binabasa mo ang...
My Lovely Chef

CHAPTER 12: My Lovely Chef

KAHIT GAANO KAGUSTO NI AMANDA NA UMALIS AT IWAN ANG RESTAURANT, hindi niya magawa. Kahit pa gaano kahirap pumasok araw-araw, wala rin siyang magawa dahil hindi naman niya p’wedeng basta na lang pabayaan ang Mandy’s.

Isang linggo na mula nang maglaho si Justin na parang bula. Maaaring hindi na bumalik ito, maaaring bumalik pa rin ito at muli ring umalis. Ayaw nang isipin ni Amanda ang mga maaaring mangyari, o ang mga hindi na mangyayari. Kailangang magpatuloy ang buhay, bumalik man si Justin o hindi.

Isang linggo na niyang pinipilit na ibalik ang lahat sa dati at mabuhay nang parang walang nangyari. She goes to work as usual, she does everything in the restaurant as usual and tried to live her life as usual. She wanted to forget everything about Justin, pero alam niyang imposible ‘yon lalo na’t araw-araw ay may nagpapaalala sa kanya sa dating kaibigan.

Malalim na ang gabi nang matapos ni Amanda ang ginagawang menu para sa bagong kliyente sa catering. Halos araw-araw na silang nagke-cater ngayon at naisip ni Amanda na maganda na rin ‘yon para maging mas busy siya para wala na siyang panahong makapag-isip ng kung anu-ano.

“Amanda.”

Nilingon iyon ni Amanda at muntik nang mahulog ang mga inilalagay niyang papel sa kanyang bag. Mula sa bar ay nakita niyang nakatayo sa entrance ng restaurant si Justin.

Si Justin. After one long week, nagpakita uli si Justin. She looked at him as he stood there, staring at her in a way that she wouldn’t know.

Huminga muna ng malalim si Justin bago tuluyang lumapit kay Amanda. Halata sa mukha nito ang pagkabigla. “Amanda, how have you been?”

It’s the most stupid question, if you think of it. It’s been a week and he had missed her. She still looked beautiful as always, and at that moment, he just wanted to hold her in his arms and kiss her and tell her how much he loves her. But all he could do is ask her a stupid question.

Kinailangan pa niya ng isang buong linggo para mapag-isipan ang lahat-lahat. Hindi madali ang harapin si Amanda, pagkatapos ng lahat. Pero ngayon, handa na siyang sabihin dito ang bagay na dapat ay noon pa niya naamin. Whatever the consequences are, he’s now ready to take the chance. He’d rather take the risk than to live his whole life thinking what might have been.

Nanatili lang na nakatingin si Amanda kay Justin. Suot nito ang paboritong pulang t-shirt na iniregalo niya rito noong unang pasko nilang magkasama. Ilan lamang ang ilaw na bukas sa bahagi’ng iyon ng bar at pilit niyang inaaninag ang ekspresyon sa mukha nito. “A-ano’ng ginagawa mo rito?” nagtataka niyang tanong.

“I think we need to talk, Amanda,” nakangiti nitong sabi.

Iniwasan ni Amanda ang mga mata ni Justin na nakatingin sa kanya at ang maganda nitong ngiti. Ipinagpatuloy niya ang pag-aayos ng gamit. At nakuha pa nitong ngumiti samantalang siya ay hindi iyon magawa sa buong isang linggong wala ito.

Ni hindi na nakuhang tingnan ni Amanda ang binata at lumakad na siya palabas ng restaurant. Sinundan siya ng tingin ng binata at ilang sandali pa bago nito nakuhang sundan siya. Sinundan siya nito hanggang sa tapat ng Mandy’s at hinuli nito ang kanyang kanang braso. Tiningnan niya ang nakahawak nitong kamay sa kamay niya, at tiningnan niya ito.

“I’m sorry if I had to leave like that. I just needed time to think.”

Nagsimula nang pumatak ang ulan at sabay silang tumingala. Nanatili lang sila na nakatayo roon, hindi alintana ang malalaking patak ng ulan. Pilit na binawi ni Amanda ang kamay mula kay Justin pero mahigpit ang pagkakakapit nito sa kanya. “I think we have nothing to talk about anymore. You can have all the time in the world to think. At kung plano mo na bumalik at magtago sa California habang buhay, go ahead, wala na akong pakialam.”

Sa wakas ay binitiwan rin ni Justin ang kamay ni Amanda. Lumalakas na ang ulan at hindi siya sigurado kung tama ba ang narinig niyang sinabi nito. “W-what are you talking about?”

“Noon, sinasabi mo sa ‘kin kung gaano ‘ko ka-unfair at kung gaano ako katakot sa commitment. S-sino ngayon sa’ting dalawa sa tingin mo ang takot sa commitment? Sino sa ating dalawa ang duwag at magtatago sa California?”

“Amanda, hindi ako pupunta ng California, okay? At kailangan kong umalis para lang mag-isip. But now I’m back to talk to you and tell you how I really feel about you.”

“Alam ko na lahat, Justin.”

“W-what do you mean?” nagtataka nitong tanong.

“I mean, magre-resign na ‘ko!”

“What?! You can’t resign just like that, Amanda!” malakas na sabi ni Justin. This is out of his plan. He never thought that Amanda could ever think of quitting her job. Hindi alam ni Justin ang iisipin. Just last week, she told him she loves him. Just last week, she said that she can no longer be just a friend because she had fallen inlove with him. It’s been just a week. Ayaw niyang isipin na bigla na lang nagbago ang isip nito kaya ito magre-resign. Tumalikod siya rito at muling humarap. Pareho na silang basang-basa at pareho silang walang pakialam. “You’re running away, aren’t you? This is your way to run away from me and the situation, isn’t it?”

Halos mabingi si Amanda sa lakas ng impact sa kanya ng mga salitang binitiwan ni Justin. Kasinglakas no’n ang sunud-sunod na kulog at kidlat nang gabing iyon. “I am not the one who’s running away. You are!”

“Amanda, I’m here now. And I’m here to tell you that I am sorry and that I love you.”

She should be the happiest. She should be in tears because of too much joy. Pero hindi niya ‘yon maramdaman. Tiningnan ni Amanda si Justin at hindi na niya napigilang umiyak. Kasabay ng pagbuhos ng malakas na ulan ang pagpatak ng kanyang luha. Muling hinawakan ni Justin ang dalawa niyang kamay.

“I love you, Amanda.“ sabi ni Justin. “I’ve loved you eversince-”

“Eversince we first met that night at the coffee shop?” mariin niyang tanong. “ You love me that’s why you opened this restaurant? You hired me to be your chef and you asked me to stay in your apartment because you loved me eversince? Bullshit, Justin! Kung mahal mo ‘ko, hindi mo pagpaplanuhan ang buhay ko. My dream was to be a chef in a cruise ship and travel around the world, but I tried to forget about that because of you, Justin. I tried to live a different life for you. All along, I thought I was so blessed to have a friend like you. And I am not even aware that you’ve been deceiving me all along.”

Si Justin na mismo ang bumitiw sa mga kamay ni Amanda. Hindi niya alam kung paano iyon nalaman ng dalaga, hindi niya alam kung paano iyon ipapaliwanag kay Amanda.

“And there I was helplessly falling in love with you. How stupid could I get?”

“Please, let me explain..I-”

When Justin tried to hold her again, she stepped back. “I don’t need to hear anything from you. You lied to me. It’s as simple as that. You planned everything from the start and you controlled my life. You made me look like a fool. And I hate you,” naiiyak niyang sabi. “Is hurting me this much a part of your plan? Because if it is, you’ve successfully done it, Justin. Hindi mo alam kung gaano ‘ko nasasaktan ngayon.”

“Amanda, I’m sorry if it made you feel that way. I never meant to hurt you.”

“Really? So what did you mean by doing that? To make me happy?” sarkastiko niyang tanong.

“I wanted to protect you! You are very important to me and I want you to feel special. I want to give everything to you, Amanda. I love you so much that I’m willing to do anything for you.”

Umiling lang si Amanda. Maraming iling. “Why didn’t you just tell me you love me, for Christ’s sake?”

“I tried to tell you but I got too scared, okay? Before I knew it, we’ve become so close that it didn’t matter anymore if you knew or not. As long as you’re with me, it didn’t matter anymore. Until it was too late to tell you how I really feel. Natakot ako’ng baka hindi mo ‘ko maintindihan.”

Amanda felt the same way. Hindi p’wedeng hindi niya ‘yon maintindihan kung noon pa nito iyon sinabi sa kanya. Mas hindi niya ito naiintindihan ngayon.

“I am so sorry. I know I should have told you but it wasn’t easy for me.”

“And you think it was simple for me? Sa tingin mo ba madali lang para sa ‘kin ang lumapit sa ‘yo at sabihin sa ‘yo na mahal kita? Alam mo ba kung ilang beses kong inisip kung tama ‘yon o mali? Kung gaano ‘ko natakot sa posibilidad ng pagkasira ng pagkakaibigan natin? Hindi mo alam kung paano ako nahihirapan sa araw-araw kapag nakikita kita pero hindi ko masabi kung gaano kita kamahal dahil alam kong may mahal kang iba. Hindi mo alam kung ano ang pinagdadaanan ko sa araw-araw, Justin. Hindi ‘yon gano’n kadali para sa ‘kin. Hindi na naging madali ang buhay ko simula nang makilala kita. Hindi ko alam kung bakit kita minahal, kung bakit hanggang ngayon, nasasaktan pa rin ako.”

Walang anumang naitugon si Justin. Niyakap na lang niya ito nang mahigpit. Patuloy lang sa pag-iyak si Amanda, kasabay ng patuloy na paglakas ng ulan. Gusto niyang pigilan ang luha ng dalaga pero hindi niya alam kung paano. To hurt her would be the last thing he wanted to do and he couldn’t believe that it was him who’s making her cry like this.

“Amanda, I’m sorry, I really am. I just love you too much.”

Ilang sandali pa bago umalis si Amanda sa pagkakayakap ni Justin. Humarap siya dito. Kahit gaano niya kagusto na patawarin ito, hindi pa niya kaya sa ngayon. “I-I’m filing my resignation first thing in the morning.”

 

 

About pagsintangpururot

dreamer, poet, writer, artist, traveler, believer

Talakayan

24 thoughts on “CHAPTER 12: My Lovely Chef

  1. so sad nmn..

    Posted by nesilita | Enero 20, 2014, 8:57 umaga
  2. ahuhuhuh!! . .grabe sobrang nakakaiyak t0ng chapt na to. . =(. .

    Bkit kc ang dming t0rpeng lalake ahmf!!!they doing mOre c0mplicated all thingz pagi2ng takot nila in their own gost . . O.o

    ganda tlgah nito ;p

    Posted by pazawaiy_1901 | Abril 27, 2012, 7:21 hapon
  3. hangang ilang chapter ba to>>?

    Posted by jemaimah | Enero 20, 2011, 9:54 hapon
  4. kailan nxt chapter?

    Posted by jemaimah | Enero 20, 2011, 9:48 hapon
  5. hahaha!!! uo nga!!! under the rain!!! ang drama!!!

    Posted by laramaeperez | Disyembre 2, 2010, 8:21 hapon
  6. anu ba na man yan….bati na kayo para ok na ang lahat..
    nxt chapter poh

    Posted by bam2x | Nobyembre 22, 2010, 4:47 hapon
  7. hay…bakit ganun ang nangyari?akala ko pa naman magiging ok na sila justin at amanda…

    Posted by shon | Nobyembre 22, 2010, 8:26 umaga
  8. hayyyy…😦

    Posted by krisae | Nobyembre 20, 2010, 11:34 hapon
  9. ugh! no dear. don’t resign. just when everything’s falling into right place.🙂

    Posted by ASH | Nobyembre 20, 2010, 1:56 hapon
  10. Sad n mn ako s chapter na ‘to… May point n mn si Amanda. Pero pag ako ang nasa sitwasyon niya, super flattered sgoro ako sa lahat ng effort ni Justin. hehe… Sana masaya na ang susunod n chap pra hindi na tulo sipon ko… hehe

    Posted by GM | Nobyembre 20, 2010, 10:53 umaga
  11. ayyy.. kala ko tapos na… huhuhu..
    hope matapos na ang away -bati mode nila..!!!

    Thanks…

    Posted by accoziempreh | Nobyembre 20, 2010, 10:03 umaga
  12. ano ba yan?bumalik na nga si justin at inamin na nya na mahal nya si amanda.tapos si amanda naman ang lalayo..kakaiyak

    Posted by cathy | Nobyembre 20, 2010, 9:35 umaga
  13. aaaaaaaaaaaaayyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyy sad naman nito ..

    Posted by kempertuch | Nobyembre 20, 2010, 7:45 umaga
  14. akala ko magiging okay na sila, nag-away pa bigla. tsk tsk.

    Posted by arabeybsXP | Nobyembre 20, 2010, 4:06 umaga
  15. oo nga,nakkatouch,nasasabik akong mabasa ang end para di ako mag-isip gano kung anong end

    Posted by irese | Nobyembre 20, 2010, 2:39 umaga
  16. waahhhh….mukang malapit na ang ending cant wait na po..

    Posted by eizzy | Nobyembre 20, 2010, 1:11 umaga
  17. Omg!!!i want the nxt chapter!!!

    Posted by April<3 | Nobyembre 19, 2010, 11:52 hapon
  18. Pwedeng magrequest? pwede sa weekend nalang yung chapter 13, hindi na sa Monday? Hehe.

    Posted by gela | Nobyembre 19, 2010, 11:28 hapon
  19. may point si Amanda. Ang ganda =) In a way yes, pinahirapan nila sarili nila hehe. Next chapter please!

    Posted by gela | Nobyembre 19, 2010, 11:26 hapon
  20. ouch kung kelan naman umamin c justin
    tsaka p hindi mpatawad ni amnda

    Posted by alexis_shawn27 | Nobyembre 19, 2010, 8:18 hapon
  21. kaiyak naman itong chapter na ‘to..
    Bitin eh!
    next chapter na po?\
    hehe. Tnx!

    Posted by roch17 | Nobyembre 19, 2010, 7:53 hapon
  22. ang cute ng story!!! hay naku, wag na kasi pahirapan pa ang mga sarili.😉

    Posted by feiyuri | Nobyembre 19, 2010, 7:49 hapon
  23. ahhhhhhhhhy.
    akala ko magiging ok na. hmmm.😦

    Posted by candy | Nobyembre 19, 2010, 7:47 hapon
  24. waaaaaaaaaaaah!!LQ under the rain.can’t wait for monday,para ma-post na next chapter!

    Posted by marie | Nobyembre 19, 2010, 7:30 hapon

Ano ang iyong masasabi sa iyong nabasa?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

TOP Calendar

Nobyembre 2010
M T W T F S S
« Oct   Dec »
1234567
891011121314
15161718192021
22232425262728
2930  

Mga Istorya

Aming Nakaraan

%d bloggers like this: