Chapter 8_Three in oNe
Naka-isip si France ng magandang paraan para sumakto ang timpla niya sa kape. Sa lahat kasi ng ginawa niyang kapalpakan, ito ang pinakang-hindi katanggap-tangap. Ang mapait na lasa ng kapeng timpla niya.
Katulad kahapon ay nag-toast siya ng tinapay at nag-timpla ng kape. This time ay nagprito siya ng hotdog na medyo sunog nga lang. Kung hotdog lang naman ang pi-prituhin ay carry pa niya.
Kumpara noong una niyang pagkakataon na magpunta sa condo unit ni Sky ay mas maaga siya ngayon. Hindi niya nadatnan si Sky pagdating niya kaya marahil ay nagjojogging pa siguro ito.
Ilang minuto lang matapos niyang ihanda sa mesa ang pagkain ay dumating na rin si Sky. Naupo na siya upang mag-almusal. Nang-iinumin na ni Sky ang kape ay medyo nag-aalangan pa ito. Tiningnan pa niya na para bang tinatantya si France kung may ginawa itong kapalpakan ngunit painosente lang ang tingin ni France. Ininom na nga ni Sky ang kape at kaaya-aya naman ang lasa nito.
Three in one lang pala ang katapat mo. Akala mo siguro paghihirapan ko pang matutong magtimpla ng kape. In your dreams, sa isip ni France habang ngingiti-ngiti.
“Anong ngini-ngiti mo diyan?”
“Wala, bakit masama ba? Saka ano bang pakialam mo?”
“Oo, masama at may pakialam ako. Kapag hindi ka pa tumigil sa pag-ngiti mo, baka mahalikan kita diyan.”
“Anong sabi mo?” mahina kasi ang pagkakasabi ni Sky sa mga huling salita nito kaya hindi niya masyadong naintindihan.
“Wala! Sabi ko, mabuti naman at hindi na mapait ang kape ko ngayon,” pagsisinungaling nito.
Pagkatapos mag agahan ni Sky ay naligo na ito at naghanda na sa kaniyang pagpasok sa opisina.
“Aalis na ako,” paalam niya kay France habang nililigpit nito ang pinagkainan.
“Dito ka ba magdi-dinner, Sir?” tanong ni France.
“Yup, kaya sarapan mo ang luto mo,” sagot ni Sky.
“Lagi namang masarap ang luto ko ah.”
“Sabi mo yan ah. Teka, teka may nakakalimutan ka yata. Ang sabi ko aalis na ako.”
“Ano naman iyon?”
Sa halip na sumagot si Sky ay prenteng-prente lang itong nakatayo malapit sa may pintuan at parang hinihintay lang niyang may gawin si France.
Ngumiti naman ng peke si France at nilapitan niya ito. Isinandal niya sa pader si Sky at inilapit ang kanyang mukha rito.
Sa ginawang iyon ni France sa pagkakalapit ng mga mukha nila ay hindi mawari ni Sky kung bakit siya biglang nakaramdam ng parang may kung anong kumikiliti sa kaniyang sikmura. Mas tumindi pa ito nang ngumiti si France dahil nakita nitong nabigla siya sa ginawa nito.
Habang nakaharap kay Sky ay inabot ni France mula sa likod ang knob ng pinto at pinihit ito upang mabuksan. “O ayan bukas na. Paalam, senyorito.” Tumayo si France sa gilid ng pinto at bahagya pang yumukod na para bang nasa royal ball sila noong mga unang panahon.
Nakahinga ng maluwag si Sky. “Sa susunod na ipagbubukas mo ako ng pinto ay hindi mo na ako kailangang itulak sa pader ah,” sabi nito.
“Paano namang hindi eh haharang-harang ka?”
Tiningnan niya ng masama si France. At ano pa ba ang aasahan? Siyempre hindi magpapatalo si France lalo na sa tinginan. Napailing na lamang si Sky at lumabas na ng unit niya.
“Sige mag-iingat sana sila sa iyo,” pahabol na asar ni France. Nag suot siya ng gloves para sa huhugasan niyang pinggan. Mabuti na lamang ay naturuan siyang maghugas noon nang minsang bumisita siya sa dating yaya niya. Matapos niyang mahugasan ang mga ito ay umuwi na rin siya.
Habang nanunood ng TV ay nag-ring ang phone ni France. Nakita niya na si Alex ang tumatawag. “Istorbo naman.”
“Hello?” pagsagot niya sa telepono.
“France, my cousin will throw a party this Saturday and we are invited,” exited na sabi nito.
“Okay, what time?” tanong niya.
“Around ten in the evening,” sagot ni Alex
Ah, ayos tapos ng kumain ang ‘retarded’ noon. Nagdi-dinner naman siya around eight eh, sa isip niya. “Count me in,” sabi niya rito.
“So what time are we seeing each other to buy our outfits?” tanong ulit ni Alex.
“Oh, that I’ll have to pass,” malungkot na wika niya. Unang pagkakataon na umayaw si France. Gustong-gusto man niya ay hindi maaari. Siguradong malaki ang magagastos niyang pera. Sayang lang. Sobrang dami naman niyang damit. Ang iba pa nga ay hindi pa niya nasusuot.
“What? But why?” gulat na gulat na tanong ni Alex. Hindi siya sanay na tumatanggi sa pagsa-shopping si France. Ito pa nga kasi lagi ang nagyayaya sa kanila.
“I’m quite busy eh. Basta magkita na lang tayo sa party, okay?” dahilan na lang niya.
“Well, okay but in case you change your mind, you know where to catch us.”
“Yeah, bye.”
“Bye.”
Pagdating ng alas siete ng gabi, si France ay nasa condo unit na ulit ni Sky.
Kumuha ng planggana si France at doon inilagay ang bigas. Inihalo-halo ni France ang bigas at tubig sa planggana. “Narinig ko dati ay tatlong beses dapat hugasan ito eh,” sabi ni France sa sarili. Matapos ang pangatlong beses na hugas ay inilipat na niya ito sa rice cooker.
“Gaano ba karaming tubig ang kailangan dito? Hay. Bahala na nga.” Itinapat niya sa faucet ang bigas upang lagyan ng tubig at nagbilang hanggang pito na paborito niyang numero at isinara ang gripo. Isinalang na rin niya sa rice cooker. Tiningnan naman niya ang ref at sa dami ng naroon ay ang baboy na nasa freezer na pang-pork chop ang putol ang naisipan niyang iluto. Ano pa nga ba eh ang magprito lang naman ang alam niya. Alas siyete y media na at parating na si Sky kaya naman naisipan niyang lakasan ang kalan upang agad na maluto ang pork chop.
“Knock, knock,” sabi ng isang business associate ni Sky na kasama niya madalas sa gimikan.
“Oh, what’s up?”
“Bar tayo ngayon dude,” yaya niya.
“Ha? Hindi pwede eh. May naghihintay sa akin sa condo ko.”
“Ano? May chickababes ka roon? O ‘wag mong sabihing asawa mo ang nag-aantay sa iyo dahil ang pagkakaalam ko ay binata ka pa,” gulat na tanong nito. Ang pagkakaalam kasi nito ay kahit na habulin at mahilig sa babae si Sky, ni minsan ay wala pa itong dinalang babae sa condo nito.
“Lokong ito,” sabi ni Sky na nakangiti.
“Naku dude, hindi naman tinamaan ni Kupido ‘yang puso mo, di ba? Maraming babae ang iiyak.”
“Ano ka ba? Alam mo namang wala sa bokabolaryo ko ang salitang pagmamahal,” sabi niya. Iyon talaga si Sky. Marami na siyang naka-fling ngunit kahit minsan ay wala siyang naging seryosong relasyon. Alam ng mga babae kung hanggang saan lang ang kaya niya niyang ibigay at hindi isa ang pag-ibig sa mga ito. Dahil wala siyang ideya kung ano ang salitang pag-ibig. “Sige, man. Mauna na ako,” paalam ni Sky.
“Well, good luck sa nag-aantay sa iyo.”
Inihain na ni France ang pagkain nang dumating na si Sky. Sandali lamang itong nagbihis at tumuloy na rin ito sa hapag-kainan. Nang makita ni Sky ang sunog na pork chop ay parang ayaw na niyang kumain.
“O, ba’t hindi ka pa kumain?” tanong pa ni France.
“It’s not appetizing,” sagot naman ni Sky
“Ang arte mo naman. Mukha lang ‘yang ganiyan, pero masarap yan. Sabi nga nila, don’t judge the book by its cover,” pangungumbinse nito na sinamahan pa ng matamis na ngiti. Sino nga ba naman ang makakatanggi?
Napilitan na rin si Sky na kainin ang sunog na pork chop dahil gutom na rin siya. Dahil frozen pa nang iprito ni France ay hindi pa gaanong luto ang pork chop. “Ano ba ito? Sunog nga sa labas hindi naman luto sa loob,” reklamo ni Sky. “Can’t you serve me something or anything na katanggap-tanggap sa sikmura?” dagdag pa nito. “Ikaw ang umubos nito,” pahabol niya.
“Oh no!” agad na tanggi ni France. Hindi rin niya masisikmurang kainin ang sunog na hilaw na karneng iyon.
“And why? Kainin mo nga,” pilit ni Sky.
“Vegetarian kaya ako,” palusot lang ni France ngunit hindi naman talaga siya vegetarian. “Oo nga pala. Kumain ka na lang sa labas bukas ha? May alam akong masarap na restaurant. Doon ka na lang kumain.”
“Ayaw mo lang magluto eh,” sabi ni Sky
“Hindi. Bibisita kasi ako sa yaya ko. May sakit siya eh. Sa province yun kaya gagabihin ako,” pagsisinungaling niya ditto ngunit ang totoo ay aattend siya ng party ng pinsan ni Alex.
“O sige. May event din naman ako noon eh,” pumayag na rin si Sky.
Yes! sambit ni France sa kanyang isip.
“Hi, Annika!” bati ni France sa pinsan ni Alex na nag-imbita sa kanyang party. Nakipagbeso-beso siya rito.
“Hello, France. I’m glad you came. Many of my friends requested your presence. Makita ka lang daw solve nang araw nila,” sabi naman ni Annika.
“You are flattering me. Anyway, have you seen Alex and the girls?” tanong niya.
“Yeah. They are at the table next to the one near the lounge bar,” sagot nito.
“Thanks.”
“You’re welcome. Enjoy the party.”
“Yeah, thanks. I surely will,” sagot ni France at pinuntahan na ang kanyang mga kaibigan.
“ Let’s go dance, girls,” yaya ni Wendy sa kaniyang mga kaibigan.
“Kayo na lang, you know I’m not that into dancing,” tanggi ni France. Mula pa pagkabata ay hindi talaga biniyayaan si France ng kahit kaunting hilig sa pagsasayaw. Hindi naman siya ganoon kasama magsayaw. Hindi lang talaga siya nag-eenjoy kapag ginagawa niya iyon.
“Would you be okay alone in here?” sabi ni Queenzy
“Yeah. Ako pa,” sagot niya.
“Oo nga naman. If I know, maraming boys diyan na naghihintay na masolo itong si France,” sabi naman ni Alex.
Alas onse ng gabi nang pumunta si Sky sa kaniyang event, ang party ng girlfriend ng kaibigan niyang si Jake. Sa party ay binati muna niya si Annika na girlfriend ni Jake sa success ng project nito.
“Annika, congrats,” bumaling naman si Sky kay Jake. “Dude, paano ba ‘yan? Mukhang mas magaling ang girlfriend mo sayo,” biro niya rito.
“Loko. Ako kaya ang inspirasyon kaya ganoon.” Nagtawanan na sila. “Sige dude, enjoy the party,” sabi ni Jake at pumasok si Sky sa loob. Bigla namang naningkit ang mga mata niya nang makita si France na nasa party rin.
hahaha..ganun pla un..
patay magkikita sila
exciting…:))
Oooops!! Haha nakakatawa naman to!
ahahah! LaguT! . . . =D
OMG!!! YOU’RE DEAD,FrAnCe….
hahahaha!!!! YOUR DEAD FRANCE!!!
Ahahaha,.ayn c bos
huli ka france…………
lagot na naman c france..hehehe
hahaha… lagot ka…. 3in1 lang pala katapat e… hehehe
hahahahahaha! lagot ngayon si france…:-)
waaaaaaaaaaahhhhh!!! humanda!
ayus na ayus ang 3-in-1. haha..
ooops. magkikita sa party. lagot.
ano ba kac ang password? 🙂
yahooooo! binasa ko na naman ulit habang hinihintay ang chapter 11.. hindi na ako makapaghintay pa. sobra nakakatuwa at nakakabaliw. hahahahah !
ganda po, Godbless more stories pa po
this is SICK ! super funny and hilarious! I LOVE IT… next chaoter please.. i just can’t wait! huhuhu T_T. please, SOON! i super like you sweetlemon ♥.♥
ehem! ahah…’wag mo naman paiyakan ang mga readers sweety lemon please? 🙂
babasahin ko na siya mauuna pa akong makatapos sa inyo..ahahah
hala! can’t wait kung anong mangyayari.. post! post! post!
grabe aa. bkett gnun pborito ko na tong story na toh s lahat? grabe sweetlemon sna nmn wg after 3 days k mgpost kc nakakaexcite kea?! :))) grabe u’re so creative tlga. ! more stories to come!!! :)) i lab it!
excited ako anong mangyayari kay FRANCE . . .:)) love it!!!♥♥
i mean palusot amp!! nagkamali pa :@
ahahaha 😀 ano kaya pasulot niya? baka parusahan siya ni sky 😛
waaaahh hala!! tama ba yan prezzz? wag namn sana 😀
@empresz23., oh really? maybe sa prologue., o sa epilogue who knows., do you know? ahahah
what chapter mamamatay si ano…france?
@alexis_shawn27., tsk tsk., patay sya., ahahah
@nante20 ahahah., natawa naman ako sa sinabi mo.,
@April waaaah! ahahah., hmmm., knowing Sky patay si France., pero knowing France she can handle it., ahahah
@itsgonnabeme., tama! bakit kasi nagsinungaling pa., ayan huli sya! ahahah
@Dea i totally agree with you., hindi pang bahay ang beauty ni France! pang miss universe! naku gusto lang kasi ni SKy nasosolo niya ang beauty niya., ahahha
@eizzy., waaah! sa Friday po ulit., eheheh
salamat! sa inyo!!! mwah!
waahh bitin next na po pls…
Hmf, pa2rty lan nMan,.bwal din b un,.?graveh ka sky ah,…syang beauty ni france qng ga2win mu lang tagasilbi sau n0h,..hehe
hahahahaha!!! patay ka france, nagsinungaling ka pa kasi 😀
Hala lagot ka France…..let’s wait and see kung ano ang gagawin ni Sky…nxt chapter na….
huli c france..dadalaw pala sa yaya ha…! laagooootttttttt…hahahha!
nku exciting
haha
lgot c france..haha