binabasa mo ang...
My Pretty Boy

My Pretty Boy – Chapter 8

“Thank you for calling in our network Mam! again have a good night” pamamaalam nya sa kanyang recent customer. Pagkatapos nang ilang linggong pakikipag-buno sa kanyang manager ay nakumbinsi niya rin ito na wag nang magbantay sa kanya at bigyan siya nang maluwag-luwag na schedule. Ilang linggo rin niyang na-miss itong ginagawa niya .She didnt know why pero komportable talaga siya sa pagiging call center agent. Di kasi gumagamit nang mukha at tsaka parang ordinaryong tao lang siya. Ini-adjust niya ang kanyang wig. Kailangan kasi niya yun para di siya makilala. Agad siyang tumayo at lumabas sa building para bumili nang pagkain.Paglabas na paglabas niya sa building ay agad niyang nakita ang ilang araw na niyang iniiwasang makita pero dakilang visitor naman nang isip niya. Nagdadalawang isip pa siya kung lalapitan ito pero parang may sariling isip ang mga paa niya at nilapitan ito.

“Hoy! Anong ginagawa mo dito? Tanong niya agad dito.As usual ay gwapo pa rin ito.”Kailan ka ba papangit sa paningin ko? Sa tuwing nakikita kasi kita lalo kang gumagwapo! Unfair talaga ang mundo!” .kalmado pa rin ang mukha nito.

“Sinisingil ko ang utang mo” kalamado pa rin nitong sabi

“Utang ko?” agad tumaas-baba ang kilay niya. Di ba sabi nito wala na siyang utang? Ba’t ba pabago-bago nang isip ito? Maloloka na siya ata! Para itong babae. Di ba babae lang ang may karapatang magbago nang isip?

“Oo” simpleng sagot nito

“Di ba wala na akong utang?” na-iinis niyang sabi

“May sinabi ba akong ganon?”

“OO—“ nagulat siya nang bigla nitong hatakin ang kamay niya patungo sa restaurant na malapit. She didn’t know why but it felt so nice when he hold her hand. “Hmm! Nice! Pero bigla namang kabig nang isip niya.Duh! Di ba galit ka sa kanya? Luka-luka ka talaga! Saan galing yung nice?”

”Ba’t ba makakalimutin ka? Sabi mo wala na akong utang ngayon meron na? Ano ba talaga lolo na nagtatago sa katawan ng isang napakagandang lalake?” naiinis niyang tanong dito

“Wala akong naaalala na binawi ko yun” seryosong sabi nito
At gagawin pa siya nitong may memory gap? “Ewan! Kausapin mo sarili moh!” hili-hila pa rin nito ang kamay niya.bigla siyang napadako sa magka-hugpong na kamay nila. “Hwag mong bibitawan ang kamay ko, pag binitawan mo babatukan talaga kita!” pero sa pagkadismaya niya ay binitawan nito pagdating nila sa entrance

”San mo gusto umupo?” tanong agad nito

“Manhid ka!” bigla na lang lumabas sa bibig niya ang mga salitang yun.

“Ahm…i mean..ahhhh..” wala na siyang salitang mailabas sa bibig niya.
“Ba’t ganun parang nawala ata lahat nang pinag-aralan ko pagkaharap ko ang unggoy na ito? tsaka kanina sabi ko galit ako sa kanya ngayon ayaw kong bitawan niya ang kamay niya, ito na siguro ang resulta nang madalas kong pakikipag-usap sa sarili ko” at sa kadahilanang wala siyang masabi rito ay agad siyang nagmadali patungo sa table na nakita niya.

“Nagmamadali ka ba?” bigla nitong sabi nang makapunta na ito sa mesa nila. Inirapan niya lang ito tsaka binutingting ang mabubutingting dun. Agad namang dumating ang waiter kaya may distraction na sila

“Anong gusto mong orderin?” tanong nito

“Ikaw nang bahala basta masarap”
Tumango lang ito tsaka sinabi ang order nila. Agad ding umalis sa harapan nila ang waiter. Ini-adjust niya ulit ang wig niya tsaka tahimik na umupo ngunit di niya matiis ang katahimikan kaya nag-open siya nang topic

“Talaga bang ganyan ka?”

Na?”

“makakalimutin?”
Hindi nito siya pinansin bagkus tinitigan lang siya nito

“Okay fine, iba na lang. Ba’t mo ba ko dinala rito tsaka ba’t ka naniningil? Tsaka may sayad ka ba? Sabi mo kalimutan ko na lang na may utang ako at ang yaman mo kaya, alam mo bang mahal ang oras ko?”

“Magkano ba ang oras mo?
Napangisi siya.

“Isang isla, kaya mo?” nakangisi niyang sabi “tignan ko lang kung masakyan mo ang sayad ko,bwahahaha”

“Anong isla ang gusto mo? Sabihin mo lang”
Nagulat siya. Hanga siya rito,sinasakyan ang pagka-praning niya.

“Wag na lang, nagbago din isip ko tsaka mabalik tayo sa tanong ko. Ba’t
ka ba naniningil? Sa tingin ko ay wala kang sayad tsaka sa pagkaka-alala ko ay sabi mo wala na akong utang tapos ngayon meron na? Ano ba talaga kuya? Alam mo bang babae lang ang may karapatang mag-iba nag isip tsaka sumusobra ka na ha bigla ka lang nanghahatak.” mahaba niyang litanya

“Hay! Talaga bang di pwede tayong mag-usap nang hindi nag-aaway at tumataas ang tono?” tanong pa nito
Nakonsensya siya. Ba’t kasi big deal yun sa kanya?

“Tsaka di lang kayong mga babae ang may karapatang magbago nang isip. Lahat nang anak nang Diyos may karapatan. Wala sa gender.” Dugtong pa nito
Tumaas ang kilay niya sa sinabi nito. Pero may punto ito”

“Oo na. Oo na. Suko na ko.. sige na ako na ang magbabayad para wala na akong utang tsaka nagugutom naman talaga ako kaya okay na rin ang timing mo.” Pagpapalusot niya
Tahimik lang ito tsaka tinitigan siya.

“Huwag mo nga akong titigan na parang isda na bibilhin mo” naiilang na sabi niya

“Isda ka naman talaga,di ba?” Pang-iinis pa nito. Nag-panting ang tainga niya, inirapan niya ito. agad namang dumating ang mga pagkain kaya tumigil ang pag-aasaran nila. Habang kumakain ay hindi niya mapigilan na tumingin dito. Kahit kumakain ito ay swabe pa rin ito. may elegance pero siya subo lang nang subo kaya hayun nabulunan siya. Agad siyang umubo. Di niya na namalayan na nasa likuran na niya ito at hinihimas ang likod niya. Agad siyang pinainom nang tubig

“Hinay-hinay lang kasi,di ka naman mauubusan” sermon nito

“Pasensya na ha,gutom lang” she said sarcastically .
Tumango lang ito tsaka umupo sa upuan nito nang okay na siya.Agad niyang inirapan ito tsaka tinignan ang relo niya. Malapit na pala matapos ang break niya! Agad niyang binilisan ang pagkain. Nahalata naman nito ang pagmamadali niya kaya agad ito nagtanong.

“Ba’t ka ba nagmamadali? ” nagtataka nitong tanong

“Mhalapitnamatapohsbreakkoh” wika niya na may pagkain pa sa bibig

“Ano? Kainin mo kaya muna yang kinakain mo para maintindihan kita” nalilito pa nitong sabi
Agad niyang nilulon ang pagkain tsaka nagsalita

“Ang sabi ko, malapit na matapos ang break ko”

“Eh di hwag mo nang ubusin yang pagkain mo,sa palagay ko naman ay busog ka na.” Simpleng sabi lang nito

“Hindi pwde, tinuruan kami na ubusin talaga ang pagkain na inihanda” apela naman niya

“Ipa-take out na lang natin kaysa kabagan ka pa dyan,mas malala yun”

“O Siya siya” sabi niya saka taas nang kamay.”suko na ko ulit”

“Di naman tayo nag-aaway, ba’t ba parati mo na lang sinasabi na suko ka na? Di to giyera” wika pa nito

“Opo lolo” sabi niya tsaka bumuntong hininga.
Tiningnan lang siya nito tsaka agad tinawag ang waiter at ibinagay ang bill nila. Hinintay nila sandali ang pagkain na ipinabalot tsaka lumabas and again hawak na naman nito ang kamay niya. Tinitigan niya lang ang kamay nila. Nahalata ata nito kaya tumingin din ito sa direksyon nang kamay nila.

“Baka kako nalalamigan ang kamay mo” biglang sabi nito. Di na siya nagsalita bagkus ay nagpatinaod na lamang siya. Di niya alam kung bakit pero gumagaan ang pakiramdam niya basta kasama niya ito. wala lang basta masaya siya. Parang wala siyang pasan na problema kahit may kasalanan pa ito sa kanya .“Aminin na kasi, may pagnanasa ka sa akin kahit kaunti” biro niya rito tsaka tinapik-tapik ang balikat nito.
Di niya inaasahan na ngingiti ito sa kanya!

“May himala!” natatawang sabi niya sa kanyang isip.

Talakayan

One thought on “My Pretty Boy – Chapter 8

  1. Haha

    Posted by eli | Nobyembre 10, 2013, 10:59 umaga

Ano ang iyong masasabi sa iyong nabasa?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

TOP Calendar

Nobyembre 2010
M T W T F S S
« Oct   Dec »
1234567
891011121314
15161718192021
22232425262728
2930  

Mga Istorya

Aming Nakaraan

%d bloggers like this: