binabasa mo ang...
My Sweet Stranger

My Sweet Stranger – Chapter 2

NAALIMPUNGATAN si Monday sa malakas na boses ni Wendy, ang bakla niyang career manager slash producer slash close friend na panay ang putak ng bunganga habang nakapamaywang sa paanan ng kanyang kama.

“Ano ba, Wendell ang ingay mo!” pupungas pungas siyang umupo sa kama at sumandal sa headboard. Napatili ito nang banggitin niya ang buong pangalan ng bading.

“Correction, Wendy not WENDELL. Juiceme ateng! How many times do I need to tell you not to call me that namesung.”

Natawa siya sa reaksyon nito, “Bruha ka kasi, ‘teh. Binulabog mo ang beauty rest ko.” Once upon a time ay isang matikas na lalaki si Wendell now known as Wendy pero simula ng ma-BH ito noong college ay pinanindigan nito ang sumpang never ng maiinlove sa isang babae. Hanggang sa magulat na lamang ang madlang pipol isang araw ng magladlad ito ng totoo nitong kulay. Naging ka-close niya ang bakla dahil bukod sa kikay na ay naiintidihan nito ang pinagdaanan niya noong bata pa siya. No judgments said.

“Aba’t huwag kang magreklamo, neng. Kasalanan mo kung bakit ke aga-aga ay mainit ang ulo kes.” Pinanlakihan siya nito ng mata habang pakumpas-kumpas ang kamay na itinuloy ang sermon nito, “Aawardan talaga kita. Sinong otoko itey na sumagot ng phonelalouh mo kaninang nag-callalouh akesh sayo? Don’t tell me Washington na ang fearlalouh mo sa mga stranger ‘te particularly sa mga otoko?” kumuha siya ng unan at ibinato ito sa baklush na kaibigan.

“Ano ba naman yan, Wendy? Sabi ko sayo wag mo ako hihiritan niyang kalandian mo.” Iiling iling niyang wika rito. Umupo ito sa gilid ng kama paharap sa kanya na nakapamaywang pa rin.

“Ang juray mo talaga, ‘teh. O siya hindi na pero sino ba yung lalaking sumagot sa phone mo? May bowa ka na ‘teh? Kailan pa? Alam ba itetch nila mudjay at pudjay? Bakit di mo kes pinakilala?” sunod-sunod nitong tanong.

“Hey hey mahina kalaban mo ‘teh. Isa isa lang okay.” Nakataas ang dalawang kamay na wika niya rito. Bumuntong hininga siya saka sinagot ang mga katanungan nito. “Una, wala akong boyfriend. Pangalawa, walang dapat malaman si mommy at daddy ‘cause wala nga akong boyfriend. Pangatlo, hindi ko pinakilala sa iyo dahil wala akong ipapakilala. Pang-apat, takot pa rin ako sa mga strangers lalo na sa mga lalaki. Panglima, hindi ko kilala kung sino yang sumagot sayo nang tumawag ka sa phone sapagkat sa kadahilanang wala sa akin ang phone ko.” Mahaba kong sagot sa mga tanong niya.

“Bongga! Talagang kinarir mo ang Question and Answer portion, ‘teh. So, nawawala pala ang phonelalouh mo at ang nakakuha ay isang otoko.”

“Actually, Wendy nagkapalit kami ng phone ng lalaking ‘yun.”

“Huh? Paano?” mukhang nawala na ang inis ng bakla dahil hindi na ito nakapamaywang.

“Hay naku ikaw talaga basta tsika umaariba maski ang inis nawawala.”

“I-kwento mo na lang kasi sisterette wag na akesh bitinin.”

“O sige na. Atat lang e dinaig pa si spongebob. So, iyon nga nakabunggo ko siya kahapon sa hotel nung tumatakas ako sa mga reporters. Dahil dun parehas nalaglag ang mga cellphone namin hindi ko naman alam na parehas pa pala kami ng model. Ayun nagkapalit kami.”

“Ay yun lang. Hindi mo kinuha ang namesung ni otoko chenez?”
nagtataasan ang mga maninipis na kilay nito habang nagtatanong. Sa mga mata nito ay halata ang panghihinayang.

Napailing na lamang ang dalaga, “Ginaya mo naman ako sayo. Kita mong total stranger yung tao e gusto mo pang kausapin ko saka haller tumatakas ako sa mga reporter that time diba. Gusto mo pa yatang mamatay ako sa takot e.” medyo pangongonsensya niya sa bading na kaibigan.

“Hindi naman ‘teh. Pero sayang talaga e.” Napapitik pa ito sa hangin. Hinayang na hinayang talaga. Alam na niya kung anong tumatakbo sa malaswang utak nito. “Teka nga bago ko makalimutan, bakit ka ba nag-walk out kahapon sa press-con mo ha?” biglang kambyo nito ng tanong.

“Nainis lang ako sa tanong ni Rick.” Maikli niyang sagot.

“So truelalouh ang news na naglilipana sa twitter, facebook, multiply at blog pati sa newspaper at talk shows na dahil sa tanong niya sayo about your Xenophobia kaya ka nag-walk out?” lalong tumaas ang kilay nito na animo daig pa ang taas ng Mt. Everest.

Napapagod na siya sa kasasagot kaya tumango nalang siya rito.

“Naku sabi na dapat hindi na kita iniwan mag-isang humarap sa madlang pipol yesterday.”

“Ikaw ‘tong mas inuna pa yang papables mo e.” Basta lalaki ang pinag-usapan ay nakakalimutan nito ang mga priorities sa buhay.

“Tse! Fafa kes yun e dapat lang unahin. ‘Kuh dapat talaga i-clear natin itey sa public. Be ready.” Wika nitong tumayo na mula sa pagkaka-upo sa kama. “And kailangan mahanap natin ang mahiwagang otoko.” Pahabol pa nitong wika na may pilyang ngiti bago tuluyang ipinid ang pinto ng silid niya.

‘Bakit ba ako nagkaroon ng kaibigang malanding baklush?’ mahinang usal niya sa sarili.

“TAMA BA ANG rinig ko, Gust?” nakataas ang kilay na tanong ng daddy niya sa kanya. Kasalukuyan silang nag-aagahan noon nang magtanong siya rito. Napagdisisyunan niyang dalawin ito at doon muna mag-stay for two to three days. Nakaka-miss ding kasama ang kanyang ama. Namimiss niya ang mga bonding moments nila noong bago siya mag-decide na maging independent and moved to his pad.

Marahan niyang pinunasan ng table napkin ang gilid ng kanyang mga labi, “Yes, dad you heard it right. I’m asking you kung paano niyo po ba niligawan si mommy?”

Si August ay bunga ng isang batang pag-ibig. 17 pa lamang ang daddy niya ng makilala nito ang kanyang mommy na noon ay 16 lamang. Kaya naman sa edad ng daddy niyang 44 ay may anak na itong 27 years old at yun nga ay walang iba kung hindi siya. Sa kasawiang palad namatay ang mommy niya dahil hindi nito kinaya ang pagsilang sa kanya.

“Old school ang ginamit kong pangliligaw sa kanya, hijo.” Inilapag nito ang kubyertos at magkasiklop ang mga palad na sumagot sa tanong niya. Game na game. “Binibigyan ko siya ng love letters, personalized quotation and poems, pati flowers araw-araw favorite kasi ng mommy mo ang daisies. Dalawang beses ko pa nga siyang hinarana noon. Noong unang beses ay nang sagutin niya ako at pangalawa nang malaman kong pinagbubuntis ka niya. Hanggang ngayon kapag dumadalaw ako sa puntod niya dinadalhan ko siya ng love letters.”

Napatango siya sa sagot nito. This explains kung bakit may isang naka-lock na maliit na baul sa puntod ng mommy niya. Marahil ay doon nito nilalagay ang love letters na ginagawa nito.

“So, who is this lucky girl na mukhang balak mong ligawan?” maluwang ang ngiti nito. Hindi lingid sa kaalaman nito ang pagiging palikero niya. Yun nga ang kadalasang ‘cause ng kanilang small arguments. Kaya marahil natutuwa itong malaman na for the first time in the history of his love life ay may liligawan siyang babae.

“For now, it’s still a secret, dad. Mahirap na baka mapurnada pa.” Malakas itong napatawa.

“Basta, hijo who ever she is dapat ay makilala ko.” Wika nito bago muli pinagpatuloy ang pag-aagahan.

Napangiti siya. Kung sakasakali ay first time din na magpapakilala siya rito na babae. All the first time in his life just because of this girl na ang tanging alam niya lang ay pangalan at ang propesyon nito. Looks like he needs to investigate about her whereabouts.

“DO YOU WANT me to dig into this?” tanong sa kanya ni Angel. Kasalukuyan silang nasa Embassy ng mga sandaling iyon. Every Friday night ay nakasanayan na nilang magkaibigang mag-unwind sa iba’t ibang bar.

Inikot niya ang stool na kinauupuan paharap dito bago tinungga ang tangang glass of vodka. “No need. I want to personally look into this. Isa pa I have her phone. I can use that.” Nakibit balikat lang dito si Angel. He knows August, kung anong magustuhan hindi titigil hanggang hindi nakukuha kesehodang dumaan pa ito sa butas ng karayom.

“Cheers to that.” Itinaas ni Angel ang tangang baso, “Balitaan mo na lang ako sa progress mo.”

“I will” wika ni August bago muling tinungga ang iniinum na vodka.

“By the way, I’m currently dating Charmie.” Nakangising sambot ng kanyang magaling na kaibigan. Mahina niya itong binatukan na ikinatawa lang nito.

“Loko loko ka talaga. Kailan mo pa natutunang kumain ng tira-tira ko?” birong patotoo niya rito

“Since Charmie came rushing to my arms with those dazzling kitty eyes looking at me with awe.” Umakto pa itong pusang nagpapacute

“Tarantado. Umaayos ka nga nagmumukha kang bading.” Tatawang muli niya itong binatukan.

“Tsk. Joke lang pare. You know I never will. Tini-testing ko lang kung anong magiging reaction mo.” Napahalakhak ito ng ambahan niya ito ng suntok. “Chill pare”

“Sira ulo ka talaga. Naturingang Anghel ang pangalan mo.”

“Seriously, hindi ka affected?”

“Napaka-intregero mo pwedeng pwede mo nang palitan si Kriz Aquino sa ‘The Buzz’ ah. Hindi ako affected period. Kung si Monday pa ang sinabi mong dinidate mo baka nagulpi pa kita.”

“Oh la la. Ang nagagawa nga naman ng pag-ibig. Akala ko talaga, bro nilalagnat ka lang nung isang araw hindi pala. Hindi lang pala lagnat yang sakit mo terminal disease na. Deadly!” Pang-aalaska nito. Hindi talaga ito naniniwalang kaya niyang magmahal at tumino. Masaklap isipin na bestfriend niya pa ito. Simula kindergarten ay ito na ang kasakasama niya pero kapag mga ganitong pagkakataon ay ito ang unang unang kumukontra sa kanya.

“Tignan natin Anghel kapag dumating na ang katapat mong tarantado ka.” Iiling iling na wika niya rito na tinawanan lamang nito.

KASALUKUYANG nasa garden ng mansion noon si Monday at nagbabasa ng magazine ng may mag-doorbell sa gate. Nag-angat siya ng tingin upang bistahan kung sino ang nag-doorbell. Isang delivery boy ang kausap ng guard nilang si Mang Randy na may hawak na basket of white roses.

Tumayo siya mula sa kinauupuan at lumapit sa mga ito. “Ma’am Mondy para raw po sa inyo ang mga rosas na ito.” Bungad sa kanya ni Mang Randy.

“Kayo po sa Miss Monday Vargas, ma’am?” tanong ng delivery boy.
Tinanguan niya ito saka ngumiti. “Kanino galing ang roses?”

Napakamot sa ulo ang lalaki, “Naku hindi ko po alam ma’am. Pina-deliver lang po sakin yan. Tignan niyo na lang po yung card.”

“Teka, saang flower shop ba ito?” nakakunot na ang noo niya sa pagtataka. Wala siyang mahagilap sa utak kung sino ang pwedeng magbigay sa kanya ng roses to think na paborito niya ang mga ito.
Ibinigay naman nito sa kanya ang pangalan ng flower shop pati contact number. Matapos noon ay umalis na rin ang delivery boy. Siya naman ay agad na pumasok sa loob.

Agad niyang kinuha ang tarheta nang makapasok sa loob ng bahay.

‘From your Sweet Stranger’

Tanging iyon lamang ang nakalagay sa card. Nagtatakang kinuha niya ang telepono at tumawag sa flowershop.

“Raymond’s Paradise, how may I help you?” ani ng boses babae sa kabilang linya.

“Hello?” alanganing sagot niya

“Yes, ma’am how may I help you?”

“This is Monday Vargas. Ngayon ngayon lang may delivery of white roses na dumating sa ‘kin I just wanna know kung sino ang nag-order nito sa inyo?”

“Let me look into the record ma’am please wait a moment.” Sandaling nawala ang babae sa kabilang linya, nang magbalik ito ay very apologetic ang boses nito, “I’m sorry ma’am pero confidential po ang identity nag nag-oder ng white roses na iyon. He specifically asked us not to mention his name kung meron mang magtatanong. I’m really sorry ma’am but we need to follow the rules.”

Napabuntong hininga siya, “It’s okay. Thank you.” Agad niya ring ibinaba ang telepono. Muli niyang tinitigan ang white roses. “Sa lahat ng kailangan magbigay isang STRANGER pa.” isang mahabang buntong hininga ang muli nyang pinakawalan.

“ALING TETAY”

“Bakit po, ma’am Mondy?”

“Pakilagay naman po itong flowers sa vase at pakiakyat na rin sa room ko. Salamat po.” Utos niya sa katulong bago muling nag-dial ng numero.

SAMANTALA di kalayuan sa mansion ng mga Vargas ay nakatanaw mula sa malayo si August. Tinted ang salamin ng kotse kaya hindi mahahalatang may tao sa loob.

Gusto niyang makita ang reaksyon ni Monday oras na matanggap nito ang mga flowers mula sa kanya. From a very reliable source ay nalaman niyang favorite nito ang white roses kaya iyon ang ipinadala niya rito. Hindi muna siya magpapakita rito. Nalaman niya rin kasi sa reliable source niya na takot ito sa mga stranger na ang dahilan ay hindi niya alam. Kaya naman bukod sa mapa-ibig ito ay nadagdagan ang misyon niya, ang alisin ang takot nito sa puso nito patungkol sa mga strangers. And for that to happened kailangang mapa-ibig ni Sweet Stranger ang dalaga. He is confident enough na magagawa niya iyon in due time.

Maluwang ang ngiting pinasibad ni August ang kotse nang makapasok si Monday sa loob ng bahay.

Talakayan

36 thoughts on “My Sweet Stranger – Chapter 2

  1. Good.

    Posted by akkoooarianne07 | Nobyembre 14, 2014, 9:33 hapon
  2. sweet….

    Posted by april bito-on | Hulyo 2, 2014, 7:48 umaga
  3. ayt..n_n

    Posted by nesilita | Enero 18, 2014, 10:51 hapon
  4. nice🙂

    Posted by luvlyangel | Disyembre 9, 2013, 6:13 hapon
  5. nice

    Posted by charm | Hulyo 27, 2013, 11:59 umaga
  6. ganda kaya lng kawawa nmn ubg girl rape victim..hmmpp.sarap patayan ng mga rapist na yan..walang awa sa babae..

    Posted by lani | Hunyo 10, 2013, 3:51 umaga
  7. like it

    Posted by cris | Enero 24, 2013, 3:49 umaga
  8. hmmp🙂

    Posted by jjhuls | Nobyembre 26, 2012, 2:38 hapon
  9. ganda aH…sana mtapos ko..

    Posted by alma | Setyembre 6, 2012, 10:55 hapon
  10. shet ang ganda

    Posted by harny.valerio | Enero 31, 2012, 4:35 hapon
  11. pano ba kumita ng gils? can anyone help me, thanks🙂

    Posted by Rhona | Enero 5, 2012, 12:35 hapon
  12. nxt chapter

    Posted by Alvin | Disyembre 14, 2011, 10:11 hapon
  13. kaylangan ko ng gils huhuhuhu

    Posted by ketsup21 | Nobyembre 14, 2011, 1:02 umaga
  14. tingnan nga natin kong hanggang saan ang kaya ni sweet stranger.heheh

    Posted by karen bunda | Oktubre 26, 2011, 2:29 hapon
  15. cant wait for the next episode..

    Posted by Rosel | Oktubre 9, 2011, 5:04 umaga
  16. nice naman story nila… sana matapos ko ito ;)))

    Posted by mane9185 | Setyembre 29, 2011, 11:45 umaga
  17. medyo kinakabahan na ako,….excited ba…

    Posted by Jude | Setyembre 19, 2011, 11:28 umaga
  18. wow…ang ganda talaga….

    Posted by Michelle | Setyembre 15, 2011, 6:16 hapon
  19. nice ang kwento pero pano po ba makaka ern ng gils para makapagbasa ulit ako?

    Posted by frozen heart | Setyembre 10, 2011, 2:43 umaga
  20. hmmm ganda nmn kaya lang awala na akong gils to read the net chapter mgiipon pa ako.. poor me

    Posted by marylyn | Setyembre 1, 2011, 6:54 hapon
  21. kakakilig….:)

    Posted by laitoribio | Agosto 13, 2011, 11:28 umaga
  22. nakaka tuwa mag salita ung bading…heheh ..nakakahilo=D

    Posted by sweetheart244 | Hulyo 14, 2011, 2:46 hapon
  23. kooowwww…
    mga padali ni sweet stranger….

    sowws nmen…

    galeng ni mharlsisa…

    Posted by clarkeys | Hunyo 25, 2011, 2:02 umaga
  24. I like this story sulit ang gils ko!

    Posted by ysa | Hunyo 22, 2011, 8:33 umaga
  25. nice chapter…😀

    Posted by iamheart | Hunyo 10, 2011, 11:06 umaga
  26. haiz, penge po ng gils…kakabitin.

    Posted by sands17 | Hunyo 5, 2011, 6:12 hapon
  27. wow naMEN ….pan0 kaya mapapa ibig…si monday

    Posted by yoon eun hye | Mayo 21, 2011, 2:49 umaga
  28. _ang ganda! tskk..ipon more gils..sobrang bitin ako😦 haizt^^

    Posted by @jenz | Mayo 15, 2011, 11:50 umaga
  29. super like…

    Posted by ceeejayy15 | Mayo 6, 2011, 12:24 hapon
  30. gosh ubusan na 2 ng gils!!hehe..nice<3

    Posted by jn_flores17 | Abril 22, 2011, 2:22 hapon
  31. hay ganda talaga ng story yeheeeeyyyy ,,,, next chapter na akohhh… hehehe

    Posted by jimz | Abril 18, 2011, 11:26 umaga

Ano ang iyong masasabi sa iyong nabasa?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

TOP Calendar

Pebrero 2011
M T W T F S S
« Jan   Mar »
 123456
78910111213
14151617181920
21222324252627
28  

Mga Istorya

Aming Nakaraan

%d bloggers like this: