binabasa mo ang...
My Pretty Boy

My Pretty Boy – Chapter 12

Nagulat nanaman siya ng may tumili ulit. Hindi lang isa kundi lahat ng babaeng kumakain sa restaurant na yon, kaya pala halos babae lahat ang mga kumakain sa restaurant, madami kasing mga gwapo ang naririto. Agad niyang hinanap ang pinagkakaguluhan ng mga ito. Tama nga ang hinala niya, dumating na ang mga Kaibigan ni Karl.

“Talaga bang kailangan tumili ng mga babae kung may makikita silang gwapo?” narinig niyang tanong ng isang babae sa kasama nito

“Actually, Involuntary yan eh, depende kasi yan sa emosyon ng babae, maraming test ang nagawa diyan and they end up with one conclusion Flaire, nasa paniniwala lang yan ng babae, it’s either dito nila nahahanap ang prince charming nila or na-aapreciatte ng mga ito ang beauty ng lalake” Mahabang paliwanag ng kasama nitong naka-reading glasses. Maganda sana ang baabeng naka-glasses kung hindi ito isusuot yun

“Traizzie, ang hinihingi ko lng sagot eh Oo, hindi o Ewan marami ka pang explinations na nalalaman dyan” sabi ng Babae tsaka nag-type muli sa laptop nito

“Be more Specific kasi minsan” sagot ng Traizy tsaka kinuha nito at kape nito. She was fascinated by the two girls but again she looked at the new comers. “talaga bang walang pangit na kaibigan tong si Karl?” sabi niya tsaka hinarap ulit ang naubos na niyang pagkain niya. Nagtaka siya ng biglang dumilim ang paligid. Nakapaligid na pala sa kanya ang mga kaibigan nito.

“Hi! I’m Blinke” bati ng isa

“Ako naman si Cid” pakilala ng isa

“Ernest here” singit ng isa

“I guess hindi ko na kelangan magpakilala kasi we have met before” sabi ni Sef

“Well, I’m Chin, so you’re the girl” sabi ng isa

“Bakit ba parati na lng akong tinatawag na girl ng mga kaibigan niya?” naiinis niyang sabi

“Ahmmm..” yun lng ang naisagot niya sa mga ito

“Dont even dare to touch her” sabi ng boses sa likod

“Karl, we wont harm her, okay? Nagpapakilala lng, sabi ni Blink

“Hoy Blink! Linisan mo yung table no. 3! Hindi yung tumutunganga ka lng
diyan” sigaw ng isang waitress.

“Hoy! Jane! Wag mo nga akong utusan, baka palayasin kita dito eh!” sigaw din nito

“Kaya mo? Sige nga Blinke!” pang-iinis pa nito. Bumuntong-hininga lang si Blinke tsaka pumasok sa Kitchen

“Hay! Nag-aaway nanaman sila” sabi lang ni Chin tsaka pumunta sa counter

“Hindi ka na nasanay” sabi naman ni Cid tsaka pumunta kay Karlitos

“I have to go, marami nang customers” sabi namn ni Ernest

“Ano ka ba naman Blinke! Bilis-bilisan mo diyan, marami ka pang lilinisin na tables!” narinig niyang sigaw ni Jane

“Para kang kung sinong maka-utos dyan Jane! Ikaw nga hindi nagtatrabaho!” sagot naman ni Blinke

“Nagdadahilan ka pa! Ang sabihin mo makupad ka kaya marami ka pang satsat dyan!” sagot naman ni Jane

“Hoy! Serafin! Ano pang ginagawa mo diyan? Umalis ka diyan, baka bumula ang bibig ni Thalia habang kumakain siya pagnandyan ka” seryosong sabi ni Karl

“Whatever Karl!” sabi lng ni Sef tsaka inasikaso ang mga bagong dating na mga customers, kanina lang ay hindi gaanong matao ang resto ngayon na dumating na ang mga ito ay napuno agad ang resto.

“Heto na yung Ice cream mo” sabi nito

“Hindi niyo ba pipigilan ang dalawang yun sa pag-aaway?” tanong niya rito sabay turo sa dalawa

“Hindi na, sanay na kami sa dalawang yan” sabi lng nito tsaka umalis

“Tignan mo toh! Napakasuplado” sabi lng niya tsaka nilantakan ang Ice Cream

“Hi sis!” biglang sulpot ng kung ano sa likod niya. Nagulat siya ng makita niyang Si Fatima ang naroroon.

“Anong ginagawa mo rito Fatima?” nagtataka niyang tanong

“Pinadala ako ni Ate Che para ibigay ito” sabi lng nito. Agad nitong
ibinigay sa kanya ang isang folder. “Ui! Ice cream, pahingi ako ah!” sabi lng nito tsaka inagaw ang kutsara sa kanya. Binabasa na niya ang nakasulat sa folder ng biglang kalabitin siya niti. “Oh? Ano nanaman?” nagtataka niyang tanong. Nakatulala kasi ito kaya sinundan niya ang direksyon kung nasan ito nakatingin. Nakatingin ito kay Karlitos. Napangiti siya sa tinuran ng kaibigan niya.

“Si Karlitos yan, Cute niya noh? Pero wag kang lalapit suplado daw yan” sabi niya. Tumayo ito na parang robot na walang narinig at lumapit kay Karlitos.

“Hi! I’m Fatima, ikaw?” pagpapakilala nito. Napatda ang lalake. Natulala ito ng ilang saglit tsaka iniwan ang mop na hawak nito at dali-daling umalis

“Anong nagyari doon? Kakamot-kamot na sabi ni Fatima tsaka bumalik sa table nila.“Anong sabi ko sa’yo? Nakangiti niyang sabi.

“Okay lang, magsi-stay naman ako dito kaya marami pa akong oras para makilala siya” simpleng sabi nito tsaka patuloy na kumain ng ice cream.

“Ano? Hindi pwede!” sigaw niya rito

“At bakit?” tanong agad nito.

“Wala ka ng dalang gamit di buh? Tsaka meron kang mga tapings and everything” paliwanag niya rito “Masisira ang bakasyon ko dito eh!”

“Madali lng yan” simpleng sabi lng nito

“Hindi yon madali! Artista ka!” pamimilit niya pa rito.

“Well,tama ka, babalik na muna ako sa manila and then magpa-plano akong ng isang misyon” sabi nito tsaka tumawa

“Ewan ko sa’yo!” Tumayo siya at naglakad patungo sa pintuan

“Hoy! Saan ka pupunta!” sigaw nito sa kanya

“Sa cottage!” sigaw niya rito

“Hintayin mo ko!” sabi nito tsaka kumaripas ng takbo papalapit sa kanya

“Oh anong balak mo?” tanong agad nito

“Bakit?”

“Kontrata yan di buh? Malapit nang matapos ang kontrata mo, pipirma ka
ulit?” tanong nito

“Pinag-iisipan ko” simpleng sabi niya. Nagtaka siya dahil lumayo ito sa kanya

“Asan mo dinala ang kaibigan ko? Sino ka?”

“Heh! Anong nangyayari sa’yo?”

“Di ba noon mo pa gustong matapos ang kontrata mo? Bakit ngayon
pinag-iisipan mo na?” nagtataka nitong tanong

“Wala lng, hindi naman masama kung pipirmahan ko di buh? Tutal eh wala na naman akong gagawin” simpleng sabi niya

“Talaga lng ha” nagtataka nitong tanong.

“Pero pwede pa rin namang matuloy ang plano ko” apela niya dito

“Ok fine but i’m staying here, i just have to make some calls para i-cancel
yung mga appoinments ko.” Pagde-deklara nito.

“ Akala ko babalik ka na sa Manila? Tsaka Paano ang damit mo?” tanong niya rito

“ I changed my mind tsaka bibili na lng ako, you know what i like about this resort? No paparazzi, they have good botiques and andaming gwapo!” kinikilig nitong sabi

“Ok fine, stay here, Ikaw magbabayad ng bill ko ha?” sabi niya sabay ngiti

“Ok fine! Basta walang pakialaman ng boylet, akin si Karlitos ha?”

“It’s all yours” simpleng sagot lng niya
Nang malapit na sila sa cottage niya ay may biglang humarang sa kanila na mga grupo ng teenagers. “Hi! Di ba ikaw si Fatime Francisco? Tapos Ikaw naman yung sikat na model na si Thalia Martinez?” pwedeng pa-picture?” excited nitong sabi

“Yeah, sure!” sabay nilang sabi ni Fatima. Ilang minuto din ang lumipas ng makontento ang mga ito sa mga nakuha sa kanilang pictures at autographs.

“So anong gagawin natin ngayon?” tanong ni Fatima

“Well, iiwan ko lang tong mga gamit ko then lilibutin natin ang buong resort, ok lng sa’yo?” sabi niya rito

“Ay! Ayoko, balik na lng tayo doon sa Resto, gusto kong makita si Mr. Cute” kinikilig nitong sabi

“Akala ko magbabakasyon ka?” nagtataka niyang tanong

“Yeah! Nagbabakasyon ako dahil sa kanya, nakaplano na kung anong gagawin ko para makuha ang loob niya” excited nitong sabi.

“Ewan ko sa’yo” Agad nitong kinuha ang kamay niya at hinatak pabalik ulit sa resto. Kinaladkad siya nito kaya ilang minuto lang ay nakabalik muli sila sa resto. Agad siya nitong iniwan ng makita nito ang “Mr. Cute” nito”

“Tignan mo tong babaeng ito, nakita lang si Karlitos ay kinalimutan na ako” sabi niya. Lumabas siya agad sa resto at humanap ng bench na mauupuan. May nakita na siyang bench sa malapit ngunit nagdadalawang isip siya kung uupo doon o hindi dahil may naka-una na doon. Na-curious siya kung sino ang naka-upo doon kaya nilapitan niya, nagulat siya ng si Karl ang makita niya. May naalala tuloy siya.

“Nangyari na toh ah!” again, sa pangalawang pagkakataon ay tinitigan niya ulit ito at sa ikalawang pagkakataon ay nahuli siya ulit dito.“Okay lng kung hahalikan mo ko, di na ako magagalit” sabi nito sabay ngiti
“hindi ko na kaya toh! Ang lalakeng ito lang ang nakakapagpakawala ng mga organs ko”sabi niya sa kanyang isip. “Hoy! Wag ka ngang filing!” yun lng ang nasabi niya. Mahirap makipag-away baka lumabas at ma-slide na naman ang bibig niya at mai-confess niya ang filings niya

“Bakit ka nandito?” tanong nito. Umayos na ito ng upo

“Wala lng, naghahanap kasi ako ng mauupuan” paliwanag niya

“Bakit hindi ka doon sa loob ng resto?”

“Nanggaling na ako dun, sawa na ako” pagdadahilan niya

“Sabagay, mabuti na yun para hindi ka na rin lapitan ng mga kaibigan ko” sabi nito tsaka inayos ang nagulo nitong buhok.“Bakit ba ayaw mong malapit ako sa mga kaibigan mo?” tanong niya rito
Tumahimik lang ito tsaka tinitigan siya. Ilang saglit pa ay nagsalita ito.

“Wala lng, Halika, mamasyal tayo” yaya nito sa kanya. Agad nitong hinatak ang kamay niya.“Teka! Di ba may trabaho ka?” tanong niya dito

“Ok lng yan, marami naman sila doon, di naman kawalan kung mawawala ako ng ilang saglit, di ba? Tsaka hindi mo pa nalilibot dito.” sabi nito

“Oo, pero–.”

“Wla ng pero-pero, halika ka na” sabi lng nito tsaka agad pinara ang golf cart. Ito kasi ang mode of transporation dito sa resort. “Saan po tayo sir?” tanong ng driver

“Doon po sa The Sight” sabi nito

“Dun tayo?” excited niyang tanong. “Matagal ko nang pinaplano na pumunta doon pero wala kasi akong kasama” dugtong pa niya

“Isa yun sa mga attractions dito, maganda kasi doon kungn gusto mong makakita ng magandang sunrise tsaka sunset” paliwanag nito “Sir Karl, Gerlprend nyo?” singgit ng driver. Namula siya sa sinabi ng driver pero nangunot din ang noo niya. “Manong? Kilala niyo siya?” Tanong niya

“Opo, isa siya sa may ari ng resort na toh” sagot nito

“Talaga?” sabi niya dito “Bakit di mo sinabi?” baling niya rito

“Di naman kelangan sabihin, di ba, it wouldnt make a difference” sabi nito

“Ibig mong sabihn pati yung mga kaibigan mo mga ka-partner mo rin?”

“Yup! Kaming magkakaibigan ang may-ari ng resort na ito.”

“Eh bakit mga waiter kayo sa resto na yon?” tanong niya dito

“Di ko ba nasabi sa’yo ang dahilan?” nagtataka niyang tanong

“Ang sinabi mo lang, wla lng, trip nyo lng” sabi niya

“Well, it’s our bonding time, dun lng kasi kami nakakagalaw, mostly kasi ang trabaho namin sa opisina, it’s our time to serve people” masiglang sabi nito

“Ganoon? Pero you serve people naman ah, nagbibigay kayo ng trabaho sa mga tao”

“Well, dito, talagang nagse-serve kami and may utang kami kay Karlitos” sabi nito

“Andito na po tayo sir” sabi ng driver.

“Salamat po manong” sabi nito tsaka unang bumaba, inalalayan siya nitong bumaba pagkatapos.

“Ano yung utang nyo kay Karlitos?” tanong niya rito

“Siya kasi yung parati naming nilalapitan pag may problema kami, kahit na ganon ang ugali nito, he’s a good adviser” paliwanag nito

“Talaga? Alam mo bang na-startruck sa kanya ang Kaibigan ko?” sabi niya

“Sinong kaibigan mo?”

“Si Fatima”

“Talaga? Opposite silang dalawa ah” sabi nito. “Teka, nandito si Fatima? Anong ginagawa niya dito?” naguguluhang tanong nito

“Sinabi mo pa, Hindi nga siya pinansin, tinitigan lang siya nito tapos biglang lumayo” sabi niya rito. “May ibinigay lang na bagay” dugtong niya. Hindi na nito kelangan ang mga detalye.

“Hindi na ako nagtataka kung ganon ang reaksyon niya, Ilag kasi yun sa mga magandang babae lalo na sa mga katulad ni Fatima” paliwanag nito

“Malayo pa ba ang lugar? Kanina pa kasi tayo naglalakad” reklamo niya

“Malapit na, konting tiis na lng” sabi nito

“Sumasakit na kasi yung paa ko”

“Buhatin kita?” sabi nito

“Wag na baka–” naputol ang sasabihin niya ng bigla siya nitong buhatin, take not lovers carry! “Hoy! Ibaba mo na ako!” reklamo niya rito pero sa totoo lng kinikilig na siya. “Hmmm..ang bango!”

“Masakit na yung paa mo di ba? Tsaka kumakain ka ba? Ba’t ang gaan mo?”

“Ha-ha, ewan ko sa’yo, ibaba mo na ako, nakakahiya, baka may makakita pa sa atin akalain pa nilang magkasintahan tayo”

“Ok lang yun, bagay naman tayo” sabi nito tsaka nagpatuloy sa paglalakad. Nangangalay na ang kamay niya kaya kumapit siya sa leeg nito. “Oh! Baka anong iniisip mo ha” sabi niya tsaka tumingin sa ibang direksyon

“Ano ba ang dapat kong isipin?” sabi nito habang pinipigil ang pagtawa nito

“Wala, bilisan mo na lang, baka di natin maabutan ang sunset” sabi na lng niya. Ilang minuto pa ay nakaabot na rin sila sa tuktok. Namumula pa rin siya ng ibaba siya nito. “Sayang! Tapos na, Kasi naman! Bakit ka sumunod sa sinabi ko?”

“Bakit ka namumula?” nakangisi nitong tanong

“Ewan” simpleng sabi niya “Nagtanong ka pa! Xempre dahil sayo!”

“Tignan mo na yung sunset oh” sabay turo nito sa view.Agad siyang lumapit sa may railings para makita ng malapitan ang sunset. “Wow! Ang ganda! Meron pa lng nage-exist nito sa pinas? Mostly nakikita ko to sa ibang bansa. Kita dito ang Kabuuan ng resort nyo ha” sabi niya rito

“Alam mo bang dating abandonadong lupa toh, sa Karlitos ang naka-discover tapos nag-propose siya ng deal, kaya isa pa yun sa mga dahilan kung bakit nirirespeto namin siya, He’s the one who introduce this haven for us” paliwanag nito habang nakaharap sa view. Tinitigan niya lng ito tsaka humanap ng mauupuan sa paligid, may nakita siyang upuan banda sa may isang pavillion.

“Pwedeng umupo doon?” tanong niya rito
Bahagya pa itong nang-isip bago siya payagan na umupo siya doon

“Gusto mo dito?” tanong nito nang maka-upo na silang dalawa

“mmm-mmm’” sabi niya sabay tango

“Eh di mag-stay ka dito”

“Anong dahilan ko?”

“Dahil gusto mo” sabi nito

“Pwede namang dumalaw-dalaw dito” sagot niya
Tumahimik ito ng ilang saglit bago nagsalita. “Ako” simpleng sabi nito na ikinagulat niya.

“Ikaw? Anong ikaw?”

“Basta, balita ko mage-expire na yung kontrata mo, di ba noon mo pa
gustong tumigil? Kaya ka nga nagtatrabaho sa call center di ba? Kaya ka nga nagwi-wig di ba?” sunod-sunod nitong tanong

“Paano mo nalaman?” nagtataka niyang sabi

“Nakita kanina ng kaibigan ko yung binabasa mo sa Resto. Ang it was a contract” sagot nito

“Pinag-iisipan ko pa kung pipirma ako ulit o hindi, pag pumirma ako, more on abroad na ang projects ko pero pag hindi ako pumirma, mami-miss ko naman yung mga taong napapaligaya ko at nakakatrabaho ko” paliwanang niya rito

“Hindi pa ba sapat na ako ang dahilan mo?” tanong nito

“Aber! Bigyan mo ko ng solidong dahilan? Hndi basta-basta ang gagawin ko”

“Gusto kita” mahinang sabi nito.

“Tama ba ang narinig ko? Gusto niya ako? Hindi mahal? Gusto lng? Hindi sapat yun! Iba ang gusto sa mahal!”

“Kulang na gusto lang, you cant make me stay is that’s you’re reason” sabi niya rito

“Ano? Hindi ko kayo maintindihan na mga babae, hindi pa ba sapat yon?” apela nito

“Hindi sapat yon! Ang babaw mo!” sigaw niya rito sabay walk out dito.
“Ang tanga talaga ng lalakeng yun! Gusto lng? As in mababaw na feelings tapos ini-expect nito na magpapa-uto agad ako? Nek-nek mo!” binilisan niya ang pagbaba sa hagdan. Baka kasi habulin siya nito ngunit nakababa na siya’t naghintay hindi siya nito sinundan. “Naman! Hindi man lang ako sinundan! Kahit pabalat-bunga lng!” naiinis niyang sabi. Para na siyang tanga doon na kinakausap ang sarili.

“Makapunta na nga sa resto baka nandoon pa si Fatima.Natagpuan niyang Nakatanga at namumungay ang mata nito na nagmamasid kay Karlitos. “Hndi na magagamot ang isang toh” sabi niya bago niya lapitan ito. “Hoy! Ilang oras ka na dito ah! Hindi ka pa ba pinapalayas dito?” agad niyang salubong dito

“Customer ako rito kaya hindi nila ako pwedeng palayasin tsaka ilang minuto pa lng naman ako dito.” Malambing nitong sabi

“Asan mo dinala ang kaibigan ko?” sagot niya. Hindi ito nagsalita bagkus inilapit lng nito ang pagkaing ini-order nito. “Alam mo walang gamot sa sakit mo Fatima tsaka anong ilang minuto! Hoy! Oras ka na kaya dito nakatambay!” sigaw niya rito. Naghahanap siya ng mabubuhusan ng sama ng loob, alam niyang ito lang ang makakasagupa sa init ng ulo niya.

“Okay lng tumambay dito kung ang tinitignan mo ay si Cute” sabi nito tsaka bumaling muli kay Karlitos

“Wla ka ng pag-asa!” sabi niya sabay tapos dito ng nilamukos na tissue. Hindi ito gumanti bagkus ay ngumiti lang ito at bumalik muli sa dati. “Hay! Naku! Ewan ko sa’yo!” pinabayaan na niya ito tsaka nilantakan ang pagkain na nasa harapan niya. Ibinuhos na lng niya sa pagkain ang sama ng loon niya. “ang tangang lalake yun! Gusto niya lang ako? As in, gusto! Like! In other words, He had no special feelings for me.Naman! ang sakit sa loob!”

“Hinay-hinay lang sa pagkain, baka ma-turn off si Karlitos na may kasama akong parang Amasonang kumain” sabi ni Fatima sa kanya. Sa kanya na ito nakatingin, hindi na sa lalake nito.

Papunta na siya sa Front desk ng makita niya sa news stand sa may lobby ang ang isang dyaryo. Hindi niya alam kung anong humimok sa kanya para lapitan ito at kunin ang isa sa mga dyaryo. She was so shocked sa nabasa nya. Written in a Bold letters. “Karl Danrick Monteverde, the promising Business man engaged to former beauty queen Sissy de Castro”.

Talakayan

2 thoughts on “My Pretty Boy – Chapter 12

  1. Omggggg

    Posted by eli | Nobyembre 10, 2013, 12:05 hapon

Ano ang iyong masasabi sa iyong nabasa?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

TOP Calendar

Disyembre 2010
M T W T F S S
« Nov   Jan »
 12345
6789101112
13141516171819
20212223242526
2728293031  

Mga Istorya

Aming Nakaraan

%d bloggers like this: