binabasa mo ang...
My Lovely Chef

CHAPTER 7: My Lovely Chef

“O, ANO’NG GINAGAWA MO RITO?” tanong ni Justin nang makita si Amanda na abala pa rin sa kusina ng restaurant. Alas dose na noon ng gabi, at hindi naman talaga siya kailangan doon dahil naroon naman si Tony at ang mga assistants nito.

Patuloy lang si Amanda sa pagtulong kay Tony. Pumasok sa loob ng kitchen si Justin nang hindi siya pinansin ng kaibigan. Tiningnan niya itong mabuti.

“Hindi pa ba tayo uuwi?”

“Mauna ka na.”

Nilapitan niya si Amanda at pinilit itong lumabas sa maingay na kusina. Alam niya na may pinoproblema ito kapag ganoong pnapagod nito ang sarili sa trabaho. “Ano’ng problema?”

“Wala, bakit?” natatawang tanong ni Amanda habang pinupunasan ang dalawang kamay sa dalang paper towels.

“Day-off mo, diba?”

“So?”

“So, you shouldn’t be here. Umuwi na tayo.”

—–

Kailangan pang pilitin ni Justin si Amanda para umuwi. Nag-take out sila ng paboritong pizza ni Amanda. Pagkatapos makapagbihis ay nagtungo sila sa sala at naupo sa sofa. Pinagbuksan niya ang kaibigan ng ikatlong bote ng beer at iniabot dito.

“Ano ba talaga’ng problema mo?”

Uminom si Amanda ng beer at ngumiti. “Sabi ko sa ‘yo, wala akong problema, mukha ba ‘kong may problema?”

Tumango si Justin at kinuha ang remote control para ilipat ang channel ng TV. Pangatlong bote na iyon ni Amanda, at alam ng lahat na hindi ito talaga umiinom, liban na lang sa mga ganoong pagkakataon. “Si Arthur ba?”

Napangiti si Amanda at muling umiling. Mas mabuti pa nga siguro kung si Arthur lang ang problema niya. Sana nga, kay Arthur na lang siya may problema, at least, alam niyang madali lang ‘yong solusyunan.

Unti-unti na niyang nararamdaman ang hindi magandang epekto ng beer sa kanya. Nagsisimula nang mamanhid ang kanyang kamay at para na siyang lumulutang. Umiling siya ng maraming iling. Nanatili lang siyang nakatingin sa hawak na bote. “Justin, k-kung lumipat na kaya ako ng bahay?”

Nagulat si Justin. “Ha?”

“N-naisip ko lang na…”

“Bakit?” tanong ni Justin na para bang isang hindi kapani-paniwalang balita ng narinig.

“Ka-si si S-Samantha, baka-”

Mabagal na ang pagsasalita ni Amanda na tila inaantok na. At sa tingin ni Justin ay lasing na ito. “Amanda, matagal na niyang alam na dito ka nakatira and she’s okay with it.”

“Sh-she’s o…kay with it?” hindi makapaniwala niyang tanong. Tiningnan niya si Justin.

“She’s very openminded and she’s great, I told you.”

“She’s crazy,” mahinang sabi ni Amanda.

Napailing si Justin sa narinig. Hindi niya alam kung alam ni Amanda na narinig niya ang sinabi nito. Sinubukang nitong tumayo pero hindi na nito kayang i-balanse ang sarili dahil na rin sa dami ng nainom nito. Mabilis siyang nilapitan ni Justin at inalalayan na muling tumayo.

Hinawakan siya ni Justin sa baywang at umakbay siya rito. Kahit anong pilit ang gawin niya para tumayong mag-isa ay hindi niya magawa. Inalalayan siya nito sa bawat hakbang hanggang sa makarating sila sa kuwarto niya.

“Justin,” tawag ni Amanda kay Justin nang makaupo na ito sa kama.

“O?”

Pilit na tumayo si Amanda pero wala na itong lakas. Napakapit ito kay Justin nang mawalan ng balanse. “Sa tingin ko…kailangan ko nang lumipat ng bahay.”

“Bakit nga?” naguguluhang tanong ni Justin. Sa tingin niya ay talagang nalasing ang kaibigan sa halos sampung bote ng beer na nainom kaya kung anu-ano na ang sinasabi nito.

Tinanggal ni Amanda ang ipit sa buhok at inilagay iyon sa side table na nahulog rin sa sahig. Umayos na ito ng higa at nagulat si Justin nang bigla na lang itong tumawa na nakatingin sa kanya.

“Justin, bakit nga ba ang bait-bait mo sa ‘kin?” tanong nito. “You’re just…making it difficult for me not to…fall inlove with you.”

Natulala si Justin. He’s not sure if he heard her right.

“And…I don’t want to be…one of those foolish people…who falls inlove with their bestfriends,” sabi ni Amanda na halos nakapikit na. “Because…that’s pathetic, don’t you think?”

Hindi alam ni Justin kung matatawa o magugulat sa narinig mula sa kaibigan. Talaga nga sigurong marami na itong nainom.

“Justin…alam mo ba…na matagal na kong nagseselos kay Samantha? Tsaka kay…Marianne…tsaka dun sa mga iba pa na nakalimutan ko na ang pangalan…..tapos, naisip ko, bakit naman ako magseselos, e magkaibigan lang naman tayo, diba? Kaibigan lang ang tingin mo sa ‘kin, diba?”

Natawa si Justin. “W-what are you talking about?”

“Pero naisip ko ulet…siguro, mahal na kita kaya gano’n. Tapos sabi ko sa sarili ko, Amanda, tigilan mo ‘yang…kalokoha’ng ‘yan…walang future ‘yan. Ano ba namang panama mo dun sa Samantha na ‘yon? Tsaka ano ba, hanggang best friend ka lang ni Justin…’

“Amanda-“

“Justin…talaga ba’ng best friend lang ang tingin mo sa’kin? Hanggang magkaibigan lang ba talaga tayo?”

“Amanda, marami ka nang nainom, matulog ka na,” sabi ni Justin na naguguluhan sa mga sinasabi ng kaibigan.

Natawa si Amanda at umiling. “Justin…I think…I really think…I’m falling…inlove with…you.”

Hindi nakagalaw si Justin. Nakapikit na noon si Amanda, looking so beautiful, telling him she’s falling in love with him. She doesn’t really know what she’s talking about, does she?

—–

Kinaumagahan, nang magising si Justin ay naabutan nito si Amanda na naghahanda ng almusal, na palagi nitong ginagawa. Nakabihis na ito at handa nang umalis papunta sa restaurant.

“Good morning,” masaya nitong bati kay Justin.

Dahan-dahang naupo si Justin sa harap ng inihandang pagkain ni Amanda. Tiningnan lang niya ang kaibigan nang ilapag ang ginawang omelette na paborito niya. Pinagmasdan lang niya si Amanda nang magsimula na itong kumain. Parang walang anumang nangyari dito kagabi at parang isa lamang iyong ordinaryong araw. Naisip niya na baka panaginip lang niya ang lahat pero hindi p’wede dahil hindi naman siya nakatulog dahil nga sa mga sinabi nito sa kanya kagabi.

I think I’m falling in love with you.

“Justin, are you okay?” tanong ni Amanda nang mapansing tahimik lang itong nakatingin sa kanya.

He just looked at her, still confused. Bahagya siyang tumango. “Are you okay?” balik nitong tanong. “M-medyo marami kang nainom kagabi.”

Napangiti si Amanda. “Sorry ha, medyo naparami nga ang nainom ko.”

Nagsimula nang kumain si Justin. Hindi niya alam kung tama bang tanungin pa niya ito tungkol sa mga sinabi nito kagabi. Pero kailangan niyang malaman kung totoo nga iyon o dahil lang ‘yon sa kalasingan. “W-wala ka bang naaalala kagabi?”

“Wala. May dapat ba ‘kong maalala?” nag-aalalang tanong nito na patuloy lang sa pagkain. Marami siyang nainom, at alam niya na medyo dumadaldal siya at kung anu-anong nasasabi kapag ganoong nakakainom. Mayroon ba siyang nasabi kagabi kay Justin na dapat niyang ipag-alala?

Umiling si Justin na lito pa rin. Talaga nga kayang hindi alam ni Amanda ang mga sinabi nito sa kanya? Parang imposible naman yata iyon dahil siya, kahit gaano karami ang nainom niya ay alam pa rin niya ang nangyayari sa paligid. Alam niya ang mga sinasabi niya.

Nakahinga nang maluwag si Amanda nang umiling si Justin. “S’yanga pala, Justin, nag-inquire na ‘ko ng unit sa kabilang condo.”

“Ha? Bakit?” Halos nakalimutan na iyon ni Justin. Akala niya ay dahil lang sa lasing ito kaya nabanggit nito ang tungkol do’n kagabi.

“Sa tingin ko kasi hindi tama na-“

“Sino’ng may sabi? Si Arthur?”

Napakunot ng noo si Amanda. Hindi niya inaasahan na ganoon nag magiging reaksyon ni Justin. “Hindi.”

“Bakit nga bigla-bigla, gusto mong lumipat?”

Sa totoo lang, ilang beses na rin naming napag-usapan ni Arthur ang tungkol sa set-up namin ni Justin. At naiintindihan naman ‘yon ni Arthur at wala naman itong problema. Pero kay Samantha, meron.

Sa totoo lang, nagulat ako nang tawagan ako ni Samantha. Nakipagkita siya sa’kin kahapon at gusto raw niya akong makausap. Nagkita kami sa isang restaurant sa isang hotel na malapit sa tirahan nito sa Makati. Hindi ko alam kung bakit niya ‘ko gustong makausap at tungkol saan ‘yon.

Ilang minuto pa ‘kong naghintay do’n bago siya dumating. Hapon na noon at hindi naman matindi ang sikat ng araw pero nakasuot ito ng malaking shades. Wala itong kangiti-ngiting lumapit sa ‘kin at naupo. Tinanggal nito ang suot na salamin at tiningnan akong mabuti.

“Amanda, I’ll go straight to the point. Alam ko’ng matagal na kayong magkaibigan ni Justin and you’ve been living in the same roof for quite some time. I just want to make it clear that what Justin and I have right now is something serious and I intend to keep it that way as long as possible. I won’t let anything or anybody interfere in our relationship. I would be a hypocrite if I say that I’m fine with you staying in my boyfriend’s house. If there is one person who has the right to live with him that would be me, don’t you think?”

Walang naitugon si Amanda. Hindi niya inaasahan ang ganoon mula kay Samantha. She seems very nice and understanding when she first met her.

“I know you’re smart enough to understand what I mean.”

Maliwanag pa ‘yon sa sikat ng araw. Gusto ni Samantha na umalis na siya sa bahay ni Justin.

“Ayokong magkaroon kami ng problema ni Justin dahil sa’yo. You’re his friend and I can’t do anything about it. Same as you can’t do anything about me being his girlfriend, right? We don’t have much choice but to like each other.”

“Amanda?”

Hindi pa tapos kumain si Amanda ay tumayo na ito at kinuha ang pinagkainan at dinala iyon sa lababo. Sinundan siya ng tingin ni Justin.

“Hindi mo naman kailangang lumipat.”

Kung pwede lang na sabihin ni Amanda ang totoong dahilan ay sinabi na niya iyon. Pero katulad ng sabi ni Samantha, ayaw rin naman niyang magkaroon ng problema ang mga ito nang dahil sa kanya.

“Ayaw ba ni Arthur na dito ka sa ‘kin nakatira? Gusto mo, kausapin ko siya?”

Umiling si Amanda at humarap sa kausap. “Walang kinalaman si Arthur sa desisyon ko, Justin. Walang problema kay Arthur.”

“And so, ano’ng problema?”

Ano ang problema? Bakit hindi si Samantha ang tanungin niya kung ano ang problema? “Walang problema.”

Iniwan ni Amanda doon sa kusina si Justin na nagtataka. Hindi niya maintindihan kung bakit bigla ang desisyon nito na lumipat. Wala naman siyang nakikitang maaaring dahilan kundi si Arthur.

 

About pagsintangpururot

dreamer, poet, writer, artist, traveler, believer

Talakayan

16 thoughts on “CHAPTER 7: My Lovely Chef

  1. ganun..

    Posted by nesilita | Enero 20, 2014, 7:52 umaga
  2. ganda

    Posted by Monique | Nobyembre 24, 2012, 5:44 hapon
  3. napa ka engot naman si justin…. duh….. next chapter na nga….😄

    Posted by prettii_ren | Abril 15, 2012, 8:50 hapon
  4. thanks thanks po! for reading and for the criticisms!

    Posted by cecilia | Nobyembre 11, 2010, 11:45 umaga
  5. wow!paganda na ng paganda ung story!
    grabe kaabang abang talaga kung anong mangyayari kina justin at amanda…
    next chapter na po…

    Posted by shon | Nobyembre 10, 2010, 2:15 hapon
  6. Hello Sis! Nung una parang boring ung Love Story ni Justine and Amanda.. kasi mas madami pang kwento or narrator ba un? siguro more exciting pa kung laging may scene ung dalawang bida specially ung “kilig moments” nila. Kahit magkaibigan naman meron paring sweet moments yan diba. Ooops! don’t take it as criticism, otherwise, take it as a challenge para mas husayan pa sa susunod…God Bless po!

    Posted by mary_guinto28 | Nobyembre 9, 2010, 9:23 hapon
  7. you know I can’t get enough of this story. Ang ganda! Sana araw araw ang posting hehe🙂

    Posted by gela | Nobyembre 9, 2010, 4:05 hapon
  8. Try lang po ng try. Malaki po ang future m s field na ‘to. Ü apir po sa lahat ng bumubuo ng TOP. Gow! Gow! Gow!

    Posted by Irish May | Nobyembre 9, 2010, 4:02 hapon
  9. ang ganda naman ng story..lagi kong inaabangan..

    Posted by cathy | Nobyembre 9, 2010, 11:02 umaga
  10. @shane – thanks a bunch!🙂

    @feiyuri – yes, please look forward! i hope magandahan ka sa mga twists ;))

    @pat – nung sinusulat ko ‘yung mga scenes with samantha, hate ko rin s’ya talaga! =))

    @ eizzy – oo nga, naisip ko rin, sana pala everyday ang posting, ano? ‘yung next story ko, makikiusap ako sa mga nakatataas kung pwedeng everyday.🙂

    @ joyjoy – oo nga e,😉

    @ irish may – sinubukan ko nang mag-pass noon sa isang publishing company pero bigo, hehe. try ko siguro uli next time. and i wanted rin to try screenwriting. pero kelangan ata don nag-aral ng screenwriting talaga haha!

    thanks sa comments guys, and thank you for reading!🙂

    Posted by cecilia | Nobyembre 9, 2010, 9:22 umaga
  11. Ang galing mo. Gusto ko ring gumawa ng mga ganitong kwento pero hindi ako makahanap ng malaking oras. Pagpatuloy mo lang. Bakit di mo po subukang mag-mainstream?

    Posted by Irish May | Nobyembre 9, 2010, 8:48 umaga
  12. Nkklungkot nmn aals n c amanda, huhu:(

    Posted by joyjoy | Nobyembre 9, 2010, 6:54 umaga
  13. ayy bitin talaga…wahhh sana mabilis din po mapost ung mga chapter.tnx tnx

    Posted by eizzy | Nobyembre 9, 2010, 12:28 umaga
  14. naging kontrabida si samantha ..
    kilig !
    hahah !
    can’t wait for the next chapter ..🙂

    Posted by pAt | Nobyembre 8, 2010, 8:29 hapon
  15. ouch. :((
    that is being selfish of samantha, and, pretending to be so nice and everything.
    i really love this story if not for arthur & samantha! can they just disappear?😄

    this is absolutely great! still looking forward for some twists in their love story.
    and finally, can’t wait for the succeeding chapters.

    Posted by feiyuri | Nobyembre 8, 2010, 7:36 hapon
  16. awww sana gumawa si justin ng hakbang.. i like amanda for justin😀
    love it .. ganda talaga .. keep up the good work😉

    Posted by shane | Nobyembre 8, 2010, 7:25 hapon

Ano ang iyong masasabi sa iyong nabasa?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

TOP Calendar

Nobyembre 2010
M T W T F S S
« Oct   Dec »
1234567
891011121314
15161718192021
22232425262728
2930  

Mga Istorya

Aming Nakaraan

%d bloggers like this: