binabasa mo ang...
My Pretty Boy

My Pretty Boy – Chapter 11

Everyone was looking at them when they entered the place. Parang may himalang naganap pagpasok nila sa eksena. “hi?” yun lang ang nasabi niya sa maraming tao. Then she was surrounded by the people. Everyone wants to get her attention but suddenly someone grabs her away from the crowd.

“Okay ka lng?” sabi ng knight and shining armour niya

“Yeah..punta tayo doon sa bride” yaya niya rito. Then he escorted her until makalapit siya sa pinsan niya.

“Hey! Yvette..I’m so sorry sa gulo..gusto ko mang pigilan pero di ko magawa..sana hindi mo na lang ako niyaya rito..this is suppose to be your night..ikaw dapat yung star..pero ako itong sagabal..i’m so soorry..i’ll leave now para ma-iwasan ang iba pang gulo” pagpapaliwanag niya rito

“Hey! It’s all right..alam naming mangyayari ito..and here you are humble pa rin..don’t worry..i’m not angry..hindi naman yun problema..tsaka wag ka munang umalis..hindi pa tapos ang party tsaka..may throwing of my bouquet pa ako…malay mo ikaw makasalo?” sabi lang nito tsaka tumawa

“Ikaw talaga..palabiro” teary-eyed niyang sabi

“Malay mo naman” wika nito tsaka tumawa. “ by the way youre not formally introduced yet to my groom, right?..this is Edward Gabriel my husband..babe! this is my cousin..Thalia Martinez” pagpapakilala nito

“Hi! It nice meeting you in person” sabi ni Ed then they shaked hands

“Nice meeting you too, by the way congrats nga pala sa inyo ng insan ko..pag-sinaktan mo yan, ipapatapon kita sa bangin..” pagbibiro niya rito

“Haha..promise. hindi ko toh sasaktan,mahal ko kasi toh” then he hugged her cousin and kissed her.

“Swerte mo dyan sa brod ko,Thalia, sa’yo lang yan ngumingiti, sa amin..wala,,if you would know him better,,,you’d find him amazing” pabulong na sinabi nito

“Oo nga..alam mo ba na pinagkakaguluhan na usap-usapan dito na bagay na bagay kayong dalawa, tama nga ang naging plano naming i-pair kayo” sabi ng insan niya tsaka humagikgik

‘Wait! Sandali! Plano niyo toh?” naguguluhan niyang tanong.

“Yup! Unang kita ko pa lang sa picture ng friend ng honey ko alam kong bagay na kayong maging mag-partner” kinikilig nitong sabi ”Oh! Hinihintay ka na ni lover boy mo tsaka gusto mo naman siya kaya wag ka nang pakipot pinsan” pahabol nito

“At kailan mo pa naging propesyon ang pagiging matchmaker?” pahabol niya dahil tinutulak na siya nito patungo kay karl

“Matagal na, hey! Karl!” tawag nito sa lalake,”Could you take care of my dear cousin while i take care of the other guest?” tanong nito

“Yeah, sure” simpleng sabi lng nito

“Thanks!” sabi lng nito tsaka dali-daling umalis

“Pahamak talaga yang pinsan ko na yan” “Pasensiya ka na sa pinsan ko.” Ilang saglit silang tahimik bago siya nagsalitang muli. “Anong plano mo?” tanong niya rito

“Ikaw?”

“Gutom pa ako, kain muna tayo” palusot niya. Iginiya siya nito patungo sa
bakanteng mesa, Pinakamalayo sa maraming guest. Ito na rin ang kumuha ng pagkain nila. Nang bumalik ito ay biglang bumukas ang mga Christmas light na nakakabit sa mga halaman,. It was so wonderful..plus factor pa na lumalakad ito papunta sa kanya, parang anghel na bumaba sa lupa! Walang pakpak nga lang

“Kukunin mo na ba ako?” bigla niyang sabi

“huh?”

“I mean, kakain na ako,Bilis!” nadala ata siya sa effects ng lights kaya kung anu-ano na ang sinasabi niya.

“Oo na, andyan na senyorita” sabi nito sabay lapag ng plato sa table nila.

“Bakit nga pala ini-on ang mga lights?” nagtataka niyang tanong

“Di mo ba napapansin? Madilim na, syempre kelangan na ng ilaw” explain nito sa kanya. Di na pala niya napansin ang oras. Gabi na pala.

“Di ko napansin, teka pwedeng magtanong?”

“Madami ka nang natanong ngayon ka pa humingi ng permission” pamimilosopo nito

“Salamat ha. hmp.!”

“ikaw naman.Ano ba tanong mo?” Ngumiti ito
Hay! Nagbukas na naman ang langit. Kainis! gusto ko sanang magalit.. Arrggghhh… “Alam mo kasi, medyo matagal na tayong magkakilala pero i only know a little about you, like di ko alam kung anong hobbies mo, business and everything, samantalang ako kilalang-kilala mo na” paliwanag niya rito

“Well for a start, marami akong business. Malls, computer shops, Manufacturing at marami pang iba aside sa Family Business namin na Clothing line, hindi kasi ako kontento sa isa lang gusto ko marami akong challenge na nakukuha pero isa sa mga gusto ko sa mga business ako ay ang resort but sa mga resort, may mga business partners ako which is my friends” paliwanag nito. Nag-himala ang langit! Nagsalita ito ng isang paragraph tungkol sa sarili nito!

“You mean business partners mo si Ed tsaka si Sef?” nakangiti niyang tanong

“Yeah! One of my business partners, marami pa akong mga kaibigan” dugtong nito

“I see, Gwapo ba sila?” interisante niyang tanong

“Hayaan mo ipapakilala kita sa kanila, irereto pa kita!” pagsusungit nito.

“Asus! Ha-ha, loyal kaya ako! Sa’yo pa rin ako!” pagbibiro niya dito. Ngumiti lang ito tsaka masiglang ipinagpatuloy ang pagku-kwento nito.

“Then for my hobbies, mahilig akong tumambay sa mga resort, yun ang nakakapag-relax sa akin”

“Talaga? Alam mo matagal ko nang gustong magbasyon, I love travelling to beaches and resorts”kwento niya rito. Mabuti ng may pinag-uusapan kaysa wala.

“Mahirap din pala maging model noh?” sabi nito

“Super! Mahirap na masaya minsan, Marami ka ksing nakakatrabaho tapos pag-nalalaman ko yung kwento ng buhay nila, sumasaya ako tsaka heto kasi yung tumulong sa akin noong nangangailangan ako” sagot niya

“Nangangailangan?”

“Yup! When i was struggling for my studies and para sa sakit ng mama ko pero after a year sa ospital namatay din ang mama ko due to complications” parang maiiyak niyang sabi, sa tuwing maaalala niya ang nangyari sa kanya noon ay humihina ang puso niya, bago pa niya matamasa ang buhay niya ngayon ay dumaan muna sya sa maraming problema.

“I’m sorry to hear that”

“No, it’s okay matagal-tagal na naman yon eh” mahina niyang sabi

“Kanya-kanya lang naman niyang pinagdadaanan sa buhay di buh? Ang mahalaga ay nalampasan mo ito at at natuto ka sa leksyong dala nito” sabi nito.
Ngumiti lang siya sa tinuran nito, ngayon naa-amuse na siya sa lalakeng ito, iba-iba kasi ang ipinapakita nito sa kanya may suplado na mabait na caring. Nasa kalagitnaan na sila ng kanilang paguusap ng biglang ipatawag ang lahat na single na babae, throwing of the bouquet na kasi ng bride, ayaw man niya pumunta ay na special mension na ang name niya.

“ Ok! Places na girls! ” sigaw ng Bride. Pumwesto siya sa pinakalikod para hindi na makisiksik sa mga ibang gusto talaga makuha ang bouquet. Hindi naman niya inaasahan na lalapag sa harapan niya ang bouquet. Kaya laking gulat niya ng bigla na lang i-declare na siya na ang nakakakuha ng bouquet ipapasa pa naman niya sana sa isang babae sa harapan niya. Palakpakan naman ang mga tao. “Bakit ako? Hindi ako ready sa mga ganitong bagay! Bakit? Bakit? Wla akong ginawang masama! Bakit parang kakatayin niyo ako?” Agad naman siyang hinatak ng pinsan niya sa stage para doon na hintayin ang makakakuha ng garter.

“I told you Thal, ikaw na ang susunod sa pamilya natin, nagdilang-anghel nga ako” excited na sabi ng pinsan niya

“Wish ko lang sana gwapo ang makakuha tsaka hindi pa ako ready sa mga ganito noh, kaya nga lumayo-layo ako ng konti para hindi maabot pero naabot pa rin” pasimple niyang wika. Hindi na siya nanood sa pagsasalo ng mga lalake kaya laking gulat niya ng i-announce na si Karl na ang nakakuha. “Ano toh? Set-up? Destiny? Miracle? Naman! Grabeh! Pagpapawisan pa ata ako nito! Hindi pa ako nagre-retouch!”

Napabuntong hininga siya ng lumapit na sa kanya si Karl.“Ngayon ay ilalagay na ni Karl ang garter sa hita ni Thalia, tignan nyo naman bagay na bagay sila. Di buh?” announce ng Emcee. Agad siyang pinamulahan ng mukha.

“Parang kamatis na yung mukha mo pero maganda ka pa rin” bulong nito sa knya. Hindi na niya alam kung anong gagawin. High na sya sa mga nangyayari. Parang lumulutang siya sa alapaap, ngayon niya lang na-appreciate ang word na maganda. Nang malagay na nito sa kanya ay nag-request ang mga tao.“Higher! Higher!” sabi ng mga ito tsaka pumalakpak

“Sabi daw ng mga tao higher” bulong niya dito

“Oo narinig ko pero ikaw? Gusto mo ba?” tanong nito

“Shucks! Napaka-gentlemen mo naman! Gustuhin ko man ay mawawala na ang pagka-dalagang pilipina image ko sayo tsaka dudugo ang ilong ko nito” sabi niya sa knyang isip. “As if naman meron ka pa noon sa mga panahong ito?” sulpot ng munting tinig sa kanya.
Hindi siya sumagot bagkus tinitigan niya lang ito. Bigla itong tumayo at nagsalita. “Pasensiya na kayo, masama daw ang pakiramdam niya, gusto na niyang magpahinga” sabi nito. Sabay-sabay namang umungol ang mga tao. “Sige, kiss na lang!” biglang may nagsalita isa sa mga ito. “Naman! Nilalagay niyo talaga ako sa isang alanganing sitwasyon ha? Malayo pa ang christmas, wag nyo muna akong bigyan ng maagang regalo!”

“Sige na! Kahit sa cheeks lang!” sigaw pa ng mga ito. Agad pinatunog ng mga ito ang mga baso. Tinignan niya lang ang mga tao tsaka bumaling kay Karl.“Ano? Payag ka?” tanong nito sa kanya. “Ok lng, cheeks lang naman” sagot niya

“Ok” sabi nito. May naririnig siyang tumatawag ng pangalan nya kaya bumaling muna siya sa likod bago humarap kay Karl pero pagharap niya dito ay hindi sa cheeks lumanding kundi sa lips. Agad namang lumaki ang mga mata niya sa sobrang gulat kaya lumayo agad siya dito. Sigawan agad ang mga tao. Milyung-milyong boltahe ang pumasok sa katawan niya ng magkadikit ang mag labi nila. Her organs and brains especially her heart are widely awake now.

Hindi niya alam kung paano niya nalusutan ang kinasangkutan niyang gulo,basta ang alam niya ngayon ay nasa cottage na niya siya at nakatulala. Hilo pa siya ata sa nangyari ng dalhin siya doon ni Shelly kanina. Agad siyang nagbihis ng damit at tumambay sa terace ng cottage. Umupo siya sa may upuang kawayan at nagmasid sa paligid. Ok na sana ang view ngunit hindi niya ito ma-appreciate sa ngayon, maraming pumapasok at gumugulo sa utak niya ngayon.

Ang akala niya tapos na ang battle of the minds ng utak niya, hindi pa pala. Nag-aalala siya sa kung anong mangyayari sa kanila ni Karl. Lalayo na ba to sa kanya? Hindi na ba sila magiging mgkaibigan? Hanggang doon na lamang ba sila? Hindi na ito nagparamdam sa kanya mula ng nangyari iyon kanina. Hindi na niya alam ang gagawin ngayon “For pete’s sake! It was just a kiss! Bakit andami ng pumapasok sa utak ko?”.

Ayaw niya pang bumalik sa siyudad mas lalong gugulo ang utak niya. “Why not? Mag-stay kaya ako rito for a couple of days, tutal matagal-tagal din akong hindi nakakapagbakasyon this would be the right time” agad niyang kinuha ang cellphone niya tsaka tinawagan si Ate Che. Nang pumayag ito ay si Fatima naman ang tinawagan niya pagkatapos noon ay agad niyang ini-off ang phone niya, pra walang istorbo sa pagbabakasyon niya, agad niyang pinlano ang mga gagawin niya. Bukas na lang niya kakausapin an tita niya, gabi na masyado. Agad niyang kinuha ang jacket niya. A midnight stroll wouldn’t hurt,safe naman ang lugar.

Kung saan-saan na siya nakapunta, maganda nga ang lugar. Hindi pa pala doon natatapos sa parang greemhouse, may trail kasi ito papunta sa isang peak. Hindi pala iyon isang patag na lugar kundi isang bundok iyon. May parteng pinatag at may parteng hinyaan lng at naka-preserve Agad niyang tinandaan ang mga lugar na gusto pa niyang i-explore pag-umaga, inaantok na siya kaya agad siyang bumalik sa cottage niya. And again her dreams was only filled with only one man.

Mataas na ang sikat ng araw ng paggising siya. “Hala! 11:30 na? Nakuu! Hindi ko na maabutan sila tita!” agad siyang bumangon at naligo, pagkatapos niyang magbihis ay agad siyang pumunta sa cottage nang tita niya at tama nga ang hinala niya, hindi na niya naabutan ang mga ito. Bago siya bumalik uli sa cottage niya ay pumunta muna siya sa front desk upang i-confirm ang mahabang stay niya pa roon. Dali-dali siyang pumunta sa cottage niya at ini-on ang phone nya. Sunod-sunod na mga messages agad ang pumasok sa inbox niya, mostly kay Tita niya at Yvette. Agad niyang tinawagan ang Tita niya. “Hello? Tita?”

“Thalia? Oh? Nasaan ka na? Alalang-ala kami sa’yo, akala namin na-una ka nang umunwi dahil wlang sumasagot sa cottage mo” nag-aalala nitong sabi

“Mahirap po talaga akong gisingin sa umaga tita, pero nandito pa po ako sa resort, dito po muna ako magbabakasyon ng ilang araw. matagal ko na pong hinhintay ang pagkakataong makapagpahinga” paliwanag niya

“Yun ba? Ok sige, mabuti yan. Sige mag-enjoy ka diyan ha” sabi nito

“Opo” Agad niyang binaba ang phone niya, naririnig na niyang kumakalam ang sikmura niya kaya agad niyang kinuha ang wallet niya at tumungo sa restaurant.

Agad siyang sinalubong ng waitress pagpasok niya sa loob ng restaurant. Agad siyang umupo sa upuang inilaan sa kanya ng waitress. Nang maayos na siya ay ibinigay nito ang menu. “Anong masarap ditong kainin for brunch?” tanong niya rito habang binabasa ang nakasulat sa menu

“Masarap po lahat dito mam, pero ire-recommend ko po ang sunshine waffles namin mam tsaka ok po iyung i-pares sa choco latte namin dito mam,” pagmamalaki pa nito

“Wala nang iba?”

“Marami pa po mam kaya lang baka kako kasi nagda-diet kayo, di ba po ang mga artista conscious sa katawan?”

“Hindi ako artista, model lang ako” sabi niya tsaka ngumiti siya rito

“Ganoon po ba? Pero di ba kayo po yung mas conscious na mga tao kasi model kayo?” tanong pa nito.Ngumiti lang siya rito tsaka ibinigay niya rito iyong menu

“Ikaw na lng ang bahala, kung anong masarap dito yun ang order ko, mga dalawang putahe lang siguro, ok na ba yun?” sabi niya rito tsaka ibinigay ang menu

“Sige mam, 15 minutes pa po yung order niyo” sabi nito tsaka umalis na.

“Ang bait ng artistang yun oh hindi katulad ng ibang babae dito na dinadala ng mga boss, mga suplada!” turo ng waitress dito

“Model lang siya, hindi siya artista” sabi ni Jane

“Bakit daw siya di nag-aartista? May potential naman siya” sabi ni Monette

“Kontento na daw siya sa pagiging model”

“Paano mo nalaman?”

“Magbasa ka kaya ng magazine para hindi ka tanong ng tanong Monette” sabi lng ni Jane tsaka iniwan ito

“Alam mo namang hindi nakalaan ang pera ko para diyan” habol pa nito

“Ang sabihin mo! Kuripot ka lang!” sagot nito tsaka pumasok sa kitchen

Papasok na siya sa teritoryo ng kaibigan niya ng marinig niya ang usapan ng dalawang waitress. Agad niyang hinanap kung sinong tinutukoy nito at tama nga ang hinala niya. Si Thalia nga ang nandoon, pupuntahan na sana niya ito ng lumabas ang kaibigan niya mula sa Kitchen, may dala-dala itong tray ng mga pagkain.

“Oh san ka pupunta Karl?” tanong agad nito sa kanya

“Ikaw ang dapat kung tanungin Drayle! San ka pupunta? Tsaka di ba dapat waiter ang maghatid ng pagkain?” tanong niya rito

“Well, meron kaming mga exemptions dito tsaka may VIP kaming customer” wika lang nito, aalis na sana ito ng pigilan niya ulit ito.

“VIP? Sinong VIP? Tsaka exemptions ka dyan, wala akong naaalala na nasa rules natin yan dito sa Resort? Ginagamit mo na naman siguro ang pagiging head chief mo” sabi niya rito

“Pretend ka pa dyan! Alam mo na kung sino ang tinutukoy ko tsaka bakit pagpinag-uusapan yung babae mo eh dumadaldal ka na?” sabi pa nito

“At anong ibig mong sabihin diyan?”

“Ang lakas ng pang-amoy mo, mamaya pa ang shift mo dito ah tsaka para maliwanagan ka kahit maliwanag na maliwanag na sa’yo eh Si Thalia Martinez yung VIP namin dito and I just want to meet her, bawal ba yon? Teritoryo ko toh, baka gusto mong ipa-sipa kita dyan?” sabi lang nito tsaka dali-daling lumakad papunta kay Thalia
Kanina pa niya hinihintay ang pagkain niya. Nagra-rally na ang tiyan niya laban sa kanya ”Antagal naman ng pagkain? Grabeng luto yan ha”. Magrereklamo na sana siya ng biglang may maamoy siyang mabango na papalapit sa knya

“Sorry nga pala sa paghihintay, may nakapaligid kasing panggulo dito sa loob pero heto na yung order mo” sabi ng lalake tsaka inilapag nito ang pagkain sa mesa niya. “Ang gwapo naman ng taong ito,marami ata akong nakikitang gwapo dito ah, mareto nga sa mga kaibigan ko para magkaroon naman ng mga buhay yun bukod sa sarili ng mga ito.”

“It’s okay, Thank you nga pala” sabi niya, agad siyang nagtaka ng mapansing nka-uniform ito ng Chef.

“I know what you’re thinking, gusto ko kasing makilala personally yung girl ng–.” Naputol ang sinasabi nito ng biglang may tumakip sa bibig nito. Agad siyang napasinghap nang makita niya ang mukha nito

“Karl? Anong ginagawa mo?” nagtataka niyang tanong. Hindi siya nito pinansin bagkus may ibinulong ito sa lalake

“Ayoko nga! dito lang ako! Gusto ko dito tsaka I want to know her more” sabi lng nito tsaka umupo sa bakanteng upuan sa harap niya. “Di ba ok lng naman sa’yo na dito lang ako?” baling nito sa kanya

“Ok lng naman, baka nga ako ang nakakadistorbo ako sa’yo dahil baka may trabaho ka pa” malambing na sabi niya rito “Tignan natin ang magiging reaksyon mo nito,hmmm…selos ka na?” agad niyang tinignan ang reaksyon nito. Namumula ito sa galit

“Ewan ko sa inyong dalawa” sabi lang nito tsaka umalis

“Anong nangyari doon?” nagtataka niyang tanong

“Di mo ba napansin? Nagseselos lang yun” simpleng sabi lang nito

“Paano mo naman nasabi yon?” “hmm…gusto kita, binibigyan mo ko ng kaligayahan sa mga sinasabi mo”

“Kasi dati, napakaseryoso nito tsaka masungit pero simula ng makilala ka niya, nag-iba na siya, nagpapakita na siya ng emosyon nya, hindi ba fascinating” paliwanag nito tsaka ngumiti.

“Ikaw na lang kaya yung papa ko? Atleast mapapakinabangan kita kasi mgaling kang maglut kaysa sa taong yun, wala ng ginawa kundi sungitan ako” sabi niya lang sa kanyang isip. “I doubt it, sa lahat kasi ng emosyon, inis at galit pa ang ipinapakita nito, nagagalit siguro yun kasi nakikipaglapit ako sa inyong kaibigan niya” sabi niya sabay subo. “Daanin ko na lang sa pagkain yung frustration ko sa taong yun, baka bumaha pa ng luha dito”

“Hindi mo nakikita yung nakikita namin na mga kaibigan niya” simpleng sagot nito

“Hoy! Drayle! Hinahanap ka na sa kitchen! Oras ng trabaho may sideline kang ginagawa” sabi ng lalakeng nagmo-mop ng sahig. “Ang daming gwapo naman dito, baka restaurant slash pugad ng mga gwapo ang lugar na it ”

“Panira ka talaga ng moment Karlitos! Kita mong nag-uusap kami dito” sagot nito

“Pupunta ka na sa Kitchen o mawawalan ka ng trabaho?” seryosong sabi nito

“Oo sige na” sagot nito

“Kaibigan mo?” tanong niya rito

“Oo, isa sa mga kaibigan namin ni Karl. Siya ang manager ng restaurant” paliwanag nito

“Ha? Eh bakit naka-pang waiter siya na uniform?” nagtataka niyang tanong

“Wla lng, trip niya lng, mas komportable lang daw siya tsaka wag kang lalapit sa knya, mas sobra pa siya kay Karl” warning nito tsaka tumayo at naglakad patungong kusina. Nasa kalagitnaan na siya ng pagkain niya ng may narinig siyang tumili. Agad niyang hinanap kung saan galing yon, agad niyang nakitang naglalakad si Karl papasok ng restaurant, naka-suot na ito ng uniform ng waiter. “Anong gagawin na naman ng taong ito?” biglang nagwala ang puso niya ng mapansing papalapit ng ito sa knya “hala! Anong gagawin ko?” natataranta na siya sa kinauupuan niiya. “act normally, Thal! Normal lng! Kain ka lng” pagkakalma niya sa sarili pero sa totoo lang naiihi na siya

“Asan si Drayle?” biglang sabi nito. Nagulat siya sa biglang pagsulpot nito kay nabitawan niya ang kutsara niya. “Ang bilis naman maglakad ng taong toh!” . Sabay pa nilang kinuha ang kutsara kaya nagdikit ang kamay nila. Agad niyang binawi ang kamay niya tsaka umupo ng maayos. Ito naman ay kumuha ng panibagong kutsara. Agad nitong ibinigay sa kanya at umupo sa binakanteng silya ni Drayle kanina

“Asan si Drayle?” tanong uli nito

“Ah si Chef? Bumalik na sa kitchen” sabi niya lng tsaka pinagpatuloy ang pagkain. “ Normal lng! Kain ka lng! Wag kang magpapa-apekto kahit napaka-gwapo nito”

“Gusto mo siya?” seryosong tanong nito

“Oo” simpleng sabi niya, nakita niyang lumungkot ang mata nito. “Pero bilang kaibigan lang” dugtong niya. Di niya alam kung asan nanggaling ang mga salitang yon basta bigla na lng niya sinabi. Para kasing kelangan niyang sabihin yon. Biglang gumaan ang paligid, parang kanina lang ay ang lamig-lamig ng paligid ngayon ay napaka-init na. Nakangiti na uli ito ng tignan niya ulit ito. “Kaya naman pala..Anong nangyari dito? Bakit nakangiti na ito? Anlabo talaga ng taong ito”

“Bakit ka naka-uniform ng pang-waiter?” nagtataka niyang tanong

“Ito kasi ang araw na magbobonding kami ng mga kaibigan ko, wag na wag mong silang tignan mamaya ha? Mabubulag ka tsaka wag mo silang kakausapin, bubula ang bibig mo, wag mo din silang lalapitan, mangingisay ka” sunod-sunod nitong sabi
“Oo na kung makapagsalita ka ay parang sobra pa sila sa nuclear bomb, bakit andaming hindi pwede? Tsaka bakit kelangan naka-uniform kayo?” nagtataka niyang tanong

“Wala lng ,trip lang namin” simpleng sabi nito

“Hoy! Bakit ka nakaupo dyan! Magtrabaho ka!” biglang sigaw ng cute na manager.

“Heh! Hindi pa nag-uumpisa ang shift ko tsaka Karlitos, bawas-bawasan mo nga yang pagiging masungit mo” sagot lng nito
“Sus para kung sinong mag-advice hindi naman ina-apply sa sarili” sabi niya sa sarili
Hindi nito pinansin ang sinabi ni Karl. Ipinagpatuloy lng nito ang pagpupunas ng salamin.

“Ano pa yung gusto mo?” tanong nito sa knya

“Gusto ko ng ice cream” sabi lng niya

“Sige, dyan ka lng, alalahanin mo yung sinabi ko kanina sundin mo yung sinabi ko pagdumating sila na wala pa ako rito ” sabi lng nito tsaka pumunta sa kitchen.

Talakayan

One thought on “My Pretty Boy – Chapter 11

  1. Hahaha. . Protective

    Posted by eli | Nobyembre 10, 2013, 11:48 umaga

Ano ang iyong masasabi sa iyong nabasa?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

TOP Calendar

Nobyembre 2010
M T W T F S S
« Oct   Dec »
1234567
891011121314
15161718192021
22232425262728
2930  

Mga Istorya

Aming Nakaraan

%d bloggers like this: