binabasa mo ang...
My Pretty Boy

My Pretty Boy – Chapter 9

Di niya pa rin mawari kung ano ang gagawin niya para makapag-concentrate siya sa trabaho niya. Kanina pa siya papalit-palit nang posisyon sa pag-upo kulang na lang ata ay tumambling siya tsaka mag-split.

“Grrr! Ano bang gagawin ko?” parati na lang kasing sumusulpot bigla ang mukha ni Karl sa isip niya at sa tingin niya ay mapapadalas na iyon dahil ngumiti ito kanina and gosh! she could even smell his scent hanggang ngayon! Nakakagigil. Napabuntong hininga na lang siya. Pati ngiti nito pwede nang isang buong meal sa isang araw!

“Naloloka na nga talaga ako!” agad niyang ini-off ang computer niya tsaka nag time-out. Salamat na lang at tapos na ang shift niya.Kanina pa siya naghihintay nang masasakyan. Pag-nagtatrabaho siya sa agency ay hindi talaga siya nagpapasundo sa driver niya. Ayaw niyang magulat ang mga katrabaho niya. Gusto niyang ituring siya nang mga ito na katrabaho at hindi bilang isang sikat na tao . At ang alam nang mga katrabaho niya ay Krizzy ang pangalan niya at mahirap lang siya. Madaling araw na nang tingnan niya ang relo niya.

“Asan naman kasi ang mga taxi pagkailangan mo?” nawawalan na talaga siya nang pasensya sa kakahintay. Ilang sandali pa ay may biglang huminto sa harapan niya na kotse. “Familiar ata tong kotse na toh ah” agad namang nasagot ang tanong nya nang biglang makita niya ang driver nito.

“Need a lift?” tanong nito

“Bumait ata ang lalakeng ito, nagdududa na ako ha”

“Hindi ito utang kung yan ang iniisip mo, nagmamagandang loob lang pero kung gusto mo pa ring maghintay nang taksi. Okay lang.” Aalis na sana ito nang pigilan niya.

“Sandali. Wala pa nga akong sinasabi” ba’t ba nababasa nito ang isip niya? Tsaka matagal-tagal na din siyang naghihintay kaya di na siya mag-iinarte pa.

“Sasakay ka ba?” tanong nito

“Sasakay na master” usal niya saka binuksan ang pinto tsaka umupo.

“Teka! Ang seatbelt mo” sabi nito tsaka lumapit sa kanya at kinabit ang seatbelt niya. Ang lapit-lapit nito sa kanyang mukha, parang kaunting galaw lang ay mahahalikan na niya ito. she could see his eyes. Ang ganda! It was so hipnotizing! Parang ngumingiti kahit di naman. “Hoy! Babae! Saan ka nakakita nang ngumingiti na mata? Labi lang ang ngumingiti. Wag ka nang mag-imbento”

“..ready ka na?” tanong nito
Naka-upo na pala ito nang maayos nang hindi niya namamalayan! Hala!
“Ahmm..Oo..sige”

“And your address?”
Agad niyang sinabi dito ang address niya. Pinatakbo agad nito ang kotse. Kasabay nang tahimik na kapaligiran ay ang mabilis na pagtibok nang puso niya. di niya maintindihan! Ganoon lang ang ginawa nito pero ganoon na ang reaksyon na nang puso niya.

“Anong ginagawa mo dito?” tanong niya agad. Di siya sanay na tahimik ang kapaligiran.

“May dinaanan lang ako” sabi nito

“Hmmm. Mabuti na lang at may dinaanan ka nakatipid tuloy ako sa pamasahe.” Sabi niya. “dinaanan daw? If i know”
Napaka-kaswal nang pagkakasabi niya noon sukat akalain ba naman niyang tumawa agad ito.

“Anong nakakatawa doon?” na-aasar niyang tanong.

“Wala. modelo ka kasi kaya di ko sukat akalain na nagtitipid ka” tatawa tawa pa nitong sabi

“Sige lang! Tumawa ka lang. Ang ganda sa ears!he-he-he”

“Kilala mo ako?” na-amaze niyang sabi. Napataas ata ang tono niya kaya nabaling ang tingin nito sa kanya.

“Tingnan mo yung daan ayoko pa mamatay. Maraming iiyak”
Tiningnan lang nito ulit ang kalsada tsaka nagsalita.

“Syempre naman kilala kita. Ikaw si Thalia Martinez. The-sought-after model. What makes you think na hindi kita kilala?

“Wait? Sandali? Di ba sabi mo hindi mo ko kilala? Bakit ngayon kilala mo na ako?” parang nakahuli ng daga niyang sabi. “hmmm…aha! huli ka! Bwahahaha!”

Tumahimik ito ng ilang saglit tsaka nagsalita “Alam ko na yang iniisip mo, paano kita nakilala? Simple lang..ang dali mo naman kasing makilala kahit may wig ka o wla” simpleng sabi lng nito.

“Iba kaya ang iniisip ko” “talaga? Eh bakit effective sa officemates ko at sa mga malls kung naglalakad-lakad ako?”
“Ewan? Tanga siguro ang mga tao”

Inirapan na lang niya ito tsaka umupo ng maayos, “hmmm..anong binabalak mo Karl Danrick Monteverde? Malalaman ko rin yan! Hehehe”.

“eh kung alam mong sikat ako dapat sikat din trato mo sa akin? Sino mang makakakilala sa akin ay nagpapa-autograph na” mahinang sabi niya

“Hindi ako tulad nang ibang tao diya na naloloka kung nakakakita ng artista o model” sabi nito bigla
Bigla siya napatingin dito “ikaw ba si superman? Ang hina nang sinabi ko narinig mo pa rin? O mind reader ka? “

Amaze lang ako dahil ikaw lang talaga ang nag-iisang taong di ako tinuring na sikat na model, Well bukod sa mga luka-luka kong kaibigan at manager at ibang malapit sa akin. Siguro kung di pa ako nag-ibang anyo ay di pa ako ituturing nang mga katrabaho bilang isang simpleng tao” paliwanag niya

“Ahh” sabi lang nito
Tahimik na naman sila….Di niya matiis.She started humming. Hanggang sa makarating sila sa bahay niya ay hindi na sila ulit nag-usap.

“Hmm sige..salamat sa paghatid mo..” mahinang sabi niya

“you’re welcome” wika lang nito
Agad siyang lumabas sa kotse. Hayun nanaman ang puso niya. Ang bilis-bilis nang tibok nang puso!

“Ahm..sandali lang Thalia.” Biglang sabi nito

“Bakit?” tanong niya agad dito “Ba’t parang atat ka? Nag-eexpect ka na may sasabihin pa siya?”
Agad itong bumaba at lumapit sa kanya.

“I just wanna say..good night..i mean…good morning na pala. Sige..matulog ka na..alam kong pagod ka na” malambing nitong sabi. And again ngumiti nanaman ito.
Parang bumukas ang langit nang masilayan niya ang ngiti nito. “What a super duper licious smile!”

“Aah! Thalia?” sabi nito. Iyon ang nagpaggising sa ilang segundo niyang pananaginip.

“Y-yes?” na-uutal pa niyang sabi

“I have to go” wika nito tsaka tinignan ang hinawakan niyang kwelyo nito. Hala! Kailan gumalaw ang kamay niya na hindi niya namamalayan?

“traydor kang kamay ka! Magtutuos tayo mamaya!Napapahiyang binawi niya ang kamay niya. “ah..sorry..sige.. ingat ka!”
Bago ito pumasok sa kotse nito ay nag-iwan pa ito sa kanya nang napakagandang ngiti. Nasa loob na ito nang kotse nito nang biglang magsalita ito.

“Have a sweet dream, Thalia!” sabi nito tsaka pinatakbo ang kotse nito.

“Yeah! I’ll dream of you” tila wala sa loob niyang sabi.
Inihatid niya na lang nang tanaw ang kotse nito. Nang di na niya makita pa ay saka lang siya pumasok sa bahay nila.

Hindi pa rin siya bumabangon sa kama niya. Wala naman siyang trabaho ngayon kaya okay lang na doon lang siya. tingnan niya ang alarm clock na nasa bedside table niya. Alas dyes pa lang nang umaga. Agad siyang nag-iba nang posisyon sa kinahihigaan niya. Hanggang nagyon ay hindi pa rin niya mawari kung ano ang nangyayari sa kanya. Kagabi pa niya iniisip ang mga nangyayari sa buhay niya. Parang bagyo ang pagdating noon sa kanya. Naputol ang pag-iisip niya nag marinig niya ang boses ni Fatima

“Thalia! Gumising ka na! May naghahanap sayong magandang gwapo!” excited nitong sigaw

Teka? Magandang gwapo? Isa ang kilala niyang magandang gwapo at iyon ay si- “Nandyan si Karl?” tanong nya sa sarili niya, agad siyang bumangon. At pumunta sa banyo. Naghilamos siya at nagsepilyo. Agad niyang sinuklay ang mahaba at magulo niyang buhok. Magpupulbos pa sana siya kaya lang itinigil niya. Ayaw niyang isipin nito na nagpapaganda siya dito. Agad niyang ginulo ang buhok niya para parang bagong gising. Agad niyang binuksan ang pinto niya.

“Sinong naghahanap sa akin?” pakunwari niyang tanong para naman di siya magmukhang atat “dalagang pilipina day!”

“Si gandang gwapo!” patili nitong sabi

“Maghunos-dili ka nga! Para kang ngayon lang nakakita ang gwapo!” sabi niya rito

“Sige na! Bumaba ka na! Baka naiinip na iyon!” excited nitong sabi

“Oo na!” sabi lang niya tsaka agad siyang bumaba sa hagdan.

“Ba’t ka nandyan sa likod ko?” nagtataka niyang tanong kay Fatima nakakapit kasi ito sa braso niya

“Hayaan mo naman akong masilayan ang kagandahan nang lalake mo. Alam ko namang off-limits siya kaya wag kang mag-aalala. Di ko siya aagawin.magtatanong lang ako kung may kapatid siya” sabi pa nito sabay hagikgik

“Ewan ko sa’yo basta no touching or talking, understand monkey?” sabi niya rito tsaka hinanap si karl
Agad niyang nakita si Karl na tumitingin sa mga pictures nila nang mga kaibigan niya.

“Ahmm..Good morning?”

Agad naman itong lumingon nang marinig ang boses niya.
“Gosh! He looks yummy in the morning!”
Naka-formal attire kasi ito parang dumaan muna sa kanila bago pumunta sa opisina.

“Good morning din” sagot nito

“Alam mo bang ikaw ang nagpa-good sa morning ko?” singit naman nang
kaibigan niya. Mukhang nagpa-pacute ito

“pwede ba, Fatima? Ano bang sinabi ko kanina” mababa ngunit may diin na sabi niya

“Ano? Wla akong ginagawa! Sabi mo kasi kanina monkey kaya alam ko namang iba ang tinutukoy mo” sagot lng nito. “Gusto mo bang magkape mamang gwapo?” baling nito kay Karl

“Ah..call me Karl..Miss Francisco” wika naman nito

“Nakuu..Fatima na lang..teka..may kapatid ka ba? O di kaya kakambal?

Pwede mo ba akong ipakilalala?” atat na atat nitong wika

“Fatima! Ikuha mo kaya doon nang kape si Karl! Dali! Wag kang magpa-cute dyan!”

“Eto naman! Sige kukuha ako nang kape niya! Kape nya lang!” sabi nito tsaka pumunta sa kusina. “Tatawagan ko din sila!” pahabol nitong wika

“Hoy! Wag mong gagawin niyan! Di ka talaga makakalabas nang bahay!” sigaw nya rito. Narinig niyang tumawa lang ito. alam na niya kung sino ang tinutukay nitong sila.

“Pasensiya ka na sa kanya ha, hindi talaga halata na ganyan niyan sa hitsura” baling niya rito

“Hindi, okay lang. Na-amaze nga ako dahil makikita ko dito sa Fatima
Francisco. Di ba artista siya?”

“Ha? Di mo alam? Nagtataka niyang wika

“Minsan lang kasi ako manoon nang TV tsaka paborito siya ang katulong namin kaya medyo kilala ko rin siya” pagpapaliwanang nito

“Ahmm..maupo ka..pasensya ka na ha”

“Okay lang” nakangiti nitong wika at dahil doon ay nagwala na naman ang puso niya “Naman! Wag kang parating ngingiti! Nagwawala lahat nang organs ko sa’yo eh!”

“Ba’t ka nga pala naririto? May kailangan ka?”

“Ah! Itong panyo mo naiwan” agad nitong sinabi

“Naku.!salamat nag-abala ka pa.” Nakangiting turan nya

“Ito na ang kape mo mamang gwapo.” Malawak na ngiti nito kay Karl.

“Naman!asan yong akin?” Nagtatakang tanong niya..

“Bakit yaya mo ba ako? Kung mag-papaalipin lang ako dun na kay mamang gwapo.” Lumapit pa talaga ito kay Karl at nagpa-cute dito..
”Grrrr… Kung minsan nakakainis din itong kaibian nya.. pang-sira ng moment..Hay!” Napalakas ata ang buntong hininga niya dahil napatingin sa kanya ang dalawa

“Friend, wag mong problemahin ang utang ng bansa, hindi sayo nakasalalay lahat ng utang, ok?” pang-aasar ni fatima

“Harhar! Ewan ko sa’yo! Bumalik ka na nga sa mental hospital na pinanggalingan mo!” ganti niya dito
Napatingin sila dalawa kay Karl ng bigla itong tumawa. Namula naman siya. Nakalimutan niya kasi na andun ito.

“Ikaw kasi Thalia ei.. Nakakahiya tuloy kay mamang gwapo. Akala niya nakikipag-usap na ako sa baliw. Ikaw naman kasi magpa-doktor ka na, libre naman yun sa mga tulad nating regalo sa mundong ito.
Napapa-iling na lang siya sa kaibigan. Sasagut pa sana siya ng tumunog ang dorbell. Agad niyang inirapan ang kaibigan niya. “Ayan na ang delubyo!”
Agad itong tumayo at binuksan ang pinto. “Anong nangyari? Katapusan na ba talaga nang mundo?” sabay-sabay na sabi nang mga bagong dating
Napayuko na lng sa sinabi ng mga kaibigan niyang luka-luka.Agad lumapit ito sa kanya at tumabi sa inuupuan niya.

“Uhmm..girlfriend mo ba itong babaeng ito? maki-pag-break ka na sa kanya,di kayo bagay.tayo ang bagay” sabay hagikgik ni Girlie

“Wag kang maniwala sa kanya! Sa akin ka na lng, bubusugin kita ng aking pagmamahal” sabi naman ni kyla

“I agree with them..wala kayong future na dalawa” singit ni Angel

“Kanina ko pa nga sinasabi yan..ayaw maniwala ni gandang pogi” sabi pa ni Fatima

“Ahmm..may kapatid ka-“ agad niyang tinakpan ang bibig ni Angel alam na niya ksi ang sasabihin nito

“Ahmm..pasensya ka na ha..pare-pareha kasi kaming lukaret kaya ganyan ang mga yan” hingi niya nang dispensa dito

“IKAW LANG!” object naman nang mga kaibigan niya. Inirapan niya lang ang mga ito at agad niyang hinila palabas si karl.

“Hoy! Saan mo dadalhin si gandang gwapo?”

“Sa lugar kung saan wala kayo!” sigaw nya sa mga ito
Nang makalabas sila ay agad niya itong inihatid sa kotse nito.
“Naku,pasensya ka na ha, naistorbo ka pa, tsaka pagpasensiyahan mo din mo yung mga kaibigan ko, kahit ganun sila eh harmless naman sila”

“it’s okay, ang saya nga eh. Siguro parati kayong masaya pagmagkasama kayong lima”

“hay!, kung alam mo lang”

“Ahm,sige, alis na ako, male-late na ako sa trabaho ko”

“Ai..Oo nga pala,sige,,ingat sa biyahe!”Agad naman itong sumakay sa kotse nito tsaka pina-start iyon. Inihatid na lamang niya ito ng tanaw. Agad siyang tumalikod at nagmartsa patungo sa bahay niya, naka-battle mode na siya ngayon. “humanda kayong mga bruha kayo!” agad niya binuksan ang pintuan, may narinig siyang lagabog, only to find out na nasa sahig ang mga ito at parang natumba.

“Anong ginagaw niyo diyan?” nagtataka niyang tanong

“ha? Ah….eh…nagsa-scrub?” sabay-sabay nilang sabi

“Nagsa-scrub?” agad tumaas baba ang kilay niya.agad naman tumayo ang mga ito at umupo sa sofa

“Alam niyo na ang ginawa niyo kanina! Nakakahiya kayo! Akala ko pa naman mga kaibigan ko kayo!, mas sobra pa kayo sa pet ko sa farmville!” exag niyang sabi

“Yeah right friend! Relax.di namin aagawin ang boylet mo, we are just curious kung sino ang lalakeng nakakuha ng attensiyon mo” sabi ni Fatima.

“Well, hindi na ako nagtataka kung nadagdagan ang pagka-lukaret mo this past few days, he’s yummy” agad na pag-iiba ni girlie

“Oo nga! Saan mo yun nakilala?” tanong ni fatima

“Well, una ko siyang nakita sa parking lot, if you still remember what i’ve told you then i got to know his name on a park”

“Really? Grabeh naman”

“You know what’s the weird part is, nung first meeting namin, he’s so nice, then noong second meeting namin, take note naka-wig ako, he’s so rude tapos noong nasa park kami, hindi na ako nakawig noon pero ang antipatiko niya noon but he was sweet when he gave me a food. Grabeh..hindi ko maintindihan ang lalakeng yun” mahabang paliwanag niya

“Ano? Ang gulo ng sinabi mo pero di kaya sinasadya niya ang pagkikita niyo?” sabi ni fatima

“Hindi naman siguro”

“Well, that’s what you call destiny friend!”

“Hmm..hindi ko pa siya gaanong kilala. Ano kaya? Pa-imbestigahan ko kaya siya?”

“Ang OA mo naman, just date him…hindi naman masama kung makikipag-date ka sa kanya plus you get to know him” sabi ni Girlie

“Yeah you’re right, but i dont have his cellphone number” panghihinayang niya

“Ano ba naman yan friend! Ilang meetings nang nagaganap sa inyo pero wala pa rin? Grabeh ha” sabi naman ni Angel

“Eh sa wala nga!”

“Eh di hintayin mo na lng siya ulit na magpakita sa’yo”

“Yun na nga lang ang magagawa ko, ang maghintay”

“At kelan ka pa nangkaroon ng pasensiya sa paghihintay?” sabay-sabay pa nilang sinabi
Agad namang nagsitawanan ang mga kaibigan niya.

“Good morning sir!”bati agad sa kanya ni jen

“Good morning din” agad niyang sagot dito tsaka ngumiti

“Ahmm…sir? nagkaroon ba ng himala o may sakit kayo?” nagtatakang tanong nito

“Ha? Anong sinasabi mo?”

“Good mood ata kayo sir, tumingin kayo sa likod niyo” tinuro agad nito ang nasa likod niya.Agad naman siyang tumingin sa likod niya, nakita niya na ang ibang mga empleyado niya ay nakatingin sa kanya na parang may nangyaring himala.
Agad naman niyang binalingan ang sekretarya niya. “Walang himala o wala akong sakit, bawal na ba ngayong maging masaya?” pabiro niyang sabi

“S-sige sir, wla na kayong sakit tsaka wala nang himala, pumasok na lang kayo sa loob ng office niyo” naguguluhan nitong sabi tsaka itinulak siya sa loob ng office niya

“Oh? Anong nangyari sa mga yon?” nagtataka niyang sabi. Agad niyang nakita na may tao sa office niya.

“Jorge? Nandito ka nanaman?” agad niyang salubong dito

“Xempre! Kaibigan kita, bawal na ba ngayon na dalawin ka? Balita ko kasi good mood ka ngayon, something happened between you and Thalia?”
“At paano mo nalaman yon?”

“So tama pala ako, matawagan nga ang mga brods natin” sabay labas ng celphone nito, agad naman niyang kinuha ang phone nito tsaka tinapon.

“You’ll gonna pay for that” simpleng sabi nito sabay ngisi

“Hey! Answer my question, saan mo napulot ang balitang yan? Wlang pasensyang sabi niya

“I have my sources” simpleng sabi nito

“Mukhang alam ko na kung sino ang sources mo ” kinuha niya ang coat niya tsaka ipinatong sa swivel chair
“I just want to remind you about sa wedding ni Ed, may date ka na ba? Tutal, close na kayo ni Thalia, siya na lng date mo, para makilala na namin ang babaeng nagpapa-iba ng mood mo para incase na magbago ulit ang mood mo at bumalik sa dati pwede namin siyang tawagan” wika nito

“Heh! Ewan ko sa’yo, umalis ka na nga dito! Wala ka bang trabahong gagawin? Ba’t nandito ka sa opisina ko at nanggugulo?”

“Alam mo kasi may tinatawag na mga tauhan, ba’t di mo tignan sa dictionary, hindi himala na makakakita ka ng word doon na tauhan” pang-aalaska nito

“Ulol! Umalis ka na nga dito!” agad niya itong binatuhan ng ballpen

“Aray ko naman! Oo na! Aalis na, marami ka nang nasisira sa akin ha, una yung phone ko tapos ngayon mukha naman, sige got to go! I have a date with my girlfriend” sabi nito tsaka tumayo at naglakad patungo sa pintuan

“You mean other girlfriend!” pahabol niya dito

“Narinig kong sinabi mo!” sabi pa nito bago isara ang pinto

Talakayan

One thought on “My Pretty Boy – Chapter 9

  1. Haha

    Posted by eli | Nobyembre 10, 2013, 11:15 umaga

Ano ang iyong masasabi sa iyong nabasa?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

TOP Calendar

Nobyembre 2010
M T W T F S S
« Oct   Dec »
1234567
891011121314
15161718192021
22232425262728
2930  

Mga Istorya

Aming Nakaraan

%d bloggers like this: