binabasa mo ang...
My Sweet Stranger

My Sweet Stranger – Chapter 4

“TALAGA, te?” excited na tanong ni Wendy sa kaibigan na nasa kabilang linya. Tinignan ni Wendy si Angel na pasimpleng sinipa ang paa niya. “I-loud speak mo” mahinang usal nito sa kanya. Sa kabilang upuan ay tahimik na nakamasid lamang si August. Kasalukuyan silang nasa pad niya ng mga sandaling iyon. Sinunod naman niya ang utos ni Angel.

“Oo nga nangharana si sweet stranger dito kanina.” Wika ni Monday sa kabilang linya. Maganda ang boses nito…soft spoken. “Todo interrogate nga sila Kuya kung sino siya e.”

“Ay bongga! Wish kes na nandiyan akesh kanina para naman na-heardlalouh kes ang boses ni sweet stranger mes.” Maarteng wika ng bakla. Ayaw niyang magpahalatang may iba siyang kasama.

“Hah! You wish.”

“Maganda ba, te?” kinindatan niya si August na ngumiti lang. Noong una ay ayaw niyang maging accomplice ng lalaki sa gagawing pangliligaw sa kaibigan dahil kilalang notorious ang binata when it comes to girls, a womanizer indeed. Ilang beses siyang kinulit nito. Umabot ng halos tatlong araw iyon. Sa loob ng tatlong araw na iyon ay lagi siyang binubulabog ng phone calls mula sa secretary nito or magka-minsan ay ito mismo ang tumatawag sa kanya. Pinadadalhan pa siya ng food sa kanyang office. Sino namang bakla ang hindi kikiligin at mapapa-amo nito. Kung siya lang ang nagustuhan nito ay gora agad kahit Washington ligawan chenelyn na. Pero ang friend niya ang natipuhan nito kaya hayun pumayag na rin siyang maging reliable source nito. One of ‘HER’ intention ay ang pagbabakasakaling mawala ang Xenophobia ng kaibigan. Wish niya lang ay hindi magalit si Monday kapag nalaman ang tungkol sa bagay na ito.

Forgive me na lang my dear Lunes…

“Yah, I think so.” Wika ng dalaga sa kabilang linya. Wala pa ring kaalam-alam na ang sweet stranger na gumugulo sa utak nito ay kasama ng kanyang close friend.

“Kinilig ka, noh?”hirit niya rito. Matagal na hindi nakapagsalita ang dalaga. Nahigit naman ni August ang paghinga, anticipating her answer.

“Yah, konti.” Sa wakas ay sabi nito. Napalundag sa tuwa si August habang pangiti-ngiti lang si Angel.

“Oh my pusacat, talaga te? Walang halong chenelyn eklabo?” paninigurado ng kinikilig ding bakla.

“Oo nga sabi e. Ang kulit mo talagang bakla ka. Magpatulog ka nga.”

“Sus, if I know, te hindi ka nman talaga makatulog kakaisip sa boses ni sweet stranger mo.” Nang tignan niya si August ay para itong hindi mapakaling pusa. Pabalik balik ito ng lakad sa harap nila na may nakapaskil na malaking ngiti sa mga labi.

“Tse! Dyan ka na ngang bakla ka kahit kailan panggulo ka sa beauty sleep ko. Istorbong palaka ‘to. Baboo.” At pinatay nga ng gaga

Nang mawala sa linya si Monday ay parang batang nagsisigaw at nagtatalon si August. “Hey, bro cool down baka masira mo ‘tong pad ni Wendy.” Tumatawang wika ni Angel. “Pagpasenyahan mo na ‘tong ungas na ‘to ngayon palang kasi kinilig yan kaya ganyan mag-react, O.A.” baling nito sa kanya.

Nginitian niya ng makalag-ag brief niyang ngiti ang binata ‘kinikilig din ako sayo…haha!’ pilyang bulong niya sa isip. “Well, what can I say but congrats with this success, Gust dear. Pero it isn’t over yet. Don’t be too overwhelmed, huh.”

Hinamig ni August ang sarili. Tatlong beses na nag-inhale exhale bago muling umupo. “I know, Wendy masyado lang akong natuwa. Sana ay magtuloy-tuloy na ang success kong ito kahit sabi niya nga ay konti lang ang kilig na nadama niya.”

“I think mas kinilig siya sa pag-gitara ko kaysa sa pagkanta mo.” Hirit ni Angel

Ang lakas ng tawa niya sa sinabing iyon ng binata. Pasimple niya itong hinampas sa hita. Well, waley naman sigurong masamang manantsing ng konti…hihi..akala mo Lunes ikaw lang ang pwedeng kiligin..bwahaha dapat ako rin.

“ANGHEL!” lang ang maikling nasabi ni August dito na nagpatahimik sa mapagbirong binata pero hindi nito napatigil ang pilyang pag-andar ng utak niya.

“ANG LAGKIT ng tingin sayo ni Wendy, ah. Mukhang type ka,” tumatawang wika ni August na kasalukuyang nagmamaneho. Ayaw niyang mag-drive si Angel dahil napaka-tulin nito magpatakbo palibhasa’y minsan ng nalalo sa isang motor cross. Siya’y sadyang mainggat mag-drive.

“No way,dude. You know na hindi ko feel ang mga bakla.” Kontodo iling ito. “No offense meant hah. I am not against them it’s just that— never mind.”

Nagkibit-balikat na lamang ang binata at nag-concentrate sa pag-drive. Basta siya ay masaya ng mga sandaling iyon. Daig pa niya ang nanalo sa lotto ng marinig niya mula sa magandang boses ni Monday na kinikilig ito sa panghaharanang ginawa nila ng Kaibigan. Para siyang nasa ulap ng mga sandaling iyon kaya’t hindi niya napigil ang emosyong nadarama at napatalon siya sa tuwa. Ganito pala ang feeling ng inlove—heaven!

NAGING SUNUD-SUNOD ang pagpapadala ni August ng flowers and chocolates kay Monday. Wala siyang pakialam kung tinatawanan siya ng mga kaberks nila ni Angel basta siya ay pinana na ni kupido. Matapos ng matagal na pagbubulakbol ng puso niya ay may natagpuan din siyang magpapa-amo rito. Kaya naman gagawin niya ang lahat magustuhan lamang siya ng babaeng sinisinta.

“Ngumingiting mag-isa…hmmm…hindi kaya nababaliw ka na?” napaangat mula sa kinauupuan si August sa gulat.

“Lemuel pare! What a surprise. Kailan ka pa dumating?” Kapwa nakangiting nag-tapikan sa balikat ang dalawa. Si Lemuel ay isa sa kaibigan nila ni Angel. Matagal tagal din itong nawala dahil sa isang business trip sa London na kailangan nitong daluhan.

“Kagabi pa at nagkita-kita na nga kami kaya lang ay wala ka. Busy ka raw kasi sa isang BAGAY.” May diin ang pagkakasabi nito sa huling salitang binigkas.

“Ang dila nga naman ng Anghel,” napaiiling siya. Tiyak na si Angel ang nagkwento rito ng tungkol sa BAGAY na kinahuhumalingan niya ngayon.

“At ano namang balita ang nasagap mo tungkol sa BAGAY na iyon?”

“Well, ang pagkakasabi sakin ni Devil ay may isang Monday Vargas daw na nagpatino dyan sa palikero mong puso.” Nakangisi ito. Sa lahat ng kaibigan niya ay ito ang palaging nagsasabi sa kanyang magtino pagdating sa pag-ibig dahil baka dumating ang panahon na makakarma siya na palagi niya lamang tinatawanan noon.

“Oo, na-love at first sight ako sa kanya, dude.” Namumungay ang mga matang sabi niya. Lagi siyang parang idinuduyan sa alapaap sa tuwing maalala ang dalaga.

“Now you’re talking. Tell me the whole story then.” Nasisiyahan namang nag-kwento siya.

“WENDY, sige na samahan mo ako mag-mall.” Kanina pa niya kinukulit ang kaibigang bakla. Gusto niya kasing mamasyal sa mall na walang kabuntot na bodyguard at papayagan lamang siya ng mga magulang kung kasama niya si Wendy. Ang kaso’y nag-iinarte ang kaibigan.

“Hindi akesh pede ‘te. May date kami ng fafables kes.” Maarteng wika nito sa kabilang linya.

“At sinong papables naman yan? Si Jon? Si Andrei? O si Gilbert?” Lahat ng nabanggit niya ay sinisintang pururot ng kaibigan yun nga lamang ay hindi niya alam kung sino sa mga ito ang siniseryosong suyuin nito. Ang alam niya’y nakilala ni Wendy si Jon sa isang bar sa Makati kasama ang ilang kaibigang kapwa bakla simula noon ay lagi na nitong bukang bibig ang binata. Si Andrei naman ay isang modelo na kasalukuyang minamanage ng kaibigan. Si Gilbert naman ay isang photographer at nakilala nito sa isanag photo shoot. Sa tatlo ay si Gilbert pa lamang ang nakikita niya.

“Waley sa nabanggit ‘te.” Narinig niya ang malakas na halakhak ng kaibigan sa kabilang linya.

“Ano ba yan? Sino na naman ba yan?”

“Later ko na ikukwento. I have to go na.”

“Hindi ba talaga kita maitatakas diyan sa ka-date mo?”

“Nah-ah. Sige na babush. Fly na kes. Lab-chu friend.” Wala na siyang nagawa ng mawala ang kaibigan sa kabilang linya. Malamyang inihagis niya ang phone sa ibabaw ng kama.

KASALUKUYAN siyang naglalakad sa mall. Sa likuran niya ay nakasunod pa rin ang tatlo niyang bodyguard. Wala siyang magagawa dahil matigas ang pagtanggi ni Wendy na samahan siya. Sadyang napakalandi talaga ng binabaeng iyon. Mas importante pa para rito ang mga lalaking kumakapit dito na hindi naman lahat ay mahal siya. Karamihan ay ginagamit lamang siya para sa mga sarisariling kapakanan ng mga ito. Hindi iilang beses na tumakbo itong umiiyak sa kanya ng dahil sa lalaki. Di rin iilang beses na tumatawag ito sa kanya kadalasan sa kalaliman ng gabi upang maghinga ng sentimyento kung bakit pa ito nagkaroon ng pusong babae. Minsan nga ay gusto na niya itong batukan para matauhan. Minsan rin ay sinasabi niya ritong bumalik na sa pagiging lalaki kung ganyang iiyak din ito, mas maganda umiiyak nalang siya ng dahil sa isang babae at hindi dahil sa kapawa nito lalaki. Pero ayaw nito dahil matigas ang paninindigan nito sa sumpang binitawan noon. Ginagalang naman niya kung ano ang maging desisyon nito. Dinadalangin na lamang niya na sana balang araw ay matauhan ito.

Lumingon siya sa likuran niya, halos limang pulgada rin ang layo sa kanya ng dalawang bodyguard. Kanina pa siya nag-iisip kung paano tatakas sa mga ito. Isang hindi pangkaraniwang ugali niya, never in her life did she thought of escaping her bodyguard’s protection away from those strangers. Katakatakang ng mga sandaling iyon ay ayaw niyang isipin ang takot para sa mga di kakilalang tao. Ewan ba niya sa sarili niya pero simula ng ‘magpakilala’ sa kanya si sweet stranger ay tili gusting mag-iba ng pananaw niya sa buhay.Kahit hindi pa man din niya nakikita ang taong iyon, alam niya, sa loob ng isang buwang pagpapadala nito ng kung anu-ano sa kanya, na hindi ito tulad ng ibang taong masama ang reputasyon. Nadarama niyang malinis ang untensyon nito sa kanya. Pero sana magpakita na siya sakin, Spongebob.

An idea sparks in her mind when she saw the movie house. Napapangiting pumila siya sa ticket booth.

KANINA pa nakamasid si August kay Monday mula sa malayo; mula sa paghawi nito ng mahaba at alon-along buhok hanggang sa pag-imbay ng mga balakang nito.

Two hours ago habang magkausap sila ni Lemuel ay nakatanggap siya ng text mula sa kanyang reliable source na mamasyal si Monday sa mall. Sinabi nitong pagkakataon na niya upang magpakilala sa dalaga. Na-excite siya sa ideyang iyon, ngunit heto’t tila hindi pa siya handang magpakilala rito.Kanina pa siya aligaga at di malaman ang gagawin ma-approach lamang ang dalaga.

Kinain yata ng mga daga ang lahat ng bilib niya sa sarili. Kanina ng muli niyang masilayan ang mukha ng dalaga ng bumaba ito sa kotse nito sa parking area ng nsabing mall ay parang dumadagundong ang dibdib niya sa di mawarng emosyong na lumukob sa kanya. Gusto niya itong sugurin ng yakap at halik ngunit hindi naman niya magawang gumalaw mula sa kinatatayuan. Parang idinikit ng mighty bond ang mga paa niya sa semento. Napapabuntong hiningang sumunod nalang siya dito ng pumasok it osa loob ng mall.

Nataranta siya ng sa sandaling pagkalingat niya ay nawala ito sa paningin niya.

MABILIS ang mga hakbang ni Monday palabas ng movie house. She managed to fool her bodyguards when she exchanged clothes with another girl. Ginamit niya ang imagination bilang writer mapapayag lamang ang babaeng makipagpalit ng damit sa kanya. She need to get out of that place bago pa magbago ang isip niya at matauhan siya kung tama o mali ba nag ginagawa niya. This would be the first time she would explore he outside world without shadows following her around.
Mabilis siyang pumara ng taxi ng makalabas ng mall. She slowly inhaled and exhaled allowing herself to calm down when she’s finally inside the taxi. Hindi niya alam kung saan siya pupunta. Parang biglang gusto niyang magsisi kung bakit pa niya ginawa ang kapahangasang iyon. Pero huli na, it has been done.

“Ma’am, saan po tayo?” ani driver

“H-ha? Sa… sa Baywalk nalang manong?” alanganing sabi niya sa may katandaan na ring driver. Nagkibit balikat lamang ito at nagpatuloy sa pagmamaneho.

By that time ay nagagawa na niyang huminga ng maluwang. Gawa ng aircon ay hindi na rin siya gaanong pinagpapawisan. She found her self letting loose, her defenses exposed. Mukha namang mabait si manong.

MEANWHILE, mabilis ang takbo ng motorsiklong kabuntot ng taxing kinalulunanan ni Monday. August feels a sudden protective greediness building up in his every veins. Nang makita niyang tumatakas ang babaeng minamahal sa mga bodyguard nito ay mabilis pa sa alas-kwatrong sinundan niya ito. Nungkang gugustuhin niyang mapahamak ito, her safety is at stake as well as his heart. Kanina pa siya kinakabahan na di niya mawari at sinabi niya sa sarili he needed to stay alert. Kahit anong mangyari hindi niya lulubayan si Monday, kesohodang magmukha siyang stalker sa paningin nito.

Talakayan

30 thoughts on “My Sweet Stranger – Chapter 4

  1. nxt chapter….

    Posted by april bito-on | Hulyo 2, 2014, 8:10 umaga
  2. galing nmn..n_n

    Posted by nesilita | Enero 18, 2014, 11:17 hapon
  3. sweet

    Posted by charm | Hulyo 27, 2013, 12:44 hapon
  4. ang pag ibig nga naman ginagawang tanga ang taong matalino : )))

    Posted by Thea Jane | Enero 29, 2012, 8:24 hapon
  5. pasawayyyy

    Posted by phinkyaiz | Oktubre 26, 2011, 10:24 hapon
  6. tsk gandaaa

    Posted by phinkyaiz | Oktubre 26, 2011, 10:14 hapon
  7. wow ha. . .protective na agad.. tumino na talaga ang playboy na si August.. Kakakilig naman.!

    Posted by karen bunda | Oktubre 26, 2011, 3:08 hapon
  8. exciting..nakangiti ako habang nag babasa,kilig ba:)

    Posted by kat08 | Oktubre 19, 2011, 1:12 umaga
  9. Cute…

    Posted by Irene | Oktubre 17, 2011, 3:52 hapon
  10. so sweet nman .. haiiii..🙂

    Posted by Margaret Lee | Oktubre 7, 2011, 2:38 hapon
  11. how sweet naman,… nice nice…! maerase na sana ung bad experience niya

    Posted by mane9185 | Setyembre 29, 2011, 12:07 hapon
  12. hayzzz…so switttt

    Posted by Michelle | Setyembre 15, 2011, 7:02 hapon
  13. wahhh nagiging exciting na….hayss ala na kong gils…

    Posted by aiza | Setyembre 14, 2011, 5:17 umaga
  14. exciting…

    Posted by laitoribio | Agosto 13, 2011, 11:49 umaga
  15. ganda talaga;)

    Posted by poopzy | Hulyo 22, 2011, 3:26 hapon
  16. nachopeh si SS aaahhh

    feeling hero si august….

    nice1 mharlSISA…

    Posted by clarkeys | Hunyo 25, 2011, 4:30 umaga
  17. kakakilig grabe napapasmile ako..

    Posted by ronelyn | Hunyo 24, 2011, 11:30 hapon
  18. kilig me….huhuhuhu nice name ng mga character

    Posted by yoon eun hye | Mayo 21, 2011, 3:40 umaga
  19. _super kilig ng story na to..! ang love nga naman, ang daming nagagawa^^

    Posted by @jenz | Mayo 15, 2011, 1:38 hapon
  20. kakakilig naman what true love can do

    Posted by kastiel | Mayo 12, 2011, 12:45 hapon
  21. aw..swit..heheh

    Posted by ceeejayy15 | Mayo 6, 2011, 1:30 hapon
  22. …ipon muna gils para mabasa ko 2,,,nice tung story ehh

    Posted by yxor | Abril 18, 2011, 5:49 hapon
  23. wow kakilig. Sana nd nlng nangyari ung bgay n ngyari s knya nung bata p xa.

    Posted by runjieerl | Abril 14, 2011, 7:03 hapon

Ano ang iyong masasabi sa iyong nabasa?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

TOP Calendar

Pebrero 2011
M T W T F S S
« Jan   Mar »
 123456
78910111213
14151617181920
21222324252627
28  

Mga Istorya

Aming Nakaraan

%d bloggers like this: