binabasa mo ang...
Mi Odiosa Querida

MI ODIOSA QUERIDA-CHAPTER FOURTEEN

CHAPTER FOURTEEN

Naglakad siya papunta sa hindi kalayuang public beach. Umupo siya sa buhangin at dinama ang malamig na hanging nagbabadya na ng taglamig.

James, where are you? Why aren’t you here? sa isip niya. He stood up and sqiunted at the sun, mataas ang araw ngunit malamig ang hangin. Naglakd siya sa kahabaan ng baybayin. How is he going to put Camille out of his system? Nitong mga nakaraang araw, madalas ang labas niya, kung saan-saang lugar siya nagpupunta para lamang maiwasan ang dalaga. He only have to look at her and he turn hard, papano pa ang makita at mahawakan ang hubad nitong katawan. Just the memory of their first hot encounter put him in flames.

Oh, James, please do come as you’ve said, tahimik na daing niya. James will know what to do, he always had.

“Rave, we have to leave,” si James isang araw bago ang 4th anniversary ng R & J. Naunang umalis ito ng opisina at paalis na rin siya nang tawagan nito.

“What?” ano nanaman ba itong pinagsasabi ni James.

“The threat is real,” sabi nito. May ilang lingo na ding nakakatanggap ang kaibigan ng mga malicsious notes at death threats. Bukod kay Lucas ang kaibigan nilang private investigator na tumututok sa kaso ay siya lamang ang nakakaalam ng tungkol sa mga pagbabantang natatanggap ni James.

“What happened?” nag-aalalang tanong niya.

“They raided my condo and kill all my gold fishes, and my turttle” hindi man niya ito nakikita ay alam niyang nagtatangis ang bagang nito. “They destroyed everything,”

mayamaya ay bumuntong hininga ito. “I have to bring Camille to Spain,”

Sa pagbanggit nito sa pangalan ng dalaga ay kinabahan siya ng labis. “Oo nga pala, did you find her?”

“She came home yesterday.”

“So, how are you going to tell her?” nakahinga siya ng maluwag sa nalaman.

“I don’t know” sabi nito sa mababang tinig. “One thing more,”

“What?”

“She must not be seen at the party tomorrow,” determinadong saad nito. “They may try to abduct her. We can not let them do that. They succeed, she’ll die.”

“What? How can you be so sure? Oh, come on, don’t give me a sigh.”

“That’s all for now, Rave. We’ll discuss other details after Lucas finds more evidence that they are really into making me fall” bumuntonghininga ito. “And one more thing, please don’t be so loud yourself in the celebration, if possible, be invisible.” paguutos nito.

“Okay, pero ‘di ba’t sa bahay niyo gaganapin ang kasiyahan?”

“Yeah. Kaya ipapadala ko si Camille sa condo ko.”

“What?!” halos maghisterya siya sa sinabi nito. Hindi ba’t kasasabi lang nito na pinasok ang condo nito? “Are you nuts! Hindi ba’t kasasabi mo lang na winasak ang condo mo, tapos diyan mo siya dadalhin!”

“They won’t know. And they won’t strike. Tututukan nila ang paglabas ni Camille sa bahay, they know her, they’ll be so sure na nandoon siya at maggugulo nanaman tulad ng hilig niyang gawin.”

Iyong ang naging usapan nila ni James isang araw bago sila lumipad ni Camille papunta sa lugar na ito. Natigilan siya nang may maalala… They, iyon ang ginamit ni James upang tukuyin ang nagtatangka sa buhay nilang magkapatid. At sa pagsasalita nito ay tila kilala na nito kung sino ang mga salarin at kung ano ang nais gawin ng mga ito. Why didn’t he saw it before? Kilala na ni James kung sino ang mga nagtatangkang manakit dito at sa kapatid nito. But there’s one more question he have to answer. Why did James let him accompany Camille? Bakit hindi nalang ito ang sumama? Sa ganong paraan mas ligtas ang magkapatid at nakakasiguro pa siyang hindi napapabayaan si Camille dahil ito ang kasama ng dalaga. Ano bang iniisip ni James? Bigla ang pagbaha ng pangamba sa puso niya. Hindi kaya sinadya nito na humiwalay sa kapatid? Kung magkahiwalay sila, at nasa Pilipinas ito…

Napamura siya. Ipinapain ni James ang sarili sa pag-asang mailayo sa kapahamakan si Camille, but he is a danger to his best friend’s teen sister as well.

They may try to abduct her… They succeed, she’ll die… Nanigas siya. Hindi niya dapat iniiwang mag-isa ang dalaga at hindi siya dapat nagpapagala-gala. Maintain a low profile… Kahit pa sabihing nasa malayo sila, hindi mabubura ang katotohanang may nagbabanta sa buhay nito.

Tinakbo niya ang apartment nang may takot sa dibdib. Kinakabahan siya at may masamang kutob.  What if they’ve got her when I’m here contemplating nonsense?

Nonesense nga ba?

Paano kung hindi ko na siya abutan doon, kung hinanap niya ako at lumabas, kung may nakakita sa kanya?

At kidnapin siya?

Damn his brain, sisingit na nga lang hindi pa nakakatulong.

Sinaklob ng matinding takot ang puso niya. Hindi niya kayang isipin ang mga nasa utak niya ngyon. Hindi niya kayang mawala si Camille. He loves her.

Ows, do you really?

Shut up if you don’t have something helpful, panenermon niya sa sariling utak.

Oh please let her be safe, mahinang daing niya.

Pagdating niya sa apartment ay nakaawang ang pintong sinigurado niyang naka-lock bago siya umalis, nakasanayan na niyang i-lock’yondahilpinagbabawalan niyang lumabas ang dalaga. Or did he forget?

“Camille?” panunubok niya habang dahan-dahang binubuksan ang pinto.

Malinis ang sala, there was nothing out of place. Ang basong pinag-inuman ni Camille ng juice nasa side table parin katabi ng ashtray na walang laman. Ang flower vase sa pedestal sa tabi ng kitchen counter maayos na nakatayo. Ang floor lamp sa tabi ng sofa ay hindi nagalaw. Maayos ang sala set at walang ano mang senyales na may ibang taong nakapasok sa loob. Bahagyang nabawasan ang pag-aalala niya.

“Camile.” patuloy na tawag niya dito habang binubuksan ang pinto ng silid nito. Walang tao. Lalo siyang kinabahan.

Kinatok niya ang banyo bago ito binuksan. “Camille!” malakas na kaysa nung una ang boses niya. Wala.

Kumakabog ang dibdib niya habang binubuksan ang sariling silid. “Camille!” sigaw niya nang walang makitang tao sa silid niya.

“Camille! Where the hell are you!” he’s already freaking out. “Come on, darling, this is not a nice game!”

Walang sagot.

Hinalughog niya ang bawat pinto ng cabinets and drawers – negative. Tanga! Ano ‘yong hinahanap mo daga? Ba’t pati iyang capboard at ref ginagalugad mo!

Oo nga naman, bakit nga ba? He was literally out of his mind, mababaliw siya kung hindi pa niya makikita ang dalaga.

“See, I don’t really like hide and seek, so come on out, Camille!” malakas na sigaw niya.

Isang pinto nalang ang hindi pa niya napapasok – nalalabas, rather – the balcony.

About kuletnimbles

Cute

Talakayan

19 thoughts on “MI ODIOSA QUERIDA-CHAPTER FOURTEEN

  1. “Tanga! Ano ‘yong hinahanap mo daga? ” natawa ako dito. hahahahaha!
    seriously, sana nandun si camille sa balkonahe.

    Posted by marshmallow | Mayo 7, 2012, 2:25 hapon
  2. Hinalughog niya ang bawat pinto ng cabinets and drawers – negative. Tanga! Ano ‘yong hinahanap mo daga? Ba’t pati iyang capboard at ref ginagalugad mo! ahahahaahahha i love this line.. promise!

    Posted by itsgonnabeme | Disyembre 31, 2010, 6:51 hapon
  3. hahahah😀 hahanapin pa naman sa loob ng cabinet at refrigerator…LOL

    Posted by jeh089 | Disyembre 29, 2010, 8:50 umaga
  4. ganda… sana mappost na yung next chapter

    Posted by chelley23 | Nobyembre 26, 2010, 5:54 umaga
  5. nkakaexcite….sna araw araw ang pagpopost nio ng chapters

    Posted by nicole | Nobyembre 25, 2010, 6:49 hapon
  6. mukhang interesting ang susunod na chapter ah…

    Posted by jeon | Nobyembre 22, 2010, 3:03 hapon
  7. waaahhhh.. nabitin aq dun ahhh…hmmm.. nxt chpter na po sana agad..

    Posted by reycel09 | Nobyembre 22, 2010, 1:34 umaga
  8. oo nga po..bitin bitin…waahhh

    Posted by eizzy | Nobyembre 21, 2010, 11:56 hapon
  9. exciting!!

    next chapter !!

    Posted by roch17 | Nobyembre 21, 2010, 2:41 hapon
  10. favorite line….
    Hinalughog niya ang bawat pinto ng cabinets and drawers – negative. Tanga! Ano ‘yong hinahanap mo daga? Ba’t pati iyang capboard at ref ginagalugad mo!

    Posted by claromzy | Nobyembre 21, 2010, 12:59 hapon
  11. hahaha natawa naman ako kay Rave..
    pati ba naman drawer at ref hinanap doon si Camille hahahha
    next chapter na po🙂

    Posted by Zheirah | Nobyembre 21, 2010, 9:52 umaga
  12. ai kabitin nmn sbra..
    nxt n poh plssss

    Posted by alexis_shawn27 | Nobyembre 21, 2010, 8:45 umaga
  13. “Tanga! Ano ‘yong hinahanap mo daga? ” natawa ako dito. hahahahaha! asan na ba si camille?

    Posted by arabeybsXP | Nobyembre 21, 2010, 5:15 umaga
  14. super bitin.. sana mapost agd next chapter..=))

    Posted by chelley23 | Nobyembre 21, 2010, 2:03 umaga
  15. super bitin.. sna mpost agd next chpter..

    Posted by chelley23 | Nobyembre 21, 2010, 1:56 umaga
  16. wooooohhhh .. next next next ..

    Posted by kempertuch | Nobyembre 20, 2010, 4:23 hapon
  17. bitin naman msyado tapos tagal p ulet ng posting…. huhuhuh!

    Posted by Rochelle | Nobyembre 20, 2010, 4:05 hapon
  18. Did she got abducted???omg!!!i want the nxt chapter na…,

    Posted by April<3 | Nobyembre 20, 2010, 3:55 hapon
  19. next chap please. excited na aku. wuhooooo! :))

    Posted by ladyinpink | Nobyembre 20, 2010, 3:42 hapon

Ano ang iyong masasabi sa iyong nabasa?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

TOP Calendar

Nobyembre 2010
M T W T F S S
« Oct   Dec »
1234567
891011121314
15161718192021
22232425262728
2930  

Mga Istorya

Aming Nakaraan

%d bloggers like this: