binabasa mo ang...
My Pretty Boy

My Pretty Boy – Chapter 10

“Thalia, wag mong kakalimutan ang kasal ng pinsan mo ha! Naku,magagalit yun pag di ka pumunta, isa ka pa naman sa bridesmaid, i-cancel mo na muna yang mga appointment mo” paalala sa kanya ng Tita Edelyn niya. Kasalukuyan siyang nasa dressing room niya at nagpapahinga, tamang-tama at break na nila sa pictorials niya ng tumawag ito sa kanya.

“Opo tita, i wont forget, naka-schedule na yan. Pasensiya na talaga at di ako makakapunta sa practice, madali lng naman siguro ang routine tita, kaya na yan ng paborito niyong pamangkin” pagpapatawa niya

“Hindi mo ko makukuha sa mga ganyan mo, Thalia ha, basta wag mong kalimutan, next week na yon, sa Sunday, naku! Magtatampo na talaga yon ,minsan lang ikakasal yon” pahabol pa ng tita niya

“Ate! Tapos na daw ang break!” singit ng PA niya

“I’ll be there in a minute!” sagot niya

“Ahm..sige tita, duty calls, i have to go..” pamamaalam niya dito

“Basta! Wag mong kakalimutan ha! Sige bye! Ingat!” pamamaalam nito

“Sige po!” agad niyang pinindot ang end button at inilagay sa bag niya ang cellphone

“Ay! Nakalimutan kong tanungin ang pangalan ng partner ko” biglang naalala niya
Kukunin na sana niya ang cellphone niya ng tawagin na siya ng manager niya, ibinalik na lng niya ulit at agad na lumabas sa dressing room.

Kasalukuyan siyang nasa mall, as usual, ay naka-disguise na naman siya. Bibili na siya ng regalo para sa pinsan niya. Gusto niyang siya mismo ang bumili ng regalo kaya tinakasan na naman niya ang manager niya. Nasa furniture section siya ng may makita siyang pamilyar na tao.

“Teka! Kilala ko yun ah!” agad niyang sinundan ang tao at tama nga ang hinala niya, si Karl! With a girl clinging in his arms!

“Kaya naman pala hindi nagpaparamdam ang unggoy! May iba nanaman pa lng sinusungkit na saging! Abah naman! Akala ko pa naman kung sinong seryoso sa mga babae! yun pala dakilang playboy!”
Nang pumasok ang mga ito sa isang restaurant ay sinundan niya ito, umupo siya sa malapit na mesa mula sa dalawa.

“Karl? What do you want? Me? Or the food?” pagpapa-arte ng babaeng kasama nito

“Karl? What do you want? Me? Or the food?” panggagaya niya dito. “Eh di sana hindi na lng kayo dito nagpunta! Restaurant kaya ito! Duh! At paano ka niya magugustuhan? Para ka ng soured food!”

“Mam? Can i take your order?” biglang sulpot ng kung ano sa tabi niya

“Gggrrrr!” biglang reaction niya

“Ahmm..s-sige m-mam..b-balikan ko na lng kayo” agad nitong inilapag ang menu at umalis sa tabi niya

“Hoy! Sandali! Oorder na ko!” tawag niya dito. Napasobra ata ang galit niya kaya nakita pati sa itsura niya, natakot pa tuloy ang waiter.

“Aahh..m-mam? May hinihintay kayo?”

“Wla, ahm..give me some spag and ice tea, yun lng” simpleng sabi niya

“Right away mam” tatalikod na sana ito ng tawagin niya ulit ito

“Ahh, sandali..pumapayag ba kayong may naglalampungang mga tsonggo dito sa restaurant niyo?” nilakasan niya ng kaunti ang boses niya ngunit parang wala lng sa mga ito ang sinabi niya gayong ang lapit-lapit niya

“Mam?”

“Wala! Sige na!” pagtataboy niya dito. Kung ice lang siguro ang dalawang taong kanina niya minamanmanan ay tunaw na ang mga ito sa killer eyes niya, pagkatapos ng ilang minuto ay dumating ang order niya. Nawalan siya ng gana dahil sa napakagandang view sa harapan niya. Ang lalakeng mahal niya na may kasamang babaeng kanina niya pa gustong bumula ang bibig.

“Abah! Asan galing ang mahal? At saka cariño brutal talaga ang gusto mo sa babaeng yan ha?” singit ng munting tinig sa utak niya. “Oo nga? Asan nga ba nanggaling yung gusto? Tsaka ba’t ba ko nandito?” depensa niya.” Sister! Magpakatotoo ka! May gusto ka na sa kanya! Duh! Hindi ka naman siguro magkakaganyan at mag-eexert ng effort kung di mo siya gusto?” nandoon na naman ang munting tinig

“Hon! Halika na! Punta tayo dun!” sabi ng babaeng impakta.Biglang natapos ang battle of the minds ng dalwang parte ng utak niya dahil narinig niya ang boses ng babae, tinignan agad niya ang itinuro ng babae.

“Jewelry store lng pala! Akala mo naman kung may meteor shower kung makaturo” Agad niyang kinuha ang celphone nya para tingnan ang oras.

“Hala! 5 na? Naku..patay na ako kay Ate Che nito. Tinignan niya agad ang mga messages sa cp niya. “Naku! Patay nga! siguradong katakot-takot na bala ng canyon at shower rain ang makukuha ko nito!” naguguluhan niyang sambit “Aah! Ang regalo pa pala noh? Natampal na lamang niya ang noo “Grrr! Bwisit talaga ang tsonggong yun! Pahamak sa nananahimik na buhay!” nanggigigil niyang sabi, agad siyang umalis sa mall na sinusumpa na hindi na nya papansinin at kakalimutan ang lalakeng iyon!

“Wow! Ang ganda naman ng pamangkin ko!” sabi ng kanyang tita Edelyn

“True ka diyan mother! Paano bang hindi gaganda eh sikat na model ang pamangkin niyo!” sabi ng baklang umayos sa kanya

“Ano ba kayo, si insan ang star ngayon dahil siya ang ikakasal tsaka nasa lahi natin ang magaganda” pagbibiro niya

“Oo na, sige na.tama ka na, hay! Wish ko lang maging maayos ang kasal ng pinsan mo” kinakabahang sabi ng tita niya

“Xempre naman! Dapat lng tita, dahil kung sino ang manggugulo, ipapahulog ko sa pinakamalapit na bangin” natatawa niyang sabi

“Siya!siya! halika na! mag-uumpisa na ang kasal” agad silang lumabas sa silid at lumabas. Magaganap ang wedding ng pinsan niya sa isang resort na pag-aari ng magiging husband nito. Napakaganda ng paligid, napapalibutan ng magaganda at imported na bulaklak. Napaliligiran din ng mga matatangkad na puno ang lugar, mostly pine trees. Parang isang malaking greenhouse pero may mga swimming pool nga lang at mga cottages na nakapaligid. Magiging isang dream wedding nga ang kasal kung dito magaganap. Agad siyang tumabi sa mga kasama niya sa entourage at bilang isang sikat na tao ay pinagkaguluhan na naman siya.

“Ahmm..di ba ikaw ang sikat na model na si Thalia Martinez?” tanong ng
isa sa mga bridesmaid

“Ahh..yeah” mahinang tugon niya. Heto na ang kinatatakutan niya

“Pwedeng pa-autograph? Tska pa-picture na din” sabi pa nito

“Kami rin!” tili pa ng iba

“Girls! Mamaya niyo na gawin yan! Mag-uumpisa na ang kasal! Punta na kayo sa places ninyo!” singit ng organizer

“Ay! Killjoy!” sabay-sabay pa nagsalita ang mga ito

“Sige na girls..mamaya na lng…di pa naman ako mawawala eh..I’ll be here till reception” promise naman niya

“Yehey! Basta mamaya ha?” agad naman pumwesto ang mga ito sa mga lugar na mga ito

“Thank you! You’re an angel!” agad naman niyang sinabi sa organizer ng mawala na ang mga babae

“Glad to help! Sige na doon ka na sa place mo” nahihiya pa nitong sabi

“Ahmm..if you don’t mind. Hindi ko kasi alam ang gagawin” nakangiwi niyang sabi

“Yan nga ang iniisip ko kanina kaya lumapit ako dito, aside sa pagtataboy sa mga fans mo” mayabang na sabi nito

“Anong pangalan mo?” nakangiti na niyang tanong, magaan ang loob niya sa babae.

“I’m the one and only beautiful wedding planner Shelly, and you?” nakangiti pa nitong sabi saka inilahad ang kamay nito

“Thalia” sinakyan niya na lng ang trip ni Shelly

“Well, eto ang gagawin mo, first, you’ll walk to the aisles then stop at your place to welcome the bride, alam ng partner mo kung saan ang inyong pwesto kaya dont worry, kung hindi mo alam ang gagawin mo, just try to ask him” mahaba nitong sabi

“By the way, whose my partner?” nagtataka niyang tanong
Hindi ito nagsalita bagkus itinuro lng nito ang isang paparating na tao.

“Oh! There he is!”
Agad niyang tinignan ang itinuturo nito and she was so shocked! It was no other than the man who she had swored na hindi niya papansinin!

Hindi niya alam ang gagawin niya, wla na siyang choice, hindi siya pwedeng umatras,hindi rin pwedeng hindi nya nito pansinin. “Aah! What do i do? What do i do?”
“Here he comes, I guess kailangan ko pa siyang ipakilala sayo, right?”
“No, hindi na kelangan, kilala ko na siya” simpleng sabi niya

“Good! Then i’ll leave you two then” sabi nito tsaka lumayo agad

“Sandali! Teka-!”

“Problem?” biglang sulpot ng isang boses sa tabi niya. Hinarap niya ang pinanggalingan ng boses, she was greeted by the most beautiful handsome face she had ever seen. “Di ba unggoy ka? Bakit di ka pumapangit? Bakit sa tuwing nakikita kita gumagwapo ka?”

“Ang gwapo mo kasi” biglang sabi ng bibig niya

“Huh? Pardon me?” naguguluhan nitong tanong

“Wala! Sabi ko halika na! Mag-uumpisa na ang kasal!” sigaw niya rito

“Anong nangyari sa’yo? Asan na yung no-pansin plan mo ha? Asan na?”

“Wala!” Napalakas ata ang pagkakasabi niya kaya lahat ng tao tumingin sa kanya. “Ah! Peace?” yun na lng ang sinabi niya at nagtago sa likuran ni Karl, sa mga oras na yun ay talagang gusto na niyang lumubog sa kintatayuan

“Anong nagyari sa’yo? Kausap mo na naman ba ang imaginary friend mo?” pang-aalaska nito

“Haha, very funny..nagba-battle of the bands ang dalawang utak ko kaya wala kang pakialam!” ganti niya. Sa di inaasahang pangyayari ay ngumiti ito ng bonggang-bongga, ngiting nakakapagkalas ng organs “shet! Traydor na mga body parts!”

“Anong nginingiti-ngiti mo diyan?” sita niya dito

“Bakit? Bawal na pala ngayon ngumiti?”

“Whatever!” tsaka pinaikot niya ang eyeballs niya

“Guys! Get ready! Nandito na ang bride!” sigaw ni shelly

“Shall we?” agad nitong kinuha ang kamay niya. Agad naman niyang binawi ito. “Grabeh! Andami mong powers ha! Bakit may electricity?”

“Something wrong?” nagtatakang tanong nito

“Ahmm..wala,,tara!” then she clinged to his arm
Agad na pumailan-ilan ang tunog ng wedding song! It was really a dream wedding, pinuno ng mga tulips at orchids ang garden. With a motiff of white, parang isang napakagandang panaginip ang lugar. Then they started to march through the aisles,kung hindi sana siya galit sa taong ito, kanina pa siya siguro kinikilig.“Asus! Kinikilig ka na nga eh! Aminin na kasi sister!” biglang sulpot ng munting tinig. Agad umungol ang bulung-bulungan ng biglang sila na ni Karl ang naglakad ka aisles.

“Alam kong hindi ka sanay sa ganito dahil gusto mong natatago ang identity mo when you are expose to a lot of people lalo na at kasal ito ng pinsan mo but don’t worry, ilang minuto lang naman tayong mae-expose.” bulong nito sa kanya. Somehow she felt good at what he said to her. Hindi na lamang siya nagsalita bagkus itinuon na lamang niya ang pansin sa moment nila. “Okay! Fine! Kinikilig na ako, okay..wla na yung evil plan ko! But what can i do he’s so..”
“Hey! Ayaw mo na bang malayo sa akin? Kailangan na nating maghiwalay” bulong nito sa kanya .
“Andali naman ng oras! Naman! Grabeh! Hindi pwede! Hindi pwede! No! Ang ganda na ng moment!”

“Hindi ko kaya alam ang gagawin ko!” pagdadahilan niya

“Well, we have to split here, but don’t worry magkikita pa naman tayo mamaya” he just said that so easily then he winked at her
“Dont you smile at me kung hindi tatrydurin na naman ako ng mga organs ko, baka hindi lng magba-battle of the bands ang utak ko kundi baka mag-showdown na!” But he was so stubborn, he smiled at her. “Wla na! Hindi ka nakakaintindi ng instruction!”

Kahit parang ang pakiramdam niya ay may tama siya dahil parang addict na siya sa lalakeng ito ay nagampanan pa rin niya ang kanyang role sa kasal, sumusunod lang siya sa sinasabi ni Shelly sa kanya na nasa likuran niya lang. Pasimpleng tinignan niya si Karl, he was looking at her kaya pasimpleng ibinaling niya ang paningin niya sa papalapit na bride. Nang makarating na ang bride sa groom ay agad silang umupo sa upuang nakalaan sa mga bridesmaids. Pasimpleng tumingin siya kay Karl, may kausap itong babae. And he looks so happy, hindi katulad kung magkausap sila. “Wow! Ang sakit! Grabeh! It hurts!” agad niyang ibinaling sa iba ang paningin niya. Hindi niya kaya makita ang napakagandang tanawin.

Gustuhin man niyang mag-concentrate sa seremonya ay hindi niya maggwa, na-realize na kasi ng magaling niyang utak na mahal na niya ang lalakeng ito, pagkatapos nang maraming battle of the brains at showdown ay nagkasundo rin ang dalawa at nag-come up ng conclusion. She was really in love with him. Kahit iniinis siya nito, kahit inaalaska siya nito still may feelings siya rito but mysteryoso pa rin ang lalakeng ito,she dont know who really he is, di niya alam ang personality nito.

Hey! Thalia! Pictorials na!” pukaw na sa kanya ni Shelly. “Hala! Ganon na ba ako kahaba nag-isip? Hindi ko na naabutan ang kissing scene ng bride and groom?”

“Hoy! Para kang praning diyan! Lumipad ba yang isip mo?” biglang sabi nito sa knya saka pumitik sa harapan niya

“Hindi noh, focus kaya ako..” pagdadahilan niya

“Siya! Siya! Kayo na oh! Pictorials na ng bride and groom kasama ang bridesmaids” tsaka itinuro nito ang stage. Siya na lng pala ang hinihintay?

“Oh? Ah..sorry..may iniisip lng ako” then she walked and pose like a model..gulo na ang isip niya kaya hindi na niya alam kung ano ang gagawin.

Agad siyang umalis sa lugar pagkatapos ng pictorials. Hindi na niya kaya, she cant control her feelings anymore so she escaped from the scene and fled to the mini garden. Kanina niya pa ito napansin habang papunta sila sa center garden. Marami kasing mga garden-garden sa lugar, iba-iba ang theme kaya lalo itong nagpa-attract sa kanya.

“What are you doing here?” biglang sulpot ng boses sa likuran
“Nakuu! May multo ba dito? Kapre? Duwende? Nakuuu! Paesnsya na..hindi ko sinasadya kung naistorbo ko kayo, pero ang sosyal niyo namang mga supernaturals..nage-english..pero..sorry..aalis na ako..wag niyo lng akong sasaktan” takot na sambit niya

“Anong pinagsasabi mo? It’s just me”
Then it stuck her..ang taong kanina niya pa gustong iwasan ay nasa likuran niya.
Agad niyang iminulat ang mga mata niya “K-karl?” then humarap siya dito. Nakita niyang nakatayo ito malapit sa kanya, may dala-dalang pagkain

“Bakit ka biglang nawala? Hindi ka pa daw kumakain sabi ni tita, i’ve been looking all over , nandito ka lng pala” simpleng sabi nito

“Dahil lang pala sa pagkain” ”Hindi ka na sana nag-alala pa, busog pa naman ako,so dont worry..balik ka na lng doon, i’m sure marami pang gustong maka-usap at makasama ka.” Sabi na lng niya

“Ikaw ang gusto kong makasama, bakit pa ako pupunta dito kung hindi?” simpleng sabi lang nito. Napangiti siya sa sinabi nito.

“Baka utang uli ito ha…” pasimple niyang sabi baka kasi mahalata na kinikilig na siya.

“Hindi na, ano ka ba..kawang-gawa yan” then he smiled

“Grrrr…ano ako..casualty? grabeh ka ha”

“Kung ako naman ang mag-aalaga sa’yo, bakit hindi?”

“Char! Korni!” patawa niya pero ang totoo kinikilig na siya to the highest level. Ngumiti lang ito.

“Ahmm..ahhh..gusto mo?” alok niya rito. “Nakakahiya naman kung ako lng ang kumakain dito”

“No,sige na..para sa’yo yan..” tanggi nito

“Pero hindi ko to mauubos, baka itapon lang nila ito”

“Hmm..pinahahalagahan mo talaga ang pagkain noh?

“Syempre naman, turo sa akin ni mama, basta may pagkain, ubusin, hindi kasi tayo lahat nabibiyayaan ng pagkain.”

“Ok, ok,,sige..subuan mo na lng ako..” tsaka binuksan nito ang bibig nito. Masiglang sinubuan naman niya ito pero naparami ata ang nalagay niya kaya nabulunan ito. “Ngee! Naman! Okay na sana..sasablay pa”

“Naku! Sorry..sorry! hindi ko alam” natataranta niyang sabi

“No…i-its okay…may tubig.. akong… dala… diyan” sabi nito habang umuubo. Agad naman siyang tumalima at kinuha agad ang tubig.

“Nakuu! Okay ka lang? Sorry talaga ha” sabi niya habang hinihimas-himas niya ang likuran nito.
Ngumiti lang ito tsaka inubos ang natitirang tubig. “Talagang ayaw mo sa akin noh? Gusto mo na akong mawala sa mundo” pagda-drama nito

“Ha? Hindi ah? Ano ka ba? Sobra ito..hindi naman sinasadya”

“Biro lng..alam ko naman na hindi mo yun sinasadya”

“Aha! At diyan mo pala tinatago ang babaeng maganda ha! Kanina pa siya hinahanap doon sa reception..este kayong dalawa pala” biglang sulpot ng isang lalake.. gwapo naman ito pero mas gwapo ang mahal niya.

“Bakit ba madalas na may sumusulpot sa araw na ito?”

“Sef? What are you doing here?” tanong agad ni karl

“Well, di ba nasabi ko na ang pakay ko kanina? Well..let me introduce myself to this beautiful girl..”sabi nito tsaka bumaling sa kanya..nahalata ata nito na hindi niya ito kilala.

“i’m Serefin de Leon, 32 years old and available..” sabi lang nito tsaka hinalikan ang likod ng palad niya pero bago pa nagawa nito iyon ay pinigilan na ito ni Karl.

“Don’t you ever do that or else” biglang sabi nito

“Fine dude! Easy ka lng..okay?” kalmadong sabi nito at itinaas agad nito ang kamay nito. “So you’re the girl huh?”

“gGirl?” naguguluhan niyang tanong.

“Yeah! Ikaw yung pinag-uusapan na sikat na pinsan ng bride, Tama?”

“Yeah!” simpleng sabi niya lang, isa sa mga ayaw niya ay pag-tinitignan siya bilang isang sikat na personalidad.

“I’ll be going first..don’t want to ruin you’re “scene” sabi nito tsaka umalis.

“By the way bumalik na kayo doon kanina pa kayo hinahanap ni Tita Edelyn” pahabol nito.

“Pasensiya ka na kay Sef, ganyan talaga yan..medyo mabilis” pag-hihingi ng dispensa nito

“Its okay..sanay na ako” simpleng sabi niya

“Gusto mo pa bang pumunta doon?” nag-aalalang tanong nito

“Yeah. Magtatampo si Yvette kung hindi ako babati sa kanila”

“Let’s go then” he said joyfully then he held her arm and smiled at her.

Talakayan

2 thoughts on “My Pretty Boy – Chapter 10

  1. Sweet

    Posted by eli | Nobyembre 10, 2013, 11:29 umaga
  2. nice istory

    Posted by juzt mhe | Hulyo 31, 2012, 12:35 hapon

Ano ang iyong masasabi sa iyong nabasa?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

TOP Calendar

Nobyembre 2010
M T W T F S S
« Oct   Dec »
1234567
891011121314
15161718192021
22232425262728
2930  

Mga Istorya

Aming Nakaraan

%d bloggers like this: