binabasa mo ang...
You are my Sky, France

You are my Sky, France_Chapter Three

Chapter 3_the maSteR pLan

“Hello, Cheska. Sorry I can’t fetch you tonight. Just tell our driver to drive you to our favorite restaurant and please say hi for me to your sister.”

“Yes, Dad,” ang tanging nasagot ni Cheska. Lagi namang ganoon ang ama nila. Busy sa negosyo kaya madalang pa sa patak ng ulan kung ito’y makasama nila. Lagi kasi itong nasa ibang bansa o di naman kaya ay sa ibang parte ng Pilipinas. Buti pa nga sa bagong love life nito, may oras ang ama nila. Tuwing nangangako ito that they’ll go on a trip, lagi lamang itong nauuwi sa sister bonding sa halip na father and daughters escapade. Paano naman eh laging hindi tumutupad ang ama nila. Laging may emergency ito sa trabaho. Kaya naman sa mga pag-kakataong ito ay sanay na sila. Sabi nga ni France, “What’s new?”

“Ok then. See you later. Bye,” pagkasabi niyon ay pinindot na ng ama nila ang end button.

“Well?” tanong ni France sa kapatid niya. Nagtatanong pa siya para uyamin ang ama.

“Dad won’t be able to fetch us. He just instructed us to go to The Grill and meet him there,” sagot nito.

“Better! Let’s go. Hmm. I’m so excited about this,” ngiting sabi ni France na talaga namang kababakasan ng pagkasabik.

Napailing na lamang si Cheska sa tinurang iyon ng kapatid. Si ate talaga. Naku! Sana lang walang mangyaring hindi kanais-nais. ‘Wag sanang mapahamak si ate sa kalokohang gagawin niya. Pag-aalala niya dito.

Naunang dumating sa The Grill ang magkapatid. Kapapasok pa lamang ni France ay napakatamis na ngiti na ang suot ng kaniyang mga labi kaya naman hindi maiwasan na pagtinginan ng mga tao doon ang lutang niyang kagandahan. Nakasuot siya ng berdeng Venus cut na cocktail dress at white gold na bangle na tinernuhan ng silver stilettos niya. Si Cheska naman ay hindi rin magpapahuli sa tube na pink dress niya.

“Good evening, ma’am. Table for two?” bati ng waiter sa kanila na nagpapacute pa.

“We have a reservation,” sagot niya rito na hindi pinansin ang pagpapacute nito. Kung wala lang siya sa magandang mood ay baka inokray na niya ito.

“I’ll take care of them,” sabi naman ni Rico na lumapit sa kanila. Ang lalaki ay ang general manager ng The Grill na kaklase ni France noong college at kilala ito bilang isang campus heartthrob. Isa ito sa mga naglakas loob na ligawan siya ngunit sa kabila ng pagiging gwapo, mabait at gentleman nito ay hindi pa rin pumasa kay France.

“Yes, Sir.” Umalis ang naturang waiter na may panghihinayang.

“Hi, Rico,”  bati ni France na may kasamang matamis na ngiti.

“Hi, you are as beautiful as ever, France,” pag-hangang totoo nito sa kaniya.

“Bolero ka talaga. By the way, this is my sister, Cheska. Senior siya ngayon sa university natin.” Bumaling naman siya sa kapatid. “Sis, this is Rico. I bet you know him already,” pakilala niya sa dalawa. Nag-kamay naman ang mga ito. Alam ni France na may pagtingin ang kapatid niya kay Rico. Maaring isa ito sa dahilan kung bakit kahit kailan ay hindi siya nagka-interes dito o maaaring hindi lang talaga ito ang tipo niyang lalaki.

“Well, this way to your seats, ladies,” pag-aya naman ni Rico sa kanila.

Ilang minuto lamang ay dumating na ang kanilang ama at ang magiging stepmother nila. Matangkad ito at balingkinitan ang pangangatawan. Ang ganda nito ay maikukumpara kay Angel Aquino. Humalik sila sa pisngi ng ama.

“Melissa, meet my lovely daughters. This is my dear Frances and my sweet Francheska. Ladies, this is your aunt Melissa, your future stepmom,” pagpakilala ng ama nila. Nakipagbeso-beso naman sila kay Melissa, Habang nakikipagbeso-beso naman si France ay inikot niya ang kaniyang mga mata tanda ng kaniyang pagka-disgusto rito. Mabuti na lamang at walang nakapansin sa kaniyang ginawa.Maganda ka nga at mukha rin namang may breeding but wala ka pa sa kalingkingan namin at mas lalo na sa mama ko. Sabi ni France sa isipan niya.

“Come on. Let’s sit,” sabi ng ama nila at pinaghila pa ng upuan si Melissa. Sila naman ni Cheska ay pinaghila ng upuan ng waiter.

“Thank you,” sabi ni Melissa sa pag-hila ng upuan ni Mr. Hernandez. “You have two very lovely daughters,” sabi nito.

Pagkaupo nila ay binigyan na sila ng menu ng waiter. Pagkatapos ng ilang sandali ay nakapili na ang ama nila. “ I’ll have a roasted lamb and wine,” sabi nito.

“Vegetable salad for me and a glass of water,” sabi naman ni France.

“I’ll have those too,” dagdag ni Cheska.

“What’s your specialty here?” tanong naman ni Melissa nang hindi ito makapili sa menu. Mukhang unang pagkakataon nitong magpunta sa restaurant na iyon.

“Grilled Steak, ma’am,” magalang na sagot ng waiter.

“Okay, that’s what I’ll take,” saad niya at bumaling kay France. “Are you a vegetarian? You know I have a lot of vegetarian friends. They are all as sexy and as stunning as you,” sabi niya rito.

Gosh, I’m sure mas fresh at sexy ako sa kanila, ‘no? How dare you compare me to them? Naisip ni France. “No, I am not. If I am, I’m sure I’ll be fitter than they are,” sagot ni France dito.

“Yeah, I agree,” sabi nito at si Cheska naman ang hinarap. “Francheska, right?” tanong niya rito.

“Yeah, but it’s better if you just call me Cheska,” may ngiti sa labing sagot ni Cheska.

“Great! So, Cheska you are still studying right?” tanong nito.

“Yup, but I’m a senior now so it’ll be safe to say I’m graduating soon,” sagot ni Cheska.

“Excuse me, guys. I’ll just talk to Rico,” paalam ni France at nagtungo sa kinaroroonan ni Rico.

Habang naglalakad si France ay mababakas ang matinding pagkadisgusto sa bagong kakilala. Mabait naman ang pakikitungo ni Melissa ngunit ano ang magagawa nito? Eh sa naaasiwa si France sa kaniya. Ito kasing si France kung ano ang naisip gawin ay talagang gagawin. Hindi siya natatakot sa maaaring kalabasan ng kaniyang mga pinaplano. Ang mahalaga lamang sa kaniya ay mapagtagumpayan niya ito. Anyway, she always gets away with it. Kaya ano nga naman ang katatakutan niya? Siya yata si Frances Reigne Hernandez, the socialite spoiled princess.

“Rico, can you do me a favor?” deretsahang tanong niya dito nang makarating sa kinaroroonan nito.

“Yeah anything,” mabilis na tugon nito na talaga namang gustong pagbigyan si France. May pagtingin pa rin kasi ito sa dalaga.

Sa sinabing iyon ni Rico ay mas lalong nadagdagan ang confidence ni France. Alam niyang malakas ang charms niya. Napatunayan na naman ito sa mga ganitong pagkakataon. Bagamat sanay na ay natutuwa pa rin siya sa ideyang iyon. Walang lalaki ang makakahindi sa akin. Hinding-hindi ako magiging under sa kanila. I’m always their boss.

“I just want to request something to your head chef. If you won’t mind, may I talk to him?” tanong niya rito bagamat alam naman na niya ang isasagot nito.

“Well, okay. Follow me.” Nagtataka man ay agad ng iginiya ni Rico si France papunta sa kitchen ng restaurant nila.

“Hello there,” bungad na bati ni France sa head chef ng makarating na sila ni Rico sa may kitchen.

“Hi, what can I do for the beautiful lady? Ah, good evening, Sir,” bati ng chef sa kanilang dalawa na muntik pang makalimutang batiin ang general manager dahil sa paghanga sa kagandahan ni France.

“Chef, siya nga pala si Frances Hernandez,” pakilala ni Rico kay France. “College classmate ko. I believe meron siyang request sa iyo.”

“Ganoon ba?” tanong ng chef.

“Yeah, I hope mapagbigyan mo ako,” sagot ni France na may halong lambing.

“Yes, sure sure. Anything for the lovely lady.”

“Excuse me, Sir. May naghahanap po sa inyo sa office ninyo,” tawag ng isang staff sa restaurant kay Rico.

“Ah, oo sige,” sagot niya sa waiter at nagpaalam muna siya kay France. “France, mauna na ako. May naghahanap daw sa akin eh.”

“Okay. Thank you, Rico,” nakangiting sabi ni France.

Ang chef naman ang hinarap ni Rico. “O chef, ikaw na ang bahala sa kaniya ah,” bilin ni Rico sa chef.

“Yes, Sir. Walang problema. Areglado,” sagot naman ng chef.

Pagkaalis ni Rico ay agad na kinausap ni France ang chef.

“You see chef, yung kasama ko na umorder ng steak has an exotic taste. She likes her steak rare. She wants it grilled outside but raw inside. Can you do that for me? Ah, I mean for her?” pagsisinungaling niya dito.

“No problem with that,” agad namang sagot nito matapos masilayan ang napakagandang ngiti ni France. Sino ba naman ang makakatanggi?

“I’ll hold on to that. Remember, raw,” paalala pa niya rito at lumakad na siya pabalik ng kanilang mesa.

“What took you so long France?” tanong ng ama ng kaniyang ama.

“Nothing. Just a petty business of mine,” sagot nito habang papaupo.

“That man is handsome. You look good together. Are you two going out?” tanong naman ni Melissa nang mapansin siya kanina na kausap si Rico.

“No, we’re just classmates in college. He tried to court me but we’re better off as friends,” pag-tanggi naman ni France.

“Oh, I see. So ngayon kumusta naman ang love life mo?” tanong nito.

“Love life? It’s just a time-consuming thing. Kulang pa nga ang oras ko sa lahat ng mga designer items, love life pa kaya?”

“You know, I have a son. He is two years older than you and wala rin naman siyang girlfriend. Ang dahilan naman niya ay kulang nga daw ang oras niya sa lahat ng babaeng nakapila para lang malapitan siya tapos magco-commit pa siya sa isa?”

“Really? Hindi rin malaki ang tiwala niya sa sarili niya, ah,” naiiritang tanong ni France.

“I know mayabang siya pero hinahayaan ko na lang. Sa daddy niya kasi siya lumaki eh. I see him once in a while kaya all I can do is to support him,” sagot nito na mababakas ang kalungkutan sa mga mata.

“I see,” sabi ni France. Sana siya na lang ang pagtuunan mo ng pansin at mukhang kulang siya sa pansin kaya sa iba niya kinukuha iyon. Hindi yung nakikisali ka pa sa pamilya namin. Such a waste.

“How about you, Cheska?” tanong ni Melissa.

“Wala rin po akong boyfriend eh. Nagco-concentrate po ako sa studies ko,” sabi ni Cheska.

“That’s great. Madalang na lang ang mga batang ganyan ngayon. You are really lucky with your daughters, Francis.” sabi ni Melissa. “They were raised well.”

Of course we are. Kahit naman wala lagi si Dad ay maraming naiturong values sa amin si Mommy. I know that she is always guiding us. Sabi ni France sa isip niya.

Ilang minuto pa ay dumating na ang inorder nila. Isa-isa ng nilapag ng waiter ang kanilang mga pagkain ayon na rin sa kanilang mga pinili.


About sweetlemon07

I'm writing to express. I don't care if they are not impressed.

Talakayan

19 thoughts on “You are my Sky, France_Chapter Three

  1. Small world, mag-ina pa si Melissa and Sky!

    Posted by helloyellow | Enero 31, 2012, 2:54 hapon
  2. i can sense si sky ang anak ni melissa…

    Posted by maritel go teves | Enero 14, 2012, 9:36 hapon
  3. I think c sky ang son n mellisa sweety Hmmm …next n nga

    Posted by yuuna | Disyembre 3, 2011, 10:59 hapon
  4. lagot na talaga..hahaha

    Posted by Liv | Nobyembre 11, 2011, 11:49 umaga
  5. urghhh.. wawa naman c melissa.

    Posted by xtatix | Pebrero 25, 2011, 2:30 hapon
  6. she’s so mean… lagot na!

    Posted by xtatix | Pebrero 25, 2011, 2:29 hapon
  7. naughty! ^_^

    Posted by angel_YL | Enero 16, 2011, 3:00 umaga
  8. kakaaliw si france

    Posted by tabachingching | Enero 10, 2011, 4:40 hapon
  9. @Blueberry bitin ba? ahahah., hindi nga ako marunong nun eh., ahahah
    @tracy93 that is France,. ahahah wag naman paka ate., bata pa naman ako., ahahahah
    thanks sa inyoooOO! mwah!

    Posted by sweetlemon07 | Disyembre 17, 2010, 9:28 hapon
  10. aww! ansama ng ating bidaa!🙂

    but i like her!🙂

    bitin ate sweetlemon!

    Posted by tracy93 | Disyembre 11, 2010, 9:47 hapon
  11. pasaway na France..,,

    Posted by Blueberry | Disyembre 11, 2010, 1:02 hapon
  12. grabe., after a long week at school., ng makita ko ang mga comments nyo ay nawala lahat ng pagod at stress ko sa katawan., ahahah
    @april ahahaha., wait til you see more from France., eheheh
    @nely ang cute naman may nga hula-hula na sila eheheh
    @alexis_shawn27 wow., may comment ka ulit dito., maraming salamat! keep it up! eheheh,.
    @xxBunZxx ahahah., ano hula mo? eheheh malay mo tumama ang hula mo., ahahahah
    @candy., maraming salamat sa pag aappreciate., basta wag bibitiw at ng makasabay sa roller coaster ride na story., ano raw? eheheh
    @eizzy nyay! ahahah.. sige tatanong ko kung pwedeng may bonus na posting para sa inyo., heheheh

    Posted by sweetlemon07 | Disyembre 11, 2010, 10:17 umaga
  13. heheheh kakabitin mo pa..

    Posted by eizzy | Disyembre 10, 2010, 10:59 hapon
  14. i agree. feeling ko si sky yon.🙂
    ang ganda tlga ng story.🙂

    Posted by candy | Disyembre 10, 2010, 6:48 hapon
  15. ay next na !!!!! wooooooooooot !!!! ano kayang mangyayari ?? weeeeeeee … excited na meeeeeeeeeeeeeeeee !!!

    Posted by xxBunZxx | Disyembre 10, 2010, 5:17 hapon
  16. psway ka france.
    mlmang mama ni sky yan c melissa
    oh no…..
    nxt chap n poh

    Posted by alexis_shawn27 | Disyembre 10, 2010, 3:30 hapon
  17. Hmmm may dapat tayong abangan sa story na eto ah… Mag step-bro sina France at Sky… wow wonderful i cant wait for the next posting….

    Posted by nely | Disyembre 10, 2010, 2:28 hapon
  18. Omg!!!she’s so mean…..cant wait nxt chapter plssssss…..

    Posted by April<3 | Disyembre 10, 2010, 11:03 umaga

Ano ang iyong masasabi sa iyong nabasa?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

TOP Calendar

Disyembre 2010
M T W T F S S
« Nov   Jan »
 12345
6789101112
13141516171819
20212223242526
2728293031  

Mga Istorya

Aming Nakaraan

%d bloggers like this: