binabasa mo ang...
You are my Sky, France

You are my Sky, France_ Chapter Five

Chapter 5_iT’s payBacK tiMe

“Then I’ll set you an appointment. I believe you can meet him this afternoon. He already set a meeting for your dad but since he is not here, you can fill in the slot,” ang nasabi na lamang ng abogado.

“It’s settled then,” desididong saad ni France.

“Excuse me, miss. I have an appointment with the vice-president,” bungad ni France sa sekretaryang abala sa pagpapaganda pagdating niya sa building ng opisina ng PTP prime holdings. Hindi naman niya ito maintindihan. Kanino naman kaya ito nagpapaganda? Sa matandang vice-president? Eww!

Nang makita naman siya nito ay tiningnan siya mula ulo hanggang paa. Tinaasan naman ito ni France ng kilay at tinitigan sa mata. Inilagay din niya ang kaniyang kamay sa kaniyang baywang.

“May I know your name, ma’am?” napahiyang tanong ng sekretarya. Nakakaintimidate naman kasi talaga ang mga tingin ni France.Nagmamaganda kasi. Ayan, nakita mo na ang totoong maganda. Hmp.

“Just say it’s Miss Hernandez,” at ipinaikot niya ang kaniyang mga mata tanda ng pagka-inip.

“Just a minute, please,” pagkasabi niyon ay tinawagan na niya sa intercom ang amo.

“Ma’am, the vice-president is waiting for you in his office,” pag-imporma nito kay France matapos makausap ang amo sa intercom.

“Thank you,” at pagkasabi noon ay lumakad na siya papunta sa opisina ng bise-presidente. Hindi unang pagkakataon na pumunta si France sa nasabing establisyemento. Bagamat madalang lamang siyang magpunta roon ay alam pa rin niya ang mga pasikot-sikot, lalo na ang opisina ng mga executive officers. Kaya naman kahit hindi na siya samahan ng sekretarya ay alam niya kung saan siya pupunta. Bago niya pinihit ang knob ng pinto ay huminga muna siya ng malalim.

“You?” pasigaw na sambit ni France nang makita kung sino ang nakaupo sa swivel chair ng opisina.

“Yes it’s me. What are you doing here?” naguguluhang tanong ni Sky sa babaeng nasa harap niya ngayon. Kanina ay inanunsyo ng kaniyang sekretarya na dumating na raw ang anak ni Mr. Hernandez na presidente ng kumpaniya na may malaking utang sa kanila. Nabigla siya ngayon na ang maganda ngunit ‘tigreng’ babae ang kaharap niya.

“I’m here to talk to Mr. Akira to settle some things in place of my father,” prenteng sagot ni France. Naisip niya na baka may business dealings din ito sa bise-presidente ng PTP Prime Holdings. Aba at ang lakas naman yata ng loob nitong umupo sa upuan ng may upuan. Kapal talaga grabe. Wala ka talagang manners. Mayabang.

“So you are the daughter of Mr. Hernandez?” ngayon ay parang may nabubuong ideya sa isip ni Sky.

“The name is Frances Reigne Hernandez, and yes I am. Where is Mr. Akira?” tanong ni France kay Sky habang palingun-lingon na para bang may hinahanap ito.

“Are you sure of this, Frances?” painigurado pa ni Sky.

“It’s France for short. Do I look like a liar? Or much appropriate is, do I look like I’m insane to crack a joke on you?” naiinis nang sambit ni France. Kainis! Lahat nalang ng tao ay hindi ako pinagkakatiwalaan! Grrrr! Sobra na ito. Tanong ng tanong samantalang hindi pa nga niya sinasagot ang kaisa-isa kong tanong sa kaniya.

“Ano, nasaan na nga?” at nilibot niya ang office. “Dito ba?” tinuro niya ang pintuan ng personal comfort room ng opisina.

Pilyong ngingiti-ngiti lamang ang arroganteng lalake. Unti-unti ng umiinit ang dugo ni France ditto kaya naman nilapitan na niya ito at tumayo mismo sa harap nito.

“Ano ba? Baliw ka ba? Hello! Tinatanong kaya kita! Uulitin ko ha. I said, where is Mr. Akira, the vice-president of PTP Prime Holdings?” inis na tanong niya ngunit sa halip na sumagot ay mas pilyong ngiti pa ang isinagot nito.

Biglang napahagalpak ng tawa si Sky ngunit sandali lamang ito at sumeryoso na. “I believe it’s me you are looking for or it’s more appropriate to say now that it’s me whom you need to speak with. Have a seat,” turo nito sa upuan sa may mini-sala sa isang side ng opisina habang prenteng-prenteng naka-upo pa rin sa kaniyang upuan na para bang hari.

“Huh?” naguguluhang tanong ni France habang papaupo.

“I’m Aeneas Sky Akira, the only son of the former vice-president of this company,” sabi nito na talaga namang ikinagulat ni France.

“What! Are you kidding me? Yeah. You are just kidding me, right?” sa sinabi niya ay para bang mas sinabi niya ito sa sarili dahil ito ang gusto niyang paniwalaan.

Sa halip na sagutin ang tinanong ni France ay ito ang sinabi ng binata, “My father retired last week and went to Japan so I’m here to fill in his place,” ngumiting parang nakakaloko ito at natawa.

“Don’t laugh. It makes me feel that things has just gotten worse,” utos nito kay Sky. Bigla namang dinalaw ng maraming paru-paro ang tiyan ni France. Hindi siya mapakali sa kaniyang nalaman. Mukhang kinakabahan na ang socialite spoiled princess. Paano ba namang hindi eh sa tuwing nagkikita sila ng aroganteng lalaking ito ay puro sila away o mas tamang sabihing puro siya pagtataray. Kaya natitiyak  niyang mahihirapan siya sa pakikipag-usap dito. Hala France, patay!

“Tingnan mo nga naman ang pagkakataon. Your family owes our family a lot and you’ve caused moral damages to me,” sabi nito habang tumayo at naglakad papunta sa likod ng inuupuan ni France na para bang ini-interoga ito.

“Moral damages! Look here, Mr. Arrogant. I came now to talk about you, trying to dig up our personal assets as soon as possible. I just want to ask for some time to accumulate enough funds to pay our debts,” taray na sagot niya. Sa mga panahong ito, iyon na lamang ang alam niyang gawin. Baka sakali nga namang masindak ito sa kaniya. Sige lang, France. Umasa ka. Kaya mo yan.

“We are talking business here. Hindi namin kayo pinautang for charity. We could have invested the money and yield interest instead of lending them to your father,” may pagmamalaking saad nito. Tinaray-tarayan mo ako noon. Hinayaan lang kita dahil ako ang nagsimula pero ngayon, the tables have turned. May guts pa ang ‘tigreng’ ito ah. Naisip ni Sky.

“Well, I’m sorry you haven’t, because you made a wrong decision,” pag-supla ni France.

“Exactly! That’s why I’m making things right. Now, I’m asking you to pay the debts you owe us,” sabi ni Sky. Well, well, well. You just gave me a brilliant idea, Ms. Hernandez.

Bigla namang napasimangot si France. “All I’m asking is, give us more time.”  Naku mukhang ako pa ang nagpapalala sa sitwasyong ito. France, easy lang, pagkaka kalma niya sa kaniyang sarili.

“I’m afraid the time my father gave you is long enough that giving you more is too much.” Sandali silang natahimik. Nag-iisip si Sky ng magandang plano para rito hanggang “Well, I think I could still spare you some,” sabi ni Sky.

“Really?” Natuwa si France. Mabuti naman at kahit papaano ay may puso pala ang aroganteng ito. I guess my charms still work. He just can’t resist it, pagmamalaki ni France sa sarili.

“You will be my maid in my condo,” deretsahang pang-uuyam na sabi ni Sky.

Napatayo si France at sinabing “In your dreams!” Grabe! Ang sama-sama ng aroganteng ito. Gawin bang maid ang beauty ko? Mangarap ka, Mr. Mayabang. Mangarap ka.

“Then pay your debts,” sabi ni Sky habang pabalik siya sa kaniyang swivel chair na sa loob-loob ay pinagtatawanan si France. Hah! Its payback time!

“Ugh! Grrr. Fine, fine. Whatever you want,” inis na sabi niya at tumayo paalis sa opisinang iyon. Hindi na niya matagalan pa ang atmosphere doon. It’s starting to be suffocating.

“Wait,” pigil ni Sky bago pihitin ni France ang doorknob, “so is it a yes or no? I need a clear answer,” dagdag pa niya. Segurista talaga siya.

“Let me think about it. I’ve never dreamt of being a maid especially being your maid,” tanging naitugon ni France.

“Okay. Just remember that you don’t have much time to waste. Bye,” prenteng ngiti nito ng maya-maya pa ay may maalala, “Oh wait again… It’s Sky by the way. Not Mr. Arrogant,” habol pang sabi ni Sky habang tatawa-tawa.

“Whatever!” inis na sabi ni France sabay diretsong lumabas ito nang hindi man lang lumilingon. “Kaasar. Sobrang nakaka-asar! Nakakainis ka talaga, Aeneas Sky Akira. I completely, totally and truly hate you! Pangit!” parang batang pagmamaktol ni France habang naglalakad sa hallway ng building at pababa sa elevator.

“Good morning, ate,” bati ni Cheska na nakasalubong ni France sa kusina kinaumagahan.

“Morning,” matamlay na bating ibinalik niya sa kapatid. Mula pa kagabi ay kung ano-ano ng paraan ang inisip niya para malusutan ang problema nila. Ayan tuloy, kulang ang beauty rest niya. Tama bang abutin siya ng hanggang alas dos ng madaling araw sa kakatitig sa kisame ng kwarto niya? Ang nakikita lang naman niya ay ang itsura ng mayabang na lalaking yon. Bad trip talaga siya. Kung meron lang siyang dart sa mga oras na iyon ay malamang tadtad na ang kisame niya ng dart marks.

“Ate, I’ll be attending a birthday party this Saturday,” pagpapaalam nito. Hindi alintana ni Cheska ang eye bags ng ate niya. Alam niyang lalo lang itong maaasar kung papansinin pa rin niya ito. Alam na niya ang gagawin kung bad trip ito. She just have to change the mood and don’t mind it.

Naalala ni France na malapit na rin ang kaarawan ni Cheska. Tuwing kaarawan nila ay naghahanda sila ng magarang salu-salo pero paano pa kaya niya maibibigay ito sa kapatid niya kung wala na silang pera? Ang dibidendong makukuha nila ay sapat lamang sa pantustos nila sa araw-araw at pambayad sa interes ng utang nila.

“Ate, are you with me?” untag ni Cheska sa kaniya nang mapansin nitong may malalim siyang iniisip.

“Malapit na rin ang birthday mo, right?” tanong din nito kay Cheska.

“Ay, oo nga. I almost forgot. I think I’ll just have a masquerade party this year,” sagot ni Cheska na parang ini-imagine na kung ano ang magiging itsura ng party niya. Last year kasi ay pool party. Ngayon naman ay ito ang gusto niya. A masquerade party. “Oh my! It’s already late. I gotta go now. Catch you later.” Pagkasabi niyon ay umalis na siya.

Oh gosh. I’m so selfish, ang nasabi na lamang ni France sa sarili.


About sweetlemon07

I'm writing to express. I don't care if they are not impressed.

Talakayan

20 thoughts on “You are my Sky, France_ Chapter Five

  1. kawawang bratty princess

    Posted by Jennifer Sanchez | Agosto 10, 2012, 4:23 umaga
  2. hahahaha akalain mong si Sky pa ang VP! next chapter na agad!

    Posted by helloyellow | Enero 31, 2012, 3:02 hapon
  3. OMG!!!

    Posted by dia | Enero 10, 2012, 6:50 hapon
  4. hahahahaha! nakakatuwa naman ito🙂 can’t imagine ang isang socialite maging maid.

    Posted by jemzann | Marso 1, 2011, 2:40 hapon
  5. nakakatawa ang part na toh.haha can’t imagine her being a maid/ =)

    Posted by xtatix | Pebrero 25, 2011, 2:53 hapon
  6. hahahah😀 natatawa ako sa dalawa…

    tuloy nasabi ko, “Buti nga sa kanya!” :p

    Posted by jeh089 | Enero 18, 2011, 6:27 hapon
  7. inuulit kong basahin kasi hinahanap ko yung password sana mkita ko heeee,ganda ng story

    Posted by irese | Enero 8, 2011, 5:14 umaga
  8. kelan po ilalabas ang chapter seven..kka excite po…=))

    Posted by matik *^_^* | Disyembre 20, 2010, 12:39 hapon
  9. ahaha.. lagot talaga si france kay sky.. matinding parusa😀

    Posted by itsgonnabeme | Disyembre 19, 2010, 3:10 hapon
  10. @itsgonnabeme welcome! korek! una si France and the only one., ahahhah
    @thart., bukas po ang posting ng chapter 6., ehehhe

    Posted by sweetlemon07 | Disyembre 19, 2010, 2:12 hapon
  11. hahaha,bumabawi si papa sky.:)

    kelan po posting ng next chapter?super excited na ako.:P

    Posted by thart | Disyembre 18, 2010, 9:37 hapon
  12. thanks a lot lemon😀 ahahaha deh matanggap ng kanyang ego xDD si france ung first girl na nag snob sa kanyan dbah?😛

    Posted by itsgonnabeme | Disyembre 18, 2010, 5:44 hapon
  13. @itsgonnabeme happy birthday sa iyo! baliw talaga si Sky., hindi nya matanggap na wala syang appeal kay France ayan para makabawi gagawin sya maid.,
    @xxBunZxx ahhaha., syempre mahirap kay France na maging syang maid., remember she is a spoiled socialite princess ahahahah.,
    @April wait there’s more! ahahah sa susunod na chapters., eheheh
    @chenita tama! ako rin! ahahah super kakakilig kaya na lagi mong makikita ang kanyang gwapong mukha., high five! ahahah
    @alexis_shawn27 yan ang alam ko romantic comedy., ahahah char lang!
    @Blueberry hala., ahahah kampi ka kay Sky? eheheh

    Posted by sweetlemon07 | Disyembre 17, 2010, 9:50 hapon
  14. sige lang Sky, pahirapan mo pa c France..!! haha

    Posted by Blueberry | Disyembre 17, 2010, 7:39 hapon
  15. haha
    ganda
    kakatuwa cla

    Posted by alexis_shawn27 | Disyembre 17, 2010, 6:40 hapon
  16. kung ganyan ka-gwapo ang amo ko pede na kong maging maid nya forever. haha. jk.

    Posted by chenita | Disyembre 17, 2010, 3:49 hapon
  17. Wahahahaha……..grabe kilig to the max as in!!!!

    Posted by April | Disyembre 17, 2010, 1:52 hapon
  18. ay LIKE !!!! si Sky nga ung vice president !! weeeeeeeeeeeeeee .. say YES !!! wooooooooooooot !!🙂

    Posted by xxBunZxx | Disyembre 17, 2010, 1:06 hapon
  19. ohh!! kawawa naman si france ahaha, loko na sky to.. gawing maid b naman xDD😛

    Posted by itsgonnabeme | Disyembre 17, 2010, 12:27 hapon

Ano ang iyong masasabi sa iyong nabasa?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

TOP Calendar

Disyembre 2010
M T W T F S S
« Nov   Jan »
 12345
6789101112
13141516171819
20212223242526
2728293031  

Mga Istorya

Aming Nakaraan

%d bloggers like this: