binabasa mo ang...
You are my Sky, France

You are my Sky, France_Chapter Two

Chapter 2_StriKe 2!

“Good morning, sis,” bati ni France kay Cheska na nadatnan niyang nag-aagahan na ng tinapay, hotdog, itlog at gatas. Tinawag niya ang katulong at nag-padagdag ng plato sa mesa at sinabayan na rin niyang kumain ang kapatid.

“Morning!” balik na bati nito.

“Hmm. Ate, ‘nga pla, uuwi daw si Dad next week,” imporma niya sa ate niya habang hinihiwa ang hotdog.

“So? What’s with that?” parang walang ganang tanong niya sa kapatid at sumubo na ng pagkain.

“I think we’ll meet our future stepmom,” mabagal at madiin na sagot ni Cheska sa kaniya.

“Whaaat?”  pasigaw na sabi niya at muntik pa siyang mabulunan.

“Yeah,” tangong kumento ng kapatid niya.

Sabay taas naman ng kilay niya na para bang may masamang planong nabubuo sa kaniyang isipan.

“We’ll see about that.”

“Are you thinking what I think you’re thinking?” tanong ni Cheska na kinakabahan sa turing na iyon ng ate niya.

France just gave her an evil smile for an answer.

“Forget about that, sis. This is the real news. A fashion show will be held this Friday and, as you know, we are invited,” sabi niya habang nagniningning ang kaniyang mga mata. Pagdating sa ganitong event ay laging present si France at siyempre kasama din ang kaniyang kapatid at mga kaibigan. Kilala rin silang dalawa na mga fashionista kaya naman lagi silang iniimbitahan sa mga ganitong uri ng event. Hindi lamang iilang beses na may nag-alok sa kanila, lalo na kay France. Ang siste ay mapili siya sa damit at hindi siya nag-susuot ng hindi niya gusto kaya naman tumatanggi siya sa mga alok. Alam kasi niya na kapag nag-modelo siya ay hindi na siya ang mamimili ng  mga damit na isusuot. Isa pa, mas masaya siya na nakikita ang lahat ng damit na para bang bawat rumarampang modelo ay inaalok sa kaniya ang lahat ng mga iyon at siya ang may karapatang pumili at magsabi kung ano ang maganda at pangit.

The lights are glamorous and so is the catwalk. Rumarampa na ang mga modelo suot ang iba’t ibang magagarang damit. Parang dinuduyan sa mga ulap ang pakiramdam ni France kapag nakikita niya ang mga nag-gagandahang damit. Nakaupo sila ngayon ni Cheska at ng kaniyang mga kaibigan sa pangalawang linya ng mga upuan sa gilid ng catwalk. Sa kanilang mga suot na designer clothes ay mapagkakamalang isa sila sa mga modelo o mas tamang sabihin na special guests na beauty queen.

“Good evening, darling,” bati ng isang lumapit sa kanilang organizer ng show at nakipagbeso-beso sa kanila.

“A glamorous evening, Mamang,” balik na bati ni France na may ngiti sa mga labi.

“Cheska, will you accept my offer now that you are graduating? Come on, enter the world of modeling,” pangungulit ni Mamang kay Cheska. Isa ito sa mga nag-alok kay France na mag-modelo ngunit agad din namang itong tinanggihan ni France. Ngayon ay si Cheska naman ang inaalok nito.

“Thanks for the offer, Mamang, but I’m not into modeling,” tanggi ni Cheska.

“Hay, kayo talagang magkapatid. Perfect for the catwalk pero ayaw niyo naman,” may panghihinayang na sabi nito. “In case you change your mind, you know how to reach me, enjoy the show,” pagkasabi niyon ay nagpaalam na ito sa kanila. Sa wakas ay naibalik na ni France ang atensyon sa mga damit sa catwalk.

“France, isn’t that Dianna?” tinutukoy ni Wendy ang modelong kasalukuyang rumarampa na dating naka-away ni France dahil pinormahan siya ng boyfriend ni Dianna.

Hindi niya makakalimutan ang eskandalong ginawa ni Dianna sa kanilang campus dahil sa pag-aalburoto nito. Sinugod siya nito sa kanilang canteen. Si France naman, salamat sa kaniyang breeding, ay hinayaan na lamang na magtatalak ito. Nang magsawa ito sa kakatalak ay saka siya nag-salita. “You’re done, Dianna? You know, you don’t have to worry a single thing. I’m not your level. Hindi ako pumapatol sa boyfriend ng campus. He’s all yours.” Si Dianna pa ang napahiya sa sinabing iyon ni France. Alam kasi ng buong campus na mataas ang standards ni France para pumatol sa boyfriend ni Dianna.

“Make-up can be really deceiving. Look at her, a crap who now looks a human,” komentong sabay irap niya. “Never mind her. We’re here for the dress, duh,” dagdag pa niya at hindi na pinansin ang iba pang chismisan ng mga kaibigan.

“I like the skirt with the floral haltered top,” kumento ni Alex na tinutukoy ang isa sa mga outfit na inirampa kanina sa catwalk at pinag-uusapan na nila ngayon sa after-party ng show.

“Me too,” pagsang-ayon naman ni Queenzy, “that pair is really cute.”

“I vote for the pretty black dress and the dashing red stilettos. It suits the classic look and the flaming red lips of the model,” saad naman ni Wendy na nag-pout pa ng kaniyang mga labi.

“What about you, sis?” baling ni France sa kapatid niya na ngayon ay tahimik lamang.

“I’ll go for the tank top with the attractive green scarf. It looks so classy and chic,” sagot naman ni Cheska.

“Bingo! That’s also the one that caught my heart. It looks like the one used in the Confessions of a Shopaholic. I gotta have one of those.”

Napangiti si France. Naisip niyang parehas talaga sila ng taste kaniyang kapatid, classy yet chic.

“Sure you will,” pag-sang-ayon ni Alex. Alam naman kasi nilang lahat na kapag may nagustuhan si France ay nakukuha niya ito.

“Cheska, how are the boys in our beloved university?”

“There’s not much to talk about them. As always, they are busy. If not with sports, it’s with their girls.”

“Excuse me, guys. I’ll just go to the ladies room,” paalam ni France sa mga kasama. Nakaharang ang isang lalake at babaeng naghahalikan pagdating niya malapit sa ladies room. Naaninag niyang si Dianna ang babae. Nilapitan niya ang mga ito dahil nakaharang ang mga ito sa daan patungo sa comfort room.

“Oh my gosh, Dianna?” patanong na sabi niya. Nang makumpirma niyang siya nga ito ay ngumiti siya ng mataray at sinabing “I know you are not a classy lady but I didn’t know you are this cheap.” Nilakasan pa niya ang huling salita.

Napaharap naman ang mga ito sa kaniya. Nanlaki ang mga mata ni Dianna at napataas naman ang isang kilay ng lalaki.

“Oh yeah and I also remember you,” baling niya sa lalaki. “You were the guy in the bar who failed to get along with me.” Si Sky pala ito. “Why don’t you go somewhere private for that, and by the way,” humarap siya kay Dianna at tinuturong sinabi nito, “your low class lipstick is wearing off.”

Pagkasabi ni France noon ay agad na tinakpan ni Dianna ang kaniyang bibig at nagmamadaling tinungo ang ladies room.

Patalikod na sana si France nang biglang hawakan ni Sky ang siko niya at inis na sinabi nito, “You know, you are really getting into my nerves now, lady.”

“I’m shocked!” may sarkasmong sagot nito.

“Are you jealous of her?” tanong ni Sky.

“You are really confident about yourself, huh?”

Pagkasabi niyon ni France ay mabilis siyang isinandal ni Sky sa pader at hinalikan ng madiin. Isang halik na di kalaunan ay lumalim at naging pagkatamis-tamis. Pumapalag pa siya nang una pero kanino bang tuhod ang hindi manlalambot kung isang Aeneas Sky Akira ang hahalik sa kanya. Kaya naman napaamo ni Sky ang tigreng si France. Nilagay pa ng dalaga ang mga kamay sa batok ng binata.

“Hey, mister!” untag ni France sa gwapong lalaki at pinitik pa ang kamay niya sa harap ng mukha nito dahil mistulang natulala ang lalaki. Inalis niya ang pagkakahawak ng lalaki sa kaniyang siko.

Bigla namang nabalik sa realidad ang utak ni Sky sa ginawang iyon ni France. Heto na nama’t nag-iilusiyon lamang pala siya.

“Then why did you interrupt us?” tanong ni Sky.

“You are blocking my way, that’s why,” mataray na sagot ni France.

“Then I’ll just call her and move somewhere else,” pananantiya ni Sky dito.

“Go ahead. Who cares?” pagkasabi niyon ay lumakad na si France palayo sa binata.

Habang papalayo ang dalaga, naisip ni Sky na ano nga kaya kung hinalikan niya ito. Mukhang masarap halikan ang mga labi nito. Ano nga kaya kung hinalikan ko siya? Natuwa siya sa ideyang iyon.

“Eeny, meeny, miny, moe, which one will best fit the show?” parang batang pamimili ni France habang tinuturo-turo ang kaniyang mga damit at palakad lakad sa kaniyang walk-in closet.

“What’s with that, ate?” pag-uusisa ni Cheska nang pinuntahan niya ang ate niya. Kanina pa kasi niya ito hinihintay sa kwarto nito. Alam niyang sangkatutak ang damit ng ate niya ngunit kahit kailan ay hindi pa ito nagtagal ng ganoon sa pagpili ng isusuot nitong damit. Laging alam at laging sigurado ang ate niya sa isusuot nitong damit.

“I just can’t decide which one to wear. I should’ve bought a new one.  I hate that I missed the chance to buy,” sabi ni France sabay upo at inilagay ang dalawang kamay sa tuhod. Sumimangot at tinitigan lamang nito ang kaniyang mga damit.

“It’s so not you ate. I can’t believe that you can’t decide which one to wear,” sabi ni Cheska at naglakad-lakad na para bang iniisa-isang iniinspeksyon ang mga damit ng ate niya.

“Of course I should put on the perfect dress. Remember, we’ll have a pretty show tonight.” Parang ini-imagine na nito ang mangyayari ayon sa kaniyang plano.

“O here. Okay na siguro ito,” abot ni Cheska sa isang damit na napili niya para sa ate niya.

“Thanks, sis. This dress is fantastic. It will be perfect!”

“You know what will be the consequences of this right?” pag-aalala ng kapatid niya na tinutukoy ang masamang plano niya sa magiging stepmother nila. “I’m sure Dad will get mad, big time,” dagdag ni Cheska.

“But of course I’m doing this for you, me and Dad. You’ll thank me soon for this,” desididong sagot niya.

“Okay. I’ll get dressed na. Dad will be here anytime now,” paalam ni Cheska.

Ngiting matamis ang sinukli ni France sa kapatid niya.

Pababa na silang magkapatid sa sala ng kanilang mansion. Nilapitan sila ng family driver nila.

“Ma’am, aalis na po ba tayo?” tanong nito.

“Hindi pa po. Hihintayin pa po natin si Dad,” sagot ni Cheska nang biglang tumunog ang cellphone niya. Tumatawag ang ama nila.

“Hello, Dad?”


About sweetlemon07

I'm writing to express. I don't care if they are not impressed.

Talakayan

6 thoughts on “You are my Sky, France_Chapter Two

  1. Ano kayang gagawin ni France?? kaexcite!

    Posted by helloyellow | Enero 31, 2012, 2:49 hapon
  2. interesting, ano kaya ang plano ni france…

    Posted by Liv | Nobyembre 11, 2011, 11:25 umaga
  3. interesting!

    Posted by ghaye | Oktubre 25, 2011, 7:34 hapon
  4. w0nder what’s next…

    Posted by jajah | Marso 29, 2011, 4:44 umaga
  5. shocks, ano kaya ang susunod na mangyayari!

    Posted by xtatix | Pebrero 25, 2011, 2:26 hapon

Ano ang iyong masasabi sa iyong nabasa?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

TOP Calendar

Disyembre 2010
M T W T F S S
« Nov   Jan »
 12345
6789101112
13141516171819
20212223242526
2728293031  

Mga Istorya

Aming Nakaraan

%d bloggers like this: