binabasa mo ang...
My Sweet Stranger

My Sweet Stranger – Chapter 6

Wendy collapsed at her soft velvet sofa after talking to Friday. Napasubo na siya. Sa totoo lang naman ay hindi niya rin sigurado kung sino ang kasakasama ni Monday sa kasalukuyan. Malay niya ba naman kung ibang anghel na sugo niya ang sinasabi nito kaninang kausap pa niya ang dalaga. Kailangan niyang magsinungaling sa kuya nito na kasama niya ito dahil ayaw niyang mag-alala ang pamilya nito. Bahala na si spongebob kapag nagkabukuhan.

“Lagot ka sa akin Lunes kapag nakita kita,” mahina ngunit may diin niyang sabi. Pagkadaka’y tumayo siya sa pagkakasalampak sa sofa. Sinipat sipat niya ang sarili sa salamin. Isang embroided mini green dress na tenernohan ng tight leggings ang kanyang suot na bumagay naman sa fair complexion niya. Kapag nakita ni Monday ang suot niya ay tiyak na masesermonan siya nito. Matapos tignan ang repleksyon sa salamin ay dinampot niya ang handbag at saka tuluyang nilisan ang kanyang condo. Hahanapin niya si Monday.

Ang totoo ay wala naman talaga siyang date ng araw na iyon. Gusto niya lang mag-play cupid kaya ipinasa niya kay August ang responsibilidad ng pagbuntot kay Monday. Ngunit tila nagkamali yata siya ng naging desisyon. Heto ngayon at nawawala ang dalaga. Ni hindi na niya makontak ang cellphone nito, marahil ay low bat. Muli siyang napabuntong hininga.

Bago paandarin ang bagong bago niyang red Nissan Versa Sedan ay muli niyang kinontak ang number ni Monday pero tulad kanina ay out of service pa rin ang linya nito. Sinunod niyang kontakin si August, “The number you dialed is out of coverage area, please try your call later,” muli siyang nadismaya.

“Anis ba tetch! Kung hindi out of service out of coverage area naman, kuh! Ka-HB, promise!” Inis na pinaharurot niya ang sasakyan. Nasa kahabaan na siya ng Edsa ng maalala niyang tawagan si Angel. Bakit ko ba nakalimutang tawagan ang isang pang anghel na iyon?

“Wendy, what a surprise, napatawag ka?” bungad ng boses ni Angel.

“Do you know where August is?” walang paliguy-ligoy na tanong niya.

“Ow, sorry Wends, I don’t know where he is. I haven’t talk to him since yesterday.” Bigla niyang naalalang binanggit sa kanya ni August na grounded ito.

“Is that so. Any idea where I can find him?”

“Favorite niyang pumunta sa resto-bar sa Eastwood. Haven is the name of the bar. Baka naroon siya.”

“You’re really an angel. Thanks,” hindi na niya hinintay pa ang reply nito.

KANINA pa asiwa si Monday. Nakaka-concious ang mga titig na ibinibigay ni August sa kanya. She can’t help but blush. Para itago ang pamumula ng kanyang mukha ay nilibot niya ang paningin sa paligid ng restaurant. It has a sweet and warm ambiance. The dimmed light gives the place a cozy feeling. Somehow, kinilig siyang bigla sa isipang she’s having a dinner date in such a beautiful place. Teka, date? Nalito bigla ang dalaga, date bang matatawag ito, spongie?

Nang ibaling niyang muli ang tingin kay August any mataman parin itong nakatitig sa kanya. “May dumi ba ako sa mukha?”

“H-ha?” tila nagulat naman ang binata. “Wala, wala kang dumi sa mukha,” ang umiiling nitong sagot.

“Kanina ka pa kasi tumitingin sa mukha ko e,” nginitian niya ito.

“Walang lalaki ang hindi ma-eenganyong pagmasdan ang iyong mukha. Hindi nakakasawa kahit magdamag ko pang tignan,” hindi nakatingin ang binata ng sabihin nito iyon.

“Are you blushing?” amused na tanong niya. “H-ha?” nang mag-angat ito ng mukha ay napagtanto niyang tama ang birong hinala niya rito. “Forget I say anything,” aniya na lamang. Mukha kasing napahiya ang binata matapos masukol. Sinong lalaki ang aamin na nag-bablush siya? No one, as far as she knows.

“So, what do you do for a living?” ang naisip niyang itanong

“I’m managing a family business,” matipid nitong sagot na halatang medyo nahihiya pa rin. Samantalang siya ay tila at ease na sa presence nito.

“Really? What kind of business?”

“Shipping lines, our family owns Crisanto Shipping lines Incorporated. How about you?” balik tanong nito.

“Ah, I am a writer,” nakangiting wika niya rito. He smiled, “Ano namang genre ng mga books na isinusulat mo?”

“I’m currently writing a detective series. Actually, when we bumped to each other sa hotel, release ng 4th novel ko sa series na yun.”

“Kaya pala hinahabol ka ng mga reporter,” tumango tango siya. She doesn’t want to elaborate anymore. Na-aalala niya ang sanhi ang pag-walk out niya ng araw na iyon.

“So—”

“Oh my god darling Lunes…” lumingon siya sa pinanggalingan ng boses and there is Wendy walking towards their table. “What a coincidence,” ang nakangiting wika nito. Maang na napatingin siya rito, “What are you doing here, Wends?” Imbes na sagutin ang tanong niya ay hinila siya nito patayo.

“Excuse us for a moment,” ang nakangiti nitong paalam kay August.

Nang makarating sa wash room ay umarangkada na naman ang bunganga nito ng talak. “Kuu, gurlash ka kanina ka pa missing in the action ah. Akesh tuloy hinahanapan ng mudjay mes,” ang nakasimangot na wika nito.

“Sorry, empty battery po ako e,” sinuyod niya ito ng tingin, mula ulo hanggang paa. “Anong nga palang ginagawa mo dito?”

“Ay, ditey ang eyebol namin ng fafables kesh,” nakangising saad nito na ikinataas ng kilay niya, “kaya lang di daw siya makakarating e, kaya sama muna kes sayo.”

Tumango na lamang siya. “Tara pakilala mo na ako sa otoku dun sa labas,” excited na yakag nito sa kanya.

“Uwi na tayo, Wends hinahanap na pala ako e,” lihim siyang napangiti. Gusto niyang i-testing ang excitement bigla ng kaibigan.

“H-ha?” nawala ang excitement ng bakla tulad ng inaasahan niya, “Ay oo hinahanap ka na sa inyo pero ineklabu kes nalang si brother dear mo, sabi kes I’m with you at borlog ka sa balay-china kes,”halatang ayaw pang umalis nito. Type yata si August.Mahina siyang napatawa. “Anong tinatawatawa mo diyang babaita ka?”

“Type mo yung lalaking yun noh,” panunukso niya rito. Ito naman ang napahalakhak sa sinabi niya.

“Nevah, mas bagay kayo noh,” biglang namula ang pisngi niya sa tinuruan nito. “Ui, your blushing,” ganting tukso nito.

“Tse! Ikaw nga diyan e, tignan mo nga yang suot mo ang sagwa,”pag-iiba niya ng usapan.

“Hoy, wag mong ibahin ang usapan. Kunwari ka pa, ayan oh kitang kita sa fes,”pang-aasar pa rin nito. Sa kawalan ng masabi ay iniwan niya ito sa wash room. Mabilis naman itong nakasunod sa kanya habang mahinang tumatawa.

Nang makalapit sa table nila ni August ay agad niya ipinakilala rito ang kaibigan. “August, si Wendy friend ko. Wends, si August.”

“It’s my pleasure to meet such a handsome guy,” saad ni Wendy sabay kindat sa binata. Natawa naman si August. Ewan ba ni Monday pero bigla siyang nainis sa kaibigan dahil sa hantaran pag-fiflirt nito kay August.

“Sorry, August but we have to go,” ang walang kangiti ngiting wika niya rito. Hindi na niya hinintay pa ang sagot nito agad na niyang hinila palabas si Wendy.

NAGULAT si August sa pangyayari, ni hindi na niya nagawang sundan ang dalaga. Napapabuntong hiningang muli siyang napa-upo. Nagulat nalamang siya ng may tumapik sa balikat niya, “Yow!” to his utmost surprise, it’s Laurence isa sa mga kaibigan nila ni Angel.

“Laurence, dude, anong ginagawa mo rito?” taking tanong niya. Ang alam niya ay never pumupunta sa mga ganitong klase ng lugar ang binata. Umupo ito sa upuang binakante ni Monday bago sinagot ang tanong niya, “Oh, I just followed some stupid advice mula kay Lemuel. You know that guy, masyadong seryoso. Last night he advised me to make a move and here I am stupidly waiting for my Destiny.”

“Wait, destiny? As in Destiny of that infamous Dangerous Girls Club Lemuel’s bragging about?” Marahan itong tumango. “I can’t believe na na-ikwento na niya ito sa iyo,” he said half laughing.

“Comm’on, nataon lang na napadaan siya sa office this morning and it’s so happened that I asked what’s knew.”

“Yeah right. Anyway, is that girl your flavor of the month? Kanina ko pa kayo pinagmamasdan e simula ng pumasok kayo rito”

“Nah, dude, Monday is different from the others.”

“Oh! So, it’s the famous Monday e,” nakataas ang kilay na wika nito.

“Mukhang iniwan ka ah,” bigla siyang napabuntong hininga sa sinabi nito.

“Ang mabuti pa, let’s cheer up. May gig ngayon ang barkada sa bar ni Johnny,” yakag nito. Alam niyang medyo problemado din ito at gusto lamang mag-unwind kaya naman pumayag na rin siya sa pag-aaya nito.

NANG dumating sila sa bar ni Johnny ay nakangiti silang sinalubong nito. “August, August, anong masamang hangin ang nagtulak sayo rito sa aking kaharian?” nakangising tanong nito.

“Pare, huwag mo ng alaskahin yan may sumpong yan,” tatawa tawang salo ni Laurence.

“At anong tawag mo sa’yo?” ganting asar niya sa simpleng pang-aasar nito.

“Whoah, may something fishy sa inyong dalawa,” ang singit naman ni Lemuel na papalapit sa kinaruruonan nila. Tumawa lamang si Laurence, “Huwag niyo ng tanungin kung bakit nandito yan, ang mahalaga sumama sa kin,” tumingin ito sa kanya na tila may pinapahiwatig. Tila away mabuko na sinunod ang payo ni Lemuel na sa pananaw nito ay isang malaking kahangalan pero hayun at sinunod nito. Masyado itong ma-pride para aminin ang bagay na iyon.

Nakangising inambahan na lamang niya ng suntok ang magtatanong pa sanang si Johnny, kaya naman taatwa tawang tinapik siya sa balikat ni Lemuel. Napailing na lamang ang may ari ng bar, “Tsk, anyway ang mahalaga nakarating ka. Yung devil nalang ang kulang.”

Di naglipas oras ay dumating si Angel na naka-faded blue jeans na tenernuhan ng mamahaling lacoste shirt. “O, Angel pare,” tawag pansin ni Lemuel dito.

“May naligaw yata dito, Hulyo pa naman tayo ngayon ah,” ang pang-aasar nito sa kanya ng makalapit ito sa mesang inuukupa ng barkada sa tuwing nagagawi sila doon.

“Devil, wag mong inisin yan, broken hearted yan baka kagatin ka niyan, sige ka,” ang natatawang sabat ni Laurence. Napailing nalamang siya.

“Oh paano, since were already here, let’s rock the place!” aya ni Johnny. Every time kasi na kumpletong tumatambay doon ang barkada ay tumutugtog sila. Sa totoo lang ay na-miss niya ang jamming nilang magkakabarkada kaya naman nakangiti nang sumunod siya sa mga ito paakyat ng stage.

AGAD na niyakap si Monday ni Mrs. Vargas ng makapasok sila sa pintuan ng mansion ng mga Vargas. Nakatipon sa salas ang buong pamilya. Nahabag siya ng makita ang mugtong mata mga mata ng ina. Marahil ay masyado itong nag-alala para sa kaligtasan niya.

“Mommy, I’m sorry po,” ang nakayuko niyang wika. Ang daddy niya ay nanatiling naka-upo sa sofa katabi ng mga kuya niya.

“It’s okay, anak. Masyado lang nag-alala ang mommy. Sana sa susunod anak na gusto mong sumama kay Wendy magsabi ka para hindi nag-aalala ang mommy,” marahan nitong wika habang hinahaplos ang malabot niyang buhok.

Hindi na niya namalayang nasa tabi na nila ang daddy niya. “Basta magsabi ka lang na ayaw mong may nakabuntot sa iyong bodyguard, makikinig kami. Kailangan lang na may kasama ka,” ang nakngiti ng wika nito.

“Si Wendy po kasi B.I.,” ang nakalabi niyang turan. All the while ay naroon lang ito’t nakatayo malapit sa main door ng mansion. Takot yatang madamay sa sermon ng mga magulang niya.

“Aba’t——-“

“Joke lang,” ang agad niyang bawi na nakangiti na. Napahalakhak na lamang ang mga magulang niya. Maging ang kanyang mga kuya na nakikinig lang ay napataw na rin.

PAGMULAT ng mata ni Monday ay sumalubong agad sa pang-amoy niya ang halimuyak ng paborito niyang bulaklak, amoy roses. “Oh my!” ang tangi niyang nasabi ng bumalandra sa harap niya ang higit yata sa tatlong dosenang bulaklak sa harap niya. Naka-arrange yun palibot sa kanyang kama. White petals were even spread on the pink rosette persian carpet, it made her more than gasped. All of the sudden, she feels light headed.

Pababa na sana siya sa kama nang biglang bumukas ang pinto at bumungad sa kanya ang well leaned masculine figure ni August. A sweet seductive smile is plastered on his face. Parang gusto niyang matunaw sa hiya, heto’t gwapong gwapo ang binata sa suot nitong camouflage shirt at washed out jeans that emphasizes his aura of alluring sex appeal. Samantalang siya ay heto at nakapajama pa, hindi pa nakakapagsuklay, hilamos o mumog man lang.

“Hi!” mas lalong lumapad ang ngiti nito ng bigla siyang magtalukbong ng kumot. “Comm’on don’t hide, ang cute mo pa rin kahit bagong gising ka, kahit may muta ka pa sa mata, at tuyong laway sa gilid ng pisngi.” Sa sinabi nitong iyon ay napakapa siya sa mata at pisngi pero wala dun ang inaasahang muta at tuyong laway. Inaasar lamang siya ng binata. Sa inis ay naibato niya rito ang unan.

“Hey,” ang natatawang sita nito. Lumapit ito sa kama at sumampa doon. “Come here, sweetie,” ang malumanay nitong utos.

Oh God, ang bilis ng tibok ng puso ko. Ano ba ‘tong nararamdaman ko. Parang may kung anong dumadaloy sa buong katawan ko. Kinikilig ako na ewan. Sinunod niya ang utos nito. Dahan dahan siyang umusog papalapit sa katawan nito. She gasped ng mapagtanto niyang unti unti nitong nilalapit ang mga labi nito sa kanyang nakaawang na labi. She closed he eyes and anticipated what would happen.

Talakayan

38 thoughts on “My Sweet Stranger – Chapter 6

  1. n_n

    Posted by nesilita | Enero 18, 2014, 11:41 hapon
  2. excitited!

    Posted by charm | Hulyo 27, 2013, 1:13 hapon
  3. imva ung storya. kilig much

    Posted by harny.valerio | Enero 31, 2012, 4:54 hapon
  4. hahaha kakatawa sila🙂

    Posted by Thea Jane | Enero 29, 2012, 9:07 hapon
  5. Panaginip???

    Posted by dianerosario | Nobyembre 20, 2011, 7:03 umaga
  6. wow ang sweet naman talaga ni august. with all the roses when you awake….nakakakilig talaga..!!

    Posted by karen bunda | Oktubre 26, 2011, 5:37 hapon
  7. exciting ! nyahaha

    Posted by Reinielle Santos | Oktubre 7, 2011, 3:25 hapon
  8. waaaaaaaahhh… asa chapter 6 lang pala ako.. ninenerbyos naman aketch.. ;)) i mean naeexcite lang po

    Posted by mane9185 | Setyembre 29, 2011, 1:09 hapon
  9. wuuuuhh..pinagpapawisan na ako ay,.anjan na anjan naaaa,…very very exciting na po huhuhuhuhu!!!

    Posted by Jude | Setyembre 19, 2011, 4:15 hapon
  10. ugghh! kkainlove si papa august :”>

    Posted by *munchaimunch~ | Setyembre 18, 2011, 3:55 hapon
  11. super kilig…kaso hinde ko na mabasa chapter 7…..nice story sobra…

    Posted by Michelle | Setyembre 15, 2011, 7:37 hapon
  12. aaawww ang ganda na..hihihih

    Posted by aiza | Setyembre 14, 2011, 11:02 hapon
  13. Exciting and cnt wait for the next one

    Posted by laiza001 | Agosto 22, 2011, 8:23 umaga
  14. ano kaya mangayayare sa susunod?🙂

    Posted by mariane01 | Agosto 16, 2011, 2:27 hapon
  15. yiheeee..kakakilig talaga

    Posted by poopzy | Hulyo 22, 2011, 4:53 hapon
  16. hayy.. nakakaexcite grabe!! and I also wonder kung mamumuhi ba si lunes kay august o si august ang mamumuhi sa mga friends nya especially sa kaibigan nya na nagsimula nong ng yari kay lunes.

    Posted by sweetheart244 | Hulyo 14, 2011, 4:19 hapon
  17. kooowww…
    something fishyyy..

    hhhmmmm…

    ang bilis ni august huh…

    Posted by clarkeys | Hunyo 25, 2011, 5:04 umaga
  18. nakakaexcite nmn ng story..
    parang ung group ni august ang may sala nung nangyari kay lunes

    Posted by ronelyn | Hunyo 24, 2011, 11:48 hapon
  19. KISSS KISSS! :)))

    Posted by arabeybsxP | Hunyo 22, 2011, 4:21 umaga
  20. haha.. kakakilig.. :”>

    Posted by lubzkie | Hunyo 12, 2011, 5:11 hapon
  21. wow..kilig

    Posted by yoon eun hye | Mayo 21, 2011, 4:20 umaga
  22. over sa ka-sweetan c august.. my god! i want a guy like august that can change his life for me.. =))

    Mharliz: Ako nga rin ee… sana nga may ganyan pang klase ng lalaki sa mundo noh?

    Posted by jianne2 | Mayo 20, 2011, 2:31 hapon
  23. is she dreaming? ang bilis nman ni August nasa room na nya kaagad🙂

    Posted by kastiel | Mayo 12, 2011, 1:30 hapon
  24. ow….la na pla ko gils..nid ko mgipon para ma read ko ung next chap..

    Posted by ceeejayy15 | Mayo 6, 2011, 2:13 hapon
  25. next nanaman….sana maka ipon ako in short period of time…hahaha:)

    Posted by yxor | Mayo 1, 2011, 1:58 hapon
  26. waaaahhh ano yun? pantasya lang ba o ano?

    Posted by im_virus | Abril 30, 2011, 4:45 hapon
  27. haha i love wendy!!!lunes tlga..hehe

    Posted by jn_flores17 | Abril 22, 2011, 3:32 hapon
  28. gosh no more gils!!uhh cnt wait for the next chapter…

    Posted by jn_flores17 | Abril 22, 2011, 3:25 hapon
  29. @ Jelaine_628 : Nasa The Perfectionist’s Karma si Angel. Love story nya un e, Hehe.😀

    Nice story nga po pala. Nakakakilig sila.😀

    Posted by rochelyn17 | Abril 14, 2011, 9:11 hapon
  30. talgang nkakakili g ung story haha. I like wendy a lot. Naalala q ung mga baklita qng friends jan s pnas haha. Love u

    Posted by runjieerl | Abril 14, 2011, 7:34 hapon
  31. hala nananaginip lang ba siya o totoo tong nababasa ko…….
    excite na talaga ako sa susunod na chapter….
    go august kaya mo yan mapapaibig mo rin si monday…………………

    gwapo rin ba si angel?

    curious lang po….hehehehehehehehehehehehe

    Posted by jelaine_628 | Abril 11, 2011, 5:55 hapon
  32. excited na ko para sa chapter na to……
    may gils na naman ako…..
    hoooooo….
    hep hep horay

    Posted by darlaine_628 | Abril 11, 2011, 5:23 hapon

Ano ang iyong masasabi sa iyong nabasa?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

TOP Calendar

Pebrero 2011
M T W T F S S
« Jan   Mar »
 123456
78910111213
14151617181920
21222324252627
28  

Mga Istorya

Aming Nakaraan

%d bloggers like this: