binabasa mo ang...
My Lovely Chef

CHAPTER 8: My Lovely Chef

“NICE PLACE,” sabi ni Phoebe pagpasok nila sa bagong inuupahan ni Amanda. Maliit ito ng kaunti kaysa sa unit ni Justin pero mas malapit ito sa restaurant. “Kumusta naman?”

“Okay lang,” sagot ni Amanda. Inihanda nito ang dala nilang take-out mula sa fast food na dinaanan nila.

“Kumusta naman ang buhay nang wala si Justin?”

Tiningnan niya ang kaibigan. “Okay lang.”

Wala pang isang linggo mula nang lumipat siya sa condo unit na ‘yon at medyo naninibago pa siya. Wala na siyang kasabay kumain sa umaga, wala nang nang-iistorbo sa kanya sa mga panahong gusto niyang mag-isa. Hindi na siya napupuyat sa gabi kapag hinihintay niya itong umuwi mula sa mga dates nito.

Kumusta nga ba ang buhay nang wala si Justin? Sa totoo lang, malungkot. Parang biglang ako na lang ang tao sa mundo. Pero kahit gaano kalungkot ang buhay, kailangan kong masanay. Dahil alam ko naman na hindi kami p’wede sa ganoong sitwasyon habang buhay.

Nakahinga rin ako nang maluwag nang pumayag si Justin na makalipat ako. Hindi ko alam kung bakit bigla siyang pumayag, pero ang mahalaga, nakaalis na ‘ko sa bahay niya at makakapagsimula na ‘ko ng bagong buhay. Nang malayo kay Justin, at nang malayo sa gulo.

“At kumusta naman siya?” pagkadaka’y tanong ni Phoebe.

Sabi ni Justin, Nami-miss raw niya ang pagluluto ko sa bahay at ang mga kulitan namin sa maghapon at magdamag. Sabi niya, gusto raw ni Samantha na lumipat sa bahay niya. Wala na namang nakakagulat do’n. Alam ko nang mangyayari ‘yon sa oras na makaalis ako do’n.

Sinundan ng tingin ni Phoebe si Amanda nang kumuha ito dalawang baso ng tubig at muling bumalik sa mesa. “Bakit nga ba bigla mong naisipang lumipat?”

“Diba ikaw ang palaging kumukumbinsi na lumipat ako?”

“Dahil ba kay Arthur?” tanong nito na hindi pinansin ang sinabi ng kaibigan. “O du’n sa Samantha? Umalis ka ba dahil dun sa Samantha?”

Hindi siya tumugon.

Inubos ni Phoebe ang natitira nitong pagkain at uminom ng tubig. “Isusuko mo si Papa Justin ng ganun-gano’n na lang?”

“Ano’ng gusto mong gawin ko, pigilan ang Samantha na ‘yon na tumira kasama ni Justin?”

“Bakit hindi?”

“Phoebe, kaibigan lang ako. Wala akong karapatang pagsabihan si Justin ng dapat at hindi dapat gawin.”

Umiling si Phoebe. “Kung ako sa’yo, hindi ko hahayaang may ibang tumira sa bahay na ‘yon. Dugo’t-pawis ang pinuhunan mo sa relationship n’yo ni Justin. Tapos bigla-bigla, maglalaho ‘yon na parang bula dahil lang sa isang Samantha?”

Totoo ‘yon. Pero wala naman akong magagawa. “Pabayaan na natin silang lumigaya, Phoebe.”

“At pa’no naman ang kaligayahan mo?”

Nginitian lang ni Amanda ang kaibigan. “Masaya naman ako.”

“At sino’ng niloko mo? Isang tingin pa lang sa’yo, halata nang nagdurusa ka.”

“OA ka naman. Phoebe, okay na ‘yung ganito. Ayoko ng gulo.”

“Sinasabi mo lang ‘yan ngayon. Dahil hindi pa nagsi-sink in sa’yo ang mga pangyayari. Pero isang araw, magigising ka na lang na nanghihinayang at mamatay-matay sa selos sa tuwing nakikita ang pinakamamahal mo’ng si Justin sa piling ni Samantha.”

Hindi ko alam kung saan nakukuha ni Phoebe ang napakakulay nitong imahinasyon. Pero natakot din ako sa sinabi niya dahil madalas naman ay tama ang lahat ng opinyon at haka-haka nito tungkol sa mga bagay-bagay.

—–

Ngayong may iba nang characters sa buhay nina Justin at Amanda, marami nang magbabago, lalo na sa friendship nila. Alam nilang hindi na lang sila ang tao sa mundo at kailangan nilang mag-adjust sa pababago’ng iyon. Kailangang pakisamahan ni Justin si Arthur, at gano’n din si Amanda kay Samantha.

At alam ni Amanda na hindi iyon magiging madali.

“This is really good,” sabi ni Samantha nang matikman ang dessert na chocolate cake na gawa ni Amanda. Naroon silang apat sa restaurant, si Justin, si Samantha, si Arthur at si Amanda. Iyon ang unang pagkakataon na nagkasama-sama sila sa isang dinner.

“That’s Amanda’s own recipe,” pagmamalaking sabi ni Justin. Tiningnan nito ang kaibigan na nakatingin din sa kanya.

Tumangu-tango si Samantha at muling kumuha ng cake at isinubo ito kay Justin.  “Maybe you could teach me how to make this. Ha, Amanda?”

Ngumiti lang ako. Sana lang ay hindi nahalata ng mga tao sa mesa’ng iyon na hindi iyon totoo. Kaunti na lang ay mauubos na ang pasensiya ko at malapit na akong mapuno sa ka-plastikan ni Samantha. Sa tuwing napapatingin ako sa kanila ay hindi maaaring hindi ito hahalik at yayakap at magpapa-cute kay Justin. Hindi ko alam kung ano ba ang intensiyon n’ya sa kalokohang iyon, kung talagang hobby na talaga niya ang mang-inis ng tao, o pinagseselos niya ‘ko. Mainit ang dugo niya sa ‘kin, matagal ko nang alam ‘yon. Well, okay lang because the feeling is mutual. Marinig ko pa lang ang pangalan ng babae’ng ‘yon, nanginginig na ‘ko sa sobrang inis.

Nagpatuloy sila sa pagkain at nagpatuloy ang paglalambing ni Samantha kay Justin. Tahimik lang si Amanda na paminsan-minsang binubulungan ni Arthur. Ngumingiti at tumatawa si Amanda sa tuwing may sinasabi si Arthur, na hindi nagugustuhan ni Justin.

“Why don’t we do this much often? We could go out to dinner every weekends, right? And I think it would be fun if we go out of town sometime, the four of us,” suhestiyon ni Samantha. “What do you think, honey?”

Tumangu-tango si Justin. “Why not? It’s a very good idea, ‘di ba, Amanda?”

Si Arthur ang tiningnan ni Amanda at nginitian sa halip na si Justin. Tumangu-tango si Arthur at inakbayan si Amanda. “If it‘s okay with Amanda, it’s okay with me,” nakangiti nitong sabi.

“I’m sure, Amanda’s okay with it,” nakangiting sabi ni Samantha. “Diba, Amanda?”

Sure, great. Just great. Tiningnan ko si Samantha na talaga namang napakaganda ng ngiti. Akala mo kung sinong napakabait na nilalang. Kung hindi lang masama, nilagyan ko na ng pampurga ang slice ng cake na para sa kanya. Bakit nga ba may mga gano’ng tao na kung ano’ng iginanda ng mukha ay gano’n naman ang ikinapangit ng ugali. Nakakainis isipin na sa dinamiraming tao sa buong mundo ay ang Samantha na ‘yon pa ang nagustuhan ni Justin.

—–

“I heard you already moved out.”

Saglit lang na tinapunan ng tingin ni Amanda si Samantha sa salamin ng ladies’ room. Nagpunta siya roon para makahinga nang mas maluwag, pero wala pa’ng ilang minuto ay sumunod ito sa kanya roon.

“I’m moving in with Justin next week.”

Wala akong pakialam kahit pa bukas pa siya lumipat. At sa tingin ko naman, hindi na dapat niya ‘yon sinasabi sa ‘kin. Pero siyempre pa, parte ‘yon ng pang-iinis niya. “Good for you.”

Tiningnan din siya ni Samantha. Nagkatinginan sila doon sa salamin. “Right, good for me. Sorry ha, dahil sa ‘kin, kailangan mo’ng umalis sa unit niya.”

“No problem. Matagal ko na naman talagang gustong lumipat, pinipigilan lang ako ni Justin. I think I should thank you. Hindi na ‘ko nahirapang kumbinsihin ang boyfriend mo.”

Tumalim ang tiningin ni Samantha sa kanya. At sa pagkakataong iyon, hindi na ito sa salamin nakatingin, kundi mismong sa kanya. “Exactly, Justin is my boyfriend. And don’t you ever think that he likes you one way or another.”

Natawa si Amanda. Inilagay niya ang pressed powder sa bag at isinara iyon. “Samantha, nagseselos ka ba sa ‘kin?” deretso niyang tanong.

“And what made you think that I’m jealous of you?” natatawang tanong ni Samantha.

“Hindi ko alam. Pero sa mga kinikilos mo, it’s very obvious.”

Nanlaki ang mga mata ni Samantha.

“Don’t worry, I know too much about him and I’m not that stupid to even consider liking him.”

—–

Napalaking adjustment ang nangyari para kay Justin sa pag-alis ni Amanda sa bahay. Magkita man sila nito sa restaurant araw-araw, wala rin silang panahong mag-usap nang hindi tungkol sa trabaho. Hanggang tingin at ngiti na lang sila sa isa’t-isa. Madalas niyang makita si Arthur na dumaan sa restaurant at kasama ni Amanda na umuwi sa gabi.

Minsan, nagpupunta pa rin si Justin sa dating kuwarto ni Amanda nang walang dahilan. Gumigising pa rin siya sa umaga na hanap ito. At minsan ay inaasahan na madatnan ang kaibigan na nagluluto sa kusina at naghahanda ng almusal para sa kanya.

Hindi niya alam kung napapansin ni Samantha ang madalas niyang pananahimik at kung narinig na nito na tinatawag niya ang pangalan ni Amanda nang hindi sinasadya. Dahil hindi niya iyon maiwasan. Mahigit isang taon niyang kasama si Amanda at normal lang siguro na ma-miss niya ito paminsan-minsan.

It’s been three weeks. It has only been three weeks since Amanda moved from his place pero pakiramdam ni Justin ay tatlong taon na niyang hindi nakikita ang kaibigan. Hindi na niya alam kung ano na ang ginagawa nito sa araw-araw, hindi na niya alam kung kailan niya ito p’wedeng makasama o makausap man lang. Ngayon, hindi na niya alam kung may karapatan pa ba siya’ng yayain man lang itong magkape, tulad ng araw-araw nilang ginagawa.

“They actually look good together,” sabi ni Paul nang mapansin si Justin na kanina pa nakatingin ang kaibigan kay Amanda na masayang kausap si Arthur doon malapit sa bar, sa tabi ng pinto ng kitchen. Sabi ni Justin ay halos gabi-gabi raw ang lalaki’ng ‘yon na nagpupunta sa restaurant.  “Aren’t you even bothered?” tanong nito.

Natawa si Justin sa halip na mainis, na ikinagulat ni Paul. “Why would I be bothered?”

“It seems like their relationship is doing well. Aren’t you worried?”

Umiling si Justin, nakatingin pa rin kina Amanda. “Why would I worry? Paul, I’m telling you, hindi magtatagal ‘yang kung ano mang relationship meron sila n‘yan. Sa totoo lang, naaawa ako d’yan kay Arthur. Dagdag lang ‘yan sa mga kawawang lalaki na iiwan na lang basta ni Amanda. She’s simply not into commitment,” sabi ni Justin. “Kaya ‘yung sinabi ko sa’yo noon, kalimutan mo na. Hindi pa ko sawa sa buhay ko.”

“Ano ‘yan, Justin, natatakot ka na hindi ka seryosohin ni Amanda?”

“Ang sinasabi ko lang, mas mabuti ‘yung magkaibigan na lang kami. Wala pang masasaktan.”

Natawa si Paul. “At ngayon sinasabi mo sa ‘kin na takot kang masaktan ni Amanda?”

 

About pagsintangpururot

dreamer, poet, writer, artist, traveler, believer

Talakayan

12 thoughts on “CHAPTER 8: My Lovely Chef

  1. ganun?takot silang dlwa n msktan..

    Posted by nesilita | Enero 20, 2014, 8:01 umaga
  2. jealous ka chong?. . . . whahahaha. . ang sarap batukan ni justin. . lol

    Posted by prettii_ren | Abril 15, 2012, 8:56 hapon
  3. next na next na!🙂

    Posted by krisae | Nobyembre 12, 2010, 10:20 umaga
  4. yay! abangan n’yo mamaya ang chapter 9!🙂

    Posted by cecilia | Nobyembre 12, 2010, 10:05 umaga
  5. i see !! it’s getting more and more exciting !!

    Posted by xxBunZxx | Nobyembre 11, 2010, 6:32 hapon
  6. ang ganda nah…kahit ngayon lang ako nakabasa nito..natapos ko naman….hehehe
    yung nxt chapter po huh…thank you ng madami…

    Posted by bambam | Nobyembre 11, 2010, 12:40 hapon
  7. ayan…..prho na mang may kinatatakutan…bat hindi na lang sabihin sa isa’t isa ang nararamdaman para evrybody hapi..:)

    Posted by bambam | Nobyembre 11, 2010, 12:38 hapon
  8. naman!bitin na bitin ung story…
    parang ang iksi ng chapter na to…
    mas lumala ata ung sitwasyon nila justin at amanda…
    hay

    Posted by shon | Nobyembre 11, 2010, 10:45 umaga
  9. ang ganda mo ng story!nakaka-kilig . ilang chapters pa po?

    Posted by cathy | Nobyembre 11, 2010, 10:43 umaga
  10. Hayzt! Ano ba yan, kakagulong mga tao! Ba’t hindi na lng kasi aminin sa isa’t-isa ‘yong true feelings nila? Na-miss ko tuloy ‘yong lambingan nina Justin & Amanda sa iisang haus… Ito n man kasing si Justin, naturingang playboy pero torpe n man pgdating kay Amanda… Hayzt! True love nga na man…. Next chap na po!!!

    Posted by GM | Nobyembre 11, 2010, 7:25 umaga
  11. wahahaha pareho silang may kinakatakutan…kakatawa naman next na po..thnkz

    Posted by eizzy | Nobyembre 11, 2010, 1:19 umaga
  12. It is so nice story, very different in a good way:)

    Posted by joyjoy | Nobyembre 11, 2010, 12:22 umaga

Ano ang iyong masasabi sa iyong nabasa?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

TOP Calendar

Nobyembre 2010
M T W T F S S
« Oct   Dec »
1234567
891011121314
15161718192021
22232425262728
2930  

Mga Istorya

Aming Nakaraan

%d bloggers like this: