binabasa mo ang...
My Sweet Stranger

My Sweet Stranger – Chapter 3

“OH MY PUSACAT! Ateng kinikilig to the bones akesh ng bonggang bongga. Ang mais naman ng Sweet Stranger na iyan. I wonder who he might be.” Kumikiwal kiwal ang katawang litanya ni Wendy. Agad itong sumugod sa kanilang tahanan nang tawagan niya ito at ipaalam na may mysterious sender siya ng favorite niyang white roses.

“Ano kayang nakakakilig doon? Wala naman.” Kontra niya sa pahayag nito.

“Juiceme, ‘teh tao ka ba? Parang di ka babae daig pa kita. Maski si Spongebob marunong kiligin. Ikaw mukhang pinaglihi sa ampalaya at champoy sa pagka-bitter Ocampo mo.”

“Tse! Ang Owvher mo. Hindi ako bitter mas lalong hindi ako pinanglihi sa ampalaya at champoy sa labanos daw ako pinaglihi sabi ni mommy. Sadyang hindi lang talaga nakakakilig noh.” Nakangusong paliwanang niya rito.

“Ay bongga! Labanos pala no wonder makinis ka ateng. Pero washington ka talaga heart ‘di daw ba ma-appreciate ang effort ni Sweet Stranger mo? Nasaan na ang sweet Monday na kilala ko?” maarte pa ring wika nito habang nagtitikwasan na naman ang mga maninipis na kilay.

“Ako pa rin ang sweet Monday na kilala mo noh. Hindi lang talaga ako kinikilig promise period susi kandado.” Wika niyang ginaya ang pagtaas baba ng mga kilay nito.

“Grabah kalorkey itetch. Bahala ka nga.” Parang walang nangyaring binuksan nito ang flat sceen t.v. sa kanyang kwarto.

“Hanggang sa mga sandaling ito ay tikom pa rin ang bibig ni Miss Monday Vargas tungkol sa mga naglilipanang issue kauganay ng nangyari last week sa press release ng kanyang pang-apat na nobela. Sinubukan naming hingian ng statement ang career manager at producer nitong si Miss Wendy pero maging ito ay no comment sa issue. Kung nanunuod ka man ngayon Miss Monday ay bukas ang aming programa sa ano mang pahayag mula sa’yo.” Wika ng entertainment anchor na si Phoebe sa screen ng television.

Nagkatinginan si Monday at Wendy. Sa mga mata ni Monday ay bakas ang pag-aalala samantalang bakas sa mga mata ni Wendy ang pag-unawa sa pinagdaraanan niya.

NANG BUMABA sila sa sala ay naabutan nilang nagkukumpulan doon ang tatlo niyang kuya, ang daddy niya, at ang mommy niya. Mukhang may pinagpupulungan ang mga ito. Nang mamataan siya ng Kuya Friday niya ay natigil ang pag-uusap ng mga ito. Nagtatakang lumapit siya sa mga ito kasunod ang kaibigang si Wendy.

“May family meeting? Tungkol saan?” nahihiwagaang tanong niya. Bunso siya sa kanilang magkakapatid at bababe pa kaya kahit hindi niya ka-close ang mga kuya niya ay very protective ang mga ito sa kanya lalo na matapos ng insidente fifteen years ago. Katunayan ay hindi nagpapapunta ang mga ito ng mga kaibigan o kaklase sa bahay nila dahil ayaw daw ng mga itong matakot at mailang siya. Ganoon siya kamahal ng mga nakatatandang kapatid.

Nagkatinginan ang lima. Tumikhim ang kanyang daddy bago nagsalita, “Alam mo kasi anak nakarating sa amin yung balita tungkol sa pag-wawalk out mo last week sa press release mo at—“ tumingin ito sa mommy niya.

“And?”

“And naisipan naming magpa-press-con ka ulit pero kasama kami” ang singit ng Kuya Sunday niya. Tinignan niya si Wendy, humihingi ng saklolo mula rito.

Matamis na ngumiti ang bakla sa kanya bago nagsalita, “Actually, sister Mondy they are right. Kailangan ma-i-set natin kung kailan magaganap ang press-con na ito para ma-klaro na ang lahat.”

“Taksil!” mahinang bulong niya sa tenga ng kaibigan. Nakaka-inis ito pangiti-ngiti pa na animo anghel at kakampi niya yun pala’y babaliktad din. Ayaw niyang muli pang magpa-press-con, para sa kanya’y sapat ng naungkat ang takot niya at ayaw na niyang palalimin lalo ang hukay. “Do we really have to?” tanong niya sa mga magulang.

Sabay-sabay na tumango ang lima sa harap niya at mas lalo pa siyang nainis. “Arghh! Bahala nga kayo.” Wika niya saka padabog na muling pumanhik sa kanyang silid. Nagkatinginan na lamang ang anim na naiwan sa sala.

“WHAT?” naibulaslas ni August matapos marinig ang sinabi ng kausap sa kabilang linya. “She doesn’t like it? Please enlighten me kung bakit hindi niya nagustuhan ang mga bulaklak na pinadala ko?” nanlulumong tanong niya. Kung kanina ay very confident siyang magugustuhan ng dalaga ang mga roses na pinadala niya ngayon ay unti-unti nang naglalaho ang confidence na iyon.

“I’m sorry Gust dear but I don’t know either.” Very apologetic na wika ng baklang si Wendy. Yes, ang accomplice ni August ay ang kaisa-isang close friend ni Monday na si Wendy. Nakilala niya ang bakla six months ago sa isang party na dinaluhan nila ng ex- girlfriend na si Tanya. Nang malaman niyang ito ang producer ni Monday ay agad niya itong kinontak. Madugong paki-usap ang pinangdaanan niya bago niya ito napapayag maging reliable source niya.

“Ano pa bang pwede kong gawin para mapa-amo ko siya?” parang dinudurog ang puso ng binata sa kaalamang hindi man lamang niya napangiti ang dalaga.

“Just keep on sending her flowers samahan mo na rin ng chocolates. Pasasaan ba at mapapa-ibig mo rin yun.” pang-eengcourage nito. “Haist! Hindi kes akalaing ang isang August Crisanto ay mati-tame ng aking sweet Monday.” Hirit pa ng bakla.

Lihim siyang natawa. “Yeah, to think that I’ve only met her once.” Pagsang-ayon niya rito

“Don’t worry dear gagawa akesh ng paraan para magkakilala kayo.”

“Thanks, Wendy.” Humalakhak ang bakla sa kabilang linya. “Anything for a handsome sweet stranger like you.” turan pa nito. Napailing na lang si August noon pa man ay alam na niyang type siya ng bakla pero di niya na lang pinapansin.

TAWA NG TAWA si Angel ng malamang hindi nagustuhan ni Monday ang ginawa niyang pagpapadala rito ng flowers.

“Sumuko ka na, bro. Hindi ka talaga marunong manligaw.” Mangani-nganing sipain niya ‘to pero pinigil niya ang sarili ayaw niya rin namang mag-away sila ng kaibigan.

“Tarantado ka talaga. Wala ka na ngang na-itutulong dyan ang lakas mo pang mang-alaska.”

“Why don’t you copy the style of your father?” Napa-isip siya sa sinabi nito. Oo nga naman para saan pa ang pagtatanong niya sa ama kung paano nito niligawan ang ina kung hindi niya rin gagamitin. “Ano? What do you think? Padalhan mo siya ng personalized poem and love letter. Baka doon na siya kiligin.” Dugtong pa ng kaibigan.

“Tsk. May utak ka rin pala kahit paano Angel Mercado.”

“Sira ulo ka bro. Matagal na akong may utak. Masarap ka lang talagang pikunin.” Tatawa tawang wika nito.

“Teka. Personalized poem? Hindi ako poet mas lalong hindi ako marunong gumawa ng love letter.”

Nasapo ni Angel ang noo, “Ay patay na. Ang galing mong mambintang na wala akong utak ikaw nga ‘tong hindi nag-iisip.”

Napapalatak ang binata, “Oo nga naman anong ginagawa ni daddy. Tumatalino ka na, bro.” ganting asar niya sa kaibaigan.

Humalakhak lamang ito, “At ikaw ay hindi pa rin ako kayang asarin.”

“Sinasabi ko sayo, Anghel makakahanap ka rin ng katapat mo.” Kapag tinatawag na niya itong Anghel ay senyales na ‘yun na na-aasar na siya sa kaibigan kaya naman sa mga ganoong pagkakataon ay tumatahimik na ito.

KANINA pa siya nakaharap sa harap ng laptop pero ni isang letra ay wala pa rin siyang naita-type. Natutuliro siya. Kahit pa sinabi niya kanina sa kaibigan na hindi siya kinikilig sa kaibuturan niya ay may konting kiliti siyang nadama.

Noong high school siya maging noong college ay maraming nagpapalipad hangin sa kanya. Bukod kasi sa maganda na ay matalino pa siya pero dahil nga sa mataray at suplada siya sa mga ito ay natatakot ang mga itong umakyat ng ligaw sa kanila.

This is the first time na may naglakas loob magpadala ng flowers sa kanya at sa mansion pa mismo nila. Ang masama ay hindi niya alam kung sino ang lalaking ito. Masyadong madrama kung sino man siya. May Sweet Stranger Sweet Stranger pang nalalaman.

Sana naman ay magpakilala ka sa kin sweet stranger…

Napamuglat ang mga mata niya ng matanto kung anong na-itype sa monitor ng laptop. Tarantang binura niya ang mga katagang iyon. Asar na asar siya sa sarili. Simpleng bulaklak lang ay natutuliro na siya ng ganito. ‘Oh my pusacat! Spongebob, enlighten me!’ ang nai-usal na lamang niya.

Let me be your hero

Would you dance if I asked you to dance?
Would you run and never look back
Would you cry if you saw me crying
Would you save my soul tonight?

Would you tremble if I touched your lips?
Would you laugh oh please tell me these
Now would you die for the one you love?
Hold me in your arms tonight?

Takang dumungaw siya sa bintana ng may marinig siyang kumakanta. Isang malamyos na boses ng lalaki.

I can be you hero baby
I can kiss away the pain
I will stand by you forever
You can take my breath away

Would you swear that you’ll always be mine?
Would you lie would you run away
Am I in to deep?
Have I lost my mind?
I don’t care you’re here tonight

I just want to hold you (2x)
Am I in too deep?
Have I lost my mind?
Well I don’t care you’re here tonight

Nang tunguhin niya ang bintana ay dalawang lalaki ang nakita niyang nakatapat sa bintana ng kwarto niya. They were both wearing gray jacket with hood at naka-cap pa ang mga ito kaya mas lalong hindi aninang sa dilim ang mukha ng mga ito. Ang mas matangkad na lalaki ang may ari ng malamyos na boses na pumukaw ng atensiyon niya. Samantalang ang isang lalaki naman ay tumutugtog ng gitara.

Hinaharana ba nila ako, Spongebob?

Nanatili siyang nakatayo sa harap ng bintana habang nakikinig sa puno ng emosyong pag-awit ng istrangherong lalaki. Sa loob loob niya ay namumuo ang tanong kung ito bang lalaking humaharana sa kanya at si Sweet Stranger ay iisa?

“Maganda ang boses niya, anak?” napalingon siya sa mommy niya na hindi niya namalayang nasa likuran na pala niya. Sa pinto ay naroon ang daddy niya at tatlong kuya.

“Bakit hindi mo sila babain anak?” tanong ng daddy niya. Sa sinabi nitong iyon ay lakad takbo siyang lumabas ng kanyang silid.

I can be you hero baby
I can kiss away the pain
I will stand by you forever
You can take my breath away
You can take my breath my breath away
I can be your hero

Habang palabas ng bahay ay rinig niyang papatapos na ang kanta kaya naman napatakbo na siya.

“Manong Rudy, pakihabol yung dalawang lalaki sa tapat ng bintana ng kwarto ko!” hinihingal na sigaw niya sa gurad. Agad naman itong tumalima at tinungo ang gilid ng mansion kung saan naroon ang dalawang di kilalang lalaki.

Agad siyang sumunod sa guard. Laking dismaya niya ng wala ng maabutang tao sa madilim na parteng iyon ng mansion. “Ma’am Mondy, sorry po di ko naabutan. Ang bibilis kumilos e.” hinging paumanhin ng matandang guard saka inabot sa kanya ang three red roses na nakatali sa isang white ribbon. Sa white ribbon ay may nakasabit na hugis pusong tarheta. “Ito lang po naabutan ko rito e.”

Kinuha niya iyon at agad binasa ang laman ng tarheta.

The stars were brightly shinning tonight,
The way your eyes shine.

Love,
Your sweet stranger

“Sweet Stranger na naman!” ang malakas niyang naibulaslas. “Manong, di niyo po ba nakita yung mukha?” baling niya sa gurad.

Dismayado talaga siya. Ang akala niya ay makikilala na niya ang kanina pang gumugulo ng utak niya. Yun pala ay lalo lamang guguluhin ang utak niya. Pati yata pihikang puso niya ay gusting bulabugin. Nah-ah! Hindi maaari ito!

“Hindi po ma’am e. Naka-maskara po sila na parang dun sa mga dancer na jobbawakey ba yun ma’am?”

“Jabbawockeez po, manong.” Pagtatama niya sa matanda. Napabuntong hininga na lamang siya.

“Sino ba yun, ma’am? Manliligaw niyo?” usisa ng matanda. Nginitian niya lamang ito. Maging siya ay naguguluhan na rin sa tunay na intensiyon ng lalaking iyon. Masyadong mahiwaga ang pagkatao nito.

Nang makapasok siya sa bahay ay naka-abang ang mommy, daddy, at tatlong kuya niya sa sala. Tumikhim ang kuya Wednesday niya. “Sino yun bunso? Suitor mo?” tanong nito.

Uh-oh, interrogation alert, Spongie!

“Hindi po, kuya.” Umupo siya sa single sitter na sofa paharap sa mga ito.

“Kung hindi ay bakit nanghaharana? At nasaan na sila? Hindi man lang pumasok.” Ani kanyang kuya Sunday. Sa tatlong kuya niya ay ito ang pinaka-siga dahil na rin sa ito ang panganay bukod pa sa may malaki nitong pangangatawan.

Napangiwi siya. “Actually, mga kuya hindi ko rin siya kilala.” Atubili niyang wika.

“Ano kamo?” duweto ng tatlong kuya niya.

“Err— Kasi po… ano… kanina yung nagpadala ng roses, yun yung lalaking yun pero hindi nagpapakilala. Kanina hindi ko na siya na-abutan nung lumabas ako. SS lang ang pagkakakilala ko sa kanya e.”

“Anong SS, anak?” hindi nakatiis na usisa ng mommy niya na tahimik lang kanina simula ng pumasok siya.

“Sweet Stranger daw po.” Napayuko siya with the mention of Stranger. Even the mere mention of the word made her shiver sometimes.

Muling tumikhim ang kuya Wednesday niya, “Stranger naman pala, bunso. You need to be careful then.”

“Hindi naman siya siguro tulad nung apat na lalaking ‘yun.” Out of nowhere ay nasabi niya. Napatutop siya sa bibig ng mapagtanto ang sinabi niya. To the rescue naman ang ever beloved niyang mommy, “Mabuti pa siguro ay magpahinga na tayong lahat. Masyado ng gabi para sa mga ganitong usapin. Ipagpabukas na lamang natin ito.” Tumayo ito at inakay siya papanhik sa kanyang kwarto.

Napatiim bagang ang daddy niya. Ang Kuya Wednesday niya ay napa-iling. Ang Kuya Sunday niya ay napabuntong hininga. Habang ang kuya Friday niya ay nanatiling tahimik all through out.

HINDI siya mapakali. Halos dalawang oras na siyang nakahiga sa kama pero hindi pa rin siya dalawin ng antok. Paulit-ulit niyang naririnig ang magandang boses ng di kilalang lalaking iyon. Napaka-ganda at sexy ng tinig nito. In all fairness to him may ‘K’ ito sa pagkanta. Hindi ito mapapahiya kila Janno Gibbs at Ogie Alcasid sakaling itapat ang una sa mga ito.

Ano kayang itsura nga lalaking iyon? Kamukha kaya siya ni Dingdong Dantes? Baka naman mas hawig siya ni Dennis Trillo? Ni Robbin Padilla kaya? O di kaya ni Derek Ramsay?

Napapalatak siya ng mabanggit ang pangalan ng hunk actor na nobyo ni Angelica Panganiban. Kinuha niya ang bag sa side table at inilabas ang phone ng gwapong lalaking nakabangga last week sa Manila Hotel.

Hindi kaya siya si Sweet Stranger, Spongebob?

Tinignan niya ang cellphone at ini-on iyon. Simula ng mapasakamay niya yun ay ngayon niya lang iyon kakalikutin. Pinidot niya ang ‘Menu’ button at pumunta sa message center. Wala siyang napala roon dahil empty ang inbox marahil ay hindi ito mahilig mag-save ng messages. Walang rin itong sent items. Para namang hindi cellphone itong hawak ko. Sinunod niyang i-browse ang contacts pero puro company names lamang ang naka-save na contact roon at ilang numbers na ang pangalan ay letters of the alphabet. Pinuntahan niya ang gallery pero wala ring naka-save na photos, puro old songs ang files na naka-save roon.

“Arrgh ano ba yan nakakainis! Bakit ba ako nagkakaganito?” inis na muli niyang pinatay ang phone. Muli siyang nahiga sa kama with hopes na makakatulog na rin siya.

Bago pa man siya tuluyang dalawin ng antok ay tumunog ang bagong cellphone niya sa ilalim ng unan.

Talakayan

46 thoughts on “My Sweet Stranger – Chapter 3

  1. Oh.. my kilig much na.. next chap.

    Posted by akkoooarianne07 | Nobyembre 14, 2014, 9:35 hapon
  2. nka2kilig tlga’ pEo ag mgA names nla ag npancin qo! lakas ng twA qo… 😂😅😄🙊✌

    Posted by Hannah M C. Lintang | Hunyo 23, 2014, 5:21 umaga
  3. nxt chap n

    Posted by nesilita | Enero 18, 2014, 11:05 hapon
  4. I wonder kng ung mga pangalan ni ay hango mga araw ng kanilang kapanganakan hmmnn..

    Posted by charm | Hulyo 27, 2013, 12:23 hapon
  5. kilig moments na eto…

    Posted by jjhuls | Nobyembre 26, 2012, 2:44 hapon
  6. mahal ko din si spongebob!

    Posted by ChasVic14 | Hulyo 23, 2012, 6:39 hapon
  7. kakaloka talaga ang mga names nila : ))))) HAHAHAHAH

    Posted by Thea Jane | Enero 29, 2012, 8:06 hapon
  8. waaaa wala n ko gils huhuhu

    Posted by Alvin | Disyembre 14, 2011, 10:37 hapon
  9. so sweet c stranger..😛

    Posted by dianerosario | Nobyembre 19, 2011, 10:21 hapon
  10. havey ung name! augustna monday pa:)))

    Posted by phinkyaiz | Oktubre 26, 2011, 10:00 hapon
  11. naku…! si wendy nman pala ang reliable sources.
    Pero sayang naman at di nya naabutan ang nag harana sa kanya.

    Posted by karen bunda | Oktubre 26, 2011, 2:48 hapon
  12. cute pla ung mga days n pangalan.. hehehe. nice story po, in fairness nkakabitin hah.. gudluck to the author.

    Posted by joyzkie | Oktubre 11, 2011, 2:07 hapon
  13. ayieeee,….! kakilig to the max!!! gora n anext chapter

    Posted by mane9185 | Setyembre 29, 2011, 11:56 umaga
  14. kilig to da bones talaga~~~… aahhaaaayy!…galing nga, pag silang nagkagkatuluyan ,,..naku! …baka ang name ng baby nila ay September..heheheh

    Posted by Jude | Setyembre 19, 2011, 11:53 umaga
  15. ganda….ganda…ganda…talaga

    Posted by Michelle | Setyembre 15, 2011, 6:39 hapon
  16. haha prang cute ng story n toh wehhh need more gils hay

    Posted by aiza | Setyembre 14, 2011, 4:55 umaga
  17. uso pba ang harana? marahil ikaw ay nagtataka…at meron pang mga rosas suot nama’y amerikana hahahahh, nice!

    MHARLIZ: Well, para kay August at Monday ay Oo!🙂

    Posted by marylyn | Setyembre 1, 2011, 8:29 hapon
  18. nice….

    Posted by laitoribio | Agosto 13, 2011, 11:27 umaga
  19. can’t wait to read this…

    Posted by laitoribio | Agosto 13, 2011, 11:13 umaga
  20. kilig=)

    Posted by poopzy | Hulyo 22, 2011, 3:15 hapon
  21. Ay ang ganda: Monday, Wenesday, Friday, at Sunday ung name nila=) kulang nalang ng dalawa kumpweto na hehehe…

    Posted by sweetheart244 | Hulyo 14, 2011, 3:18 hapon
  22. sooowww…

    mharlsisa….

    grabeh…
    ung backer ni SS huh…
    wedy pahhh…
    cute nmen ng family nila…

    nice ng panliligaw…..
    harana…
    panin q lng…buang b si manday or sya i patrik..lageh kc nya kinakausap c spongebob wehh…

    Posted by clarkeys | Hunyo 25, 2011, 4:06 umaga
  23. unique nman ng mga name nilng magkakapatid.

    Posted by anabel | Hunyo 24, 2011, 1:47 umaga
  24. ganda naman..

    Posted by anabel | Hunyo 24, 2011, 1:32 umaga
  25. nice. sweet nga. :>

    Posted by arabeybsxP | Hunyo 21, 2011, 5:59 hapon
  26. wOw!!. how nice. :))

    Posted by lubzkie | Hunyo 12, 2011, 11:03 umaga
  27. sweet stranger nga! nakakaadik basahin…😀

    Posted by iamheart | Hunyo 10, 2011, 12:54 hapon
  28. super like ko to…ipon2 muna ng gils…

    dp pwedeng free…hehe

    Posted by sands17 | Hunyo 6, 2011, 1:03 hapon
  29. goshhhhh..kilig to the max….

    Posted by yoon eun hye | Mayo 21, 2011, 3:18 umaga
  30. _hahaha..super kakakilig nito..

    _grabe! ganda^^

    Posted by @jenz | Mayo 15, 2011, 1:20 hapon
  31. nice story!!

    Posted by kastiel | Mayo 12, 2011, 12:34 hapon
  32. haha…katawa ung mga names nila hup..nilaktawan lang ng isa..

    Posted by jbregine | Mayo 11, 2011, 4:10 hapon
  33. natatawa nmn ako sa mga names ng magkakapatid..hahhaha

    Posted by ceeejayy15 | Mayo 6, 2011, 12:55 hapon
  34. :)) cute naman. may paharana-harana pa..

    Posted by im_virus | Abril 30, 2011, 4:23 hapon
  35. hehe… Ang cute ng story.

    Posted by runjieerl | Abril 14, 2011, 6:31 hapon
  36. in fairness ha hanga ako sa sweet stranger na to…..
    at ang pangalan ng mga kuya niya ha……..

    Posted by darius_628 | Abril 11, 2011, 1:05 hapon
  37. Weird names..

    Posted by clarizjohn_16 | Marso 23, 2011, 7:55 umaga

Ano ang iyong masasabi sa iyong nabasa?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

TOP Calendar

Pebrero 2011
M T W T F S S
« Jan   Mar »
 123456
78910111213
14151617181920
21222324252627
28  

Mga Istorya

Aming Nakaraan

%d bloggers like this: