binabasa mo ang...
Haven’t I Met You Yet?

Chapter 8 – Haven’t I Met You Yet?

MATAGUMPAY ang naging fashion show nila. Marami ang nanood at lahat sila ay nasiyahan. Magaganda ang naging feedback ng mga nanonood. Ngayon nga ay maraming press ang gustong mainterview siya.

“Miss Su, congratulations for the success of the show. You did a great job.” ana ng isang reporter.

She smiled. “Oh thank you!”

“Miss Su, totoo ba ang bulong-bulongan na ito na ang huli mong pagrampa sa stage?” usisa naman ng isa pang reporter.

Siya naman ay lihim na nabigla. Pati ba naman ito ay alam nila? Well, mga paparazzi nga eh! She smiled. “Yes, it’s true.” matipid niyang sagot.

“Bakit?”

“I have some more important work to do.”

“May balak ka bang mag-artista, Miss Su?”

Umiling siya habang nakangiti pa rin. “No. Wala po akong planong mag-artista. Magiging busy na kasi ako sa talagang career ko bilang interior designer.”

“Sayang ang ganda mo. Tiyak kong sisikat ka!”

“Hmmm. Toto rin bang may asawa ka na at iniwan mo siya para sa career mo?”

“What?” nagulat siya sa tanong ng isang reporter. Hindi siya makapaniwalang pati personal niyang buhay ay nahalungkat ng mga ito. Anong isasagot ko? Wala siyang maisagot. Ilang sigundo ang katahimikan ng may magsalita sa likuran niya.

“It’s true na may asawa na siya pero hindi totoong iniwan niya ako para lang sa career niya!”

“Zyro!” bulalas niya habang ang mga reporter ay pinipyestahan sila. Agad namang naging alerto si Zyro sa pag-alalay sa kanya. Masyadong marami nang paparazzi ang umuusisa sa kanilang dalawa. Kaya minabuti nilang umalis agad sa lugar na iyon.

Masyadong mabilis ang mga pangyayari. Ni hindi niya namalayan na nakaalis na sila at ngayon nakasakay na siya sa sasakyan ni Zyro.

“Are you okay?” tanong nito sa kanya na nagpagulat sa kanya.

Imbes na sagutin ang tanong nito ay sinumbatan niya ito. “How dare you to confirm that you’re my husband!?”

Lalong naningkit ang kanyang mga mata nang ngumisi lang ito. “Easy, sweetie.”

“Easy? How can you say that huh? You just gave them the idea para hindi nila ako, tayo tatantanan! Crap!”

“Ano bang ikinabahala mo? Totoo naman na asawa mo ako, ‘di ba?”

“Iyon na nga eh, dahil hindi na magiging totoo ‘yan. Malapit nang i-annul ang kasal natin.”

“At sinong may sabing maa-annul ang kasal?”

“Ako! My God, Zyro, matagal na sanang annulled ang kasal kung binigyan mo lang ng halaga iyong mga emails ko!” Inis na napasuntok siya sa pintuan ng kotse.

Narinig niyang bumuntong-hininga ito bago nagsalita. “Okay, lets drop the topic. Pwede ba tayong mag-usap ng mahinahon? Ngayon pa nga lang tayo magkita simula noong umalis ka.” mahinahon nitong sabi.

“I don’t know what’s your plan Zyro but please pirmahan mo na ang annulment papers. Nakuha mo na ang mana mo at—”

Tumiim ang mukha nito. “At gusto mo rin kunin ang parte mo, ganoon ba?”

Akala ko nagbago ka na pero hanggang ngayon pala ay ang baba pa rin ng tingin mo sa akin. Malungkot na sabi ng isip niya. Pero paninindigan pa rin niya na mali ito.

“Look! Wala akong habol sayo kahit ano, just sign the papers!”

“If I don’t?”

“Then I have no choice but to see in court.” nanggigigil niyang sabi.

“You know what, you’ll just waste your time and money.”

“Really? Don’t be so sure, Zyro. Alam kong gagamitin mo ang pera mo para manalo ka. Pero walang magagawa ang pera mo dahil–”

“Dahil ano? On what grounds Suzzane para manalo ka sa ipafile mong annulment?” Mahinahon pero may paghahamon nitong tanong.

“Non-consummation, abandonment at ‘yong pinermahan nating kontrata bago tayo nagpakasal. Enough na yon para mawala ang bisa ng kasal.”

He smiled. “Hmmm. Abandonment. Ang pagkakaalam ng karamihan ay ikaw ang nang-iwan at hindi ako. Pero pwede kong sabihin na pinayagan kitang pumunta sa Australia dahil gusto mong doon tapusin ang pag-aaral mo. At iyan ang set-up natin.”

Agad siyang napalingon kay Zyro. “What do you want from me!?”

Hindi siya sinagot nito. “About your second ground, non-consummation,”  huminto muna ito na kunwa’y nag-iisip. “I bet you will not use it anymore.” Lumingon din ito sa kanya at nagkatitigan sila. At ngumisi ito. “But lets talk about it later!”

“What?” bulalas niya. “What do you mean?”

“Oh, don’t play dumb, honey. Anyway, tungkol sa ikatlong ground mo ay ang kontrata natin. Well, sad to say I burnt it. Pati na ang kopya mo at ang kopya ng kaibigan kong judge.” pangiti-ngiti pa nitong sabi.

Naikuyom niya ang kamao. “Damn you Zyro! I really hate you!” she cried. “Hindi ko alam kung ano ang kasalanan ko sa’yo at bakit mo ako ginaganito.”

Hindi ito umimik. Nararamdam nalang niya na huminto na sila. “What am I doing here? Bakit dito mo ako dinala?”

“I’m taking you home.”

“Taking me home?” she exclaimed.

“Of course, you’re my wife.”

“No!” protesta niya. “Ihatid mo ako sa hotel ko! Hindi ako umuwi dito para makasama ka!”

“Neither I! Pero hindi ko hahayan na pag-usapan ang buhay ko ng mga medya!” matiim siya nitong tinitigan.

“You’re impossible Zyro. You are such a selfish man.”

Tumawa lang ito. Tawang bukal sa loob. Habang tumatawa ay inioff nito ang engine at pagkatapos ay lumabas ng sasakyan. Umikot ito papunta sa may pinto kung saan siya nakaupo. Pinagbuksan siya nito ng pintuan.

“My family is having a reunion just to see you. So, be nice honey and pretend that we’re okay.” bulong nito sa kanya. Ramdam at langhap niya ang mabangong hininga nito na nagpatindig ng balahibo niya. Ano ba tong nararamdaman niya?

Magsasalita pa sana siya kung hindi lang dumating ang mama ni Zyro.

“Zyro, hijo! Nandito na pala kayo bakit hindi pa kayo pumasok sa loob?” nakatingin ito sa binata. Pagkatapos ay sa kanya naman bumaling. “Suzzane, ikaw na nga ba iyan hija? You look more beautiful. Welcome back!” nakangiting bati nito sabay halik sa pisngi.

Nahihiya man ay binigyan pa rin niya ito ng matamis na ngiti. “Thank you po tita.”

Napailing ito. “No no no no no! Not tita! Magtatampo ako sayo kung ‘yan ang itatawag mo sa akin. Call me Mama.” pagtatama nito.

“Ay! Sorry po.”

She smiled. “It’s okay hija!” sabi nito nakatingin pa rin sa kanya. “Bueno! Zyro, pumasok na kayo at naghihintay na sila sa loob.”

“Yes ma!”

Inalalayan siya nito habang papasok na sila sa bahay. Parang nakuryente naman siya nang magdikit ang balat nila. “You don’t have to touch me!” asik niya sa mahinang boses habang tinitingnan niya ito ng masama.

“Why? Are you afraid of yourself?” pang-iinis nito.

“Why should I?” kunot-noo niyang tugon.

He laughed. “Oh! Don’t be so defensive honey!”

“I’m not!”

“Okay! Okay! I’m just kidding.” tukso nito.

Nang makarating na sila sa isang silid kung saan ginanap ang mini reunion ng pamilya dela Riva ay agad sila sinalubong ng isang magandang babae. Tantya niya mabait ito dahil makikita sa mga mata nito ang totoong ngiti.

“Hi sis!” si Zyro habang humalik sa pisngi ang babae. “Ahm, I would like you to me—”

“Oh my god! Is that you Suzzane?”

Ngayon pa lang kami nagkita ah! Ba’t parang kilalang-kilala na niya ako? And why do I have this feeling na parang nakita ko na ang magandang babaeng ito?

Dahil sa kakaisip, biglang sumakit konti ang ulo niya. Sinapo niya ang ulo. Aah! Weird!

“Are you okay Suzzane?” nag-alalang tanong ng kapatid ni Zyro.

Pinilit niyang ngumiti. “I’m okay, don’t worry.”

“Ate Clarisse naman, mamaya mo na kaya interbyuhin si Suzzane!” nakangiting sabad naman ni Alfie. “Long time no see Suzzane.” Bati nito sa kanya. Clarisse! So familiar.

Nakakahawa ang ngiti ni Alfie kaya napangiti na rin siya na hindi nahihiya. “Oo nga. You haven’t changed Alfie. Pero lalo kang gumagwapo.” Sagot naman niya na may halong biro.

Nakita naman niya ang biglang pagsimangot ni Zyro pero nagkibit-balikat lang siya.

Tumawa ng malakas si Alfie. “Thank you! And you too, you look stunning! Muntik na kitang hindi makilala. Akala ko kung sino  ang na namang babae ang ipakilala ni kuya.”

“Alfiero!” saway ni Clarisse. Mabuti nalang ay medyo sanay na siya na magtago ng emosyon dahil na rin sa trabaho niya. Tiningnan niya si Zyro, tahimik lang ito.

“Oops! Just kidding!”  ani Alfie.

“Will you excuse us, ipapa…” hindi na natapos ni Zyro ang sasabihin ng magring ang cellphone nito. Huminga muna ito ng malalim bago kinuha ang cellphone sa bulsa nito. Tiningnan niya ito at mukhang nataranta.

“Sagutin mo na ‘yan Zyro. Don’t worry about me. Nandito naman si Alfie  at ang Ate mo para makausap ko.” Sabi niya na  pilit ang ngiti sa mga labi.

“Yeah! Ako ng bahala.”

Laking pagkadismaya dahil hindi nga ito nagpapigil. Bigla itong umalis para sagutin ang tawag. Akala pa naman niya ay babalewalain lang nito. Sino naman kaya ang tumawag kay Zyro sa ganitong oras? Tanong ng isip niya. Huwag mo nalang itanong Suzzane kung ayaw mong masaktan!

“Come Suzzane, ipapakilala kita sa mga relatives namin.” Inalalayan siya ni Alfie maglakad.

Pagkatapos ng ilang minutong pagpapakilala sa kanya ni Alfie sa mga kapatid at mga kamag-anak nito ay nakakain na rin siya. Pero hindi siya mapakali dahil hanggang ngayon ay wala pa ring Zyro ang bumalik. Mabuti nalang ay nandito ang mga kapatid nito na magiliw siyang kinausap kundi naiyak na siya sa inis.

Nabura na rin niya sa isip ang hindi pagbalik ni Zyro. Naaliw siya dahil isa-isang nakipagsayaw ang mga kapatid at pinsan na lalaki ni Zyro sa kanya. Hindi naman siya naiilang sa mga ito. At feel naman niya ay debut niya uli.

“Hija, naayos na ang kwarto niyo ni Zyro sa itaas. Kung gusto mo nang matulog ay huwag kang mahiyang magpaalam sa amin. Alam naming na pagod ka dahil sa fashion show niyo.” Untag ni Mrs. Dela Riva sa kanya ng matapos na ang party.

“Po?” medyo nagulat siya sa sinabi nito.  “Ah! Eh! Balak ko po sanang umuwi nalang sa bahay naming. Nakakahiya naman po Mama.”

“Naku, hija! Hindi kita papayagang umuwi. Walang maghahatid sayo kasi kakatawag lang ni Zyro at sabi niya na baka bukas na siya makakauwi.” Paliwanag nito.

“Ako nalang po ang uuwi. May taxi naman po eh! Don’t worry about me.” Sinikap talaga niyang maayos ang kanyang pagkakasabi.

“No, I insist Suzzane. Alam kong nahihiya ka hija, but you don’t have to. Bahay mo na rin ito.” Hinaplos nito ang buhok niya.

Huminga siya ng malalim. Hindi talaga siya papauwiin nito kaya hindi na siya nagpumilit umuwi. Hindi sa nahihiya siya kundi natatakot siya dahil kung uuwi si Zyro ay tiyak sa iisang kwarto sila matutulog. Takot siya sa kanyang sarili na baka ipagkakanulo na naman siya nito.

“Nakakahiya naman po pero hindi na po muna ako uuwi ngayong gabi.” Sabi niya.

“Suzzane, ipinahanda ko na rin ang damit na pantulog mo.” Sabad ni Clarisse. Nasa may hagdanan ito.

“Nag-abala ka pa ate Clarisse. Thank you!”

Ngumiti ito. “Suit yourself! Anyway, I hate to say goodnight but my son is waiting for me to sleep. Hindi ko kasi matiis ang isang yun.” Bumaba ito para humalik sa pisngi. “Good night ma! Good night Su!”

“Good night hija!” sagot nito. “At magpapahinga na rin ako. Medyo napagod ako sa pagsasayaw kanina. Iba na talaga itong tumatanda ano?”

“Good night Ate Clarisse!” sabi naman niya. Tumawa silang tatlo sa sinabi ng Ginang. “Napakabata niyo pa ngang tingnan Mama.”

“I second the motion!” si Clarisse.

“Bolahin pa ako!” pailing-iling nito sabi habang natatawa. “Oh sya! Ako’y pupunta na sa silid ko.”

Nasa harap na siya ng pintuan ng kwarto ni Zyro. Napagdesisyunan na rin niyang magpahinga at matulog. Pinihit niya ang siradura at dinahan-dahan niyang binuksan ang pinto. Hinanap niya agad ang switch para magkailaw. Takot pa naman siya sa madilim.

Pagkabukas ng ilaw ay tumambad sa kanya ang malinis na kwarto nito.

Hmmm. Walang ipinagbago. Malinis at panglalaki pa rin ang dating. Lumakad siya at sinuri ang bawat gamit. “Ilan kayang babae ang dinala ni Zyro rito?” Napasimangot siya sa tanong niya dahil sa alam na niya ang sagot. “I’m sure marami na!”

“Makaligo na nga! Kung anu-ano nalang ang iniisp ko.” Sabi nalang niya ng makita ang tuwalya at damit pantulog niya sa kama. Kinuha lang niya ang tuwalya at pumasok na sa banyo. Nakasanayan na niyang hindi magbibihis sa loob ng banyo kaya hindi na niya dala ang mga damit.

Habang nasa sa banyo ay hindi niya namalayan na may pumasok na pala sa kwarto nila. Kaya pagkaraan ng ilang minuto, pagkatapos niyang maligo, ay lumabas siyang tuwalya lang ang nakatakip sa katawan niya.

Pakanta-kanta pa siyang lumabas ng kwarto ni hindi niya alam na meron siyang madadatnan.

“Aaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaahhhhhhhhhhhhhhhhhh!”

“AAAAAAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHHHHHHHHHHH!”

Hindi rin niya napaghandaan ang paglabas ng banyo ni Suzzane kaya napapitlag siya ng makita itong halos hubad. Napalunok siya habang nakatingin sa asawa. Mabuti nalang ay nakapagpigil siya at nilapitan ito para patahimikin ito. Paglapit niya rito ay agad niyang tinakpan ang bibig nito.

“Ssshhh! Huwag kang sumigaw.” Sabi niya. Nagpupumiglas pa rin ito at pilit pinapaalis ang kamay niya sa bibig nito. “Bibitawan lang kita kapag ipangako mong hindi ka na sisigaw!”

Tumango naman ito kaya binitawan naman niya.

“What are you doing here?” tanong nito habang hinawakan talaga nito ang tuwalya at lumayo sa kanya.

“This is my room, remember?” sagot niya habang nakatitig lang siya sa dalaga.

“Yeah, I know! But mama just said na bukas ka pa uuwi.” Nanginginig nitong sabi. Napangiti siya. This woman really amuses me. “What are you doing?” tanong nito ng dahan-dahan siyang lumalapit dito. “Will you please go out first? Magbibihis muna ako!”

Hindi pa rin siya sumagot. Patuloy pa rin siyang lumapit dito.

“Noooooooooo! Don’t you dare come near me. Or else…”

“Or else what?”

“Sisigaw ulit ko!”

“Go ahead!” paghahamon niya. “Hindi naman siguro sila magigising sa sigaw mo.” Nakalapit na rin siya. Ilang inches nalang ang pagitan ng kanilang mukha sa pagkakadikit. Nagtitigan sila ng ilang segundo.

Oh God! She’s so beautiful! Her lips, her nose, and her eyes are so perfect. Bakit hindi ko masabi? Pero biglang bumitaw si Suzzane. Yumuko ito.

“Please, look at me Suzzane!” pabulong niyang sabi. Hindi niya inaasahan ang pagsunod nito. Hindi niya mapigilan ang sarili. Unti-unti siyang yumuko habang hinawakan niya ang baba nito. “I can’t help myself not to kiss you Suzzane.”

Pagkasabi nun ay naglapat na ang mga labi nila.

BAGO pa siya makapalag ay tinawid na ni Zyro ang distansiya ng kanilang mga labi. He kiss me! At first, dahan-dahan muna ang paghalik nito sa kanyang mga labi. Malayung-malayo iyon sa unang halik na ibinigay nito sa kanya noon sa Cebu.

Ang utak niya ay pilit na tumatanggi. Ayaw niyang tumugon sa halik nito. Pero ang traydor niyang puso ay ang nagtulak sa kanya para tumugon sa halik nito. The kiss is so tender. Parang may musica siyang naririnig.

Kusang pumulupot ang kanyang mga kamay sa leeg nito. Si Zyro naman ay naging mapusok ang mga halik nito. Hinapit siya nito at ramdam niya ang katawan nito. Oh God!

“Suzzane…” sambit nito. Kapwa sila naghahabol ng hininga ng maghiwalay ang kanilang mga labi. Tiningnan niya ang binata. Nakita niya ang pagtiim-bagang nito. “Magbihis ka na!” malamig na sabi nito.

Ni hindi man lang siya nakapagsalita ay wala na ito sa kanyang harapan. Nanlumo siya at para naman siyang maiiyak sa kahihiyan. I’m so stupid! Bakit ako nagpadala?

“Hindi niya talaga ako gusto!” Tumulo na ang kanyang luha. “I really hate you Zyro!” Padabog siyang lumakad patungo sa kama kung saan nandoon ang damit niya. Agad niya itong kinuha at dali-daling sinuot.

Pagkatapos ay humiga na siya sa kama habang umiiyak dahil sa inis na nadarama niya ng mga sandaling iyon.

About blythe sapphire

a graduate of Bachelor in Science of Electronics and Communication Engineering but! a frustrated writer ;)

Talakayan

22 thoughts on “Chapter 8 – Haven’t I Met You Yet?

  1. Ur hurting zane zy. .

    Posted by eli | Nobyembre 2, 2013, 12:01 hapon
  2. ano ka ba ZY nagbibigay ka ng False Hope kay SUZZANE,.,

    ang ganda tal;aga ng story loveitmuch

    Posted by zyn | Mayo 19, 2013, 11:49 hapon
  3. paganda ng paganda story ang galing nman

    Posted by jjhuls | Oktubre 24, 2012, 9:35 umaga
  4. nabitin c zane, same cla 2 mga manhid.hehe

    Posted by belle garcia | Pebrero 1, 2012, 2:46 umaga
  5. hahahaah binitin ni Zyro si Zane nagalit tuloy lalo hihihi

    Posted by Pinkbelle | Pebrero 12, 2011, 1:07 umaga
  6. nakakacurious naman bawat chapter..matagal na siguro silang magkakilala di lang nya maalala dahil nagkamnesia sya..paganda ng paganda bawat chapter..pakipost na poh yung nxt..hehe=p

    Posted by jeon | Disyembre 1, 2010, 8:39 hapon
  7. hala! bakit naging ganun reaction ni zyro?
    kawawa naman si suzzane…sana lang makaalala na xa para malaman na rin namin ang nakaraan nilang dalawa..hehehe
    Blythe Sapphire: sana nga =)

    Posted by shon | Nobyembre 30, 2010, 9:00 umaga
  8. ui.. ang dali lng na post ng chapter na ito ahh.. thanks..🙂 pro nabitin aq sa love making scene nila… sana next chapter po sana agad ulit.. ^_^

    Posted by reycel09 | Nobyembre 29, 2010, 2:59 umaga
  9. waahhhh kakabitin po naman…sana ma post n po agad..ung next..

    Posted by eizzy | Nobyembre 28, 2010, 11:30 hapon
  10. feeling ko kaya biglang nagkaganun si zyro kasi nagselos.

    iniisip nya na maraming naging guys si SU

    well assumption lang

    Posted by reanne bustarde | Nobyembre 28, 2010, 10:12 hapon
  11. bitin!!!!

    Posted by ladychic | Nobyembre 28, 2010, 9:41 hapon
  12. ay??? bitin?

    Posted by ANILINE* | Nobyembre 28, 2010, 8:32 hapon
  13. ganda.. super bitin.. next chapter na agad..hehehe

    Posted by chelley23 | Nobyembre 28, 2010, 8:00 hapon
  14. ang stupid naman ni zyro! muntanga. akala ko, gusto nia na si suzanne tas bglang babanat ng ganon. ano ba talaga? =))

    Posted by arabeybsXP | Nobyembre 28, 2010, 6:32 hapon
  15. Bitin naman! hay…

    Posted by mary_guinto28 | Nobyembre 28, 2010, 5:42 hapon
  16. hehehe… ang hirap ng situation ni su..
    clueless siya sa nararamdaman ni zyro…

    Posted by Dana Faye andrew-Fonacier | Nobyembre 28, 2010, 5:00 hapon
  17. asar nmn c zyro..
    anu b problema nya…

    Posted by alexis_shawn27 | Nobyembre 28, 2010, 4:37 hapon
  18. waaah! nakakabitin talaga.😦 next week na ulit posting nito. gustong gusto ko tlga ung story.🙂

    Posted by candy | Nobyembre 28, 2010, 3:05 hapon
  19. >.< mOre paaaaaaaaaaaa!!

    Posted by xxBunZxx | Nobyembre 28, 2010, 12:51 hapon
  20. awwwww……kawawa naman c Su clueless sa nakaraan…..me nakaraan nga ba cla???

    Posted by April<3 | Nobyembre 28, 2010, 12:15 hapon
  21. hala!! see you next week again.. matagal pa ang next chapter……

    Posted by xxx | Nobyembre 28, 2010, 12:04 hapon

Ano ang iyong masasabi sa iyong nabasa?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

TOP Calendar

Nobyembre 2010
M T W T F S S
« Oct   Dec »
1234567
891011121314
15161718192021
22232425262728
2930  

Mga Istorya

Aming Nakaraan

%d bloggers like this: