binabasa mo ang...
Behind His Hazel Eyes (Legacy)

Behind His Hazel Eyes Chapter 8

Biglang bigla ay narinig nila ang tumatakbong yabag ni Charlize, mabilis itong bumaba ng hagdanan. She was crying, sandali syang tiningnan nito at saka humikbi ulit at patuloy na tumakbo hanggang palabas ng bahay. Nang lingunin nya si Rafael ay nakaupo na ito at sapo ang ulo nitong wari ay sumasakit.

Naisip nyang sundan si Charlize, kasi ayaw naman nyang lapitan si Rafael at baka nga madamay pa sya sa gulo.

She found her sobbing while still walking in the pathway. Nahabag sya ng sobra rito, whatever the reason is ay pinaiyak ni Rafael si Charlize. And making a girl cry is unforgivable.

Nakasunod lang sya, at hindi nya malaman kung papano ito i-approach. She seemed cold to her, hindi tulad ni Rachel na nakagaanan nya agad ng loob.

Malayo-layo na ang nilalakad nito nang lumiko ito sa kakahuyan habang kasunod parin sya.

Charlize finally noticed her and looked back. “Mia, why are you following me?”

“I just thought you might need some shoulder to cry on,” anya.

Sa narinig ay tumakbo nga ito sa kanya na sinalubong naman nya ng yakap. There she poured it all out; she told her how much she loves Rafael and that she is pregnant. At pananagutan nga ni Rafael ang responsibilidad nito sa bata pero hindi siya papakasalan ng lalaki. .

Napaiyak na lang din sya sa problema nito, ang bata-bata pa nito para sa mga ganoong problema.

“Bakit ka naman umiiyak din?” manghang tanong nito.

Pinahid nya ng likod ng palad ang mga luha nya.

“Kasi hindi ako nakapagbaon ng panyo. ‘Yan tuloy para tayong mga yagit nito.”

Natawa naman ito sa sinabi nya, she was only trying to lighten up the situation.

“Bayaan mo na, minsan lang naman to at tayo-tayo lang naman ang nandito,” napalingon-lingon naman ito.

She smiled at her. Napaupo sila sa damuhan sa ilalim ng puno ng mangga.

“Have you ever been in-love, Mia?” tanong nito.

Tumawa sya. “Hindi pa naman siguro”

Namilog ang mga mata nito. “Ibig sabihin hindi mo love si Zack?” tanong nito.

Napalunok sya, ibuko ba naman nya ang sarili nya? Hindi nya tuloy malaman ang susunod na sasabihin.

Ngumiti si Charlize, “Okay lang yan…you’ll like somebody first before you start loving him,” pag-eemo nito.

Tinitigan nya ito. “Nakakainggit ka naman, you are so brave. Sana meron ako kahit konti nyan,” anya rito.

“’Yung pagiging tanga na lang bibigyan kita, gusto mo? Marami ako nyan.”

Nagtawanan sila. Then suddenly ay sumeryoso ulit.

“Basta Charlize, gumanti ka kay Rafael. Make him regret this,” pag-i-encourage nya rito. “Pero ‘wag naman yung ipapa-patay mo sya hah, wag mong hayaang masaktan ka pa nya. Make him feel na hindi lang sa kanya umiikot ang mundo mo”

Nag-isip ito ng seryoso.

Rafael saw Mia and Charlize approaching. Hindi na umiiyak si Charlize at nakikinig ito sa kung anumang sinasabi nang nakangiting si Mia.

Pati si Charlize ay napapangiti na rin pala ni Mia. Kung ganu’n ay dapat na magpasalamat sya rito at kahit papa’no ay pinagaan nito ang loob ni Charlize. ‘Coz’ he just told her his plan.

Tears fell from Charlize’s eyes.

“I’m sorry.”

“’Yan lang? ‘Yan lang ang kaya mong sabihin? Buti sana kung ‘yang sorry mo ay kayang ibalik sa dati ang lahat…Please Rafael, stop acting like you are the only victim here!” umiiyak na sambit ni Charlize.

“Char…” tinangka nyang hawakan ang kamay nito pero itinulak sya nito, she screamed at nagsimulang bayuhin sya.

“I stopped school dahil dito, that at the very least has already created a ghastly rumor. Gagawin mo pa akong disgrasyada, Rafael…kaya ‘wag mong sabihing sorry lang dahil hindi lang buhay ko ngayon ang nasisira pati na ang kinabukasan ng anak mo na palalakihin mo ng walang pamilya.”

“Alam ko Charlize, this is hard for me too,” nahihirapan ding sambit nya, habag na habag sya kay Charlize. Pero bakit nga ba hindi nga nya ito magawang pakasalan? He likes her, he used to like her…then it just disappeared.

“How can you be so heartless, Rafael?” and then she ran away.

Something inside him ached as he watched Charlize run away from him, ang probably from his life too.

Nasuntok nya ang dingding, nakasilip sya sa bintana ng library. Indeed he realized how heartless he is…

“You’re leaving?” gulat na tanong ni Tita Mildred kay Charlize who’s already carrying her bag nang dumating sina Tita Mildred, Rachel at Zack.

Charlize was not crying anymore and she was determined to leave..

“Yes Tita, nakapag-usap na kami ni Rafael at naayos na namin ang dapat naming ayusin,” anito.

Bakas ang galit sa mukha ni Tita Mildred. “At bakit wala sya rito sa harapan ko ngayon? Hindi ka pwedeng umalis Charlize…”

Hinawakan ni Charlize ang kamay ni Tita Mildred at saka ito niyakap.

“May mga bagay na hindi natin dapat pinipilit, Tita. Sisirain ko hindi lang ang buhay ni Rafael pati ang sa akin ‘pag sarili ko lang din ang iisipin ko. Isa pa, I appreciate all of your efforts trying to save me from disgrace. But then, akin ang kalahati ng pagkakamaling ‘to at aakuin ko ‘yung dapat na akuin kasi magiging mommy na ako in seven months,” Charlize managed to smile.

Wala din silang nagawa nang magpahatid si Charlize sa driver ng pamilya pa-Manila nang oras ding ‘yun.

Kinausap ni Tita Mildred si Rafael sa silid nito matapos nu’n at matagal bago natapos ang dalawa.

Nang gumabi ay kakatok sana sya sa silid ni Zack kasi gusto nyang ipaalala dito na huling araw na nya rito bukas. At sa ayaw at sa gusto nito ay luluwas na sya ng Manila kasama si Lucy by hook or by crook!

Huminga muna sya ng malalim bago itinaas ang kanyang kamay para katukin na ang pinto na nalaman nyang nakaawang pala ng konti.

Nauliningan nyang may kausap ito sa loob.

“What? What do you mean you’re coming here, Mandy?” anito sa kausap sa cellphone nito. Nakatayo at palakad-lakad ito nang silipin nya ang siwang ng pinto ng silid nito. “Of course I want too. Now isn’t a good time.”

Biglang naramdaman nyang may humawak sa baywang nya kaya mapapatili sana sya nang mabilis na may mga kamay na tumakip sa bibig nya. Kaya ungol na lamang ang kumawala mula roon, saka sya walang anumang binuhat papunta sa may library.

“Ahhh! Sino ka?” sigaw nya at nagsisigaw pa ulit, nalingunan nga nya si Rafael na isinara ang pinto ng library at tinatakpan nito ang mga tenga nito.

“Grabe, para kang kinakatay na dolphin kung makasigaw,” reklamo nito na inalog-alog pa ang ulo.

“Sorry, ginulat mo naman ako eh akala ko tuloy kung sino na,” at nahawakan nya ang dibdib sa hingal.

Lumapit ito sa kanya at pinisil ang ilong nya, “Ikaw ha, nakikinig ka sa usapan ng may usapan.”

Napahiya sya sa sinabi nito. “Hindi ko naman sinasadya ‘yun, may sasabihin lang kasi sana ako kay Zack kaso ‘yun na ang naabutan ko,” depensa nya.

“Pero may narinig ka pa rin,” patuloy ni Rafael at tinitigan ang mukha nya, “It’s Zack’s girlfriend he’s talking to…over the phone,” sabi nito.

Para syang natilihan sa narinig.

“G-girlfriend?” ulit nya sa sinabi nito.

“I meant the real one…si Mandy.” Patuloy ni Rafael na waring pinag aaralan ang reaksyon nya. “Did you think someone like Zack couldn’t possibly have a girlfriend?”

Aray, hindi ko nga naisip yun ah. And to think na enjoy na enjoy naman ako sa character na ginagampanan ko. Na meron naman palang real player.

Pakiramdam nya ay pinira-piraso ang kanyang puso sa nalaman. Oo nga naman, sa hitsura ni Zack at sa disposisyong meron ito napaka imposible namang wala itong babae sa buhay…or worse minamahal na babae sa buhay.

Tumalikod sya kay Rafael at dinama nya ang kanyang dibdib. As if making sure kung tumitibok pa ba ‘yun. For a moment kasi she thought she wasn’t breathing.

“Nawala lang sa isip ko, isa pa ngayon alam ko na ‘di ba?” nilingon nya ito at nginitian ng pilit.

Hinawakan ni Rafael ang ulo nya at hinimas yun. Tiningala nya ito at tinitigan ang mukha nito.

“Okay ka na ba?” pangungumusta nya.

‘Eto, napapangiti mo na ulit,” anito at ngumiti para sa kanya.

“’Yan na ‘yun? Ngiti na ang tawag mo r’yan?” tukso na naman nya rito. “Eh hindi naman umabot sa mata mo eh…”

Napakamot ito. “Paano nga ba?”

“Ganito kasi yan,” lumapit sya dito at inabot ang mukha nito at saka bininat ang gilid ng mga mata na nagpasingkit dito, “ayan ngiti ka na…” na ginawa naman nito, “’Yan! ‘Yan ang ngiti!” At nagtawanan sila. “Aray, braso ko!” ngumiwi pa sya.

Hinawakan din nito ang kanyang mukha at bininat din ang gilid ng mga mata nya. “Oh! Ikaw naman ngumiti dyan,” anito at mukha na silang bale dahil hindi parin nya binibitawan ang mukha nito kaya tawa pa rin sya ng tawa sa hitsura nito, “Ngiti sabi ko hindi tawa…” humahalakhak na sabi nito, “Yan nawawala na ang mga mata mo oh!”

“Ikaw din oh!…ayan oh, facial massage gusto mo hah,” saka pinisil pisil ang mukha nito na ginantihan din sya. Napuno ng hagikhikan nila ang buong library.

“Ano’ng ginagawa nyo?” anang boses ni Rachel na nasa may pinto at nasa likod nito si Zack na nagulat din sa hitsura nilang dalawa na hindi pa binibitawan ang mga mukha ng isa’t isa at patuloy paring pinipipisil ang mga mukha nila.

Natatawang sumagot si Rafael, “Tinuturuan ko si Mia tumawa ng abot sa mata…”

“Ano’ng ako? Ikaw kaya tinuturuan ko…may kasama pa ngang masahe eh, eto oh!” humahagikhik na ginalaw-galaw nya ang daliri sa mukha nito.

Natawa na lamang si Rachel sa kanilang dalawa.

“Para kayong mga bata, matulog na nga kayo at may Easter Egg Hunting pa tayo bukas,” paalala ni Zack.

“O matulog na raw tayo” sabi ni Rafael.

“Ah! Bitaw ka muna…”

“Sabay na lang tayo…sige,” at sabay nga silang nagbilang saka bumitaw.

Hinawakan nya ang mukhang namanhid yata.

“Grabe naman, ang laki ng kamay mo Rafael lugi ako du’n ah!” nakangusong irap nya dito.

Tumawa lang ito at lumabas na sila.

It was already Easter Sunday at plano ng lahat na pumunta sa village at makisaya sa taunang Easter Egg Hunting na sponsored ng mga Salcedo. Para ‘yun sa lahat ng mga empleyado ng Hacienda.

Nakabihis na sya at tumutulong na mag salansan ng mga pagkaing dadalhin nila nang lapitan sya ng isang kasambahay.

“Ma’am Mia, pinapatawag ka ni Sir Zack.”

“Ha? Bakit raw po?”

“Hindi naman po sinabi, basta pinapapunta ka sa silid nya,” sabi lang nito.

“Puntahan mo na Mia at sabihin mo bilisan nya at naghihintay na ang lahat sa village ha?” nakangiti nang sabi ni Tita Mildred.

Kumatok sya sa pinto nito pero bigla na lamang iyong bumukas, sumilip muna siya.

“Zack?” tawag nya rito. Pero walang sumasagot, hindi rin naman nya ito makita. “Hello?” she decided na pumasok na lang at baka nasa loob lang ito ng ilang pinto pang naroroon sa silid nito.

Ang linis naman ng kuwarto ni Zack, at napaka-panlalake talaga. Majority of the color motif is blue, merong at least five shades of blue syang nakikita sa loob.

Nagpasya syang maupo nalang muna sa kama nito, ang lambot nu’n siguro ay masarap mahiga dito.

Ano’ng masarap mahiga? Pareho lang kaya ang hitsura ng kama rito at sa kwarto mo? ‘Wag ka nang mag-ilusyon day at ang pinapantasya mo ay may nagmamay-ari na!

Kastigo nya sa sarili. Bumuntong-hininga sya, ngayon pa lang yata ay may nakatanim nang inis syang nadarama sa Mandy na’yun! Lalo pa at ayon sa narinig nya ay mukhang pupunta ata rito ang babaeng ‘yun. Kung ngayon o bukas ay hindi nya alam, basta sana lang ay hindi na sila mag-abot dahil baka ma-insecure lang sya.

Mandy, pangalan pa lang kasi ay sosyal na. Siya naman Mia…at pinagtawanan nya ang sarili.

Basta ngayong araw din ay magpapaalam na sya kay Zack, baka ‘pag mas lalong tumagal ang pananatili nya rito ay mas mahirapan na syang umalis.

Napalingon sya nang may umingit na pinto at may naramdaman syang presensya sa likod nya.

“Ay demonyo!” Nasambit nya dahil laking gulat nya nang si Zack pala iyon na animo ay galing pa sa panahon ni Adan at ni Eba. Nahigit nya ang paghinga nya dahil wala man lang ni isang saplot si Zack, mukhang galing pa nga ito sa pagligo at tumatagaktak pa ang tubig sa katawan nito. Mukha ngang nagulat din ito pero ni hindi man lang ito nataranta para takpan ang katawan, mukhang may amusement pa nga sa mga mata nito habang pinagmamasdan ang reaksyon nya.

Siya na lang ang mabilis na nagtakip ng kamay sa mukha nya at ubod lakas na tumili.

“Ahhhh! Walanghiya ka bakit ka ganyan?” sabi nya at mabilis ding tumayo para tumakbo na palabas nang bigla na lamang ay sumabit ang isa nyang paa sa isang loose part ng carpet sa silid nito na medyo nakausli, at siya ay natumba.

Bilang instant reaction ay nilapitan sya ni Zack para tulungang tumayo.

“Okay ka lang ba, Mia? Ang braso mo?” tanong nito.

“Aray…” na flat ata ang dibdib nya dahil padapa syang bumagsak sa sahig at medyo nagalaw pa ata ang braso nya. Pero mas napatili na naman sya dahil nang di sinasadyang mapatingin sya dito habang inaalalayan syang makatayo at sumalubong sa kanya ang x-rated part nito na nakaharap talaga sa mukha nya at waring nag gu-good morning pa. “Ahhh! Magtakip ka nga!” Tinulak nya si Zack palayo sa kanya na ikina tumba naman nito na mas lalong nagpaklaro ng kahubdan nito. Mabilis na bumangon sya at walang lingon likod na lumabas ng silid nito.

Init na init ang pakiramdam nya sa mukha nya nang tumakbo at makarating pabalik sa kusina.

Ang mahaderong lalaking ‘yun! Ano’ng nitong palabasin ha? Walanghiya, ngayon lang sya nakakita ng live na porno!

Mangiyak-ngiyak na isip nya. Hindi mapakaling iwinasiwas nya sa ere ang kamay nya para matanggal ang kanyang nararamdamang stress at pressure sa katawan.

Ang walanghiya at mukhang enjoy na enjoy pa! Nakakainis talaga, pakiramdam nya ay napaglaruan sya.

About athenashih

TOP Contributor

Talakayan

13 thoughts on “Behind His Hazel Eyes Chapter 8

  1. hagalpak tlga aq ktatawa!

    nice one mia!

    Posted by aileen | Oktubre 24, 2013, 11:58 hapon
  2. nako. last day na ni mia.. may mandy pa.. tss

    Posted by angel_YL | Disyembre 27, 2010, 4:03 hapon
  3. ahahaha i like mia.. she is nice..😀 parang sinadya un ni zack ahaha xD

    Posted by itsgonnabeme | Disyembre 21, 2010, 9:34 umaga
  4. hahahah😄 Mia is so hilarious😀
    nakakatuwa naman🙂

    Posted by jeh089 | Disyembre 17, 2010, 11:05 hapon
  5. ang tagal nman ng chapter 9!!!

    Posted by laramaeperez | Disyembre 4, 2010, 8:56 umaga
  6. hahahahaha! nice one zack.

    Posted by arabeybsXP | Disyembre 3, 2010, 7:54 hapon
  7. nice one..sana everyday ang posting..hehehe

    Posted by ktine | Disyembre 3, 2010, 12:10 umaga
  8. hahahaa ng kulit talaga ni mia…waahhh next na po..

    Posted by eizzy | Disyembre 2, 2010, 11:56 hapon
  9. haha !😄 kulet naman nun …

    Posted by xxBunZxx | Disyembre 2, 2010, 6:07 hapon
  10. can’t wait for the next chapter🙂

    Posted by arcie | Disyembre 2, 2010, 4:23 hapon
  11. hhahaha..kaloka nmn ang encounter ni mia n un
    hahahha
    ng good morning b?haha
    kaloka

    Posted by alexis_shawn27 | Disyembre 2, 2010, 3:42 hapon
  12. hehehe.. nakakatawa naman yung eksena dito hehehe…
    grabe…

    Posted by Dana Faye andrew-Fonacier | Disyembre 2, 2010, 2:38 hapon
  13. Hahahaha….

    Posted by April<3 | Disyembre 2, 2010, 2:09 hapon

Ano ang iyong masasabi sa iyong nabasa?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

TOP Calendar

Disyembre 2010
M T W T F S S
« Nov   Jan »
 12345
6789101112
13141516171819
20212223242526
2728293031  

Mga Istorya

Aming Nakaraan

%d bloggers like this: