binabasa mo ang...
You are my Sky, France

You are my Sky, France_ Chapter Six

Chapter 6_the “rEtaRdEd”

Buong umaga siyang nagkulong sa kaniyang silid. Katulad kagabi ay nag-isip pa rin siya ng paraan para malutas ang problema nila. Sobrang sakit na ng ulo niya sa kakaisip. Ang dami kasing mga bagay na dapat niyang isaalang-alang. Gusto niyang maprotektahan pa rin ang reputasyon ng kanilang pamilya lalo na ang kasiyahan ni Cheska. “Ang hirap!” Iyan lamang ang nasabi niya. Pagkarating ng hapon ay may nabuo na siyang pasya.

“Manong, pupunta po tayo sa PTP building,” sabi ni France sa driver nila nang makababa na siya sa may kusina kung saan naroon ang kanilang mga katulong at driver niya.

Alas kwatro kwarenta y singko ng hapon nang makarating si France sa opisina ni Sky.

“What brings you here? Have a seat. Magbabayad ka na ba?” bungad ni Sky nang makita si France. Inaasahan na niyang darating ito. Alam niyang hindi ito makakatiis na hindi siya makita. Ano raw, Sky? Yabang ah.

“No, but I’m afraid I’m here to accept your offer,” napalunok niyang sabi.

Napangiti si Sky sa kaniyang narinig. “Well then, let’s go,” sabi ni Sky na inaayos na ang mga gamit at pagdaka’y tumayo na.

“To where?” litong tanong ni France. Wala na siyang nagawa pa nang hilahin siya nito palabas ng opisina.

“Just follow.” Naglakad sila patungo sa parking lot ng building.

Pagkarating doon ay binuksan na ni Sky ang kaniyang Volvo at sumakay sa passenger’s seat. Nakatayo lamang sa gilid ng sasakyan si France.

“What are you waiting for? Pasko? Get in,” utos niya kay France.

Nalilito at naiinis man ay sumunod na rin si France, sumakay siya at umupo sa bandang likuran ng sasakyan.

“Wait France, occupy the driver’s seat,” sabi ni Sky.

“Huh, why?” takang tanong ni France. Ano ba ang binabalak ng lalaking ito?

“Isn’t it obvious? You’ll be the one to drive,” seryosong hayag nito.

“Don’t you have a driver?” tanong ni France.

“Yes, I have,” sagot naman ni Sky

“Well?” Hinihintay niyang sabihin ni Sky na parating na ang driver nito ngunit ngumiti lamang ito ng makahulugan. Kaya naman nagkaroon na ng konklusyon si France.

“Oh no, I am your driver?” halos ma-iyak siya sa inis sa harapan nito.

“You’re smart!” saad lamang ni Sky at naupo ng kampante na para bang hinihintay na lamang niya na umandar na ang sasakyan.

“You’re unbelievable!” sabi niya. Bumaba siya at lumipat sa driver’s seat. Ano pa nga ba ang magagawa niya?

Mabagal lang ang pagpapatakbo ni France dahil nahihirapan siyang magmaneho sa kaniyang high-heeled shoes. Tama ba naman kasi na sa unang minuto pa lamang ng pagpayag niya na magpa-alila kay Sky ay agad na siya nitong gagawing driver? Gosh ah. Hindi talaga nagsasayang ng oras si Sky pagdating sa pagpapahirap sa buhay ni France. Tsk tsk. In fairness, hindi napaghandaan ni France ang driver role niya ngayon. Halata ba at nagsuot siya ng stilettos? Papunta sila ngayon sa isang restaurant ni Sky. Base na rin sa sinabi nitong direksyon sa kaniya. Tinext na lamang niya ang kaniyang driver na sunduin siya maya-maya roon.

“It’ll take us years to get there kung hindi mo bibilisan,” reklamo ni Sky. Naiinip na kasi siya’t 45 kilometers per hour lamang ang ipinapahiwatig ng speedometer na takbo nila. Sanay pa naman siya sa pagpapatakbo ng mabilis. Libangan din kasi niya ang pagda-drag race.  “Hubarin mo na kasi,” habol pa nito.

“What?” gulat na tanong ni France. Ano raw? Hubarin ko na? Muntik pa niyang makalimutan na nagmamaneho siya dahil instinct niya na ilagay ang kaniyang mga kamay sa harap ng kaniyang dibdib.

“Your shoes,” paglilinaw nito.

“Ah. Yuck! Malay ko ba kung anong klaseng germs ang meron dito at saka I’m just being careful,” pagtatanggol niya sa kaniyang sarili.

“Sobrang carefulness naman yata ‘yan, Miss Hernandez.”

“Ikaw kaya mag-maneho dito. Reklamo ka ng reklamo eh nakaupo ka lang naman diyan. I’m trying to focus here, mister. Your noise is a big obstruction. Just shut up. Ok?”

“Aba’t kailan ka pa nakakita ng driver na tinatarayan ang amo? Baka nakakalimutan mo ang malaki ninyong utang?” pagbabanta nito.

“Whatever!” tanging nasambit na lamang ni France. Gusto man niyang umalma pa ay hindi na niya ginawa. Baka kasi mas malala pa ang kalabasan. Mahirap na.

Pagkarating nila sa restaurant ay umorder muna sila at kumain.

Kumuha si Sky ng kapirasong papel at isinulat doon ang building location at numero ng unit niya.

“Here,” sabi niya sabay bigay ng papel kay France.

“Your basic duty is to make breakfast, I need it served eight in the morning. You also do the dishes, the laundry, clean my condo of course and cook dinner for me.” Bahagya pang nag-isip si Sky. “Oh yeah, you also have to come whenever I need a driver,” dagdag pa nito.

“Talagang malaki ang galit mo sa akin, ano? Anyway, I just need no one to know about this deal. Kapag hindi mo ako katulong, hindi pa rin tayo magkakilala and let us live our normal lives,” hiling ni France.

“No problem with that. Deal,” sabi ni Sky at inilahad ang kamay nito na para bang talagang nasa isang business deal sila.

Tinanggap naman ito ni France ngunit hinigpitan ang hawak dito tanda ng kaniyang pagka-inis. Tumawa at umiling lamang si Sky sa ginawang iyon ni France. “Nakakatuwa ka talaga. Akala ko magiging boring na ang buhay ko dahil sa opisina na ako magtatarabaho. Mabuti na lamang at may pagkakatuwaan ako. All courtesy of Frances Reigne Hernandez.”

Pagkatapos kumain ay kaniya-kaniya na sila ng sasakyan pauwi.

Bago matulog si France ay isinet niya ang kaniyang alarm clock ng ala sais ng umaga. “Parang nag-aaral ulit ako sa gising kong ito. Uhg!” iyon lamang ang kaniyang nasabi at nagdasal na siya para matulog. Ngunit naka-ilang palit na siya ng pwesto sa kama ay hindi pa rin siya makatulog. Kanina pa nga lamang ay pinagmaneho na siya ni Sky. Ano pa kaya ang magiging kapalaran niya bukas?  Alas dos na ng madaling araw siya nakatulog na ang paksa pa ring iyon ang nasa utak niya.

“Ano ito? Bakit ganito ang suot ko?” pagtataka ni France. Siya ngayon ay nasa isang dirty kitchen at gusgusin at maduming damit ang kaniyang suot-suot. May hawak pa siyang walis.

“France! Nasaan na ang almusal ko?” narinig niya ang boses ng isang galit na lalaki.

“Ha?” pagkalito niya. Biglang kinausap siya ng isang daga.

“France, si Senyorito Sky ang stepbrother mo ay hinihintay na ang almusal niya,” sabi nito.

“Oh my gosh! Did a rat just speak to me?” Nagugulumihanang tanong niya sa sarili. “Wait. My stepbrother? Sky? Do you mean the arrogant Aeneas Sky Akira? Did I just turn into a Cinderella? This can’t be! Hindi ako kasing bait ni Cinderalla.” Pumasok na siya sa loob ng main house kung saan niya napagtantsa na galing ang boses ni Sky. Binabalak niyang sugurin ito. Hindi siya si Cinderella. Hinding hindi siya maaring maging si Cinderella. Kahit kailan ay hindi siya magpapa-api at mas lalong hinding hindi siya magsusuot ng madumi at gusgusing damit. “Never!” iyan ang sabi niya.

Naalimpungatan si France sa tunog ng alarm clock niya pero hinayaan niya lamang ito at sinabing, “Five minutes more, okay?”  Ngunit ang limang minuto niya ay naging isang oras. Kaya naman ng magising siya ay pupungas-pungas pa siyang tumingin sa kaniyang orasan.

“Oh no! It’s already seven!” sigaw niya sabay punta sa sa kaniyang CR upang maligo. Pababa na siya papunta sa kaniyang sasakyan nang madaanan niya si Cheska.

“In a hurry, ate?” takang tanong nito. Ni minsan ay hindi pa ito nagising sa umaga na sobrang nagmamadali lalo naman ngayon na hindi na ito pumapasok sa paaralan.

“Yeah. May tinutulungan kasi akong ‘retarded’ ngayon eh,” sagot ni France.

“You’re doing charity?” amazed na tanong ni Cheska.

“Yeah, charity,” napangiti siya sa ideyang iyon. “Let’s just say it’s for charity.”

“What do you mean, ate?”

“Nothing. Well, I’ll go ahead. Super late na ako nito. Bye sis,” paalam niya kay Cheska at hinalikan na niya ito sa pisngi.

“Bye ate. Take care.”

“Ma’am, saan po tayo?” hikahos na tanong ng driver ni France.

“Ah, ako na lang po,” madali niyang sabi at umalis na siya papunta sa condo ni Sky.

“Good morning, ma’am. How may I help you?” tanong ng receptionist sa building.

“Good morning. I’m here to visit Mr. Akira. I believe he owns unit 107,” balik na bati ni France. Hindi niya alam kung ano ang dadatnan niya roon. Siguradong alalaskahin na naman siya nito.

Tamang tama namang kababalik lamang ni Sky mula sa kaniyang pag-jojogging. Napansin niya na naroon si France. Lumapit siya sa reception area at humingi ng duplicate key ng kaniyang unit.

“Let’s go,” yun lang ang sinabi niya kay France at umakyat na sila papunta sa kanyang unit.

Hindi siya kinausap ni Sky. Wala ni isang salita ang lumabas sa bibig nito. Ni ha, ni ho. Wala.

“Do your thing. I’ll have a toasted bread with cheese spread and a cup of coffee for breakfast. Nasa kitchen lahat ng kailangan mo. I’ll just take a shower,” sabi ni Sky at nagtungo na nga ito sa CR.

Ganon? I can’t believe this guy.  Sumpungin yata ito, minsan madaldal minsan masungit. Grabe ah, iniisip ni France habang nagpapakulo siya ng tubig sa electric kettle.

Ilang minuto ang nakalipas ay lumabas na si Sky sa kusina na naka-business attire na. Inihain naman ni France ang tinapay at kape. Umupo na si Sky habang si France naman ay nakatayo lamang sa may gilid ng mesa. Habang nagbabasa ng dyaryo ay kinakain ni Sky ang tinapay. Nang inumin na niya ang kape ay muntik na niyang maibuga ito.

“Paano mo ba tinimpla ito?” pasigaw na tanong niya kay France.

 

 

Author’s note:

I want to thank Him for this. Malapit na ang pasko guys. Wag nating kalimutang pasalamatan Siya.

 

abangan ang mga susunod na kaganapan sa buhay nina Sky at France. Hmmmmn, ano kaya ang dahilan ng pagsigaw ni Sky? ahahah

About sweetlemon07

I'm writing to express. I don't care if they are not impressed.

Talakayan

22 thoughts on “You are my Sky, France_ Chapter Six

  1. so cuteeee,, i can imagine the face of sky. wawa si france huhu

    Posted by Jennifer Sanchez | Agosto 10, 2012, 4:29 umaga
  2. Excited for the next chapter!!

    Posted by helloyellow | Enero 31, 2012, 3:05 hapon
  3. hahahah!coz da taste of da coffee is not realy gud. .Eheheh🙂

    Posted by pazawaiy_1901 | Enero 21, 2012, 8:03 umaga
  4. U R SO GOOD!

    Posted by Angie Lyd | Disyembre 19, 2011, 9:51 hapon
  5. ay saya nang kwentong ito…

    Posted by Liv | Nobyembre 11, 2011, 1:20 hapon
  6. pwede po magtanong? paano po ba magkakaroon ng gils?? tnx!!!

    Posted by xtatic | Pebrero 25, 2011, 3:07 hapon
  7. ang hirap talaga maging mayaman haha walang alam sa mga gawaing bahay.hehe

    Posted by xtatix | Pebrero 25, 2011, 3:04 hapon
  8. wahahahahh😀 un nga ang ineexpect ko… walang kaalam-alam si France sa lahat ng bagay :p

    Posted by jeh089 | Enero 18, 2011, 6:38 hapon
  9. ahahahah.. kawawa naman si france gnawang alila😀 pro ok lng yan france.. kya mo yan ahahaha, ano kya meron sa kape nya xDD😀

    Posted by itsgonnabeme | Disyembre 23, 2010, 8:20 hapon
  10. ang gandas talaga!! di ko maiwasan matawa. mababaw lang kasi talaga kaligayahan ko. waaaaa! I really Love this one! galing mo Sweetlemon ! .. totally awesome! ini-add na kita sa FB. tsaka pahingi naman nung ‘treat’ mo. weeee! can’t wait sa next chapter.

    Posted by gitchigooyou | Disyembre 22, 2010, 10:52 hapon
  11. so far si april pa lng ang nabibigyan ko ng treat ahahah., seach nyo lng ako Sweetlemon Seven kagaya ng sabi ng ating pinakamamahal na EIC.,
    @EIZZY waaaah! ahahah., hinda nga ako marunong mambitin eh., ahahah

    Posted by sweetlemon07 | Disyembre 21, 2010, 7:27 hapon
  12. waahh bitin..

    Posted by EIZZY | Disyembre 21, 2010, 1:20 umaga
  13. Tnx….sweetlemon07 ano po name niyo sa FB para iadd ko po kau….

    Posted by April | Disyembre 21, 2010, 12:20 umaga
  14. @pat., ayieee., salamatpo at nagagandahan kayo., eheheh
    @xxBunZxx., ahahah maraming salamat at masugid kng nagcocomment., thank you sooo much!
    @april syempre., cute ang readers kya dapat ibagay., (high five!)
    @alexis_shawn27 waaah! ahahah., lets seee kung tama! ahahah
    @nante20 marami pang katatawanan., ahahah
    @thart hi thart!., naku kay Sky ka rin kampi sa giyerang ito., ahahah
    maraming salamat sa pag comment nyo., at dahil kaarawan ko ngayon ay may treat ako sa inyo., pm nyo lng ako sa FB., ayt? ahahah

    Posted by sweetlemon07 | Disyembre 20, 2010, 11:28 hapon
  15. love ko tlga si papa sky!hahahah
    for sure hindi tlga masarap ang kape!hahaha

    Posted by thart | Disyembre 20, 2010, 8:09 hapon
  16. kakatuwa silang dalawa..sana masundan agad..!

    Posted by nante20 | Disyembre 20, 2010, 4:08 hapon
  17. haha
    mlamang d masarap kpe
    haha

    Posted by alexis_shawn27 | Disyembre 20, 2010, 3:38 hapon
  18. Ahhhhh….cute nilang dalawa tlaga!!!!

    Posted by April | Disyembre 20, 2010, 2:23 hapon
  19. wah !!!!! yan na !!!! pumayag na siya, magiging upside down na ang world nia dahil kay SKY !!!woootttt !!!

    Posted by xxBunZxx | Disyembre 20, 2010, 1:49 hapon
  20. weeeeeeeeeeee ..
    ganda !
    can’t wait for the next chapter ..🙂

    Posted by pAt | Disyembre 20, 2010, 12:12 hapon

Ano ang iyong masasabi sa iyong nabasa?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

TOP Calendar

Disyembre 2010
M T W T F S S
« Nov   Jan »
 12345
6789101112
13141516171819
20212223242526
2728293031  

Mga Istorya

Aming Nakaraan

%d bloggers like this: