binabasa mo ang...
Haven’t I Met You Yet?

Chapter 6 – Haven’t I Met You Yet?

“Okay!” nagkibit-balikat ito. “Hindi ko na sana ito sasabihin sa iyo pero naaawa na kasi ako sayo eh. Well, the kiss was part of the plan!”

Parang gusto niyang makapatay ng tao ngayon. Inis, galit at sakit ang nararamdaman niya matapos ilahad ni Melody ang planong pasakitan siya ni Zyro. Inis dahil nagpakagaga siya. Galit dahil wala pang gumawa nito sa kanya. At sakit dahil nahuhulog na yata ang loob niya rito.

Don’t be stupid Suzzane. Pinapasakay ka lang ng babaerong iyon. “Akala mo kung sinong gwapo. Eeeeeeerrrrr! Kainis!” himugtong niya sa sarili.

Kaya pala ang bawat sandaling mabait ito sa kanya ay hindi siya makapaniwala.  Gusto niyang umiyak pero pinigil niya. Hindi niya hahayaang pagtawanan siya ng bruhang babaeng kaharap niya. Isinusumpa niya sa araw na ito na hinding-hindi na siya magsasayang ng luha sa lalaking iyon.

“Bakit mo ito sinasabi sa akin?” She tried to control herself.

“As I said, I pity you! Nagmamakaawa ka kasi noon para pakasalan ka niya. Bilib din ako sayo ano? Pinlano mo talaga para lang matuloy ang kasal niyo?”

Lalong uminit ang dugo niya. Ito pala ang dahilan kung bakit iniinsulto siya ni Zyro.” A woman like you!” ang bukambibig nito.

Tumawa siya ng malakas. “Siguro nga pinlano ko ang lahat, may magagawa ka pa?” taas-noo niyang sabi. “Mas nakakaawa ka dahil ang lalaking pinakaasam-asam mo ay asawa ko na!” ganti niya. “And you’ll be his mistress! Kabit ka lang”

“How dare you! You, cheap bitch!” akmang sasampalin siya nito pero naagapan niya ang kamay nito.

“Don’t you dare do that again and you’ll regret it. Hindi lang sampal ang matitikman mo.” nanggagalaiti niyang sabi. “At dahan-dahanin mo rin niyang bibig mo. Kung anu-anong basura ang lumalabas, nangangamoy na!” Binitawan na niya ang kamay nito at iniwan niya agad.

Pagkalabas niya ay tuloy-tuloy niyang tinungo ang hagdanan. Palinga-linga pa siyang lumakad para hanapin si Alfie pero hindi niya ito nahagilap. Hindi na niya pinansin ang pagtawag sa kanya ni Zyro. Pero hindi pa siya nakakailang hakbang sa hagdan ay nahawakan na siya sa braso ni Zyro.

“Where are you going? Kanina pa kita tinatawag ah!” tanong nito.

“Let me go!” asik niya sabay waksi sa kamay nito. “At pwede ba, wala kang pakialam.”

“Meron Zane, dahil asawa kita. Will you please act like a lady? Hindi ka na bata.” bulalas nito. “At saka, huwag mo akong ipahiya sa mga tao rito!” Matiim siyang tinitigan nito.

She sighed. “Kaya nga ako aalis para hindi ka mapahiya baka kung ano pa ang magawa ko sayo!”

“Bakit? Sasama ka na naman sa boyfriend mo?” Nagpupuyos nitong sinabi.

Napasinghap siya. “That’s ridiculous.” Bahagyang tumaas ang tinig niya. “Pero sana totoo ngang may boyfriend nalang ako para hindi na kita nakilala pa Zyro De la Riva. You are my worst nightmare at gusto ko nang magising sa panaginip na ito.” garalgal na ang boses niya. “Panalo ka na Zyro!”

“What the hell are you talking about?” kunot-noo nitong tanong.

“Huwag ka ng magmaang-maangan diyan, nasaktan mo na ako. Sapat na ba iyon, ‘di ba? Kaya tigilan mo na ako!”

Akmang sasagot ito pero biglang sumingit ang bruhang si Melody.

“Zyro?” maarte nitong tawag.

“Oh, hayan! Magsama na kayo ng girlfriend mo!” Dali-dali na siyang umalis.

“Suzzane! Let me explain.”

“Explain-in mo ‘yang mukha mo.!”

Naiinis siyang lumabas ng restaurant at mabuti nalang ay merong taxi agad sa labas ng restaurant. Relief dahil hindi siya naabutan ni Alfie o ni Zyro.

“Sa pier five manong.” utos niya sa driver. “Ay! Huwag nalang po manong. Sa Sto. Nino Village nalang po.” Nakapagdesisyon na siyang hindi na babalik sa barko. Sa halip ay tutuloy siya sa bahay ng yaya niya noon. Ayaw niyang magstay sa hotel dahil alam niyang matutukoy agad siya.

Dali-dali niyang kinuha ang cellphone niya sa bag niya at tinawagan ang yaya niya. Ilang sandali lang ay sumagot ito.

“Hello?” boses ng isang matanda.

“Hello, yaya Glo? Si Suzzane po ito.”

“Day Suzzane? Ikaw nga ba iyan?” may pananabik na tanong nito.

She smiled. “OpoYay. Mabuti’t naalala mo po ako.”

“Susme, ako nga dapat ang magsabi niyan. O, kumusta ka na anak?”

“Mabuting-mabuti po Yay. Nandito po ako sa Cebu ngayon.”

“Ha? Anong ginagawa mo rito sa Cebu? Ikaw lang ba?”

“Mahabang kwento, ikikwento ko nalang po mamaya. Oo, ako lang po.”

“Excuse me ma’am, andito na po tayo.” sabad ng driver sa kanya. “Saan po kayo?”

“Hold on Yay. Magbabayad muna ako sa taxi.

“Itabi mo nalang sa may gate na yan Manong.” turo niya sa pulang gate. “Magkano po?” tanong niya. Mabuti nalang ay may dala siyang cash. Agad siyang nagbayad at hindi na kinuha ang sukli. “Keep the change manong.” mabilis na bumaba siya ng taxi.

“Eh, saan ka ba ngayon Suzzane?”

“Nasa labas po ng gate ninyo.”

“Huh? Susme, ba’t ka ba nanggugulat bata ka.” Sumilip ang matanda sa bintana at nang makita siya ay kumaway siya sa matanda.

Dali-daling lumabas ang matanda upang pagbuksan siya. Maiyak-iyak pa niyang niyakap ang matanda. Namiss niya talaga ito.

“Hindi ka man lang nagpasabi. Di sanay nakapaghanda ako.”

“Okay lang po. Pasensiya na po yay kung hindi ako nagpasabi.”

“Naku! Halika na nga sa loob.”

Isang oras din siyang nakipagkwentuhan sa matanda. Hindi nalang niya sinabi lahat dahil baka mag-alala lang ito sa kanya.  Hindi naman ito nag-usisa pa.

Ilang sandali lang ay nasa silid na siya. Agad niyang inihagis ang katawan niya sa malambot na kama. And she didn’t noticed the tears keep from her eyes. Bakit nasasaktan ako? Mahal ko na ba siya? Maybe. No! I fell in love with him. I don’t know pero parang mahal ko na siya noon pa.

Ipinilig niya ang ulo. Hindi pwede! Hindi pwedeng mahal ko na siya. At hindi pwedeng iiyak nalang ako rito. I have to forget him. I have to do something.

She turned off her two cellphones and decided to take a shower. Pagkaraan ng ilang sandali ay humiga na siya. Hindi niya namalayan na nakatulog na pala siya.

“DAMN! Where are you Suzzane?” problemado niyang sabi. He tried to call Suzzane but out of coverage area.

Nang malaman niya ang ginawa ni Melody, dahil na rin napaamin niya ito, ay agad niyang sinundan ang asawa sa barko. Pero para siyang mababaliw nang hindi makita si  Suzzane sa suite nila. Nang hanapin niya ito sa kwarto ng mga kaibigan nito ay wala ang asawa. Tinawagan din niya ang kapatid pero hindi raw nito kasama.

“Looks like, you lost her again, bro!” sabi pa nito.

Sakay siya ngayon sa kanyang kotse at kasalukuyang nagmamaneho. Ipinahanap na niya si Suzzane sa kaibigan niyang isang private investagor. Ipinahanap niya ito sa lahat ng hotel dito Cebu pero wala raw Suzzane Sierra ang nandoon.

UMAGA. Tinawagan niya ang kapatid. Ikinuwento niya ang lahat na nangyari. Medyo nabigla lang ang kapatid pero hindi ito nagkomento.

“You need my help, right?” tanong nito. “So, what can i help you?”

“Book me flight to Australia next week.”

“What?” she exclaimed.

“Ang OA mo ha. Anyway, sa ating dalawa lang ito ha. Ayokong may makaalam sa plano ko.” aniya. “You pack my things dahil dadalhin mo yan sa airport next week. Hindi na ako uuwi sa bahay baka pupunta pa ang lalaking iyon.”

“Okay. Sabi mo eh.”

“Don’t forget my passport ha. Nasa safety box ko. And lastly, huwag na huwag mong ibigay ang number na ito kay mommy at daddy ha. Ang mabuti pa’y huwag mo nalang isave dahil ako nalang ang tatawag sa yo.”

Huminga ito ng malalim. “Basta, mag-ingat ka nalang d’yan ha.”

“Thank you sis.”

Pagkatapos niyang makausap ang kapatid sa cellphone ay muling nagring ito. Pagkakita niya kung sino ang tumawag ay agad niyang sinagot ito.

“Jen?” Maliban sa kapatid na nakakaalam sa isa niyang cellphone number ay si Jen.

“Goodness! Nakontak din kita.”

“Bakit bes?”

“Where the hell are you? ” may halong pag-alala at galit na tanong nito.

“Wait a minute! Ikaw lang ba diyan ngayon?” panigurado niya.

“Oo.”

“Good! Be sure na hindi ka makikita ni Zyro.”

“Don’t worry, walang Zyro rito.”

Huminga muna siya ng malalim bago nagpatuloy. “Sorry bes kung hindi na kita nasabihan kagabi. Ang bilis ng pangyayari eh. Kilala mo naman ako, hindi ba? Nandito pala ako sa Cebu ngayon.”

“Yeah, right! Anyway, my ears are ready for your explanation.”

Ikinuwento niya ang nangyari kagabi pati na rin ang plano niya. Aside from her sister, isa si Jen sa mga mapagkakatiwalaan niya. Hindi man sang-ayon ang kaibigan sa plano niya ay inuunawa nalang siya nito.

“Are you okay now?”

“Yeah! I think so. Naiyak ko na kagabi. Nasayang lang ang mga luha ko sa lalaking hindi man lang nag-alala.” malungkot niyang pahayag. Ganito pala ang one-sided love.

“To tell you frankly bes, I don’t believe that Zyro didn’t care for you.” anito matapos ang pagkwento niya. “Noong hanapin ka niya sa amin kagabi at nalamang hindi ka namin kasama ay parang pinagsakluban ng langit at lupa. Malapit ngang magkasuntukan sila ni Chris eh.”

“What? Okay lang ba si Zy– ah si Chris?”

“Oo ano! Mabuti nalang naawat namin kundi bugbog ang natamo ni Chris.” anito. “Pa-Chris-Chris ka pa!”

“Gano’n lang si Zyro dahil naisahan ko siya. Hindi sa nag-alala ‘yon o kung ano mang dahilan.” kumbinsi niya sa kaibigan at pati na rin sa sarili. Ayaw makaramdam ng pag-asa. “I’m sure na masaya na ‘yon sa bakasyon niya kasama ang malanding babae niya.”

“You’re wrong bes. Nandiyan siya sa Cebu ngayon and I’m sure hinahanap ka na.”

Oh no!

“Hindi niya ko mahahanap. Mamayang hapon susunduin ako ng pinsan ko rito sa Cebu. Magbabakasyon ako sa hasyenda ng pamilya namin.”

“Hanggang kailan ka ro’n?”

“Three days lang ako sa hasyenda.” sagot niya. “O sige na Jen, pupunta pa ko sa Ayala para mamili ng ilang gamit ko. Tatawag nalang ako ha?” paalam niya.

“Okay. Mag-ingat ka diyan.”

DAPIT-SILONG na nang makarating sila sa hindi kalakihang hasyenda nila. Ngayon pa lang siya nakapunta rito simula ng maaksidente siya.

Kararating lang nila lulan sila ng private helicopter. Pagkababang-pagkababa niya sa helicopter ay agad niyang nalanghap ang preskong hangin.

“I’m happy na napadalaw ka rito sa hasyenda ng pamilya Suzzane.” nakangiting sabi ng pinsan niyang si Caleb.

“Pasensiya na sa abala kuya Caleb, ha? Biglaan ang pagdalaw ko rito.” Sabi niya na pasigaw habang palakad na sila patungo sa malaking bahay. Kailangan niyang sumigaw para magkaringgan sila.

Umiling ito at ginulo ang kanyang buhok. “You don’t to apologize brat!” nakangiting sabi nito. “I’m really glad to see you.”

Si Caleb ang pinsang buo niya sa ama. Noon, nung dito pa sila nakatira ay ito ang naging matalik niyang kaibigan, tagapagtanggol at kuya. Lahat ng gusto niya ay nasusunod kaya brat ang tawag nito sa kanya.

“Namiss ko ang preskong hangin dito ah! Namiss din kita kuya Caleb.” paglalambing niya.

Gabi. Nasa veranda siya at tinatanaw ang mga bituin sa langit. Very peaceful indeed. Malayo sa maingaw na siyudad.

“Coffee?”

Napaigtad siya sa gulat nang may nagsalita sa kanyang likod. “Ay butiki!” Lumingon siya agad. “Kuya Caleb, ginulat mo naman ako!”

Ngumiti ito habang papalapit sa kanya. “Sorry to startled you. Parang ang lalim ng iniisip mo ah kaya hindi mo man lang narinig ang tawag ko kanina.” Nang makalapit ay ibinigay nito sa kanya ang isang tasa ng kape.

“Thank you!” sabi niya at sumipsip muna siya ng kape. “Wow, ang sarap naman.”

“Nabalitaan kong naaksidente ka. What happened? Hindi ako nakadalaw sa hospital kasi nagkaproblema rin dito sa hasyenda.”

“Okay lang kuya Caleb.” Inilapag muna niya ang tasa ng kape sa mesa na malapit sa kanya. “I really don’t know what happened. I really can’t remember the accident but dad told me that my car crashed when I’m about to go to Baguio.”

“What do you mean you can’t remember?”

“After that accident, I had a minor amnesia because of the trauma.”

“Mabuti naman at naalala mo pa ko?” biro nito.

She smiled. “Of course. As the doctor said, minor amnesia lang. Perhaps, I’m okay now.” Kinuha niya ang kape at inubos ito. “Kuya Caleb?”

“Hmmmm?”

“Natatandaan mo pa ba yong kinuwento ni Mommy noong bata pa tayo?” pag-iiba niya.

“Anong kwento?”

“Yong isla na katapat ng lugar na ito?”

“Yup, I remember. So, what about the island?”

“I want to go there.” walang pakundangan niyang sabi.

Tumawa ito. “Private property na ‘yon. Wala nang makakapasok do’n without the owner.”

“Samahan mo naman ako kuya Caleb oh. Sige na. Please.” Binigyan niya ito ng nakakaawa na hitsura. “I know may paraan ka!”

“Oh, don’t give me that look Zane. Alam mo naman na hindi kita matatanggihan.” naiiling nitong sabi.

Napatalon siya sa tuwa dahil alam niyang sasamahan siya nito. “Waaaaaah! Thank you kuya Caleb.”

“DAMN!!!”

Tiim-bagang niyang tinitigan ang litrato nila ni Suzzane na nasa laptop niya. “You little brat. Where the hell are you? You’re making me insane.”

Agad niyang tiniklop ang laptop ng makarinig ng katok.

“Come in!”

“Zyro?” bulalas ni Melody.

“What are you doing here?” pigil ang galit na sabi na tanong niya.

“Look! I’m really sorry Zyro. Please forgive me.” pagsusumamo nito.

“The damage has done. Nawawala ngayon ang asawa ko and I don’t know her whereabouts. I can’t contact her.  So please, get lost Melody.” Lumakad siya patungo sa may pinto at binuksan ito.

“Please Zyro. Nagawa ko lang iyon dahil sa pagmamahal ko sa iyo.”

“Stop it Melody.”

“Suko na ako Zy, alam kong mahal mo talaga siya. Kita sa mga mata mo kaya.”

Hindi na siya nagsalita pa. Kaya wala nang nagawa ang dalaga kundi ang umalis nalang. Hindi naman siya sobrang nagalit kay Melody kung hindi sa sarili niya. Sinaktan niya si Suzzane. God! Please bring her back… to me!

Biglang nagring ang cellphone niya at nang makita sa screen ang pangalan ng caller ay agad niya itong sinagot.

“Hello ma.”

“What have you done hijo?” may pagtatampo nitong sabi.

Bumuntong hininga siya. “I know ma and I’m sorry.”

“Don’t apologize to me Zyro kung hindi sa mga magulang niya.” huminto muna ito sandali bago nagpatuloy. “Just pray that nothing wrong will happen to her again, Zy.”

“WOW!” bulalas niya nang makita sa malapitan ang isla. “More than I expected.”

“Hanggang dito nalang tayo Insan. As far as I know, maraming security system ang nakalagay sa paligid ng isla. Hindi basta-basta ito napapasok.”

“The island looks familiar though.” kibit-balikat niyang sabi. “Wow, ang ganda ng bahay ah. So modern.”

“Zane?”

“Huh?”

“Wala ka ba talagang natandaan sa naging aksidente mo?”

“Bakit mo naitanong? Wala eh but I have this dream, a wierd dream. Hmmm, never mind.” kibit-balikat niyang sabi. “Kanino kayang isla ito?”

“Kay Zyro dela Riva. Sa kanya na iyang isla na iyan!”

Napadilat ang kanyang mga mata. “Zyro?”

About blythe sapphire

a graduate of Bachelor in Science of Electronics and Communication Engineering but! a frustrated writer ;)

Talakayan

31 thoughts on “Chapter 6 – Haven’t I Met You Yet?

  1. Ako ay nagugulumihanan,,hehehe

    Posted by morena | Setyembre 16, 2014, 3:52 hapon
  2. Oh no. . Dont go zane. . Maawa ka ky zyro. .

    Posted by eli | Nobyembre 2, 2013, 11:35 umaga
  3. nakakakilig naman

    Posted by che-che-ngoho | Nobyembre 1, 2013, 10:00 hapon
  4. over n tlga to! so many revelation..kkaintriga..

    thankz sa author. keep it up po!🙂

    Posted by aileen | Oktubre 4, 2013, 12:52 umaga
  5. ooooooooooohhhhhhhhhhhh,., so nice talaga,., ang ganda kaka-inlove./,.

    next chapter na me!! YESSSSSS

    Posted by zyn | Mayo 19, 2013, 11:13 hapon
  6. ……..twist is mizt………..:)

    Posted by kenneth | Nobyembre 21, 2012, 3:07 hapon
  7. astig…!!!!
    ganda talaga ng story
    i like the twist of this story napapaisip ka tlaga
    anu ba nangyari? what was the accident happened?
    EEEEIIIIIIIIII…..🙂

    Posted by jjhuls | Oktubre 24, 2012, 9:09 umaga
  8. wow…ang gustong gusto niya n place…ganda

    Posted by alma | Agosto 30, 2012, 3:45 hapon
  9. xciting bt mdyo grrr sarap sapakin n zyro tlga.

    Posted by belle garcia | Pebrero 1, 2012, 2:10 umaga
  10. exciting na talaga!

    Posted by Liv | Nobyembre 5, 2011, 4:50 umaga
  11. i guess i have to read fr0m d very beginning. Nakakalito ang setting ng mga pangyyari sa st0ry. Sana d ikagalit ng auth0r mga sinsabi q. Nice st0ry Th0ugh..

    Posted by jajah | Marso 29, 2011, 8:03 umaga
  12. Hahaahah!!! I knew kat Zyro ang Isla… getting intense!!! luv it!!!

    Posted by Pinkbelle | Pebrero 12, 2011, 12:37 umaga
  13. ang taray ni zane!! Winner!! let zyro be crazy over u,,harhar at nang mabawasbwasan ang pagka-dense nya.. gumaganda ang story!!

    Posted by bainisah | Disyembre 29, 2010, 2:30 hapon
  14. exciting! ^_^ partial amnesia nga,, mmmm..

    Posted by angel_YL | Disyembre 5, 2010, 4:38 umaga
  15. wew. bukas na posting nito.🙂 can’t wait cause this story drives me crazy. naiisip ko… sila naman talaga dati, tapos nagaway sila tapos naaksidente si zane, then nagkaroon sya ng partial amnesia then she forgot things about zyro them poof, ewan na. :)) super ganda tlga nito.🙂

    Posted by candy | Nobyembre 26, 2010, 10:30 hapon
  16. kakaexcite sana meron ng kasunod 🙂

    Posted by gracy | Nobyembre 26, 2010, 6:24 hapon
  17. kelan po next chapter?

    Posted by cathy | Nobyembre 26, 2010, 11:01 umaga
  18. ang ganda ng story,,,,iiiiiiii really love it……………..

    Posted by jaiana | Nobyembre 25, 2010, 10:51 hapon
  19. wow!ang ganda na ng story…
    so nagkaroon si suzzane ng partial amnesia…
    ang galing naman ng author!
    nakakabitin ung story,sana may posting din pag weekdays…

    Posted by shon | Nobyembre 22, 2010, 8:54 umaga
  20. Kaasar!!! Ang tagal tagal ng posting!!!!

    Posted by Zarah | Nobyembre 22, 2010, 4:25 umaga
  21. ang ganda2 na ng story… grabe!!…. love it!!..

    Posted by reycel09 | Nobyembre 22, 2010, 2:00 umaga
  22. humm uu nga po ih palaging bitin ung story nila..waahhh

    Posted by eizzy | Nobyembre 21, 2010, 11:31 hapon
  23. grabe! imbes na magbasa ako ng accounting book, ito ung binabasa ko. super ganda ng story, i really love it!

    Posted by candy | Nobyembre 21, 2010, 9:02 hapon
  24. What?????OMG!!!this is soooo exciting na….

    Posted by April<3 | Nobyembre 21, 2010, 5:51 hapon
  25. Wow! napakaganda namn…hay..galing mambitin ng author..next chapter na pls.

    Posted by mary_guinto28 | Nobyembre 21, 2010, 4:38 hapon
  26. super exiting n,sana mabasa ko n ang bext chapter, tnx

    Posted by irese | Nobyembre 21, 2010, 3:18 hapon
  27. bwisit namang melody yan. next chap na po!

    Posted by arabeybsXP | Nobyembre 21, 2010, 2:51 hapon
  28. Next chapter. . Please! !😄

    Posted by Tetsu | Nobyembre 21, 2010, 12:43 hapon
  29. nagiging exciting na ang story. next chap na po agad. :))

    Posted by ladyinpink | Nobyembre 21, 2010, 12:23 hapon
  30. Ang ganda,.sana every other day nLan ung posting,.itz d best story i’ve read,.

    Posted by Dea | Nobyembre 21, 2010, 12:09 hapon

Ano ang iyong masasabi sa iyong nabasa?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

TOP Calendar

Nobyembre 2010
M T W T F S S
« Oct   Dec »
1234567
891011121314
15161718192021
22232425262728
2930  

Mga Istorya

Aming Nakaraan

%d bloggers like this: