binabasa mo ang...
Looking For Love

Chapter 4 – Looking For Love

“ARE you ready Zari?” Nakangiting tanong ni Lorie sa kanya na ang tinutukoy ay ang pag-alis niya patungo sa bago nilang branch sa Tagaytay.

“Ready na ready friend.” Sagot niya sa kaibigan.

“Pinabibigay nga pala ito ni sir pagdating mo doon.” Anitong inaabot sa kanya ang ilang dokumento.

“Okay?” Aniya na ang tingin ay hindi maialis sa daliri ng kaibigan. Kanina pa niya napupuna ang singsing na naroon pero hindi niya magawang magtanong. Mabilis na inialis ni Lorie ang mga kamay nito nang mahawakan na niya ang dokumento. Nagtatakang napatingin siya sa kaibigan.

“Sige na baka ma-late ka pa.” Pagtataboy nito sa kanya na iniiwas ang mga mata. Malakas ang hinala niyang wedding ring ang nakita niya sa daliri nito. Pero bakit hindi man lang siya sinabihan ng kaibigan?

“Lorie, may itinatago ka ba sa akin?” Hindi niya napigilan ang sariling hindi ito tanungin. Itinuring niya itong bestfriend at kapatid, ang lahat ng sikreto niya ay alam nito kaya naman masakit ang loob niya na malaman na ito ay may itinatago sa kanya.

“Silly. Ano naman ang itatago ko sayo?” Ngumiti ito. Nagkibit balikat siya, anuman iyon siguro ay hindi pa ito handang magsabi sa kanya. Muli niyang tinignan ang mga dokumento bago muling tumingin sa kaibigan. “Sige na, hinihintay ka na ni sir doon.” Muli nitong sabi.

PAGKATAPOS ng dalawang oras na byahe mula sa Maynila ay ibinaba siya ng driver ng restaurant sa harap ng Thurston branch sa Tagaytay. The place was breathtaking; the design was a mix of native and modern. Mula sa log wood style na mga dingding hanggang sa modernong pagkakayari ng kawayan na upuan. She doesn’t know that bamboo styled furnitures could look so elegant yet relaxing. Ang kulay puti na kutson ng mga upuan ay tila masarap upuan habang nagkakape at pinapanuod ang magandang tanawin. May palagay siyang magugustuhan niya ang branch na iyon. Napangiti siya nang makita ang ilaw na nakasabit sa gitna ng naturang restaurant; gawa din ito sa kawayan habang ang mga ilaw nito ay eleganteng nakatunghay sa sinumang  hahanga dito.

“Miss Concepcion?” Narinig niyang tawag sa kanya ng isang babae.

“Yes?” Nakangiti niyang sagot na humarap dito.

“Hi. My name is Nitz, ako po ang assistant ninyo dito. Welcome po sa Thurston Tagaytay.” Mainit na bati sa kanya nito. “Hinihintay na po kayo ni sir sa itaas.” Anitong iginiya siya sa hagdanan patungo sa opisina ng boss nila.

Nakakailang hakbang palang siya nang mapansin niyang hindi sumunod si Nitz sa kanya. “Hindi ka ba sasama?” Nagtatakang tanong niya.

“Ay hindi na po ma’m tapos na po akong i-briefing ni sir.” Nakangiti nitong sagot.

“Ah, okay.” Aniya at nagpatuloy sa pag-akyat sa ikalawang palapag. Hindi niya maintindihan kung bakit para siyang kinakabahan na hindi mawari. Kung sabagay ito ang kauna-unahang pagkakataon na makakaharap niya ang lalaki sa likod ng prestihiyosong restaurant kung saan siya nagtra-trabaho.

Huminto siya nang matapat sa nakapinid na pinto at huminga muna ng malalim upang tanggalin ang kakaibang pakiramdam. Dalawang mahinang katok ang ginawa niya sa pinto subalit walang sumasagot sa kabila niyon. Busy yata. Muli siyang kumatok, sa pagkakataong ito ay medyo nilakasan niya. Pero nanatili pa ring hindi sumasagot ang nasa loob, napanguso siya. Baka mahina na ang pandinig, matanda na siguro.Naisaloob niya. Bigla tuloy niya na-imagine ang histura na boss nila. Puti ang buhok, nakasalamin at may baston. Ang tindi naman nito nakukuha pa ding asikasuhin ang negosyo sa kabila ng katandaan. Isa pa. Naisaloob niya bago muling kinatok ang pinto.

“Ay kapre!” Gulat siyang napasigaw nang biglang bumukas ang pinto at sumungaw ang mukha ni lalaking akala niya ay hindi na niya makikita. “Ikaw?” Nagdikit ang kilay niya nang mapagsino ito.

“Hi little cat.” Matamis itong ngumiti. “By the way, hindi ako kapre.” Pagtatama nito dahil sa una niyang sabi. “And you don’t have to knock so hard that you could almost knock down my door.”

“Anong ginagawa mo dito?” Hindi maaaring ito ang boss niya. Sigurado siyang bisita lamang ito doon o kaya naman ay isa din sa magtratrabaho sa restaurant.

“Pumasok ka muna Miss Concepcion.” Anitong niluwagan ang pagkakabukas sa pinto.

Nang tuluyang makapasok ay inilibot niya ang kanyang paningin. Wala siyang nakita na ibang tao roon, wala din ang inaasahan niyang boss nila na puti ang buhok. Kunot noo siyang napatingin sa lalaking kasing laki ng kapre nang umupo ito sa harap ng desk.

“You can sit down Miss Concepcion.” He offered to her amusedly. But instead of doing so she just stared at him. Imposible! Hindi pwedeng ikaw ang boss ko. Narinig niyang tumikhim ito. “If you can’t believe on what you are seeing right now; Yes, fortunately I’m your boss little cat.” Dugtong nito nang mapansin na tulala siya.

“Then I’m resigning.” Wala sa sarili niyang nasabi. Nakita niyang nadikit ang mga kilay nito.

“Come again?” Gulat nitong sabi. He was staring at her like she belongs to him, and she feels like her knees are going to give up any moment. Bakit ba nanginginig siya sa tuwing tititigan siya ng mapang-akit na mga mata ng lalaking pakialamero?

“I- I’m resigni –”

“Oh no, you can’t Miss Cocepcion. You already signed a contract sa Manila pa lang.” Muli nitong pinaalala sa kanya ang kontratang pinirmahan bago siya magtungo dito. Inis na matalim ang mga matang tinignan niya ito.

“Kung ganoon magsisisi ka na kinuha mo ako dito.” Hamon niya sa lalaki.

“Oh, you will do good job little cat or you will loose this ring.” Nakangiti nitong sabi habang hawak ang singsing.

“Give me that.” She tried to snatch it from him but she failed.

“Why do you hate me so much little cat?” He drew his face near her. ‘Eto na nga ba ang sinasabi ko eh. Naramdaman niya ang malakas na kabog ng dibdib at ang panginginig ng tuhod. “There’s nothing to be hated from me Zari and there’s nothing you should be afraid of.” Muling nanaman niyang nasamyo ang pabango nitong sumisira sa kanyang sistema. Napawang ang kanyang mga labi nang matutok ang kanyang paningin sa mga labi ng binata. Why those lips looked so hypnotizing?

“Miss Concepcion.” Untag nito sa kanya.

“H- ha?” Napatingin siya sa mga mata nitong tila nang-aakit. Pakiramdam niya ay may magneto ang mga iyon. Masuyo nitong hinawakan ang baba niya.

“Nakaawang ang labi mo.” His eyes were sparkling and dancing as he looked at her. Napapahiyang inilayo niya ang sarili mula dito. Anong nangyari? Gusto niyang batukan ang sarili sa itsura. She suddenly felt danger around this man. Nakakahiya ka Zari! Mukha kang eng – eng! Katisgo niya sa sarili.

“Don’t worry little cat, I will not bite you.” He said with a naughty smile on his lips.

MAY ISANG oras na ang nakakalipas mula nang mag-kausap sila ng lalaking iyon pero hindi pa rin niya alam ni Zari kung ano ang pangalan nito, at wala siyang balak pang alamin. Ang inaalala lang niya ay kakaibang nangyayari sa kanya sa tuwing napapalapit siya dito. May sa-demonyo yata. Bakit ba hindi man lang sa kanya sinabi ni Lorie na ito pala ang boss nila? Mukha tuloy siyang tanga sa Thurston noong makaharap niya ito, lalo na kanina! Hindi niya napigilan ang pamumula ng pisngi nang maalala ang hitsura niya kanina lang. Nakaawang bibig at parang sira na nakatitig sa mga mata nito. Fine! Gwapo ka na! Halimaw!

Napukaw ang atensiyon niya sa tugtog na ‘Hey soul sister’, mula iyon sa telepono niya. Alam na niya na si Lorie ang tumatawag dahil iyon ang naka-assign dito. Inilabas niya ang telepono mula sa kanyang bulsa.

“Lorie, bakit hindi mo sinabi sa akin na iyon palang pakialamerong kapre ang boss natin?” Sita niya sa kaibigan na hindi pa nakakapagsalita.

“Pasensya na Zari, bilin kasi iyon alam mo naman, boss. Hindi pwedeng suwayin baka ako naman ang mawalan ng trabaho. Ayaw mo n’un makakasama mo araw-araw ang isang gwapong tulad niya? Kung ako sayo huwag mo ng pakawalan ‘yan.” Mahaba nitong sagot.

“Exactly my problem.Napalayo nga ako sa mga sermon ni daddy napalapit naman ako sa disgrasya, bukod dun hindi pa kami nagkakausap uli ni Henry.” Napabuntong hininga siya nang maalala ang boyfriend na hindi na muling nagparamdam pa mula nang mangyari ang hold up nang gabing iyon.

“Si Henry na naman. Hay naku friend wala kang mapapala sa duwag na iyon kaya huwag mo ng isipin ang tipaklong mong boyfriend.” Narining niyang sabi nito. Alam niya kung gaano ka-allergic ang kaibigan marinig palang ang pangalan ng binata.

“Wala ka bang balita sa kanya?” Pagbabakasakali niyang tanong kay Lorie. Ilang beses na niyang tinatawagan ang telepono ni Henry pero unattended iyon palagi, tumawag din siya sa inuupahan nitong apartment pero wala ding sumasagot, hindi tuloy niya maiwasan ang mag-alala.

“Wala. Kaya kung ako sa iyo huwag mo ng pag-iisipin pa iyon, dahil baka tuluyan ng naduwag kaya hindi na nagpakita sayo. O kaya naman ay nahiya sa sarili na hindi ka nagawang ipagtanggol at si sir Resty pa ang nagtanggol sayo.” Napasimangot siya, Resty pala ang pangalan ng kapreng pakialamero.

“Baka ano na ang nangyari doon Lorie.” Nag-aalala niyang sabi. Bakit ba hindi man lang tumawag sa kanya si Henry? Ano na ba talaga ang nangyari dito?

“Hay naku Zari, it’s obvious he doesn’t care about you. Kaya pwede ba huwag mo ng isipin pa iyon? O siya kinukumusta lang naman kita dyan, at sa tingin ko naman okay ka, kaya sige na bukas nalang tayo uli mag-usap nagdadatingan na ang mga nagpa-reserve dito, ingat ka.” Iyon lang at nawala na ito sa kabilang linya.

MATAPOS ang briefing na ginawa sa kanya ng bagong makakasama at kaibigan na si Nitz ay dinala siya nito sa tutuluyan niya habang nagtra-trabaho doon. The place looked like not a place for an employee like her, it was more likely a resthouse. It’s as classy and relaxing like the restaurant. Nakakapagtakang siya lamang ang o-okupa ng lugar na iyon, ang buong akala pa man din niya ay makakasama niya si Nitz pero tulad ng sabi nito malapit lang daw kasi ang bahay nito sa restaurant kaya hindi na nito kailangan pang tumira doon.

Komportable siyang umupo sa pang-isahang sofa na naroon. Ngayon lang siya nakaramdam ng pagod mula nang dumating siya. Mariin niyang ipinikit ang mga mata, subalit nang gawin niya iyon ay ang maiitim na mata ng damuhong kapre ang nakikita niya. Muli niyang iminulat ang pagod na mga mata, pakiramdam niya ay sinusundan siya nito.

Ang malakas na tunog ng doorbell ang siyang nagpatayo sa kanya mula sa pamamahinga. May nakalimutan kaya si Nitz?

“I see you already arrived.” Ang matamis na ngiti ni Rest yang nabungaran niya nang mabuksan ang pinto. The man looked so fresh and devastatingly handsome on his white polo shirt and black pants. Nagsimula na namang masira ang sistema niya nang maamoy ang pabango nito. Bakit ba kasi ang bango mo? Hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit tila gusting magmaktol ng puso niya.

“Anong ginagawa mo dito?” Iritable niyang sabi na pilit pinagtatakpan ang anumang kakaibang nararamdaman. Hindi niya alam kung bakit tila nahihiya siya ditto pero naiinis naman siya.

“Checking if you’re okay and going to take a rest?” Sagot nito na pumasok ng kusa at dumeretso sa sofang kanina lang ay inuupuan niya.

“Excuse me?” Buong pagtatakang tumaas ang isang kilay niya. Tama ba ang narinig niya? He is going to take a rest here?

“This is my resthouse little cat, kaya ditto ako tutuloy.” Tila balewalang sabi nito na isinandal ang ulo at ipnikit ang mga mata.

“NO!” she said histerically.

“I beg your pardon Miss Concepcion?” Hindi niya malaman kung amusement ba ang nakikita niya sa mata ng binata o pagkairita. Hindi maaring magsama sila sa isang bahay ng kapreng ito! Iyon pa nga lang mapalapit siya ditto ay kung ano-ano na ang nangyayari sa kanya na hindi niya maintindihan, iyon pa kayang makasama niya ito sa iisang bubong?

“Ang sabi sa akin ni Lorie ay may sarili akong titirahan when I get here, she never mentioned anything about me staying in the same house with my boss.” Hindi siya papayag na makasama ito sa isang bubong. Kasehodang magrenta siya ng apartment diyan sa tabi tabi huwag lang makasama ito.

“Okay. Look Miss Concepcion, as much as I wanted you out of my resthouse I can’t get you your own place yet. Ang lahat ng apartment na malapit sa Thurston ay okupado na unless you wanted those that are near Batangas and you have to travel back here why not. But I don’t find that practical, besides mas makakatipid ako kung ditto ka titira kaysa kuhanan kita ng apartment.” Hindi niya alam kung nang-aasar ba ito o seryoso pero isa lang ang alam niya, nasa peligro siya sa tuwing nasa paligid ito.

HINDI maintindihan ni Resty kung bakit siya nagdesisyong doon patuluyin sa sarili niyang resthouse si Zari. Hindi naman importante sa kanya kung makakatipid siya o hindi. He just don’t understand why he like to see Zari’s angry cat eyes whenever she’s mad and her cat claws that could barely hurt him. Ngayon lang niya nadama ang ganito at gusto niyang malaman kung saan ito tutungo. There’s something special in you little cat, and I would like to find out what.

Muli niyang naalala ang pinag-usapan nila ni Kyro bago niya gawin ang desisyong iyon.

“You are crazy pare.” Tumawang sabi ng kaibigan nang sabihin niyang doon niya patutuluyin si Zari sa kanyang resthouse.

“Sayang din ang maititipid ko.” Depensa niya ditto.

“Oh c’mon Resty, you know that’s bullshit! You like that woman don’t you?” It wasn’t a question but more of a statement. Hindi siya umimik dahil hindi din niya alam kung tama ba ito.

“You are not effective on making lies Resty. You might say those excuses and fool others but you know that you can’t fool us.” Anito na tinapik ang kanyang balikat. “I know you are trying to find that out yet, so… goodluck my friend.” Tama nga ito, gusto niya malaman kung bakit siya interesadong malaman kung ano ang meron kay Zari, kung bakit hindi ito mawala sa isip niya mula nang iligtas niya ito nang gabing mahold-up and dalaga.

He thinks he is going to enjoy knowing Czarina Concecion and he is looking forward on the coming days working with her.

About Louise

It makes me feel happy to share stories about love. Stories where we can learn about the importance of the word that makes the world keep spinning. For everyone that reads my stories; You give me more inspiration and confidence; hope, that all of us are loving and being love... Lets love life, and live with love.

Talakayan

29 thoughts on “Chapter 4 – Looking For Love

  1. Reblogged this on writersbluck.

    Posted by writersbluck | Abril 12, 2016, 8:38 hapon
  2. saan ko ma babasa ang kasunod plz

    Posted by jane laure | Hulyo 31, 2015, 11:44 umaga
  3. Sana tabi din sila mtulog,,hehe

    Posted by morena | Setyembre 30, 2014, 1:57 hapon
  4. Gnda tlga

    Posted by eli | Nobyembre 15, 2013, 7:17 umaga
  5. exciting eto.

    have the advantage on not waiting for the next chapter kya d q n mbitawan fon q. hehe

    Posted by aileen | Oktubre 21, 2013, 5:26 hapon
  6. can’t wait for the next chapter

    Posted by devonroki | Pebrero 4, 2011, 9:41 hapon
  7. ay buti pa c zari don titira sa resthouse ni fafa resty.. ehehehe. thanks lou.. mwahh

    Posted by sjyo0208 | Pebrero 2, 2011, 9:21 hapon
  8. ms.LOuise it’s been 5 days since u posted this chapter pero bkit wla prin yung kasunod???😦 sna nman ipost mo na agad…plssss😦

    Louise: Sorry for the long delay sweet zsaddoris was having mood swings lately hehe… Chapter5 now posted.🙂 Enjoy reading guys! loveu all!!! -kisses-

    Posted by zsaddoris | Pebrero 1, 2011, 8:46 umaga
  9. tsk,tsk…wla prin………=(((((

    Posted by saien | Enero 31, 2011, 6:04 hapon
  10. waaah….bat wla prin ung nxt chap ms. louise…kaLA ko ba ipopost mo na da other day????bat wla pring ksunod.??sad nman…=(((

    Posted by saien | Enero 30, 2011, 1:37 hapon
  11. ms.Louise bkit wla prin yung chapte5??? I thought you’re going to post it the other day pero bkit wla prin hanggang ngayon?

    Posted by zsaddoris | Enero 29, 2011, 2:06 hapon
  12. sa wakas na post at dmating kna rin ms. louise….ahm, sbi mo you’ll post the nxt chap yesterday? bat wla prin po hanggang ngaun?? weeh…sna mrami ng chapter ang mapost 1 of this days….plzzzz ms. louise…wen kya nxt posting??=D

    Posted by saien | Enero 29, 2011, 1:38 hapon
  13. wow! sa wakas sunud sunod na hehehe nakaka miss din c resty…

    kakakilig na hehehe

    Posted by macey_khet | Enero 29, 2011, 2:56 umaga
  14. Ay kala q my chapter five n..hehehehe..sana bkas paggicing q meron na..excited po kc aq…sana sunod sunod n..heheheh

    Posted by Charm | Enero 29, 2011, 1:45 umaga
  15. sana mapost n ang next,,

    Posted by monaida | Enero 29, 2011, 1:29 umaga
  16. nakatuwa nmn 2
    hehe
    kilig
    nxt n poh

    Posted by alexis_shawn27 | Enero 28, 2011, 4:36 hapon
  17. ms. Louise weekly po ba posting nito ?
    thanks po🙂

    Posted by freya | Enero 28, 2011, 3:30 hapon
  18. ms.Louise nsan n ung chapter 5???

    Posted by zsaddoris | Enero 28, 2011, 1:56 hapon
  19. kilig❤ next na po🙂

    Posted by jeh089 | Enero 28, 2011, 12:40 hapon
  20. aww next na po

    Posted by aiza | Enero 27, 2011, 7:48 hapon
  21. Ganda…bitin…kakakilig naman…wehehhe!

    Posted by mary_guinto28 | Enero 27, 2011, 5:20 hapon
  22. thank you na post na rins a wakas.. hahahah

    Posted by Queen | Enero 27, 2011, 3:45 hapon
  23. hehe at last.. ni post na rin ni ate lou ang chapter 4😀

    na miss ko si resty >.<

    Posted by itsgonnabeme | Enero 27, 2011, 3:32 hapon
  24. Miss louise dami mo na utang na chapters ohh..🙂
    little cat talaga. hehehhe

    Posted by glory2me | Enero 27, 2011, 3:27 hapon
  25. Thank u ms.Louise…u should post chapter5 too,coz you’ve been gone for so long🙂

    Louise: Thank you for reading guys, haha… i’ll post the next chapter tomorrow. -hugs and kisses-

    Posted by zsaddoris | Enero 27, 2011, 2:57 hapon
  26. thanks.. next chapt please. (^_^)

    Posted by cinderella | Enero 27, 2011, 2:54 hapon
  27. At last may bagong posting na “LOOKING FOR LOVE” . Thanks.

    Posted by nely | Enero 27, 2011, 2:50 hapon
  28. sa wakas may karugtong na…
    nakakabitin ung story! mukhang umpisa na ng aso’t pusang eksena nila…

    Posted by shon | Enero 27, 2011, 2:47 hapon
  29. finally….

    Posted by zsaddoris | Enero 27, 2011, 2:17 hapon

Ano ang iyong masasabi sa iyong nabasa?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

TOP Calendar

Enero 2011
M T W T F S S
« Dec   Feb »
 12
3456789
10111213141516
17181920212223
24252627282930
31  

Mga Istorya

Aming Nakaraan

%d bloggers like this: