binabasa mo ang...
Haven’t I Met You Yet?

Chapter 7 – Haven’t I Met You Yet?

ONE YEAR & 10 MONTHS LATER

To: Zyro <zyro_delariva@yahoo.com>

Cc:

Subject: Very IMPORTANT matter

This is my nth time to send you emails since last week and yet I didn’t even received any replies. I’m not even sure that you read the fax that I sent to you. Alam kong alam mo kung para saan ang mensahing ito. It’s been almost two years for heaven’s sake!

Please do reply Mr. De la Riva.

Huminga muna siya ng malalim bago pinindot ang “send” button.

Message sent! Ayon sa screen ng laptop niya. She crossed her two fingers and wishing that Zyro will reply soon. She wants freedom but not literally because until now she’s still married to Zyro. Almost two years na siyang kasal kay Zyro and yet hindi pa rin sila annulled. Napagkasunduan kasi nila noon na one year lang dapat ang bisa ng kasal nila.

Muli niyang hinarap ang screen ng laptop niya at agad niyang pinindot ang facebook tab. Agad niyang nakita na may mensahe siya kaya pinindot niya ito. Galing kay Jen.

Binasa niya at tiningnan ang kalakip na isang litrato.

Rumored current girlfriend of  Zyro. Nakita silang nagdate kagabi sa isang five star hotel.

Muli siyang nagtype.

What’s new?? Thank you bes. ^_^

Bakit kabaliktaran ang nararamdaman niya sa smiley na inilagay niya? Bakit nasasaktan pa rin siya kapag makakakita siya ng mga larawan ni Zyro na may babae? Did she badly fall in love with Zyro kaya hindi siya nakakamove-on hanggang ngayon?

Don’t be stupid Suzzane! He doesn’t love you. He hated you that’s why he hurted you! Akala kasi nito na pinlano niyang mabuti para lang makasal sila. Na nakipagsabwatan siya sa mga magulang niya at ng mama nito na si Dona Felisse para matuloy ang kasal.

Isinandal niya ang kanyang likod sa sandalan ng swivel chair at tumingala sa kisame. Magdadalawang taon na pala ang nakalipas mula noong iwan niya ang Pilipinas nang dahil sa isang lalaki. Umalis siyang sugatan ang puso at may sama ng loob. Ang pamilya niya at si Jen lang ang nakakaalam kung saan siya naroroon. Mabuti nalang at nangako naman ang mga ito na walang ibang makakaalam kung saan siya pumunta lalo na si Zyro.

Naging busy siya at masaya naman ang buhay niya sa Australia. Tinapos niya ang kursong Fine Arts major in Interior Design habang nagpapart time model siya. It’s so funny dahil ayaw na ayaw pa naman niya talagang magsuot ng mga sexing damit pero heto’t model na siya. May nakadiskubre kasi sa kanya at inoffer-an siya agad. Maganda kasi ang pangangatawan niya at bagay na bagay ang height niya bilang modelo. Nakakita siya ng pagkakataon para magkapera kaya hindi niya pinalampas ang pagkakataon because she wanted to earn her own money.

Pero tumigil na siya six months ago. Kailangan na kasi niyang magfocus sa pagiging interior designer niya. Ngayon nga ay opening nang interior design business niya with the help of Lee, ang MyOwn Design. And she’s proud of herself.

Nahinto ang kanyang pagmuni-muni nang may kumatok.

“Open!”

“Zane, magsisimula na ba tayo?” tanong ng kaibigan niyang si Lee.

Si Lee ang naging matalik na kaibigan niya sa Australia. Naging kaklase niya ito sa major subject niya. Lee is pretty much handsome and very sweet person. Pero hindi siya nagkagusto rito kahit minsan. Hanggang kaibigan lang talaga ang nararamdaman niya. At ganito rin ang nararamdaman ni Lee. The feeling is mutual ika nga!

“Oh! I’m sorry for waiting. Magsisimula na tayo pagkababa ko. Retouch muna ko ha.” sagot naman niya sabay ngiti. Tiniklop na rin niya ang laptop niya.

“No need to retouch Su. Maganda ka pa rin” nakangiti nitong komento.

“Asus! Nambola pa. Sige na nga, hindi na.”

“Whoa! Ang daming tao!” nakangiti niyang sabi ng makababa.

NAGING matagumpay ang opening ng firm nila ni Lee. Kahit kakabukas lang nila ay marami nang kumukuha ng serbisyo nila. Karamihan ay mga Filipino citizen na nagmigrate na dito sa Australia. Maganda daw kasi ang mga designs nila dahil may halong Pinoy art.

Nakakapagod pero masaya sila sa naging feedback ng mga taong dumalo. Kaya kahit maghahating-gabi na silang nakauwi ay hindi mababakas ang pagod sa kanilang mga mukha.

“Ano Lee, tatanggapin ko ba uli yong offer sa akin?” tanong niya. Nasa kanyang bahay na sila. Hinatid siya ni Lee sa bahay niya dahil hindi niya dala ang kotse niya. Pero pinatuloy muna niya ito para magkape.

“It’s up to you pero kung makakatulong ang perang kikitain mo sa negosyo mo ay tanggapin mo na.” sagot naman nito habang ini-on ang tv. “Pero kung ayaw mo, nandito naman ako.”

“Naku Lee ang laki na nang utang ko sa ‘yo at nakakahiya na.” tugon niya. “Makakatulong talaga kasi malaki ang offer nila. Ang kaso lang sa Pilipinas idadaos ang show!” nakasimangot niyang sabi sabay pinagkrus ang mga braso sa harapan ng dibdib.

“So, anong problema doon? Atleast makakauwi ka na rin.”

Padabog siyang tumango na parang bata na naiinis. “Lee naman. I’m not yet ready. Baka–” pagmamaktol niya.

“Baka magkita kayo ng asawa mo, ganoon ba? O natatakot ka lang na baka ipagkanulo ka ng sarili mong damdamin kapag nagkita kayo?” diritsong sabi nito.

Natigilan siya. Iyon nga ba ang dahilan? Umiling siya sabay upo at tinakpan ang mukha ng unan. “Kakainis ka naman Lee eh!”

Bumuntong-hininga ito. “Ewan ko sa iyo Su.”

NAIA 3

Kakalapag lang ng eroplanong sinakyan nilang mga modelo. Kinakabahang napahawak siya kay Lee na napilit niyang sumama.

“Pwede ba Su, relax ka lang?”

“Ewan ko ba Lee pero feel kong magkikita kami ni Zyro ng wala sa oras!”

“Eh, ano bang tamang oras? Ayaw mo ba noon, mapag-usapan niyo na annulment niyo!” kibit-balikat nitong sabi.

Bumuntong-hininga siya. “May punto ka pero ewan ko. Bahala na.” Ipiniksi niya ang ulo. “Anyway, thank you sa pagsama mo ha.”

“Asus! Kung hindi lang kita kaibigan nunca kitang samahan!” nakangiti nitong sabi.

“Waaaah! If I know, gusto mo ring makita ng personal si Jen noh! Ayaw pang aminin!” ganti niya.

Tumawa lang ito ng malakas.

“DUMATING na ang mga sikat na mga modelo na galing pa ng Australia. Bukas na ang pinag-uusapang fashion show na gaganapin sa Shangrila hotel.” sabi ng nagrereport sa tv. Nasa dirty kitchen siya at kumakain kaya napilitan siyang panoorin ang naturang programa. Gusto sana niyang ilipat ang channel kaso nakakahiya naman sa mga kasambahay nila na tutok na tutok sa panonood. “Kasalukuyang bumaba na ang mga magagandang modelo. Lingid sa kaalaman ng karamihan, isa sa mga modelo ay Pinay.” dagdag pa ng reporter.

“Hindi na niya tinapos ang panonood dahil tapos na siyang kumain pero naririnig pa rin niya ang mga nagsasalita sa tv. Ininterview na nito  ang nasabing Pinay na modelo. Natigilan siya nang marinig ang boses ng modelo subalit nagkibit-balikat nalang siya at pumanhik na sa kwarto niya.

“I’M proud to say that I’m a true blood Filipina po.” nakangiti niyang sagot sa mga reporter.

“Wow!”

“Ano naman ang aasahan namin sa gaganaping show bukas ng gabi?” tanong ng isang reporter.

“Well, ipapakita namin ang mga bagong designs at mga bagong “in” ngayon. Hindi lang iyan, ang kalahati ng kikitain ng show ay ibibigay namin sa mga cancer victims.” paliwanag niya.

“Wow! So, invite the people to watch your show Ms. Sierra.”

She nodded. “Yes, I’m inviting you all to come and watch our show. Tomorrow night, exactly seven pm at Shangrila hotel. Sana po ay makarating po kayo.”

“Thank you Miss Su. Goodluck to your show!”

“I have to go. Thank you.” nakangiti niyang turan sa mga reporters. At nagkikislapan na naman ang mga camera pagkaalis niya.

Whew! Salamat naman at tapos na silang magtanong. sabi ng isip niya.

“ATE!” tawag sa kanya ng kapatid sabay kaway. Katabi nito ang mga magulang niya at si Jen.

Ginantihan din niya ng kaway ang mga ito at parang batang lumapit sa mga ito. Halos takbuhan na niya ang pagitan nila. Una niyang niyakap ang ama. “I missed you dad!”

“I missed you too, hija!” sabi nito.

Hinarap niya ang mommy niya sabay yakap. “Mom!”

“Akala namin, nagtatampo ka pa rin sa amin ng daddy mo!” mangiyak-ngiyak nitong sabi.

Ngumiti siya at kinagat ang pang-ibabang labi. “Mom, dad. I’ve told you na hindi na ako nagtatampo.”

“Ate, where’s our pasalubong?” maarteng singit ni Shary.

“Oo nga naman Suzzane.” segunda naman ni Jen.

“Aba’t! Pasalubong agad ang inatupag niyo ha. Hindi niyo nga ako niyakap man lang.” kunwa’y tampo niya.

“Ay sus! Drama ba ito?” tumawang sabi ni Jen. “Sige na nga, payakap nga.” dagdag nito sabay yakap sa kanya. Siya naman ay yumakap din sabay tumatawa.

Pagkatapos niyang yakapin ang kaibigan ay yumakap din sa kanya ang kapatid. “Sorry to disappoint girls, wala akong pasalubong!”

Sumimangot si Shary. “Why?”

“Cheer up. Ipagshashopping ko nalang kayo.” sabi niya.

“Yehey! Thank you Te!”

“May pasalubong pala ako sa ‘yo Jen” baling niya sa kaibigan sabay kindat.

“Naku! Iba ‘yang titig mo ah. Ano na naman nyan?”

“Just wait.” aniya at hinanap si Lee. Nang makita ito ay tinawag niya at agad naman itong lumapit. Kumapit siya sa braso nito at ngumiti. “Jen, this is my friend Lee. Lee, ito naman ang sinasabi kong bestfriend na si Jen.”

Tiningnan muna siya nito ng masama bago bumati sa lalaki. “Hello!” namumulang bati ni Jen. She smiled because she saw the spark of their eyes. Now, she’s playing cupid.

“Love at first sight ba ‘yan?” natatawang komento niya sabay baling kay Lee. “By the way Lee, nakausap mo na ba si Miss Jane?”

Napakamot pa ito sa ulo. “Oh, yeah! Pinayagan nila tayo. Pero kailangan bukas ay aattend ka na daw sa press conference.”

“Good! So, saan tayo magdidinner dad?” tanong niya sa ama.

“Nagpareserve na kami ng mommy mo. Lets go!”

NAGING masaya ang unang gabi niya sa Pilipinas dahil kasama niya ang pamilya niya. Kahit pagod siya sa byahe ay balewala lang ‘yon. Mabuti nalang hindi in-open-up ng mga magulang niya ang tungkol kay Zyro.

Huminga siya ng malalim. Bakit sa tuwing naalala niya ang binata ay kinakabahan siya? Umiling siya. Ibinalik niya ang atensyon sa mga kasama. Masayang nagtatawanan sila ngayon dahil kay Lee at Jen. Tinutukso nila ito.

“LIZ, come to my office immediately!” utos niya sa sekretarya niya via phone.

“Y-yes, sir.” nauutal nitong sagot.

Nang makapasok na ito ay agad siyang tumayo at inilapag niya ang isang envelope. “Sit down.”

Umupo ito. “Who told you to cancel all my appointments today? At bakit kailangan kong umattend sa show na ‘yan?” nanggagalaiting sabi niya.

“Eh, sir. Your mom told me to do it.” nanginginig nitong sabi.

“Sino ba ang boss mo rito!?”

“Ikaw po sir. Eh, kaso po kung hindi ko raw susundin ang mommy mo ay patatalsikin daw niya ako.” garalgal na ang boses nito. “Sir, please don’t fire me!” Umiiyak na nitong sabi.

Huminga siya ng malalim. Ito na nga ba ang weakness niya. “I’m not going fire you, so please don’t cry. Now, go back to your desk!” utos uli niya.

Pinahid muna nito ang luha saka tumayo. “Thank you sir.”

Nang makalabas na ang sekretarya ay napailing siya. Nang umiyak ito kanina ay bigla siyang may naalala. His wife. Damn!

Umupo siya ulit at dinial ang numero sa bahay nila. Hindi nagtagal ay may sumagot.

“Mama!”

“Hijo, Zyro! Natanggap mo na ba ang invitation?” masayang tanong nito.

“Ma, what’s this? Are you trying to manipulate my life? Again?” reklamo niya.

“Manipulate? Why Zyro? Kailan ko pa minapulate ang buhay mo?” medyo nalungkot ang boses nito. “Ang sakit mo namang magsalita sa mama mo, anak. Kung ayaw mo, pwede ka namang hindi ka pupunta. I won’t force you. Si Mr. Fu lang naman ang nagbigay ng invitation na ‘yan. Pwede mong ibigay sa iba. Wala namang mawawala sa atin kung aayawan natin siya.” mahaba nitong sabi.

Napatingin siya sa kisame at pilit na huwag huminga ng malalim. He knows his mother, ang hilig mangunsensya at siya naman ay hindi niya matiis ito. Alam niyang hindi basta-bastang kliyente si Mr. Fu. Malaking halaga ang mawawala sa kanila kung magbaback-out ito.

“Okay. I’ll be there tonight. Sana ay ito na ang last mama. I’m sorry.”

“You don’t know how happy I am hijo. May susuutin ka na ba mamaya? excited nitong sabi.

“Don’t worry about my outfit ma. I can manage. So, anong oras kita susunduin?”

“Naaah! You don’t have to pick me. Mapapalayo ka lang. May driver naman ako.” tanggi nito.  “Be on time Zyro!”

“Okay ma.”

“I love you anak!” dagdag pa nito.

“I love you too ma.”

EKSAKTONG pagdating niya ay kasisimula pa lang ng show. Hinanap niya agad ang upuan niya kung saan nakalagay ang pangalan niya. Hindi naman siya nainip sa kakahanap dahil nasa unahan ang puwesto niya at katabi niya si Mr. Fu. Pagkaupo niya ay hinanap niya ang ina pero hindi niya ito mahagilap. Napailing siya dahil naisahan na naman siya ng ina. Alam niyang hindi na ito darating dahil wala nang ibang upuan.

Nang mapadako ang kanyang paningin sa kabilang bahagi ay kumunot ang noo niya sa nakita. Kilala niya ang mga nakaupo doon. Mga kaibigan ni Suzzane. Suzzane! Ipinilig niya ang ulo. Hindi na niya binigyang pansin iyon. Itinuon na niya ang atensiyon sa mga modelong naglalakad.

IT’S almost her turn at kinakabahan siya. Ngayon lang siya natetense ng ganito sa tanang buhay niya bilang modelo. “Relax Suzzane. Hooo!” sabi niya sa sarili.

“Miss Su, its your turn.” bungad sa kanya ng organizer.

“Okay!”

LUMABAS siyang suot ang finale dress. The finale dress was incredible with a long black multi-layered tulle skirt cascading over a short black jumpsuit. Hapit na hapit sa kanyang katawan ang suot niyang finale dress. Tinernohan pa niya ito ng four inches red stilletos na nagpadagdag sa height niyang 5’6″. It made her sophisticated.

Pagtuntong niya sa gitna ng stage ay narinig niya ang palakpakan at paghanga ng mga audience. Hindi niya expected na mapupuno ang lugar na iyon. Sagilid ng kanyang mga mata sa may kaliwa, habang naglalakad siya, ay nakita niya ang mga kaibigan. Lihim siyang napangiti dahil halos ekspresyon sa mga mukha ng mga ito ay shock.

Patuloy siyang naglakad hanggang umabot na siya sa dulo ng stage. Unti-unti niyang naaninag ang mga nakaupo sa harapan. At ganoon nalang ang pagkaba ng puso niya nang makilala ang isa sa mga nakaupo roon. Titig na titig ito sa kanya. Titig na isang tao lang ang makakagawa ng malaking impak sa kanya. Mga matang hindi mawala sa isipan niya. Pero hindi niya ipinahalata iyon. Binawi niya ang tingin at ipinagpatuloy ang ginagawang mga pose. Binalewala niya ang presensiya ng taong ito. Pagkatapos niyang magpose ay tumalikod agad siya at hindi na muling tumingin  kay Zyro.

LAKING gulat niya nang lumantad sa kanyang harapan ang babaeng laging laman ng kanyang isip. Malaki ang ipinagbago nito, physically. Mas gumanda, sumexy, glamorosa at sopistikada nang tingnan. Pero naningkit ang kanyang mga mata sa suot nito. Sobrang sexy!

Hindi niya aakalain na sa ganitong sitwasyon sila magkikita. At ngayon niya naalala ang mama, kaya pala pilit siyang pinapunta rito.

Suzzane…

About blythe sapphire

a graduate of Bachelor in Science of Electronics and Communication Engineering but! a frustrated writer ;)

Talakayan

23 thoughts on “Chapter 7 – Haven’t I Met You Yet?

  1. Ay bonga!

    Posted by morena | Setyembre 16, 2014, 4:08 hapon
  2. Pls nman. . Mgkablikan na kau

    Posted by eli | Nobyembre 2, 2013, 11:48 umaga
  3. ang ganda talaga ,., kilig na kilg ako,.,, super./. thanks for this very wonderful story BLYTHE SAPPHIRE

    Posted by zyn | Mayo 19, 2013, 11:30 hapon
  4. wow….!!!!!!!!!!!!!!

    Posted by jjhuls | Oktubre 24, 2012, 9:19 umaga
  5. Hahaha..ang ganda ng kuwento!!!

    Posted by alma | Agosto 30, 2012, 3:58 hapon
  6. grve to lahat ng mga kbanata prha nkaka excite ,huh super duper tlga

    Posted by Khrishna | Agosto 23, 2012, 11:25 umaga
  7. .ehehe..Zy’s mom is playing cupid!.haha..

    Posted by michsoliva | Abril 3, 2012, 3:41 hapon
  8. OMG!! diz iz it! ! !

    im so exited ;))

    next chapt na! . .

    Posted by pazawaiy_1901 | Marso 16, 2012, 11:54 umaga
  9. sna mgkabalikan n cla,

    Posted by belle garcia | Pebrero 1, 2012, 2:23 umaga
  10. watta ! Gravity kalerkii🙂

    Posted by cutiegurl | Enero 31, 2012, 12:22 umaga
  11. nakakaloka ang story

    Posted by Liv | Nobyembre 5, 2011, 5:02 umaga
  12. wow start na ng war… nagkita na ulit sila eh hhahaahah yahoooooooooooooooo!!!!😄

    Posted by Pinkbelle | Pebrero 12, 2011, 12:52 umaga
  13. omg! SUZZANE!! almost 2 yrs mong tinikis c papa zyro!! Gurl!! nkakalolaka!! naglevel k n nga!!

    Posted by bainisah | Disyembre 29, 2010, 2:31 hapon
  14. waaahhhh… nabitin aq… tagal ko hinintay ang nxt chpter na to..super duper exciting na ang story… sana ipost agad ang next chapter..😦

    Posted by reycel09 | Nobyembre 28, 2010, 4:50 umaga
  15. ang ganda.. super.. sana mapost agad next chapter.. i’m so excited sa next chapter..hehehe..

    Posted by chelley23 | Nobyembre 28, 2010, 2:50 umaga
  16. eeeeeeeeeeeeeeeeeehhhhhhhhhhhhhhhhhhh!!!!!!!!!!!!!!!!!!!! kakainis! bitin naman!!!!! pkipost nman ung next chapter pls.

    Posted by beautiful_mary | Nobyembre 27, 2010, 8:16 hapon
  17. grabe.🙂 ang ganda tlga nito.🙂

    Posted by candy | Nobyembre 27, 2010, 7:05 hapon
  18. wuuhh!!
    exciting !!
    Next chapter!

    Posted by roch17 | Nobyembre 27, 2010, 3:54 hapon
  19. luv it!!!

    Posted by audrey | Nobyembre 27, 2010, 2:14 hapon
  20. wow ! im excited na kung anu ang mangyayari sa next chapter ~~

    Posted by kempertuch | Nobyembre 27, 2010, 1:12 hapon
  21. Omg!!!that long???grabe naman to….pero kaexciting xa…

    Posted by April<3 | Nobyembre 27, 2010, 1:11 hapon
  22. omg! next n please….. sooo excited…

    Posted by Rochelle | Nobyembre 27, 2010, 11:55 umaga
  23. hayyy bitin naman po wen po next chap.??tnx..

    Posted by eizzy | Nobyembre 27, 2010, 11:50 umaga

Ano ang iyong masasabi sa iyong nabasa?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

TOP Calendar

Nobyembre 2010
M T W T F S S
« Oct   Dec »
1234567
891011121314
15161718192021
22232425262728
2930  

Mga Istorya

Aming Nakaraan

%d bloggers like this: