binabasa mo ang...
You are my Sky, France

You are my Sky, France_Chapter One

Chapter 1_tHe first impression

“What time are we going shopping, France?” tanong ni Queenzy sa kaibigan na si Frances Reigne Hernandez a.k.a. France.

Kaka-graduate lang nila sa kursong Business Administration sa isang sikat na unibersidad sa Maynila at dahil kapwa sila mayaman ay hindi na inaalala ang papasukang trabaho sapagkat may kaniya-kaniya naman silang family business. Tanging gawain lang nila ngayon ang mag-shopping, makipag-socialize at umattend ng samu’t-saring party ng mga elite.

“Around three in the afternoon maybe,” sagot ni France habang inaayos ang rollers ng kaniyang buhok.

“Isn’t that too early?” balik na tanong ni Queenzy.

“Oh come on, Queenz! You know how hard it is to find a perfect outfit and besides, I’m so bored doing nothing in the house,” inis niyang sagot nito.

Si France lagi ang pasimuno sa pag-gimmick. Ayaw na ayaw niyang nabuburo ang beauty niya sa bahay nila. Isa pa, hilig talaga ni France ang mag-shopping. Iyon lamang ang nagbibigay ng kaligayahan sa kaniya kaya naman mahal na mahal niya sina Mark Jacob, Armani, Dolce and Gabbana at ang iba pang katulad ng mga itong ika nga ni France ay “hulog ng langit”.

“Okay fine. You win, as always. You tell Alex and I’ll inform Wendy,” tinutukoy nito ang dalawa pa nilang kaibigan na nagmula rin sa isa sa mga prominenteng pamilya sa bansa. Nasa kolehiyo pa lamang sila ay ito na ang mga kasama niya sa madalas niyang paglalakwatsa. Hindi dahil sa siya ang pumili sa mga itong makasama ngunit dahil ang mga ito lamang ang nag-lakas-loob na lumapit at hindi naintimidate sa kaniya. Sa kanilang paaralan ay kilala ang grupo nila na pawang magaganda, makikinis, mayayaman at higit sa lahat ay masusungit. Iyon ang imaheng nabuo nila. Kung hindi kasi sila kausapin ay hindi talaga sila namamansin, lalo na si France. Wala siyang pakialam sa iisipin ng iba at hindi rin siya pala-kaibigan. Iyon ang laging sinasabi niya.

Alas-tres ng hapon sa mansion ng mga Hernandez

“What time are you coming back, Ate?” tanong kay France ng nakababata niyang kapatid na si Cheska nang makita siya nitong paalis ng bahay.

Si Lexi Francheska Hernandez o mas kilala bilang Cheska ay nag-iisang kapatid ni France. Kumpara kay France na wala yatang sweetness sa katawan, si Cheska ang mas ligawin. Pala-kaibigan kasi ito at mas mabait kaysa sa ate niya. Subalit ang pagiging brat ay nasa dugo na talaga ng mga Hernandez, sapagkat kapag sinusumpong ay isa rin itong dakilang bratinella.

“No idea, sis. You know it is girls’ night out later. We’re just going to buy some clothes then hang-out. Bye, sis! Catch you later,” sagot niya dito at lumabas na papunta sa sasakyan niya.

“Ma’am, saan po tayo?” tanong ni Mang Ruben na kaniyang personal driver. Matagal na ring nagsisilbi si Mang Ruben sa pamilya nila. Nag-aaral pa lamang si France at hanggang ngayon ay hatid-sundo siya ng kaniyang personal driver na si Mang Ruben. Marunong naman si France mag-drive. Sa katunayan ay mayroon na siyang professional driver’s license kaya lang ay mas gusto ng kaniyang ama na ikuha sila ng personal driver.

“Ay, ako na lang po,” tanggi ni France, “dahil gagabihin po ako ngayon eh.” Hassle kasi sa kaniya kung magpapa-drive pa siya rito. Pakiramdam kasi niya’y hindi niya ma-eenjoy ang araw niya kung lagi niyang iisipin na hinihintay siya ni Mang Ruben. Hindi kasi niya alam kung saang lupalop sila mapupunta ng kaniyang mga kaibigan at kung anong oras na sila makaka-uwi. Sa mga ganitong pagkakataon ay mas gusto niyang siya na lamang ang mag-maneho para magagawa niya ang lahat ng gusto niya ng walang inaalalang driver na nag-hihintay sa kaniya.

“Nakakahiya naman po, Ma’am. Ihahatid ko na lang po kayo,” pamimilit nito.

“Fine,” napilitan na rin si France. Pahahatid na lamang siya dito at papaiwan ang sasakyan upang hindi na rin ito maghintay sa kaniya. “Sa The Plaza po,” sabi niya sa driver na tinutukoy ang isa sa pinakamalaking mall kung saan puro designer boutiques lamang ang matatagpuan.

Pagkaraang mai-valet park ng kaniyang sasakyan ay pumasok na si France sa loob ng mall at tinungo ang isang boutique ng damit kung saan sila magkikita-kita ng kaniyang mga kaibigan. Pagdating niya ay naroon na ang mga ito’t nagsusukat na ng kaniya-kaniyang napiling damit.

“France!” Nag-beso-beso ang magkakaibigan.

“What do you think of this?” tanong ni Alex na tinutukoy ang sinukat niyang damit.

“Is this all? Don’t they have new arrivals?” disappointed na tanong ni France sa isang saleslady.

“Ma’am, wala pa po eh. Next week pa po ang delivery dahil medyo na-delay po,” sagot naman ng sales lady.

“OMG! So this is last season!” sabay-sabay na saad ng kaniyang tatlong kaibigan. Para bang nandidiri sila sa mga damit sa kinaroroonang shop at pagkasabi niyon ay agad-agad silang nagbihis at lumipat na sa ibang shop.

“Gosh! I can’t believe they made us fit that!” inis na sabi ni Wendy.

“Yeah! That was just sooo disgusting!” dagdag pa ni Queenzy.

“I swear hindi na ako babalik sa boutique na yon!” paghihimutok naman ni Alex.

“Oh really, Alex? What if next time they’ll have the latest designs?” pang-hahamon ni France.

Tumingin lang si Alex na para bang naiinis sa tinuring na iyon ni France. Nilabanan naman siya ng tingin ni France at sinabing, “It’s your fault that you guys are not updated.” Tumawa siyang nang-aasar. “Such a shame,” dagdag pa niya.

“Hey dude! Iba talaga’ng level mo sa Japan,” puri ni Jake sa college friend nitong si Aeneas Sky Akira. Isang hunk model na may dugong Pinoy, Hapon at Kastila, si Sky ay kararating lamang mula sa isang photo shoot galing sa Japan at kasalukuyang kasama’t kainuman ang mga kaibigan sa isang bar sa Makati. Si Sky ay nagpa-part-time job lamang o mas tamang sabihin na hobby ang pagmo-model. Pabalik-balik siya sa Japan dahil doon siya nagmomodelo at taga-roon din naman ang kanyang ama ngunit nasa Pilipinas lamang ang negosyo.

“Tingnan nga natin kung uubra ang kamandag mo dito sa Pilipinas,” dagdag ni Jake sa unang sinabi.

“Wanna bet? Here’s P5000,” pag-mamayabang ni Sky bagamat may maipag-mamayabang naman talaga ito.

“Whoa! You are really into this? Okay guys listen here, Sky bets to know the real name and take the phone number of the masked girl on the dance floor,” pag-aannounce ni Jake sa mga kasama na tinutukoy ang babaeng magaling sumayaw na lagi nilang nakikita sa bar na iyon ngunit kahit kailan ay hindi pa nakikilala. Maganda ang katawan nito, makinis, at mahaba ang itim nitong kinulot na buhok. Napapalibutan ito ngayon ng mga taong nanonood sa pakikipag-showdown nito sa isang lalaking magaling ding sumayaw.

Nang tiningnan naman ni Sky ang paksa ng kanilang pustahan, nakatalikod na ito at paalis na ng dance floor. Binalik niya ang atensiyon sa mga kaibigan at inisip na lamang niya na hanapin ang mesang inookupa nito.

Kararating lamang nina France at ng mga kaibigan sa pinagkasunduang bar nang may babae siyang nakabanggaan.

“Hey, watch it!” mataray na sabi ni France sa babaeng napansin napansin niyang nakasuot ng maskara.

“Sorry, nagmamadali lang ako. Pasensya na,” paghingi ng paumanhin ng babae at nagpatuloy na sa pag-alis.

“Whatever! Next time, watch where you’re going!” hindi maiwasang pagtataray at pahabol na sabi ni France sa babaeng nakamaskara.

Nang makita ni Sky ang magandang babae at may mahabang kinulot na buhok, inakala niyang ito ang babaeng naka-maskara kaya naman agad siyang nagpaalam sa kaniyang mga kasama at sinabing “Guys, I’ll show you what Sky Akira can do.” May kayabangang pinuntahan niya ang mesa ng magandang dilag.

“Hey there ladies, mind if I join you?” tanong ni Sky suot ang isang “killer smile”.

“Yeah. Go ahead,” kilig na sabi ni Wendy. Nagkatinginan sina Wendy, Queenzy at Alex. Hindi nila akalain na makikita nila ng personal at lalapitan pa sila ni Sky Akira na isang modelong nakikita lamang nila sa mga pahina ng Japanese magazines. Silang magkakaibigan ay mahilig magbasa ng mga magazine. Yun nga lamang, puro tungkol lang sa latest fashion trend para sa mga babae ang mga tipo ng magazines na binabasa ni France kaya hindi niya maintindihan kung ano ang meron sa lalaking ito.

“When did you come back?” tanong ni Alex kay Sky dahil nga nabasa nito sa isang magazine na kagagaling lang ng modelo sa isang photo shoot sa Japan.

“Yesterday,” matipid na sagot nito dahil kay France lamang ito interesado. “Hi there. You dance so fantastic,” baling nito kay France sabay kindat dito.  Napataas naman ang kaliwang kilay ni France. “Would you mind if I drive you home tonight?” tanong ni Sky sabay akbay dito.

Biglang napatayo sa inis si France.

“Sorry to burst your bubble, mister. If you think you are that popular, well think again and do I even know you?” tuloy-tuloy na sabi ni France sa tono namang ubod ng pagtataray.

Nabigla naman si Sky dahil hindi siya sanay sa ganoong trato. Lagi kasi ay babae ang lumalapit sa kaniya. No sweat siya pagdating sa pag-porma sa babae, pero itong babaeng ito ang unang nilapitan niya at tinarayan siya. Bago pa siya muling makasagot sa tinurang tanong nito ay inunahan na siyang magsalita nito.

“No, I don’t know you and it’s obvious that you don’t know me. See here, now, mister. Our table here is only for four and you are a crowd, so you may go,” mataray na dagdag ni France at isineniyas na umalis ang mayabang na lalaki sabay irap dito.

Hi, Sky! Care to dance?” tanong ng isang babaeng kalapit lamang sa mesa nila. Hapit na hapit ang suot nito at halatang nag-papacute kay Sky. Maganda rin naman ngunit matapang ang itsura nito.

Agad namang pumayag si Sky upang makaiwas na rin sa pagka-pahiya nang dahil sa mga sinabi ni France. Tiningnan ni Sky kung ano ang magiging reaksyon ng babaeng nagtaray sa kaniya. Umaasang nagpapakipot lamang ito at mapatunayan sa sariling hindi pa rin kumukupas ang kamandag niya sa mga babae. Na-disappoint lamang siya nang makitang wala man lamang itong pakialam.

“Guys, paano ba yan? Aalis na muna ako’t mukhang may PMS ‘yan at hindi napansin ang kagwapuhan ko,” pagpapaalam ni Sky sa kanila at kunwaring ibinaling ang atensyon sa babaeng inaya siyang sumayaw. Sino kaya ang mataray na babaeng ‘yon?

Wala sa dance floor ang isip niya habang kasayaw niya ang babaeng nag-aya sa kanyang sumayaw. Nasa babaeng tinarayan siya. Unang pagkakataon na ginawa sa kaniya iyon at hindi siya makakapayag na ganoon na lamang ang i-trato sa kaniya niyon. I’m the fantasy of every girl. You, treating me that way is a serious crime… and I find it interesting. I swear you’ll regret it treating me like that. Pilyong ngiti ang sumilay sa gwapo niyang mukha sa naisip niyang iyon.

About sweetlemon07

I'm writing to express. I don't care if they are not impressed.

Talakayan

20 thoughts on “You are my Sky, France_Chapter One

  1. Kainis nmn ang mga kagaya ni france and friends nya,,feeling!

    Posted by morena | Oktubre 1, 2014, 4:03 hapon
  2. Nice story🙂

    Posted by uhydee | Oktubre 10, 2013, 12:33 umaga
  3. taray naman…

    Posted by jjhuls | Pebrero 11, 2013, 5:49 hapon
  4. ganun..battle n..jejeje

    Posted by alma | Setyembre 9, 2012, 7:03 hapon
  5. wow,gnda naman hmhm nkaka excite

    Posted by Khrishna | Agosto 25, 2012, 12:17 hapon
  6. Ganda ng story!

    Posted by helloyellow | Enero 31, 2012, 2:43 hapon
  7. Nice!!

    Posted by blueboy | Enero 30, 2012, 12:18 umaga
  8. I will read the next chapter immediately

    Posted by blueboy | Enero 29, 2012, 11:41 hapon
  9. first encounter pa lang – war na

    Posted by maritel go teves | Enero 14, 2012, 9:02 hapon
  10. Wa2 nman ni pahpah…hehehe nkhnap ng ktpat

    Posted by yuuna | Disyembre 3, 2011, 10:35 hapon
  11. parang maganda sya, next chapter na nga…

    Posted by Liv | Nobyembre 11, 2011, 11:02 umaga
  12. first impressi0ns last. Ala badsh0t na una palang jejejeje

    Posted by jajah | Marso 29, 2011, 4:33 umaga
  13. i am so excited with this story!!! i love it!!!

    Posted by xtatix | Pebrero 25, 2011, 2:24 hapon
  14. ang ganda ng story😉 thanks sweetlemon

    Posted by mane | Enero 7, 2011, 5:40 hapon
  15. ang ganda ng story..

    Posted by mane | Enero 7, 2011, 5:40 hapon
  16. @majasoledad i hope you that perspective wont chance., eheheh
    @lhinea thanks!
    @gracy., ate gracy! taray talaga yan., ahahahha

    Posted by sweetlemon07 | Disyembre 11, 2010, 10:10 umaga
  17. taray ni frances, he he he!!! thank you

    Posted by gracy | Disyembre 9, 2010, 7:32 umaga
  18. it’s interesting…..

    Posted by lhinea | Disyembre 6, 2010, 12:50 hapon
  19. nice story..cant wait for the next chapter

    Posted by majasoledad | Disyembre 6, 2010, 11:52 umaga

Ano ang iyong masasabi sa iyong nabasa?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

TOP Calendar

Disyembre 2010
M T W T F S S
« Nov   Jan »
 12345
6789101112
13141516171819
20212223242526
2728293031  

Mga Istorya

Aming Nakaraan

%d bloggers like this: