binabasa mo ang...
My Sweet Stranger

My Sweet Stranger – Chapter 7

MULING napamulat ang mga mata ni Monday ng may humampas sa braso niya. Bumungad sa kanyang paningin ang nakangising si Wendy. “Kanina pa ako gising ng gising sayo hindi kita magising. Mukhang sa sobrang sarap ng panaginip mo ay away mo ng magising. Ano baying napanaginipan mo—or should I say sino ba yang laman ng panaginip mo?”

“H-ha!?” gulat na napabalikwas siyang ng bangon. So, it was all but just a dream.

Nakatanghod pa rin sa kanya si Wendy at nag-aabang ng paliwanag. Hindi niya ito pinansin tumuloy siya sa banyo at tinignan ang repleksyon sa salamin. My goth, bakit ko ba napanaginipan ang lalaking iyon, spongie? Bigla siyang napahawak sa mga labing muntik ng dantayan ng mga labi ni August sa kanyang panaginip. How would it feels if it happens—for real? Ipinilig niya ang ulo. Imposibleng mangyari yun, she would never allow that. Never

Huwag kang mag-salita ng tapos. Baka kainin mo yang sinasabi mong never never na yan. Bulong ng isang bahagi ng utak niya.

Napabuntong hininga siya ng marinig ang mga katok ni Wendy sa labas ng banyo. Alam niyang kukulitin at kukulitin siya nito hanggat hindi siya nagkwekwento. “Lumabas ka na dyan, gutom na ko mag-breakfast na tayo,” ang malakas nitong tawag mula sa labas.

“Tse! May bahay ka naman ah,” ang wika niya ng buksan ang pinto.

“Joke, pinapalabas lang kita. Dali na kwento ka na,” hinatak siya nito paupo sa kama. Mariin niyang itinikom ang bibig. Kahit anong gawin nito kesohodang ipakain siya nito sa pating di siya aamin na napanaginipan niya si August. “Hoy, dali na.”

Sunod-sunod ang kanyang pag-iling. Magpoprotesta pa sana si Wendy ng tumunog ang cellphone niya. Unknown number ang nakalagay sa screen ng phone niya pero ewan ba niya’t bigla nalang siyang kinabahan. Lumukso ang puso niya at sobrong bilis ng pag-tibok.

“H-hello?”

“Hi,” wika ng pamilyar na tinig sa kabilang linya. Gusto niyang ma-confirm kaya tinanong niya pa rin kung sino ito. “It’s me August.”

“A-august?” biglang napatingin si Wendy sa gawi niya na pagkalapad-lapad ng ngiti

“Yah, listen, diba nasa iyo yung phone ko?”

“Oo”

“Can we meet? I need it e, andoon kasi ang mga business contacts ko.”

“Oh, okay.”

“Sige, susunduin na lang kita sa inyo at around 7pm, bye,” ‘yun lang at nawala na ito sa kabilang linya.

Mataman niyang tinitigan ang cellphone na hawak pa rin niya. Ewan ba niya pero medyo disappointed siya. Is she expecting something? E ano ngayon kung makikipagkita ito sa kanya dahil lang sa phone nito wala siyang paki. Dapat hindi siya affected. Dapat talaga!

“Hoy!” hindi niya namalayang mataman siyang ini-obserbahan ni Wendy. Huling huli nito ang expression ng kanyang mukha na kandahaba ang nguso at nakakunot ang noo. “bakit ganyan ang itsura mo?”

“H-ha? Wala,” hinagis niya ang cell sa kabilang panig ng kama.

“Anong sabi ni August mo?” ang kinikilig na tanong nito

“Hmp, kukunin niya daw yung cellphone niya. Paano kaya nun nalaman yung number ko?”

“A-aahh o-oo nga noh, paano kaya nalaman? Hindi mo ba ibinigay?” ang tanong nito matapos ang sandaling pananahimik. Nagkibit balikat nalamang siya.

NAPABUNTONG hininga si August matapos maka-usap si Monday. He wanted to see her so badly that he even lied about needing that phone. Wala ng kwenta ang phone na iyon sa kanya. Lahat naman kasi ng business contact niya sa phone na iyon ay may reserbang kopya ang kanyang sekretarya. Wala lamang siyang maisip na paraan kung paano makakasamang muli ang babaeng itinitibok ng puso niya. Naiingit siya kay Angel dahil nagawa nitong maaya ang babaeng naka-duet nito nang nagdaang gabi ng walang kahirap-hirap, ‘No Sweat’ kung baga.

Samantalang kung tutuusin sa kanilang magbabarkada siya ang pinaka-matinik sa chicks. Siya ang pinakalapitin ng girls. Pero pagdating kay Monday, tumutupi ang tuhod niya. Kaya naman kailangan niya ng gumawa ng move. Siguro it’s about time na rin na aminin niya sa dalaga na siya ang mysterious sweet stranger na very consistent sa pagpapadala dito ng kung anu-ano. That idea made him shiver pero bahala na.

PAGABABA nila sa sala ni Wendy ay sinalubong siya ng kanyang mommy ng matamis na ngiting may halong panunudyo, “Good morning, our little angel.” Humalik siya sa pisngi ng ina, “Good morning, ma.” Maging si Wendy ay naki-beso rin dito.

“Ang sarap ng ngiti natin ngayon, mommy ah,” ang nakangiti niyang puna, paano’y nakakahawa ang ngiti nito.

“Intsik ba yang sweet stranger mo, anak?” ang sabad ng daddy niyang nagkakape sa dining hall.

“Ha? Bakit po?”

“E, ang aga-aga kasi may mga padala na namang bulaklak at chocolate. Naunahan pa kaming gumising aa,” ang sabat ng kuya Friday niya. Kapag ganoong araw ay naroon lang ito sa bahay kaya nakakasalo nila sa pagkain. Ang dalawa pa niyang kuya ay gabi nalang nila nakakasalo sa hapag.

“Hindi na kayo nasanay doon sa stranger na ‘yan. Palagi namang may padala yan first thing in the morning,” ang balewala niyang wika na na-upo na sa left side ng hapag. Si Wendy ay tumabi naman sa kuya Friday niya at mukhang may balak na namang magpa-cute.

“What?” ang tanong niya ng mag-angat ng tingin at makitang nakatingin sa kanila ang lahat.

“May sasabihin ka daw sabi ni Wendy,” ang sabi ng kuya niya.

“Ha?” tinignan niya ng matalim ang kaibigan. “May sasabihin ba ako?” kaya pala ito tumabi sa kuya niya balak mang-inis hindi balak magpa-cute.

“OO kaya,” ang saad nitong pagkalapadlapad ng ngiti. Napabuntong hininga nalamang siya, “Aalis po ako mamayang gabi,” ang wika niyang parang hindi big deal ang sinabi niya.

“May date po siya,” ang malakas na sabat ni Wendy.

“ANO?” nagulat siya sa sabay sabay na bulaslas ng parents niya at kuya niya. “Hey, calm down people, hindi naman date yun. Exaggerated lang ang pagkakasabi ni Wendy,” ang natatawa niyang wika pero may kaba din siyang nadama dahil baka hindi pumayag ang parents niyang sumama siya kay August lalo na ang Kuya Friday niya na super protective sa kanya. Parang ang laki ng mawawala sa kanya kapag hindi siya nakasama sa binata.

“Anong panggalan ng lalaking yan?” ang seryosong tanong ng daddy niya.

“August Crisanto po,” hindi siya makatingin sa mga mata nito kaya yumuko nalamang siya at pinaglaruan ang ham sa kanyang plato.

“Anong oras ka niya susunduin?” ang tanong naman ng kuya niya.

“7pm po,” nakayuko pa rin siya at tinatadtad ng pinungpino ang kawawang ham sa kanyang plato.

“Sabihin mo sa kanyang pumarito bago mag-alas syite para naman maka-usap namin siya ng mga kuya mo,” tumingin siya sa kanya mommy, humihingi ng saklolo ngunit umiling lamang ito.

“Ok po,” ang napipilitan niyang sagot matapos Tignan ng masama si Wendy. Ang original plan niya dapat ay kuwari ay si Wendy ang kasama niya ng gabing yun.

Oh well, andyan na yan kelangan na lang panindigan. Mas maganda nga iyon, di ba spongebob?

“Anak, hindi mo pa ba kakainin yang ham?” ang alanganing tanong ng mommy niya.

“H-ah?” pagtingin niya sa plato niya ay pirapirasong ham ang nakita niya.

NAKATANGGAP siya ng text mula kay Monday na gusto siyang makilala ng parents nito. Na-eexcite siya na kinakabahan.

Eksaktong 6:30 ng dumating siya sa mansion ng mga Vargas. Agad siyang pinapasok ng katulong ng malaman ang pangalan niya. Mukhang expected na sa buong kabahayan ang pagdating niya. Sinalubong siya ni Wendy sa main door.

“Wendy,” ang bungad bati niya dito.

“Gust, dear ‘wag ka kabahan ha, relax ka lang. Hindi naman nangangain ng tao yang daddy ni my dear Lunes,” ang pasimpleng bulong nito.

“So, your August,” wika ng lumapit sa kanilang binata. Tantiya niya ay mga nasa edad bente-otso ito. Magkasing tangkad sila pero mas malaki ang bulto ng katawan nito. Malamang kapag may ginawa siyang mali or napa-iyak niya si Monday kung saka-sakali lang naman ay bugbog sarado siya rito. Pero wala naman siyang balak saktan ang pinakamamahal niya kaya hindi siya dapat kabahan.

“Yeah, August Crisanto, pare,” inilahad niya ang kamay niya rito na tinanggap naman nito.

“Nice meeting you din, pare. Friday nga pala,” ang wika nito matapos ay iginiya na siya papunta sa sala. Nakabuntot lang sa kanila si Wendy na kininditan pa siya ng lumingon siya.

“Dad, mommy, siya si August,” ang pakilala nito sa kanya sa mga magulang nito.

“Maupo ka, hijo,” ang may halong utos na paanyaya ni Mr. Vargas. Naupo siya paharap sa mag-asawa. Sa pang-isahang upuan naman naupo si Wendy habang si Friday ay tumabi sa mga magulang nito.

“Nasa taas pa si Monday, hijo. Nagbibihis pa. Pasensyahan mo na, alam mo naman kaming mga babae,” ang malumanay na wika ng ina ni Monday. Maaliwalas ang aura ng mukha nito at sa hinuha niya ay hindi siya magkakaproblema rito.

Tumikhim si senator Enrico Vargas, “I guess we haven’t introduce ourselves formally, hijo. I’m Enrico Vargas, ang daddy ni Monday. Ito naman ang aking esposa, si Matilde.”

“It’s nice meeting you ho sir, ma’am,” ang magalang niyang tugon.

“Anong ma’am, call me tita Matilde, hijo,” ang sabad ng ginang.

“siya nga naman, pare masyado kang pormal,” ang nakangiting saad ni Friday.

Napangiti na rin siya, “Sige po, Tita Matilde.” Muling tumikhim si Enrico, “Alam mo kasi, hijo unang beses palang na may lalaking manghihiram ng dalaga namin ng tita Matilde mo, bukod dito kay Wendy.”

“Si tito rico naman, dinamay pa ako.” Ang nakangusong sabad ni Wendy. Hindi siya pinansin ng senador muli lamang nitong ipinagpatuloy ang naudlot na speech, “Kaya naman sana ay inggatan mo ang dalaga namin. Huwag mo siyang sasaktan at kung maaari ay mahalin mo siya ng buong-buo.”

“P-po?” nanlaki ang mga mata niya. Paanong nalaman ng mga ito ang intension ko? Napatingin siya kay Wendy na nag-iwas ng tingin.

“Alam na naming ikaw si sweet stranger, sinabi samin ni Wendy,” ang salo ni Matilde. Napailing nalamng siya.

Huminga siya ng malalim bago nagsalita, “Malinis po ang hangarin ko kay Monday. Aaminin ko pong hindi ako tulad ng iniisip niyong good boy. Inaamin ko pong babaero ako pero believe me or not sir, simula ng makita ko ang anak niyo ay binura ko na sa isip ko ang kahit sinong babe maliban na lamang sa mommy ko. Iingatan ko po si Monday gaya ng pag-iingat ninyo sa kanya. Sana po ay ipagkatiwala ninyo siya sa akin,” ang mapagkumbaba niyang wika.

“Very well said, hijo. Bweno ibinibigay ko sa iyo ang aking tiwala. Siya nga pala, Tito Enrico nalang August,” ang nakangiti ng wika ng kanina’y seryosong don.

Monday is no better in this. She had never been in a date, even once in her life. Kaya naman kanina pa niya kinukulit si Wendy para tulungan siya sa kung ano ang isusuot niyang damit at sapatos, anong ayos ng buhok ang gagawin niya, at kung magmemake up ba siya o hindi. Pero parang hindi niya ito kaibigan kung maka-asta.

“It will come naturally, dear,” ang nakangising wika nito bago lumabas ng kwarto niya. Buong araw itong naroon sa bahay nila bragging about how excited he is for this so called date, “Or gusto mo lang makita si August,” she half-heartedly joked. A casual joke yet a sudden feeling of jealousy made her want to throw Wendy out side the house. Kailan pa ako naging selosa? And why would I get jealous in the first place? She had been deliberating to her self.

Wendy just ignored the side comment though. She knew he was up to something fishy when he left her room the moment she whined about not knowing what to do. He isn’t usually like that. Kapag ganoong nagpapa-awa epek na siya rito ay agad itong to the rescue.

Nang mawala ito sa paningin niya ay lalo siyang nataranta. “What would I wear?” she consciously asked herself. Nagulat siya ng pagtingin niya sa ulunan ng kanyang kama kung saan nakasabit ang wall clock ay past six thirty na.

KULANG ang salitang paghanga para i-describe ang kakaibang damdaming lumukob kay August the moment he laid his eyes on the woman gracefully walking towards them.

Nagulat pa siya ng bigla siyang sikuhin ni Wendy sa tagiliran. Nasa harap na pala niya si Monday. She smiled at him at parang lalong gustong matunaw ng tuhod niya.

Tumikhim ang daddy ng dalaga. Lahat sila ay napatingin dito, “So, hijo anong oras mo balak iuwi ang dalaga ko?”

Sinipat ni August ang suot na pambisig na relo, “Before midnight, tito.” Napatango si Enrico senyales na pumapayag ito na ikinagulat naman ni Monday. Hindi pumapayag ang daddy niya na nasa labas siya ng bahay hanggang ganoong oras lalo na without her bodyguards around.

“Dad, sasama ba sila Lester samin?” out of nowhere ay naitanong ng dalaga.

Umiling ang don, “Syempre naman anak hindi. Nakakahiya naman kay August kung may kabuntot pa kayong kasama.”

Napangiti sa tinuran ng don si August. Surely nahuli niya na ang loob ng ama ng babaeng iniibig.

Talakayan

27 thoughts on “My Sweet Stranger – Chapter 7

  1. Nice

    Posted by akkoooarianne07 | Nobyembre 14, 2014, 9:38 hapon
  2. nakuw,nkkakilg nmn ateh..

    Posted by nesilita | Enero 18, 2014, 11:53 hapon
  3. to be continued na.. haha

    Posted by charm | Hulyo 27, 2013, 1:40 hapon
  4. newbie here..super na kerid away..ubos na gils ko.panu makakakuha ulit?

    Posted by ladyferit | Nobyembre 28, 2011, 10:40 hapon
  5. haha gandaaa

    Posted by phinkyaiz | Oktubre 26, 2011, 10:36 hapon
  6. akala ko totoo na kanina.. panaginip lang pala..
    LOL..
    at mabuti naman nakuha na agad ni August ang tiwala ng pamilya ni Monday.
    ngayon ko lang napansin.. Araw ang pangalan ni Monday tapus buwan naman ang kay August.. hmmm.. pangalang palang, distiny na.

    Posted by karen bunda | Oktubre 26, 2011, 5:52 hapon
  7. bukuhan time na!!!! next chapter na ako.. sana happy ending :))) i really hate tragic eh ;)) gils kakayanin mo pa ba..? LOL…

    Posted by mane9185 | Setyembre 29, 2011, 1:19 hapon
  8. haysss ayan na mag dadate na sila/////hihihhihi

    Posted by aiza | Setyembre 15, 2011, 12:10 umaga
  9. hay mali p un nbuksan q dapat un baby & love eh masydo kc aq na excite eh sayang 2loy un 50gils q

    Posted by verlyann | Agosto 24, 2011, 2:33 umaga
  10. ahahaha…love it!!!

    Posted by lai | Agosto 13, 2011, 1:37 hapon
  11. galing ni august..!

    Posted by poopzy | Hulyo 22, 2011, 5:01 hapon
  12. super duper ang ganda kaso paubos na gils ko=( for sure d nanaman ako makakatulog=(

    Posted by sweetheart244 | Hulyo 14, 2011, 4:50 hapon
  13. koowww…
    paraparaan moh august…

    kulits ni wendy…

    pakipot p si monday…
    soooowws

    Posted by clarkeys | Hunyo 25, 2011, 5:20 umaga
  14. gumaganda n ah hehehe kakainlove ,,

    Posted by ronelyn | Hunyo 24, 2011, 11:57 hapon
  15. boom! approve naman na pala e. simbahan na yan! :))

    Posted by arabeybsxP | Hunyo 22, 2011, 4:28 umaga
  16. Nice story :”>

    Posted by Jewelyn Corsini | Hunyo 10, 2011, 8:36 hapon
  17. its getting more hottttttt….

    Posted by yoon eun hye | Mayo 21, 2011, 4:42 umaga
  18. _super kilig..hahaha!

    _next chap na ako^^

    Posted by @jenz | Mayo 15, 2011, 3:39 hapon
  19. ang ganda nakakakilig na!!

    Posted by kastiel | Mayo 12, 2011, 1:51 hapon
  20. i cant wait 4 nxt chaps…kc di2 palang ganda na

    Posted by yxor | Mayo 3, 2011, 9:55 umaga
  21. malapit na kitang mabasa kaya maghintay ka sa akin,haha..(anu yun?,pagbabanta?)haha

    Posted by yxor | Mayo 2, 2011, 9:00 umaga
  22. ah yun naman pala eh. aprub sa family..hehe

    Posted by im_virus | Abril 30, 2011, 4:55 hapon
  23. hay sa wakas sana maganda ang event sa next chapter kasi date na nila…..hay excited na ako for next chapter…..
    go august kaya mo yan

    Posted by jelaine_628 | Abril 12, 2011, 7:33 umaga

Ano ang iyong masasabi sa iyong nabasa?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

TOP Calendar

Pebrero 2011
M T W T F S S
« Jan   Mar »
 123456
78910111213
14151617181920
21222324252627
28  

Mga Istorya

Aming Nakaraan

%d bloggers like this: