binabasa mo ang...
Haven’t I Met You Yet?

Chapter 11 – Haven’t I Met You Yet?

“OKAY na ba ang pakiramdam mo?” malamig na tugon niya sa asawa.

Nakita niya ang pagkagulat ni Suzzane na nagpatindi ng galit niya.

“H-how? Ahm, okay na ang pakiramdam ko.” Nauutal nitong sagot sabay iwas ng tingin.

“Okay!”

Inilapag niya ang gamit niya sa mesa at niluwagan ang kurbata. Para kasing hindi siya makahinga sa inis. Inis sa sarili dahil para siyang teenager na nagseselos at nagdududa.

Nagulat pa siya nang biglang lumapit si Suzzane sa kanya na may ngiti sa mga labi. Damn! She’s so beautiful. Tinulungan siya nitong hubarin ang kurbata.

“You should rest!” malamig na sabi niya. Akmang tatalikod na siya nang pigilan siya ni Suzzane sa braso.

“Wait!” pigil nito. “Zyro, what’s wrong? May problema ba?” Hinarap siya nito.

Crap! Bigla niyang hinapit sa beywang ang asawa at marahas niya itong hinalikan. Nagpumiglas si Suzzane na nagpatindi ng selos niya.

“Zyro… Please…Stop…!” ungol ni Suzzane habang pilit nitong kumawala sa kanya.

Para namang hindi niya narinig ang pakiusap ni Suzzane kaya nagpatuloy siya sa kanyang ginagawa. Nagpupumiglas pa rin si Suzzane. Hindi siya nag-iisip sa kanyang ginagawa nang maramdaman nalang niya ang isang butil ng luha ni Suzzane. Natigilan siya at narealize niya kung ano ang nagawa niya sa asawa niya.

“Nasasaktan ako.” tulo ang luha na sabi niya sabay himas sa dumudugong labi pagkatapos niya itong binitawan. Natauhan na rin siya.

“Damn! I’m so sorry Suzzane.” Oh God, anong ginawa ko? I hurt her!

Lalapitan sana niya uli ito para yakapin pero nakita niya ang takot sa mga mata nito at napaatras ito.

“I’m really sorry. Matulog ka na.” sabi uli niya sabay talikod, kinuha ang susi ng kotse at lumabas. Narinig pa niya ang sambit ni Suzzane.

HININTAY niya si Zyro ng ilang oras pero hindi ito dumating. Nag-alala siya sa asawa. Alam niyang may problema ito and she wants to help him.

Minabuti nalang niyang magpahinga dahil hindi makakabuti sa sinapupunan niya. Hinihimas niya ang tiyan niya at ngumiti. “Good night baby. Don’t worry about me and daddy.”

Nagising siyang wala si Zyro sa tabi niya. Excited pa naman siyang ipaalam ang tungkol sa pagbubuntis niya.

“Good morning baby. Hold on my dear. Nine months ka lang naman diyan sa tummy ko. I love you baby.” nakangiting sabi niya.

Pinili niyang bumangon at naligo. Pagkatapos ay pumanaog na siya para maghanda ng almusal. Pagkarating niya sa dining area ay naabutan niya si Khylla na nagluluto.

“Khylla?”

Lumingon ito at ngumiti. “Good morning ate Suzzane! Gusto mo na bang kumain?”

Anong amoy yon? It stinks! Holy crap, parang bumabaliktad ang sikmura ko. “Anong niluluto mo?” natanong pa niya bago nagmamadaling pumunta sa banyo at nagduwal.

“Oh my God, you’re pregnant ate Suzzane, right?” Khylla exclaimed. Hinagod ni Khylla ang likod niya. Nang nahimasan na siya ay kumuha muna siya ng tuwalya bago hinarap si Khylla.

She smiled and nod. “Yes.”

Nagtatalon naman si Khylla sa tuwa. “Alam na ba ito ni kuya Zyro? I’m sure sobrang saya yon.”

“A-ahm, hindi pa eh. I don’t know how to tell him.”

“Ganun ba?” anito habang inalalayan siya nitong lumabas ng banyo. “I have a better idea ate Suzzane.”

Nasa veranda na sila at inalalayan siya nitong umupo. “Ano yon?”

“Let’s have a party and that’s the time you’ll gonna tell kuya Zyro. At ako ang bahala sa party.”

“Really?” panigurado niya. “You’ll do it for me? Baka mahirapan ka.”

“Trust me! For my future pamangkin.”

TATLONG araw na ang nakalipas mula noong gabing malamig ang pakikitungo ni Zyro sa kanya. Hanggang ngayon nga ay malimit nalang silang nagkikita at nag-uusap. Palagi nalang itong busy sa opisina. Umuuwi ito ng hating gabi tapos pumapasok ng maaga. Ni hindi nga nito nakikita ang morning sickness niya.

Mamayang gabi na niya sasabihin sa mga kamag-anak ang surpresa niya. Excited siya pero may pag-alala na baka late na namang umuwi si Zyro. Kahit sinabihan na niya ito na umuwi ng maaga ay hindi pa rin siya mapakali.

“Hon, pwede ka bang umuwi ng maaga mamaya?” tanong niya habang inaayos niya ang necktie nito. “Dito kasi magdidinner sila Mommy.”

“Okay!” maikling sabi nito. “I have to go.”

“Huh? Hindi ka man lang ba magbe-breakfast?”

“Sa office nalang. I have to be early for my presentation.”

“Ate Suzzane!” tawag ni Khylla. “Dumating na sila Shary. Are you done?”

“Oh yeah! Susunod nalang ako.” sabi niya.

Pagkatapos niyang magretouch, tatayo na sana siya nang tumunog ang cellphone niya. Message alert tone niya ‘yon at nang buksan niya ay numero lang ang nakalagay.

Sino na naman kaya ito?

Her heart beat is beating so fast while reading the text. Dali-dali siyang bumaba ng bahay at ni hindi niya narinig ang tawag sa kanya. Agad niyang pinaandar ang kotse niya.

Oh God, sana hindi totoo.

Maluha-luha pa siyang nagmamaneho patungo sa lugar kung saan sinabi ng texter. Nagtanong-tanong pa siya dahil hindi niya kabisado ang lugar. At nang makarating siya ay agad niyang pinark ang sasakyan at dali-daling pumasok sa loob.

Lalo siyang kinabahan dahil nakapatay ang cellphone ni Zyro. Ayaw man niyang isipin na baka nga may nangyari nang masamakay Zyro.

Room 205. Kakatok na sana siya pero medyo bukas ang pinto. Tinulak nalang niya ang pinto at laking gulat niya sa nakita.

May babae.

Nakaupo sa kandungan ni Zyro.

Naghahalikan.

Para namang tinusok-tusok ng karayom ang kanyang puso sa nasaksihan. Hindi pa rin nagbabago si Zyro. Hindi pa rin pala siya mahal nito.

Deja vue!

Pero hindi ang nagyari sa barko ang tinutukoy niya kundi sa ibang lugar. Oo! Dito sa kwarto nangyari.

“Suzzane?” gulat na sambit ni Zyro. Bigla nitong itinulak ang babae.

“Huh!?” hindi makapaniwalang sambit niya. “Z-Zyro?!”

“Anong ginagawa niya rito Zyro?” may galit ang tono nito.

“Melody!” saway ng binata.

Biglang sumakit ang ulo niya at may bigla siyang naalala na hindi niya mawari.

“Suzzane? What are you doing here?” Gulat na gulat si Zyro nang makita siya.

“What’s the meaning of this?”

“Let me explain Suzzane!” si Zyro.

Tiningnan niya ito sa mata. Tiningnan niya ito ng puno ng hinanakit. “Totoo ba? Totoo ba ang mga pinagsasabi ng babaeng ito?” tanong niya. Ngunit hindi makasakot si Zyro. “For heaven’s sake Zyro dela Riva, sumagot ka!” sigaw niya.

“Oo, totoo ang lahat ng narinig mo!” sabad naman ni Danica.

“Shut up! I’m not talking to you bitch!” baling naman niya sa babae. Tumaas ang isang kilay niya.

“How dare—!”

“Leave us alone, Danica!” matigas na utos ni Zyro.

“No!” tanggi ni Danica. “Siya ang dapat na umalis Zyro at hindi ako. Inagaw ka niya sa akin Zyro. Sana tayo ang ikakasal pero sa lintik na testaminto ay hindi natuloy. And yes Suzzane, plano ni Zyro na paibigin ka para magpakasal ka sa kanya. Para makuha niya agad ang mana niya. At kami ang magsasama.” salaysay nito.

Napasinghap naman siya dahil sa narinig.

“Stop it Danica. What are you talking about?” pigil ni Zyro. “Please, don’t listen to her Suzzane.”

She shook her head while tears kept falling from her eyes. “Are you both happy now!?” sarkastiko niyang tanong.

“Suzzane—” si Zyro.

Napaatras siya. “Magsama kayo!” Agad siyang tumakbo palabas sa gusaling iyon.

Ang bilis ng pangyayari. Sumakit ng todo ang ulo niya.

Hindi niya pinansin ang pagtawag sa kanya ni Zyro. Binilisan pa niya ang takbo patungo sa kotse niya. Mabuti nalang ay nasa loob na siya ng kotse nang maabutan ni Zyro. Pilit nitong buksan ang pintuan pero na-automatic lock na ito. Agad niyang pinatakbo ang sasakyan at hindi niya alintana na mabilis na ang pagtakbo ng sasakyan.

At ang sumunod na nangyari ay ang pagbangga ng kanyang sasakyan.

Napatakip siya ng bibig. My God!

“Let me explain!” sabi nito.

“What for? Wala naman tayong pakialaman hindi ba? Mag-asawa lang tayo sa papel! Sa simula’t sapol, hindi natin ‘to gusto o hindi mo ito gusto.” sabi niya na gumaralgal na ang boses.

Now what? Tatakbo nalang ba ako uli? sabi ng utak niya. Hindi na niya alam ang gagawin. Masakit ang ulo niya at mas lalo na ang puso niya. But she decided to go. All this time, Zyro didn’t love her!

Tumakbo siya at nang nasa may hagdanan na siya ay naabutan siya ni Zyro. Hinawakan siya nito sa braso. “Tatakbo ka nalang ba uli Suzzane? Tatakbo ka nalang ba nang hindi man lang naririnig ang anig ko?” may hinanakit nitong tanong.

“Bitawan mo nga ako. Hanggang kelan mo ba ililihim sa akin ang nangyari noon?” Iwinaksi niya ang kamay nito at hindi niya inaasahan na mabibitawan siya ni Zyro at nahulog siya.

“Suuuuuuuzzaaaaaane!”

At bumalot na ng dilim ang paligid.

“ZYRO!” sabay-sabay na sambit ng mama niya at ang mga pamilya ni Suzzane.

“What happened Zyro?” nag-alalang tanong ng mama niya.

“Where is Suzzane?” Tanong naman ni Mrs. Sierra.

“Nandoon pa siya sa loob at tinitingnan pa ng doctor.” malungkot niyang sabi. “Nahulog siya sa hagdanan. And it’s all my fault.”

Nakita niya ang paglaki ng mga mata nito.

“Oh my!”

Naguguluhan man sa reaksiyon ng mga ito ay tinuloy niya ang pagsalaysay sa nangyari kay Suzzane.

“Dinala ko agad siya rito dahil dumudugo siya.”

May narinig siyang napasinghap. “The baby.”

 

Bibitinin ko muna kayo guys! =)

Sa susunod na Sabado ulit. CHAO!

About blythe sapphire

a graduate of Bachelor in Science of Electronics and Communication Engineering but! a frustrated writer ;)

Talakayan

34 thoughts on “Chapter 11 – Haven’t I Met You Yet?

  1. Omg…..

    Posted by eli | Nobyembre 2, 2013, 12:26 hapon
  2. npapablis 2loy ang basa so sobrang excitement. haha

    Posted by aileen | Oktubre 4, 2013, 2:16 hapon
  3. eto na ‘yun “the shocking revelation”

    Posted by zyn | Mayo 20, 2013, 12:28 umaga
  4. whoah…nakakadala naman ang story

    Posted by jjhuls | Oktubre 24, 2012, 10:06 umaga
  5. xciting. hehhe. ganda . nkakaloka tlga.ehe

    Posted by belle garcia | Pebrero 1, 2012, 3:07 umaga
  6. Kontrabida pala ako dito hahahaha coincidence hahaha😉

    Posted by danicarose | Enero 22, 2012, 3:57 hapon
  7. exciting nman to..next chapter please..can’t wait to read it…

    Posted by Liv | Nobyembre 9, 2011, 9:00 hapon
  8. zyro!! what have u done!! wuaaahh!! It’s the foolishness of man that repeats its mistakes..huhu sana in good condition pa rin ung baby..

    Posted by bainisah | Disyembre 29, 2010, 2:35 hapon
  9. saan na po yong karugtong saturday na ngayon…pls….

    Posted by anne | Disyembre 18, 2010, 10:49 umaga
  10. Saturday n.. Cnt w8 4. D nxt epi. Kkbitin..hehe

    Posted by Cheiyn | Disyembre 18, 2010, 4:41 umaga
  11. Next chapter please I really really want to read it
    Please I like the story
    Sana ma guilty si Zyro

    Posted by Spicebkfiamatta | Disyembre 17, 2010, 10:17 hapon
  12. please post the next chapter please…

    Posted by cinderella | Disyembre 14, 2010, 12:38 hapon
  13. Bittiiiin!!!!! hahaha sorry for the word pero eto yung unang pumasok sa isip ko ng matapos ko basahin “bwisit” haha grabe nabitin ako dun ha..sobrang exciting na ng takbo ng story haha ang galing nio po ate blythe keep it up! more kilig stories to come:D

    Posted by topreader | Disyembre 13, 2010, 7:09 hapon
  14. omg ! anung ginawa mo zyro kay suzzane :(( huhuh sana wlang nagyari sa baby😦
    next chapter na po pls ang tagal nmeng inantay ko to nang
    mga clasmate ko🙂 nice one !

    Posted by dhadah | Disyembre 13, 2010, 5:46 hapon
  15. hayyy sssoooobbbraaannggg bitin…

    Posted by eizzy | Disyembre 13, 2010, 3:33 hapon
  16. nice….
    gandah muntik na ako maluha….
    hooaauh…

    Posted by sorina027 | Disyembre 12, 2010, 10:14 hapon
  17. sobrang bitinnnnnnnnnnn!! my god.. mapapatay kita zyro😦

    Posted by itsgonnabeme | Disyembre 12, 2010, 8:36 hapon
  18. nakuh! i thought every sat. and sun. yung posting nito..

    hindi pala!

    nag aantay na akuh sa next chap!

    hahaiiietzz! hehehe,,

    Posted by shemme | Disyembre 12, 2010, 6:13 hapon
  19. bitinnnnnnnn😦 medyo nalito ako dun ah ahaha..pero maganda na pangyayari…

    Posted by lynrose | Disyembre 12, 2010, 3:51 hapon
  20. ay sobrang kabitin nmn po…
    sana magpost na ulet ng bgong chapter…

    Posted by jhas18 | Disyembre 12, 2010, 9:32 umaga
  21. bitin nga.. sa sabado pa ang sunod na post…?

    Posted by Dana Faye andrew-Fonacier | Disyembre 12, 2010, 7:18 umaga
  22. tagal qng hinintay tong chpter n2… huhuhu… ang ganda na ng story, kso bitin xa… huhuhu. pde next chpter na agad? plsss…….😦

    Posted by reycel09 | Disyembre 12, 2010, 2:17 umaga
  23. wahhh.. OhMiGosh…bitin talga..wala pa bukas..
    oh my Zyro, anung ginawa mo kay suzanne?? tsk tsk😀😀

    Posted by blase | Disyembre 11, 2010, 9:32 hapon
  24. let me guess, meh kakambal si Zyro, and that guy was Zane’s past bf na nagtaksil sa kanya and then she got into an accident before that made her loose her memory so lahat ng pamilya didnt want to let her know what happen kasi masasaktan lang sya. and history repeats. hopefully hindi nalaglag ung bata. ay nako imaagination ko lang.

    Posted by abygl | Disyembre 11, 2010, 8:49 hapon
  25. anong nangyari sa baby niya,bitin ako nabadtrip pa ako,kaasar aman pero ganda ng story grabehhh,,,,kaawa nama si suzanne pero dapat kasi sabihin na sa kaniya yong nakaraan…

    Posted by anne | Disyembre 11, 2010, 7:32 hapon
  26. .. enx poe sa pag post ni2 .. xo nice poe.. God bless poe! ..

    Posted by maikeelovesu | Disyembre 11, 2010, 5:38 hapon
  27. ang tagal naman ate ng next posting heheheh

    Posted by Zheirah | Disyembre 11, 2010, 5:00 hapon
  28. HUHUHUHUHUHU. bitin! mejo di ko na rin nagegets ung story, kung flashback ba o it’s happening presently. HUHUHU. next chap na please?!

    Posted by yhan12unique | Disyembre 11, 2010, 1:33 hapon
  29. bitin !

    sana may time machine pra sabado na agad ..😀

    Posted by pAt | Disyembre 11, 2010, 1:30 hapon
  30. kabitin super..!!! sana meron bukas..

    Posted by Blueberry | Disyembre 11, 2010, 1:03 hapon
  31. What?????kala ko ba posting nito eh sat at sun????bitin!!!!
    sa susunod na sabado ko na ipopost ang next and last chapter^_^

    Posted by April | Disyembre 11, 2010, 12:42 hapon
  32. omg…1 week na naman pala me maghihintay for the next one

    Posted by zhara | Disyembre 11, 2010, 12:40 hapon
  33. waaaaaaaahhh !! sana hindi nakunan si Suzzane !!!! >.< kayanin mo Zane !!!!!!! more pa po !! pls, excited na me s nxt chap! !!!!!

    Posted by xxBunZxx | Disyembre 11, 2010, 12:30 hapon
  34. what do you mean wala bukas grabe kabitin talaga isang linggo ko itong inintay

    ganda eh !!!

    Posted by maryann | Disyembre 11, 2010, 11:36 umaga

Ano ang iyong masasabi sa iyong nabasa?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

TOP Calendar

Disyembre 2010
M T W T F S S
« Nov   Jan »
 12345
6789101112
13141516171819
20212223242526
2728293031  

Mga Istorya

Aming Nakaraan

%d bloggers like this: