binabasa mo ang...
Behind His Hazel Eyes (Legacy)

Behind His Hazel Eyes Chapter 6

She had a surprisingly good sleep last night. It was probably because she was smiling bago pa man sya iginupo ng antok. Sabi nila pag naranasan mo na raw ang first kiss mo ay hindi ka makakatulog. Pero sa lagay nya ay mas masarap ang tulog nya dahil napanaginipan pa nga nya ulit ang tagpong ‘yon.

Bumangon sya ng maaga at saka naligo, excited sya dahil pupunta na sila sa wakas kina Lucy. Nang sumilip sa bintana ay may nakita syang sasakyan na dumating at mukhang maraming dalang mga prutas ang mga ito. At nakakita rin sya ng maraming itlog. Gusto nyang manood kung ano ang ginagawa nila dahil naroon din si Zack. Kaya lumabas siya ng kanyang kuwarto at nakasalubong si Rafael sa labas at mukhang papunta ito sa silid nya.

“Good Morning!” nakangiting bati nya rito.

He also smiled at her. “Good Morning, saan ka pupunta?” tanong nito.

“Gusto kong manood sa ginagawa nung mga tao sa labas, may dumating kasing sasakyan at andaming dalang mga gulay, prutas at itlog” sabi nya.

“Ah, mga iaangkat ‘yun. Special order kahit na Semana Santa, pero patron customer eh kaya pinagbigyan na lang namin,” paliwanag nito.

“Ganun ba? Gusto kong makita ang ginagawa nila”

“Um, later after we change your wounds’ dressing,” at itinaas ni Rafael ang dala nitong medicine kit bag.

Kaya naman ay sumunod nalang sya dito nang tumungo sila pabalik sa kuwarto nya.

“Tingin ko kaya ko naman siguro ito at naaabala pa kita Rafael.” anya.

Nakaupo sila pareho sa gilid ng kama at marahan na nitong tinatanggal ang bandage. “I don’t think so.” at pinunasan nito ng bulak na may alcohol ang kanyang sugat. Sobrang hapdi nu’n kaya sya impit na napadaing.

“Ummm…mahapdi, Rafael.”

“Sorry, dadahan-dahanin ko na lang,” anito at saka nilagyan nang betadine at tinabunan nang patch ang sugat. And then he wrapped the bandage around her arm.

“Salamat ha,” sabi nya dito pagkatapos.

“Sabi ko naman sayo ‘di ba babawi ako sa’yo? Kaya I’ve decided na gagawin mo akong alila mo.”

Natawa sya sa sinabi nito. “Sobra ka naman.”

Rafael’s stare made her feel a little bit uneasy. Umiwas sya sa tingin nito at napatayo nang mapansin si Charlize sa may pinto. She smiled at her.

“Good Morning Charlize!” bati nya rito. She remembered what Zack told her last night kung bakit sya nito inangkin na girlfriend nito para hindi sya mapagdudahan na third party nina Rachel at Tita Mildred at mas lalo na si Charlize.

Charlize gave her a smile, but it doesn’t look like a real smile. She knew that she was starting  to get jealous of her. Kailangan na nyang dumistansya kay Rafael mula ngayon.

“Good Morning, umm…mag breakfast na tayo. Nasa dining na sila lahat,” anito.

Tumango sya. “Ah, sige,” anya’t nilingon si Rafael, “Rafael, salamat nga pala dito,” itinaas nya ang braso.

Tumango at ngumiti ito sa kanya.

Sabay silang tatlo na pumunta sa dining room. Nilingon sila ng lahat. She readied a smile for all of them and greeted them.

She almost melted nang ngitian din sya ni Zack. Pero nang maalala ang nangyari kagabi ay napayuko sya.

“Come here, sweetheart.” tawag ni Zack sa kanya. Lumapit sya rito para umupo sa tabi nito and just as she sat ay biglang hinawakan nito ang kanyang pisngi at binigyan sya ng smack in the very front of everybody on that dining room. Isang nakakalokong ngiti ang nakita nya kay Zack afterwards.

Nilingon nya ang mga nakangiting mukha nina Tita Mildred at Rachel saka nag-iinit ang mukhang napayuko.

“Aww, ayan tuloy Kuya Zack, nag-blush si Mia.” pansin ni Rachel.

“Napakamahiyaing bata nito,” nakangiting sabi ni Tita Mildred at nilingon sina Rafael at Charlize na nakatayo pa, “O kayong dalawa naman, maupo na kayo. Raf ha, pag yang si Charlize nagutom makakatikim ka,” biro nito.

Sabay pang napaupo ang dalawa. And she swore she saw Rafael giving her a sharp look. Parang nakita nyang nagdilim ang mukha nito sandali at napawi nang hawakan ni Charlize ang braso nito. Napalunok sya at kumurap-kurap, she could be wrong too. Baka namamalikmata lang sya.

Nilagyan ulit sya ng pagkain sa plato ni Zack. Sobrang kilig naman ang nadarama nya sa sobrang pag-aasikaso nito sa kanya. At aliw na aliw sina Tita Mildred at Rachel na nakatingin sa kanila.

 

“Alam mo Mia, ngayon lang talaga ako kinilig ng sobra sa nakikita kong pagiging extra sweet sa’yo ni Kuya Zack. I see other couples like that, but you two are the second couple na nagpakilig sa’kin after mom and dad,” Rachel told her habang naglalakad-lakad sila sa may garden.

Kung alam mo lang kung gaano ako kakilig, Rachel. At kung gaano ko hinihiling na sana totoo na lang ang lahat, hindi na bale at nabaril ako total naman gagaling din ako.

“Ikaw Rachel, wala ka bang boyfriend?” tanong nya.

Umikot ang mata nito at marahas na huminga na para bang nakukunsumi. “I’m in-love…atleast I think I am.” anito at umupo sila sa bench sa ilalim ng isang Golden Shower tree na nahuhulog ang bulaklak nito ngayon na parang Sakura tree.

“Ha?” hindi nya ito naintindihan.

Rachel smiled, isang mapait na ngiti. “I’ve been in love with my bestfriend for a long time. Kaso lang I’m too afraid to tell him kasi I don’t wan’t to ruin our friendship, mas lalo na kasi parang wala rin naman syang nararamdaman para sa akin.”

“How can you be so sure without even trying? Gusto mo bang lagi na lang nag-iisip na what if you told him, what if he feels the same way too? And the worst are the words ‘It might have been’. Sometimes kasi in order to get to where and what we really wanted to we have to be brave.,” feeling experienced naman na advise nya rito.

Hindi makapaniwalang tinitigan sya ni Rachel. “Ang heavy naman ng advice mo.”

She laughed, “Ang kulang na lang sa’yo guts to do that, alam ko naman gustong-gusto mo nang sabihin ‘yan eh. Natatalo ka lang ng takot mo. Alam mo you just have to be willing to accept the consequence na goodbye friendship na once you tell him.”

Nahulog ito sa kawalan sandali.

“Kunsabagay, hindi na rin naman friendship lang ang habol ko sa kanya,” at nilingon sya ni Rachel na parang hindi makapaniwala,“Para namang inosenteng-inosente ka pa at ganyan ka na mag-isip. Pang ilang boyfriend mo na ba si Kuya Zack?” she asked.

Ngumuso sya, “U-una pa lang” anya. Sana…

“Sabi na nga ba eh! Mas matanda ako ng isang taon sa’yo, hindi naman ako makakapayag na nakakailan ka na samantalang ako hanggang hope pa lang!” At natawa sila. “But seriously nahihiya naman ako sa’yo para sa Kuya Zack ko, alam mo naman siguro how popular he is to girls di ba?” anito.

Napailing sya sa gulat nito.

“Seriously? Well, kakasagot mo nga lang naman pala sa kanya at first vacation nyo itong Semana Santa together ay bibigyan na kita ng konting idea. Pero hindi para ma-discourage ka ha. FYI lang naman,” at humagikhik ito.

Last week pa lang officialy naging sila ni Zack, that’s what they told them last night during their dinner. At least parang nasa getting-to-know-each-other stage pa lang sila kunwari at ‘di masyadong masalang sa mga kumplikadong tanong.

“Alam mo yung typical ‘every girl’s man’? He was tagged like that, hindi naman sya playboy dahil never nya nagawang magsabay. Pero ‘yun nga lang puro short-termed relationship lang ang binibigay nya. We knew na pihikan sya sa babae kaya he was always searching for something with every girl na dine-date nya. Siguro they didn’t pass his standards kaya natatapos agad,” kuwento nito, “Did I scare you?” tanong pagkatapos ni Rachel.

“No,” she said. Wala naman kasi syang dapat ikatakot dahil wala naman talaga silang relasyon. Siguro kung totoo at bilang present girlfriend nito ay natakot at na-insecure na sya sa narinig.

Hinawakan nito ang kamay nya. “Ikaw lang naman ang sinabihan ko nito because I never talk to his past girlfriends. Plus because I know you’re the one” kinindatan pa sya.

“Ano’ng kinikindat-kindat mo kay Mia ha, Rachel Leigh?” Biglang sumulpot si Zack sa likod nila.

“At ano namang ginagawa mo, eavesdropping? You are spying on us! You earwig!” Ingos ni Rachel dito.

Natawa naman sya.

“Sinisiraan ba ako nitong brat na’to sa’yo, Mia?” tanong nito sa kanya na kinuha ang kamay nya.

“Secret,” anya.

Pinasingkit ni Zack ang mga mata nito. Tumawa ng parang witch si Rachel.

“Anyway, the truck is ready. Tara na kina Mang Kanor,” anito sa kanya.

“Ay oo!” Napatayo sya at nilingon si Rachel. “Sama ka na sa’min Chel” aya nya.

Umiling ito. “Next time na lang, beauty rest muna ako before ko ie-execute ang advice mo. Enjoy na lang kayo ha,” anito.

 

Salcedo Village, basa nya sa signage na nasa gilid ng kalsada. She was really enjoying the view so much.

Manggahan ang dinaanan nila. So this Village is inside the Salcedo lands pala, oh well kaya nga tinawag na Salcedo Village. But it’s kind of the Salcedo family to provide land for their workers to live in.

Huminto sila sa harap ng isang maliit ngunit napakagandang bahay, it’s a typical bahay-kubo but bigger than the usual one.

“Here we are,” ani Zack. At bumaba na sila, pinagbuksan pa sya nito ng pinto.

Merong isang babaeng lumabas mula sa bahay nina Lucy at nagulat ito nang makita si Zack.

“Uy! Magandang umaga, Zack” bati nito.

Zack smiled, “Good Morning din Aling Martha, is Lucy there?” tanong nito.

Tumango ang babae. “Ay oo naman, anong sadya mo kay Lucy maitanong ko?” anitong nakangiti.

“Oh, I’m with Mia here, she’s Lucy’s friend and co-worker sa Makati.” Hinawakan ni Zack ang baywang nya. At saka lang sya tiningnan ng babae at ngumiti ito.

“Mia?…ikaw ang hinihintay na bisita ni Lucy! Ay naku, buti at nandito ka na hija, halikayo at pumasok muna at ang init-init dyan sa labas.”

Sumunod silang dalawa rito, at pinaupo sila sa sala ng mga ito. Lumabas si Lucy mula sa isang kuwarto at nagulat ito nang makita sya.

“Mia!” anito.

Lumapit sya rito at nagyakap sila. “Lucy, nakita rin kita,” anya.

“Hmm… alam mo bang naghintay ako? Akala ko nagbago na ang isip mo at hindi ka na tumuloy, hindi naman kita ma-contact. Kelan ka pa dumating at-“ nagulat ito.

Natulala yata si Lucy nang makita si Zack na nakaupo at nakamasid lang sa kanila.

“Sir Zack, ikaw pala,” at saka napatingin ulit sa kanya. Saka nito napansin ang kanyang braso at hinawakan nito yun, “Ano’ng nangyari sayo?”

“Ummm…” sya naman ay napalingon kay Zack na tumayo bigla.

“I’ll just go visit some people, I’ll be back before dinner to fetch you,” anito sa kanya at saka nginitian si Lucy, “Mauna na muna ako Lucy, and please tell your father I’ll get the fertilizers delivered first thing on Monday,” at lumabas na ito.

Isang nagtatanong na tingin ang binigay ni Lucy sa kanya.

“Magkakilala pala kayo?”

Isang buntong-hininga ang pinalaya niya. And then she told Lucy the whole story.

Hindi naman mawala ang ngiti sa mukha nito habang at hanggang sa matapos ang kuwento nya. Ang hindi lamang nya ibinanggit dito ay ang tungkol doon sa first kiss nya. But she told her about the pretending-to-be-his-girlfriend story.

“Ang cute naman ng story mo, and imagine hah, sa Hacienda Salcedo ka pa talaga nakatira ngayon,” parang idinuduyan ito sa alapaap sa kung anong nai-imagine nito.

Sumimangot sya. “Cute ba’yun? Ang mabaril? In-advance ko pa nga ang Biyernes Santo eh, samantalang ngayon palang dapat ‘yun.”

Tinapik ni Lucy ang likod nya.

“Alam mo hindi ka naman pababayaan ng mga Salcedo eh, responsibilidad ka nila. Masuwerte nga sila sayo at sobrang bait mo at hindi mo sila masyadong ginugulo. Basta ‘wag ka munang umalis du’n sa mansyon, at i-enjoy mo nalang ang stay mo roon,” pinagalaw-galaw pa nito ang kilay nito na tila ba kinukumbinsi sya, “Bakit? Inaaway ka ba ro’n?” tanong nito.

“Hindi naman, pero ayoko kasi talaga roon. Pwede bang dito na lang ako sa inyo? Hindi pa ako sanay sa napakalaking bahay ano!” Pagpapaawa nya dito.

“Ay! ‘Wag na matigas ang ulo Mia. Destiny ito! Everything happened for a reason, and maybe the reason is for you to meet Zack,” tumingala pa ito sa kisame na parang nangangarap, “Kahit pa ultimate crush ko ‘yun, kaibigan naman kita kaya okay lang,” Lucy giggled.

“Lucy naman eh” ang ikinakatakot ko lang baka main-love na ako ru’n sa ultimate crush mo at umuwi lang akong luhaan sa Makati.

“Ay naku, gutom lang yan. Masarap ang mga niluto ng Nanay kaya bubusugin kita.”

Pinakain nga sya ng mag-ina ng mga nilutong kakanin at iba pang ulam ng mga ito. Sobrang sarap nga naman at dahil sa mukhang sarap na sarap nga sya ay tinodo naman ng mag-ina ang pakain sa kanya. At hindi na nga sya pinatayo hanggang dumilim at maghahapunan na naman.

Nang medyo dumilim na ay dumating naman na si Mang Kanor at may dalang lambanog at kilawin.

“Umiinom ka ba ng Lambanog, anak?” tanong ni Mang Kanor sa kanya.

“Kanor, ang tamang tanong eh kung nakainom na ba yang batang ‘yan, mukhang gatas lang yata ang naiinom nyan maliban sa tubig eh. Ang kinis na bata,” pansin ni Aling Martha.

Tumawa naman si Lucy. “Tama ka talaga Nay, sa umaga at bago matulog ay gatas iniinom nyan sa boarding house.”

Natawa nalang sya, “Sobra naman ‘tong si Lucy, pero hindi po ba pangit ang lasa nyang lambanog?”tanong nya.

“Meron naman itong flavor anak, may bubblegum at strawberry,” at napalingon sa pinto si Mang Kanor, “Oh, nandyan ka na pala Zack.”

Nakatayo si Zack sa may pinto at bumati ng magandang gabi sa lahat.

“Aba’y ano pang tinatayo mo r’yan anak at pumasok ka na rine at saluhan mo na kami rito,” imbita ni Mang Kanor. Pumasok na si Zack

“Oo nga naman. Halika’t maupo ka na.” anyaya ni Aling Martha.

Bigla na lang tumayo sa tabi nya si Lucy, “Dito ka na maupo Sir Zack at du’n na ako sa tabi ni Nanay,” palihim pa syang nginitian nito. Naupo naman si Zack sa tabi nya.

“Makakatikim na naman ulit ako ng masarap na luto ni Aling Martha, sa wakas,” anito na ikinangiti naman ng ina ni Lucy.

“Ah gano’n? Kailangan mo talagang ubusin ang ilalagay ko sa mesa ngayon ha,” at inilagay na nga lahat ng pagkain sa mesa.

Natawa naman silang lahat sa reaksyon ni Zack na napatingin sa lahat ng naroon. “Ah, dito masusubukan ang extra pouch ko,” at natawa.

Nagsimula na nga silang kumain lahat. Nagulat pa sya nang hanggang dito ay ito pa rin ang naglagay ng pagkain sa plato nya na dahilan upang pagmasdan ng lahat ang kanilang kilos.

“Ah, ‘wag na k-kaya ko na naman to, salamat…” asiwang sabi nya at medyo tinabing pa ang kamay nito.

“Magkakilala pala kayo ni Mia, Zack. Nagkakilala ba kayo sa Maynila?” tanong ni Mang Kanor.

“Ang totoo, ‘Tay ay nobyo na po ni Mia si Sir Zack at kasasagot lang nya rito,” biglaang singit ni Lucy na ikinalaki ng mga mata nya.

“Ay naku, hin-“sasabihin sana nyang hindi nang sumabat si Zack.

“Totoo po yun Manong Kanor, Aling Martha,” anito na nginitian pa sya.

Naniwala naman ang mga magulang ni Lucy at mukhang pati ang mga ito ay kinikilig na nga.

“Bagay na bagay nga naman kayong dalawa, etong Lucy namin hindi na naming malaman kung may gana ba ito sa pagnonobyo eh,” tukso ni Mang Kanor sa anak.

“Hindi ba’t nangako si Van kay Lucy na pag hinintay ni Lucy ang pagbabalik nya ay papakasalan nya ang anak nyo?” ani Zack at kay Lucy naman natuon ang pansin nila.

“Kelan naman nangyari yun, Sir Zack?” nakangusong tanong nito na parang ayaw ang topic. “Wala kayang nangyaring ganu’n, Mia kain ka pa oh!”

Natawa sila sa reaksyon nito. Tiningala nya si Zack. “Sino si Van?”

“My cousin, they were childhood friends. And Van had to leave for college in the States and at the same time for business training school. He will be coming back next year so…” at nilingon si Lucy na nahuli nilang nakikinig.

Namula naman ang mukha nito at iniba ang usapan.

 

About athenashih

TOP Contributor

Talakayan

15 thoughts on “Behind His Hazel Eyes Chapter 6

  1. hayyyy this story is really cute,i super love it!

    what’s the title po of van and lucy’s book?

    keep it up ms athena.u really are awesome!🙂

    Posted by aileen | Oktubre 26, 2013, 7:46 umaga
  2. Until now wla pa rin bagong posting sa chapter. Kailan kaya matapos itong kwento. Maganda pa naman siya. PLEASE NAMAN PO! Paki-post na.

    Posted by ylenbeauty | Abril 2, 2011, 9:27 umaga
  3. wow!! how i wish.. my kwento din si van and lucy…!!!!

    nice strory!! is uper dupper love it !!

    Posted by taengoo | Enero 9, 2011, 2:50 hapon
  4. ganda! next na…

    Posted by angel_YL | Disyembre 27, 2010, 3:41 hapon
  5. ang sweet ni zack!! akin ka na lang ahahaha😛

    Posted by itsgonnabeme | Disyembre 21, 2010, 9:09 umaga
  6. Ang tagal naman ng posting..ilang araw ko na chinecheck itong site na ito. Hay…next chapter na pls.

    Posted by beautiful_mary | Nobyembre 30, 2010, 1:48 umaga
  7. wow.. Kakakilig naman ni Zack…
    hehehe….
    i love story…

    Posted by Dana Faye andrew-Fonacier | Nobyembre 26, 2010, 8:45 umaga
  8. Astig ü lerv it!

    Posted by Irish May | Nobyembre 25, 2010, 6:29 hapon
  9. haha..ang cute

    Posted by alexis_shawn27 | Nobyembre 25, 2010, 5:52 hapon
  10. aaaaaayyy !! my love story din si Lucy !! waaaaahhh !!! cuteeeeeeeeeeeeeeee !!!!

    Posted by xxBunZxx | Nobyembre 25, 2010, 4:57 hapon
  11. Kakakilig naman si Zack…ang sweet sweet nya…hay…kelan po ang posting ng next chapter. Congrats sa Author..ang galing ng concept ng story…simple malakas ang hatak sa readers

    Posted by mary_guinto28 | Nobyembre 25, 2010, 4:17 hapon
  12. Since this morning I’m always checking up TOP website if there’s new posted story. I’m glad meron na. Thanks to newly post chapter it’s really a nice story.

    Posted by nely | Nobyembre 25, 2010, 4:16 hapon
  13. ay bitin naman..

    Posted by eizzy | Nobyembre 25, 2010, 4:14 hapon
  14. ang ganda,sana maganda rin ang wakas,tnx

    Posted by irese | Nobyembre 25, 2010, 2:21 hapon
  15. Ang cute!!!kaya lang panira c raf as in…

    Posted by April<3 | Nobyembre 25, 2010, 2:12 hapon

Ano ang iyong masasabi sa iyong nabasa?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

TOP Calendar

Nobyembre 2010
M T W T F S S
« Oct   Dec »
1234567
891011121314
15161718192021
22232425262728
2930  

Mga Istorya

Aming Nakaraan

%d bloggers like this: