binabasa mo ang...
You are my Sky, France

You are my Sky, France_Chapter Four

Chapter 4_crushed

Tutok na tutok ang mga mata ni France sa paghati at pagsubo ni Melissa sa karne. Parang nag- ii-slowmo ang bawat pangyayari habang nginunguya ni Melissa ang pagkain nito. Ngiti naman sa mga labi ni France ang unti-unting masisilayan.

Bigla namang nailuwa ni Melissa ang sinubo niyang karne at agad siyang uminom ng tubig. “What’s with this? It tastes awful!” ngiwi-ngiwi niyang reklamo.

“You don’t like it? How sad! I’ve requested that especially for you,” kunwari pa ay nalulungkot talaga siya.

Naguguluhang itsura naman ang mababakas sa mukha ni Melissa at kaniyang ama. “It’s not good enough, right? So, are you!” nakangiti ngunit mataray na banat niya.

Nabigla si Melissa sa mga ginawa ni France at lalong hindi siya makapaniwala sa mga sinabi nito. Agad-agad siyang tumayo at nilisan na ang lugar na iyon. Hinabol naman siya ni Mr. Hernandez.

“Melissa, I’m really sorry for what France did,” nahihiyang hingi ng paumanhin nito.

“Let me be alone first. I need some time. On my own,” nangingilid na luhang sabi niya sabay sakay sa kaniyang sasakyan at umalis na siya.

Agad namang bumalik si Mr. Hernandez sa loob ng restaurant at hindi na nagsalita hanggang makarating sila sa kanilang bahay. Papasok na sila sa kanilang mansion nang maawtorisado at matigas niyang sinabi, ”Frances Reigne Hernandez, see me at the study room now.” Nagtuloy-tuloy na nga ito sa silid na kaniyang nabanggit.

“Ate,” nag-aalalang sabi ni Cheska na para bang gusto niyang sumama rito. Alam kasi nito ang tono ng boses ng kanilang ama kapag galit ito. Sino ba naman ang hindi magagalit sa ginawa ni France?

“It’s fine. I can handle this. Just go to your room and drop all the worries,” mahinahong sagot niya sa kapatid at tinungo na niya ang study room ng ama. Bagamat kinakabahan siya dahil alam niya na sobrang galit ng ama nila tuwing tinatawag sila sa kanilang mga buong pangalan. Naisip niya na kaya niyang i-handle ang sitwasyon sapagkat alam ni France na siya ang nasa tama. Ang ama niya ang mali sapagkat ito ang may pagkukulang sa kanila. Hindi siya.

Pagkapasok niya sa kwarto ay may mga binagsak na papeles ang kaniyang ama sa mesa. Nagtataka siya kung ano ang mga ito kaya naman dahan-dahan niyang kinuha ang mga ito at tiningnan kung ano ang nilalaman niyon. Nanginginig ang mga kamay at tuhod ni France nang makita kung ano ang mga ito at napaupo siya sa upuan paharap sa ama.

“Yes, France. As you see in our statement of personal assets and liabilities, we have a very big deficit. Lubog na tayo sa utang,” matigas na sabi ng kaniyang ama.

“How did this happen, Dad? Why?” Naguguluhang tanong niya na para bang ayaw na rin niyang malaman pa ang dahilan dahil tila ba sasabog na ang kaniyang dibdib sa nalaman.

“The thing is, we could have escaped this mess if you didn’t do that to Melissa,” pasigaw na sambit ng ama niya.

Pabilis ng pabilis ang tibok ng puso ni France.

“Melissa is a rich woman. With her help, we could’ve recovered! Do you now realize what you’ve done, young lady?” galit na galit pa rin nitong sabi.

“I’m not a kid anymore!” sigaw na rin ni France

“But you’re acting like one!”

“How funny, Dad.  Why don’t you try asking yourself. Have you ever been a father to us? Ever since Mom died, you are always out of our sight busy doing business and now, your beloved business has flopped,” may hinanakit na sabi niya at pagkasabi niyon ay lumabas na siya sa silid.

Patakbo niyang tinungo ang kaniyang silid at inilock ang pinto. Doon ay inilabas niya ang mga luhang kanina pa niya pinipigilan. Hindi siya makapaniwala na nagkabaon-baon sila sa utang. Ang alam niya ay pagpapayaman lamang ang pinagkaka-abalahan ng kanilang ama. Kaya naman sobrang nakakapagtaka talaga na halos lahat ng ari-arian nila ay nakasangla na. All subject to mortgage. “How did this happen? Hindi ito totoo! Come on anybody. Wake me up in this nightmare!” sigaw niya sa kaniyang silid. Hindi naman siya natatakot na maghirap. Nga lamang ay nag-aalala siya lalo na para sa kaniyang kapatid. Wala ni isa sa kanila ang sanay sa hirap. Ni sa hinagap ay hindi niya ma-imagine na maghihirap sila. Gustong magwala ni France ngunit kailangan niyang magpakatatag. Kailangan para sa mga taong kaniyang minamahal at sa taong kaniyang pinoprotektahan, si Cheska.

Kinaumagahan, nagising si France sa katok sa kaniyang pinto.

“Ate, gising ka na ba?” tanong ni Cheska matapos niyang kumatok sa pintuan ng kaniyang kapatid.

Mugto ang mga mata ni France kaya minabuti na lamang niyang huwag sagutin ang kapatid upang hindi nito makita ang tanda ng pag-iyak niya sa nagdaang gabi.

Dahil nagmamadali at baka mahuli pa sa kaniyang klase ay iniwan na lamang ni Cheska ang sulat ng kanilang ama para sa kaniyang ate. Ang para sa kaniya ay binasa na niya. Nag paalam ang kanilang ama dahil magbabakasyon muna raw ito sa ibang bansa upang makapagisip-isip at makapag-pahinga na rin. Hindi na ito naabutan pa ni France pagkagising niya.

Pagkakita sa liham na iniwan ni Cheska sa siwang sa ilalim ng kanyang pintuan ay pumasok na ulit si France sa kaniyang silid, inilock ang pinto at naupo sa kaniyang kama. Binuksan niya ang nasabing liham para sa kaniya na galing sa kanilang ama.

France anak,

I know I have a lot of shortcomings. I’m so ashamed of myself because when your mother died, I ran away from the world. I’m sorry that I’m not as brave as you to accept that your mother is gone. Now I need to leave you again to find solution to the problem I’ve created. This is the best key to lessen the burden and for you not to be so much affected by this trouble. I’m the one who created this mess so they won’t dare to go after you. We still own the stocks in PTP Prime Holdings and they won’t be able to get them, not until I’ve signed the documents. Cheska has no knowledge of this. She is graduating soon and I don’t want this to be the reason for her not to graduate.

I hope you understand. I know I’m not the ideal father but I’ll try to be one when everything comes back to normal. I love you both my daughters.

Love,

Daddy

Matapos basahin ni France ay tila ba lumambot ang matigas niyang puso para sa ama. Naawa rin siya rito dahil sinosolo nito ang mga problema. “Dad, how could I hate you? Gosh, I’m so stupid. All along, I thought you already forgot about mom, about us. Iyon pala ikaw ang pinaka-nahihirapan sa ating lahat.” Pinunasan niya ang mga luhang tumutulo mula sa kaniyang mga mata. “I’m so sorry, Dad. I’m so sorry. I swear, babawi rin ako pagbalik mo.”

Pababa siya ng sala nang makita niya ang kanilang katulong na kausap ang kanilang abogado.

“Ma’am France, si attorney ho, hinahanap ang daddy ninyo,” imporma ng katulong nila sa kaniya.

“Ok. Sige, manang. Maraming salamat. Paki dalhan na lamang po kami ng maiinom,” sabi niya rito.

“Good morning, attorney. What brings you here? Ano nga pala gusto mong inumin?” tanong niya rito bagamat may hinala na siya sa pakay nito.

“Good morning, France. A cup of coffe will do. Thanks,” sabi naman nito. Pagkaalis ng katulong ay bigla itong sumeryoso ng mukha. “I need to talk to your father,” pormal na sagot nito sa naunang tinanong ni France.

“I think I know what it is that you want to settle with dad. Please follow me,” saad niya rito at nauna na si France papunta sa kanilang study room. Sumunod naman ang abogado nila.

“I know that we have a great amount of debts.  Inamin na sa akin ni dad kagabi,” bungad ni France dito nang makarating na sila sa study room. “Have a seat,” turo niya sa upuan sa harap ng mesa at siya naman ay naupo sa swivel chair.

“Oo, France. I’m glad you know but there is a little conflict now,” sabi ng abogado nila.

Napakunot ng noo si France. Sinabi kasi ng ama nila sa sulat na wala na silang dapat alalahanin pa.

“Do you know to whom are you indebted with?” tanong nito nang makitang kumunot ang kaniyang noo.

Umiling lang siya. Wala siyang ideya kung kanino sila may utang. Bagamat nakita na niya ang mga papeles kagabi ay hindi na niya nakita pa ang ibang detalye doon. Ang malinaw lang ay lubog sila sa utang.

“It is to the vice-president of PTP Prime Holdings. The vice-president assured your father before that he won’t dig up your personal assets and that instead, your father would just transfer his stocks at the company. Now it seems he has changed his mind,” paliwanag nito.

Ang kaniyang ama ang presidente ng PTP Prime Holdings. Sila ang nagmamay-ari ng pinakamalaking bahagi ng mga stocks nito. Mabuti naman pala at kanila pa rin ang mga ito at kahit papaano pala ay may natira pa rin sa kanila. Nga lang ay mukhang ito talaga ang mawawala sa mga ari-arian nila.

“What? Are you saying that we have to leave this house and give all our properties to the vice-president?” naguguluhang tanong niya. Ito na ba ang umpisa ng mga paghihirap nila? Bakit ganoon? Akala niya ay unti-unti ng magiging maayos ang lahat pero ano ito ngayon? Gosh! This is so hard.

“Maybe soon, France. That’s why I have to talk to your father to inform him.”

“I’m afraid that is not possible anymore. He went away and he didn’t tell us exactly where he’ll be,” malungkot niyang sagot dito.

“Well, it seems this is harder than I thought,” iling na sabi ng abogado. Buti naman pala at hindi pa ito ngayon. Magagawan pa niya ito ng paraan. Oo, maaayos niya ito. Makakahanap siya ng paraan at kung hindi siya makahanap ay gagawa siya ng paraan.

“No attorney. I can handle this. Set me an appointment with the vice-president,” matapang na sabi niya. Kailangan niyang harapin ang pagsubok na ito. Wala namang ibang gagawa niyon para sa kanila. Siya lamang at wala ng iba pa.

“Are you sure of this?” paniniguradong tanong nito.

“Do I look like I’m kidding?” naiiritang sabi niya sa kanilang abogado. Paano ba naman kasi, parang wala itong tiwala sa kaniya. “Look here attorney. I know hindi ako nakikialam sa mga business-related stuff at wala akong experience pagdating doon pero ano pang saysay ng apat na taon kong ginugol sa kolehiyo? You have to trust me on this one and besides you don’t have any choice, do you?” pagtataray niya.

 

 

Author’s note:

Abangan kung paano malulusutan ni France ang problemang kanyang hinaharap. Kung ikaw si France ano kaya ang iyong gagawin?

Nais kong pasalamatan ang mga patuloy na nagcocomment sa istoryang ito., thank you sooo much guys!😉

alam ko na hindi maiiwasan na may mag copy nito sa word sana i notify ako at wag ipapasa at ipopost sa iba dahil ang TOP at readers ang nagmamay-ari nito maraming salamat! hope you enjoy!

.,., yours truly SweetLemon.,

 

About sweetlemon07

I'm writing to express. I don't care if they are not impressed.

Talakayan

21 thoughts on “You are my Sky, France_Chapter Four

  1. this is true..sometimes di natin alam na darating ang time na marerealize natin ang lahat ng ating pgkakamali and ang bawat oras ay mahalaga…

    Posted by alma | Setyembre 9, 2012, 7:37 hapon
  2. naku sino kaya ung vice president?

    Posted by Jennifer Sanchez | Agosto 10, 2012, 4:17 umaga
  3. Yun naman pala eh, hindi pala insensitive si Daddy. Hay ano kayang gagawin ni France

    Posted by helloyellow | Enero 31, 2012, 2:58 hapon
  4. nka2iyak aman ung part nung dun sa letter nung dad nia. . .nice story =)

    Posted by pazawaiy_1901 | Enero 20, 2012, 10:26 hapon
  5. this is the moment of their encounter…instinct ko ang VP is SKY🙂

    Posted by maritel go teves | Enero 14, 2012, 9:48 hapon
  6. hahha, nice one..

    Posted by Liv | Nobyembre 11, 2011, 12:47 hapon
  7. Kung ako si France? haha hindi ko alam di kasi ako mayaman X D pero ang gondo ng story inggit ako😄

    Posted by Rei Ann Cruz | Oktubre 25, 2011, 9:37 hapon
  8. cute ni france brat with brain.. hahaha

    Posted by ghaye | Oktubre 25, 2011, 7:57 hapon
  9. eXciting!!!

    Posted by jajah | Marso 29, 2011, 5:02 umaga
  10. wOoh… lalong gumaganda ang story!!!

    Posted by xtatix | Pebrero 25, 2011, 2:47 hapon
  11. hahai asar c france, she’s so mean. huhu

    Posted by xtatix | Pebrero 25, 2011, 2:40 hapon
  12. kung ako si France? haharapin ko din ung VP na pinagkakautangan nila

    Posted by jeh089 | Enero 18, 2011, 6:14 hapon
  13. naku. mukhang ma-m-meet nia na ulet si Sky.❤

    Posted by angel_YL | Enero 16, 2011, 3:06 umaga
  14. @itsgonnabeme ahahah., naku mukhang matagal pa un., cencya na ah., hindi ko alam pero natatakot akong dagdagan un., sa kasalukuyan ay dalawang series ang tinatrabaho ko., kalahati sa BBBS at isa sa SOS series., sana abangan mo rin., eheheh maraming salamat talaga., i really appreciate you., soo much! mwah!
    @candy keep reading! ahahah., wag naman masyado mag expect., ehehheheh maraming tsalamat!
    @Zheirah ahahah., hulaan mo kung ano., ehehhehehe
    @nesha abangan ang pagsiklab ng kanilang giyera., ahahah
    @athenashih waaaah! ate athena., nakakatouch ka naman! ahahaha., tnx talaga,. kahit na alam ko na wala itong binatbat sa story mo.,nag effort ka pa rin na mag comment., tnx talaga!

    thank you sooo much!

    Posted by sweetlemon07 | Disyembre 17, 2010, 9:42 hapon
  15. weeee! Chapter four na!! Keep reading guys! Ang ganda nito sobra… nakakakilig at nakakaiyak… specially dun sa—— *secret*!!!!!! haha

    Posted by athenashih | Disyembre 17, 2010, 9:35 umaga
  16. lagot ka FRANCE..si SKY yun..snob ka din nun ahahha..ang galing ng story..

    Posted by nesha | Disyembre 16, 2010, 1:48 umaga
  17. I mean pakasalan ni france si sky hehehe

    Posted by Zheirah | Disyembre 13, 2010, 8:45 hapon
  18. for sure si sky un o kaya anak nung vice president🙂
    im sure gaganti un si sky kay france heheh
    sana wag na ung ang magiging kabayaran eh pakasalanan si sky..heheh
    Something unique will do..awwrr..:D

    Posted by Zheirah | Disyembre 13, 2010, 8:42 hapon
  19. hmm. vice-president ung guy? haha. i think sya ung VP.🙂
    ang ganda tlga ng story.🙂 love it.

    Posted by candy | Disyembre 13, 2010, 8:16 hapon
  20. yooohhoo!! ang galing2x mo talaga lemon..😀 sana matapos mo n rin ung masked girl😉 inaabangan q rin kasi un eh xD

    Posted by itsgonnabeme | Disyembre 13, 2010, 11:54 umaga

Ano ang iyong masasabi sa iyong nabasa?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

TOP Calendar

Disyembre 2010
M T W T F S S
« Nov   Jan »
 12345
6789101112
13141516171819
20212223242526
2728293031  

Mga Istorya

Aming Nakaraan

%d bloggers like this: