binabasa mo ang...
My Lovely Chef

CHAPTER 9: My Lovely Chef

NAISIP KO NA HABANG TUMATAGAL LALO AKONG NAGUGULUHAN SA SITWASYON KO NGAYON. Lalo akong nahihirapan at sa tingin ko, hindi ko na kakayanin ang mga susunod na araw kung patuloy lang akong magkukunwari at magbubulag-bulagan sa isang bagay na alam kong hindi ko p’wedeng takasan.

Mas madalas ang pagbisita ni Samantha sa restaurant at kung hindi lang masama na maglagay ako ng karatula sa labas na “No bitches allowed”, matagal ko nang ginawa. Alam namin na ayaw namin sa isa’t-isa at hindi ko alam kung paano siya nakakapagkunwari na para bang isa ako sa mga paborito niyang nilalang sa buong mundo.

Pinipilit pa rin ni Arthur na pumunta sa restaurant, dahil abala siya ngayon sa exhibit, pati na rin sa dumadaming schedules ng banda nila. Ayos na rin siguro ‘yung ganoon na hindi na kami masyadong nagkikita di tulad noon. Dahil sa totoo lang, ayoko nang mas maging attached sa kanya.

Kahit anong pilit ang gawin ko, hindi ko talaga kayang ibigay kay Arthur ang matagal ko nang naibigay kay Justin.

Nakakatawa man, naamin ko na ‘yon sa sarili ko. Hindi ko alam kung kailan nagsimula pero nagising na lang ako isang araw na naiinis at naiirita sa tuwing naiisip ko si Justin. Akala ko nga, tatamaan ako ng kidlat sa oras na maramdaman ko ang gano’n para sa kanya, pero hindi naman.

Ang problema ko na lang ngayon ay kung kailan ko ‘yon masasabi kay Arthur at kung paano ko ‘yon aaminin kay Justin.

Naisip ko na ang maaring maging reaksyon ni Justin sa oras na ipagtapat ko ang aking pagsintang pururot. P’wede siyang magulat, magalit o matuwa. Alin at alin man, isang bagay lang ang sigurado. Hindi magiging madali para sa ‘kin na sabihin sa kanya ang katotohanan.

Sabi ko sa sarili ko no’n ayoko’ng matulad sa mga taong nai-inlove sa mga bestfriends nila dahil sa palagay ko, napaka-pathetic no’n.

At ngayon, hindi ko na maikakaila na isa na nga ako sa mga pathetic na tao sa buong mundo.

—–

Nagulat si Amanda ang makita si Justin sa pintuan ng kusina. Katatapos lang nilang mag-ayos ng gamit at palabas na rin siya para umuwi. Buong araw niyang hindi nakita sa restaurant ang kaibigan kaya nagulat siya nang makita ito roon.

“Hi.”

Pilit na ngiti ang itinugon ni Amanda. Madalang na silang magkita ngayon, kahit na magkasama pa sila sa restaurant. She tried to keep distance from him as much as possible pero mahirap ‘yon.

“Pauwi ka na ba?”

Tumango si Amanda.

“Susunduin ka ba ni Arthur?”

Umiling siya. Abala si Arthur buong linggo kaya buong linggo na rin siyang umuuwing mag-isa.

Napangiti si Justin. “How about coffee?”

Wala namang maisip na dahilan si Amanda para tumanggi sa imbitasyon na iyon. At isa pa, matagal na nilang hindi nagagawa ang simpleng paglabas para magkape simula nang magkaroon ng Arthur at Samantha sa buhay nila.

Sabay silang lumabas ng restaurant at nagpunta sa katabing coffee shop. Umorder sila ng paborito nilang inoorder at naupo sa paborito nilang lugar.

“How are you?” tanong ni Justin.

“Okay lang,” simple niyang sagot. Humigop siya ng mainit na cappuccino at tumingin sa labas. Magilan-ngilan na lamang ang mga sasakyang dumaraan, ganoon din ang mga taong naroon. Alas onse na ng gabi, at nagsimula nang umambon. “Ikaw?”

Nagkibit-balikat si Justin. “Kayo ni Arthur, kumusta?”

Si Amanda naman ang nagkibit-balikat. “K-kayo ni Samantha?”

“Fine.”

Dapat ay maging masaya ako sa sagot ni Justin. But actually, I was expecting the opposite answer. Their relationship is fine and I couldn’t understand why. I looked at him as he looks at those people outside. Mahal na kaya talaga niya si Samantha?

Matagal na silang hindi nagkakaroon ng pagkakataon ni Amanda na magkausap nang ganoon and he felt happy just sitting there and having a cup of coffee with her. A feeling that he’s been longing to feel again. Hindi niya maiwasang maalala ang lahat ng pinagsamahan nila mula nang magsimula ang kanilang pagkakaibigan, hanggang ngayon. At bigla, nakaramdam siya ng panghihinayang.

“Alam mo, na-miss ko ‘to. Having coffee late at night, talking like this. I miss everything that we used to do.”

Amanda feels exactly the same way. Kung alam lang ng kaibigan niya kung gaano siya nahihirapan sa sitwasyon nila ngayon.

“Honestly Mandy, I miss you.”

Laking pasalamat ni Amanda at hindi masyadong maliwanag ang ilaw sa lugar at hindi mahahalata ang pamumula ng pisngi niya. He called her Mandy, something he hasn’t done for the longest time. Si Justin lang ang bukod tanging nilalang sa mundo na tumatawag sa kanya sa ganoong pangalan. Hindi dapat niya bigyan ng kulay ang sinabing iyon ni Justin pero hindi niya iyon maiwasan.

“Na-miss ko ‘yung dating ikaw na palaging nandiyan na p’wedeng istorbohin anytime, ‘yung p’wedeng gisingin kahit madaling-araw.” Ilan lamang iyon sa mga nami-miss niya sa dalaga pero hindi na niya sinabi ang iba pa. “Ako ba, hindi mo nami-miss?” nakangiti nitong tanong.

“Hindi masyado,” tugon ni Amanda. Nang sumimangot si Justin ay natawa siya. “Konti lang.”

Hindi madali para sa kanya na aminin kung anuman ang totoo niyang nararamdaman. Hanggang ngayon ay nasa proseso pa rin siya ng pagtanggap sa katotohanang iyon.

As Justin looked at her, he realized that he miss her more than he wanted to admit. He stared at her seriously, trying to read what’s on her mind.

And as he looked at her still, there was a certain moment when Amanda almost felt the urge of telling him the truth, that she loves him, and that Samantha is cheating on him.

That was Friday night, I was in a dinner meeting. Nakita ko si Samantha na kasama ang isang matangkad na lalaki. At first, I thought it was Justin with her, but when they passed in front of our table, I was surprised when I realized that the guy was not Justin, but a different man.

Akala ko nung una, kaibigan lang ‘yon ni Samantha, o kaya, kasama sa trabaho. Pero sa nakita kong closeness at sweetness sa kanila, It’s too obvious that what they have is more than friendship.

Samantha is cheating on Justin. And now he’s telling me that his relationship with her is just fine? “S-si Samantha, hindi ka ba hahanapin ni Samantha?”

Lumaki ang ngiti ni Justin. “She’s in Hongkong. For a week.”

“Hongkong? Kailan pa?”

“Three days ago.”

Three days ago, she saw Samantha with someone else. Three days ago, she’s far from being in Hongkong. Maliwanag pa sa sikat ng araw na niloloko nito si Justin. Si Justin na sobrang playboy. Parang bumabalik na yata sa kanya ang lahat ng kalokohan niya pero sa tingin ko, wala pa ring karapatan si Samantha o kahit na sino na gawin ang gano’n kay Justin.

“How about Arthur? How is he?” tanong ni Justin sa kanya. Sa mga oras na ‘yon ay nasa pagloloko pa rin ni Samantha ang utak niya kaya akala niya ay tungkol rin do’n ang tanong nito.

“He’s a very nice and faithful man. I don’t think he’ll do something like that,” wala sa loob niyang sagot.

“Ha?”

“I don’t think he’ll cheat on me like that.”

Inubos ni Justin ang laman ng tasa ng cappuccino at tiningnan ng mataman si Amanda. Hindi niya alam kung saan nanggaling ang sinabi nito. “W-what do you mean he won’t cheat on you like that?”

Napainom din si Amanda ng mainit na kape at medyo napaso. “W-wala, wala. I mean, Arthur is f-fine,” sabi niya at tumingin sa labas. “He’s busy with the upcoming exhibit.”

He hasn’t seen him in the restaurant for a couple of weeks. He thought it was over between Amanda and Arthur and that she’s gone tired of the relationship. Pero hindi pa pala. “Mukhang seryoso na kayo, ha?”

Nagkibit-balikat lang siya.

“You love him?”

“H-ha? Hindi ko pa alam,” tugon niya, na totoo naman.

“Ano’ng hindi mo pa alam?”

Hindi pa niya alam dahil hindi naman niya p’wedeng sabihin na hindi naman mangyayari ‘yon. “Bakit ikaw, masasabi mo na ba na mahal mo na si Samantha?”

“Well, she’s really very nice. Actually, I never thought that I’ll have this kind of relationship with her. Hindi pa ‘ko nagkakaroon ng problema sa kanya, alam mo ba?”

Hindi pa siya nagkakaroon ng problema dahil wala naman talaga siyang alam. Hindi ko alam kung matatawa ba ‘ko sa kanya o maaawa. Wala siyang kaide-ideya na niloloko na siya ni Samantha. “So, mahal mo na nga?”

Saglit na napaisip si Justin. “Hindi ko rin alam.”

“Nakita mo na, hindi mo rin pala alam,” nakangiti niyang sabi.

“Ewan ko ba, pero kahit na okay kami ni Samantha, parang hindi pa rin. Parang may kulang na hindi ko maintindihan. You know what I mean?”

“I know what you mean,” sagot niya, sabay tango.

“Parang minsan, hinahanap ko pa rin ‘yung mga ginagawa natin noon. She could be very serious sometimes and it’s difficult to understand her mood swings. At hindi niya makuha ‘yung mga jokes ko.”

“Ang corny naman kasi ng mga jokes mo.”

“Bakit ikaw naman, napapatawa ko?”

“Naaawa lang ako sa’yo, kaya kahit corny, tumatawa na lang ako.”

Napangiti si Justin. “This is exactly what I’ve been missing.”

They are both missing everything about each other. At kahit na anong pilit nilang tago, hindi nila maikakaila ‘yon.

“Are you happy now? I mean, are you really happy with Arthur now?”

Happiness, I think is a matter of perspective. Depende ‘yon sa kung paano mo nakikita ang buhay. “Wala naman akong dahilan para maging malungkot,” sabi niya. Kahit pa maraming nangyayari sa kanyang hindi niya maintindihan ngayon, pinipilit pa rin niyang maging masaya.

Gano’n din ang tingin ni Justin. Pero mahirap para sa kanya ang magkunwaring masaya. Dapat kahit paano ay maging masaya na rin siya para sa kaibigan. Kung bakit iba ang nararamdaman niya, hindi niya alam.

—–

TININGNAN NI AMANDA SI JUSTIN. Simula nang dumating siya sa restaurant kanina, wala pa s’yang naririnig sa kanya kahit isang salita. Pinapakiramdaman niya ito, at alam niyang umiiwas ito sa kanya. Hindi pa pumapasok sa kitchen si Justin para man lang mangumusta. Nang magkasalubong sila kanina sa bar, hindi man lang siya nito tiningnan. Kinailangan pa niya itong sadyain sa work space nito para makausap.

“Justin.” Naabutan ni Amanda na abala si Justin sa pagbabasa doon. Nakaupo ito, nakaharap sa bukas na laptop. Magulo ang ibabaw ng mesa nito na hindi na bago sa kanya. “I t-think we need to talk.”

Inilapag ni Justin ang binabasang libro sa mesa at sinimulan nang harapin ang trabaho. “M-medyo busy kasi ako, marami pa ‘kong dapat tapusin.”

Hindi ko alam kung totoo ‘yon o nagdadahilan lang siya para hindi ako kausapin. Hindi man lang niya ‘ko makuhang tingnan. “How about after work?”

“I’m not sure. May appointment yata ako mamaya,” sabi ni Justin na doon pa rin sa monitor ng laptop nakatingin. Seryoso ang mukha nito. “Tungkol sa’n ba?”

Alam ni Amanda na alam ni Justin kung tungkol saan ang gusto niyang pag-usapan. “A-about last night,” mahina niyang tugon. Ayaw na rin sana niyang pag-usapan ang tungkol do’n pero ayaw rin niyang mas lumala pa ang sitwasyon na iyon.

Sa pagkakataon na iyon, tiningnan ng binata si Amanda. Nakatayo ito sa harap niya, nakayuko. “Do you really want to talk about it?”

Marahang tumango si Amanda.

“Okay, after work. Over coffee.”

Umalis si Amanda nang hindi man lang binigyan ng tingin ni Justin. Nang umalis si Amanda ay hindi niya alam kung ano ang aasahan niya mamaya. Kung matutuwa ba siya na mag-uusap sila ni Justin tungkol do’n o hindi.

Pinilit ni Amanda na huwag masyadong isipin ang magaganap na diskusyon sa pagitan nila ni Justin. Pinilit niyang maging abala sa kusina, at makipag-usap sa mga taong dapat kausapin tungkol sa catering. Alas diyes na nang makabalik siya mula sa dinner kasama si Arthur at medyo madalang na rin ang tao sa restaurant nang mga oras na ‘yon.

—–

“Are you okay?” tanong ni Arthur kay Amanda. Tahimik lang siya sa buong biyahe nang magkita sila para magdinner sa labas.

“Medyo pagod lang ako.”

“Bakit hindi ka na lang umuwi, ihahatid na kita sa unit mo.”

“May kailangan pa ‘kong gawin,” sabi ni Amanda nang papasok sila sa restaurant.

“Hintayin na kita?”

“Hindi na, okay lang. Baka ma-late ka pa sa banda.”

“Sige, I’ll see you tomorrow.”

Tumango si Amanda at nanatiling nakatayo si Arthur sa harap niya, doon sa harap ng pinto ng kusina. Hinawakan nito ang kanyang kamay at hinalikan siya nito sa pisngi bago tuluyang magpaalam. Tinanaw niya ito hanggang sa makapasok sa kotse at tuluyang makaalis. Papasok na sana siya sa kitchen nang lumabas mula ro’n si Tony.

“O, narito ka pa pala,” masayang bati ni Tony sa kanya. Hawak nito ang toque at puting uniform. Mataba ito at maliit na lalaki. “Kanina ka pa hinahanap ni Sir Justin. Sabi ko sinundo ka ni Sir Arthur, ayun, bigla na lang umalis.”

Lumingun-lingon si Amanda para hanapin si Justin pero hindi niya ito makita. “N-nasaan po siya?”

“Baka umuwi na. Wala namang nasabi. May usapan ba kayo?”

Tumango si Amanda. “Wala po bang binilin sa inyo?”

“Wala. Nagmamadaling umalis.”

Nanlalambot na umuwi si Amanda at sinubukan pa rin na tawagan si Justin sa cellphone. Pero katulad ng inaasahan, hindi nito sinasagot ang mga tawag niya. Hindi na niya alam kung ano ang mararamdaman. Dahil sa kalokohan niyang iyon, kaya sila nagkakaganoon ni Justin ngayon.

—–

Ano nga ba ang nangyari kagabi nang ihatid siya nito sa bahay niya?

Hindi ko rin alam kung ano ang nangyari. Sinapian yata ako ng masamang ispiritu. Gusto ko na lang sanang kalimutan na lang pero imposible. Dahil paulit-ulit ko ‘yong naalala. Minsan nga, slow motion pa.

Wala na ring nagawa si Amanda nang mag-alok si Justin na ihatid siya hanggang sa condominium nang gabing iyon. Bumaba si Amanda ng kotse at sinabayan siya ni Justin papasok sa lobby. Sinamahan siya nito hanggang sa elevator, hanggang sa tapat ng pinto ng kanyang unit.

Mula nang pauwi sila ay iniisip na ni Amanda kung tama ba na sabihin na niya sa kaibigan ang totoo tungkol kay Samantha. Ilang beses na niyang inisip kung paano nga ba niya iyon sasabihin.

Kinuha na ni Amanda ang susi sa kanyang bulsa, iniisip pa rin kung paano sisimulan ang sasabihin. Tumalikod na si Amanda para buksan ang pinto, pero natigilan siya. Nanatili siyang nakayuko, nakatingin sa doorknob.

“Amanda, may problema ba?”

Kailangan na niyang sabihin ngayon, dahil alam niyang hindi na siya magkakalakas ng loob sa susunod na pagkakataon. Tinanggal niya sa doorknob ang susi at muling humarap sa kaibigan na hindi niya namalayang napakalapit sa kanya.

“A, J-justin…” halos pabulong na sabi ni Amanda. Isang dangkal lang ang pagitan nila sa isa’t-isa.

I just looked at him. I just looked at his beautiful eyes. Nawala ang lahat ng dapat kong sabihin, parang bigla kong nakalimutan kung bakit ako naro’n, sa harap ni Justin, nakatingin sa kanya.

Noon ko lang natitigan nang gano’n kalapit si Justin. Nang gano’n katagal. Hindi ko alam kung ano ang nangyari’t nawalan ako ng kakayahang magsalita. Hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ko, at kung nararamdaman din kaya niya ang nararamdaman ko nang mga oras na ‘yon.

Kung matino akong nilalang at gusto ko pang magpatuloy ang pagkakaibigan namin, dapat na ‘kong magsalita.

But he’s looking at me in a way I couldn’t explain. I suddenly thought, is he going to kiss me? But no, of course not. He’d be crazy if he’d do that.

And so, I did.

I leaned forward and kissed him. On the lips.

Wala na ‘kong pakialam kung may makakita man sa ‘min. Wala na ‘kong pakialam sa sasabihin sa ‘kin ni Justin pagkatapos. Wala na ‘kong pakialam sa lahat.

Amanda intended the kiss to be quick. But as her lips touched his, her brain literally stopped functioning. She kissed him tenderly and God only knows what happened next.

 

About pagsintangpururot

dreamer, poet, writer, artist, traveler, believer

Talakayan

20 thoughts on “CHAPTER 9: My Lovely Chef

  1. omg! my nangyari buh?

    Posted by nesilita | Enero 20, 2014, 8:18 umaga
  2. e2 na cguroh to . . . .

    Posted by prettii_ren | Abril 15, 2012, 9:03 hapon
  3. paano maglagay ng story dito??

    Posted by claromzy | Nobyembre 17, 2010, 7:50 hapon
  4. I’m starting to get tired of the “selosan” between the 2 characters..

    Posted by reeka | Nobyembre 15, 2010, 6:51 hapon
  5. @ash – secreeeeeeeet!😛

    to all – bukas po ang chapter 10! sana abangan n’yo po. thanks for reading🙂

    Posted by cecilia | Nobyembre 14, 2010, 4:57 hapon
  6. whoaa.. :))

    Posted by krisae | Nobyembre 14, 2010, 2:43 umaga
  7. wheeeeeeeeeeee :)))

    Posted by sweetypink15 | Nobyembre 14, 2010, 1:03 umaga
  8. weeeeeeeeeeeeeee……………………this is it hehe!!!!

    Posted by Charmae | Nobyembre 13, 2010, 10:06 hapon
  9. pinapahirapan p kz sarrili nila sa isat isa.. hay nakuh!!nxt chapie na po

    Posted by tamiaka143 | Nobyembre 13, 2010, 4:17 hapon
  10. next chapter na please! =) can’t wait!

    Posted by gela | Nobyembre 13, 2010, 3:37 hapon
  11. hehe, nice.nice. what else happened to them? kasama ba eto dun sa mga real in life events?

    sorry, hindi ako agad nakareply. mejo busy lang sa school e. sayang naman, i hope magkalakas loob na siang magtapat kay justin.
    *waiting for the next chapter*

    Posted by ash | Nobyembre 13, 2010, 3:04 hapon
  12. ayan….nag halikan na ….after that maybe sasabihin na nila sa isa’t isa ang totoo…
    nxt cahapter na poh…..kilig talaga to the bone………….

    Posted by bam2x | Nobyembre 13, 2010, 1:23 hapon
  13. weeeee. nakakakilig talaga. next chap na po!

    Posted by arabeybsXP | Nobyembre 13, 2010, 5:02 umaga
  14. waahh.. nag kiZ nrin cla sa wakas..😄 anu kya yung sumunod na nangyari??.. hmmm.. ka2excite nmn..🙂

    Posted by reycel09 | Nobyembre 13, 2010, 1:58 umaga
  15. woo hoooooooooo what happen next??? paki kuwento naman oh para completo and kilig moment hehehehehe….

    love it talaga,, i always waiting MWF😀, starting morning to evening :D:D:D adik tsk tsk

    gudluck, more power and godbless you..

    Posted by hyper | Nobyembre 13, 2010, 12:46 umaga
  16. Ahhhhhh kilig!!! nxt chapter na…..

    Posted by April<3 | Nobyembre 12, 2010, 11:27 hapon
  17. ayyyyyyyiiiiiiiiiiiiiiiiii!!!! Kikinikilig na ako……

    Ito na ang part na pinakakahintay ko… hehe
    Next chap na!!

    Posted by GM | Nobyembre 12, 2010, 9:48 hapon
  18. sheeeeeeet !!!!!!!!!!! nabitin ako dun ah !! >.<

    Posted by xxBunZxx | Nobyembre 12, 2010, 9:23 hapon
  19. nice one! ayan, start na! :))
    naamin na ni amanda sa sarili niya dapat ganoon din si justin!!! nagpapakipot pa kasi e.😄
    i can’t wait for monday to come! super excited magbasa ng next chapter!

    Posted by feiyuri | Nobyembre 12, 2010, 7:31 hapon
  20. waaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaahhhhhhhhhhhhhh…nakakakilig!!!!!!!!!!!!!!!!!!intense,grabe!!!!

    Posted by marie | Nobyembre 12, 2010, 7:18 hapon

Ano ang iyong masasabi sa iyong nabasa?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

TOP Calendar

Nobyembre 2010
M T W T F S S
« Oct   Dec »
1234567
891011121314
15161718192021
22232425262728
2930  

Mga Istorya

Aming Nakaraan

%d bloggers like this: