binabasa mo ang...
My Lovely Chef

CHAPTER 10: My Lovely Chef

DAIG PA NI JUSTIN ANG TINAMAAN NG KIDLAT nang oras na halikan siya ng Amanda. He was so busy debating with himself if he’s gonna kiss her or not, if it’s right to kiss her or not, that he was so surprised with what happened next.

He has imagined this for so many times. He’s been dreaming of this eversince. But he never thought that it would be Amanda who’s going to initiate the kiss.

What started out as a soft and gentle kiss has turned into a long and passionate one. They kissed long time, without anything in mind but to just kiss.

“Amanda,” bulong ni Justin. Hinawakan niya ang magkabila nitong pisngi at nang tingnan niya ay nakapikit pa rin ito.

Yumuko si Amanda at biglang tumalikod. Mabilis nitong binuksan ang pinto at pumasok doon.

“Justin, you’re not even listening to me.”

Ngayon lang napansin ni Justin na nasa tabi niya si Samantha. Kadarating lang nito kanina galing Hongkong. Naroon sila sa sala, nanonood ng TV habang nagkukwento si Samantha ng kung ano ay hindi niya alam. “H-ha? I’m sorry, ano uli ‘yon?”

Yumakap sa kanya ng mahigpit ang kasintahan. “Nevermind. It’s not really important.” Kinuha nito ang kanyang kamay at inilagay sa balikat nito. “Did you miss me?”

“H-ha? Of course,” tugon ni Justin na sa telebisyon nakatingin.

“How much?”

“W-what do you mean how much?”

“How much did you miss me, honey? Kasi ako, I missed you so much.”

Ngumiti si Justin. “A lot. I missed you a lot.”

Ngumiti rin si Samantha at hinalikan siya sa labi. Justin just let her kiss him. And it felt strange. He doesn’t know why but it felt strange. He closed his eyes and tried to kiss her back but when he did, all he could see was Amanda’s beautiful face.

—–

“P’wede mo namang sabihin sa kanya na ‘Justin, niloloko ka ni Samantha’. Gano’n ka-simple. Hindi mo siya kailangang halikan.”

Alam ‘yon ni Amanda, siyempre, pero kahit sa sarili niya ay hindi niya maipaliwanag ang nangyari. “Mali na nga ako, okay? Inaamin ko naman.”

Kinuha ni Phoebe ang iniabot na tissue sa kanya ni Amanda. Naupo siya kasunod nito sa pandalawahang upuan doon sa restaurant sa tabi ng building na pinapasukan niya. Nagulat pa siya nang bigla siya nitong puntahan sa pinagtatrabahuhang call center para mag-lunch. Nang tanungin niya ito kung ano ang dahilan ng biglaang lunch na ‘yon, isa lang ang sagot nito- ‘I’m in a life-and-death situation’. “Bakit naman kasi ginawa mo ‘yon, nakainom ka ba?”

Mabuti nga sana kung nakainom siya noon, at least, may excuse siya kung bakit nangyari ‘yon. Pero kape lang ang ininom niya nang gabi’ng iyon at wala na. At sigurado siyang malinaw ang kanyang pag-iisip.

“Ano’ng feeling? Magaling ba’ng humalik?” biro nitong tanong.

Natawa si Amanda sa mga tanong ni Phoebe. Hindi na nga niya nagawang pagnilayan kung ano ang pakiramdam no’n dahil sa dami ng mas mabigat na problema’ng kasangkot sa nangyari. Bigla tuloy siyang napaisip. Ano nga ba ang feeling nang halikan siya ni Justin? A, mali, ano ba ang pakiramdam nang halikan niya si Justin?

Nakakahiya. Parang gusto ko na lang biglang bumuka ang lupa at lamunin ako nang buhay.

“Is he a good kisser?” muling tanong ni Phoebe nang hindi kumibo ang kaibigan.

Umiling siya. “Hindi ko alam. Ayoko nang pag-usapan.”

Natawa si Phoebe. “Ano nang mangyayari sa inyo?”

Nagkibit-balikat si Amanda. “Iniisip ko ngang mag-resign na lang.”

“Ha? Bakit naman?”

“Nakakailang kaya kapag naro’n siya. Araw-araw, gabi-gabi kaming magkikita, nag-uusap tungkol sa trabaho na parang wala lang.”

“Hindi pa rin kayo nagkakausap tungkol sa nangyari?”

Umiling si Amanda.

—–

Halos isang linggo na rin ang nakakaraan mula nang mangyari ‘yon. Sinubukan niya itong kausapin uli pero sa wala rin ang kinahinatnan. Nagkaroon siya ng pagkakataon na kausapin ito doon sa restaurant nang pauwi na ang lahat.

“P’wede na ba tayong mag-usap ngayon?” tanong niya nang makita niyang palabas na si Justin ng restaurant. Inabangan talaga niya ito doon.

Tiningnan siya nito ng saglit at muling naglakad patungo sa lugar kung saan naka-park ang kotse nito. Sumunod lang siya rito. Nang makarating sila doon ay tsaka lang ito humarap sa kanya. Hawak na nito ang susi ng kotse, handa nang umalis. Hinintay nito ang sasabihin niya.

“’Yung nangyari the other night, I-“

Ilang sandali pa ay hindi pa rin masabi ni Amanda ang gusto nitong sabihin. Tiningnan lang niya ang dalaga na alam niyang nahihirapan na rin sa nangyayari. Gusto niyang magtanong rito ng napakaraming tanong. Gusto niyang itanong kung bakit nito iyon ginawa, kung ano ang ibig sabihin ng halik na iyon sa dalaga. Gusto niyang itanong rito kung mahal na ba siya talaga nito. At gusto niyang malaman kung bakit hanggang ngayon ay patuloy pa rin ito sa pakikipagkita sa Arthur na ‘yon kung may nararamdaman na pala ito sa kanya. Marami siyang tanong pero hinayaan lang niya itong magsalita.

What if she tells him that whatever happened was just a spur of the moment thing? What if she tells him that it was just a mistake and they rather forget about it? Kaya rin ayaw niya iyong pag-usapan dahil hindi niya alam kung kaya niyang tanggapin ang mga sasabihin sa kanya ni Amanda.

And what if she tells him that she loves him?

Kaya ba niya itong paniwalaan?

“Justin, ‘yung nangyari, I’m sorry, it was-“

“A mistake?” dugtong ni Justin.

A mistake? Iyon ba ang tingin niya sa nangyari, a mistake? Hindi nakapagsalita si Amanda.

“Don’t worry, it’s okay. Let’s just forget about it.”

Walang kaemo-emosyon si Justin nang sabihin iyon at panalangin ni Amanda na sana ay hindi na lang niya ito kinausap. Ilang araw at ilang gabi siyang hindi pinatahimik sa kakaisip sa nangyari, at pagkatapos ay sasabihin nito sa kanya na ‘don’t worry, it’s okay, let’s just forget about it’?

Pero kung sa bagay, at least, nalaman na niya kung ano ang opinyon ni Justin sa sitwasyon. Then maybe they could start from there and be friends just like before. Mahirap pero dapat gawin.

Pinilit na ngumiti ni Amanda.

Pagkatapos ng pag-uusap naming ‘yon, hindi ko na maramdaman na naging magkaibigan kami. Nagpatuloy lang kami sa buhay sa restaurant bilang business partners at wala nang iba. Mas masahol pa ang sitwasyon namin ngayon kaysa sa dati nang dumating sina Samantha at Arthur sa buhay namin. At hindi ko kaya ang gano’n.

—–

“Mas gusto ko pang mag-resign na lang kaysa habang-buhay kaming gano’n.”

“Ang tanong, payagan ka naman kayang mag-resign?”

“Bakit naman hindi?”

Tiningnan siya ni Phoebe na para bang siya na ang pinaka-tangang tao sa buong mundo. “Iisa-isahin ko para sa’yo. Una, ikaw lang naman ang isa sa pinakamagaling na chef sa buong mundo para sa kanya. Pangalawa, baka magsara ang restaurant kapag nag-resign ka dahil for sure, mahihirapan siyang kumuha ng kapalit mo. At pangatlo, mababaliw ‘yon kapag nawala ka sa paningin niya.”

Natawa si Amanda. Sa tatlong nabanggit, ‘yung pangatlo ang pinakamalabong mangyari. Hindi nga niya sigurado kung gusto pa ba siya nitong nakikita sa araw-araw.

“Ano’ng idadahilan mo kapag nag-resign ka, na nahihirapan ka’ng palagi siyang nakikita? Na gusto mo siyang i-kiss pero hindi mo magawa?”

“Ha, ha, ha, nakakatawa.”

“Amanda, sinasabi ko sa’yo, mahihirapan ka d’yan sa gusto mong mangyari. And if ever nga na magmilagro ang langit at pumayag siya na umalis ka sa restaurant, ibig sabihin ba, matatapos na ‘yang problema n’yo? Hindi naman, diba?”

Hindi nga. Pero at least, hindi na ‘ko mato-torture nang ganito.

“Tsk, tsk, tsk, ayan, dahil sa kabaliwan mo, tingnan mo’ng nangyari? Pati ang ever-cherished friendship n’yo, naapektuhan.”

“Kasalanan ko nga, aminado naman ako na kasalanan ko.”

“Kasalanan mo naman talaga e,” ulit ni Phoebe na tapos na sa pagkain. Tumingin ito sa relo at napansing ilang minuto na lang ay kailangan na nitong bumalik sa trabaho. “Ano ngayon ang plano mo?”

“Kaya nga kita pinuntahan, hindi ko na talaga alam ang gagawin.”

Ngumiti si Phoebe. “Ano ba talaga kasi ang gusto mong mangyari?”

“Maibalik ‘yung dati naming friendship.”

“Mare, imposible na ‘yon. ‘Wag mo nang pangarapin ‘yon, okay? Mamili ka- A. magkaroon kayo ni Justin ng romantic relationship, o B. tuluyan na kayong magkalayo ng landas habang buhay.”

Naisip na rin ni Amanda ang posibilidad ng dalawang iyon at kahit ano doon ay hindi niya gusto ang kahihinatnan. “Wala na bang ibang choices?”

Umiling si Phoebe. “Kung mahal mo naman siya, anong pinoproblema mo? E di go for letter A.”

“Ang problema, ako ba, mahal n’ya?”

“Amanda naman, hindi ko alam minsan kung tanga ka ba o nagtatanga-tangahan ka. Matagal nang obsessed sa’yo ‘yon, ano ka ba?”

Bahaghang napangiti si Amanda. “Tingin mo?”

“Tanga ka nga,” natatawa nitong sagot.

Siguro nga, tanga siya dahil kung hindi, wala naman siya sa sitwasyon niya ngayon. “Ano’ng gagawin ko?”

“Sabihin mo na sa kanya ang totoo. Na mahal mo siya at gusto mo siyang maging boyfriend.”

Muling natawa si Amanda. “Para namang gano’n kadali ‘yon.”

“Nung halikan mo ‘yung tao, hindi ka nahirapan, ito pa na sasabihin mo lang ang totoo, mahihirapan ka?”

Kayanin ko kaya ‘yon? Siguro naman, kakayanin ko ‘yon. ang tanong ay kung paano. “Pa’no?”

Napakamot ng ulo si Phoebe. Kulang na lang ay siya na ang gumawa ng lahat para sa kaibigan. “Bahala ka na, diskartehan mo na lang. Haranahin mo, gumawa ka ng love letter, padalhan mo ng bulaklak, bahala ka na.”

“Pa’no kung ayaw talaga?”

“Hindi p’wedeng ayaw niya. Sa tingin ko, hinihintay lang talaga no’n na ikaw ang magsalita.”

Paano nga kaya niya sasabihin kay Justin na handa siyang subukan na magkaroon sila ng commitment?

Commitment. Sa umpisa, nakakatakot. Lalo na kung iisipin ang reputasyon nito bilang isang babaero. Sigurado’ng hindi ‘yon magiging madali at mas malaki ang posibilidad na masaktan lang ako. Pero naisip ko rin an mas mabuti na ‘yon, kaysa makita siya sa araw-araw, kasama si Samantha, na niloloko lang siya.

Bahala na. It’s do or die. Kasalanan ko, I let myself fall for him. At ngayon, hindi ko na alam kung paano makakawala.

 

About pagsintangpururot

dreamer, poet, writer, artist, traveler, believer

Talakayan

21 thoughts on “CHAPTER 10: My Lovely Chef

  1. ayt..nxt chap n..

    Posted by nesilita | Enero 20, 2014, 8:33 umaga
  2. third party lang ako! I mean taga-basa! but I’m the one being affected,, emotional!! Arrgh ba’t kc pareho kaung in denial! Worst, pareho kaung MASOKISTA! kay hirap namang ma-inlove,,
    i cant resist this story! luv it!!

    Posted by bainisah | Disyembre 30, 2010, 9:19 hapon
  3. @ shane: hindi pa po kasi napapublish online yung part 2. nasa hard disk ko pa😀
    i’ll ask the admin kung p’wedeng i-publish dito sa top kahit ung part 2 lang. thanks for reading!

    Posted by cecilia | Nobyembre 18, 2010, 9:20 umaga
  4. ang ganda grveh…..

    bkit di ko pla makita yunf part nung story ng THE GIRL FROM THE COFFEE SHOP?
    natapos ko na yung part 1….

    pls response ok ..

    Posted by shane | Nobyembre 17, 2010, 6:58 hapon
  5. @ graze: meron po pero di ko na naa-update e:

    http://ceciliacordero.150m.com/blog.html
    http://ceciliacordero.wordpress.com/
    http://ceciliacordero.150m.com/stories/coffee.html

    @ all: thanks thanks! mamaya po ang posting ng chapter 11. sana magustuhan n’yo! ^_^

    Posted by cecilia | Nobyembre 17, 2010, 12:01 hapon
  6. ay naku naman!bitin na bitin ako sa story!hahaha
    ang ganda na eh..gusto ko ng malaman kung anong gagawin ni amanda…

    Posted by shon | Nobyembre 17, 2010, 11:18 umaga
  7. wew .. next next next … haha

    Posted by kempertuch | Nobyembre 16, 2010, 1:46 hapon
  8. ai grabe kbitin
    sna post n nxt chapter
    hehe

    Posted by alexis_shawn27 | Nobyembre 16, 2010, 11:45 umaga
  9. ate cecilia may sarili ba kayong blog?

    Posted by graze | Nobyembre 16, 2010, 11:07 umaga
  10. ANG GALING GRABE! BEST STORY!:))

    Posted by yhan | Nobyembre 16, 2010, 10:44 umaga
  11. ang ganda naman. excietd na po ako sa next chapter

    Posted by cathy | Nobyembre 16, 2010, 10:24 umaga
  12. Hayzt! Kinikilig na sana ako, kaso bitin!!!!
    Sge, go na Amanda! To hell with proper decorum, let it all out with Justin… hehe

    Nice! Nice! Nice! Next chap na po!

    Posted by GM | Nobyembre 16, 2010, 8:00 umaga
  13. waaaaaaaaaaaa! ang gandaa. next chapter na po!

    Posted by arabeybsXP | Nobyembre 16, 2010, 12:59 umaga
  14. Go! Go! Go! Amanda!fight for your love :))

    Posted by April<3 | Nobyembre 15, 2010, 11:21 hapon
  15. i super love this story tlga.🙂 grabe. ang ganda.
    go for go Amanda. :))

    Posted by candy | Nobyembre 15, 2010, 10:28 hapon
  16. aww bitin wen po ang post nito??ulit??

    Posted by eizzy | Nobyembre 15, 2010, 9:37 hapon
  17. ayie!!
    Next chapter na po plleeaasee!!
    hehe.
    NIce story!

    Posted by roch17 | Nobyembre 15, 2010, 8:21 hapon
  18. next chapter please =) ang sarap icompile ng story na ito. Congrats!

    Posted by gela | Nobyembre 15, 2010, 7:50 hapon
  19. GO for it Amanda!!! Mahal ka rin ni Justin maniwala ka kay Phoebe at sa sarili mo!!! Kaya mo iyan!!!😉

    Posted by feiyuri | Nobyembre 15, 2010, 7:27 hapon
  20. Nice!!!🙂 sana si Justin naman gumawa ng move…

    Posted by reeka | Nobyembre 15, 2010, 7:27 hapon
  21. inaabangan ko ang story na ‘to.nakakabitin talaga sa sobrang ganda ng story.tapos, nakakaaliw yung character ni phoebe,nakakatuwa siya,ung mga advice nya ky amanda. ang galing nyo pong author.

    Posted by marie | Nobyembre 15, 2010, 7:16 hapon

Ano ang iyong masasabi sa iyong nabasa?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

TOP Calendar

Nobyembre 2010
M T W T F S S
« Oct   Dec »
1234567
891011121314
15161718192021
22232425262728
2930  

Mga Istorya

Aming Nakaraan

%d bloggers like this: