binabasa mo ang...
My Sweet Stranger

My Sweet Stranger – Chapter 11 (END)

Namutla si Monday sa nakitang larawan.. Nanghihinang napa-upo siya sa upuang malapit sa kinatatayuan niya. Ayaw niyang maniwala sa nakikita niya baka pinaglalaruan lamang siya ng mga mata. “What’s wrong, heart? Are you okay? You looked pale,” puna ng kasintahan. Muli niyang tinignan ang malaking wedding portrait na nakasabit sa maluwang na sala ng mga Crisanto. Daig pa niya ang natuklaw ng ahas.

Tandangtanda niya ang mukhang iyon. She can never forget their faces, kahit pa madilim sa lugar na iyon. Hindi siya maaring magkamali. “Heart…heart, answer me, what’s wrong? Are you sick?” napatingin siya sa nag-aalalang mukha ng nobyo. Why haven’t she thought of it before…his prominent nose and dark eyes resemble his fathers so much…kaya pala parang nakita na niya ang mukha nito noon. Indeed she has seen the same face…15 years ago.

“Gan—ganyan ba ang…ang itsura ng father mo noong bat-bata pa siya?” nagawa niyang itanong sa kabila ng panlalamig ng kanyang mga kamay. Nanginginig ang kalamnan niya.

“Oo, bakit? Okay ka lang ba talaga?” Napatango siya.

“I should go home now,” gusto niyang sumigaw sa galit. Gusto niyang magwala doon mismo sa harap ng lalaking akala niya’y kilalang kilala na niya. Gusto niyang isisping hindi totoo ang nakikita pero nabuyangyang sa mukha niya ang ebidensya.

“Sandali, hintayin muna nating lumabas si daddy. He’s so excited to see you.” Agap nito ng akamang lalabas na siya.

Tumango siya. Pigil ang emosyong gustong sumambulat mula sa puso niya. Galit at awa sa sariling mtagal niyang knimkim…kasama ang takot na ayaw na sana niyang balikan pa pero heto’t ayaw siyang tantanan ng nakaraaan.

Ilang sandali pa ay lumabas ang ama ng nobyo mula sa kwarto nito. Tulak-tulak ng nurse na kinuha ni August ang wheelchair nito. Walang pinagbago ang itsura nito…the same prominent nose and the same dark eyes that speak of mystery. Muli siyang kinilabutan.

“Monday, hija. It’s so nice meeting my son’s special someone,” napapikit siya ng magsalita ito. She can feel the fear and ager burning inside of her.

Inabot niya ang kamay nitong nakalahad kahit gusto niyang masuka sa ngiting ipinapakita nito the same smile she saw habang nakatanghod ito sa ginagawa ng mga kasama nito. “You haven’t changed a bit, sir,” pilit ang ngiting sumilay sa kanyang mga labi.

“What do you mean? Have we met before?” ang takang tanong nito. Maging si August ay nagtaka.

“Perhaps you haven’t remembered that night. You must have forgotten what had happened 15 years ago. If my memory serves me right napakadilim ng gabing iyon…you can hear a little 10 year old girl pleading…screaming for help. Have it slipped your mind—that crime?”

Tinakasan ng kulay si Mauricio. Naguguluhang hinarap ni august ang nobya. “anong pinagsasabi mo, Monday?”

“I-I am so sorry, Monday…I’m sorry,” humahagulgol na noon si Mauricio.
Tuluyang humulagpos ang galit na kanina pa niya tinitimpi. She was dreading this moment…ang makaharap ang isa sa mga lalaking lumapasatangan sa kanya noon.

“Sorry? Sorry…yun lang ang masasabi niyo? Akala niyo ba mababalik ng sorry ang sakit na naranasan ko? Hindi niyo alam kung anong pinagdaan ko noon. Lagi akong dinadalaw ng masamang alalalang iyon. Lagi akong balot ng takot at pangamba na baka maulit ang gabing ‘yun. You don’t know how many times I wished that that night never happened. MGA BABOY KAYO!” ang malakas niyang sigaw rito bago tumatakbong lumabas ng bungalow ng mga Crisanto. Hindi na dapat siya sumama kay August doon.

Habol siya ni august na naguguluhan pa rin. “Sanda…anong ibig sabihin nito Monday?” nagawa nitong hablutin ang kanyang braso.

“Hindi mo na kailangan alamin,” nag-iwas siya ng tingin. Hindi niya mapigilang lumuha. Sa dinaramirami ng lalaki sa mundo bakit ang lalaking ito pa ang naging anak ni Mauricio Crisanto? Bakit ang lalaking minamahal pa niya? You are so cruel, Lord.

“Of course I needed to know,” she can’t stand the pain in his eyes. Lalo siya napaluha. “Monday, tell me please,” ang utos pakiusap nito. Marahan siyang umiling.

“Please,” inalog nito ang mga balikat niya. “Just—just let me go okay,” pero lalo lamang nitong hinigpitan ang hawak sa kanyang braso. “Please!” pakiusap niya pero imbes na bitawan siya ay niyakap pa siya nito ng mahigpit. Muli na naman siyang napiyak. “shhhh…hush—what is this about, tell me I’m willing to listen.” Imbes na sundin ang hiling nito ay kumalas siya mula sa mahigpit na pagkakayakap nito.

Mabilis ang mga hakbang na lumayo siya rito. Pero hindi susuko ang binata. Humarang ito sa daraanan niya. “Ano ban—“

“Okay, fine! You really wanna know huh? It’s as simple as this…we’re over. I don’t love you anymore. Isa pa hindi naman kita lubos na kilala,” ang marahas niyang sabi. Nilagpasan niya ang natigalgal na binata. Nang makabawi ay muling hinaltak nito ang kanyang mga braso. The next thing she knew, he was kissing her. Marahas ang halik nito…parang madudurog ang mga labi niya. Nagpumiglas siya pero sadyang malakas ito sa kanya. Hanggang sa napagod siya sa kakapiglas. Muli na lamang siya napaluha. Para naming natauhan ito ng maramdaman ang mga luhang bumasa sa pisnge nito. Hingal na binitawan siya nito. Tahimik na tinalikuran niya ito. Tulad ng inaasahan niya ay muling hinawakan nito ang kanyang braso. But this time ay napakaingat ng hawak nito. Tila ba isa siyang babasaging Kristal.

“Bitiwan mo ako. Let go of me, please. Huwag—huwag ka ng magpapakita sa akin ulit. Stay out of my life. I-I don’t really know you. You’re just a stranger. I can’t believe I fell in love with someone like you,” pikit matang sambit niya.

Binitawan siya nito. Hindi na siya nagtakang lingonin ang kaawa-awang itsura nito. Baka magbago ang isip niya at balikan ito. Hindi niya maatim na saktan ito pero hindi niya ring matanggap na ama nito ang isa sa mga lalaking gumahasa sa kanya.

Hindi makapaniwala si august sa mga nangyari. Dali-daling tumakbo siya pabalik sa bahay. Naabutan niya ang amang nakayupyup ang ulo’t lumuluha sa sala. The nurse was comforting him.
Gulong gulo ang utak na lumapit siya rito. “What is that about? Anong ibig sabihin ni Monday?”

Sa halip na sagutin ang tanong niya ay niyakap siya nito. “I am sorry…I’m so sorry, kasalanan ko,” ang paulit-ulit na wika nito.

“Sabihin niyo sa akin kung anong problema. Bakit ka nag-sosorry? Ano bang ibig sabihin ni Monday? Please dad,” kumalas siya sa mga yakap nito. Para naman siyang nabuhusan ng tubig ng bigla nalamng sapuin ng ama ang dibdib nito. “Nurse?” ang frantic na tawag niya sa nurse na nasa tabi niya.

Dinala siya ng mga paa niya sa Baclaran church. Kailangan niya ng guidance at wala siyang ibang matatakbuhan kung hindi ang Diyos. Naguguluhan siya. Ano ba ang dapat niyang gawin? Naiipit siya sa pagitan ng pagmamahal at galit. Matagal na siyang nakaluhod pero hindi pa rin niya mahanap ang sagot. Gulo pa rin ang isip na umuwi siya ng bahay.

Lumipas ang mga araw. Isang linggo…dalawa…tatlo…hanggang naging isang buwan. Ni hindi niya nasilayan ang anino ni August. Nagtataka man, tahimik lang ang mga magulang at kuya niya.

Katulad ng mga nagdaang gabi ay nakakulong lang siya sa kanyang kwarto. Hindi siya magawang mapalabas doon ni Wendy. She’s lying in her soft bed. Silently crying then she heard it. Kasabay ng malakas na buhos ng ulan. Her heart recognized his voice. “Monday…Monday!” Agad siyang sumilip sa bintana at hindi nga siya nagkamali. There he is standing under the rain…shivering. Her heart quiver but she remained standing still. Hindi niya magawang ihakbang ang mga paa at babain ito. She just looked at him helplessly.

Natanaw niya ang inang lumabas ng gate at may dalang payong at twalya. Her mother seemed to offer august to come inside the house. He refused at bigla nalamng lumuhod sa harap ng ina. Nagugulumihanang umalis siya sa bintana. Tahimik siyang humikbi habang nagtatalo ang isip niya kung babain ba ang binata.

“August!” gulat na sigaw ni Matilde ng lumuhod siya sa harap nito.

“Tumayo ka diyan, hijo” pero parng bingi lang siya.

“Ti-tita forgive me. I-am so-sorry for hurting your daughter. I am not worth your trust or anyone else’s. Please tell your daughter I am sorry. Pa-paki-abot na rin po ito sa kanya tita,” tumayo siya mula sa pagkakaluhod matapos iabot sa ginang ang sulat na ginawa. Muli niyang tinanaw ang bintana ng kwarto ng babaeng minamahal bago lulugo-lugong umalis sa lugar na iyon.

Dearest Monday,

It is true; I am no doubt a stranger in your life. But you’re also a stranger who invaded my heart. Hindi ko plinanong ma-inlove sayo ngunit anong magagawa ko kung noong hindi ko pa alam ang pagkatao mo’y nabihag mo na ang puso’t kaluluwa ko, ngayon pa kayang kilalang kilala ka na ng puso ko? Ngunit, hindi ko na ipipilit pa ang sarili ko sa’yo. You made me changed. Buong sistema ko ikaw lang ang isinisigaw. Magbago man ang sinisigaw ng puso mo, sa puso ko nag-iisa ka parin. Ikaw lang ang tanging estrangehrang uukupa ng puso ko.

Ano man ang maging pasya mo tungkol sa kaso ng aking ama ay handa naming tanggapin.

I thank God I found you. Goodbye, my love.

Love,
August

Lumuluhang itiniklop niya ang sulat. Niyakap siya ng ina. Muli niyang tinignan ang sulat. Pinahid niya ang luha sa mga mata. Alam na niya ang dapat gawin.

Subsob ang ulo niya sa trabaho. Isang buwan niya ring napabayaan ag trabaho niya dahil sa muling pagkaka-ospital ng ama. Isa pa’y ayaw niyang isipin ang sakit na dulot ng pagkakalayo nila ni Monday.

“Sir, may naghahanap po sa inyo,” ani kanyang sekretarya.

“Ayokong makaipag-usap kahit kanino. If it’s not business related paalisin mo na,” ni hindi niya magawang magtaas ng tingin.

“Pero sir—“

“Please, precy just tell that stranger who ever he is to leave,” he commanded coldly. Wala talaga siya sa mood makipag-usap sa kahit kanino.

“Kahit pa ang stranger na iyon ay ako?” napaangat ang mukha niya mula sa pagkakayuko. Nasobrahan na ba siya sa trabaho? Baka puyat lang ito? I must be dreaming. Nakatayo si Monday sa harap niya. Kulang pa ang sabihing nakakita siya ng multo.

“Wha-what are you doing here,” taka niyang tanong matapos paalisin ang sekretarya.

“I’m here to say I’m sorry and—“

“And?” huminga ito ng malalim.

“And to forgive your father,” napatango siya. “Naisip kong matagal na panahon ng nagyari iyon and…and that I should move on. Siguro naman ay pinagdusahan na rin ng iyong ama kung ano mang kasalanan ang nagawa niya noon. And I-I can’t afford to hurt you,” patuloy nito.

“Liar,” ang hindi niya napigilang paratang. Napaangat ito ng tingin mula sa pagkakayuko. “Nagawa mo na akong saktan. Saying sorry was already too late.”

“Pero—“

“Ano pa bang kailangan mo, Monday? Thank you for forgiving my father. Maybe you two should talk. Nasa rest house siya ngayon. Go and talk to him. But ‘causing me another pain is unforgivable,” it’s true, nasasaktan siyang makita ito. Nasa harapan niya nga ito pero hindi niya magawang hawakan o lapitan man lang. Natatakot siyang i-reject nitong muli. Baka hindi niya na kayanin.

“I’ll do that. Pero may gusto pa sana akong sabihin,” yukong yuko ito. He ignored her. Ibinalik niya ang pansin sa binabasang dokumento.

“Please August, I am sorry. I didn’t mean to hurt you. I love you,” impit ang pag-iyak na sambit nito.

“There you go again, lying.”

“What should I do for you to believe that I love you?” tinignan niya ang luhaan nitong mukha.

“Come here and kiss me,” mahina niyang utos. She hesitated pero sandal lang iyon. Lumapit ito sa kanya and silently obeyed him.

Nanginginig ang mga labi nitong nakalapat sa kanya. Hinawakan niya ang batok nito and teased her quivering lips. Soon enough he was able to taste her sweet tongue. Kapwa sila hinihingal ng maghiwalay ang mga labi nila. Malamlam ang mga mata nitong nakatingin sa kanya. Marahan niyang binitiwan ito.

“I’m sorry pero hindi na kita mahal,” nag-iwas ng tingin ang binata
Natigilan si Monday. How could this man say he doesn’t love her anymore? Gayung damang dama niya sa halik nito ang pagmamahal. The same passion she felt whenever he kissed her.

“Now you’re the one lying,” akusa niya rito.

“I am sorry you could leave now,” itinuro pa nito ang pinto ng opisina nito.

“I don’t believe you. Please naman August oh, wag na nating pahirapan ang isa’t isa.”

“Huwag na nga nating pahirapan pa ang isa’t isa. You are free to leave anytime.”

“You’re so cold. How can you be so cruel?” hindi mapigilang tumulo ng luha sa kanyang mga mata. Hindi na umimik ang binata. Nakatingin lang ito sa kanya. Nanlulumong naglakad siya palabas ng opisina.

“Monday,” napahinto siya sa paghakbang. “Ganoon nalang ‘yun? Susuko ka na agad?”

“Lumuluhang nilingon niya ang binata. “I knew you’re lying. Mahal mo pa rin ako.”

“Come here,” lumuluhang yumakap siya rito.

“You’re such a bully,” he’s planting small kisses in her hair.

“I am sorry. Ayoko na uling masaktan, masisi mo ba ang stranger na ito?” she kissed him instead of answering his question.

Magkasama silang pumunta ni August sa rest house ng mga Crisanto. Sobrang galak ang naramdaman ni Mauricio ng malamang pinapatawad na niya ito. Kinapa niya ang puso niya and she doesn’t feel hatred anymore. Para sa lalaking minamahal magpapatawad siya. It’s all because of love no doubt about it. Ang mga kaibigan nito noon ay wala na umano itong balita. The last thing he’d heard ay patay na ang isa sa mga ito. Ang dalawa pa ay hindi na nito alam at wala na siyang balak alamin.

Pero parang hinihintay lamang ng ama ng binatang patawarin niya ito. After a week ay muli itong inatake sa puso. The surgeons weren’t able to save his life. May lungkot man ay maluwang ang dibdib niya na bago ito kunin sa kanila ay nagawa na niyang mapatawad ito.

Maging mga magulang niya ay nagawang patawarin ang ama ng binata. “For the sake of your love magagawa naming magpatawad,” ani kanyang ina ng dumalaw ito sa burol ni Mauricio. August was truly grateful then. Her father even hugged August and sincerely uttered his condolence.

“Are you sure na imbetado talaga ‘yang si Ricky dito?” tukoy ni Wendy sa sikat na columnist na nakaalitan niya noon. She smiled.

“He’s one of the reason I met my sweet stranger,” napatango nalang ang kaibigan saka ipinagpatuloy ang pag-aayos sa kanya.

She looked at her self in the life size mirror. Napakaganda niya sa suot na trahe. She’s wearing an empire cut wedding dress. Ang kanyang bridal bouquet ay white and red roses.

“Hoy babae, wag mong tangkaing magdrama dyan, sasakalin kita kapag umiyak ka,” banta ng kaibigan.

“Tse, ayan nga oh, naka-smile ako.” At bakit siya iiyak? Napakasaya nga niya ngayong araw na ito.

Nakangiti ang kanyang groom na naghihintay sa kanya sa dulo ng aisle. Nawala sa isip niya ang promise kay Wendy na hindi iiyak. Heto’t tumutulo na naman ang luha niya. When he asked for her hand in marriage ay hindi niya rin mapigilang lumuha. She was truly glad she had found not just a sweet but a fun loving stranger. Hindi niya ito ipagpapalit sa iba.

Sa reception ay nagawa siyang ma-interview ni Ricky ng mapadako sila sa mesa ng mga ito.

“So, is it really true that you have xenophobia?”

Tumingin siya sa asawa at ngumiti ito sa kanya. No more running away. “Yeah it is true. Hindi pa ako tuluyang nakaka-recover sa phobiang iyon but with this man at my side kakayanin ko,” ang nakangiti niyang wika.

Kinabukasan ay laman ng periodiko ang sinabi niyang iyon. Pero ni hindi niya magawang magalit o mag-alala man lang. Just like what she said she has her sweet stranger always at her side.

Talakayan

88 thoughts on “My Sweet Stranger – Chapter 11 (END)

  1. Whahaha! Kiliq ako 2da max. Ang pretty2 ng story sobra2. Love u. Yeah read na rin ako ng ibang 0nline pocketbooks ganda eh! Lalo na ang gawa nyo. Pzt. Love u.

    Posted by Izabel | Setyembre 28, 2014, 4:20 hapon
  2. n_n.nkKaiyak nmn..ang story n2..gnda,good job!

    Posted by nesilita | Enero 19, 2014, 12:37 umaga
  3. ganda! i really liked it!

    my kwento po b c angel?🙂

    Posted by aileen | Setyembre 29, 2013, 6:07 hapon
  4. small world nga nman. such a nice story.

    Posted by charm | Hulyo 27, 2013, 3:01 hapon
  5. ganda…

    Posted by lani | Hunyo 10, 2013, 5:41 umaga
  6. pwede po bang mahiram ng story nio i kakalat ko lng pi sa ibang websiteganda po kc eh….isasama ko rin po na kayo ang author pra may alam cla kung cno nagsulat salamat po:)

    Posted by chachi | Hunyo 4, 2013, 10:17 umaga
  7. isa na namang napaka gandang istorya nag totoong pagmamahalan haist……!

    Posted by nina15 | Mayo 21, 2013, 12:06 umaga
  8. Ang Ganda,. May aral na mapupulot,. Mahirap magpatawad sa kapwa pero
    nagawa ni Monday,.

    Posted by jomai | Agosto 14, 2012, 3:28 hapon
  9. wow!! so kilig,,, ang ganda tlga ng story!!! more stories to come!! more power to the author!! keep it up!! :):):):)

    Posted by lpilapz | Hunyo 9, 2012, 7:20 hapon
  10. wwaahh…nkakakiligg grabe….cnu ung susunod n kwen2???
    i love to read a the nxt novel agad..

    Posted by rhoda | Hunyo 2, 2012, 3:26 hapon
  11. How sweet naman! Sana may August rin ako.. Ahahah! A big thumbs up for the author..

    Posted by Maganda ako | Abril 21, 2012, 9:09 hapon
  12. super kilig and i wish sana may mga lalaki pang tulad ni august !!!!!!!!!! 🙂
    hahah feeling ko ako si monday kasi kapangalan ko siya yun nga lng may jhie anne pa ako
    i love it

    Posted by monday_simpelo | Abril 8, 2012, 3:32 hapon
  13. hahha super kilig and i wish sana may mga lalaki pang tulad ni august !!!!!!!!!! 🙂
    hahah feeling ko ako si monday kasi kapangalan ko siya yun nga lng may jhie anne pa ako hahahhahahahahah

    Posted by monday_simpelo | Abril 8, 2012, 3:21 hapon
  14. Hay ganda talaga ng story! Atleast nsagot ang tanong ni ricky, at kumalat man ang balita ksama nman nya si august… Prang gusto ko tuloy isunod sa month ng kapanganakan ng magiging second child ko ang name nya if ever, or days of the week gaya nina monday… Hehe! Tnx tlaga sa ganda ng story miss mharliz! Salamat din ke spongebob n paborito ng anak ko…😉

    Posted by Lyn | Marso 15, 2012, 8:33 umaga
  15. Wow,what a twist!
    Me is so lucky to have read this sweet story🙂

    Posted by IC | Marso 4, 2012, 3:44 umaga
  16. Nbsa q n pla 2, do i still need to pay if i read again the stories?

    Posted by Prettyann29 | Enero 29, 2012, 10:14 umaga
  17. Nbsa q n pla 2, do i still need pay if i read again the stories?

    Posted by Prettyann29 | Enero 29, 2012, 10:14 umaga
  18. ay grabe xa..effort aq magka gils dahil d2..at dahil dito ngumingiti na din ako mag-isa..sana lang walang nakakita sa akin..haha..gud job mharliz..congrats!

    Posted by ladyferit | Disyembre 1, 2011, 6:52 hapon
  19. so nice🙂 answeeettt :*

    Posted by Ana | Nobyembre 3, 2011, 7:50 hapon
  20. i love your story.. feeling ko ako sa monday…
    nakakainlove ang story❤🙂

    Posted by dhess | Nobyembre 3, 2011, 6:41 hapon
  21. ang sarap basahin…thanks sa may-akda..! sarap ng feeling ng in-love..kaylan kaya uli ako makakaranas at mararanasan un…..hays..love asan ka naaaaaaaaa?

    Posted by Reyksa | Oktubre 30, 2011, 9:10 hapon
    • Ganda, salamat at nagustuhan mo, hayaan mong mag-silbi itong inspirasyon sa akin upang ipagpatuloy pa ang pagsulat ng marami pang istoryang makaka-inspire sa inyo. Marami maraming salamat talaga!

      Si love, nariyan lang yan, sa lahat ng sulok ng mundo… hintayin mo lang at darating din ang nakatakda for you… hindi man noon o ngayon, pero malay mo, baka bukas nandyan na ‘yan at kumakatok sa pinto ng puso mo…😀

      God bless po sa iyo!

      Posted by Mharliz | Oktubre 31, 2011, 11:32 umaga
  22. congrats sa author.. ang galing mo..
    you make us all kilig.!
    Godbless

    Posted by karen bunda | Oktubre 27, 2011, 7:32 umaga
  23. madanda kaso alah pa ao gills…huuhuuhuh

    Posted by ayah | Oktubre 24, 2011, 10:02 umaga
  24. a very nice story…. super love it :

    thank you🙂

    Posted by 78jhoy | Oktubre 19, 2011, 2:30 hapon
  25. wow ang ganda.

    Posted by aileen | Oktubre 16, 2011, 6:31 hapon
  26. oh my gils.. wala na.. ipon ulet :)))

    Posted by mane9185 | Setyembre 29, 2011, 1:47 hapon
  27. wow.. ganda naman ung last coversation nila.. it really shows how they need one another to be stronger… nice plak plak plak…! thumbs up..!!

    Posted by mane9185 | Setyembre 29, 2011, 1:47 hapon
  28. wow.. ganda naman ung last coversation nila.. it really shows how they need one another to be stronger… nice plak plak plak…! thumbs up..

    Posted by mane9185 | Setyembre 29, 2011, 1:30 hapon
  29. hesus , maria kag ehosep!!! heheheh ….naglabasan man kaya ang nakatago kong mga luha ,,,huhuhuhuhhow touching man ire ,,,,therefore it`s a nice love story megah,,….

    Posted by Jude | Setyembre 19, 2011, 6:13 hapon
  30. pakipot din pala ang Agosto. haha😀
    nice ang ganda🙂
    last story ata to na mababasa ko. ubos na ang gils haha😀

    Posted by *munchaimunch~ | Setyembre 18, 2011, 5:00 hapon
  31. hayy natapos na din….tnx po

    Posted by aiza | Setyembre 15, 2011, 4:17 umaga
  32. wahhhh nde ko to mabasa…huhuuhuh

    Posted by aiza | Setyembre 15, 2011, 3:13 umaga
  33. thankz po sa author nito ang ganda talaga ng story gusto ko pa sana magbasa pero ubos na ang gils ko huhuhu

    Posted by ella emz | Setyembre 10, 2011, 5:55 umaga
  34. love truly conquer all

    Posted by joyz | Setyembre 7, 2011, 12:17 hapon
  35. to MHARLIZ: thank you very much!

    MHARLIZ: @aleiashane you’re welcome po!

    Posted by aleiashane | Setyembre 4, 2011, 2:27 umaga
  36. aawwwhhh……

    kilig much……

    mharliSISA….
    nice 1….1000x clap..clap 4 u….
    ituloy moh n ung ma pending moh….

    Posted by clarkeys | Hunyo 27, 2011, 1:04 umaga
  37. sweet ganda promise..

    forgiveness is the key to move on in our life.. you can’ t forget without giving forgiveness,,

    Posted by ronelyn | Hunyo 25, 2011, 12:38 umaga
  38. Ok.ah! Nakatapos nman ako ng story,,, thanks for the writer gawa. Ka pa ng mrami!

    Posted by ysa | Hunyo 23, 2011, 8:43 umaga
  39. wuu! nice nice ate mharliz.😀

    Posted by arabeybsxP | Hunyo 22, 2011, 5:02 umaga
  40. this is my first time here..hope t enjoy joining this site.thanks

    Posted by jeneth | Hunyo 17, 2011, 1:33 hapon
  41. grabe kelan ko kaya e2 maba2sa……nag i2pon plng aq ng gils…..huhu…..gusto q na din mabasa…….ka inggit ng mga nka basa na hehe…

    Posted by jingnez | Hunyo 16, 2011, 8:40 umaga
  42. ganda na sana nabitin

    Posted by love29 | Hunyo 14, 2011, 5:32 hapon
  43. super kilig!.. lol . nice story po!. keep it up🙂

    Posted by lubzkie | Hunyo 12, 2011, 8:30 hapon
  44. wahhh, sumakit ang buto ko sa kilig.heheh

    Thanks Mharliz🙂

    Posted by sands17 | Hunyo 8, 2011, 3:54 hapon
  45. naks tita mharliz ! hahaha😄 congrats .. i love ur stories too :*

    Posted by animelady09 | Hunyo 4, 2011, 6:53 hapon
  46. nice story…

    Mharliz: Thanks!

    Posted by yoon eun hye | Mayo 21, 2011, 7:25 hapon
  47. ASTIG !! ^^

    Posted by DanUy | Mayo 16, 2011, 6:31 hapon
  48. ano po title ng story ni angel
    mz.mharliz?

    Posted by regineruedas | Mayo 15, 2011, 8:06 hapon
  49. I love happy ending.. congratz to author! ang galing!!!

    Posted by kastiel | Mayo 12, 2011, 3:34 hapon
  50. nice story…..more power ms. Mharliz!

    Posted by yxor | Mayo 10, 2011, 3:26 hapon
  51. i enjoyed the story, i loved the endeing…..

    Posted by cora13 | Mayo 9, 2011, 7:28 hapon
  52. gush….nyc ending…big clap for MHARLIZ….

    Posted by piawang | Mayo 6, 2011, 8:54 hapon
  53. maganda po yung story

    Posted by myxsezy041291 | Mayo 3, 2011, 3:12 hapon
  54. 🙂 nice story po.

    Ang story na ito ay..
    Parang alarm clock…
    Ginising mo ang natutulog kong puso. ^-^

    Posted by im_virus | Abril 30, 2011, 5:37 hapon
  55. pwede ba minsa paligbre naman ng kahit itong my sweet Stranger para mabasa ko hehehe suggestion lang po

    Posted by chesly0217 | Abril 27, 2011, 2:32 umaga
  56. pahingi ng gils wawa naman akecth…

    Posted by chesly0217 | Abril 27, 2011, 2:30 umaga
  57. hay nasa maka log-in ako sa cp ko kso palaging denied

    Posted by chesly0217 | Abril 27, 2011, 2:30 umaga
  58. wee ang ganda po. :))

    Posted by iheartnash | Abril 18, 2011, 10:32 umaga
  59. Ang ganda ng story..Nakakatouch ang ending.. Bigla q tuloy naalala c *toot*😀

    Posted by rochelyn17 | Abril 14, 2011, 10:41 hapon
  60. hindi ko na talaga mapigilan ang pag iyak….huhuhuhu
    how i wish na makakatagpo din ako ng lalaking magmamahal sa kin tulad ni august…………….

    Posted by jeter_628 | Abril 13, 2011, 8:25 hapon
  61. hay buhay…minsan npakagulo pero minsan masaya..tulad ng storyang ito..ganda grabe..nice story..

    Posted by deviljhyn25 | Abril 7, 2011, 1:51 hapon
  62. bk8 bha parati nlng aq iiyak……anuh bha subrang OA q nmn…..:)

    Posted by ladygaga | Pebrero 20, 2011, 11:18 umaga

Ano ang iyong masasabi sa iyong nabasa?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

TOP Calendar

Pebrero 2011
M T W T F S S
« Jan   Mar »
 123456
78910111213
14151617181920
21222324252627
28  

Mga Istorya

Aming Nakaraan

%d bloggers like this: