binabasa mo ang...
Haven’t I Met You Yet?

Chapter 4 – Haven’t I Met You Yet?

MAY panghihinayang siyang nadarama nang natapos agad ang pagkukwento ni Suzzane. Nag-enjoy siya sa pakikinig sa kwento nito.

“Ahm, Zyro?” untag nito.

“Hmmm?” napahinti siya sa pagtatanggal ng seatbelt niya.

“Bakit nagbarko tayo? May eroplano naman hindi ba?”

“It’s nice to travel by sea. Makakalanghap ka ng sariwang hangin. Bakit?” takang tanong niya.

“Ahm…” nagdalawang-isip pa ito. “Never mind. Lets go?” anito sabay tanggal ng seatbelt. Napansin niyang namutla ito.

“Sure.”

Dali-dali siyang bumaba ng sasakyan at mabilis na umikot sa passenger’s seat para pagbuksan si Suzzane. Inilalayan niya itong bumaba ng sasakyan. Habang hawak niya ang kamay nito ay naramdaman niya ang malamig at nanginginig na kamay nito.

“Honey, what’s wrong?” may pag-alalang tanong niya.

“N-nothing. Maybe I’m just tired” umiwas ito ng tingin.

“Excuse me sir Zyro. Handa na po iyong suite niyo.” biglang singit ng isa sa mga crew ng barko.

“Ah okay. Pakisabi kay Captain Romulo na mamaya na kami mag-uusap. Ihahatid ko muna itong asawa ko.”

“Opo sir. Maiwan ko muna kayo. Sige sir. Ma’am” paalam nito.

Tinanguan lang niya ito bago umalis.

“Lets go!”

“Teka, they know you?” tanong nito.

“Yes.”

“Why?” lumunok ito. “Wait! Are you the owner of this ship?”

Nagkibit-balikat siya. “Sort of.”

“Ows. Hindi nga?”

“Kung ayaw mong maniwala just don’t ask, okay?” aniya sabay ngiti nang makita niya abf reaksiyon nito.

“Sungit!”

MAY phobia siya sa dagat at first time pa niyang makasakay ng barko kaya ganoon nalang ang kabang naramdaman niya. Alam niyang nahalata ni Zyro ang panginginig niya nang hawakan siya nito kanina pero hindi pa rin niya sinabi rito.

Ngayon nga ay mangiyak-ngiyak na naman siya dahil gumewang-gewang na naman ang barko and worst nag-iisa lang siya. Iniwan siya ni Zyro para kausapin ang kapitan pero hanggang ngayon ay hindi pa bumabalik. Galit na galit siyang lumabas ng suite nila. Ang sabi, sandali lang daw pero mag-iisang oras na mula ng umalis ito ay hindi pa rin bumalik! Habang nagsasalita siyang mag-isa ay hindi niya napansin ang paparating na babae na may dalang mga unan.

“Hey, watch out!” inis nitong sabi habang nagkalat naman ang mga unan na dala nito.

“Naku! I’m so sorry miss!” paumanhin nama niya sabay dampot sa mga unan.

“Hindi kasi tumitingin sa—” natigilan ito. “Suzzane?”

Napaangat ang mukha niya. “Jen! What are you doing here? Sino kasama mo?” sabik niyang sabi sabay yakap dito.

“Nakalimutan mo na ba iyong usapan natin noon na magbabakasyon sa lugar nila Donna?”

“Oo.”

Tinulungan niyang magdala ng mga unan si Jen matapos pulutin ang mga ito. Lumakad sila patungo sa cabin nito.

“Tinuloy namin. Sorry ‘bes ha? Hindi ka kasi namin makontak nang ilang araw.” nahihiyang paliwanag ni Jen.

“Okay lang ‘bes.”

“Teka!, anong ginagawa mo dito sa barko at saan ka pupunta? Sino ang kasama mo?”

“Hep hep! Isa-isa lang, pwede?” sabi niya sabay tawa. “Sa kwarto ko nalang ikikwento.”

“Buti pa nga bes. This way.” nagpauna ito.

Habang naglalakad patungo sa cabin nila Jen ay nakita niya ang ibang kaibigan niya. As usual nagtitilian sila. Walang pakialam sa mga taong nakatingin sa kanila.

“Hoy! Alam niyo bang nakakabulahaw na kayo ng ibang pasahero?”

Natahimik sila at tiningnan ang nagsalita.

“Chriiiiiis!” sambit niya sa pangalan nito at biglang niyakap niya ito.

“Asus! Ilang araw lang tayo hindi nagkita. Namiss mo ako agad?” nakangiting sabi naman nito.

“Alam mo bang may tampo ako sayo? Hindi ka man lang dumating noong gabing may problema ako” may himig tampong sabi niya.

“Oo alam ko. Nabalitaan ko rin na naglasing ka! ‘Kuh! huwag mo na iyong uulitin ha.” anito. Akala pa naman niya ay concern ito sa kanya pero humirit pa. “Nakakahiya ka!” biro nito sabay tawa ng malakas.

Hinampas niya ito sa balikat. “Kakainis ka naman eh!”

“Tama na nga iyan guys! Doon nalang tayo sa cabin.”

“Okay!” sabay-sabay nilang sabi.

“WHAT?” napalakas ang boses ni Jen.

“Husssh! Hinaan mo ang boses mo.” saway niya. Sinabi niya ang lahat kay Jen.

“I’m sorry.” at hininaan nito ang boses nito. “Pinakasalan mo si Mr. De la Riva dahil sa pagrerebelde mo tapos pala ay ito ang nakatakda mong pakasalan?”

“Oo nga sabi. Inuulit mo lang sinasabi ko eh!”

“I’m just shocked.” anito at ngumiti. “Eh di, ang ibig sabihin lang iyan ay you’re meant for each other pala!”

“Heh! Meant-meant ka diyan. Impossible iyan noh! Napakaopposite naming dalawa. Hindi kami magkakasundo. At saka, mainit ang dugo niyon sa akin!” naiinis niyang sabi.

“Bakit naman?”

“Ayaw daw niya ng isang katulad ko. Isang con artist daw ako.” tumaas ang isang kilay niya.  “Ewan ko sa kanya pero feel ko na akala niya na pinlano ko ang lahat, that’s why galit siya sa akin.”

“Paano mo naman nasabi ‘yan?”

“Pinamukha naman lang niya na sinungaling ako at mapaglinlang. Anyway, I really don’t mind. Bahala siya!”

“Suzzane, itong cellphone mo kanina pa ring ng ring.” sigaw naman ni Tonia.

“Hayaan mo yan. Mapapagod din yan!” aniya.

“May naghahanap din sa iyo. One of the crews!”

Pagkarinig niya sa huling sinabi nito ay agad siyang nataranta. “Patay!”

“Bakit Zane?” usisa ni Sherie.

“A-ah eh. Wala! I have to go guys.” Dali-dali siyang lumabas ng kwarto ng mga ito. Nagtatakang nagkatinginan lang sila Tonia at Chris.

Pagkarating niya sa room nila ay ang galit na  mukha ni Zyro ang bumungad sa kanya. Pero sa halip na harapin ito ay dumiritso siya sa kama at pasalampak na humiga.

Narinig niyang huminga ito ng malalim. “Lets eat.”

“Busog ako. Kumain ka nalang dyan.” aniya na hindi man lang gumalaw.

“Alam mo bang kanina pa ko naghihintay sayo at kanina pa ako tumatawag?”

“Sorry! Hindi ko namalayan eh. Nakasilent kasi ang phone ko.”

“Nakasilent o busy ka lang sa paglalandi!”

Agad niyang iniangat ang ulo at pagkatapos ay tiningnan ito ng masama. “How dare you! How can you say that?”

Nagkibit-balikat lang ito.

“Ang sama mo talaga. I really hate you!”

“Oh, we have the same feelings, my wife!” anito at walang lingon na lumabas ng silid.

“Aaaaaaaah!” sigaw niya habang nakatakip ang unan sa mukha niya. Naiinis na talaga siya sa lalaking iyon. Ngunit bakit ang lakas ng kabog ng dibdib niya kapag nakaharap ito? It’s because you hate him so much! sagot naman ng isip niya.

Dahil sa inis kay Zyro ay hindi niya namalayang nakatulog na siya.

MADALING-araw nang bumalik siya sa suite nila. Galing siya sa bar at nagpalipas-oras doon. He needs it para mawala sa isip niya si Suzzane. No, gusto niyang burahin ang estrangherong damdamin na pilit kumawala sa puso niya.

Gaya kaninang nakita niya itong may umaakbay na lalaki. Parang gusto niyang sugurin ang lalaki at suntukin dahil sa selos. Selos? Oh crap, no! Galit siya sa babaeng ito. Alam niyang niloloko siya nito at nagpanggap na hindi pa nakaalala para makuha ang mana nito. Alam niyang kasalanan niya rin kung bakit nangyari ang aksidente isang taon na ang nakakaraan, pero hindi naman sapat iyon para lokohin lang siya ng babaeng ito.

Tinitigan niya ang natutulog na asawa. Yeah, right! Asawa nga. Gusto niyang kamuhian ito subalit bawat araw na kasama niya ito ay unti-unting nawawala ang pagkamuhi niya para dito. Parang napapalitan na iyon nang tuwa at aliw sa tuwing nag-aaway sila.

Nilapitan niya ito at hindi niya mapigilan ang sarili na haplusin ang makinis nitong mukha. “My wife” mahinang sabi niya. Bigla itong gumalaw kaya naman ay dali-dali siyang lumayo rito. Pumunta siya sa may sofa at nahiga.

NARAMDAMAN niyang may humaplos sa pisngi niya ngunit pagmulat niya ay wala naman tao. tiningnan niya ang kabilang bahagi ng kama sa pag-aakalang tumabi sa kanya si Zyro pero wala ito. May konting kirot siyang naramdaman. He really hates me. Sa isip niya.

Bumuntong-hinga muna siya bago sinubukang matulog ulit. Pero hindi na siya inaantok. Tiningnan niya ang relo, 5:30am. Kaya pala. Minabuti niyang maligo nalang kaysa pilitin niya ang sariling matulog uli.

Pagbangon na pagbangon niya ay nakita niya agad ang asawa na natutulog sa sofa. Asawa? Weeeeeeeeh! May kakaibang kilig siyang naramdaman. Bigla siyang napangiti sabay lapit dito. Titig na titig siya sa gwapong mukha nito. Naisip niya, swerte pa rin siya dahil gwapo pala ang mapapangasawa niya.

“Alam mo? Ang bait mong tingnan kapag natutulog. Pero mas gugustuhin ko pa rin ‘yong masungit mong ugali para hindi na kita magustuhan.” She pause and smile. “Makaligo na nga. Kung anu-ano na ang ipinagsasabi ko.”

EXCITED siyang pumanhik sa suite nila para magpaalam kay Zyro na bababa siya ng barko kasama ang mga kaibigan niya. Nasa Cebu na kasi sila ngayon at gusto nilang maglakwatsa sandali.

Pero wrong timing yata ang pagpasok niya sa sariling silid. Isang hindi kaaya-ayang eksina ang nadatnan niya.

“Oops!”

Hindi nag-iisa si Zyro na nakahiga sa kama habang nakikipaghalikan ito sa halos hubad na babae dahil sa ikli nitong suot na skirt at sleeveless blouse. Nakapatong ito kay Zyro. Nagulantang yata ang mga ito kaya naghiwalay agad at tumayo. Ngunit sa halip na mahiya, tila balewala lang sa mga ito ang pagdating niya.

“What the hell!? Naliligaw ka ba?” galit na sabi ng babae habang inayos ang gusot na damit.

“I-I’m sorry” paumanhin niya. Akma na sana siyang tatalikod pero humirit pa ito.

“Zyro, sino ba ‘yon? What a stupid girl. Ayan tuloy, nadisturbo pa tayo.”

Naningkit ang kanyang mga matang hinarap niya ito. “Sorry miss ha kung n-a-d-i-s-t-u-r-b-o ko kayo ng boyfriend mo!”

“Why are you still here!?” mataray na tanong nito.

“Huh! Itanong mo kaya iyan sa sarili mo!”

Napakunot-noo si Zyro habang patuloy siyang pinagmasdan at sinalubong niya ang mga mata nito. Don’t look at me like that pretty boy as if kasalanan ko! Hindi mo man lang ba ako ipagtatanggol, mokong ka?

“Aba’t! Ang kapal din ng mukha mo ah! Ikaw na nga itong tatanga-tangang pumasok ng silid ng iba!”

“Melody!” saway ni Zyro. “Stop it!”

At siya pa ngayon ang makapal ang mukha? Talaga nga naman, oo. “Hindi ka ba nasasaktan diyan sa mga pinagsasabi mo? Lahat ‘ata ay patama sayo!” Napailing siya. “Iba na talaga ang mundo ngayon, ano? Masyado nang makakapal ang mukha ng mga tao.”

“Suzzane, tama na ‘yan!” sabi ni Zyro sa kanya. Hindi niya tantya kung galit ba ito o hindi.

Bumaling naman kay Zyro ang babae. “Hon, do you know her?” kunot-noo nitong tanong.

Maldita ang bruha! Puwes tingnan natin ‘yang kamalditahan mo sa malalaman mo. “Oh well, kung hindi pa niya nasabi sayo ng honey mo ay ako na ang magpapakilala. I’m Suzzane DE LA RIVA, his only wife!” diniinan talaga niya ang huling sinabi niya. Hindi naman niya alam kung matatawa siya o tatahimik nalang sa naging reaksiyon nito.

“Zyro? So, totoo nga ang balita! I can’t believe na iba na ang panlasa mo sa mga babae since we broke up!” Tiningnan siya nito mula ulo hanggang paa na parang nang-iinsulto.

Hindi kumibo si Zyro na ikinabuwesit niya. Pagmukhain ba namang sinungaling siya? Hindi pwede! Matapos siya nitong laitin? Hindi siya makakapayag na may mang-iinsulto sa kanya!

“Surprised? So, sino dapat ang umalis?” ngumisi siya. “The door is open miss. You are free to go!”

“Walang modo!”

“Whoa! Kung kawalang modo rin lang naman ang pag-uusapan, bakit hindi mo tingnan ang sarili mo? Ikaw ang bastos dahil dito niyo pa naisipang—?” Natigilan siya. She can’t say the word.

“Naisipang ano, Suzzane?” si Zyro.

“N-naisipang gawin ang kabastusan niyo!”

“Sex.” diritsong sabi nito at siya naman ay napasinghap. Bumuntong-hininga muna ito bago nagpatuloy. “We didn’t have sex.”

Nilingon niya ang nagsasalitang si Zyro at tumawa siya ng malakas. “Talaga lang, ha? Eh kung hindi nga ako pumasok agad ay baka nasa sukdulan na kayo!”

“Suzzane!” Mas madiin na ngayon ang boses ni Zyro. Matiim siyang tinitigan nito. “Huwag mo naman bastusin nang ganyan si Melody.” Binalingan naman nito ang bruhang babae. “I’m sorry, Mel.”

“I don’t deserve this Zyro!” maarteng sabi nito sabay walk-out.

“Mel!” tawag ni Zyro. Tapos hinarap siya. “You don’t have to insult her.”

Hindi siya makapaniwala sa narinig. Ang babae pang ‘yon ang kinampihan ng walang modong lalaking ito? “Oh! I really am sorry for insulting your girlfriend!” sarkastiko niyang sabi sabay talikod dito.

Narinig niya ang pagsara ng pinto. Wala  na si Zyro nang lingunin niya. Gusto niyang untugin ang ulo dahil gusto na namang tumulo ng luha niya. Bakit? Nasasaktan siya? Hell, no! tanggi ng isip niya. Pero bakit ang sakit nang makita niya ang eksina kanina? Bakit nasaktan siya nang hindi siya ipinagtanggol ni Zyro?

“Wala akong naramdaman!” sigaw niya at dinampot niya ang I-phone niya. “Hello Chris, sasama ako. Just wait for me. Magbibihis muna ako. Sige bye!” at pinindot na niya ang end button.

“ANO bang nakapagbago nang isip mo Suzzane at himalang hindi mo na suot ‘yong kupas mong pantalon?” nangingiting usisa ni Donna sa kanya.

“Hay naku! Kanina niyo pa pinag-iinitan ‘tong damit ko ah! Feel ko tuloy, hindi bagay sa akin ito” tiningnan niya ang sarili.

Tumawa ang mga ito. “Hoy praning! Anong hindi bagay? Ganyang mga damit ang bagay sayo, hindi iyong kupas mong jeans at t-shirt.” sabi naman ni Jen.

“Oo nga. Itapon mo na yong pantalon mo o ‘di kaya ipamigay mo na para hindi ka na magmukhang siga!” sang-ayon naman ni Arnold.

“Laitin ba naman ako at ang mga damit ko?” kunwaring nagtatampo niyang sabi at tiningnan niya si Chris humingi ng saklolo.

Chris smiled. “You look stunning and sophisticated tonight Zane.”

“Korek korek korek!” singit naman ni Anton a.k.a Tonia, ang binabaeng kaibigan nila. “Mas makinis at maganda ka pa nga sa babaeng modelong ‘yon.” Ininguso nito ang tinutukoy na modelo.

Halos lahat ay tiningnan ang modelo maliban lang sa kanya. Nagpatuloy lang siya sa pagsubo ng pagkain. “True friend ka talaga Ton” naiiling pa niyang sabi.

“Saan?” tanong naman ni Kim. “Ay, oo nga. Mas maganda ka pa Zane.”

“Kuh! Tama na ang bola pwede?” aniya.

Naintriga siya sa tinutukoy ng mga kaibigan kaya naman tiningnan din niya ang sinasabing modelo. Ang bruha! Akalain mong modelo pala! sabi ng isip niya. Pero biglang nawala ang ngiti niya nang makilala ang lalaking kasunod nito.

“Oh my God! Look girls, ‘di ba si Zyro De la Riva yon?” hindi makapaniwalang sambit ni Tonia.

“Yeah, siya nga! My gosh, ang gwapo niya.” si Donna.

“Sus, mas gwapo pa kaya kami d’yan!” singit naman ni Arnold.

“Che!” saway ni Sherie.

Nagkatinginan lang sila ni Jen habang nagtilian ang mga ito. She can’t hide her feelings to Jen kaya naman pinisil nito ang kamay niya. Hindi niya maintindihan ang sarili. Mas lalong tumindi ang nararamdaman niyang sakit.

“Don’t cry. You look more gorgeous than her!” bulong nito sa kanya. Ipinaalam niya kasi kay Jen ang nangyaring eksina kanina.

“Thank you bes.”

“Anong ginagawa ni fafa Zyro dito sa Cebu? Bakit magkasama sila nang babaeng iyon?” narinig niyang tanong ni Sherie.

“Isa lang ang sagot d’yan. Magkasintahan ang mga iyon” sabat naman ni Chris.

“Chismoso ka rin, ano? Naku ha, hindi ako papayag. Fafa Zyro is mine.” maarteng sabi ni Tonia.

“Excuse me guys, powder room muna ako!” paalam niya sabay tayo.

“Naku naku naku ha. Noon CR lang ang tawag mo pero ngayon may papowder room powder room ka pa! Lumelevel-up ka na day!” singit ni Tonia.

Natatawa siyang hinampas ng bag ang baklang kaibigan. “Loka ka talaga!” sabi niya sabay talikod. Narinig pa niya ang tawanan ng barkada.

About blythe sapphire

a graduate of Bachelor in Science of Electronics and Communication Engineering but! a frustrated writer ;)

Talakayan

23 thoughts on “Chapter 4 – Haven’t I Met You Yet?

  1. Hay naku,,asungot talaga mga “X”

    Posted by morena | Setyembre 16, 2014, 2:57 hapon
  2. grrrr! awtz

    Posted by luvlyangel | Disyembre 7, 2013, 10:49 umaga
  3. Ang sakit nun ah. .

    Posted by eli | Nobyembre 2, 2013, 11:12 umaga
  4. vonggah ha! yaman n fafa zy! kso my umeepal ata hmmmm..

    Posted by aileen | Oktubre 3, 2013, 9:58 hapon
  5. ang kapal!

    Posted by ira | Agosto 20, 2013, 6:15 umaga
  6. hala! sa suot nya ako na-iintriga hindi sa bruhang ‘yon na kasama ni fafa ZY

    hehehe

    Posted by zyn | Mayo 19, 2013, 10:39 hapon
  7. ang gaNDA!!!!

    Posted by alma | Agosto 30, 2012, 3:19 hapon
  8. ang (skit nun hah.tma yan zane wag kang magpa api,h

    Posted by Khrishna | Agosto 23, 2012, 10:38 umaga
  9. ouchie aman!. .ayao pa kc aminin ung feelingz sa isat’isa ei. ,
    pagselosin mu din zane!!!
    go!!go!!go!! girL!!!
    wahahahah!!!

    nde lan guyz marunung gumanian!

    waaaaah!!nakakarelate aku!

    Posted by pazawaiy_1901 | Marso 15, 2012, 12:09 hapon
  10. nakakainis c melody lalo n c zyro, hmmp . waah ndadla n ako s kwento ganda tlga go zane.hehe

    Posted by belle garcia | Pebrero 1, 2012, 1:33 umaga
  11. “…bakit ang lakas ng kabog ng dibdib niya kapag nakaharap ito? It’s because you hate him so much!” ayan! nsa in denial stage c zane,, ay mali! clang dlawa pla ni zyro..hihi at ung melody n un d ko feel n napahiya as in!! dpat mas bitchy ang pgpapahiya s kanya,,arrghhh!! Nxt chapter nman,, yey!!^^

    Posted by bainisah | Disyembre 29, 2010, 2:28 hapon
  12. hahhaha😄 cute scenes🙂
    love her friends

    Posted by jeh089 | Disyembre 23, 2010, 1:03 hapon
  13. selos mode ang mga bida. uuuyyy.. ^_^

    Posted by angel_YL | Disyembre 5, 2010, 4:22 umaga
  14. Goooosshhh….super like q tlga 2!!!….sana mpadali ang posting ng next chpter… ang galing tlga ng writer.. super love q c papa Zyro… hahaha😄

    Posted by reycel09 | Nobyembre 17, 2010, 12:52 umaga
  15. such an excellent story… bravoo… ganda ng story nato love it nah…

    Posted by micole | Nobyembre 15, 2010, 2:53 hapon
  16. pede b khit every other day nlang ang posting?

    Posted by Rochelle | Nobyembre 15, 2010, 9:32 umaga
  17. waaahhhhh next sat pa an next??pede po mag request???heheheehe pede po nde na lang sat…kaka excite po kasi…kakainis naman si zyro..

    Posted by eizzy | Nobyembre 15, 2010, 12:19 umaga
  18. grabe. next saturday ko pa ulit mababasa to. hmm. sana sat. na. ang ganda ng story, suuper.🙂

    Posted by candy | Nobyembre 14, 2010, 7:15 hapon
  19. ang ganda ng pagka2gawa, i like it so much

    Posted by irese | Nobyembre 14, 2010, 3:36 hapon
  20. waaaaaaaaa ganda grabeee………

    Posted by ♥LYN♥ | Nobyembre 14, 2010, 3:33 hapon
  21. weeeeeeehhhhh !!! go Suzanne !!!!🙂

    Posted by xxBunZxx | Nobyembre 14, 2010, 3:16 hapon
  22. wawa naman si suzanne. next chapter na po sanaa.

    Posted by arabeybsXP | Nobyembre 14, 2010, 11:59 umaga

Ano ang iyong masasabi sa iyong nabasa?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

TOP Calendar

Nobyembre 2010
M T W T F S S
« Oct   Dec »
1234567
891011121314
15161718192021
22232425262728
2930  

Mga Istorya

Aming Nakaraan

%d bloggers like this: