binabasa mo ang...
Behind His Hazel Eyes (Legacy)

Behind His Hazel Eyes Chapter 2

 

“Tapos ka na bang kilatisin ako Miss Cruz?” the man smiled amusingly. Mukhang basang-basa nito ang paghangang naramdaman nya rito.

“Bakit mo ako kilala? Bakit ako nandito?” napalingon-lingon sya at saka bumangon. Saka lang nya naisip ulit na she is at a strangers’ house. Napahiyaw sya nang maitukod nya ang kanang kamay. Meron syang bandage doon at hindi nya malabanan ang sobrang sakit na sumalakay sa kanyang braso.

And then the memory of what happened before she passed out came rushing down on her mind. Nabaril sya! Mabilis na nilingon nya ang lalaki, ito ba ang bumaril sa kanya?

 

The girl suddenly gave him an angry look. She must have thought he was the one who shot her.

“Bakit mo ako binaril ha?” akusa nito sa kanya. Nakikita nyang pinipilit nitong ignorahin ang sakit na unti-unting bumabalot dito dahil sa nawawala na ang anesthesia na dinulot ni Dr. Mercado dito kagabi pagkatapos na tanggalin ang bala sa braso nito.

“Whoa! Stop right there, missy. First of all, I am not the one that shot you. You can deal with the real culprit right after you get yourself fed and took your medicine. That is if you want to get rid of that pain.”

Pinagmasdan nya ang reaksyon nito, natulala ito sandali at mukhang merong iniisip. Muli ay tinitigan sya nito.

“Niligtas mo ako? Kung ganun, maraming salamat.” sambit nito at isang ngiti ang namutawi sa maliit nitong mga labi.

He rarely saw who could smile with their eyes, and it felt good to see one right now. Kinuha ni Zack ang isang tray ng pagkain at inilagay sa lap nito.

“Hindi ka na sana nag-abala pa, kaya ko namang  tumayo.” sabi nito.

Umupo siya sa silya sa tabi ng kama.

 

Naiilang siya sa tingin ng lalaki. Para bang marami itong gustong itanong sa kanya. She tried to ignore him at tinitigan ang hinanda nitong breakfast. Wow, tapsilog. She was really hungry at alam nyang mauubos nya itong lahat kaso lang may problema, she was right handed.

“You’re Mia, right?” naitanong nito.

Tumango siya at nilingon ito.

“I’m sorry, I took the liberty of searching for an ID,” paliwanag nito. Napakatatas nitong mag-ingles, at base sa hitsura nito alam nyang kalahating kano ito.

“Okay lang ‘yon. Pasensya ka na kung naabala kita, wag kang mag-alala at aalis narin ako pagkatapos. Baka kasi nag-aalala na ‘yung kaibigan ko at hindi man lang ako tumawag sa kanya. Wala kasing signal ang sim ko rito. Alam mo kasi sya ang nag-imbita sa akin na dito ako  mag-Semana Santa.”

Kumunot-noo ito. “Hindi mo man lang ba pagbabayarin ang gumawa sa’yo nyan?”

Para saan pa? The damage has already been done at imposible namang mahanap pa niya ang bumaril sa kanya. Hindi rin naman nya nakilala ang bumaril sa kanya dahil nawalan siya ng malay-tao.

“Hindi na, tingin mo magpapakita pa ‘yon? Isa pa, hindi naman ako taga-rito, suwerte ko na nga at buhay pa ako ‘di ba?” she just gave him a thankful smile. “Salamat uli sa pagliligtas mo sa akin ha?” at saka nya naisip na baka malaki ang nagastos nito sa kanya. At nag-alala sya ro’n.

“Nagpapasamalat ka pero  malungkot ka naman,” pansin nito.

“Magkano ba ang nagastos mo? Don’t worry babayaran ko talaga promise! Pwede bang utangin ko muna? Kasi wala naman akong dalang pera eh…Sabi-“

Napahinto sya nang tumawa ito ng sobra.

“Ah..b-bakit?”naitanong nya.

“You’re funny,”simpleng sabi nito. Ngumuso siya, Madalas ay ganun ang nangyayari. Natural daw siyang nakakatawa. Minsan ay seryoso na ang sinasabi niya pero natatawa pa rin ang nakakarinig.

Napatingin sya sa labas ng bintana. Tirik na tirik na ang araw at alam nyang nag-aalala na si Lucy sa kanya.

“Pagkatapos nitong breakfast ko pwede na ba akong umalis? Mag-iiwan ako ng number ko para ma-contact mo ako sa mga babayaran ko. Nag-aalala na sig-“

Tumigas bigla ang ekspresyon nito. “You are not going anywhere until you have completely recovered.”

Nagulat sya. “Hindi pwede, I have to-“

Pinutol ulit nito ang pagsasalita nya. “I won’t allow you to leave until what is under those bandages heals. I hate repeating myself so you better not argue with me.”

Napamulagat siya, he really sounded so bossy and arrogant.

“Seryoso ka ba? Kelan pa ‘yun? You can’t force me to stay here…If you are worrying about the money-“

Napatayo ito sa harap nya. “Damn it! Who cares about the money? You are my responsibility now. ‘Wag ka nang maging hard-headed!Bakit hindi ka pa kumakain?” tanong nitong nakatingin sa tray ng pagkain na hindi pa nya ginagalaw bagamat gutom na gutom na sya.

Napayuko siya at sinubukang sumubo gamit ang kaliwang kamay kahit pa man hindi siya kaliwete. Kahit pa naigagalaw naman nya ang kanang kamay ay parang wala namang lakas na humawak ng kutsara iyon kaya nahulog ang kutsara sa plato nya nang tangkain nyang sumubo. Hindi naman nya mapigilan ang manginig ang kanyang kamay, she was suddenly afraid of this man. Hindi naman ito mukhang masamang tao pero she was now afraid of him, of his stare…even presence. Hindi sya dapat na magtiwala sa hitsura lang nito, ni hindi pa nga nya ito lubusang kilala. At bakit ayaw sya nitong paalisin kung hindi naman pala problema rito ang pera?

Hindi sya naniniwalang hindi importante rito ang pera, sino ba naman ang hindi nangangailangan ng pera ngayon? Maliban nalang kung bilyonaryo ito? Pero kahit nga mga bilyonaryo nagtatrabaho parin para madagdagan ang pera nila eh…

Nagulat sya nang umupo ito sa gilid ng kama sa harap nya. Biglang kinuha nito ang kutsara mula sa kamay nya.

“A-anong gagawin mo?” napaurong sya.

“Ano sa tingin mo?” tinitigan ulit sya. Napakalapit naman nito ngayon, napakakinis ng mukha nito. Kutis mayaman, siguro nga sobrang yaman nito. Pero ano’t ayaw nitong umalis sya? She decided to sneak out later. “Open your mouth.” Naka handa na itong subuan sya.

Namilog ang mga mata nya at mabilis na umiling. “A-ako nalang. Salamat.” Saka kinuha mula sa kamay nito ang kutsara. “Pero aalis parin ako, iiwan ko nalang sayo ang cellphone ko at yung notebook ko…kung di pa yun sapat ipa-credit collector agency mo nalang ako..I’ll give you my address at kung saan ako nagtatrabaho.” Pilit nya ritoHindi siya makatingin dito dala ng kaba.

Tumayo ito bigla na madilim ang mukha.

“I hate stubborn kids. Let’s see if you can get out of here.For now finish your food and take your medicine. The bathroom is right over there.Be careful not tothe  dressing wet,” anito at lumabas na.

Ano bang klaseng tao yun at hindi nya maintindihan? And then she heard her tummy complaining.

 

Pagkatapos nyang maligo ay sumilip sya sa bintana ng magarang kuwartong kinaroroonan nya. Muli ay  napahugot siya nghininga nang makita niya ang panoramic view ng farm sa may bandang kaliwa at ang  kakahuyan at bulubundukin sa kanan.

Where in the world was she?

Nasaan ka na ba Mia? Kailangan mo nang umalis dito…Ano ba kasi itong napasukan mo? This is too much for your commemoration of Semana Santa…ang matamaan ng ligaw na bala.

Or was the bullet really meant for her? Sino naman ang papatay sa kanya? At sa ano namang dahilan?

Pero mamaya na ito, she has to find Lucy’s house, siguro naman ay nandito pa sya sa Sta. Monica. She couldn’t have been brought to hell overnight.Mabilis na kinuha nya ang mga bag nya at sumilip sa pinto.Walang  tao sa labas pero napatigil siya dahill sa kagandahan ng ibang bahagi ng bahay na natambad sa kanya.  Napakalaki ng chandelier na nakasabit sa kisameNg tila hall ng malaking bahay. Good Lord, this isn’t just a house; this was a mansion or perhaps a castle!

But she can’t be lured by what she is seeing here, because maybe she is in danger! What if ‘yung lalake kanina ay isang psychopath? And his passion is killing? Ano na lang ang mangyayari sa kanya?

I can do this!

She tiptoed while walking briskly. Merong back door! At in fairness ay bukas pa sya ha. Tinungo nya ang pinaghihinalaang backdoor and she was right, it led her outside. Naalarma siya nang may makitang mga tao na papasok sa sinisilipan nya. Nagtago sya sa likuran ng pinto at hugot ang hininga habang dumadaan ang isang babae at isang lalake.

“Sino’ng nakabaril? Si Sir Rafael?” gulat na sabi nang lalake sa babaeng kasabay nitong pumasok.

“Oo, nagulat nga kami at dumating syang may kargang babae na duguan. Kawawa naman,” sabi naman ng babae na pabulong. Siya naman ay sobrang nagulat sa narinig. That man’s name was Rafael and he was the culprit! He lied to her! Walanghiyang lalake, dreamboy contestant na sana naging shooter pa..

“Nasan na kamo yung babae? Silipin natin,” anang lalake na ikinasinghap nya. Natakpan nya ng sariling kamay ang bibig nya at napapikit. Nang masigurong hindi naman sya narinig at dumiretso ang mga ito papasok ay mabilis na tumakbo siya palabas at patungo sa isang stone path na bagama’t wala syang ideya kung saan patungo ay binagtas pa rin nya. Ang mahalaga ngayon ay makalayo sya bago malaman ng mga tao sa bahayna wala na sya.

Nagpupuyos sya sa galit sa sinungaling na Rafael na yun! She was right, he is a psychopath! At kailangan nyang makalayo rito. Sayang lang ito.

Maganda ang tabas ng mga damuhan sa dinadaanan nya pati ang mga santan at ang ilang bushes ay very finely trimmed. May ilang mga topiaries na may iba’t-ibang shapes na elepante, kambing at iba pa. Maayos ang pagkasalansan ng mga puno sa gilid ng pathway at may ilang mga halaman na namumulaklak pa ng iba’t-ibang kulay. Masarap pa sanang pagmasdan ang tanawin kaso lang kailangan niyang magmadali.. Naglakad siya hanggang may nakita syang malaking gate kaso sarado ito.

Ang swerte naman wala pang tao sa paligid, kaya ay patakbo nyang pinuntahan ang gate upang mapatda lamang nang bigla na lang itong bumukas at iniluwa nun ang isang kotseng kulay pula. Siguro ay may sensor device ang gate na bumubukas nalang automatically. Binundol ng kaba ang kanyang dibdib, God please sana hindi ito si Rafael.

Bumukas ang pinto ng sasakyan at umibis mula roon ang isang matangkad na lalake. Perhaps he was as tall as Rafael pero mas maliit ang katawan nito ng konti kay Rafael. But this one is very handsome too. Compared to Rafael who looked very manly but neat, this one is also neat pero mas softer ang dating nito.

Napalunok siya at yumukod dito. “Hello, dadaan lang ako sa gate ha. S-sige”. At mabilis na naglakad upang lampasan ito nang biglang tawagin sya nito.

“Sandali!” tawag nito at nilingon nya ito.

 

Mabilis ang pintig ng puso ni Rafael pagkakita sa babaeng nakatayo sa harapan nya. She was all packed and ready to leave their hacienda. Kanina habang tinititigan sya ng babae ay abot-abot ang kanyang panalangin na sana ay hindi sya nito matandaan.

Pero sinukol nya ang sarili, Zack said he needs to tell her the truth and accept the consequences. He needs to really do things like a real grown-up na hindi tumatakbo sa responsibilidad. Nagising na pala ito at hindi pa sya ang unang nakita nito.

“Bakit?” tanong nito sa kanya.

Napakamot si Rafael sa kanyang ulo. “Saan ka pupunta?”

Napakunot-noo ang babae. “Kilala mo ba ako?” tanong nito.

“What’s your name again?” naitanong nalang nya, kung bakit kasi hindi nya naitanong kay Zack ang pangalan ng babae nang maghanap ito ng identification kagabi.

“It’s Mia, but I need to leave, bye,” at tumalikod na ito.

He wanted to call her pero something is stopping him. Coward! Sigaw ng konsensya nya. Will he just let her go? Shit! Rafael Salcedo, will you make up your mind? Sita nya sa sarili.

“Sandali lang! Mia I can’t let you go!” tawag nya sa papalayong dalaga.

 

Oh no! He must have also been instructed not to let me leave at pipigilan nya ako. Takbo na Mia, takbo na! Run for your life!

At mabilis na tumakbo siyang walang lingon-lingon kahit pa paulit-ulit syang tinatawag ng lalaking yun. Sa dami naman ng tao sya pa ang napagtripan ng mga lalaking yun. Siguro ay mga dayo ang tinitira nila para mas madali.

She was slowly getting tired of running at malayo-layo narin ang kanyang natakbo at medyo pagod na sya. Puro pa rin kakahuyan ang nakikita nya.

“Nakakainis!” Sigaw nya. Nasa ilalim siya ng tirik na tirik na araw at pagod na sya kaya sumilong muna siya sa ilalim ng isang puno ng mangga at umupo sa nakausli nitong malaking ugat. Hinihingal na nilibot nya ng tingin ang paligid, ang daan na dinaanan nya ay napakalayo na at ang daan na dadaanan pa nya ay sobrang layo parin! Wala man lang katao-tao dito o sasakyan!

“Ahhh!” sigaw ulit nya. “This is so unfair! Ano ba tong lugar na to hah, isang Labyrinth? Bakit parang walang katapusan naman ata ang kalsada! Paano pa ako makakaalis dito?” Naloloka na ata sya dahil sumisigaw at kinakausap na nya ang hangin.

“Basically, you are in a private land,”anang isang boses.

Tumili at napatalon si Mia mula sa pagkakaupo sa ugat ng mangga.

“Ay Kabayong buntis!” Nasabi nya at nilingon ang may-ari ng boses. And once again she was fascinated with what she was seeing. Rafael looking like a Knight in Shining Armor riding a white horse. The man was wearing a light green vertical striped polo shirt na hanggang braso lang ang manggas at maong pants saka boots plus his cowboy hat. Tatlong butones lang ang nakakabit at ang iba pa paitaas ay naka-unbutton revealing Rafael’s muscular chest na namamasa na ng pawis nitong tumutulo mula pa sa ulo nito. She used to dislike sweaty men dahil for her it looked real dirty pero with this man; he looked manlier and very sexy.

“And that road is a private road kaya kung naghahanap ka ng namamasada you still have to walk 10 kilometers to reach the main road of Sta. Monica from here,” patuloy nitong paliwanag saka sya tinitigan, “You know, you shouldn’t be shouting by yourself, kundi iisipin ng mga makakarinig na baliw ka.”  His very sexy smile flashed on his lips that nearly blew her head off, pinigil nyang kumawala ang isang singhap mula sa kanya.

“Bakit ka ba nandito? At bakit hindi kita namalayang lumapit ha?” tanong nya dito.

Bumaba muna ito sa kabayo nito at lumapit sa kanya. Siya naman ay umatras.

“Dyan ka lang!” Tinuro pa nya ang lupa kung saan lang dapat ito.

Natawa bigla itong si Rafael. “You know this is the first time somebody ordered me like that in my own land,” at patuloy parin ito sa paglapit samantalang patuloy din sya sa pag-atras, “Nangangabayo ako para bisitahin ang ilang lugar pataniman namin nang makita kitang tumatakbo. Inabutan kita rito na sumisigaw, perhaps you were just too busy shouting that you did not notice me and Cherry approaching.” paliwanag nito.

“Cherry? That’s the beautiful stallion’s name?” naitanong nya habang humahangang pinagmasdan ang kabayo.

“Yes,” sagot nito at mabilis na hinawakan ang kanyang kaliwang kamay, “Now didn’t I tell  you to stay put? Paano kung mabinat ka? For goodness sake, you were just shot and went through a minor surgery and now you are running like you’re in a marathon. Are you trying to get yourself killed, little lady??” inis na tanong nito sa kanya.

About athenashih

TOP Contributor

Talakayan

17 thoughts on “Behind His Hazel Eyes Chapter 2

  1. love reading it! galing galing ng writer!!!

    ayan yari k zack,kala ni mia ikaw c rafael n bumaril sa knya…

    Posted by aileen | Oktubre 24, 2013, 7:12 hapon
  2. akalav ko c zack ung may-ari kay cherry? hehe parang nagswitch ung names ni zack at rafael dito hehe… typo error lang cguro..🙂

    Posted by virginique | Disyembre 28, 2010, 12:06 hapon
  3. nag sisimula na! yeah.

    Posted by angel_YL | Disyembre 27, 2010, 2:56 hapon
  4. ayeeehh.. nyakz!! nakakakilig huh.. wui mia hindi yan c rafael ahehe😀

    Posted by itsgonnabeme | Disyembre 21, 2010, 8:20 umaga
  5. Hay…sobrang kilig naman ang mga tagpo nila Mia at Zack….ang sarap mainlove…hay…next chapter pls…kakabitin na ito…todo na ito girl! Galing ng novel mo…like it sobra…keep it up!

    Posted by mary_guinto28 | Nobyembre 14, 2010, 5:42 hapon
  6. ano nga po pala ang schedule ng postings ng chapters? saka anong oras?😉

    Posted by feiyuri | Nobyembre 13, 2010, 10:43 umaga
  7. wow, naexcite ako. may part 2 pa pala ito? haha. part 1 pa lang ba ito, at chapter 2 pa lang? pero sobrang ganda talaga!!! inaabangan ko rin ito e!!! ang ganda ng story!!!😉

    Posted by feiyuri | Nobyembre 13, 2010, 10:42 umaga
  8. kinikilig ako !!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!! kaso nabitin ako dun ah !!!

    Posted by xxBunZxx | Nobyembre 13, 2010, 7:17 umaga
  9. @rica thank you for reading… yung sa bida sinasabi mong last stanza… if you realize akala ni Mia na si Zack ay si Rafael, I was using her POV on the line…”Natawa bigla itong si Rafael”…

    Tungkol naman sa kung sino ang bidang lalake dito, malalaman mo naman sa title agad…pero syempre nasa first two chapters pa lamang tayo ng Part 1 ng BHHE… may Part 2 pa po ito… ^_^

    Posted by athenashih | Nobyembre 12, 2010, 10:36 umaga
  10. Wow!! ang gnda ng s2ry n2 ahh…love iT!!..🙂 aabngan q 2.. mpdali sna ang posting ng nxt chptr..

    Posted by reycel09 | Nobyembre 12, 2010, 4:38 umaga
  11. hahahahhaha! ang kyut po nila ni zack.

    Posted by arabeybsXP | Nobyembre 12, 2010, 3:05 umaga
  12. humm tama tama po…hay kakabitin naman..

    Posted by eizzy | Nobyembre 12, 2010, 12:15 umaga
  13. weee ganda tlga…

    Posted by ♥LYN♥ | Nobyembre 11, 2010, 6:28 hapon
  14. the first page i thought c zack ung bidang lalake dito w/hazel eyes..but here on 2nd page,..si rafael? medyo magulo kunti although kakilig ung story line.the last stanza here looks like its zack talking not rafael hehe..ewan ko lng kung napansin nyo..pero ako un napansin ko pero maganda sya.

    Posted by rica | Nobyembre 11, 2010, 4:34 hapon
  15. yes. nakakakilig. :> ang ganda. :)))

    Posted by lyra | Nobyembre 11, 2010, 3:32 hapon
  16. nka2kilig!!!..nxt pls……

    Posted by nicole | Nobyembre 11, 2010, 1:15 hapon
  17. Hmmmmm…. it’s an interesting & nice story…I like it….Wowww

    Posted by nely | Nobyembre 11, 2010, 1:14 hapon

Ano ang iyong masasabi sa iyong nabasa?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

TOP Calendar

Nobyembre 2010
M T W T F S S
« Oct   Dec »
1234567
891011121314
15161718192021
22232425262728
2930  

Mga Istorya

Aming Nakaraan

%d bloggers like this: