binabasa mo ang...
Haven’t I Met You Yet?

Fin – Haven’t I Met You Yet?

“BABY? WHAT’S THAT SUPPOSE TO MEAN, KHYLLA?” tanong ni Clarisse. Nagpapalit-palit naman ng tingin si Khylla sa kanila.

“Ate is pregnant that’s why we threw a party tonight.” paliwanag ni Shary. “Para surpresahin tayo. Lalo ka na kuya Zyro.”

Sabay-sabay napasinghap ang mama niya, ang tita Marriane niya at ang ate niya. At siya naman ay parang pinagsakluban ng langit at lupa sa narinig.

“Oh God! My daughter and my grandchild.” lumuluhang sambit ng mama ni Suzzane.

“Marriane, walang magyayari sa mag-ina. Manalig tayo sa Diyos.” alo naman ng mama niya.

“Damn!” mura niya sabay suntok sa pader. Hindi niya alintana ang sakit na dulot nito. I’m so stupid! Mas inuna ko pa ang walang kwentang bagay!

“Kuya! Ang kamay mo!” si Khylla.

Hindi niya pinansin ang dumudugong kamay nang lumabas ang doktor na tumingin sa asawa.

“Lahat ba kayo ay kamag-anak ng pasyente?”

“Oo.” sabay-sabay pa silang sumagot.

“Mabuti na ang kalagayan niya.” nakangiting sabi ng doktor.

“How about our baby, doc?”

“About that, mabuti nalang at naisugod mo agad ang mag-ina mo. Naagapan pa namin ang baby.”

Nakahinga sila ng maluwag. Thank God that his wife and his baby are now safe. Or else, hindi niya mapapatawad ang sarili.

“Zyro, can we talk?” ang ate Clarisse niya. Lumayo naman sila sa karamihan. “So, may kinalaman ba si Melody dito?”

Tumango siya. “Suzzane saw us and she thought that I am having an affair with Melody. And I don’t know why she was there!”

“Well maybe Melody did it. It was part of her plan afterall. Naghihiganti siya para sa kapatid niyang si Danica.”

Huminga muna siya ng malalim bago nagsalita. “Damn that Melody! Hindi lang ‘yan, naalala na ni Suzzane ang lahat. Na matagal na kaming mag-asawa at ang gabing naaksidente siya.”

“What?”

“Yeah! Naaksidente na naman siya dahil sa ‘kin. And worst, muntik ng madamay ang magiging anak namin.” tiim-bagang niyang kwento.”

Hinawakan siya nito. “Please, don’t blame yourself again Zyro.”

“It was all my fault ate. God! I love her so much and I didn’t want to hurt her.” Now he is crying.

Nagpaiwan siya para bantayan ang asawa. He felt bad for himself. Inuna pa kasi niya ang selos kaya naging malamig siya kay Suzzane. Ni wala siya sa tabi nito nung nagmo-morning sickness ito.

Inuna pa kasi niya ang pagseselos. He haven’t consulted or asked his wife about it. At ngayon, laking sisi niya sa sarili dahil pinsan pala iyon ni Suzzane. Nalaman lang niya mula kay Khylla nang tanungin niya ito kanina.

“Kailan pa Khylla?” tanong niya.

“Three days ago. Nahimatay siya sa mall at mabuti nalang ay nandoon ang pinsang niyang si kuya Caleb.”

“Pinsan?” kunoy-noo niyang tanong.

“Yep.” sagot naman nito.

“Oh crap!” Naikuyom niya ang kamao niya.

Napasinghap naman si Khylla. “Wait kuya Zyro, you thought that ate Suzzane had another man?” Hindi siya makasagot. “O my! Don’t get me wrong kuya, kaya malamig ang pakikitungo mo sa kanya for these past few days?”

Inihilamos niya ang mga kamay. “I don’t know what’s happening to me.”

“Sorry to say this kuya but damn you! Hindi lang sinasabi ni ate Suzzane pero ramdam kong nasasaktan siya.”

HINAWAKAN niya ang kamay ni Suzzane habang nakatingin sa maganda nitong mukha.

“I’m so sorry Suzzane!”

Mas nagalit siya sa sarili ng makita itong lumuluha.

SUZZANE, I love you.”

Agad siyang napalingon nang marinig niyang tinatawag siya.

“Who are you?” kunot-noo niyang tanong. Tinitigan niya ito pero hindi niya maaninag ang mukha nito. Nasa madilim na bahagi kasi ang lalaki. Pero sigurado siyang gwapo ito. Ganun nalang ang kabang nadarama niya nang unti-unti itong lumalapit sa kanya.

Para siyang napako sa kinatatayuan na hindi man lang niya maigalaw ang mga paa niya. Nakatitig lang siya habang palapit ng palapit ito.

“You?” aniya.

“You’re so beautiful and I can’t take my eyes off of you!” sabi nito nang makalapit na ito sa kanya.

Napakislot siya nang haplusin nito ang buhok niya pagkatapos ay ang mukha niya. Oh my God! Unti-unti itong yumuko. Is he going to kiss me?

She close her eyes like what she saw in the movie. Alam niyang malapit nang maglapat ang kanilang mga labi dahil naaamoy na niya ang hininga nito. Nagbibilang siya ng hanggang tatlo.

One! Two! Three!

“Suzzane? What are you doing here?” Gulat na gulat si Zyro nang makita siya.

“What’s the meaning of this?”

“Let me explain Suzzane!” si Zyro.

Tiningnan niya ito sa mata. Tiningnan niya ito ng puno ng hinanakit. “Totoo ba? Totoo ba ang mga pinagsasabi ng babaeng ito?” tanong niya. Ngunit hindi makasakot si Zyro. “For heaven’s sake Zyro dela Riva, sumagot ka!” sigaw niya.

“Oo, totoo ang lahat ng narinig mo!” sabad naman ni Danica.

“Shut up! I’m not talking to you bitch!” baling naman niya sa babae. Tumaas ang isang kilay niya.

“How dare—!”

“Leave us alone, Danica!” matigas na utos ni Zyro.

“No!” tanggi ni Danica. “Siya ang dapat na umalis Zyro at hindi ako. Inagaw ka niya sa akin Zyro. Sana tayo ang ikakasal pero sa lintik na testaminto ay hindi natuloy. And yes Suzzane, plano ni Zyro na paibigin ka para magpakasal ka sa kanya. Para makuha niya agad ang mana niya. At kami ang magsasama.” salaysay nito.

Napasinghap naman siya dahil sa narinig.

“Stop it Danica. What are you talking about?” pigil ni Zyro. “Please, don’t listen to her Suzzane.”

She shook her head while tears kept falling from her eyes. “Are you both happy now!?” sarkastiko niyang tanong.

“Suzzane—” si Zyro.

Napaatras siya. “Magsama kayo!” Agad siyang tumakbo palabas sa gusaling iyon.

Ang bilis ng pangyayari. Sumakit ng todo ang ulo niya.

Hindi niya pinansin ang pagtawag sa kanya ni Zyro. Binilisan pa niya ang takbo patungo sa kotse niya. Mabuti nalang ay nasa loob na siya ng kotse nang maabutan ni Zyro. Pilit nitong buksan ang pintuan pero na-automatic lock na ito. Agad niyang pinatakbo ang sasakyan at hindi niya alintana na mabilis na ang pagtakbo ng sasakyan.

At ang sumunod na nangyari ay ang pagbangga ng kanyang sasakyan.

“Aaaaaaaaaaaaah!”

“Suzzane! Suzzane! Hush! I’m just here.” narinig niyang alo sa kanya. Minulat niya ang mga basang mata dahil sa luha, at tiningnan ang may ari ng boses.

“Z-zy-ro?!” mahina niyang tugon. “How’s my baby?” Nataranta niyang tanong nang maalala ang bata na nasa sinapupunan niya. Nagpumilit pa siyang bumangon.

“Huwag kang tumayo Suzzane. You should rest. Our baby is alright!” Hinawakan siya nito at pilit na pinapahiga.

Tiningnan niya ito ng masama. “Bitiwan mo ko! Anong ginagawa mo dito!?” sigaw niya.

“Suzzane! Please calm down.” sabi nito at binalewa ang galit niya. “I’m so sorry Suzzane.”

“Sorry? What for? For making me fool again? Huh?!” sumbat niya. “How long will you keep it from me Zyro?  Sinamantala mo ang pagkawala ng memorya ko para saktan ako ulit!” Umiiyak na siya.

“Su–”

“Hindi nalang sana ako nagpumilit na makasal sayo noon kung ang ito lang din ang dahilan kung bakit ako nasasaktan ngayon.” Huminga siya ng malalim. “All this time you never loved me.”

“Hindi iyan totoo!” Hinawakan nito ang kamay niya

“Leave me alone! Please.” mariin niyang sabi sabay kuha sa kamay niya. “I don’t want to see you right now!”

Hindi na nagpumilit si Zyro. Laylay ang mga balikat nito habang palabas ng kwarto niya. Gusto sana niya itong tawagin ulit at yakapin pero may pumipigil sa kanya. Ang kanyang galit.

Naalala na niya lahat. Matagal na pala silang kasal at ito ang dahilan kung bakit siya naaksidente at nawalan ng memorya. Ang aksidente noon ay kapareha sa nangyari ngayon. Mabuti nalang hindi malala ang sa ngayon.

Hinaplos niya ang tiyan niya habang umiiyak. Mabuti nalang ay walang nangyari sa baby niya.

Pangatlong araw na niya sa hospital. Maraming bumisita sa kanya kasama na ang pamilya niya. Nagpaliwag na rin ang mga ito kung bakit nila tinago ang katotohanan. Hindi niya maiwasang magalit pero naiintindihan niya ang mga magulang niya, now that she gained her memories . Alam niyang kapakanan lang niya ang iniisip ng mga ito.

Masaya naman siya dahil marami ang bumisita at bumati sa kanya. Masaya ang mga ito nang malaman ng mga ito ang pagbubuntis niya. Pero lingid sa karamihan ay malungkot siya. Hindi na kasi dumalaw pa si Zyro simula noong pinaalis niya ito.

“Do you miss him right?” biglang tanong ni Ate Clarisse nang sila nalang dalawa.

Napatingin siya rito. “Huh!?”

Ngumiti ito habang umupo sa kanyang tabi. “Kahit hindi mo sabihin, ramdam kong namimiss mo ang kapatid ko.”

“May karapatan pa ba ako? I’m the one who told him that I don’t wanna see him.”

Hinwakan nito ang kamay niya. “I know you didn’t mean it. Nadala ka lang sa emosyon mo noon at naintindihan iyon ni Zyro. Mahal na mahal ka ng kapatid ko Suzzane.”

“Hindi yan totoo ate Clarisse. Ang sakit ng ginawa niya. Hindi lang iisang beses kundi tatlong beses ko siyang nakita kasama ang ibang babae.” naiiyak na naman siya.

“You have to know what you saw that night and it’s up to you to decide.” Huminga muna ito ng malalim bago nagpatuloy. “Alam mo bang magkapatid sina Danica at Melody?”

“Huh!?”

Tumango ito. “Noong gabing nakita mo sina Zyro at Danica ay pakana lahat iyon ni Danica. She wanted to destroyed your relationship. Hindi niya kasi matanggap na kasal na si Zyro sa ibang babae. Nakipagkita si Zyro kay Danica that night because she blackmailed him. Magpapakamatay daw siya kapag hindi pupunta si Zyro at ang sumunod na mga pangyayari ay yong nakita mo.”

Tahimik lang siya habang nakikinig.

“Kahit binalik ka niya sa mga magulang mo ay palagi ka niyang pinababantayan. At noong nagkabalikan nga kayo, I know he’s so happy. But Zyro was too scared to lose you. Lalo nang nalaman niya ang plano ni Melody na sirain uli ang pamilya niyo Ipinaimbistiga niya si Melody at nalaman niyang kapatid nga nito si Danica. Nalaman din namin na nalulong si Danica sa drugs at pinarehab sa Amerika. Kaya gusto maghiganti ni Melody para sa kapatid nito.”

“Bakit hindi man lang sinabi ni Zyro? Tapos ang lamig pa ng pakikitungo niya sa akin noong nakaraang araw.”

Tumawa ito. “Nagseselos siya. Noong araw daw na nahimatay ka sa mall ay nakita niya na may lalaking naghatid sa iyo sa bahay.”

“Ano? Ang kuya Caleb ko ang naghatid sa akin noon. Pinsan kong buo.” Kunot-noo niyang sabi.

“Kaya nga laking sisi niya dahil hindi man lang siya nagtanong sayo. Pinairal niya ang kanyang selos.”

Para namang nawala ang galit sa kanyang puso. Nawala ang pangambang baka hindi talaga siya mahal ni Zyro.

“I love him.” Pag-amin niya. “Umalis ako noon dahil sa selos, sa galit at sa pagkalito sa damdamin. At nalaman ko nalang na mahal ko pala siya nang nasa Australia ako. But everytime  I heard the news about him, palagi nalang may ibang babae ang nalilink sa kaniya. At nasasaktan ako at ang pride ko that’s why I insisted the annulment of our marriage. Gustong-gusto ko talaga ma-annul ang kasal namin.” Huminga muna siya ng malalim bago nagsalita uli. “Pero naisip ko, tatakbo nalang ba ako palagi? Hindi ko man lang ba ipaglalaban ang pag-ibig ko sa kanya?”

Tiningnan niya ang ate Clarisse niya na nakangiti. “I don’t want to lose him ate Clarisse.”

Pinawi nito ang mga luha niya. “I know Suzzane. So don’t cry now.” Niyakap siya nito. “Wait! Titingnan ko muna kung dumating na si Zyro.”

Bigla naman siyang kinabahan sa tuwa ng marinig na nandito si Zyro. “What do you mean?”

Lumingon ito. “Araw-araw dinadalaw ka ni Zyro pero hindi lang siya nagpapakita sa yo.”

NASA MAY pinto siya nang private room ni Suzzane. As usual ay sisilipin lang niya ang asawa. Pero napatigil siya nang marinig niya ang boses ni Suzzane.

“…But everytime  I heard the news about him, palagi nalang may ibang babae ang nalilink sa kaniya. At nasasaktan ako at ang pride ko that’s why I insisted the annulment of our marriage. Gustong-gusto ko talaga ma-annul ang kasal namin…”

Para namang tinusok-tusok ng karayom ang kanyang puso sa narinig. Gusto talaga niyang ma-annul ang kasal namin.

Tinapos na niya ang pakikinig at umalis na sa lugar na iyon. Hindi niya alam ang gagawin. He wanted to protect Suzzane but he end up hurting her.

“Señorito Zyro, nandoon na sa ref ang mga pinamalengke ko at naipagluto na rin kita ng makakain mo ngayong gabi.” bungad sa kanya ng katiwala ng bagong bahay niya. “Alam kong pagod na pagod ka sa pagpipinta mo sa bahay.”

“Salamat po Aling Maria.” sabi naman niya. “Pwede na po kayong magpahinga.”

“O siya! Magpahinga ka na rin. Magandang gabi sa iyo.”

“Magandang gabi rin!”

Naiwan siyang mag-isa sa bagong pinagawang bahay niya. Nasa may veranda siya at nakaharap siya sa dalampasigan. Langhap at ramdam niya ang malamig na simoy ng hangin.

Isang linggo na rin ang nakakaraan nang dumating siya rito sa Isla Paraiso. Gusto kasi niyang siya ang magdedesinyo sa loob ng bahay. Siya rin ang namimili ng mga furnitures sa bahay.

Magiging masaya sana ang bahay na ito kung kasama niya ang pamilya niya. Ipinagawa niya talaga ito para kay Suzzane dahil alam niyang noon pang pangarap ni Suzzane ang makapunta sa isla na ito. Huminga muna siya ng malalim bago pumasok sa loob ng bahay.

“I LOVE YOU!” narinig niyang bulong sa kanya. Ewan niya kung panaginig lang iyon kaya minulat niya agad ang mga mata. Pagmulat niya ay laking dismaya niya dahil walang tao. Ngunit nagulat siya dahil bukas na kasi ang mga kurtina sa kwarto niya kaya naaninag niya ang sinag ng araw.

Only a dream. He sighed.

Pagkatapos niyang maligo ay agad siyang bumaba para kumain at pagkatapos ay itutuloy niya ang pagpipinta sa kwarto ng magiging anak nila. Pero nang nasa kalagitnaan palang siya ng hagdan ay may narinig na siyang mga kaloskos at ingay sa may kusina.

“Aling Maria?” tawag niya.

“Señorito Zyro, gising ka na pala. Hindi mo man lang ako sinabihan na may bisita ka pala ngayon.”

“Huh? Bisita?” takang tanong niya.

“Oo, nandoon siya sa may hardin, sa kubo.”

Hindi niya maintindihan ang kabang nadarama niya. Sino kaya ang bisita niya. Walang sabi-sabing tinungo niya ang hardin.

MANGHANG-MANGHA siya sa nakita. Ang ganda ng tanawin lalo na dito sa hardin. Hindi nga nagkamali ang Mommy niya, this place is so beautiful.

“Suzzane?” Agad siyang napalingon ng marinig ang boses ni Zyro.

“Zyro!” Biglang kumabog ang dibdib niya. Hindi na niya natiis at tumakbo siya palapit dito at niyakap habang naiiyak na naman siya. “Hanggang kailan mo ba ako matitiis ha?” sumbat niya. “Hindi mo ba talaga ako mahal?”

Hinigpitan naman ni Zyro ang pagkakayakap sa kanya. “You don’t know how I miss you, Suzzane!”

Hinarap niya ito. “Then, why did you leave me?” may himig pagtatampo niyang tanong.

“I’m so sorry. Akala ko kasi ayaw mo na kong makita pa!”

“Sira ka ba? Hindi mo man lang ba ipaglalaban ang pag-ibig mo?”

Ngumiti ito at bigla siyang siniil ng halik. “I love you so much hon at pati na rin ang baby natin. Pinakasalan kita hindi dahil sa mana ko kundi dahil mahal na kita noon pa. Kung ikakasal man ako uli sa kabilang buhay ay ikaw pa rin ang pipiliin ko. Because I meant to love you.”

Hindi niya mapigilan ang mga luha ng kaligayahan dahil sa narinig. Alam niyang sincere ito sa sinabi nito at walang pagsidlan ang kaligayang nadarama niya ngayon. “And I love you too.”

And they kiss again. Saksi ang isla Paraiso sa muli nilang pag-ibig.

About blythe sapphire

a graduate of Bachelor in Science of Electronics and Communication Engineering but! a frustrated writer ;)

Talakayan

85 thoughts on “Fin – Haven’t I Met You Yet?

  1. ang ganda ng story pero bitin ang ending!

    Posted by tin | Oktubre 21, 2015, 2:52 hapon
  2. .super qnda nq story at napaiyak ako ndi k lam knq bk8
    .sna may prt 2 pa plsss

    Posted by claudine napano | Nobyembre 9, 2014, 3:03 hapon
  3. Ay parang bitin…

    Posted by morena | Setyembre 16, 2014, 5:09 hapon
  4. Ganda talaga ng story….

    Posted by Shiela Mae salva | Hunyo 27, 2014, 7:51 hapon
  5. this story is amazing too

    Posted by rhodora tengco | Hunyo 20, 2014, 11:49 hapon
  6. soo nice but i hope theres next chapter.

    Posted by katey | Mayo 15, 2014, 5:52 hapon
  7. Ganda ng story🙂

    Posted by Marie | Disyembre 30, 2013, 3:08 hapon
  8. nICE STORY🙂 GANDA

    Posted by luvlyangel | Disyembre 7, 2013, 2:09 hapon
  9. Ang gnda ng ending. .

    Posted by eli | Nobyembre 2, 2013, 12:37 hapon
  10. Ganda

    Posted by Florvin | Agosto 12, 2013, 2:04 hapon
  11. wonderful.story..i can’t hide to.cry..salamat.. : )

    Posted by yen | Hunyo 28, 2013, 8:01 umaga
  12. may twist ang story pero buti nalang nabawi agad, im glad i read this story… makes me fall in love again… thank u.

    Posted by nina15 | Mayo 27, 2013, 1:36 umaga
  13. what a sweet ending pero bitin,.,

    hmm,., pero like ko talaga., hmmm ssssssuuuuuuuuuuupeeeeeeeerrrrrrrrrrr kilig to the max na!

    Posted by zyn | Mayo 20, 2013, 12:44 umaga
  14. what a sweet ending pero bitin,.,

    hmm,., pero lie ko talaga., hmmm ssssssuuuuuuuuuuupeeeeeeeerrrrrrrrrrrr

    Posted by zyn | Mayo 20, 2013, 12:43 umaga
  15. tnx po npkaganda ng story

    Posted by tianna | Abril 19, 2013, 9:28 umaga
  16. ang ganda talga ng story i love it

    Posted by jjhuls | Oktubre 24, 2012, 10:15 umaga
  17. one of my favoritw…ganda!!!

    Posted by alma | Agosto 30, 2012, 4:50 hapon
  18. sa umpisa medyo tuliro pero nakuha ko rin naman sa huli! ang ganda ganda ng love story nila zyro at suzanne! paulit-ulit kong binabasa:) sana may part2! pwedi magtanong kahit di related dito, matagal na kasi ako rito sa TOP pero baket hindi pa rin ako makapag-log in dito… http://tagalogonlinepocketbook.com/read/wp-login.php ? thank u sa sasagot!:)

    Posted by Icell | Agosto 18, 2012, 1:20 umaga
  19. ganda…. kakabitin nga sa ending…

    Posted by krima | Agosto 17, 2012, 5:10 hapon
  20. kaka adik bsahin 2ng storing2 nka 3x ko na itong bnabsa hndi kc nkakasawa srp bsa bsahin eh!!! cno po ba author ni2?

    Posted by judyann geromo | Mayo 28, 2012, 9:26 hapon
  21. super nice story..
    but my guss, kakabitin..
    baka pwede lagyan ng epilogue…

    Posted by heart | Abril 19, 2012, 12:34 umaga
  22. Wow super sa ganda tnx:)

    Posted by Joan_Senolos (@schatzubear) | Abril 9, 2012, 5:31 umaga
  23. Very nice story!.though nalito akoh nung una..tagal kasing na.explain nah ngka.minor amnesia pala c Su..pero na.gets koh naman agad..hehe..kudos to the writer!.please do continue your God-given talent..🙂

    Posted by michsoliva | Abril 3, 2012, 6:01 hapon
  24. Maganda.. kahit medyo Magulo!!

    Posted by Carmela Torres | Marso 18, 2012, 11:32 hapon
  25. kung kapatid ni danica si melody, bakit pa ineentertain si zyro si melody at hinahayaan na halikan cya…medyo malabo ung part na un ng story but all the other facets nito, thumbs up!🙂

    Posted by krizza2010 | Pebrero 24, 2012, 3:11 hapon
  26. nice one!! kinilig naman ako sa story na to!😀

    Posted by akeisha | Pebrero 13, 2012, 11:47 hapon
  27. ganda , kilig kilig.hehe

    Posted by belle garcia | Enero 31, 2012, 8:02 hapon
  28. grabe ang ganda nakakaiyak sobra🙂

    Two thumbs up sa author ang ganda po ng story ! Sobra😀

    Grabe it’s so awesome ! Dbest ..

    Tnx 4 sharing ! D story ..

    Posted by cutiegurl | Enero 31, 2012, 1:10 umaga
  29. :-)hai…. suffa ganda…..nabitin ako sa ending….

    Posted by khimy | Enero 28, 2012, 12:57 hapon
  30. hai…. suffa ganda…..nabitin ako sa ending….

    Posted by khimy | Enero 28, 2012, 12:50 hapon
  31. bat feeling ko bitin ako saending,. hehe nice story

    Posted by jonna | Disyembre 12, 2011, 10:50 hapon
  32. ang gandaaaa..as in…….very nice….

    Posted by nathalie | Disyembre 7, 2011, 4:13 umaga
  33. nice story..good job..

    Posted by Liv | Nobyembre 9, 2011, 9:19 hapon
  34. The story is nice but medyo nakakalito lang. May mga bagay na hindi connected or shall I say hindi lang na emphasize ng maayos. More power. God Bless.♥

    Posted by Stars do Fall | Nobyembre 4, 2011, 2:39 hapon
  35. maganda yung story pero napakacomplicated nung umpisa.. ewan.. naguluhan talaga ako… basta pwede na din… next time, ayusin na lang pag-edit.

    Posted by Shibi_0725 | Oktubre 29, 2011, 9:26 hapon
  36. medyo naguguluhan nga ako sa plot..hndi maxado naidetalye ung ibang scenes.. but all in all..twas’ a great work indeed:) more to come:))

    Posted by kaykay | Oktubre 29, 2011, 3:46 umaga
  37. Second time to read this. Maganda talaga.

    Posted by kropek49 | Oktubre 26, 2011, 4:28 hapon
  38. maganda super.. nkkalito lng bakit dun sa bar hindi siya kilala ni zyro… basta may mga part pa na hindi naeexplain.. :))

    Posted by Isis | Oktubre 25, 2011, 7:45 hapon
  39. kinabahan ako don ahh. akala may mangyayari ng masama sa baby.😀

    Posted by gbarlisan | Oktubre 24, 2011, 10:44 hapon
  40. i love this story. i kept on reading it again and again, this kind of stories really touch
    me..thanks

    Posted by bbsandy | Oktubre 24, 2011, 2:29 hapon
  41. Ang ganda ng kwento medyo nlito lng nng kunti dun s hindi xa kilala ni zyro pro ikinsal n pla cla b4 but binawi nman nng mga huling chapter,ang ganda🙂

    Posted by supladita23 | Oktubre 22, 2011, 4:33 umaga
  42. nung wala pang mga gils..iv’e got the chance to read some stories here..sobrang gaganda ng mga konsepto..napakalawak ng idea ng mga writers..nakakaiyak..nakakatawa at nakakainlove.mabuhay kayo!=)

    Posted by caiky18 | Oktubre 20, 2011, 6:04 hapon
  43. I really love this story.. medyo masakit sa puso but it’s so beautiful.:)

    Posted by gbarlisan | Oktubre 20, 2011, 4:18 hapon
  44. wow….ganda nito ha

    Posted by darlaine_628 | Oktubre 18, 2011, 5:50 hapon
  45. maganda sia pero nakakaLito , kung bkit at pano siLng mag kakiLaLa na dti ang story ksi sinaad Lng ung pag kakiLaLa niLa uLit di maLamn kung un ung 1st o Last

    Posted by April Veluz | Abril 21, 2011, 9:13 hapon
  46. super nakakakilig naman ang kuwentong ito …Sana madami pa kaung isulat na mga kuwento

    Posted by blackmush | Abril 11, 2011, 2:00 hapon
  47. ang ganda sana magsulat pa kau ng magagandang mga kuwento katulad n2…

    Posted by blackmush | Abril 11, 2011, 1:58 hapon
  48. ang galing ng writer ng story na to. Nadala aq masyado. Galing galing talaga. I hope madami ka pang stories pls tell me naman ung mga title ng story. Kc mejo namiss qng magbasa wla kcng pocket book d2 s china… Im so glad n nakita q tong site na to. keep up the good work. God bless and more power.

    Posted by jieerl | Abril 2, 2011, 12:26 umaga
  49. ang ganda ng story sobra..

    Posted by edzie | Marso 28, 2011, 9:28 hapon
  50. ang ganda naiyak nmn aq s bandang huli hihihi🙂

    Posted by aclabmhie | Pebrero 21, 2011, 6:12 umaga
  51. kavennnnnnnnnnnn thanks thanks. ganda.. pinaiyak mko.. tsuppppp.. prang gusto ko my part 2 nito.. ehehhe.. labyah..

    Posted by sjyo0208 | Pebrero 2, 2011, 3:56 hapon
  52. Ask ko lang po kailan ang posting sa chapter. Medyo matagal-tagal na wla pa ring ang kasunod na chapter. Salamat po…I’m just asking.

    Posted by nely | Enero 27, 2011, 3:05 hapon
  53. CUte story

    parang piniga ung puso ko

    dun sa part na narealize ni zy na cousin lng pla ni suzanne c caleb…
    and ung umiyak sya dahil sinisisi nya sarili nya..

    SHIT!!!!!!! ang sakit sa puso… yan ang gus2 kng story na papa move ung puso ko..

    Posted by jemaimah | Enero 18, 2011, 7:39 hapon
  54. ang ganda pramis…^_^

    parang piniga ung puso ko

    dun sa part na narealize ni zy na cousin lng pla ni suzanne c caleb…
    and ung umiyak sya dahil sinisisi nya sarili nya..

    SHIT!!!!!!! ang sakit sa puso… yan ang gus2 kng story na papa move ung puso ko..

    Posted by jemaimah | Enero 18, 2011, 7:38 hapon
  55. PS. Meron bang epilogue? Bitin kasi eh!!! :))

    Posted by UnbreakableJ | Enero 2, 2011, 12:58 hapon
  56. Great story.
    Good sides: 1- Zyro’s character. Ang solid nya eh, mula umpisa hanggang dulo buong buo yung character nya na “mahal ko siya, di ko lang masabi” at “nasasaktan ko siya kaya lalayo nalang ako.” Grabe, ang sakit niya sa pakiramdam! :)) 2- Plot. Woooow! Iniisip ko bakit ganuon yung teaser.. Then i realized, it actually binded the story!🙂 3- Support characters. Wow talaga a! Kahit yung mga supporting e solid na solid.🙂

    (Question, magkakaroon ba ng story si Lee and Jen?🙂 )
    Bad side: 1- Minsan parang hindi na-proof read. May mga maling grammar at may kulang na words. 2- Shifting. Bigla nalang ibang tao ng pala ang tinutukoy ng third person na nagsasabi ng story. Don’t get me wrong, please. Gusto ko lang maging objective, sobrang nagustuhan ko to! :)))
    Blythe: Wow thank you for the comment..🙂

    Posted by UnbreakableJ | Enero 2, 2011, 12:57 hapon
    • We are still in the process of working out the kinks on the site. There are some work that would need to be proofread for future posting we will try to work this out. ^^ thanks for your observations. It’s much appreciated.

      Posted by pinaywriter | Enero 3, 2011, 5:32 umaga
  57. mgnda xa kea lng i just don’t get it. bkett gnun eung plot mejo mgulo? mgkaklala n cla dti but Zyro insisted of accusing her as liar. it doesn’t make sense right? hndi ko tlga mgets. windang n ang utak ko kakaicp. hahahha :)))

    Posted by arah27 | Disyembre 31, 2010, 7:43 hapon
  58. …love it!! MEDYO bitin nga lang…pero sulit!

    Posted by cacang | Disyembre 30, 2010, 8:40 umaga
  59. ay tapos n pla!?! hehe nabitin ako dun a,,anyway buti’t ok n ung baby^^ gumugulong n ung utak ko,, i’m trying to understand evrything,, sana marami p po kaung magawang story!! godbless=) wuhu! nxt story naman!!

    Posted by bainisah | Disyembre 29, 2010, 2:40 hapon
  60. Ahm. Ganda po ng story. Sana may EPILOGUE. Medyo bitin pa ksi. Gusto ko malaman susunod na mangyayari. Hehe.🙂 thanks. Btw, it’s a nice st0ry.

    Posted by Erica | Disyembre 25, 2010, 1:34 umaga
  61. my kasunod p b e2?
    nka2bitin wehhhhhhhhhh…………..
    nice story…..sna marami p kayong mapost n story……………

    Posted by clarkeys | Disyembre 24, 2010, 1:32 umaga
  62. kundos job well done!

    Posted by cinderella | Disyembre 23, 2010, 4:48 hapon
  63. wow..watta superb story :))
    i really really like this.. feel na feel ko ang mga emotions ng bawat character..
    good job sa writer!
    keep up the good work.. :))
    sana gumawa kpa ng maraming ganito kagaganda!
    ^_^

    Posted by Shayne Hallare | Disyembre 22, 2010, 12:38 hapon
  64. I love your stories!! Thank you for sharing! Hayz, nakakawala ng pagod. :–)

    Posted by salped | Disyembre 21, 2010, 7:48 umaga
  65. I really really like this story…. more more more :)))
    Can you make a story that a girl cannot be jealous and she is strong and no time for love
    while the boy is popular and then he meet this girl
    just a request :))))

    Posted by Spicebkfiamatta | Disyembre 20, 2010, 11:03 hapon
  66. very nice….salamat sa pag share..God speed

    Posted by meamore | Disyembre 20, 2010, 5:48 hapon
  67. nice one….kahit alam mu na yung mangyayari…unexpected naman yung twist…

    Posted by Ranie Lyn | Disyembre 20, 2010, 12:29 hapon
  68. wow! ang ganda ng story grabe nakakadala..keep it up..:)

    Posted by almira | Disyembre 20, 2010, 2:08 umaga
  69. keep up the good work pla! peace!:)

    Posted by JOneve Porras | Disyembre 19, 2010, 5:42 hapon
  70. Nice Story! keep up the good word.

    Posted by JOneve Porras | Disyembre 19, 2010, 5:41 hapon
  71. may part 2 po ba ito??

    Posted by Blueberry | Disyembre 18, 2010, 8:28 hapon
  72. ayeeehh!! nkaka kilig.. ang ganda ng story blythe😀 gawa ka pa ng bagong story ahehhe.. two thumbs up😛

    Posted by itsgonnabeme | Disyembre 18, 2010, 6:00 hapon
  73. nice lovestory,pero parang bitin ako,ito ang nagbibigay ngsaya at pag-ibig sa akin…jejeje ganda..congrats sa lahat ng manunulat..

    Posted by anne | Disyembre 18, 2010, 5:39 hapon
  74. wah !! ganda ng ending !!!!!!!!!!!!!!!!!

    Posted by xxBunZxx | Disyembre 18, 2010, 5:22 hapon
  75. yah maganda nga yung kwento pero medyo nakakalito, Napabilis lang ang pagkwekwento at hindi naging detailed hindi tulad ng napaunang chapter na talaga namang denedatye, , keep up the good work,

    Posted by mayo | Disyembre 18, 2010, 5:05 hapon
  76. wow gnda kso prang mdyo mgulo ung past nila?

    Posted by alexis_shawn27 | Disyembre 18, 2010, 4:35 hapon
  77. waahh tnx po..bilis naman natapos..merry xmas po..

    Posted by eizzy | Disyembre 18, 2010, 2:41 hapon
  78. i didnt get it, diba nung naunang chapter hindi nga kilala ni Zyro si Suzzane, keya nga nung nalaman niya na ipinakasal siya ng nanay nya and it was all a set up, pinagbintangan pa nga nya si Suzzane na manggagamit eh. hmff.. nahilo na ko sa plot.. nways it was a good ending.

    Posted by abygl | Disyembre 18, 2010, 2:19 hapon
  79. Wow!!! nice story!!!🙂

    Posted by reeka | Disyembre 18, 2010, 1:59 hapon
  80. waaaaaaaaaaah! tapos na.🙂
    ang ganda, super.🙂
    thanks sa story.
    ang galing talaga ng writer. keep up the good work.🙂

    Posted by candy | Disyembre 18, 2010, 1:23 hapon
  81. ,, gnda ng story!!!mai epilouge va 2? kx btin ee.. i want to know kung anu nangyari sa knila and sa baby nila…

    Posted by shimmy | Disyembre 18, 2010, 12:40 hapon
  82. super ganda ng story ate blythe!:))

    keep it up.:P

    Posted by thart | Disyembre 18, 2010, 12:10 hapon
  83. ganda..

    Posted by Blueberry | Disyembre 18, 2010, 11:45 umaga

Ano ang iyong masasabi sa iyong nabasa?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

TOP Calendar

Disyembre 2010
M T W T F S S
« Nov   Jan »
 12345
6789101112
13141516171819
20212223242526
2728293031  

Mga Istorya

Aming Nakaraan

%d bloggers like this: