binabasa mo ang...
Mi Odiosa Querida

MI ODIOSA QUERIDA-CHAPTER TWELVE

CHAPTER TWELVE

“Mmmm,”

“Mukhang ini-enjoy mo ang pagpapak sa kutsara mo a.”

“Ang sarap mo talagang mag luto. Sooo yummy!”

Tumawa ito.

Limang araw na mula nang dumating sila at hindi na rin nila pinag-usapan ang mga nangyari sa kanila nang unang araw nila sa Spain.

Madalas itong nasa labas habang siya ay pinagbabawalan naman nitong lumabas. Pumapasok lang ito pag kainan na.

Nung una nagsusungit pa ito, at halos walang oras na hindi sila nagbangayan, pero ngayon parang maganda ang mood nito.

“Oy, baka mapudpod ‘yang kutsara,” pagbibiro nito. Kanina pa kasi niya dinidilaan ang kutsarang hawak.

“Excuse me mister, hindi muriatic acid ang laway ko no’” pakunwaring pagtataray niya.

Tumawa ito, “To that I shall agree,”

“Aba dapat lang”

“Sige na, iyang nasa pinggan mo ang kainin mo, ‘wag ‘yang kutsara mo”

“Hmp, inggit ka lang!” inirapan niya ito. “Palibhasa, nahihiya kang papakin iyang kutsara mo.”

Tumawa ulit ito.

“Namiss ko tuloy si Gale, yung best friend ko. Ang sarap sarap kasi niyang magluto e. Kaya kung wala ako sa bahay andun lang naman ako kila Gale at nagpapaluto ng kung anu-ano sa kanya.”

“Sana nag share ka rin ng pambili ng mga pinapaluto mo,” nang-aasar ito at hindi nang-uuyam.

“Ayaw naman ni Gale ng ganon. At saka matindi ‘yon makapagsermon kaya hindi ko kinokontra,” tumingin siya kay Rave nang may naisip. “Come to think of it, para rin siyang si kuya in so many ways.”

“Interesting pair huh,” mahinang sabi nito bago pinagtuunan ng pansin ang pinggan nito..

“Rave?” inilapit niya ang mukha rito.

“Yup.” nakayuko ito at nasa pinggan parin nito ang atensyon, still smiling.

“Can you be my wife?”

Napatingin ito bigla sa kanya. “What?!”

“You look horrified. Am I such a bitch to marry?”

Kumunot ito. Nagdilim nanaman ang mga mata nitong abuhin. Nitong mga nakaraang mga araw ay nakikita niya ang pagbabago sa kulay ng mga mata nito kapag nagagalit, or that time when they nearly have sex. Umiitim ang mga iyon.

“O, wag ka nang magalit, jowkness lang naman yun e.” baka magalit nanaman ito.

Ngumiti ito. “Not if you ask me to be your husband not your wife,

She giggled, “I just thought ‘wife’ will be more appropriate, ‘coz you’re gonna be in the kitchen… all the time.”

“I don’t think so.”

“All right, can you be my cook then? Mag-apply kang kay kuya. What is so funny? Oh, stop laughing at me, I’m serious.”

“Mabibilaukan ako sa ‘yo. Alam mo bang ang kuya mo ang nagturo sa aking magluto?”

“You’re kidding, right?”

“No, I’m not”

“Oh, I can’t imagine King James, that’s what Gale and I call him… I can’t imagine him in an apron… holding a ladle or…”

“Fixing the table and washing dishes.”

“He does that?”

“‘Course he does.”

Kung ano-ano pa ang anpag-uasapan nila, smiling and laughing through their meal.

Tinulungan niya itong magligpit at maghugas ng pinagkainan, mga bagay na hindi niya ginagawa dati. Sa loob ng tatlong araw ay marami na itong mga bagay na naituro sa kaniya. Nagwawalis na siya ng sahig, nag-aayos ng pinagkainan, naglalaba ng undies, naghuhugas ng plato, lahat ng iyon ay dahil sa pang-aaway ni Rave. Naghuhugas din naman sila ni Gale ng mga pinggan noon pero ang totoo, taga nood lang siya, si Gale lang naman talaga ang naghuhugas ng plato.

Masaya naman siya kahit papaano. Come to think of it, hindi man lang siya nagtangkang tumakas para makalabas e kung tutuusin pwedeng pwede naman siyang makalabas. Hay ano na nga kaya ang pinakain sa kanya ni Rave at isang salita lang nito ‘your wish is may command’ na ang drama niya ngayon samantalang kamakailang lang nagtatalo pa sila.

Pagkatapos sa kusina ay tumuloy sila sa sala at nanood ng balita. Nakagawian na nila iyon. Ugali kasi nitong manood ng 8 o’clock news at siyampre pa nakikisama na rin siya.

“Time for bed.” sabi nito nang matapos silang makapagligpit sa kusina

Yay! Bed daw Naya, o, pang-aasar ng makulit niyang utak.

“Ni hindi pa nga lumulubong si haring araw, gusto ma nang matulog,” pagrereklamo niya. Gusto pa niya itong makasama.

“E ano pa ang gagawin mo dito? Manonood ka ng pelikula sa HBO?” tumingin ito sa kanya.

“Er, I’m not sleepy yet,” reklamo nanaman niya.

Huminga ito ng malalim. “How about going to the beach?”

“Oh! Yeah, sure,” sabi niya at tumayo na. “Makakalabas na rin ako.” sabi niya sa sarili.

Tumayo na rin ito at iiling iling na iginaya siya sa pinto.

Nang makalabas sila at makita ang dagat, hinamon niya itong magkarera sila papunta doon. At syempre pa nauna ito.

Hinihingal sila pareho nang makarating sa buhanginan.

“Hu! That was fun,” naghahabol parin ito ng hininga.

“Yeah!” sabi niya at naupo sa buhangin. “Can we do this every night?”

Naupo ito sa tabi niya. “Baka pagsawaan mo lang.”

“Hindi a, basta ikaw ang kasama ko,” sumandal siya dito bago pa niya naisip kung anong sinabi’t ginawa niya. Patay…

“Sige, kung iyan ang gusto mo e,” inakbayan siya nito.

Lord sana hindi na matapos ang mga sandaling ito, piping hiling niya.

Pinaikot niya ang mga kamay niya sa bewang nito at tumingin sa papalubog na araw. Susulitin na niya ang sandaling ito. Aba, minsan minsan lang ‘to ha.

Mayamaya pa ay huminga ito ng malalim, namalayan nalang niyang yakap yakap na siya nito.

Ah, heaven, pagdiriwang ng puso niya.

Heaven ka dyan, batukan kaya kita, akala mo naman papatulan ka niyan, kontra naman ng konsensya niyang pakialamera.

Pakialam mo ba?

“What?” tanong ni Rave. Napalakas pala ang pagkasabi niya sa iniisip.

“Wala, ang sabi ko malamig,” pagpapalusot niya.

“Then let’s get you inside.”

“Ah… mamaya na,” kasi naman ayan broken na ang spell.

“Pasok na tayo, Camille masyado nang malamig. Besides kanina pa lumubog ang araw.”

Wala na siyang nagawa nang tumayo ito at hatakin siya. Nang magsimula itong maglakad ay akala niya bibitiwan na nito ang pagkakahawak sa kamay niya, akala lang niya iyon. Magkahawak-kamay silang naglakad pabalik ng building nila.

Uy, crush din siya ng crush niya, panunukso ng isip niya.

Wish mo, at siyepre pa lagging may kontra.

Sumunod ito hanggang sa silid niya.

“Sige na tulog na.” Iyon lang at iniwan na siya nito.

Ay, hindi ba ito sasama hanggang sa bed niya? Naalala niya ang mainit na tagpo nung unang araw nila, well hindi pa siya makatiming ng magandang tiyempo para gawin ang pinangako niya sa sarili nang araw na ‘yon. Masyado kasing mabait si Rave nitong mga nagdaang araw e, ayaw niyang magalit o mailing nanaman ito sa kanya.

Si Rave lang ang laman ng isip niya hanggang makatulog siya.

About kuletnimbles

Cute

Talakayan

15 thoughts on “MI ODIOSA QUERIDA-CHAPTER TWELVE

  1. sarap nman nung kutsara hhehehe,.ng date cla sa tbing dagat hayyyyy

    Posted by aileen | Oktubre 1, 2013, 12:00 umaga
  2. hehehe super cute nilang dalawa

    Posted by jjhuls | Disyembre 4, 2012, 3:05 hapon
  3. hahaaayyzz ganda naman nun.. manunuod kayo ng sunset kasama ng mahal mo

    Posted by itsgonnabeme | Disyembre 31, 2010, 6:38 hapon
  4. weeeeeehhhh…:D

    Posted by jeh089 | Disyembre 29, 2010, 8:34 umaga
  5. yeee. ang TAMIS! :))

    Posted by angel_YL | Disyembre 4, 2010, 5:47 hapon
  6. ask ko lang po, anong araw ang posting ng chapters? i like the story ’cause it’s somewhat new to me. that’s why i’m really after the schedule of posting, inaabangan ko kasi.😄

    ♥ yuri ♥

    Posted by feiyuri | Nobyembre 8, 2010, 7:56 hapon
  7. Waahahha I’ve waited for this chapter to be post. pero bitin pa rin..Thanks sa post…

    Posted by nely | Nobyembre 8, 2010, 10:06 umaga
  8. cute ! excited na ako sa next chapter :]

    Posted by shemme | Nobyembre 7, 2010, 5:55 hapon
  9. ang ganda… kabitin… nxt chapter na po. hihi

    Posted by bon | Nobyembre 7, 2010, 3:59 hapon
  10. haha !! ang kulit naman … sana 2 times a week ang posting nito …. >.<

    Posted by xxBunZxx | Nobyembre 7, 2010, 10:14 umaga
  11. waaahhhh ganda naman…kabitin talaga.

    Posted by eizzy | Nobyembre 6, 2010, 11:50 hapon
  12. Ang cute…..i want the nxt one na….

    Posted by April<3 | Nobyembre 6, 2010, 10:33 hapon
  13. Ganda nakakakilig.!!
    kaya lang bitin..pki blis nman po ung pagpopost ng nxt chapter..tnx
    God bless😀

    Posted by Blazed | Nobyembre 6, 2010, 4:16 hapon
  14. next chapter again please….thanks

    Posted by oxann | Nobyembre 6, 2010, 4:05 hapon
  15. funny nmn^^

    Posted by lya codera | Nobyembre 6, 2010, 3:01 hapon

Ano ang iyong masasabi sa iyong nabasa?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

TOP Calendar

Nobyembre 2010
M T W T F S S
« Oct   Dec »
1234567
891011121314
15161718192021
22232425262728
2930  

Mga Istorya

Aming Nakaraan

%d bloggers like this: