binabasa mo ang...
You are my Sky, France

You are my Sky, France_Chapter Ten

Chapter 10_closer you and i

“Hindi ka ba magjojogging?” tanong tuloy niya rito.

“Hindi na. Tinatamad ako eh,” sabi ni Sky pero hindi niya alam kung bakit nga ayaw niyang magjogging marahil ay ayaw lamang niyang palagpasin ang oras na hindi niya makikita si France. Unang pagkakataon na nakita niya ito ng bagong gising at mukhang gusto na niya itong araw-araw na masisilayan sa umaga pagdilat ng kaniyang mga mata. Kung hindi nga lang kalabisan ay isa ito sa mga ipag-uutos niya sa dalaga.

Alas tres ng hapon, napagkasunduan ng kaniyang mga kaibigan na mag-mall. Hindi naman siya makatanggi sa mga ito. Baka maghinala na sila. Isa pa ay namimiss na rin niya ang mag-mall.

“Look, guys. New arrivals there,” sabi ni Wendy. Pumunta sila sa shop na tinuro nito. Nagsusukat na sila ng mga damit. May nagustuhang damit si France ngunit nang tingnan niya ang presyo ay nalungkot siya. Hindi niya kayang bayaran ang ganoon kamahal. Nang magbabayad na sila ay napansin ng mga kaibigan niya na wala siyang bibilhin.

“Where’s yours, France?” tanong ni Queenzy.

“I’m sick and tired of their designs,” palusot na lamang niya.

“Well, okay.”

Nagtataka man ay hindi na lamang nila ito inusisa.

Buong hapon na siyang nalungkot dahil sa damit na kaniyang hindi nabili. Pati si Sky ay napansin ito nang makarating na siya sa kaniyang condo at datnang nagluluto ito. Ano kayang problema ng babaeng ito? Mukhang wala sa mood, naisip niya. “Oy, France. Halika nga,” utos niya rito at lumapit naman si France ng hindi nagsasalita. “Wala ka namang sakit,” sabi ni Sky nang hawakan ang noo ni France upang tingnan kung may sakit ba ito.

Tiningnan lang siya ng masama ni France.

“Oh. Oh. Nagmamalasakit na nga ang tao eh,” depensa nito.

“Ikaw? Nagmamalasakit? Baka nang-aasar kamo. Pangit!” sabay talikod na ni France.

“Ano kamo? Gwapo? Matagal ko nang alam yon,” biro niya rito.

“Grabe ah lakas ng hangin,” sagot ni France.

“Huwag kang maiinlove sa akin. Mahaba ang pipilahan mo.”

“Naku! Kung ikaw lang naman ay ‘wag na lang, oy! Hindi ko pinangarap mainlove sa isang aroganteng ogre na katulad mo!” sabi ni France.

“Bahala ka, ang arroganteng ogre pa naman na ito ay may uwing candy.”

“Naku, hindi mo ako makukuha sa candy. Ang cheap ah,” pakunwari pa niyang sabi ngunit sa totoo lang ay unang pagkakataon na may magbigay sa kaniya niyon. “Pero anong candy ba yang dala mo? Patingin nga.”

Ngumiti lamang sa Sky at binigay na rin ang uwi niya para kay France. “O heto. Iba-ibang kulay pa yan ah.”

“Oo nga ang dami!” sabi ni France. Tiningnan muna niya ng masama si Sky at sinabing, “Wala namang lason ito, hindi ba?”

“Ano ka ba? Siyempre wala.”

“Ay, salamat naman.” Bumalik ulit ang napakatamis na inosenteng ngiti ni France. Bubuksan na sana niya ang isa sa mga iyon ngunit pinigilan siya ni Sky.

“Ops! Akala mo ba libre yan?”

Napakunot naman ng noo si France. “Magkano ba ‘to?”

Ngumiti si Sky na para bang may masamang plano sa kaniyang isipan. “Alam mo kasi, nung binili ko iyan ay ang tagal-tagal kong nakatayo at ang haba ng nilakad ko para lang makakuha ng ganiyang karaming kulay ng candy.”

“So?”

“Napagod ang paa ko eh, medyo sumasakit pa nga eh.” Kunwari pa ay hinawakan niya ang kaniyang mga paa na para bang pinapatotohanan ang salaysay niya.

“Eh ano nga?” nai-inip ng tanong ni France. Ang haba pa kasi ng litaniya ni Sky hindi pa siya dineretso nito.

“Give my feet a massage.”

“What?” Gaano man ang pagkabigla ni France ay wala na rin siyang nagawa. Nagpapasalamat na lamang siya at hindi mabaho ang paa nito ngunit kumuha pa rin siya ng alcohol at binuhusan niya ang paa ni Sky niyon.

“Ano ba yan! Malinis ang paa ko, ‘no!” reklamo ni Sky.

“Manahimik ka nalang diyan, senyorito.”

Hindi alam ni Sky ang dahilan kung bakit siya nagpamasahe ditto, kung natutuwa lang ba siya na pahirapan si France o gusto niyang makita lamang ng malapitan at titigan ang magandang mukha ni France.

“Ikuha mo ako ng juice,” utos niya ditto pagkatapos nitong magmasahe.

Hinalungkat naman ni France ang buong refrigerator ni Sky pati na rin ang buong kusina ngunit walang juice na tumambad sa harapan niya.

“Wala ka namang juice eh.”

“Wala ba?” painosenteng tanong pa niya kay France dahil sa totoo lang ay alam niyang wala na siyang stock ng juice. Inubos kasi niya iyon ng nagdaang gabi. Tumayo siya sa kinauupuan at nilapitan si France. “Halika, bili tayo,” sabay akbay niya kay France.

“Ikaw na lang bumili,” tanggal ni France sa kamay ni Sky sa kaniyang balikat.

“Dapat nga ikaw ang bibili eh. Tinutulungan na nga kita, ayaw mo pa.”

“Kainis, o sige na nga. Ikaw mag-drive ah.”

“Anong magdrive? Kailangan nating magtipid sa fuel, climate change! Lakarin na lang natin. Two blocks away lang naman yung convenience store ditto,” sabi ni Sky.

Habang naglalakad sila ay pinagtitinginan sila ng maraming tao. Inaakala siguro ng mga ito na artista silang dalawa. Hindi sila sabay naglalakad dahil nauuna kasi France. Natutuwa naman si Sky na pagmasdan na naglalakad si France. Nagulat si Sky nang biglang may lumapit ba babae sa kaniya.

“Hi, Sky. Can we talk?” sabi ng babae.

Bigla niyang hinawakan ang kamay ni France at hinila ito palapit sa kaniya. “Hindi pwede eh. Magagalit ang asawa ko. Selosa kasi, di ba honey?” sabi ni Sky. Alam kasi niya na hindi siya titigilan ng babaeng iyon.

Nanlaki ang mga mata ng babae at napaalis sa pagkapahiya.

Sinimangutan lang ni France ang ginawang iyon ni Sky. Masama kasi ang pakiramdam niya. Medyo nahihilo siya at marahil ay dahil sa elevator kanina.

“Dito ka lang kasi sa tabi ko. Alam mo namang habulin ako ng babae eh iniiwanan mo pa ako. Sige ka, dudumugin nila ako,” sabi ni Sky at hinapit sa baywang si France.

Hinayaan na lang siya si France dahil nagsisilbing alalay din niya ang pagkakahawak sa kaniya ni Sky.

Pagkarating nila sa convenience store ay nakita ni Sky ang dati niyang assistant sa pagmomodel niya. “Oh! Rudy, kumusta na?” bati niya rito.

“Sir Sky. Ayos naman po,” sabay napatingin ito kay France na para bang tinatanong kung sino ito.

“Ah, Rudy si France. Asawa ko. France si Rudy, dati kong assistant na ngayon ay professional photographer na,” pakilala niya sa dalawa.

“Hi,” bati naman ni France. Mabuti na lamang at pagdating nila sa store ay nawala na ang kaniyang pagkahilo.

“Ang ganda naman ng misis ninyo, sir. Bagay na bagay kayong dalawa,” sabi nito.

“Naku, pinikot nga lang ako niyan eh,” sa sinabing iyon ni Sky ay nanlaki ang mga mata ni France. Inapakan tuloy niya ang paa ni Sky. Mabuti na lamang ay nakailag si Sky.

“Teka lang Rudy ah. Kukuha lang ako ng juice,” paalam ni France sa dalawa dahil baka hindi na siya makapagpigil sa inis kay Sky.

“Honey, yung mango flavor ah. Alam ko namang iyon ang pinaglilihian mo eh,” pahabol pa ni Sky.

“Wow, sir! Magkaka-anak ka na?” tanong naman ni Rudy, “Congrats ah!”

“Salamat,” sabi ni Sky.

“Sir, pwede ho bang humingi ng pabor?” biglang sumeryosong tanong ni Rudy.

“Ano naman iyon?”

“Pwede ho bang kayo na lang mag-asawa ang kunin kong modelo sa susunod kong photo shoot? Couples dress ho kasi ang theme. Hindi po makuha ng mga kinuha nilang modelo ang emotions eh.”

Agad namang pumayag si Sky. Naisip niyang isa na naman itong magandang plano para mainis si France. Magsusuot ito ng damit na magkaterno. Excited na si Sky!

Pagkatapos mabayaran ang kanilang pinamili ay tinawag na ni Sky si France na nakatingin sa freezer ng mga ice cream.

“Sky, may ice cream pa lang may pinipig,” sabi niya rito.

“Oo, gusto mo ba? Bibili kita,” sabi ni Sky.

“Baka may kapalit nanaman iyan?” nagdududang tanong ni France.

“Wala. Para iyan sa baby natin,” sabay hawak pa sa tiyan ni France.

“Ano ka ba? Nakakainis ka naman!” sabay taboy sa kamay ni Sky at naglakad na siya palabas.

“Uy, joke lang ‘yon!” habol ni Sky.

“Halika na. Bibili na tayo. Gusto mo rin naman eh.”

“Ewan ko sayo!”

“Sorry na, bati na tayo.”

Lumipas ang mga araw at buwan ay nagkakasundo na sila ni Sky. Hindi pa rin siyempre maiiwasan ang bangayan sa kanila ngunit hindi na tinuturing na trabaho ni France ang pagluluto para sa kakainin nila ni Sky. Nag-eenjoy na siya. Madalas ding pinag-uuwi na siya ni Sky ng kung ano-anong candy, minsan ay tsokolate.

Hanggang isang araw ay nakatanggap si Sky ng tawag mula sa kaniyang ama na nasa Japan. Hindi niya akalain ang kaniyang mga susunod na mararamdaman.

“Hello, Dad?”

“Hello, Sky. I heard  that you and the eldest daughter of Francis Hernandez are together,” bungad nito. “Break up with her,” dagdag pa nito.

“Ha?” takang tanong niya. Maaaring may nakapagsabi kay Dad na kami ni France. Si France kasi kung anong pinagsasabi sa party.Alam niyang pinagsabi niya na mag-asawa na sila at magkaka-anak pa nga pero si France naman ang nag-umpisa niyon. Alam niyang hindi close si Rudy at ang kaniyang ama. Ni minsan nga ay hindi nagkita sa personal ang mga ito. “But we’re not together, Dad.”

“Basta layuan mo ang babaeng iyon. Never get in touch with her,” giit ng kaniyang ama. “Never see her again.”

“Why is that?” tanong niya.

“Her father is the new lover of your mother,” pagbubuniyag nito.

Para namang sasabog ang kaniyang puso sa kaniyang narinig. Alam niyang mahal pa rin ng kaniyang ama ang kaniyang ina ngunit dahil sa pride nito ay tuluyan na lang na nagkahiwalay ang mga ito. Kaya naman nasisigurado ni Sky na gagawin nito ang lahat mapahirapan lamang ang ibang lalake ng kaniyang ina.

Hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit natatakot siya sa nalaman. Ayaw niyang maisip na hindi na niya makikita si France tuwing umaga pagkatapos niyang mag-jogging. Wala na rin siyang dadatnan sa kaniyang condo na naghahain sa kaniya ng dinner at higit sa lahat, ang babaeng laging nang-aasar sa kaniya.

“France, halika nga sandal,” utos niya kay France na naabutan niyang nanonood ng TV. Lumapit naman agad ito.


About sweetlemon07

I'm writing to express. I don't care if they are not impressed.

Talakayan

29 thoughts on “You are my Sky, France_Chapter Ten

  1. d aq ngkmali ng hinala…sama naman ng sit nla for now…

    Posted by alma | Setyembre 9, 2012, 9:06 hapon
  2. Hala :(( Ano ba yan pano si France and Sky?!

    Posted by helloyellow | Enero 31, 2012, 3:36 hapon
  3. OMG!!!! panu na yan!
    its so thrilling! . .

    Posted by pazawaiy_1901 | Enero 21, 2012, 8:59 umaga
  4. waah.. luv it..”)

    Posted by shing | Enero 18, 2012, 11:56 umaga
  5. suya naman papa ni Sky… di makipag ayos na lang sya sa mama ni Sky kung may pagtingin naman pala eto sa dating asawa. Ano kayang karamdaman ni France dahil sa paminsan minsang pagkahilo. Ano ang magiging desisyon ni Sky? Susunod ba sya sa kanyang ama?
    Abangan….

    Posted by maritel go teves | Enero 15, 2012, 1:59 hapon
  6. waaaaaaaaaa! ang dapat na maghiwaly ang papa ni france at ang mama ni sky. Bakit kaya palaging nahihilo si france? hmmm….

    Posted by jemzann | Marso 1, 2011, 5:00 hapon
  7. OMG!!! dumating na ang kontrabida😦
    aw…kinilig ako dun ah…

    nwei, napapansin kong napapadalas ata ang pagkahilo ni France? natuluyan na ba siya??? hehehe..I mean natuluyang buntis??? LOL😀

    Posted by jeh089 | Enero 18, 2011, 7:47 hapon
  8. pumupuso na sana ang paligid nila.
    bkaet naman ganun? tss

    Posted by angel_YL | Enero 16, 2011, 3:58 umaga
  9. ano daw???

    Posted by ANILINE* | Enero 8, 2011, 1:33 hapon
  10. Is that true ????she will die??? Why’?are u guys serious??

    Posted by hazzeljoy | Enero 7, 2011, 5:29 umaga
  11. huh? :O sure kayo?

    Posted by itsgonnabeme | Enero 7, 2011, 12:26 umaga
  12. sad ending 0_0

    Posted by justme21 | Enero 6, 2011, 6:46 hapon
  13. she will die at the end…sad ending =(((

    Posted by ganda101 | Enero 6, 2011, 6:15 hapon
  14. please post the next chapter. I enjoy reading this story..

    Posted by cinderella | Enero 6, 2011, 1:28 hapon
  15. @iRAWRRyou : ahahah relax ka lang.. ang puso natin😛

    Posted by itsgonnabeme | Enero 6, 2011, 1:15 hapon
  16. .ok..i’m waiting n waiting n waiting…where is the next chapter…cant wait na haha

    Posted by hazzeljoy | Enero 6, 2011, 4:41 umaga
  17. ika-tatlong comment ko na to dito. binasa ko na naman ulit eh. nababaliw na siguro ako eh.

    Posted by iRAWRRyou | Enero 6, 2011, 1:58 umaga
  18. di na ako makapaghintay pa sa chapter 11. diba today sana ang posting, tama bah? pero mukhang wala pa ata. pero kaya kong maghintay. kahil kailanpaman! hahaha. sumasakit ang tiyan ko sakakatawa at kakapigil sumigaw.

    Posted by iRAWRRyou | Enero 6, 2011, 1:57 umaga
  19. .nxt chap plssssssssssssssssssssss!!!!!

    Posted by hazzeljoy | Enero 6, 2011, 1:02 umaga
  20. kalurkie……
    nku sky pikutin moh n ng 2luyan c france pra wlng mkakontra….
    whahahaahahha……………
    next chap n….

    Posted by clarkeys | Enero 5, 2011, 10:46 hapon
  21. sv n nga b eh
    haaay nxt xhap plssssssssss

    Posted by alexis_shawn27 | Enero 5, 2011, 7:43 hapon
  22. halaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa!!!! ano nang mangyayari sa love story nila ?!?

    Posted by xxBunZxx | Enero 5, 2011, 6:36 hapon
  23. Wag!!!stick 2gether dapat!!!

    Posted by April | Enero 5, 2011, 2:34 hapon
  24. next chap na po…ganda talaga

    Posted by noims | Enero 5, 2011, 11:03 umaga
  25. ano ba to kakabitin gusto ko na masundan agad

    Posted by pea | Enero 4, 2011, 3:27 umaga
  26. HUHU! Sana hindi malaki ang magiging problema tungkol dun. NEXT CHAPTER PLEASE !!!!!!! can’t wait na kasi eh.

    Posted by iRAWRRyou | Enero 4, 2011, 1:23 umaga
  27. nka2bi10 aman sna ipinost n lht ng chapters

    Posted by nicole | Enero 3, 2011, 2:04 hapon
  28. ohh no!! wag mong layuan si france wui.. next chapter na ahaha nabitin ako.. nakakakilig naman nito sana magkagusto na rin si france sa kanya

    Posted by itsgonnabeme | Enero 3, 2011, 11:37 umaga

Ano ang iyong masasabi sa iyong nabasa?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

TOP Calendar

Enero 2011
M T W T F S S
« Dec   Feb »
 12
3456789
10111213141516
17181920212223
24252627282930
31  

Mga Istorya

Aming Nakaraan

%d bloggers like this: