binabasa mo ang...
Haven’t I Met You Yet?

Chapter 9 – Haven’t I Met You Yet?

“CAN’T SLEEP?”

Lumingon agad si Zyro kung saan nandoon ang nagsalita.

“Sis!” sabi niya. “Kinda.” sagot niya sa tanong nito habang hawak-hawak ang isang baso na may laman na alak.

“You already told her the truth?”

Umiling siya. “Not yet!”

Napansin niya ang pagtitig sa kanya ng kapatid.

“What?” aniya.

“Nothing! I can’t help you with your problem if you won’t tell me. But I’ll just give you an advice.” sabi nito. “If you love her, put away your pride and be brave enough to tell her. Huwag mong gawing komplikado ang isang bagay na hindi dapat.”

Tinapik siya nito. “Pag-isipan mo yan. Oh sige, matutulog uli ako.”

Tango lang ang naging sagot niya.

“GOOD MORNING SU!” bati sa kanya ni Alfie nang makarating siya sa dining area. “You’re early?” Alfie is currently preparing his breakfast.

“Good morning!” binati rin niya ito habang palinga-linga siya na parang may hinahanap. “Maaga lang talaga akong nagigising.”

“Come and join me. Ano ang gusto mo?”

“Coffee is fine” sagot niya sabay upo. “Where’s everybody?” she asked.

“In his office” nakangiting sagot nito na tila nanunudyo.

She rolled her eyeballs. “I’m not asking about him, Alfie!”

Tumawa ito. “Here!”

“Thank you.” Uminom muna siya bago nagsalita ulit. “Don’t look at me like that!”

“What?” angal nito.

“Whatever. Anyway, ang sarap mo palang magtimpla ng kape. Bakit ikaw lang ang naghahanda ng breakfast mo?”

“I can manage. At saka, yaya Tis is already old. She needs to relax.”

“Sabagay!” kibit-balikat niyang sabi. “Hmm, Alfie! Pwede mo ba akong ihatid sa bahay namin?”

“Why? I thought you’re gonna stay here!”

Umiling siya. “I’m going back to Australia by tomorrow. Uuwi ako sa bahay ngayon para naman makasama ko sila Mommy.”

“Your flight has been canceled.”

Nawindang siya sa narinig. “W-what?” she exclaimed. “Are you kidding?”

Napakamot si Alfie sa ulo nito. “Hey! Easy. But I’m not kidding! Pinacancel ni Zyro ang flight mo at pinakuha pa niya sa akin ang mga gamit mo sa hotel!”

Naningkit ang kanyang mga mata sa narinig. “Oh my! What was he thinking?” galit niyang sabi sabay tayo.”Tumayo ka at ipagdadrive mo ako!”

“Sa’n tayo pupunta?”

“Sa magaling mong kapatid. Magtutuos kami.”

“Hindi mo siya pwedeng puntahan ngayon Suzzane. At this time, may meeting pa siya.”

“I don’t care!”

Walang nagawa si Alfie kundi sumunod nalang sa kanya. Parang nahihiya naman siya rito dahil sa inutusan niya ito pero hindi na niya inisip ‘yon. Sa ngayon galit talaga siya kay Zyro dahil pinangungunahan na naman siya.

“IHINTO MO nalang sa may entrance.” sabi niya.

Nang nasa tapat na ng pinto ay agad siyang bumaba ng sasakyan. Dumiritso siya sa pagpasok sa building nang may naalala. “Crap! Hindi ko pala alam kung anong floor ang opisina ni Zyro!” Binatukan niya ang sarili dahil hindi muna siya nagtanong kay Alfie.

“Excuse me miss. What can I do for you?” untag sa kanya ng isang babae.

“Saang floor ang opisina ni Zyro dela Riva?”

Nakita niya ang pagtaas ng isang kilay nito. “Do you have any appointments to Mr. dela Riva?”

“Yes!”

Tiningnan siya nito mula ulo hanggang paa na parang nananantiya. Aba’t nakakainsulto ang isang ito ah?

“Wait for a second miss. I have to confirm it first to his secretary.”

Hindi na siya sumagot pa.

“May babae kasi dito na naghahanap kay sir Zyro. Ewan ko ba, sabi niya may appointment siya kay sir.” narinig niyang sabi nito. Medyo hininaan ng babae ang pagsasalita nito pero narinig pa rin niya. “No. Not his type! Naka jeans at t-shirt lang ito at may makapal na eyeglasses! Isa na naman siguro sa nabaliw kay sir!”

Hindi na siya nakapagpigil. “Tapos na ba ang pagtsitsismisan niyo diyan? Pwede mo na bang sabihin kung saan ang opisina ni Zyro?” medyo nagagalit na siya.

“Sorry miss pero walang ibang appointment ngayon si Sir.”

“I don’t care! Just tell me where his office is!”

“Miss, umuwi nalang kayo. Wala kang mapapala dahil hindi pwedeng disturbuhin si Mr. dela Riva!”

“Alam mo miss? Kanina pa ko nagtitimpi dito.”

“Huwag kang mag-iskandalo rito. Kundi tatawag ako ng gwardiya! Guard!” tawag nito sa guard. “Ipalabas mo ng ang babaeng ito, nag-iiskandalo na rito.”

“What’s going on?”

Napalingon sila sa nagsalita. Si Alfie. Thank God!

“Good morning sir.” biglang bumait ang babae. “Ahm, this woman..”

“Alfie!” sambit niya na nagpagulat sa babae. Binara niya agad ito. “What floor?”

“Tenth floor!”

“Okay! Thank you” sabi niya at diritso na siya sa may elevator. “Oh by the way Alfie,” habol niyang sabi.  “I think kailangan niyo ng magtanggal ng tauhan.” sabi niya sabay tingin sa babaeng nasa front desk. Nakita niya ang pamumutla nito.

Pagkarating niya ay tuloy-tuloy siyang pumasok sa loob ng opisina. Hindi niya pinansin ang secretarya ni Zyro.

“Zyro!”

“Suzzane! What a surprise!” nakangiting sabi ni Zyro kahit nabigla ito ng makita siya. “Did you miss me honey?” pang-iinis nito sa kanya. Tumayo ito at dahan-dahang lumapit sa kanya.

Kunot-noo niya itong tinitigan. “Don’t flirt with me Mr. dela Riva. I really hate it!”

“Ouch! Alam mo bang ikaw pa lang ang nagsabi niyan?” kunway nasasaktan ito sa sinabi niya. “But I wonder why you hate it! “Isang dipa nalang ang layo nila.

“Oh, stop it! Don’t come near me!”

Tumawa ito ng malakas. “Natatakot ka bang mahulog ang loob mo sa akin?”

“Ang taas ng confidence mo ha! Hinding-hindi kita magugustuhan Zyro.”

He smiled. “Talaga lang ha!”

Napalunok siya dahil parang magyayari na naman ang nangyari kagabi!

“Bakit ako, unti-unti na kitang nagugustuhan?” malapit na ang mukha nito sa kanya kaya langhap niya ang bango nito.

Nagulat siya sa narinig. Totoo ba ang narinig niya o guni-guni lang niya iyon?

“Zyro, we need..” Hindi na niya natuloy ang sasabihin dahil siniil na siya nito ng halik.

Labanan mo ang nararamdaman mo Suzzane. Hindi ka niya mahal. Pinaaasa ka lang niya.” sabi ng utak niya.

“Huwag kang manhid Suzzane. Mahal mo siya!” sabi naman ng puso niya.

Umiling siya na nagpapahiwatig ng protesta pero lalo lang hinigpitan ni Zyro ang pagkakahawak nito sa kanya.

“Kiss me back, honey!” pabulong na sabi nito. Para naman siyang nahihipotismo dahil tinugon niya ang halik nito.

Naging mapusok ang halik na yon. Ang kamay ni Zyro ay kung saan-saan na dumadapo. Hinihimas ang bawat kurba ng katawan niya.

“I want you Suzzane…!”

NAGING masaya at maganda ang sumunod na mga araw sa kanila nila Zyro at Suzzane. Simula ng may mangyari sa kanila ay parang mga bagong kasal na ayaw mapaghiwalay.

“I’m happy for you Zane.” nakangiting sabi ni Sherie sa kanya. Nasa mall sila at nagsho-shopping.

She smiled. “Thank you Sherie. I can’t explain how happy I am right now.” sabi niya habang namimili ng damit.

“Kita nga sa mga ngiti mo oh!”

“By the way Sher, may napaginipan ka na ba na parang nangyari na sayo?”

“Ha? Hindi pa, bakit?”

“Kasi, I have this dream na parati kong napanaginipan. May isang lalaki at isang babae pero hindi ko namukhaan. And worst, naaksidente ako.” kwento niya at nagkibit-balikat siya. “Ang natatandaan ko lang na aksidente ay noong outing natin papunta sa Baguio, according to my mommy.”

Nakita niya ang pamumutla ni Sherie. “Ganun ba?”

“Yeah! Anyway, wag na nga natin pag-usapan yan. Maloloka lang ako.” Tumawa siya.

“SUZZANE, natawagan mo na ba ang mommy at daddy mo?” tanong sa kanya ni Doña Felisse. Kasalukuyan siyang gumagawa ng Lasagna para sa party mamayang gabi.

“Yes, ma.” sagot naman niya. “Yaya Tis, magpahinga na muna kayo. Ako na ang bahala dito.” baling naman niya sa matanda.

“Naku, Ineng! Hindi ako sanay na walang ginagawa.”

“Tama si Suzzane, manang Tis. At saka marami namang katulong.” Segunda ni Zyro. “Good morning hon.” baling sa kanya sabay halik. “Good morning ma.”

“Morning hon. O, ang aga mo ata? Akala ko hindi ka papasok ngayon? Kaya hindi na kita ginising.”

“May meeting pala ako ngayon sa isa sa mga investors” paliwanag nito. “Muntik ko ng makalimutan.”

“Sino magsusundo kay Khylla, Zyro?” tanong ng mama nito. “Si Alfie naman, hindi makontak-kontak. Ewan ko sa batang ‘yon!”

“Ako nalang po Mama. May lisensiya na naman po ako!” pagpresinta niya.

“Are you sure hija?”

“Baka hindi mo makayanan ang sobrang traffic hon.” may pag-alalang sabad naman ng asawa niya.

Ngumiti siya. “Opo. Don’t worry hon. Anyway, hindi ka na ba mag-aalmusal?”

“Hindi na siguro. Baka malate nako.”

“Okay. Take care.”

“I love you.”

“I love you too.”

NASA airport na siya at naghihintay kay Khylla. Hindi naman siya nainip sa paghihintay nang may nagsalita sa kanyang likod.

“Ate Suzzane?” panigurado nito. “Ikaw nga! Wow, ang ganda mo sa personal.” bulalas nito. Hindi siya makahuma agad dahil bigla siya nitong niyakap. “I can’t believe you’re my kuya’s wife.”

She smiled. “I’m glad to see you Khylla. I’ve heard so much about you.” Kinuha niya ang maleta nito para ipasok sa kotse.

“Really? I hope its not negative.”

Nakasakay na sila sa kotse. “Don’t worry, magaganda naman ang sinabi nila sayo.”

“WOW!” bulalas niya.

“Do I look like a model now, ate Suzzane?” nakangiting tanong nito habang nagpopose ito sa harap ng salamin.

“Hay naku! Magkakasundo talaga kayo ng kapatid ko.”

“Can’t wait to see her!” she said. “By the way, dumating na ba si kuya Zyro?”

Natigilan siya. Kanina pa niya tinatawagan si Zyro sa cellphone nito pero hindi sumasagot. Nang hindi siya makasagot ay tinapik siya ni Khylla.

“Don’t worry too much about kuya. Baka natraffic lang ‘yon.”

“O siya! Labas na tayo. Tiyak kanina pa tayo nila hinihintay.”

O ANAK, sa’n na ang asawa mo?” tanong ng kanyang daddy.

“Huh?”

“O andito na pala ang asawa mo Suzzane.” sabad ng mommy niya. Bigla siyang napalingon sa kinaroroonan ng asawa.

Bigla kumirot ang puso niya sa nakita. May kasama itong magandang babae.“Kaya pala hindi ka sumasagot sa tawag ko. May kasama ka palang babae!”sabi ng utak niya. Pero ipiniksi niya iyon dahil ayaw niyang manghusga.

“Ate Suzzane, hinahanap ka ni kuya Zyro.” sabi ni Shary na kakabalik lang galing sa pakikipag-usap kay Khylla.

“Dad, mom, puntahan ko na muna si Zyro.” paalam niya sa mga magulang na busy sa pakikipag-usap sa mga kakilala.

“Tawagin mo lang ako kung kailangan mo ng resbak.” dagdag nito na pabulong lang na sinabi.

Pilit siyang tumawa dahil alam niya kung anong ibig sabihin ng kapatid. “Loka!” sabi niya at lumakad na patungo kay Zyro.

Nang medyo malapit-lapit na siya sa ay namukhaan niya kung sino ang babae.

“Suzzane, it’s that you?”

“Melody!!!?” salubong ang kilay na sabi niya. Tiningnan niya si Zyro pero wala lang man itong reaksiyon.

Humalik muna ito sa kanyang pisngi bago nagsalita uli.

“I know na hindi naging maganda ang una nating pagkakilala and I’m sorry. It’s really my fault.” nakangiti nitong sabi. Pero hindi siya sigurado kung totoo o nagkukunwari ito.

“It’s okay.  Nakalipas na iyon.” aniya.

She smiled. “Good!” Inilahad ni Melody ang kamay. “Friends?”

“O-Okay.”

“Melody, hija!” putol naman ng mama ni Zyro.

“Tita, long time no see po.” tugon nito sa matanda. “Kumusta na po kayo?”

“I’m very good hija.”

“Excuse us.”

Sumama si Melody sa matanda at naiwan silang dalawa ni Zyro.

“Sana man lang nagtext ka o tumawag man lang na magkikita pala kayo ni Melody.” malamig niyang tugon. “Para hindi ako nagmumukhang tanga sa pag-alala sa iyo. Ni hindi mo man lang sinasagot ang mga tawag k—-”

Hindi niya natuloy ang sasabihin nang bigla siyang niyapos ng yakap ni Zyro. “My jealous wife!” nakangiti nitong bulong. “Sorry to worry you. My phone was left in my office, sa kakamadali kong umuwi.”

Para siyang maiiyak pero pinigil lang niya. “A-and M-mel–”

Iniangat nito ang kanyang mukha gamit ang dalawa nitong mga kamay at nagtitigan sila. Ngumiti na naman ito. “Aksidenteng nagkita lang kami ni Melody sa mall. I invited her ’cause she’s a family friend. Nothing more. Nothing less, okay? So, my lovely wife, please forgive me?” pagsusumamo nito at bigla siyang hinalikan. Masuyong halik.

The kiss takes her worries away. Tuwang-tuwa ang kanyang puso. Hindi niya maintindihan ang nararamdaman niya ngayon. So happy.

“Now smile honey and I have a surprise for you.”

“Huh?”

Lumakad na sila patungo sa karamihan. At lahat ng atensiyon ay sa kanila nakatuon. “Alam mo ba kung bakit sila nakatingin sa ‘tin?” bulong nito habang naglalakad.

She shook her head.

“”Cause you’re so beautiful and sexy. Ako pala ang dapat na magselos nito eh. Lahat ng mga lalaki ay nakatingin sayo.”

Sinundot niya ito at tumawa. “Bola! You don’t have to because I’m all yours, hon.”

“Thank you hon.”

“Lovely couple!” Narinig pa niyang komento ng isang ginang. Lumakad pa sila nang may tumawag sa asawa.

“Zyro!” tawag ng isang lalaki.

Nakipagkamay ito sa asawa. “Tito, kumusta po?”

Ngumiti ito. “I’m stronger as a bull. Anyway, you didn’t tell me that you have a lovely wife. Malihim ka na ngayon Zyro.” tukso nito.

“Kailangan po tito baka po maagaw pa sa akin.” ganting biro rin nito. Siya naman ay pangiti-ngiti lang. Mabuti nalang at gabi na, kung hindi mapapansin ang pamumula ng pisngi niya. “By the way, Suzzane Sierra dela Riva, my dearest wife. ” pagpapakilala nito sa kanya. “Hon, this is my Tito Havier Jayme.”

“Hello po Mr. Jayme.” nakangiti niyang bati sa matanda at inilahad niya ang kamay.

“You better should hijo.” Kinuha nito ang kamay niya at hinalikan ito. “Nice meeting you hija. It’s better if you call me Tito.”

“Opo tito.”

Ipinakilala siya ni Zyro sa mga piling bisita. And all of them praise her beauty. Nahihiya man ay unti-unti itong nawawala dahil hindi siya iniiwan sa tabi ni Zyro. Hindi siya nito binibitawan. Nagmukhang party na nila iyon sa halip na “welcome home party” ni Khylla. Sa kanya niya nakatuon ang mga tao doon.

“Maiwan na muna kita dito ha.” paalam ni Zyro sabay tayo.

“Teka! Where are you going?” takang tanong niya.

“Secret!” biro naman nito.

Hindi niya akalain na pupunta ito sa mini stage. Kinuha nito ang gitara at mekropono.

“Hello. Mic test!” pasimula nito. “Good evening everyone. May I have your attention please.” sabi nito. Lahat ng bisita ay nahinto sa kanilang ginagawa at tiningnan si Zyro. “Ahm, I would like to thank you for coming tonight. Though, this is my sister’s party, I would like to take the chance to express my love to my lovely wife over there.”

Itinuro siya nito kaya naman lahat ng mga tao doon ay sa kanya nakatingin. Sa halip na mahiya, gulat at galak ang kanyang nararamdaman. She didn’t expect this.

Narinig niya ang hiyawan at palakpakan.

“I dedicate this song to you hon, entitled ‘Wonderful Tonight’.” At sinimulan na nitong kumanta.

Hindi na niya masyado narinig ang palakpakan at hiyawan ng mga bisita dahil sa kaligayahan. Naiiyak na siya sa sobrang saya. Am I dreaming? Totoo ba ito? Ang gwapo ng asawa niya at mas gumwapo ito ng magguitara ito.

Hindi niya namalayan na tapos na itong kumanta. Natauhan lang siya ng marinig ang palakpakan.

Nakita niyang may dinukot ito sa pantalon. A box. Napasinghap siya. “Oh no!”

“Thank you. I’ll grab this opportunity to ask. Will you marry me again Mrs. Suzzane Sierra dela Riva?”

About blythe sapphire

a graduate of Bachelor in Science of Electronics and Communication Engineering but! a frustrated writer ;)

Talakayan

24 thoughts on “Chapter 9 – Haven’t I Met You Yet?

  1. Oh yeah….

    Posted by morena | Setyembre 16, 2014, 4:31 hapon
  2. oh how sweet🙂

    Posted by luvlyangel | Disyembre 7, 2013, 1:28 hapon
  3. Sweet nman. .

    Posted by eli | Nobyembre 2, 2013, 12:13 hapon
  4. how sweet,., kilig me much

    Posted by zyn | Mayo 20, 2013, 12:05 umaga
  5. kakakilig

    Posted by jjhuls | Oktubre 24, 2012, 9:44 umaga
  6. Ang sweet!!!kakakilig!!

    Posted by alma | Agosto 30, 2012, 4:26 hapon
  7. uhm. .parang bitin lan pu aque diz chapt. .kc parang ang biliz ngpunta lan xa dun sa ofiz den after dat oqei na cla.. .

    mas maganda pu cguru if nangyari un sa chapt 8. .
    maz acceptible pu cguru hehe. .piece =)

    Posted by pazawaiy_1901 | Marso 16, 2012, 1:30 hapon
  8. waaah ngpropose how sweet. kakilig nmn.hehe. maxado n clang sweet.hehe

    Posted by belle garcia | Pebrero 1, 2012, 2:55 umaga
  9. aaaaaawwwwww how sweet naman… kakaingit!!!😀

    Posted by Pinkbelle | Pebrero 12, 2011, 1:22 umaga
  10. second marriage?? why not?? khit mejo biglaan ang lahat ng change mood..wapakeks!! naiintriga n ako s amnesia ni zane.. ayieee

    Posted by bainisah | Disyembre 29, 2010, 2:32 hapon
  11. yown. kakasal ulet..

    kelan po next chapter?

    Posted by angel_YL | Disyembre 5, 2010, 5:04 umaga
  12. Infairness, 100 pogi points si papa Zyro.hehhehehe~

    Posted by beautiful_mary | Disyembre 5, 2010, 1:33 umaga
  13. waaahh bitin parang mejo naguluhan po ako hehehehe…ung dream diba un ung nangyari nung naaksidente si zane kaya nag ka amnesia…ehehehe

    Posted by eizzy | Disyembre 4, 2010, 11:53 hapon
  14. waah..kinilig ako doon ha..;p

    Posted by ktine | Disyembre 4, 2010, 11:28 hapon
  15. waaaaaahhh! pwede bang araw- araw ang posting nito para may mabasa ako. Npakaganda ng storya. Please naman!!!!!!!!!!

    Posted by ramielle | Disyembre 4, 2010, 6:28 hapon
  16. about her dream? haaay, nakakaloka. feeling ko, ung babae at lalaki sa panaginip nya e si zyro and melody, tpos un naaksidente sya.🙂

    Posted by candy | Disyembre 4, 2010, 5:37 hapon
  17. 🙂 excited na ko sa next chapter. can’t wait for tomorrow. :))

    Posted by candy | Disyembre 4, 2010, 5:35 hapon
  18. soooooooooooo…goooooooooooood

    Posted by khira | Disyembre 4, 2010, 4:21 hapon
  19. ang ganda! gosh..
    thanks po! GOD BLESS!!!

    Posted by angel | Disyembre 4, 2010, 4:21 hapon
  20. Oh my gosh!!!awww ang cute talaga ni Zyro at Su..,.kakakilig!!!

    Posted by April<3 | Disyembre 4, 2010, 2:43 hapon
  21. wahh !!! Yessssssss !!!!!!!!! yes yan Zane !!! weeeeeeeeeeeeeeeeee🙂

    Posted by xxBunZxx | Disyembre 4, 2010, 2:39 hapon
  22. wow!ang sweet naman.:DD

    Posted by thart | Disyembre 4, 2010, 1:41 hapon
  23. hahaha,ang sweet.:D

    Posted by thart | Disyembre 4, 2010, 1:41 hapon
  24. WOW KILIG……………..
    HAHA…………….
    BUMAWI TLGA C PAPA ZYRO
    HEHE
    TUNGKOL SAAN NMN KYA UNG DREAM NI SU?
    PRANG ISANG SECRET UN AH..
    CNT W8 FOR NXT CHAPTER

    Posted by alexis_shawn27 | Disyembre 4, 2010, 1:14 hapon

Ano ang iyong masasabi sa iyong nabasa?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

TOP Calendar

Disyembre 2010
M T W T F S S
« Nov   Jan »
 12345
6789101112
13141516171819
20212223242526
2728293031  

Mga Istorya

Aming Nakaraan

%d bloggers like this: