binabasa mo ang...
Mi Odiosa Querida

MI ODIOSA QUERIDA-CHAPTER FIFTEEN

CHAPTER FIFTEEN

Camille!

Naulinigan ng kalahating tulog niyang diwa ang mahinang pagtawag na iyon.

Camille!

Palakas iyon ng palakas na tila nagsasabing hindi siya dapat magpaubaya sa kaway ng antok. Naramdaman niya ang takot sa tinig na iyon.

Camille!

There were other words this time but all she can understand is her name. Pinilit niyang iangat ang mga talukap.

“Camille!” nagising ang diwa niya sa malakas na sigaw na iyon at napabalikwas siya ng bangon.

“Camille,” naramdaman nalang niyang pumaloob siya sa matitipunong mga bisig. “Thank God.”

“What happened?” litong tanong niya nang tingalain si Rave. Bakas sa mukha nito ang matinding takot, hinihingal ito at pawis na pawis.

Ano kayang nangyari? Kinabahan siya sa itsura nito. Nawalang bigla ang antok niya.

“What is it, Rave?” nag-aalalang tanong niya. Nanaginip kaya ito ng masama?

Napaderetso siya ng upo nang makita ang mga luhang dumaloy sa mga pisngi nito.

“I thought-” nagpunas ito ng luha. “I just thought-” hindi na nito tinuloy ang sasabihin at niyakap nalang siya ng mahigpit.

“You thought what?” tanong niya habang kumakalas dito.

Ano ba ang nangyari? Gusto niyang malaman kung ano ang nangyari, ano ang dahilan ng pagluha nito?

Kalalaking tao nito, umiiyak? Ay sorry naman, lumuluha pala.

“Nothing,” sabi nitong tinabihan siya sa folding bed habang yakap parin siya.

“Rave, you won’t cry for nothing,” malumanay niyang saad. “Or would you?” sarkastiko niyang sabi.

Ano nanaman bang drama nito? Kanikanina lang nag-walk out ito sa masarap nilang ‘lunch’ tapos ngayon parang maamong ewan, butiki siguro.

Ay hindi, masyadong guwapo ito para sa butiki, maamong Rave nalang. O ‘di ba bongga! singit ng etsusera niyang isip.

He cupped her face, “I will never leave you alone again. That’s a promise.” sabi nito saka siya niyakap ulit.

“Come on, Rave,” naaasar na sabi niya. Ano ba ‘tong taong to kung makapagsalita kala mo naman big deal kung maiwan siyang mag-isa dun e lagi naman siyang mag-isa. “I’m always alone.” pagsasatinig niya sa isipin.

“You will never be,” madamdaming sabi nito.

Maikling mga kataga lang ang mga iyon pero lumundag ang puso niya.

She touched his cheek, “Please, Rave, tell me what happened, surely those tears aren’t for nothing” malambing niyang sabi rito.

Kumunot ito at bumuntong hininga. “I didn’t see you in your room or anywhere else inside,” anitong hindi makatingin sa kaniya.

Weird.

Akala ba nito tumakas siya? Ang takot bang nakita niya sa mga mata nito may ilang minuto na ang nakalipas ay dahil takot itong mawala siya? At ang mga luha nito, para saan ang mga iyon?

“Were you afraid I was gone?” nakakunot na tanong niya.

Nag-iwas ito ng tingin at saka tumango.

Hindi niya maiwasang mapangiti.

“Natatakot ka na baka takasan kita?” pero hindi naman siguro ito luluha ng ganon kung ‘yon lang ang dahilan. “Akala mo ba may nakapasok na rito, pinilipit ang leeg ko at isinabit ako sa balkonahe?” walang ano-anong sabi niya.

Natigilan ito, at tumingin sa kanyang nanlalaki ang mga mata, “Don’t you ever say that again! That will never happen to you! I won’t let it happen to you!”

“Why?” naguguluhang tanong niya. Mahalaga rin kaya siya sa lalaking ito at naiyak pa ito isiping tumakas siya? O na may nangyaring masama sa kanya?

Napangiti siya sa isiping iyong, ngunit napalis din iyon. At bakit naman nito iisiping may mangyayaring masama sa kaniya?

E bakit hindi mo kaya tanungin sa lalaking yan, ‘di ba? ang etsusera niyang konsensya.

Ngunit bago pa siya makapagtanong, “James entrusted you to me, pag may nagyaring masama sa iyo, I’m dead.” sabi nito.

“Cried for kuya James?” nakakainis naman ito. Ang babaw akala niya siya ang iniiyakan.

Hindi ito sumagot.

Napaismid siya. May hindi ito sinasabi sa kanya.

Naglilihim sa akin ang love ko? Oh, no. pag-iinarte lang naman ng isip niya.

Love mo? pakikialam ng impakta niyang konsensiya.

Yes, she loves him. Iyon ang sagot niya sa mga katanungan niya kanina. Mga katanungang halos makatulugan na niya.

Naya 1: Grabe ka Naya ha, muntik ka nag ma deverginize kanina. Buti nalang umayaw si Rave. Kung bakit, wag mo akong tanungin

Naya 2: I do not intend to have sex with him. Just tease him… (Chukles)

Naya 1: Kung natuloy ba yung kanina, hindi mo kaya pagsisihan?

Naya 2: (Nag-isip) Hindi.

Naya 1: Sigurado ka?

Naya 2: Siguradung-sigurado. It’s the second time, by the way. How can he turn his back to me again?

Naya 1: Engot ibibigay mo ang sarili mo sa mokong na ‘yon e hindi ka naman sesryosohin nun.

Naya 2: E kahit na, gusto ko siya ang first ko.

Naya 1: Bakit?!

Naya 2: Dahil, because love ko siya!!!

Nagulat pa siya sa sagot niya.

Naya 1: Ilang araw palang kayong magkasama nang taong ‘yon, may pa love love ka  nang nalalaman.

Naya 2: Pake mo?

“Camille?”

Napatingin siya sa katabi.

“Time to eat. Hindi pa tayo nagla lunch,” sabi nito sa paos na boses.

E kasi po iniwan mo ako dala ang pang ‘lunch’ ko.

“You haven’t answered my question yet,” pag-aakusa niya.

“I’ll answer all your quiries after we eat,” sabi nito.

Nagluto ito ng tanghalian, 3pm na sila nakakain.

Tahimik lang sila habang kumakain, wala itong imik na tila ang lalimng iniisip. Automatic ang kilos nito at wala sa sarili.

About kuletnimbles

Cute

Talakayan

8 thoughts on “MI ODIOSA QUERIDA-CHAPTER FIFTEEN

  1. know what d aq mkpagconcentrate sa work para lng mbsa this story hehehe!

    superb!🙂

    Posted by aileen | Setyembre 29, 2013, 11:53 hapon
  2. ahahaha para xang tanga may naya1 at naya2 pa😀

    Posted by itsgonnabeme | Disyembre 31, 2010, 6:57 hapon
  3. sad naman next week tapos na pala😦

    Posted by arcie | Disyembre 2, 2010, 4:30 hapon
  4. awww yan na un parang kakabitin nga po kung may end na xa next wik

    Posted by eizzy | Nobyembre 27, 2010, 8:34 hapon
  5. ambilis amannnnnnnn !!!

    Posted by xxBunZxx | Nobyembre 27, 2010, 7:05 hapon
  6. hmmpf.!! Bitin…
    end n pla nxt week..
    hope n mgnda ung end…ung ndi bitin ung mga readers…hehehe =)
    anyway it’s a nice story God bless

    Posted by Dhaniel | Nobyembre 27, 2010, 4:20 hapon
  7. whaaaat!!! yun lng un after long days of waiting????!!!! wala man lng b karomaromantic? sori…

    Posted by Rochelle | Nobyembre 27, 2010, 4:02 hapon
  8. That’s it???omg!!!it will end nxt week na…..

    Posted by April<3 | Nobyembre 27, 2010, 3:20 hapon

Ano ang iyong masasabi sa iyong nabasa?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

TOP Calendar

Nobyembre 2010
M T W T F S S
« Oct   Dec »
1234567
891011121314
15161718192021
22232425262728
2930  

Mga Istorya

Aming Nakaraan

%d bloggers like this: