binabasa mo ang...
You are my Sky, France

You are my Sky, France_ Chapter Seven

Chapter 7_paRty Magic

“Tatanong-tanong pa ito akala mo naman ay alien ako magtimpla ng kape. Akala siguro nito hindi ko alam na kailangang lagyan ng creamer ang kape,” pabulong niyang sabi.

“Ano nga paano?” naiinis na tanong ni Sky.

“Paano pa ba? Eh di sa isang cup naglagay ako ng mainit na tubig tapos isang kutsarang creamer, asukal at siyempre isang kutsarang coffee din,” pagmamalaking sagot ni France.

“Ha? Kaya naman pala daig pa ang ampalaya sa pait eh!”

“Sobra ka namang mag-react,” naiinis na ring sabi ni France.

“Subukan mo kayang tikman.”

“No thanks. Hindi ako mahilig sa coffee,” tanggi ni France. Totoo namang hindi siya mahilig magkape at isang dahilan na rin iyon kung bakit hindi siya marunong magtimpla bukod pa sa may katulong naman sila kaya hindi talaga siya nagtitimpla.

“Just give me water,” sabi ni Sky na nawalan na ng gana sa pagkain, “and please make me something drinkable tomorrow. I mean my coffee,” dagdag pa nito.

“Opo, senyorito,” sagot ni France. “Ang arte!” mahinang sabi niya.

“Anong sabi mo? May binubulong-bulong ka ba diyan?”

“Oh my gosh. You must be hearing things! Magpatingin ka na kaya sa albolaryo?”

Tiningnan siya ng masama ni Sky. Painosenteng ngiti lamang ang ginawa ni France.

“I’m not eating dinner here today,” sabi ni Sky.

“Yes!” halos matalon sa tuwang sambit ni France. I guess my luck is still working, sabi ni France sa isip niya.

“So you have to be my driver to my date later,” dugtong ni Sky.

Biglang napasimangot si France sa narinig. “What? Grrr.” Akala pa naman niya, libre na siya ngayong gabi. Nakalimutan niyang pagpapahirap nga pala sa kaniya ang pakay nito. Kawawang France.

“Ayaw mo?” tanong ni Sky.

“As if I have a choice!” maktol na sabi niya.

Pagkatapos umalis ni Sky sa condo unit niya ay iniligpit lang ni France ang pinagkainan nito. Agad-agad na rin naman siyang umuwi sa kanilang mansiyon. Hindi na siya nag-abala pa na maglinis doon sapagkat mukhang may araw-araw namang nag-aayos doon sapagkat hindi naman marumi. Naisip niya na kapag umangal na lang ito na marumi roon ay saka na lamang siya maglilinis.

Kinagabihan, pinuntahan niya si Cheska na sa kasalukuyan ay nasa entertainment room ng kanilang mansiyon. Mahilig kasi itong makinig ng music doon. Ang nasabing silid ay soundproof kaya kahit gaano pa kalakas ang tugtog doon ay hindi makakaistorbo sa mga tao sa labas.

“Chesk, aalis ako ha. Don’t wait na for me,” imporma ni France sa kaniyang kapatid. Nagbihis pang-gimik si France kahit na alam niyang driver lang ang magiging role niya ngayong gabi. Ayaw kasi niyang mag-isip pa ng iba ang mga tao kung saan siya pupunta. Sanay naman kasi ang mga ito na gumigimik siya. Mas magtataka nga siguro sila kung ang suot niya ay hindi pang-party. Sa condo unit ni Sky siya tumuloy, ito kasi ang utos nito. Doon na lamang daw sila magkita dahil magpapalit pa raw ito ng damit na pang-gimik dahil galing nga ito sa opisina.

“Ang tagal mo namang dumating. Kanina pa kita hinihintay,” bungad ni Sky nang makita niya si France.

“Reklamo ka diyan. Eh di sana nauna ka na. Ikaw na lang sana ang nag-drive. Tutal marunong ka naman di ba?”

“Para saan pa at nagka-driver ako kung ako rin lang ang magda-drive?” alam ni Sky na sasagot pa si France ngunit bago pa ito magawa niyon ay tinakpan na niya ang bibig nito.

Agad-agad namang inalis iyon ni France. “Yuck! Ano ba yan? Kadiri ka!”

“Kadiri daw? Ang ibang babae nga nagmamakaawa pa para mahawakan lang ang kamay ko. Maarte ka lang talaga.”

“Hindi ah! Ginayuma mo lang sila o di kaya naman eh mga baliw lang sila.”

“Wooh. If I know, halos mahimatay ka na sa kilig ngayon,” sabi ni Sky.

“Ahhh. Aba’t talaga namang napakalaki ng tiwala mo sa sarili mo! Grabe! You are oozing with –”

“Sex appeal? Yeah I know, a lot of people tell me that,” ngiting sabi ni Sky.

“Excuse me! I was about to say oozing with confidence.”

Lumapit si Sky kay France at hinawakan ito sa baba. Tinitigan niya ito, mata sa mata. “Masyado kang masungit sa akin, my tigress,” sabi ni Sky at akmang hahalikan si France.

Tinadyakan naman ni France ang paa ni Sky. Dahil doon ay talaga namang napasigaw sa sakit si Sky.

“Aray! Bakit mo ako tinadyakan?” inis na tanong niya.

Ngumiti lang si France ng mataray. “That’s what you deserve, my ogre.”

“Halika na nga at nag-hihintay na ang date ko.”

Habang nagmamaneho si France patungo sa lugar ng ka-date ni Sky ay napansin niyang parang pamilyar ang kanilang tinatahak na daan. Maya-maya lang ay ipinatabi na ni Sky ang sasakyan.

“Shoot! This is the house of Dianna, right?” alalang tanong ni France. Inaalala niya na baka makita siya ni Dianna at malamang isa siyang dakilang driver nila ngayon.

“Yeah, what’s with that reaction?” sabi ni Sky.

“Akala ko ba walang makakaalam na ganito ang arrangement natin?” tanong ni France. Sigurado akong gumaganti na naman ito sa akin pero may agreement kami. Kaya humanda ka sa akin.

“Yeah,” inosenteng sagot ni Sky.

“Eh alam mo namang kilala ako ni Dianna tapos ako pa ang inutusan mong mag-drive sa date niyo?” sarkastikong tanong niya rito.

“Don’t worry about that. Hindi ka papansinin ni Dianna. Girls just can’t take their eyes off me,” pagmamalaki ni Sky.

“Your overconfidence will kill me soon. Ugh!”

“You’ll see, I’m not kidding,” paninigurado pa nito at bumaba na ito sa sasakyan upang puntahan si Dianna sa loob ng bahay nito.

Habang si France naman ay tarantang-taranta sa pag-iisip kung anong disguise ang kaniyang gagawin.

“Nakakainis ka talaga sobra! Paano na kaya ito?”  sabi ni France habang mag-isa sa sasakyan. Ang ginawa na lamang niya ay inilagay ang kaniyang scarf sa kaniyang ulo. Pagkarating nina Sky sa sasakyan ay agad naman niyang pinaandar ito. Sinabi ni Sky na pupunta sila sa isang bar malapit sa village na iyon. Hindi nga siya napapansin ni Dianna dahil abala ito sa pakikipaglampungan kay Sky. Hindi niya alam kung maiinis ba siya dahil hindi siya sanay na may nag pi-PDA malapit sa kaniya o magpapasalamat ba siya dahil hindi siya napapansin ni Dianna. Pagkarating sa bar ay abala pa rin sa paglalampungan ang dalawa.

Nilakihan ni France ang kaniyang boses upang magboses lalaki siya at hindi siya mabuko ni Dianna. “Nandito na po tayo,” untag niya sa dalawa.

Tumingin sa labas ng sasakyan si Sky at nakumpirmang nandoon na nga sila. Inaya na niyang bumaba si Dianna at hindi man lang kinausap si France na para bang hindi nag-eexist sa mga oras na iyon.

“Ano naman kaya ang gagawin ko? Hindi ang isang Frances Reigne Hernandez ang maghihintay na lamang at magpapaburo samantalang may bar sa harap niya.” Tumuloy siya sa loob ng bar. Pagkapasok ay tinungo niya ang ladies room at inokupa ang isang cubicle. Doon ay tinanggal niya ang loose na damit niya kaya natira na lamang ang pang-doble niyang red tube. Hinubad din niya ang kaniyang leggings at itinira ang kaniyang maong na mini skirt at ibinalik ang kaniyang accessories. Inayos rin niya ang kaniyang mahabang buhok at ang scarf niya ay ginawa niyang belt. Ang kaniyang hinubad na damit ay inilagay niya sa kaniyang bag.

“There, ready to party,” sabi ni France pagkalabas sa cubicle sabay kindat sa kaniyang sariling repleksyon sa salamin. Kahit na mahilig sa fashion si France ay may pagka-conservative pa rin siya. Unang pagkakataon na nagsuot siya ng isa lamang tube at ganoon kaiksing mini-skirt na walang leggings.

Agad naagaw ng babaeng kakaupo pa lamang sa may bartending area ang atensiyon ni Sky. Hindi niya alam kung ang magandang hubog ng katawan nito na kitang kita sa suot nito o dahil pamilyar sa kaniya ang nasabing babae. Hindi man niya masyadong maaninag ang mukha nito dahil sa kalayuan at sa malilikot na ilaw ay natitiyak niyang maganda ito. Napansin din ni Sky na may nagyayang sumayaw dito ngunit tumanggi ito.

“Sky, what are you looking at?” tanong ni Dianna sa kaniya nang mapansing may tinitingnan ito.

“Nothing. Wanna dance?” sa halip na umamin ay ito ang sinabi niya.

“Let’s go,” agad namang sagot ni Dianna. Siyempre nga naman mas maraming makakakita sa kaniya na kasama niya ang hunk Japanese model na si Aeneas Sky Akira kung nasa dance floor sila.

Nang makarating na sila sa dance floor ay pumuwesto sila malapit sa bartending area dahilan iyon upang makita ni Sky ng maayos ang mukha ng babae. Laking gulat niya nang makitang si France pala ito. Aba’t ang lakas ng loob na bumaba ng sasakyan at pumasok pa mismo dito sa bar.

Tuwang-tuwa naman si France na hindi na niya kailangang gumastos ni isang kusing sa kaniyang iinumin sa dami ng nag-aalok sa kaniya nito. Siyempre, pinipili niya pa rin kung kaninong alok ang kaniyang tatanggapin. “I’m not that cheap,” sabi nga niya. Kaya ng makita niya si Rico at nilapitan siya nito ay hindi na siya nag-atubili pa na ito na lamang ang kausapin niya.

Ano ba ang babaeng ito? Akala mo pa-inosente pa, tumatanggap naman pala ng alak sa hindi niya kakilala pero noong ako, nagyaya na nga na ihatid siya eh nag-alburoto pa, sa isip ni Sky nang makitang may kainuman na si France. Inis naman si Sky nang makitang nakikipagtawanan pa si France sa lalaking kausap nito.

“France, I’m so glad that you are here. Is it just my lucky day?” sabi ni Rico.

“Push your luck, Rico. I’m also glad,” sagot niya. Kung alam mo lang, sabi ni France sa isip niya.

“Sinong kasama mo?” tanong ni Rico kay France.

“I’m alone,” sagot naman ni France.

“Can I drive you home?” tanong nito.

“I’d love to,” agad na sagot ni France. Tipid sa gas dahil wala pa naman kaming pera ngayon ang naisip niya ngunit bigla niyang naalala na siya nga pala ay driver ngayon. “But I’m afraid hindi pwede eh,” dagdag na lamang niya.

Nang mag-paalam si Dianna na pumunta sa comfort room ay nilapitan ni Sky si France.

“Ten minutes,” sabi niya nang makalapit sa kila Rico at France. Pagkasabi niyon ay bumalik na rin si Sky sa table nila ni Dianna.

“What’s with that?” tanong ni Rico nang makitang lumapit ang isang lalaki kay France.

“Ah, wala. Baka oorder lang iyon ng 10 minutes. May bago kasi silang drinks na ganun,” palusot ni France at nag-paalam na ito kay Rico dahil ayon sa kaniyang ‘amo’ ay sampung minuto na lamang at aalis na sila.

Hinintay lamang niyang lumabas mula sa CR si Dianna dahil napansin niyang pumasok ito doon kanina. Pagkalabas ni Dianna ay pumasok na rin siya upang ibalik ang dati niyang ayos.

 

 

Author’s note:

Merry Christmas to one and all! Always remember the true essence of it! Wag kalimutang magsimba bukas ayt?

Love lots!

sweetlemon😉

About sweetlemon07

I'm writing to express. I don't care if they are not impressed.

Talakayan

25 thoughts on “You are my Sky, France_ Chapter Seven

  1. bakit po di nag-ad ng gils ko sa pagcomment ko???

    Posted by alma | Setyembre 9, 2012, 8:28 hapon
  2. hahaha…ang ganda!!ok tlga si France!!jelly c papa sky….hahaha

    Posted by alma | Setyembre 9, 2012, 8:27 hapon
  3. ayos si france hahaha,,,,

    Posted by Jennifer Sanchez | Agosto 10, 2012, 4:37 umaga
  4. Yeeee nakakakilig! Para-paraan si France para di mapahiya hahahaa

    Posted by helloyellow | Enero 31, 2012, 3:13 hapon
  5. nice one *_*

    Posted by maritel go teves | Enero 15, 2012, 12:07 hapon
  6. very wise france…

    Posted by Liv | Nobyembre 11, 2011, 1:39 hapon
  7. nyahahahaha🙂

    Posted by jajah | Marso 29, 2011, 5:29 umaga
  8. nyahahahah😀 10 minutes – bagong pangalan ng inumin..😀
    Astig din!

    Posted by jeh089 | Enero 18, 2011, 6:50 hapon
  9. para-paraan lang.🙂

    Posted by angel_YL | Enero 16, 2011, 3:36 umaga
  10. wala p dito yung answer pero ok lng nag-een joy nman akong basahin uli

    Posted by irese | Enero 8, 2011, 5:33 umaga
  11. love it….!!! there goes sky….seloso hahaha.. like

    Posted by mane | Enero 7, 2011, 5:43 hapon
  12. weeeee! CAN’T WAIT! i am so BACK. love it! Gob bless🙂 ☻

    Posted by iRAWRRyou | Enero 6, 2011, 1:52 umaga
  13. ahehe. tingin ko nagseselos xa ayaw lng nyang aminin😀

    Posted by itsgonnabeme | Disyembre 27, 2010, 3:04 hapon
  14. @alexis_shawn27 jelly jelly sya pero hindi niya alam., wahahahah
    @itsgonnabeme achut., tingin mo si France kaya nagseselos kay Dianna? hmmmmn., ano kaya?
    @April hi April! thanks sa iyo! you knew what for.,
    @arabeybsxP aahaha., salamat sa pag comment
    @thart Hi thart! thank you!
    @iRAWRRyou waaah! you’ll see the deeper side of her in the following chapters., hope you’ll love her more.,
    @Dea ., i regret to say pero wala akong powers na gawing 3x a week ang posting nito., contributor lang kasi ako.,
    @eizzy ., waaah! hehehe
    @cinderella., hi favorite disney princess ka ng pinsan ko., her name is Frances., eheheh

    Posted by sweetlemon07 | Disyembre 27, 2010, 11:02 umaga
  15. wow!! next chapter please.. love it.

    Posted by cinderella | Disyembre 26, 2010, 4:09 hapon
  16. anext na po plzz..tnx

    Posted by eizzy | Disyembre 26, 2010, 3:32 hapon
  17. Its really great!
    Haha,.cant wait to
    read the next chapter!
    Favor nMan, sna
    3 times a weEk nlan
    posting nito,..

    Posted by Dea | Disyembre 26, 2010, 2:57 hapon
  18. CAN’T WAIT FOR THE NEXT CHAPTER! im going damn crazy waiting for the next chapter. im gone MAD with this story. so funny and hilarious. i LOVE France so much! the talking and the attitude . yeeaaahh!

    Posted by iRAWRRyou | Disyembre 25, 2010, 9:57 hapon
  19. waaah.si papa sky!nakakatuwang magselos!hahahaha.LOL

    ilove it!:P

    Posted by thart | Disyembre 24, 2010, 9:50 hapon
  20. nice. next chap na po! :DD

    Posted by arabeybsxP | Disyembre 24, 2010, 7:57 hapon
  21. Ang cute talaga nila…..and merry x’mas too sweetlemon hope u have wonderful one…..

    Posted by April | Disyembre 24, 2010, 4:10 hapon
  22. ahahaha.. nagselos si sky, hmmp!! may diana na xa xDD

    Posted by itsgonnabeme | Disyembre 24, 2010, 3:02 hapon
  23. haha..jelly c sky
    ahaha
    k2wa tlga

    Posted by alexis_shawn27 | Disyembre 24, 2010, 11:41 umaga

Ano ang iyong masasabi sa iyong nabasa?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

TOP Calendar

Disyembre 2010
M T W T F S S
« Nov   Jan »
 12345
6789101112
13141516171819
20212223242526
2728293031  

Mga Istorya

Aming Nakaraan

%d bloggers like this: