binabasa mo ang...
My Pretty Boy

My Pretty Boy – Chapter 14 ( END)

“Bakit ba kasi interisado kayo sa kanya! Hindi yun cute! Nakakatakyut yon! Tsaka nandoon na sa lalakeng yun ang lahat ng masamang ugali, may mukha ngang anghel may ugali namang masamang Thalia!” pag-iiba nito.

“Bakit naman ako nasali dyan? Si Fatima at ang kanyang umuusbong na buhay pag-ibig niya kay snobbish angel!” angal ni Thalia.

“Uy! ang talino mo ineng! hamak mo! nakaisip ka ng ganyang katawagan kahit na windang yang utak mo ngayon! may silbi ka kaibigan! sabi ni Angel

“Magkwento ka na Fatima kung hindi, wala ka ng matitikmang luto ko.” sabi ni Kyla sabay layo dito ng mga cookies

“Alam mo talaga ang kahinaan ko Kyla ha! Ano ba kasi ang iki-kwento ko, ang nangyari lng naman ay hindi niya lng naman ako pinapansin kahit na anong pagpapansin ang ginagawa ko, kung lalapit na ako, tititigan niya lng ako sandali na parang multo o parang bagay na kagulat-gulat tapos kung may ginagawa ito ay titigil ito at iiwasan na ako, ano ba naman! Ako! Na regalo ng Diyos sa mga lalake ay tinatanggihan ng isang lalake! Abah! kahit ba may ganyang itsura siya ay dapat hindi ganon! Kung sa iba ko yun ginagawa, napakaligaya na niya!” mahabang kwento nito

Napangiti lang ang mga kaibigan niya habang siya naman ay palihim na pumunta sa kusina. Ayaw pa niyang makarinig ng kung anong may kaugnayan sa lalakeng yun, hindi pa siya handa. Nang bumalik na siya sa mga ito ay nagtatawanan na ang mga ito

“So you mean, Fatima, hindi ka talaga pinapansin kahit na napaka-daring na ng suot mo?” tanong ni Angel

“Hindi lng yan, nanatili na ako ng isang araw at lahat sa resto na yon ay hindi pa rin niya ako pansin, ang mga kaibigan niya nga, nagpapalipad na ng hangin sa akin tapos siya walang effort talaga! Xempre napupuno naman ang tao! Hindi na ako babalik doon! Sayang lang ang oras ko!” reklamo nito sabay subo ulit ng cookie. Nakitawa na rin siya dahil hindi na ma.drawing ang itsura nito.

Kasalukyan siyang nagpupunas ng lamesa ng biglang may sumipa sa kanya. “Anak ng—.” Naputol ang iba pa niyang sasabihin ng makita niyang si Shelly ang nasa likuran niya.

“Salamat naman at nahagilap na kitang unggoy ka! Asan ka ba nagpupupunta nitong mga araw na ito ha!” sigaw nito sa kanya. Sa sobrang lakas ng boses nito ay pinagtitinginan na sila ng mga tao

“Hoy! Hinaan mo naman yang boses mo. Para kang may megaphone sa lakas ng sigaw mo” sagot niya rito

“Wala akong pakialam, narito ako upang itanong kung may ginagawa ka na para sa kaibigan ko, sa tingin ko ay wala namang naitutulong sa iyo ang mga bugok mong mga kaibigan kaya narito ako upang tulungan ka” sabi pa nito

“Bakit naman kita susundin?” tanong niya rito “Jorge! Halika nga rito!” tawag niya sa kaibigan niya

“Sige, alis na ako! Mukhang wala kang balak na makuha siya, sinasayang mo ang pagkakataon! Pagsisisihan mong tinanggihan mo ako!” biglang sabi nito sabay alis

“Oh? Karl? Tawag mo ako?” agad namang tanong ni Jorge paglapit nito

“Yung ex mo, nandito” sagot niya rito

“Talaga? Asan?” excited nitong tanong.

“Umalis na” simpleng sabi niya.

“Teka, anong pakialam ko doon? Makaalis na nga” pag-iiba nito ng tono. Magkasintahan noon ang dalawa pero nagkaroon ata ng third party kaya nagkahiwalay ang dalawa ng hindi maayos, mahigit 2 taon na ng magkahiwalay ang dalawa at hanggang ngayon ay ayaw pa rin lumapit ni Shelly sa kaibigan niya habang ang kaibigan naman niya ay mahal pa rin ito hindi nga lang nito pinapakita minsan-minsan lng.

“Bukas na pala yun” tanging sambit niya habang nililinisan ang resto.

—————–

“Oh my gosh iha, i cant believe this is happening, sa wakas napapayag na rin kitang mag-artista! Hay! Kung ano man ang espiritong dumapo sayo ay pinasasalamatan ko siya!” sabi ng manager niya habang papunta sila sa venue.

“Magpasalamat ka kay Karl Ate Che!” Ngiti lang ang isinagot niya rito.

“Marami ng naka-line up na projects sa’yo iha, oh my gulay! You’re so gonna be a star!” Dugtong pa nito

“Ate, Gusto niyo po ng tubig?” tanong naman ng PA niya sa kanya.

“Sige, Salamat” Agad namang iniabot sa kanya nito ang tubig. Kaninang umaga lang ay nagdadalawang isip na naman siya. Kailangan niya ba talagang pumirma para kalimutan ang lalakeng iyon? Pwede namang mag-travel siya para kalimutan iyon.Tama ang sabi ni Fam, hindi dapat maapektuhan ang naunang desisyon niya sa buhay niya. kaya kani-kanina lang ay humingi siya ng sign.

“Pag may makita lang akong press mamaya na may rose sa
tenga at dapat lalake ito, Hindi ko na gagawin ang pagpirma pero kung wala, i guess destiny ko na talaga siya” sabi niya sa kanyang isip. hindi niya alam kung paano niya naisip ang sign na yan. imposible kung iisipin pero mukhang imposible na ring mag-back out siya.

“Thalia, nandidito na tayo” tawag sa kanya ng manager niya. Agad niyang inihanda ang kanyang sarili at ang kanyang ngiti.

“Hey! Bro, bakit ka pa nandidito?” tanong sa kanya ni Blinke.

“Oo nga, di ba ngayon na yung pagpirma ulit ni Thalia sa Kontrata niya, bakit di mo siya puntahan? Alam mo bang pag pinirmahan niya iyon ay hindi mo na siya makikita ka-agad agad? Balita ko mostly sa mga project niya she’ll be going abroad tsaka hindi ka na rin niya maasikaso” singgit ni Jane

“Hoy! Babae, bakit ka singgit ng singgit dito? Doon ka nga!” pagtataboy ni Blinke dito

“Pakialam mo! Wala kang pakialam kung maki singgit ako dito o hindi! ikaw nga itong pang-asar dito, panggulo sa mga tao rito.” pang-aasar nito

“Kayong dalawa! Doon nga kayo sa labas! Hindi makapag-isip si Karl dahil sa inyong dalawa niyan eh!” sigaw ni Sef sa dalawa. Agad namang tumahimik ang dalawa saka tumalikod at lumabas.

“Tama ang sinabi ni Jane, Karl. Kung mahalaga siya sayo, bakit di mo siya pigilan?” sabi ni Ernest

“Tama ang sinabi ni Sir Ernest, sir Karl. Mukhang mabait naman si Mam Thalia kaya patatawarin ka noon” singit ni Monette

“Anong sasabihin ko sa kanya? Sinabi ko na noon na gusto ko siya kaya dapat manatili na siya sa tabi ko at wag nang ituloy ang pagpirma ng kontrata nito pero nagalit lng at nag-walk out tapos nadagdagan pa ng mabalitaan niyang engaged na ako na hindi naman totoo” paliwanag niya rito

“Tanga ka ba! asan ba napunta yang utak mo? halika at hanapin natin! alam mo ba Kulang yang dahilan mo! Alam mo kaming mga babae, naghahanap kami ng mas intimate feeling sa mga lalake. Kulang yung gusto mo lang siya dapat sinabi mong mahal mo na siya! Ang tanga mo!” singgit naman ni Jane ulit. Pumasok na pala ulit nito.

“Anong magagawa ko? Hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa kanya ng mga oras na yon! Tska gulo pa yung utak ko” laban naman niya

“Unggoy ka nga! wla kang utak” sabi ulit ni Jane

“Bro! Ang mabuti pa, puntahan mo na siya, baka huli na ang lahat,and this time dapat mo nang sabihin ang dapat mong sabihin sa knya” sabi naman ni Chin

“Hey! Pipol! Bakit hindi na lng natin yan tulungan. Andami nating connections and everything tapos puro advice at pagpapalakas ng loob na lng ang ginagawa niyo sa knya” sabi pa ni Drayle

“Sige, Close muna ang resto natin, bukas na lng tayo magbubukas ulit wla namang kumakain” sabi naman ni Karlitos habang nagpupunas ng bintana

“Yehey! Ang cool mo talaga Karlitos!” sabay-sabay pang sinabi ng mga kaibigan niya.

“Please welcome! Ms. Thalia Martinez!” announce ng emcee.Agad siyang pumunta sa stage at umupo sa upuang nakalaan sa kanya. “Lord? Wla pa ba yung sign na hinihintay ko? Darating pa ba yun? Gusto mo ba talagang pumirma ako dito? Ha?”

“Miss Martinez, may problema ba tayo?” tanong ng CEO ng station na papasukan niya.

“Oo nga Thalia, may problema ba? Masama ang pakiramdam mo? Tulala ka ata” tanong ng manager niya.

“Hindi po, may naisip lang po akong bigla” sagot niya.

“Ok, so let’s start”.sabi naman ng CEO. Ito ang nag-umpisang pumirma, sunod naman ang iba pang nakatataas sa kanya, natapos na ang lahat at siya na lng ang hihintay. Lahat ng tao ay tumingin sa knya. Inaabangan ang pagpirma niya sa kontrata. Agad niyang kinuha ang bolpen sa harapan niya. Tumingin muna siya sa paligid para hanapin ang sign na hinihingi niya.

“Walang sign na dumating, ito na yata ang kapalaran ko” dumikit na ang bolpen sa papel ng biglang may narinig silang nabasag. Agad tinignan ng mga kasama niya kung saan nanggaling ang ingay. Galing iyon sa may pintuan. Hindi na siya nag abala na tignan pa dahil abala na siya sa pag pirma.

“Ahh..soorrryy nabasag ko yung vase, nabangga ko kasi sa sobrang pagmamadali” paliwanag ng press.

“Umayos ka nga, tsaka tanggalin mo nga yang rosas sa tenga mo boyet! Late ka na nga eh gumawa ka pa ng gulo” sabi naman ng kasama nito.

“huh? Rosas sa tenga? Teka!” Agad siyang tumingin sa direksyon kung saan nakatingin ang lahat ng tao. May rosas nga sa tenga ng lalakeng press! “oh my gosh! Sign! Bakit ngayon ka lng? Bakit? Nakapirma na ako! Late ka na! Bkit kasi late comer ka? pati pa na sign ngayon eh late na rin?!”
Higit niyang ikinagulat ang biglang pagsulpot ng di niya inaasahang taong pupunta sa lugar na yun.

“What are you doing here Karl! I dont want to see you” agad na bumangon ang galit sa puso niya

“Huli na ba ako Thalia?” sigaw nito sa knya. “Sorry nga pala kung ngayon lang ako nagpakita sa’yo, actually, maraming beses na akong nakatayo sa harap ng bahay niyo para magpaliwanag pero inuunahan ako ng takot na ma-reject and Idont know why. I always have the confidence when it comes to people and my business partners and associates pero simula ng dumating ka sa buhay ko, ikaw lang yung babaeng nakapukaw ng attention ko well bukod sa mom ko, ikaw lng yung babaeng nagpapalabas ng emosyon ko, you made me feel happy, sad, jealous all at the same time!”

“Hindi ko alam kung nasabi ko na sa’yo pero hindi mo pa ako kilala noong makita ko ang picture mo sa billboard, since then naging avid fan mo na ako, i dont know why basta nagustuhan kita agad. Hindi rin totoo na hindi kita natatandaan, i was so afraid na sabihin sa’yo na parati kitang sinusundan, baka akalain mo sa akin eh stalker mo. Those happenings were not coincidence, it was just me, wanting to get the girl that i love. Just as they say, there are no coincidence in this world, only the inevitable”. paliwanag nito habang naglalakad patungo sa knya.

She dont know what to say, basta umiiyak lng siya. How could this man make her heart fill so many emotions in just one time! Kanina ay gusto niyang sumbatan ito ngayon ay gusto na niyang yakapin ito.

“Wag ka munang magsalita, patapusin mo muna ako, noong pinigilan kita na pumirma ng kontrata na yan dahil gusto kita nagalit ka sa akin di ba? Kaya hindi kita nasundan dahil noong oras din yon ay naguguluhan pa ako, hindi pa ako sigurado kung mahal ba talaga kita o gusto lng kita, mahirap magsalita ng word na yon kung hindi mo talaga nauunawaan yun at di kayang panindigan. At first what i felt for you was just a simple crush pero hindi ko maintindiahn noon kung bakit kita sinusundan so i named it as a simple admiration but the more i knew about you,the more i fell in love with you na hindi ko nalalaman, kaya i was so afraid na ma-meet mo yung mga friends ko, baka mabaling ang tingin mo sa kanila, hindi naman lingid sa kaalaman mo na gwapo sila.”

“Simula ng makilala kita, hindi na ako confident sa itsura ko, sa ayos ko kaya nagseselos ako dahil sila walang ka-effort-effort na makipag-usap sayo habang ako ay kailangan pa ng maraming buntong-hininga bago ka makausap ng hindi mo napapansin na kinakabahan na ako.” paliwanag pa nito. Kaya pala kung minsan nag-iiba-iba ito ng mood.  Ang galit nito sa mga kaibigan nito habang kinakausap siya. Yun pala nagseselos ito!

“At yung nakita mo sa mall at yung engagement, hindi ko yun ginusto, I was trapped by Sissy, sinet-up ako ni mama kaya napilitan akong makipag-date kay Sissy, ayokongg mafrustrate si mom kaya sumunod ako, believe me, nakita kitang sinundan kami, gusto kong iwan noon si Sissy at sundan ka pero hindi pwede kasi may nakabantay. Ang engagement naman ay wala akong kaalam-alam. Ni hindi ko nga siya naging girlfriend, but nakausap ko na siya at tinapos ko na kung anu man ang iniisip niya sa aming dalawa so ngayon ikaw na lng ang tanging problema ko, Mahal na mahal kita, i want to be with you, di ko na alam kung anong isasagot mo o anong nararamdaman mo ngayon basta mahal na mahal kita. I want to be with the girl i love kaya ngayon naririto ako sa harapan mo ,begging na tatanggapin mo ang pagmamahal ko.” Sa wakas ay nakalapit na ito sa kanya, nagulat na naman siya ng lumuhod ito sa harapan niya.

“Hindi ako aalis dito hanggang hindi mo sinasabi na mahal mo ako” sabi pa nito mabilis pa sa alas kwatro na sinabi niya ang gusto nitong marinig kahit na shock pa rin siya sa pangyayari.

“Mahal na mahal din kita Karl, hindi ako naririto ngayon kung hindi kita mahal, i was so hurt na malamang gusto mo lang ako, willing naman sana akong maghintay para mahalin mo pero ng malaman kong engaged ka na ay nag-conclude ako na hindi mo ako mahal kaya lumayo ako pero ang paglayo ay hindi sapat kaya ito ang tanging solution na naisip ko para kalimutan ka ang maging busy. I really really love you, so i was deeply hurt sa news na nakita ko. umiyak na ako ng balde balde para lng sa’yo, nainis na ako’t kinilig sayo hindi pa ba pagmamahal yon? pero you’re too late nakapirma na ako ng kontrata. Hindi ko na masusunod ang hiling mong hindi pumirma.” umiiyak niyang sabi

“Sige ok lng makapaghihintay ako, pero pwede ba kitang maging girlfriend? Para naman matahimik na ako” tanong agad nito sabay kuha ng rose sa likod nito.

“Kailangan pa bang sagutin yan?” nakangiti niyang sabi dito

“Oo naman, para may pormal tayong usapan” sabi pa nito sabay tayo.

“Then yes! Yes! Yes! Ilan ba ang gusto mong yes?” sagot niya rito “Pero paano ang kontract ko?” tanong niya rito

“No need to worry Ms. Martinez, I was touched by your love story” mangiyak-ngiyak na sabi ng CEO. Agad nitong kinuha ang papel at agad pinunit ng maraming beses

“Thank you!” sabi niya rito. Agad niyang niyakap si Karl.

“So wala na tayong problema”

“Meron pa”

“Huh? Ano? May problema pa?” nagtataka niyang tanong

“Wala pa akong kiss” sabi nito sabay lapit ng mukha nito sa mukha niya

“Loko!” then she kissed her. Ilang segundo ata bago sila naghiwalay.

“Umalis na tayo dito, nakakahiya na dito, malaki na ang nagawa nating gulo dito” bulong sa kanya nito

“Ngayon ka pa nahiya na nag-confess ka na’t lahat” natatawa niyang sabi.

“Kanina kasi ang tanging nasa-isip ko ng ay kung paano ko masasabi ang nararamdaman ko sa’yo pero bago tayo umalis ay pa-kiss muna”

Agad namang sinunod niya ang hiling nito

“Halika na” sabi nito ng matapos sila.

“Saan tayo pupunta?” tanong niya rito.

“Punta tayo sa resort? Nandyan yung mga kaibigan ko sa labas, they helped me to get here, magpasalamat tayo sa kanila” sabi nito . Agad naman silang lumabas.

“Hey! So kayo na ba? Dahil kung hindi ewan ko na lng!” bati agad sa kanila ni Drayle

“Susuntukin talaga namin si Karl” sabi naman ni Sef

“Kami na so dont worry, salamat nga pala sa tulong niyo dito sa kaibigan niyo” sagot niya rito. Nagtatawanan silang lahat ng biglang napa-aray si Karlitos

“Dude! What happened?” tanong dito ni Ernest

“May bumato sa akin ng sandals” sagot nito habang sapo nito ang natamaang parte ng braso nito

“Anong ginagawa mo ditong suplado ka! Bawal dito ang mga katulad mong supladito at maldito! Pinapalapa sa aso ang mga katulad mo!” sigaw ni Fatima habang papalapit ito.

Hindi na nila pinansin ang mga ito bagkus muling naghinang ang kanilang mga labi. Now she knows na pag malungkot ka darating din pala ang kasiyahan. Love will come to you in the times you least expected it. And that joy and love would be her pretty boyfriend. Ngayon ay hindi na magba-battle of the minds ang dalawang utak niya.

At pwede niya na ding sabihin na your mine….. My Pretty Boy…..

The End
—————————–

Abangan!

“The Snobbish Angel” …susunod na po ang nakakabaliw na nakakatawang nakakakilig na kwento nila Fatima at Karlitos….

Talakayan

6 thoughts on “My Pretty Boy – Chapter 14 ( END)

  1. Ganda . Done reading the Snobish Angel. . Kakatuwa nga eh a.d mganda dim
    N. .

    Posted by eli | Nobyembre 10, 2013, 12:42 hapon
  2. Nice story…

    Posted by infinity mercado | Setyembre 20, 2012, 5:11 umaga
  3. super nice story! kinilig ako promise!😀

    Posted by akeisha | Abril 22, 2012, 3:35 umaga
  4. Wow… Gusto ko c karl… Den gusto ko rin ang mga characters nila Thalia, Fatima and their friends..

    Posted by Maganda ako | Abril 19, 2012, 5:13 hapon
  5. Danda talaga..nauna ko nga lang nbsa ung sn0bbish angel..congrats

    Posted by Lady Ann | Marso 8, 2012, 10:22 hapon
  6. wow ang ganda talaga

    Posted by ayaka | Pebrero 12, 2012, 11:06 umaga

Ano ang iyong masasabi sa iyong nabasa?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

TOP Calendar

Disyembre 2010
M T W T F S S
« Nov   Jan »
 12345
6789101112
13141516171819
20212223242526
2728293031  

Mga Istorya

Aming Nakaraan

%d bloggers like this: