binabasa mo ang...
My Sweet Stranger

My Sweet Stranger – Chapter 5

“WENDY, yes nandito ako sa Baywalk.” Nang ibaba siya ng manong driver ay hindi niya akalaing mag-isa lamang siya sa lakad na ‘yun. Tila nasa denial stage pa siya ng mga sandaling iyon kaya naisipan niyang tawagan ang kaibigan.

“Goodness gracious, babaita, sinong kasama mo?” may bahid ng pag-aalala sa boses nito.

“Ako lang mag-isa syempre. Ala namang ikaw e nandiyan ka sa bago mong boylet.” Pasaring niya rito. She can’t help herself from doing so.

“Com’on, dear Lunes stop being sarcastic. It isn’t my intention not to be with you. I just hope I have sent an Angel in time,” matalinghagang wika nito.

“What do you mean?” tumingin siya sa paligid niya by doing so ay tila ini-expect niyang may isang anghel ngang lilitaw sa harap niya. Not the conventional angel with halo and wings of course. Sa di kalayuan ay may natanaw siyang lalaking nakatingin sa kanya.

Their gaze met, kaba, excitement, she can feel those strong emotions heating up her blood hanggang sa namalayan niya na lamang that she’s blushing. Strange though that she didn’t felt any sense of fear.

“Hey, still there?” pukaw ni Wendy sa kanya. Tila napapasong binawi niya ang tingin sa estrangherong nakatingin sa kanya.

She was about to say her angst to Wendy nang bigla nalang may humablot sa bag na nakasukbit sa balikat niya. She screamed, and out of nowhere, an angel in disguise appears in her mercy.

He looked at her; his eyes were full of concern and protectiveness. Hindi niya alam kung anong sasabihin, her mouth had gone icy dry after that scream. Pero parang mas tamang sabihing nanunuyot ang lalamunan niya upon looking at those pair of deep set eyes.

“Stay here,” he commanded in his deep husky voice before running after the culprit.

She trembled, for the first time in her life she feels afraid, not for herself, not because of those people crowing around her. She is more afraid for that stranger’s safety.

His eyes, his eyes remind her of someone. Parang nakita na niya ang mga matang ‘yun somewhere. She couldn’t put her fingers when and where, but she is so sure that this isn’t déjà vu.

All of a sudden she felt lightheaded. Gusto na niyang umalis sa lugar na yun, to hell with her silly thought of escaping her bodyguards. But that stranger’s deep husky voice forbids her to.

Just then she remembered bumping into him at the Manila hotel almost a month ago. He’s that Derek Ramsay look alike. She take in several deep breaths, she need her senses back. Anxiety wouldn’t help her in this kind of situation, at least calming down would do.

“Hello? Hello? Babaita, talk. My pusacat, dear Lunes you almost gave me a heart attack. Your awkward silence is killing me. What happened??” saka niya lang naalala na may kausap pa siya sa kabilang linya.

“Wends? Is that you?” alanganing tanong niya sa kawalan ng masabi.

“Who else? May iba ka pa bang kausap kanina? Dear Lunes, you’re pacing out again get a grip girl. What’s that scream for anyway? Anong nagyari, ‘te?” Kulang ang salitang frantic para isalarawan ang concern sa tinig ng baklang kaibigan. Wendy always managed to keep it cool, not unless dealing with her, he always act as mother hen kapag involved siya sa gulo—if this count as ‘gulo’.

“O-oh, someone snatch my shoulder bag,” nagawa niyang sabihin in a calm but hoarse voice.

“My goth, okay ka lang ba, ‘te?”

“Yeah, I think I am. You must have really sent an angel in time.” Out of nowhere ay iyon ang nasabi niya and surprisingly she feels ok after taking in several deep breaths, isang bagay na natutunan niya during the course of her psychiatric therapy.

SA KABILANG LINYA, Wendy managed a wide wicked grin. Parang may hula na siya kung sinong anghel ang tinutukoy nito, a sweet stranger na nagawang mapatino ni Monday ng hindi nito nalalaman.

SA WAKAS naabutan din ni August ang snatcher, he knew something bad would happen. Gusto niyang maiinis kay Monday for even trying to escape her bodyguard’s protection, pero agad niya rin iyong winaksi sa isipan. Ang pinakahuli niyang gusting maramdaman para kay Monday ay ang magalit dito.

Nang maagaw ang bag sa maitim na snatcher ay iniwan niya na ito sa mga taong nakihabol din dito. Bahala na sila sa gustong gawin dito, hindi na niya ito idudulog sa kinauukulan dahil hindi naman nasaktan si Monday. Ang inaalala niya ay ang magiging epekto nito sa dalaga, mentally. Hindi naman lingid sa kanya ang psychological fear nito.

“Darn!” agad siyang naglakad pabalik sa pinag-iwanan sa dalaga, hoping that she obliged like an obedient child to his command. To his relief she did.

Natanawan niya itong nakaupo na sa isang bench while still talking to her phone. Hula niya ay si Wendy ang kausap nito o baka naman ang mga magulang nito at hinahanap na siya.

He slumped beside her. Nakuha naman agad niya ang atensyon nito.

“Wends, later nalang ulit. Bye, lab-chu,” anito sa kausap sa kabilang linya. So, tama nga ang hinala niya, si Wendy ang kausap nito. Nang maibaba nito ang phone ay mataman siyang tinignan nito. He feels like a specimen under a microscope.

He cleared his throat, “Here’s your bag.” She took it at parang nag-awitan ang mga anghel sa langit ng bigla na lamang itong ngumiti.

“We’ve met before,” ang sabi nito sa malamyos na tinig. Wala ang inaasahan niyang takot mula rito. Nakahinga siya ng maluwag. Parang may malaking tinik na nabunot sa kanyang dibdib.

“Yeah, nagkita na tayo dati,” he smiled, “Sa lobby ng Manila Hotel,” ang panabay nilang wika. Natatawang tumango siya. “and I got your cellphone,” muli ay chorus nilang dalawa. Hindi na niya napigilan ang sarili, malakas na siyang napatawa and to his surprise she laugh with him.

“Sorry, August Crisanto by the way,” inilahad niya ang kamay dito matapos maka-recover sa pagtawa.

“Monday, Monday Vargas,” there’s her smile again. Parang gusto niyang matunaw sa kinauupuan. He would treasure this day. This day, he first held Monday’s soft hand to his. Kung pwede lang na hindi maghugas ng kamay ay baka gawin niya. Goodness, parang gusto niya mapa-antada, ganito pala talaga ang epekto ng love sa kanya.

“Salamat pala.” he can see her blushing, at mas lalo siyang na-inlove dito. Mas cute pala ang dalaga kapag nag-bablush.

“Hmmm… a simple thank you wouldn’t do,” napaangat ito ng tingin mula sa pagkakatungo, nakakunot ang mga noong napatingin ito sa kanyang mga mata. “How about, we have dinner?” ang nakangiti niyang sabi dito. He needs to use his charms para mapapayag ito. Ito na ang Matagal niya ng hinihintay na pagkakataon. Pero hindi na muna niya sasabihin dito na siya si sweet stranger.

He held his breath.

NAGDADALAWANG isip si Monday kung tatanggapin ang alok nito. Her defenses were telling her not to trust strangers. Pero magmumukha naman siyang selfish at walang utang na loob kung hindi niya pagbibigyan ang simpleng hiling nitong dinner matapos siya nitong tulungan. Where are her manners? Isa pa base sa kilos at pananalita nito mukha naman itong may pinag-aralan. Wala rin naman siyang alam puntahan kaya pumayag na lamang siya sa alok nito.

“Sige na nga,” ang kunway napipilitan niyang sabi rito

“Thank you,” lalong lumapad ang ngiti nito. “Shall we,” inilahad nito ang kamay sa kanya. Natitilihang tinanggap niya iyon. She felt a sudden jolt, but ignored it. Gusto niya ang pakiramdam ng maiinit nitong palad sa maliit niyang kamay.

Naglakad sila papunta sa motor nito. Here comes the problem. Hindi siya marunong sumakay ng motor, kahit angkas lang never in her life did she experienced it.

“Your hands are cold,” biglang sabi nito.

“Ahm, a-ano, dyan ba tayo sasakay?” alanganing tanong niya. He frowns, “Oo, bakit may problema ba?”

“Hindi ako marunong umangkas ng motor,” she admitted honestly
He let out a playful laugh, as if teasing her pero hindi siya na-offend ni konti man lang. In return she let out a nervous laugh. “It’s easy,” he said, half amused, “I’ll show you.” Tumango na lamang siya dito. It’s a good thing na naka-pants siya.

Binitiwan nito ang kamay niya at umangkas sa motor. He looked at her and motion for her to do the same thing. Alanganing sumunod siya dito. Nang magawa niyang makasampa sa motor ay inabot nito sa kanya ang helmet nito. “Put this on,” ang mahinang utos nito nang iabot nito sa kanya ang helmet. Agad naman niyang isinuot ang helmet sa ulo and it surprisingly fits her. She wonder, ano kaya ang itsura niya wearing this helmet? She shrugged and smiled to herself.

Dahil medyo magkalapit ang kanilang mga katawan, she can smell his masculine perfume. Ipinikit niya ang mga mata, she likes his smell.

“Humawak ka sa baywang ko,” napadilat siya sa sinabi nito.

“W-what?!”

“Sabi ko po humawak ka sa baywang ko,” his voice is still calm

“N-no way,” sunod-sund ang naging pag-iling niya. Never, hindi siya hahawak sa baywang nito. Hello? Lalaki kaya ito, hindi ito katulad ni Wendy. Lalaki ito and worst a stranger in every sense in her world.

“Fine. Okay lang kung ayaw mo,” ang mahina paring wika nito. Binuhay nito ang makina ng motor at mabilis itong pina-andar. Sa gulat ay napakapit siya sa baywang nito. She heard him laugh again.

Tila napapahiyang mahina niyang hinampas ang balikat nito pero hindi na siya muli pang nag-atubiling kumapit sa baywang nito. Goodness, Spongebob ayaw ko pang mamatay.

“Where are we going?” ang malakas niyang tanong dito

“To a place where we can eat,” he playfully answered natawa naman siya. She seems to enjoy this stranger company, it almost feels like home.

Huminto sila sa tapat ng isang class ng restaurant. Marahil nga ay super yaman ng August Crisanto na ito para dalhin siya sa isang hindi basta bastang kainan.

“Welcome, sir and ma’am,” ang magiliw na bati ng waiter sa kanila. He must have thought they’re couples. Silly, she thought. Hinayaan niyang igiya siya ni August sa isang pandalawahang mesa.

Hindi kalayuan sa kanilang dalawa ay may isang pares ng mga matang nakamasid sa kanila.

“DIYOS KO, ang anak ko,” ang hysterical na naibulaslas ni Mrs. Vargas ng malaman mula sa dalawang bodyguard na nawawala si Monday. Prenteng nagbabasa noon ng magazine ang ginang sa sala ng mansion ng humahangos na dumating ang dalwang bodyguard.

“Sorry po, ma’am,” nakayuko ang dalawa. Hindi alam kung anong mukha ang ihaharap sa ginang. Hindi pa nagyayari ang bagay na ito sa kanila dati. Ngayon pa lamang at kahiya-hiya iyon para sa reputasyon ng dalawang bodyguard.

“Mommy, calm down,” ang mahinahong wika ni Friday. Nagkataong naroon sa mansion ang binata ng dumating ang balita.

“How could you even say that, anak? Our angel is missing. B-baka… B-baka,” sa puntong iyon ay tuluyan ng humagulgol ang ginang. Marahang hinagod hagod ni Friday ang likod ng ina. “Hush, mom. Baka naman na kay Wendy lang siya?”

“Call him, hijo,” medyo huminahon ang ginang. Baka nga tama ang anak. Dalangin niyang kasama ito ng kaibigan.

“Yes, Wendell, kasama mo ba si Monday?” ang agad nitong bungad sa kabilang linya

“What? Wendell? Hindi ko sasabihin kung kasama ko si Lunes unless bawiin mo yang Wendell na yan, Friday,” Wendy lightly said.

Napabuntong hininga si Friday, “Fine! Wendy, are you with Monday?”

“Better,” ang nasisiyahang sabi ng kaibigan ng kapatid. He can’t help but rolled his eyeballs.

“So?”

“Yes, sir kasama kes ang iyong dear sister,” malambing na ang tinig ng kausap. Hindi lingid sa kaalaman niyang crush siya ng kaibigan ng kapatid pero ipinagsasawalang bahala lamang niya iyon.

“Pede ba siyang maka-usap?”

“Naku, my dear Friday tulog siya e. Napagod yata sa pamamasyal namin kanina kaya ayon nakatulog.”

“I do I have this feeling na may itinatago ka sakin, Wendy,” ang panunubok niyang tanong dito. Hindi naman sa hindi siya naniniwala rito, parang unusual lang ang sagot nito. He wanted to make sure, that’s all.
Wendy laugh, “Ano namang itatago ko sayo? Unless, you want me to show you my assets?” ang pilyang sagot nito

Napailing siya, “Never mind, just tell her mom is worried, okay?”

“Sure, my dear your wish is my command,” muli itong tumawa. Umiiling na binabaan niya ito ng telepono.

“Is Monday with her?” agad na tanong ni Mrs. Vargas

“Yeah,” ang matipid na sagot ni Friday. Where exactly are you, my little sister?

Talakayan

30 thoughts on “My Sweet Stranger – Chapter 5

  1. ..kakalurkey nmn magsalita ng baklush ateh..n_n

    Posted by nesilita | Enero 18, 2014, 11:29 hapon
  2. naks!

    Posted by charm | Hulyo 27, 2013, 12:56 hapon
  3. kinikilig ako :)))

    Posted by Thea Jane | Enero 29, 2012, 8:47 hapon
  4. The hero . . Sweet stranger.

    Posted by karen bunda | Oktubre 26, 2011, 4:36 hapon
  5. Awts sobrang kilig

    Posted by Irene | Oktubre 17, 2011, 4:01 hapon
  6. ayieee like ko na ang days of a week.. hahhaa monday tuesday wednesday..etc.. maipangalang nga din ang january …to december sa babies ko in the near future hahah.. pero hanap muna ng prince LOL

    Posted by mane9185 | Setyembre 29, 2011, 12:53 hapon
  7. kaya ,..ay baka mapahamak sya …kakabakaba!…

    Posted by Jude | Setyembre 19, 2011, 1:38 hapon
  8. mmmmm….sana marami pa akong gils…….nakaka inlove na

    Posted by Michelle | Setyembre 15, 2011, 7:20 hapon
  9. hayss parang bitin ang bawat chap..ahihih

    Posted by aiza | Setyembre 14, 2011, 5:48 umaga
  10. wow, it keeps on getting better and better..🙂

    Posted by mariane01 | Agosto 16, 2011, 2:24 hapon
  11. yiheee..kilig^^

    Posted by poopzy | Hulyo 22, 2011, 4:26 hapon
  12. ay lagot si august!!

    Posted by sweetheart244 | Hulyo 14, 2011, 3:57 hapon
  13. koowww…
    paraparaan ni august…..

    Posted by clarkeys | Hunyo 25, 2011, 4:48 umaga
  14. ayun na! binali nya na yung rules niya. :DD

    Posted by arabeybsxP | Hunyo 22, 2011, 4:13 umaga
  15. haha.. huli sila ni mr.vargas!. :))

    Posted by lubzkie | Hunyo 12, 2011, 11:41 umaga
  16. ganda ganda….

    Posted by yoon eun hye | Mayo 21, 2011, 4:00 umaga
  17. sana ako nalang si monday hahahaha…guys give me some gils

    Posted by yoon eun hye | Mayo 21, 2011, 3:59 umaga
  18. ganda ng story.., nakakakilig..,

    Posted by czai | Mayo 17, 2011, 2:57 hapon
  19. _super love it..ang ganda! ang sweet ni august…^^

    Posted by @jenz | Mayo 15, 2011, 2:05 hapon
  20. lagot si sweet stranger sa 3 niyang brother!

    Posted by kastiel | Mayo 12, 2011, 1:06 hapon
  21. hahhaha…cute tlga..hahhaha..

    Posted by ceeejayy15 | Mayo 6, 2011, 1:50 hapon
  22. hehe tudo worry si madir.🙂

    Posted by im_virus | Abril 30, 2011, 4:37 hapon
  23. wow ang ganda ganda ng story. Na fefeel q xa haha. Kakilig. Meow hehe favorite nya c S? Hehe. Love u

    Posted by runjieerl | Abril 14, 2011, 7:22 hapon
  24. wow for the first time tinakasan niya ang body guard niya
    and worst sumama pa talaga sa isang stranger..
    her sweet stranger…
    ang sweet kakainggit naman talaga

    Posted by jedar_628 | Abril 11, 2011, 1:43 hapon

Ano ang iyong masasabi sa iyong nabasa?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

TOP Calendar

Pebrero 2011
M T W T F S S
« Jan   Mar »
 123456
78910111213
14151617181920
21222324252627
28  

Mga Istorya

Aming Nakaraan

%d bloggers like this: