binabasa mo ang...
Haven’t I Met You Yet?

Chapter 10 – Haven’t I Met You Yet?

“MARRY me again Suzzane!” nakangiti nitong sabi.

“Wow, ang sweet naman!”, “Nakakainggit! Sana ako rin.”, “How romantic.” “Kung ganyan lang din naman kagwapo ang mapapangasawa ko, hinding-hindi ko na pakakawalan!”, “Ang swerte naman niya!”, “Bagay na bagay sila.”

‘Yan ang mga naririnig niyang komento ng ilang bisita na naroon. Hindi niya akalain na ito ang magiging surpresa ni Zyro sa kanya.  Naiiyak siyang tumango bilang pagsang-ayon sa proposal uli ni Zyro. At lahat nang nandoon ay pumalakpak sa kagalakan.

Pero lingid sa kaalaman ng lahat, sa isang sulok, may isang pares ng mata ang naniningkit sa inis at galit. Hindi ito makakapayag sa kaligayahan ng dalawa. “I will make your lives miserable!” usal nito.

ISA-ISA NG NAGSIUWIAN ang mga bisita. Lahat ay nakangiti habang nagpapaalam. “Congratulations!” Ang sinasabi ng mga bisita habang papaalis na.

“I’m so happy for the both of you” si Melody. “Congrats!”

“Thank you Melody.” sabi niya.

Ngumiti ito. Ngiting hindi niya maintindihan. “Well, I have to go. Medyo tipsy na ‘ko.”

“Ihahatid ka na lang ni Zyro, kung gusto mo Melody.” may pag-alalang sabi niya kahit may kabang nadarama siya ngayon. “Hindi ba honey?” baling niya sa asawa.

Tumango lang si Zyro.

“No need. I can manage.” tanggi nito. Tumingin ito kay Zyro at ngumiti ng kay tamis. “Meron naman akong driver na magdadrive para sa kin. Besides, baka makadisturbo lang ako sa honeymoon stage ninyo. Anyway, I had fun.”

“Are you sure hindi ka na magpapahatid?”

“Hundred percent!” kumindat pa ito. “Bye Suzzane. Bye Zyro.” Nagpaalam na rin ito.

“O, bakit wala kang imik diyan?” tanong niya kay Zyro.

Yumakap ito sa kanya. “Nothing. Tara na, matulog na tayo. I’m just tired.” bulong nito.

“Okay.”

“SIR?”

“What is it?” tanong niya sa sekretarya sa telepono.

“Someone’s on the phone. S-she w-wants to talk to you.” nauutal pa nitong sabi.

“I told you, I won’t entertain any calls except it’s emergency.” nagtitimpi niyang sabi.

“Yes sir pero kanina pa po ito tumatawag eh.”

Huminga siya ng malalim. “Who is she?”

“M-melody daw po.”

Dammit! “Okay, let me talk to her.”

“Y-yes sir.”

Naghintay siya ng ilang segundo nang may nagsalita sa kabilang linya.

“Salamat naman at tinanggap mo ang tawag ko.”

“What now, Melody?!” malamig niyang tugon.

“Hindi iyan ang inaasahan kong magiging tugon sa ‘yo sweetheart! You should be nice to me.” maarte nitong sabi. “I know you still want me.”

“I have no time of playing around Melody. I love my wife. So, stop this nonsense!”

“Hindi mo mahal si Suzzane, Zyro. Panakip-butas mo lang siya noon hindi ba?” may galit na sa tinig nito.

“You’re crazy Melody.”

Tumawa ito ng malakas. “Yeah, crazy in love with you sweetheart! At hindi ako makakapayag na aagawin ka nang kung sino mang babae Zyro. Not even Suzzane, that bitch!”

“You’re just wasting my time Melody.”

“You’ll regret it Zyro. I will ruin your life.”

“I won’t allow it. So please, l-e-a-v-e-u-s-a-l-o-n-e!” ibinaba na niya ang telepono.

“YOU TWO call me if you’re done shopping, okay?” tugon niya kina Shary at Khylla sabay kuha ng pera sa pitaka niya at iniabot sa dalawa. Nasa isang sikat na Pizza parlor sila at katatapos lang nilang kumain.

“Wow, ate Suzzane thank you!” nakangiting sabi ni Shary.

“No need ate Suzzane, may allowance pa naman ako. Baka mapagalitan pa ako ni kuya Zyro.!” si Khylla.

“Regalo ko ‘yan sa inyo, ano! At saka, akong bahala sa kuya mo!”

“Hmmm, sige na nga.” She smiled. “Para kang si Ate Clarisse. Salamat ate Suzzane.”

“No problem. Maggo-grocery muna ako.”

“Bye ate!” sabay pang nagpaalam ang dalawa.

Nang maiwan siyang mag-isa, agad niyang binayaran ang kinain nila. Nang marinig niya ang sariling message alert tone. Who’s texting me? Hmmm.. Only number. And she open it to read.

Good day MRS. DELA RIVA! I know your married with Zyro. And he said he loves you, right? Don’t trust his words. I’m warning you!

Bigla siyang kinabahan. “Don’t trust?” Ipinilig niya ang ulo, hinding-hindi niya papatulan ang paninirang ito. Hindi niya sisirain ang tiwalang binigay niya ng buong-buo kay Zyro. “Stupid texter!”

Dali-dali niyang binura ang mensahe nang tumunog uli ang cellphone niya. The same number!

I know you would just delete and ignore my text. I’m just a friend and concern about you. I thought you learnt your lesson after your accident because of him. Don’t be so naive.

Shock!

Accident?! Bakit niya alam ang naging aksidente ko? Because of Zyro? Anong kinalaman ni Zyro sa aksidente ko?

Biglang sumakit ang ulo niya. At nang akmang tatayo na siya ay bigla siyang nahilo. Mabuti nalang ay may biglang umagapay sa kanya.

“Ma’am, are you okay?” may pag-alalang tanong ng isang crew doon.

“Oh, thank you!” pilit siyang ngumiti. “I’m okay now. Where’s your rest room?”

“This way ma’am.”

Nang makapasok sa rest room, tiningnan niya ang sarili sa salamin. Namumutla siya. Ngayon lang niya napagtanto na parati siyang nahihilo. Hindi niya alam kung bakit. At parang naduduwal siya.

Nagulat pa siya ng tumunog na naman ang cellphone niya. This time, hindi na text kung hindi tawag na. Hindi na niya tiningnan kung sino ang tumawag at sinagot niya ito.

“Will you stop texting me nonsense?” pasigaw niyang sabi. “If you have nothing to do in life, stop bothering me!”

“Huh!? Suzzane? Are you okay? Who’s bothering you?” sunod-sunod na tanong ng tinig ng lalaki sa kabilang linya.

Napakagat-labi siya. Kilala kasi niya ang nasa kabilang linya. “Kuya Caleb! Ah-eh, sorry nasigawan kita. Akala ko, ikaw ‘yong prank texter!”

“It’s okay brat. Where are you? Are you okay? Pupuntahan kita.”

“Huh? As in now? Ang la—”

“I’m here in Manila. Kaninang umaga lang ako dumating.” putol nito sa sasabihin niya. “Shary told me na nasa mall kayo kaya I’m on my way there.”

“Wow, I’m glad you’re here. Just call me if you’re here already. Maggo-grocery muna ako!”

“Okay! See you later.”

Pagkaraan lang ng ilang minuto ay tumunog uli ang cellphone niya. Sinagot agad niya ito ng malamang ang kuya Caleb niya ang tumatawag.

“Yes kuya Caleb. Nandito ako ngayon sa grocery store.” sabi niya. ”

“Puntahan mo nalang ako rito sa counter seven kuya Caleb.” Sabi niya.

“Are you sure you’re okay Suzzane?” tanong ng nasa kabilang linya.

“Yeah, don’t worry. Ibaba ko na ‘to kuya Caleb ha, magbabayad muna ko!” she lied.

“Okay. Anyway, malapit na ako diyan!”

Ibinalik na niya ang cellphone niya sa kanyang bag at nagbayad na sa cashier. Habang hinihintay niya ang mga pinamili na mabalot ay bigla siyang nahilo. Unti-unting nabalutan ng dilim ang kanyang mga mata at parang unti-unti na rin siyang natutumba. Iniisip niyang mababagok ang kanyang ulo pero hindi ito nangyari. Habang dumidilim ang kanyang paningin ay naramdaman niyang may sumalo sa kanya at narinig pa niya ang pagtawag nito sa pangalan niya. Iyon lang at nawalan na siya ng malay.

“THANK YOU at bumalik ka kuya Zyro, kumusta na si ate Suzzane?” nag-alalang tanong ng kapatid niyang si Khylla, katabi nito si Shary, kapatid ni Suzzane. Kararating lang niya sa mall para sunduin ang asawa at ang dalawang dalaga.

Kunot-noo niyang pinagmasdan ang dalawa. “What are you talking about? Bakit? Anong nangyari kay Suzzane? Hindi ko siya kasama.”

“Hindi ikaw ang sumundo kay ate?” kunot-noo namang tanong ni Shary. “Nang hanapin kasi namin si ate Suzzane sa grocery store ay narinig namin ang kwento ng isa sa mga saleslady doon na may magandang babae raw ang nahimatay. Nang hindi namin mahagilap si ate, we thought siya yong babaeng nahimatay.”

“Napansin kasi namin, kanina pa, na hindi maganda ang pakiramdam ni ate Suzzane.” Patuloy ni Khylla.

“Why didn’t you called me then?” nag-alala niyang tanong.

“Akala naming na ikaw yong sumundo sa kanya kasi may lalaki raw ang bumuhat kay ate.”

“Dammit!” nasabi nalang niya. “Let’s go home!”

Halong pag-alala at galit ang naramdaman niya ngayon. Talagang nag-alala siya sa asawa dahil nahalata rin niya ang pamumutla nito. Pero hindi niya mawaglit sa kanyang isipan ang sinabi ni Melody sa kanya.

“Alam mo bang nakita ko si Suzzane na may kasamang ibang lalaki?” sabi ni Melody na nasa kabilang linya.

“Ano na naman ito Melody? Will you stop destroying our relationship?” naiinis niyang sabi.

“I’m just concern about you, honey! I thought it was you but when I’m about to approach you, hindi pala ikaw.” Patuloy nito pagkatapos ay tumawa ng malakas. Tiim-bagang tinapos na niya ang tawag.

“Kuya, hinay-hinay naman diyan sa pagda-drive oh!” reklamo ni Khylla na nagpabalik ng katinuan niya. “Mababangga tayo niyan eh.”

“I’m sorry.”

SAMANTALA.

“Kuya Caleb, salamat sa paghatid ha. Hindi ka na ba talaga papasok muna sa loob?”

Nasa loob sila ng sasakyan nito na nasa tapat ng bahay ng mga dela Riva.

“Hindi na.” sagot naman nito na nakangiti. “Dadalawin nalang kita sa susunod. Kailangan mong magpahinga ngayon lalo na’t magkakababy ka na.”

Namula siya at pagkatapos ay ngumiti. “Ahm kuya Caleb, about the baby, pwedeng huwag mo muna ipaalam it okay mommy at daddy? Gusto ko kasi sabay-sabay silang surpresahin lahat.”

Ginulo nito ang buhok niya. “No problem, brat!”

“Kuya naman eh, hindi na ako bata noh! Eto na nga o, magkababy na nga ako.” Kunwa’y reklamo niya.

Tumawa ito. “You are always my little brat.”

Pagkatapos humalik sa pisngi ay lumabas na siya sa sasakyan ng pinsan at agad na nagdoorbell.

Lingid sa kaalaman ni Suzzane ay may isang pares ng mata ang nagmamasid sa kaniya.

About blythe sapphire

a graduate of Bachelor in Science of Electronics and Communication Engineering but! a frustrated writer ;)

Talakayan

17 thoughts on “Chapter 10 – Haven’t I Met You Yet?

  1. Alam ko n ending,,hehe

    Posted by morena | Setyembre 16, 2014, 4:39 hapon
  2. Hala pano na to. .

    Posted by eli | Nobyembre 2, 2013, 12:20 hapon
  3. nakakatakot naman ‘yung may “matang pares ang nagmamsid”

    LOL
    super excited for the next chap

    Posted by zyn | Mayo 20, 2013, 12:19 umaga
  4. very nice

    Posted by jjhuls | Oktubre 24, 2012, 9:47 umaga
  5. .who could that be?.whaahh..

    Posted by michsoliva | Abril 3, 2012, 5:05 hapon
  6. OMG!!cnu kaya ung nakamasid sa knila? . .

    Nkakainix tlga ung melody na un!! panira!. .bwiset!!

    c zyro aman if uxto tlgang manlalake ni zane nuon pa nuh!!

    Posted by pazawaiy_1901 | Marso 16, 2012, 1:46 hapon
  7. yan kc dpt ipakilala tlga lhat ng relatives kat n ung pics lng pra la duda n mngyari.hehe.

    Posted by belle garcia | Pebrero 1, 2012, 3:01 umaga
  8. kakainis talaga yang c melody…

    Posted by Liv | Nobyembre 9, 2011, 8:47 hapon
  9. it´s selosan time hahahaha and what´s wrong with that melody-girl she´s such a bitch.. just get a life, gurl hehe

    Posted by Pinkbelle | Pebrero 12, 2011, 1:31 umaga
  10. GANDA ng story… please post the next chapter. cant wait to read.

    Posted by cinderella | Disyembre 9, 2010, 7:54 hapon
  11. ganda!!…hay nakakabitin naman lalu…waahh sana po araw araw posting…

    Posted by eizzy | Disyembre 6, 2010, 12:07 umaga
  12. ganda..
    haha
    anu kya ngyari bat xa naaksindente?
    kaasar c melody bwisit…

    Posted by alexis_shawn27 | Disyembre 5, 2010, 6:04 hapon
  13. ang ganda

    Posted by irese | Disyembre 5, 2010, 4:43 hapon
  14. naks, magkakababy na sila.
    haha. selos? kelan nya kya maaalala lahat?
    I hate melody. grr.

    Posted by candy | Disyembre 5, 2010, 4:04 hapon
  15. Oh my!!!she’s preggy!!!!kainis tlaga c melody….panira as in!!!grrr

    Posted by April<3 | Disyembre 5, 2010, 3:24 hapon
  16. hehehe.. nagselos nga sa pinsan…

    Posted by Dana Faye andrew-Fonacier | Disyembre 5, 2010, 1:51 hapon
  17. hahaha magseselos sa pinsan ng asawa..

    Posted by angela287 | Disyembre 5, 2010, 11:34 umaga

Ano ang iyong masasabi sa iyong nabasa?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

TOP Calendar

Disyembre 2010
M T W T F S S
« Nov   Jan »
 12345
6789101112
13141516171819
20212223242526
2728293031  

Mga Istorya

Aming Nakaraan

%d bloggers like this: