kung sakaling magawa niyang itanong. Hanggang sa magyaya itong mamasyal sila sa baywalk kung saan sila unang nagkausap ay hindi pa rin niya magawang maisatinig ang katanungang paulit-ulit na nag-eecho sa kanyang utak. Bakit niya ako gustong gusto Makita?

Napakagandang pagmasdan ng kalangitan. Napakaliwanag nito dahil sa full moon ng gabing iyon bukod pa sa mga bituing nagkikislapan na tila ba nakikisaya sa sayang nadarama niya ng mga sandaling iyon. Heto siya’t kasama ang babaing unang nagpatibok ng kanyang puso. Hiling niya’y hindi na matapos ang gabing iyon. Sana nga’y hindi matapos ang gabing ito ng isa pang bagay na aaminin ko.

“Monday,” ang marahan niyang tawag dito. Gulat na napalingon ito sa kanya. Tila slow motion sa kanyang paningin ang marahang nitong paningin. Pinagpawisan ng malamig ang kanyang mga palad at lalong bumilis ang pintig ng kanyang puso.

“Ha, bakit?”

“May sasabihin sana ako sayo,” pumikit siya bago ipinagpatuloy ang sasabihin. “H’wag kang magagalit ha, ako kasi si—ano—ako si—si swe—“

“August look,” napadilat siya. Hindi na nakatingin sa kanya ang dalaga. She is happily pointing at the sky.

“May shooting star, let’s make a wish,” ang nakangiting muling baling nito sa kanya. Mukha itong batang excited sa bagong laruan sa kanyang paningin and he’s glad to have had witnessed this. Dismayado man dahil naunsyami ang dapat sana’y pagtatapat ay nagawa pa rin niyang sabayan ang mga ngiti nito.

Sana’y mawala na ang takot mo sa mga taong estranghero katulad ko at sana’y magawa mong matanggap kung sino ako sa mga darating pang mga araw. Mahal na mahal kita. Ang usal niya sa sarili habang tahimik na pingamamasdan ang nakapikit na dalagang taimtim ding humihiling.
Napaiwas siya ng tingin ng bigla itong dumilat. “Anong hiniling mo?” anito.

“Secret.”

“Ay madaya,” napalabi ito. He laughs. Habang lumalalim ang gabi ay unti unti niyang nakikila ang true nature nito. She’s free spirited and sweet. Tila siya isang babasaging krystal na gugustuhin ninomang alagaan at protektahan. Ngayon ay naiintindihan niya na kung gaano ito pinahahalagahan ng mga magulang at kuya nito maging ni Wendy.

“Are you cold?” ang tanong niya ng makitang nakayakap ito sa sarili.

“Medyo lang, hindi naman masyado.”

Nataong wala siyang jacket na suot o dala man lang. Paano ba ito?

“Do you mind kung—kung aakbayan kita?”

“H-ha?”

“Kasi giniginaw ka e,” napakamot siya sa ulo. Mukhang na-offend niya yata ito. “Don’t—don’t get me wrong.”

“No, it’s okay. Keri ko naman,” she smiled that warm smile again.

“Ahmm…sige ikaw ang bahala, sabi mo e.”

“May—may tanong ako sa’yo,” maya-maya ay sabi nito.

“Shoot!”

“Ahmm, bakit—bakit sabi mo kanina gustong gusto mo akong makita?”
nakayuko ito dahl marahil sa lantarang pamumula ng mukha.

He was speechless for a moment. Hindi niya alam kung paano magsisimula. Hindi niya alam kung magagawa niya bang sagutin ang tanong nito. He was about to utter his deepest feelings for her when his phone rings.

“Excuse me,” marahan lang tumango ang dalaga. “Hello?”

“Bro, I know you are with Monday and as much as I don’t want to spoil your night, I can’t,” si Angel ang nasa kabilang linya. May nahimigan siyang pag-aalala sa boses nito. He didn’t respond to what he’s saying, hinintay niya na lamang kung anong sasabihin nito.

Tila siya binuhusan ng malamig na tubig matapos marinig ang sinabi nito, “Your dad is at the hospital. Inatake siya sa puso.”

“Bakit? August what’s the problem?” ang nag-aalalang tanong ni Monday sa kanya. “Namumutla ka, are you okay? Who is that?”

“Nothing, I should take you home.” Hindi na niya kailangan pang sabihin ditto kung anong nalaman mula sa kaibigan. Ayaw niyang mag-alala ito. Dad, wait for me. Be okay. Please, Lord help my dad.

“Are you sure ayaw mo ng pumasok?” Ang tanong niya kay August. Nasa harapan na sila noon ng mansyon. Hindi niya maiwasang mag-alala sa inaasal nito. Bigla itong tumamlay matapos matanggap ang tawag na iyon. Gusto man niyang mag-usisa ay hinayaan niya nalamang ang pananahimik nito sa buong durasyon ng kanilang byahe. Alam niyang may mabigat itong dahilan.

“Hindi na,” pilit itong ngumiti. Alam niyang pilit ito dahil wala ang ningning sa mga mata nito. “Just tell your dad thank you sa pagtitiwala.”

“I will tell him. Sige, be safe,” sa kasalukuyan ay yaon lamang ang kaya niyang sabihin. Hindi man niya alam kung anong bumabagabag rito ay dalangin niyang maayos rin ito.

“Sige na pumasok ka na,” taboy nito sa kanya.

“No, I’ll watch you leave,” giit niya.

“Comm’on malamig dito sa labas, kaya ko na ‘to,” kung mapilit siya ay mas mapilit pa pala ito sa kanya.

“Okay, then, bye.” Papasok na siya sa tarangkahan ng muli siyang tawagin nito, “Yes?”

“I’ll promise to call you when everything is settled and by then I’ll tell you the answer to your question.”

“O-okay,” matapos marinig ang sagot niya ay pinatakbo na nito ang kotse.

Nang dumating siya sa Manila Doctors Hospital ay naabutan na niya sa ICU ang daddy niya. Naroon sa labas at nakabantay ang buong kabarkada niya…Si Angel, si Laurence, si Johnny, at si Lemuel, kumpletong naroon. Bakas sa mukha ng mga ito ang pag-aalala sa kalagayan ng kanyang ama. Malapit ang mga ito sa kanyang daddy lalo na noong college days nila na palaging nasa bahay nila ang mga ito. Minsan pa’y nakaka-jamming nila ito sa pagtugtog.

Agad siyang sinalubong ni Angel ng mamataan siyang parating. “Dude,” ang maikling wika nito pero punong-puno ng pagunawa at pagdamay.
Nagsisunuran ang iba pa kay Angel sa paglapit sa kanya. Isa-isa nilang tinapik ang balikat niya tanda ng pagdamay.

“Kaya mo ‘yan ‘tol, nandito lang kami ng barkada sa likod mo,” sa unang pagkakataon ay seryosong wika ni Johnny.

“Salamat mga, bro, kaibigan ko nga kayo,” binalingan niya si Angel, “So, ano nang lagay ni daddy?”

“Under close observation pa rin siya. The doctors were waiting for you,” mahinahong wika nito. Napatango siya. “I can’t do this alone, dad is my only family,” he was close to tears. Tinatalo siya ng kabang nadarama. Ito lamang ang pamilyang nakagisnan niya. Ang tumayong ina at ama sa buhay niya. Kung mawawala ito ay mapipilayan ang buhay niya. It wouldn’t be the same without his old man beside him.

“Sasamahan ka namin sa opisina ni Doctor Salazar,” ang mahinahon pa ring wika ni Angel.

“Sabi nga ni Johnny dude, kaya mo yan and we will always be here to support you,” ang sabad ni Lemuel na sinegundahan naman ni Laurence na muling pagtapik sa balikat niya.

Dalawang linggo ng hindi nagpaparamdam sa kanya si August. Simula ng gabing maghiwalay sila ay wala pa siyang balitang natatanggap mula sa binata. She is so worried. Isa pang gumugulo sa kanya ay sa kung ano ang isasagot nito sa tanong niya.

Samantala ay hindi pa rin pumapalya si Sweet Stranger sa pagpapadala sa kanya ng kung anu-ano. Puro first thing in the morning ang pagpapadala nito ng mga iyon. Ang nangyari ay nahahati ang atensyon niya.

Ano ba itong feeling na ito, spongebob? I am so worried kay August pero heto’t di ko naman maitatatwang kinikilig ako sa mga ginagawa ni Sweet Stranger, kung sana’y magpapakilala lamang siya sa akin e. Siguro kung alam ko kung sisno siya ay hindi ako maguguluhan.

Napabuntong hininga siya. “Malalim yata ang iniisip ng dalaga ko ah,” hindi na niya namalayang nasa kanyang likuran na pala ang kanyang mommy at kanina pa siya pinagmamasdan. “Ano bang iniisip mo, anak? Napapansin naming ng daddy mo na nitong mga nagdaang araw ay napaka-tahimik mo,” umupo ito sa tabi niya. Kasalukuyan siyang nasa garden ng mga sandaling iyon. Nakita siya ng ina mula sa balkonahe ng kwarto nito at ng ama na nakatanaw sa malayo kaya nagpasyang lapitan siya.

Muli siyang napabuntong hininga, nagdadalawang-isip kung sasabihin sa ina o hindi ang gumugulo sa isipan niya o posibleng maging sa puso niya. Sa bandang huli ay napagpasyahan niya mag-open ng nasasaloob rito.

“’Yun nga mommy, naguguluhan na po ako sa nararamdaman ko. Isa pa, hindi ko alam kung anon ba talagang tawag dito sa ligaw na damdaming nararanasan ko,” hinawakan ng mommy niya ang kanyang mga kamay.
“Anak, ayaw ko sanang manghimasok o pangunahan ka sa kung anong nararamdaman mo, but it seems like kailangan mong ma-realize ang mga bagay-bagay dito sa mundo na hindi mo pa nararanasan. Sa palagay ko’y parehas na damdamin lamang ang nararamdaman mo para kay sweet stranger mo at kay August. Iniibig mo silang dalawa, no doubt about it. Ang maipapayo ko lamang sa iyo ay kapain mo sa puso mo at ikaw mismo ang humanap sa kasagutan kung sino sa dalawa ang mas matimbang at gusto mong makasama sa iyong buhay. Tandaan mo lang, anak, na sa damdamin na sa kauna-unahang pagkakataon ay naranasan mo ay may halong sakit magkaminsan. Basta palagi lamang kami nandito ng daddy mo at mga kuya mo para alalayan ka sa mga oras na mararanasan mo iyon. H’wag na wag mong kakalimutan yan, anak, don’t ever hesitate na lumapit sa akin dahil mahal na mahal ka ng mommy,” ang mahabang litanya nito.

Naiyak naman siya sa litanya ng ina. Isa ito sa mga bagay na palagi niyang pinagpapasalamat sa Diyos, ang pagkakaroon ng pamilyang maunawain at pwedeng masandalan sa oras na kailangan niya ng mas malakas sa kanya.

Niyakap niya ang ina, “Thank you, mommy.”

Ngumiti si Matilde, nasa puso niya ang kaligayahan dahil sa wakas ay naranasan din ng anak ang maramdaman ang magical feeling ng ma-in love. “O siya, tama na muna ang drama-drama ha, halika’t tikman mo ang binake kong cake kanina, favorite mo iyon e, chocolate cake.”

Magkaakbay silang mag-inang pumasok ng kabahayan.

“Wendy, phone call para sa iyo,” ang malakas na tawag ni Kian sa kanya. Kasalukuyan siyang nasa banyo noon at naliligo. Kung makasigaw naman ang otokung itey parang may sunog.

“Sino?” ganting sigaw niya rito. Si kian ay ang kasalukuyan niyang fafables at masasabi niyang siya ng pinaka-gwapo sa lahat ng nakarelasyon niya.

“Lalaki, August daw,” may himig na pagkainis ang muling sigaw nitong iyon. Mahina siyang napatawa, nagseselos ang loko, bongga!

“Sandali, sabihin mong tumawag ulit after 15 minutes,” ang mahinahon niya ng utos, medyo may halong lambing.

Mabilis niyang tinapos ang enjoy pa sana niyang paliligo. Ano kayang kailangan ni August? Paglabas niya ng banyo ay nakasimangot si Kian na nakaupo sa kanyang mahabang velvet sofa. Tinaasan niya ito ng kilay, he’s definitely enjoying his lover’s bold jealousy.

Eksaktong tumapat siya sa sofa ng tumunog ang telepono. Nag-unahan sila ng nobyong damputin ang receiver, swerteng una niya itong nahagip.

“Yes, Gust dear, what is it that I can do for you?” sinadya niyang langkipan ng lambing ang boses and to his utmost joy ay lalong nagsalubong ang kilay ni Kian.

“Wendy, glad to hear your voice again,” wika ng binata sa kabilang linya.

“Of course, maganda yata talaga ang voicelalouh kes, nakaka-miss,” napahagik-gik siya. “So, napatawag yata ang matamis na estrangherong biglang nag-missing in the action ng bongga.”

“Oh, pasensya na Wends, ha. I really don’t have much time the past few days. You see, my dad had a heart attack at kinailangan ko muna siyang asikasuhin.”

“Oh,” he gasped. Nawala ang atensyon niya sa nobyong tuloy pa rin sa pagseselos, “How is he?”

“He’s okay. Stable na ang kalagayan niya. So, listen I called ‘cause I want you to help me set up the most romantic date for Monday. Magtatapat na ako sa kanya.”

“Wow, of course I would gladly help you. Kalian ba ang balak mo?”
“This coming Sunday sana.”

“Okay, no problem. Contact me again for further details,” matapos noon ay nagpaalam na ang binata sa kabilang linya.

“Who is that guy?” ang marahas na tanong ni kian the moment he put the receiver back to the phone’s cradle.

“Why? Are you jealous?” he teased.

“Isn’t it obvious?” Hindi na niya napigil ang malakas na tawa na ikinakunot ng noon ng nobyo. “He’s Monday’s secret admirer,” nagulat na lamang siya ng bigla siyang hablutin nito at bigyan ng mapagparusa at mariing halik sa mga labi.

Talakayan

28 thoughts on “My Sweet Stranger – Chapter 8

  1. ayt ang swerte ng baklush n etich..

    Posted by nesilita | Enero 19, 2014, 12:08 umaga
  2. cute!

    Posted by charm | Hulyo 27, 2013, 1:59 hapon
  3. oo ehm mas kinilig ako kina wendy and kean : ))))

    Posted by Thea Jane | Enero 31, 2012, 6:51 hapon
  4. Bitin….bitin…bitin…wla na akong gils… Please bgyan nyo naman ko..

    Posted by mariatheresa1138 | Enero 27, 2012, 11:25 hapon
  5. Kakatuwa naman c Wendy… :X

    Posted by dianerosario | Disyembre 4, 2011, 2:20 hapon
  6. garaaa nmn

    Posted by phinkyaiz | Oktubre 26, 2011, 10:42 hapon
  7. ahmm.. grabe naman to si wendy kong maka pagharotan.. pero bilib ako sa beauty mo ha.. pinagsilosan talaga.. hahaha

    Posted by karen bunda | Oktubre 26, 2011, 6:30 hapon
  8. malapit na.. gils kaya mo pa yan hahahha

    Posted by mane9185 | Setyembre 29, 2011, 1:22 hapon
  9. kinilabutan ako ky wendy at kian😀

    Posted by *munchaimunch~ | Setyembre 18, 2011, 4:17 hapon
  10. hahahah kaw na wendy..

    Posted by aiza | Setyembre 15, 2011, 12:36 umaga
  11. bongga ang baklushhhh hehehehheheh nag jely na ang guy nya

    Posted by ella emz | Setyembre 10, 2011, 4:54 umaga
  12. ang taray ni wendy..anyway ganda tlga!

    Posted by poopzy | Hulyo 22, 2011, 5:09 hapon
  13. tarusshhh….

    habah ng hair ni wendy…
    pwede ng i braid,,,
    whehhehehe…

    haist antok n mehh…
    nxt time n lng ulit aq mba2a mharlsisa..

    Posted by clarkeys | Hunyo 25, 2011, 5:40 umaga
  14. heheehe ang ganda na

    Posted by ronelyn | Hunyo 25, 2011, 12:08 umaga
  15. wuhooo! next chap na.

    Posted by arabeybsxP | Hunyo 22, 2011, 4:37 umaga
  16. wow most romantic date!!! guys donate me some gils i need to finished this story but i dont hve enough gils.. help me

    Posted by yoon eun hye | Mayo 21, 2011, 5:06 umaga
  17. _ang ganda na..! haizt lapit na ubos ang gils ko!

    Posted by @jenz | Mayo 15, 2011, 3:51 hapon
  18. next chapter na.. ganda!!

    Posted by kastiel | Mayo 12, 2011, 2:47 hapon
  19. Go August! suportahan kita.. kaya mo yan!🙂

    Posted by im_virus | Abril 30, 2011, 5:05 hapon
  20. Hmmm interesiting …napansin ko lang..di ba unknown number nong tumawag si august pano na text ni monday si august kung unknown ang number?? Di naman sinabi na bingay ni wendy and number diba???…..but still a good chapter:)

    Posted by clarizjohn_16 | Marso 26, 2011, 11:14 hapon

Ano ang iyong masasabi sa iyong nabasa?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

TOP Calendar

Pebrero 2011
M T W T F S S
« Jan   Mar »
 123456
78910111213
14151617181920
21222324252627
28  

Mga Istorya

Aming Nakaraan

%d bloggers like this: