binabasa mo ang...
My Lovely Chef

CHAPTER 13 (the last chapter): My Lovely Chef

HINDI NA ALAM NI AMANDA kung paano siya nakauwi nang gabi’ng ‘yon. ang alam lang niya, malakas pa rin ang ulan, at masakit pa rin sa kanya ang lahat.

Hindi gano’n kadali na basta na lang kalimutan ko ang lahat, kahit gaano ko siya kamahal. There are things that needed time to heal. There are things that needed long time to be forgotten.

That night was the last night na nagkausap kami ni Justin. Iyon na rin ang huling gabi ko bilang chef ng Mandy’s. I sent my resignation the next day, at simula no’n, wala na ‘kong naging balita kay Justin.

Tinanggap ko ang offer ng isang Italian restaurant sa isang hotel na malapit sa Mandy’s. Araw-araw akong napapadaan do’n, araw-araw akong napapatingin sa restaurant. I’ve seen Justin there a couple of times and though I wanted to say hello, I just couldn’t.

Three months has passed so quickly. And my life hasn’t been the same. And I know it will never be the same again. Nag-apply ako sa isang International Cruise Line and I am truly hoping for the best. Dahil ‘yon naman talaga ang gusto kong gawin noon pa. Iyon naman talaga ang dapat kong ginagawa noon pa. Siguro kapag nakaalis na ‘ko at nagpunta sa iba’t-ibang bansa, makakalimutan ko na rin ang lahat.

Ang tanong, gusto ko nga bang kalimutan ang lahat?

Oo, gusto kong kalimutan lahat dahil ‘yon ang tama. Pero ayoko ‘yong kalimutan, at ‘yon ang totoo.

—–

SIX PM. Madilim na pero pinaliliwanag ang gabi ng mga ilaw na nagmumula sa mga Christmas lights na nakasabit sa mga puno sa daan, at sa mga tindahan at kainan. Malamig na ang simoy ng hangin. Marami ang tao sa restaurant, may isang grupo ng magkakaibigan na maagang nag-celebrate ng Pasko. Maingay, masaya. Minabuti muna ni Justin na lumabas at magkape sa tapat na coffee shop ng Mandy’s.

Christmas season seems lonely this time of the year. For Justin, at least.

Nagpasalamat si Justin sa lalaki’ng nagdala sa kanya ng kanyang kape at sinimulan na niyang pag-aralan ang mga resume’ na dumating sa kanya nang araw na ‘yon. Since Amanda resigned, he had to find someone to replace her as Mandy’s head chef and he never thought it could be so difficult.

He hired a guy who worked in a hotel in Singapore, assuming that he had enough experience for the job. But Justin didn’t like the way he worked with the staff. The second one was an old woman but he didn’t like her either.

Mandy’s needed a competent chef, an artistic one who could live up to their costumer’s expectations. Someone like Amanda.

And she’s gone.

Uminom ng mainit na kape si Justin at muling naalala si Amanda. Iniisip niya kung ano kaya ang ginagawa nito sa mga oras na ‘yon, kung nasaan na kaya ito ngayon. Sinubukan niyang alamin noon ang nangyayari dito pero hindi siya nagkalakas ng loob. Kung p’wede lang niyang baguhin ang mga nangyari, gagawin niya. Kung p’wede lang niyang muling pakiusapan si Amanda na bumalik at kalimutan ang lahat, at muli siyang bigyan ng pagkakataon at mahalin siyang muli, gagawin niya. Pero imposible na ‘yon ngayon. Hindi niya alam kung saang lupalop naroon ang dalaga. The last time he heard about her, she’s a chef in some hotel and she has plans on working in a cruise. Probably, she’s now in a cruise traveling the world, which was her dream even before she met him.

It has been three months anyway. Marami nang nangyari sa loob ng tatlong buwan. At ayaw na niya iyong isipin pa.

Muling inisa-isa ni Justin ang mga resume’ na iyon. Kailangan niya agad na makahanap ng bagong chef. Nagrereklamo na si Tony sa kanya na nahihirapan na ito sa trabaho mula nang mawala si Amanda. And he was so focused with what he’s doing that he almost fall out of his chair when a woman suddenly sat down in the empty seat in front of him.

“Totoo ba?” seryosong tanong ni Amanda. “Nakausap ko si Tony. Isasara mo raw ang Mandy’s?”

She looks amazing still, he thought, looking at her. He wasn’t suppose to smile but he couldn’t help it. They haven’t seen each other for a long time. Three months had been too long.

“Totoo ba?” muli nitong tanong. Tinawagan siya ni Tony two days ago at ibinalita ang plano’ng pagpapasara ng Mandy’s. At pinakiusapan siya nito na gawin ang lahat para pigilan ang plano’ng iyon.

Tumango si Justin, lihim na natatawa. Pero pilit siyang nagseryoso. Ayaw niyang masira ang tagpong iyon at muling mawala si Amanda. Hindi na kailangan pang malaman ng dalaga na inutusan niya si Tony na tawagan ito, at sabihin ang pagsasara ng restaurant. Na walang katotohanan. Iyon lang ang paraang naisip ni Justin para bumalik si Amanda. At hindi na nito kailangan pang malaman iyon ngayon. Siguro sa ibang araw p’wede, pero hindi sa mga oras na ‘yon. Kunwaring binalikan ni Justin ang pag-aaral sa mga resume na hawak. “Babalik na ‘ko sa California. Wala nang mag-aasikaso sa restaurant. Hindi na rin kaya ni Tony ang trabaho sa kitchen. Wala rin siyang makasundong chef.”

“Gano’n na lang ‘yon? Pa’no sina Bob? Sina Tony? Hindi mo man lang inisip kung paano na ang staff  kapag ipinasara mo ang restaurant? Paano ang pamilya nila?”

“May pamilya rin ako sa California, Amanda. I’ve been here too long and I think it’s time for me to go back and be with them. Besides, I have no reason to stay here any longer.”

Ilang sandali pa ay iniabot ni Amanda kay Justin ang hawak na folder. Nagtataka iyo’ng binuksan ni Justin at lalo siyang nagtaka nang makita na resume’ ng dalaga ang laman no’n. “A-ano ‘to?”

“I’m giving you a reason to stay,” seryoso nitong sagot.

He just looked at her. “W-what?”

“I’m applying for the head chef position if it’s still vacant.”

“B-but I thought you already have a job.”

Nagkibit-balikat si Amanda. “I didn’t really like the boss. Masyadong demanding. And he’s unprofessional. I think you’re much better,” sabi nito, seryoso pa rin.

Napangiti si Justin sa sinabing iyon ni Amanda. “How about the cruise?”

“Makakapaghintay naman ang cruise. Napag-isip-isip ko rin na mas gusto kong magtrabaho kasama ng mga taong matagal ko nang kilala. At hindi ako papayag na basta mo na lang isara ang Mandy’s at mawalan ng trabaho sina Tony.”

“So sina Tony ang dahilan kung bakit gusto mong magtrabaho uli sa Mandy’s?’

Tumango si Amanda. “They’re like a family to me.”

Muling tiningnan ni Justin ang resume’ ni Amanda. Matagal niya itong tiningnan.

“I could work long hours. Kung kailangan, 24 hours a day, 7 days a week. Kahit walang overtime pay. Kahit walang benefits.”

Alam naman ni Amanda na hindi na nito kailangang kumbinsihin si Justin para muling maging bahagi ng Mandy’s. She knows that the restaurant badly needs her. Just as how badly Justin needs her.

“But in one condition.”

Napataas ng tingin si Justin. “What is it?”

“You have to stay here for good,” sabi nito.

Matagal na tumahimik si Justin at ilang sandali pa ay ngumiti. Inilahad niya ang kamay. “Okay, you’re hired.”

———-

NGAYONG NAAMIN NA NAMIN NI JUSTIN sa isa’t-isa ang totoo, wala pa ring kasiguruhan na magiging happy ending ang love story namin. Kung sa bagay, wala naman talagang kasiguruhan ang lahat. Hindi namin alam kung ano ang mangyayari bukas, kung paano namin haharapin ang ilang tauhan na naiwan namin sa kuwento. Hanggang ngayon, hindi ko pa alam kung paano ko ipapaliwanag kay Arthur ang lahat, at hindi ko rin alam kung paano tatanggapin ni Samantha ang tungkol sa mga nangyari.

Bahala na si Batman. Kung ano man ang mangyari, magkasama kami ni Justin na haharapin ang lahat, bilang magkaibigan, at bilang higit pa do’n.

Sabi nila, imposible raw na magkaroon ng platonic relationship ang isang babae at isang lalaki. Ang sabi ko naman, depende. Kung makokontento ka sa pagiging magkaibigan lang, mabuti. Pero kung katulad kita, at katulad ni Justin ang magiging kaibigan mo, kalokohan ang platonic relationship. Kahit gaano mo kagustong i-maintain ang walang hanggang pagkakaibigan, kalokohan ‘yon.

It’s either you fool yourself and go on pretending to be just friends forever, or you run away.

Sabi nga ni Justin, you wouldn’t want to live the rest of your life wondering what might have been. Kailangan mong maging matapang kahit minsan lang sa buhay mo.

THE END

 

 

 

 

About pagsintangpururot

dreamer, poet, writer, artist, traveler, believer

Talakayan

56 thoughts on “CHAPTER 13 (the last chapter): My Lovely Chef

  1. Stuffs like this inspires me a lot to be a Romance Novelist, more.Great!

    Posted by Sem Shiela | Hunyo 22, 2015, 6:15 hapon
  2. It is soooooooooo frustrating! Honestly the introduction,plot,teaser are all good,but the the ending?…..nah!no good!nagassume ako ng happy ending,,but still yung ending parang bumalik sa teaser,,likas na romantiko tyong mga pilipino kya sa mga gantong story expected na agad na dapat happy ending,,,so for whoever wrote this novel,you’re good but maybe next time,isipin mong ikaw ang babasa o nagbabasa and feel or try to really feel kung anong feeling mo after mabasa mo to,,isispin mong hindi ikaw ang sumulat,ganon na lang..

    Since HS nagbabasa nko ng mga pocketbook,pag ako nagandahan sa storya,tinatandaan ko ang writer,ganon din pag hindi ako ngandahan sa nabasa ko,tinatandaan ko din ang writer,,what i’m trying to say is,,,,bago ako magbasa i always look for the the writer’s name.

    Parang resto lang yan,kapag masarap ang mga foods at hindi bitin sa timpla,binabalik-balikan yan.

    #soorryFOrMyHumbleOpinion
    #peace

    Posted by morena | Setyembre 18, 2014, 11:34 hapon
  3. Hindi ganitong ang ineexpect ko..😦 sobrang nagandahan ako sa kwento but to be honest not the ending😦

    Posted by lynder | Setyembre 6, 2014, 2:24 umaga
  4. I just leave it in my imagination what will happen to the ending..its nice story

    Posted by Shiela Mae salva | Hunyo 27, 2014, 12:27 umaga
  5. Sana lang may part 2 yung sila tlga in the end happily ever after wish ko lang😉 ))

    Posted by sushibar | Pebrero 20, 2014, 5:18 umaga
  6. n_n

    Posted by nesilita | Enero 20, 2014, 9:08 umaga
  7. im sure may part 2 sana ma post agad… wala pang clearance and love story.

    Posted by nina15 | Mayo 29, 2013, 12:17 umaga
  8. Medyo nbitin po…jejeje..

    Posted by aljo | Setyembre 1, 2012, 12:31 umaga
  9. Sana may part2 po! Bitin!

    Posted by icell8 | Agosto 19, 2012, 1:54 hapon
  10. ang ganda ng story!. .;p
    m0re power pu! . . .
    para sken nde pu bitin ung story! . . . =)

    Posted by pazawaiy_1901 | Abril 27, 2012, 7:35 hapon
  11. so nice..
    so inspiring..
    ganda po ng kwentong pag ibig niyo po…

    Posted by hearty | Abril 26, 2012, 2:18 hapon
  12. ayeeeeiiiiiiii….kunwari pa…. naks….. God Bless to you both. . .😄

    Posted by prettii_ren | Abril 15, 2012, 9:34 hapon
  13. BITIN!!😦

    Posted by shey | Pebrero 25, 2012, 3:10 hapon
  14. actually hindi siya bitin…it’s just that…this is a realistic love story…the end makes it so real…and the author is giving us our own idea to how it should end….its time to use our own imagination…

    ilovethisone….as in!

    Posted by talynhaga | Pebrero 19, 2012, 3:34 hapon
  15. nasan na po ung part 2?

    Posted by jaeriel | Pebrero 15, 2012, 10:45 hapon
  16. well maganda ung story… pero nakakabitin lang sya… at sna may story din c phoebe at dun nlng e continue ung story nila justin at amanda…

    Posted by dondhon02 | Pebrero 13, 2012, 1:49 umaga
  17. Wow! Great story. Keep it up.=)

    Posted by ren | Pebrero 9, 2012, 9:59 umaga
  18. ….wow ang ganda kaso..,,,,,parang bitin…
    himtayin ko na lang po next story niyo…
    thanks…
    god bless…..
    pakipost po sana ang title ng next story…
    more power…………………………….

    Posted by Jelaine Anne R. Ariz | Pebrero 25, 2011, 7:23 hapon
  19. bat ganun parang kulang..??

    nakakabitin..😦

    Posted by jemaimah | Enero 24, 2011, 2:45 hapon
  20. Is there a part two?

    Posted by triz76 | Enero 13, 2011, 6:56 umaga
  21. i felt the whole story. great job!

    Posted by mark | Enero 12, 2011, 3:38 hapon
  22. thank you po sa lahat ng nagcomment…everytime na may natutuwa, kinikilig at naiiyak sa stories ko, the more na gusto kong magsulat nang magsulat nang magsulat.

    thank you po uli!

    Posted by cecilia | Disyembre 31, 2010, 5:53 hapon
  23. S dami ng nabsa kong stories.. this one is really good! Hindi pa pahuhuli!! ewan ko b feeling ko satisfied n c amanda..like what she said n: happiness is a matter of perspective,, kea ayan! na-refreshed n ko after all the emotions i’ve felt.. i’m happy for them.. it’s like no matter what happen, at the end of the day cla pa rin!! assurance bang matatawag un? basta!! their meant for each other. i’m glad! nabasa ko toh! tnx po s wonderful story! more powers po^^

    Posted by bainisah | Disyembre 30, 2010, 10:34 hapon
  24. parehas kmi nimandy……
    pangarap q dn n magaing chef……..
    haist ka2bitin ung story…..
    wah n b tlaga next chapter?…….

    Posted by clarkeys | Disyembre 9, 2010, 1:24 umaga
  25. magandang kwento but bitin nga. open ending.😦 pero para saken ang ending ay ‘they live happily ever after’..🙂

    Posted by angel_YL | Disyembre 4, 2010, 8:01 umaga
  26. bitin nga po. sana naman po may part 2 or epilouge.

    Posted by laramaeperez | Disyembre 2, 2010, 8:29 hapon
  27. bitin ang ending but nice story…

    Posted by arcie | Disyembre 2, 2010, 4:34 hapon
  28. kailan po ipapublish ung part two? bitin po kasi ung ending.
    pero maganda. as in, double thumbs-up ako sayo ms author.🙂

    Posted by cutieabby | Nobyembre 28, 2010, 7:22 hapon
  29. bitin? pro ang ganda pa rin!
    thanks,,, btw!

    Posted by angel | Nobyembre 27, 2010, 7:25 umaga
  30. hayz………………………….. bat bitin … >..< :)))) perrrrrrrroooo.. i luv ittttttt !!🙂

    Posted by xxBunZxx | Nobyembre 23, 2010, 6:37 hapon
  31. uhh, it’s the end already? huhu,..naman!

    anyway, i love the story. oo, bitin pero light sia sa feeling. meron kasing kapag binasa mo tapos bitin parang uhmm, how would i put it in words? you want the flow of the story to have a happy ending in your own will.

    pero itong story na’to light ang ending. i mean, magaan siya sa pakiramdam kahit bitin. parang “okay let the fate do its way” since it has already found its way. but then again, since this is fictional/some-of-the-events-are-real i just thought that let the characters live their story. hahaha! ano daw? naconfuse na rin ako. basta all in all. two thumbs up!

    i also like how they kept their “platonic relationship”.

    although i’m also anticipating for the part two. padale e no :))

    Posted by ASH | Nobyembre 23, 2010, 6:10 hapon
  32. wow. grabe! ang ganda ng story.🙂 ang ganda ng dialogues, pwedeng pang movie.🙂

    Posted by candy | Nobyembre 23, 2010, 5:31 hapon
  33. ate cecil….bat na man po bitin yung ending….ang ganda pa naman ng chapter 13
    tapos ang ending parang wala lang…ate cecil gumawa ka ng part two huh??
    cge na pls…i lily lily lily like the story pa na man ehhhh…

    Posted by bam2x | Nobyembre 23, 2010, 2:46 hapon
  34. hihintayin ko ung part 2…
    marami pa talagang mangyayari since hindi nabanggit sa story kung ano nang nangyari sa mga partners nilang sina arthur at samantha…

    sana maipost mo kaagad ung kasgunod kasi nakakabitin talaga ung story…

    Posted by shon | Nobyembre 23, 2010, 10:37 umaga
  35. hehe, thanks for reading guys. thank you rin kung di n’yo nagustuhan ang ending – that’s exactly how i want it.🙂

    bitin kasi, it’s not really the ‘ending’. i give you the chance to think on your own, how you want it to end. then, pagdating ng part 2, you’ll say – ‘ooh, so eto pala ang nangyari…’ 🙂

    Posted by cecilia | Nobyembre 23, 2010, 8:53 umaga
  36. weeeehhh…. d manlang romantic ung ending…

    Posted by Rochelle | Nobyembre 23, 2010, 8:51 umaga
  37. Over-all, super ganda. Maganda ang plot & the dialogues.
    Maganda rin yong scene ng muli nilang pagkikita after three months. Sa paraan nilang pareho, they both accepted their fate that didn’t cost much of their pride. Pareho kaya silang ma-pride kahit n masyadong nahihirapan sa pagkawalay sa isa’t-isa.
    Maganda rin yong parang POV na inilagay sa last paragraph sa story. Parang conclusion kumbaga.
    Sana lang, binigyan ng kunting spice yong pagkikita nila pra hindi masyadong mabitin ang mga readers.
    Like, they kissed & make-up, hindi lang yong shake hands… Iyong na man ang hinahanap ng mga readers, ‘yong kilig moments though happy ending is already preconceived…

    Anywayz, congrats to Miss Cecilia. This must be your 2nd novel, yet you become better & better.
    More novels & you gonna be a PRO.

    Thanks for sharing your stories with us… Kudos!!!

    Posted by GM | Nobyembre 23, 2010, 8:36 umaga
  38. bitin po ang ending..kakalungkot..eto na po ba talaga final chapter?…sana matuloy ang part two.

    Posted by cathy | Nobyembre 23, 2010, 7:35 umaga
  39. Hay…to be honest, di maganda ung ending…hay…try to improve your stories next time…marami pa naman pagkakataon…wag kang madiscourage..try and try until you succeed! God Bless u!

    Posted by mary_guinto28 | Nobyembre 23, 2010, 5:01 umaga
  40. sobrang bitin po! sana may part 2 para astig. =))

    Posted by arabeybsXP | Nobyembre 23, 2010, 3:27 umaga
  41. isa lng msasabi k0 super bitin…

    Posted by lala | Nobyembre 23, 2010, 1:36 umaga
  42. Ha???bitin naman ito……parang hindi clear yung ending….i want a better ending….

    Posted by April<3 | Nobyembre 23, 2010, 12:29 umaga
  43. wow..ending na iyon??na bitin ako ah..but i like it..

    Posted by ktine | Nobyembre 23, 2010, 12:24 umaga
  44. waaaaaa super bitin… i been waiting for this for a long time….. waaaaa is dat really da ending?????

    😦😦

    Posted by railee anne | Nobyembre 22, 2010, 11:26 hapon
  45. di ko ngustuhan ang end ng stofya

    TOP: thank you for reading irese.

    Posted by irese | Nobyembre 22, 2010, 9:45 hapon
  46. waaaaaaaaaaaaaaaa bitin lols…….Anyways I Enjoyed reading the story!!!!!

    Posted by Charm | Nobyembre 22, 2010, 9:26 hapon
  47. may part 2 po yan diba??

    Posted by eizzy | Nobyembre 22, 2010, 8:47 hapon
  48. waahh bakit po ganun ang ending…kulang…huhhuhuhuhu

    Posted by eizzy | Nobyembre 22, 2010, 8:47 hapon
  49. very nice. congrats! =)

    Posted by gela | Nobyembre 22, 2010, 8:17 hapon
  50. aww. last chapter na pala. super ganda pa naman ng story at kakabitin much. sana po may part 2 yung story nila.🙂
    super love ko itong story na ito!!! ♥

    Posted by feiyuri | Nobyembre 22, 2010, 7:52 hapon
  51. ayy bakit hindi pa rin malinaw ang relationship nila…..haayy..
    anyway maganda pa rin nman po

    Posted by khira | Nobyembre 22, 2010, 7:46 hapon
  52. nku naman hindi happy ending ka2lad ng I’m Yours ika nga ni yuta Hindi lahat nang PB may happy ending Malay mo, kaya nagka-ganiyan ang ending niyan eh para ikaw mismo ang
    gumawa ng magandang story para sa kanila. Every writer has their own
    perspective and beliefs. Hindi mo mauunawaan yun unless na suutin mo ang
    sapatos nila.” at ngaun sabi nga ni justin you wouldn’t want to live the rest of your life wondering what might have been. Kailangan mong maging matapang kahit minsan lang sa buhay mo.

    Posted by lyracodera | Nobyembre 22, 2010, 7:46 hapon
  53. …wat ???? ang bitin naman ……….

    Posted by freya | Nobyembre 22, 2010, 7:41 hapon
  54. kulang naman.how sad tapos na.wala na akong su2baybayan,sana lng may prologue o d kaya part2 n lng.kasi super ganda ng story.mamimiss ko c amanda and justin.

    Posted by marie | Nobyembre 22, 2010, 7:35 hapon

Ano ang iyong masasabi sa iyong nabasa?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

TOP Calendar

Nobyembre 2010
M T W T F S S
« Oct   Dec »
1234567
891011121314
15161718192021
22232425262728
2930  

Mga Istorya

Aming Nakaraan

%d bloggers like this: